Part 13

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Jusko, siguraduhin lang sana ni Lord na pagpapalain tayo. Nakakapagod palang mag-community service!” Reklamo ni Ning nang makasakay na kami sa jeep pabalik ng campus.

 

Nakakatawa ang itsura ni Giselle dahil halata namang hindi siya sanay na mag-commute. May hawak-hawak na tissue at bawal daw siyang mapawisan. Ang laki rin ng dala niyang alcohol.

 

“Ginusto natin ‘to. Tsaka hindi naman lagi, ngayon na lang ulit.” Sagot ko, pero deep inside ay napagod din talaga ako sa ganap namin ngayong weekend.

 

Nagpunta kasi kami sa isang small community of farmers sa may Bay, Laguna bilang part ito ng project ng org namin ngayong sem. Determining the farmers’ needs para mas matulungan sila in an effective way.

 

Three months ago, napagdesisyunan naming tatlo nila Giselle at Ning na sumali sa Padayon Org—isang org for volunteerism. Na-recruit din namin si Ryujin pero wala siya ngayon dahil may review daw sila ng roommates.

 

So far ay nag-eenjoy ako sa mga ginagawa sa org. Nakakataba lang ng puso na nakakatulong ako sa mga kapwa ko rin na medyo kapos sa buhay.

 

Marami rin kaming mga nakilala nila Ning na members. Surprisingly, hindi na ako kasing shy type compared dati. Nakatulong din yung subjects ko this sem dahil puro speech communication kaya no choice naman.

 

Masasabi ko rin na malaking tulong itong org sa growth ko hindi lang as a student sa UPLB pero pati na rin as a person in general. Nakatulong din kasi ito dun sa naging falling out namin ni Minju nung January.

 

After kasi ng nangyari sa amin, akala ko babalik nanaman ako sa dati na palagi lang magmu-mukmok at mag-ooverthink. Yung... ano nga bang tawag dun? Ayun, "sad girl".

 

Well, siguro sa first few weeks eh nalungkot talaga ako at palagi ko siyang iniistalk o kaya naman umaasa na kakausapin niya ulit ako dahil nagbago ang isip niya.

 

But as time went by, narealize ko na talagang final na yung decision niya. Nagpalipat pa nga siya ng section dun sa isang subject na magkaklase kami. Para bang allergic sa akin bigla. Grabe lang.

 

Ganon na lang niya ako ka-gustong iwasan. Nakakainis at nakaka-bitter kasi para bang wala kaming pinagsamahan. Pero kung ‘yon ang ikakatahimik ng buhay niya, wala naman akong magagawa.

 

Just like nung gabi na nag-try akong i-convince siya na bigyan ako ng chance to prove my feelings—wala rin akong nagawa.

 

“Gosh, it’s so hot.” Pag-iinarte ni Giselle, “Let’s head sa Bonitos. Gusto kong kumain don.”

 

Magrereklamo pa lang ako nang pandilatan agad ako ni Giselle, “Shut up. Treat ko na lang. Ayoko sa Ken’s, Winter!” Natahimik na lang ako. 

 

Natawa si Ning sa tabi niya at pasimpleng sumandal kay Giselle, “Gusto ko yung cheesecake sa Bonitos..” Parang gusto kong tumalon sa jeep dahil sa pabebe niyang tono sa isa naming friend.

 

Tinignan siya ni Giselle at nag-baby talk din ito, “Okay. I’ll buy you three cheesecakes.” She pinched yung cheek ni Ning.

 

Okay, aaminin ko, cute sila. Over the last few months, lagi naman silang ganito kaya I’m used to it. Hindi ko na lang sila tinatanong ano bang ganap nila dahil ayoko namang mag-pry.

 

Saktong lunch time nang makarating kami sa Bonitos kaya jam packed yung restaurant. May isang table na free kaya umupo kami kaagad bago pa maunahan nung mga bagong dating.

 

Hindi namin napansin yung dalawang babae sa katabing table namin until batiin kami, “Hello, batchmates!”

 

Nagkaron tuloy ako ng flashback three months ago dahil sa boses niya.

 

“Minju. Who’s that?”

 

Nilingon naming tatlo yung dalawa sa kabilang table. Si Minju at Yujin. Bumati pabalik si Giselle at Ning, kahit ako ay tipid na nginitian si Yujin.

 

Hindi na ako nagtangka pa na tumingin kay Minju at baka mamaya eh magpalipat pa siya ng table katulad ng pagpapalipat niya ng section nung na assign kami as seatmates dun nga sa isang subject.

 

Ngayon ko nga lang ulit siya nakalapit sa loob ng halos apat na buwan. Hindi naman ako ganon ka-tensed.

 

“Anyways,” sabi ni Giselle habang pinagpapatuloy ang pag-browse sa menu, “Ako na oorder for us. Usual lang naman kayo right?” Tumango lang kami ni Ning. Pareho kaming favorite ang calderetang Batangas dito sa restaurant.

 

“Win nanghihiram pala ng notes si Mark. Notes mo raw yung gusto niya.” Malokong sabi ni Ningning, “For sure nagpapa-cute lang sayo ‘yun.”

 

Si Mark yung isa naming orgmate. Mabait naman siya, maloko lang at pala-biro. Palagi rin nagpapa-cute sa akin pero hindi ko naman pinapansin ang pagpapa-pogi nito.

 

Ang lakas naman ng tawa ni Giselle sa sinabi nung isa, “Right? Like bakit siya pa-cute nang pa-cute sayo, Winter? You’re so gay kaya!” She exclaimed.

 

Nilakihan ko siya ng mata, “Sige i-announce mo pa. Bwisit ka..” Nahihiya kong sagot. Napatingin ako sa paligid at baka may nakarinig. My eyes landed kay Minju at pansin kong nakatingin na siya sa akin. Malamang eh naririnig yung pinagsasasabi nung dalawa.

 

Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya.

 

“Sabi ko nga kay Mark wag nang umasa at self-love ang agenda ni ate mo Winter ngayong sem. Natakot na si teh magkagusto. Diba Win?!” Nag-wink pa sa akin si Ning.

 

Ang ingay nila… Bakit hindi sila mag-megaphone...

 

Napahawak na lang ako sa nag-iinit kong batok, “Oo na. Ang ingay niyo. Wag niyo na akong pag-usapan.” Nakakainis ang pag-spotlight nila.

 

Pero kahit naman sobrang mapang asar nilang dalawa sa akin, sila yung nandiyan after nung nangyari sa amin ni Minju.

 

Sa kanila agad ako dumerecho at nagsabi ng mga saloobin ko. Nagalit pa nga sila dun sa isa dahil wala pa nga raw ganap sa aming dalawa eh ang dami na niyang inassume sa akin na masama.

 

Hindi naman ako nagdalawang-isip na ipagtanggol din si Minju dahil alam ko naman na may reasons siya bakit umayaw at hindi ko ito masisisi. Hindi ko rin siya mapipilit. Pero ayun nga, nakakalungkot lang talaga.

 

Hindi na lang din ako nag-dwell sa nangyari at ginugol ko na lang ang oras ko sa acads, sa family ko, pati na rin sa bago kong org at kina Giselle at Ning.

 

"Tito is asking pala kung gusto mong mag-gig ulit."

 

Tumingin ako kay Giselle at mabilis na tumanggi, "Baka hindi muna. Okay na ako dun sa pagtu-tutor. Okay din yung pay sa akin ng parents nung bata."

 

Sumabat si Yujin bigla, "Oh wala ka na pala sa Tresto? Kaya pala when we went there, wala nang acoustic gig." Tumingin siya kay Minju na busy lang sa pagkain ng pasta.

 

Bakit ba siya nakikisabat sa usapan ng may usapan...

 

"Ah, oo. Matagal na akong wala don." Sinagot ko na lang din siya para hindi mapahiya.

 

"How's Kars pala? I haven't seen her around. Inactive na rin ako sa org eh. Active ba ulit siya?" Tanong nanaman ni Yujin. Medyo madaldal siya ha.

 

Nag-shrug lang ako, "Hindi ko alam eh."

 

"Yeah we haven't talked to her for months. Right, Win? Iba rin kasi ng subjects." Dagdag ni Giselle. Napansin ko yung paglingon ni Minju sa direksyon namin.

 

Sa wakas ay dumating na rin yung pagkain.

 

We were all just eating in silence, halatang nagutom sa activity ng org kanina. Medyo naririnig ko yung usapan ni Minju at Yujin sa kabilang table dahil nga ang lapit lang ng pagitan namin sa kanila.

 

"You okay?"

 

"Yeah, Yujin. Stop asking me that."

 

"Just making sure. Sungit mo ha."

 

Nadistract ako dun sa dalawa kong kaibigan na kanina pa nagsusubuan ng kani-kanilang pagkain. Hindi na lang kumain nang maayos, puro landi ang inuuna.

 

Tumunog ang phone ko at chineck ko kaagad ang messages. Baka kasi ito na yung ka-pair ko sa isang subject na hindi man lang tumutulong masyado sa paper namin.

 

Yuna: Ate nakita ko yung lumang sim mo dito sa kwarto. Nahulog pala sa likod ng drawer. Tapon ko na ba?

 

Me: Wag mong itapon kailangan ata ni Mama yan. Patong mo lang diyan, kunin ko mmaya.

 

Napaka-ano kasi ni Aling Aira, dun pa rin daw nagse-send ng messages sa luma kong number. So tingin ko naman active pa yung sim.

 

Nagalit kasi si Mama sa akin at gusto na raw siyang alisin sa paluwagan dahil nga hindi nagre-reply sa messages. Sabi na nga kasing nagpalit ako ng number! Ang kulit naman ng budhi ni Aling Aira.

 

"Winter we're going dun sa counter so we can choose cakes." Tumayo sila ni Ning matapos kumain.

 

"Sige kayo na lang, mag-CR lang ako maya-maya." Hinayaan ko na lang silang pumunta don at naiwan saglit sa table, nag-check na lang ako ng emails at ng mga nakasulat sa planner ko.

 

Ang dami pang requirements at kailangan reviewhin pero kaya ko naman siguro. Pupunta na lang ako sa library sa Monday at wala akong pasok non. Hindi kasi ako makapag-review nang ayos sa bahay dahil ang init.

 

Tumayo ako at pumunta sa CR habang nagpo-phone. Ang ingay ni Yuna sa inbox, kung ano-anong tine-text sa akin about daw sa teacher nila na naniningil ng five pesos araw-araw para sa electric fan.

 

Sa pagce-cellphone ko ay hindi ko napansin si Minju na nasa CR, nakapila at nag-aabang din sa cubicle. Nagdere-derecho ako sa kanya at nabunggo ko ang likod.

 

"Shet, sorry." Pagpapasensya ko. Medyo naamoy ko yung pamilyar na pabango niya.

 

Lumingon siya at nagulat nang makita ako, "O-oh, it's okay."

 

Binigyan ko siya ng distansya at lumayo sa kanya. Baka mamaya uncomfortable pa siya sa presence ko. Nakakahiya naman, baka magpalipat ng banyo.

 

Kinuha ko na lang ulit yung phone ko para magpaka-busy. Ang tagal naman nung tao sa cubicle... Tumatae ba siya?

 

"Kamusta?" Napatigil ako sa pag-scroll sa photo gallery.

 

I looked up from my phone at tinignan si Minju, "Okay naman." Ang rude yata kung hindi ko siya tatanungin pabalik, "Ikaw ba?" Pahabol ko.

 

"I'm okay." Binigyan niya ako ng matipid na ngiti.

 

Nakita kong lumabas na yung tao sa cubicle kaya tinuro ko ito kay Minju, "Ikaw na next."

 

"Ah. Yes, sige.." Nakakapabinago yung pagkamahinhin niya. Tsaka bakit niya ako kinakausap? Although wala naman problema. Baka lang kasi napipilitan lang siya, eh okay lang naman na hindi niya ako pansinin.

 

Sa totoo lang, for the last few months, mas natutunan ko na lang na intindihin muna ang sarili ko at enjoyin na lang ang dalawang taon na natitira sa college life.

 

I barely enjoyed high school dahil nga wala ako masyadong friends—si Karina lang. Tapos nainlove pa ako sa kanya. Then nitong nakaraang buwan sa college, na-reject naman ako ni Minju.

 

Natatawa na lang ako minsan. Baka malas ako sa love life. Ayoko na lang munang intindihin ang mga ganong bagay. Hindi naman katapusan ng mundo kung hindi ako magkaron ng girlfriend.

 

Lumabas na si Minju sa cubicle at ako naman ang pumasok without giving her much attention, simpleng ngiti lang just to acknowledge her presence again.

 

“Ang tagal mo naman.” Sabi ni Ning pagbalik ko ng pwesto namin. Wala na si Minju at Yujin sa kanilang table, baka umalis na.

 

“Eh ang tagal nung isa sa CR eh. Jumebs na yata don.” Nakita kong ubos na nila yung cheesecake at nakapag-bill out na, “Tara na. Need ko na umuwi.. Thanks pala sa libre, Gi.” She just shrugged it off, sanay na sanay gumastos talaga ito sa kung saan saang bagay. 

 

Nagpaalam na ako dun sa dalawa at umuwi na.

 

Tatambay pa raw si Ning kina Giselle at pupunta din doon si Ryujin para mag-aral for next week's exams. Malapit na rin ang final lecture exams kaya lahat kami ay busy sa kanya-kanyang subjects.

 

Sa Monday na lang ako puspusang mag-aaral. Rereviewhin ko kasi si Yuna buong weekend para sa upcoming UPCAT examination niya ngayong taon.

 

 

 

 

 

 

Akala ko porket Monday ay walang tao masyado sa main library. Ang kaso lang, punong-puno ngayon ang study area at halos wala akong maupuan. Para tuloy akong shunga na nakatayo lang dito sa gitna ng lib.

 

May naaninag akong table na iisa lang ang nakaupo sa may bandang dulo kaya lumapit ako. Balak kong maki-share na lang. Mabuti nga eh nabawas-bawasan na rin talaga pagiging anti-social ko.

 

“Uhm, okay lang po maki-share?” Humarap siya sa akin. Hindi ba ito yung childhood best friend ni Karina…

 

Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis, “Hello! Ikaw si Winter, right?” Ay natatandaan niya pa ako? Kaso hindi ko matandaan ang pangalan niya.

 

“Oo. Ikaw si—”

 

“Hyewon, hindi ko makita yung book.” Rinig kong sabi ni Karina sa may likod. Laking gulat niya nang mapansin ako dito sa table nila, “Win. Hey. Long time.”

 

Nginitian ko siya. Ang tagal na nga nung huli ko siyang makita. Nakakasalubong ko sila nila Yeji sa campus minsan pero that’s it. Wala naman na kaming interactions talaga since Baguio happened.

 

“Uy. Musta?” Casual kong tanong. Wala namang pagiging uncomfortable or kung ano mang weird feeling akong naramdaman, “Pwedeng maki-share ng table? Wala kasi akong maupuan..” Napakamot ako sa ulo.

 

Si Hyewon ang sumagot, “Sure! Kakaalis lang ni Yeji so keri lang naman tayo ditong tatlo.” Kung makangiti siya, parang close na close kami. Sobrang jolly at friendly pala nito.

 

“Yeah, Winter. Go lang. Here, dito ka sa tabi ko.” Dagdag ni Karina. Andami kasing nakapatong sa katabing chair ni Hyewon kaya yung chair next to Karina yung available.

 

“Thanks.” Naupo na ako at inayos ang mga dalang review materials. Tinitignan ko pa lang yung readings, nahihilo na ako.

 

Mag-uumpisa pa lang akong magbasa nang daldalin kaagad ako ni Hyewon, “Com Arts ka rin diba? Civil Eng ako.”

 

Sinaway siya ni Karina agad, “She’s studying. Ang ingay mo.” Natatawa niyang sabi. Humarap sa akin bigla, “Continue reviewing, Win.”

 

I chuckled nang mahina, “Okay lang. Oo, Com Arts. Same kami ni Karina.” Sana hindi niya na ako daldalin pa at ang dami ko ngang aaralin. Hindi naman ako nagpunta sa library para chumika. 

 

“You’re so pretty. I heard a lot about you from Karina here.” Pinandilatan siya ng katabi ko pero hindi ito natinag, “What? She is!" Direkta niya kay Karina at humarap muli sakin, "Anyway, single ka ba?”

 

Ay, ano ba ‘to? Slam book? Ang daming nangyayari.

 

“Uhm..”

 

Si Karina ang sumagot para sa akin, “Shut up, Hyewon. Wag mo na siyang guluhin. And she’s not single.” Pag-irap nito sa kaibigan.

 

Mabilis ko siyang nilingon na nakakunot ang aking noo, “Huh?”

 

She looked at me in confusion at parang nawirduhan pa sa pagtataka ko, “Aren’t you with Minju? Diba?” Saan nama

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
0 points #1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 0 points #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 0 points #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 643 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche #7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche #8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance