Part 25

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Sobrang busy ni Karina sa acads lately.

 

Grabehan na rin ang pagka-miss ko sa kanya kahit tatlong araw pa lang kaming hindi nagkikita simula nung mag “hang out” kami sa kanyang apartment.

 

Well, nagkikita kami sa classes pero minimal interaction lang at pasimpleng sulyapan kapag hindi nakatingin ang prof.

 

Mas marami rin kasi siyang subjects this sem compared sa akin and as much as possible, ayaw niyang mag extend ng isa pang sem at matulad sa nangyari kay Yeji.

 

Naibagsak kasi ni Yeji yung ENG10 last semester kaya imbes na grad na siya, she extended her stay sa UPLB ng isa pang sem. Kaya rin siguro nag decide siyang mag semi-active sa SSDC dahil wala na halos siyang subjects.

 

Si Karina naman, mukhang hindi na tutuloy sa sayaw.

 

Parang puro Karina na lang laman ng utak ko ah...

 

Kasi naman...

 

 

Tapos na kaming manood ng EK vlogs sa youtube at nagkekwentuhan na lang kami. Halatang pareho namin na ayaw munang matapos ang gabi.

 

“Musta pala yung sa SSDC? Tutuloy ka pa ba sa sayaw? Busy ka yata lately sa acads..” Tanong ko sa kanya.

 

Naka sandal kaming dalawa sa headboard niya, pasimpleng lumapit ako sa kanya kanina and I can feel our toes touching sa ilalim ng kumot.

 

“Hmm..” I glanced at her at napatingin siya pabalik sa akin, “What do you think? Ituloy ko pa ba?”

 

Hala… Bakit niya naman hinihingi ang opinion ko about dito? Nakaka touch lang.

 

“Ikaw.. Uhm, kung anong gusto mo, Karina. Wala naman akong say sa ganyan.” Para akong kinuryente nang hawakan niya yung kamay ko under the sheets.

 

“I know. I just want to know your opinion..” Ngumiti siya and she started playing with my fingers, “Tingin mo keri ko?”

 

I got accustomed sa pag haplos niya ng kamay ko, “Tingin ko kaya mo naman. Pero..” I bit my lip. Para kasing nakaka ano naman na magbigay ng suggestion eh buhay naman niya ito. Pero sabi nga niya, gusto niya lang malaman ang opinion ko.

 

“Pero?” Malambing na ulit niya.

 

“B-baka macompromise yung acads and health mo. Ang dami mong subjects tapos stressed ka na kaagad di pa nangangalahati ang sem..” I said in all honesty.

 

Ngumiti siya sa akin ulit at nag kibit balikat, “Okay, then hindi ko na itutuloy. I trust your opinion.” Nagpigil akong mangiti, “And honestly, you’re right naman..”

 

“Next sem mo siguro ituloy kapag wala ka masyadong load sa acads..” Suggestion ko, “Para at least bago ka mag-graduate, nagawa mo ulit yung hobby mo.”

 

“Hindi na kaya yun ang hobby ko.”

 

Nagtatakang kinunot ko ang aking noo, “Ah iba na ba? Hindi na dancing? Ano na?” May iba pa ba siyang passion bukod don?

 

Ngumisi siya at inalis ang tingin sakin, “Holding your hand..”

 

Napakagat labi ako sa kilig na naramdaman. Ano ba yan… bakit naman ganon, Karina? Gusto kong suntukin yung kama niya bigla.

 

Pansin ko rin ang pamumula ng mukha niya, “Was that lame?” She asked, “Okay, ang lame ko yata. Sorry.” Nag-cringe pa siya.

 

“Hindi..” Mas hinigpitan ko ang kapit sa kanya, “M-mas okay nga sa dancing yung new hobby mo..” Nahihiya kong sabi.

 

Ang hirap naman magpaka sweet. Hiyang hiya ako. Pero napawi yung hiya ko dahil sa maluwag na ngiti ni Karina ngayon dahil sa sinabi ko, “You like holding my hand too?”

 

Itotodo ko na.

 

“Oo.. gustong gusto ko.” Muli kaming nagkatinginan at sabay bumaba ang mga mata namin sa labi ng isa’t isa.

 

Hindi ako makahinga dahil parang lumalapit siya… O ako ba yung lumalapit? Pareho kami? Ewan ko na.

 

Ang tindi ng pagkakagulat namin nang may kumatok sa pinto niya, “Karina! Open the goddamn door! Charot!” Si Hyewon ba yon?

 

Napa buntong hininga na lang siya, “That’s Hyewon. Wait lang..” Tumayo siya at pinagbuksan ng pinto ang kaibigan. Nami-miss ko na kaagad ang kamay niya.

 

“Hindi pala kayo natuloy ni Miyeon?! Pinepeste tuloy ako ni gaga! Bak—“ Napunta ang tingin niya sa akin at para bang may sudden realization na bumalot sa kanya, “Ohh.. Okay. That's why.” Humagikgik ito.

 

“We’re just— Uhm— Hanging out..” Nauutal na sabi ni Karina sa kanya. Huminga siya nang malalim at inirapan ang kaibigan, “And I don’t even know Miyeon. I don't like her. Umalis ka na!” Pagtataboy niya kay Hyewon.

 

Ngiting aso ang kaibigan niya na palipat lipat ang tingin sa akin at kay Karina, “Bye, liver lover girls!” Kumindat pa pahabol bago pagsarahan ng pinto ni Karina.

 

Hay nako. Paano ba siya natitiis ni Yeji?

 

Sinara na ni Karina ang pinto. I checked the time at halos 11pm na pala… Parang ang bilis lang ng oras kapag kasama mo yung taong g-gusto mo.

 

Tumayo na ako from the bed, napatingin siya sa akin, “Uwi ka na?” She puckered her lips. Ano ba… kahinaan ko na yata yun.

 

Tumango ako at lumapit siya sa akin, “Oo, medyo gabi na..” Pero ayoko pa talagang umuwi, “Mag sleep ka na rin.. Pagod ka ngayong araw diba?”

 

Umiling siya at tumingin sa baba, “I was.. Pero I got energized again..” She looked at me knowingly, “I’ll walk you hanggang gate.” Pag offer niya.

 

“Wag na, bababa ka pa.. Kahit hanggang pinto na lang.” Pagod na nga siya magpa-panhik panaog pa sa hagdan?

 

Ngumuso siya bigla, “Okay.” Hala…

 

Naglakas loob akong mag initiate na hawakan ang kamay niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko, “Hatid mo na ako sa pinto..” I pulled her, nakatalikod ako sa kanya.

 

Hindi pa rin kami nag bitaw kahit nakalabas na ako ng pinto, hinarap ko na siya ulit and she’s just looking at me softly, “Text me when you get home?”

 

Tinignan ko yung magkahawak naming kamay, “Okay..” Nag-aantayan pa kami kung sinong unang bibitaw.

 

Pareho kaming natawa, “Go na.” Sabi niya, pero naka-kapit pa rin naman sa kamay ko.

 

“Uhm.. naka hawak ka pa eh..” Nahihiya kong sabi, “Bitawan mo na ako para makaalis na ako.”

 

She squeezed my hand lightly, “I don’t want to.” Anu ba…

 

Nag vibrate ang phone ko sa bulsa. Tumaas ang kilay ni Karina when I suddenly let go of her hand para i-check, “Baka si Mama..” Sabi ko.

 

“Or baka si Olivia, asking you for a late night coffee date.” Mapang asar ang kanyang tono. Natawa pa siya dahil tinignan ko siya nang masama, “What?” She chuckled again.

 

“Ayoko ngang makipag coffee date sa kanya..”

 

She smiled, “Good.”

 

Aabutin yata kami ng alas dose dahil hindi na kami matapos tapos sa pagpapa alam sa isa’t isa.

 

Pero okay lang, kahit abutin pa ng ano… ng forever.

 

Nag cringe ako sa inisip ko.

 

Masyado akong pabebe.

 

 

“Ang hirap nitong paper na ‘to, shuta!” Pasigaw na sabi ni Ryujin. Muntik na kaming masita nung nagbabantay sa library.

 

“Tapos na ko." Mayabang kong sambit, "Madali lang kasi yung topic na napunta sakin.” I added, “Ano bang topic mo?”

 

Hinagod niya ang buhok at sinara na ang laptop, mukhang pagod na pagod. “Violence against women yung nakuha ko eh..”

 

“Masyado yatang broad. Baka pwede pang ipa-narrow down, ask mo na lang si Sir.. Feel ko naman papayag siya.” Medyo mahirap nga kapag sobrang broad ng topic tapos limited pages lang yung allowed.

 

Hindi siya sumagot at biglang lumapit sa akin, nakakunot ang noo, “Mag jowa ba si Yeji at Hyewon? Lagi ko silang nakikita around campus eh..” Biglaang tanong niya.

 

She sounds really curious too.

 

“Hindi ko alam eh.. Hindi yata sila? Baka ano, ano ba yun? MU? Uso pa ba yon?” Wala rin naman kasi akong idea kung official ba yung dalawa. Pero naalala ko yung sinabi ni Yujin… “Fubu yata?”

 

Halos mabilaukan si Ryujin sa iniinom na tubig, “F-fubu? As in..?”

 

“Siguro? May iba pa bang meaning yun?” Hindi siya sumagot, “Bakit mo pala natanong?” I asked curiously.

 

Pakunwaring umubo siya, “Wala naman. Hindi na kasi kami nagkaka-usap ni Yeji. Medyo ano.. ewan ko ba, siguro namimiss ko lang yung.. yung friendship namin.”

 

“Akala ko okay naman kayo?” Nag ayos na rin ako ng gamit.

 

Rinig yata ng buong library ang pagbu-buntong hininga ni Ryujin, “Oo okay naman talaga kami. We just really lost communication na. A few hi’s and hello’s, ganon. Mas nakakausap pa nga kita kaysa sa kanya."

 

Evident sa boses niya ang longing.

 

“Uhm..” Nag isip muna ako ng sasabihin, hindi naman kasi ako magaling sa mga ganitong advice, “Try mo mag reach out ulit, baka kasi ikaw lang din inaantay niyang mauna.”

 

Baka naka apekto rin yung pagkakalabuan nila ni Lia for a while dati sa pagiging malayo nila ni Yeji ngayon. Siguro umiwas na lang din si Yeji? Or ewan. Wala talaga akong alam sa drama nila.

 

Hay… namimiss ko na si Karina.

 

“Bahala na.. Sige una na ako, may klase pa ako. Pasabi pala kay Yujin makaka gora naman ako sa EK. Di ko pa sure if pwede si Lia.” Tumayo na siya at nagpaalam sa akin, "See you sa Friday. Gawa ulit tayo paper."

 

Naiwan akong mag isa dito sa table namin. Tinatamad pa akong lumabas dahil malamig dito sa loob at wala na rin naman akong class na.

 

Maitext nga si Karina..

 

Me: Hello po

 

She replied after five minutes. Baka nasa klase pa siya.

 

Karina: Hi :*

 

Ay…

 

May k-kiss..

 

Me: San ka? Hehe

 

Karina: Hum building. Still in class pero patapos na. Where ka? Have you eaten?

 

Siguro para akong shunga dito sa library, ngiting ngiti mag isa habang nakatingin sa phone. Samantalang yung iba, kunot na kunot ang noo sa pagka stress sa kung ano mang ginagawa nilang requirements.

 

Me: Di pa hehe kakatapos lang namin ni Ryu sa paper. Gusto mong kumain after ng class mo? :)

 

Karina: Yes please huhu parang gusto ko ng proben. And inihaw dun sa malapit sa store ni Tita.

 

Me: Okay hehe sundo kita sa room mo

 

Karina: You don’t have tooooo. Pwede ka na mauna sa place

 

Me: Ehh gusto ko lang.. Ayaw mo ba? If ayaw mo ok lang hehe

 

Karina: Gusto… Haha :p

 

Napa padyak ako sa sahig. Tangina, napalakas yata dahil nag tinginan sa akin yung mga tao sa paligid pero wala naman akong pakialam.

 

Ngayon ko lang ulit naramdaman yung ganito kagaan na feeling…

 

Me: Otw po :)

 

Dali-dali akong lumabas ng library at lumakad papunta sa Hum building. Malapit lang naman ito from the lib kaya it didn’t take me long to get there.

 

Hindi ko na kailangan itanong sa kanya kung saan ang kanyang room dahil alam ko naman bilang minsan ay inaantay ko rin siya dito.

 

Nakita ko kaagad siya pag dating ko sa may labas ng classroom, malapit lang kasi ang seat niya sa exit. Hindi niya ako napansin dahil tutok siya sa harap, pero malapit na rin naman mag time.

 

“See you next class!” Rinig kong sabi ng prof nila.

 

Tumayo na si Karina, pinauna niya munang makalabas ang ibang classmates.  Ang cute niya habang hinahanap ako sa labas.

 

Sa wakas ay nagkatinginan na kami at mabilis siyang ngumiti sa akin at lumapit, “Hi.” Bati niya.

 

Kinuha ko sa kanya yung dala niyang books, “Hello.." I smiled at her, "Uwi muna natin ‘tong gamit mo?” Tanong ko kaagad, "Para maka kain tayo nang maayos mamaya."

 

Hindi niya inaalis ang tingin sa akin kaya medyo nako-conscious ako. She’s just softly smiling at me, “I missed you.”

 

Parang may lumagabog nanaman sa tiyan ko. Muntik kong mabitawan ang mga libro dahil parang nanghina ang mga tuhod ko.

 

“N-namiss din kita..” I glanced away out of shyness.

 

Natawa si Karina sa pagkabalisa ko, “It’s been what? Three days noh? Sorry I’ve been busy.” We walked pababa ng hagdan sa entrance ng Hum.

 

Maraming bumabati kay Karina pero she’s just merely smiling at them at binibigay na ulit sa akin ang kanyang attention.

 

“Okay lang yun, bat ka nagsosorry?” Taka kong tanong.

 

She shrugged, “Wala. Baka kasi masyado mo na akong hinahanap hanap.” Biro niya. Well… Hindi naman siya nagkakamali.

 

“Hindi kaya.” Poker-faced kong sagot.  

 

Pero ang totoo niyan, naglu-look forward ako gabi gabi sa good night texts niya after a long day. Tapos lagi rin akong excited pumasok kahit hindi kami magkatabi.

 

Napa awang ang bibig niya, “Ah ganon?”

 

Binilisan niyang lumakad at medyo naiwan ako. I caught up to her, “Mabigat yung books mo.. Joke lang naman eh..” Mas dumikit ako sa kanya, “Uhm— syempre..”

 

Masungit na tinignan niya ako, “Syempre what?”

 

“Syempre hinahanap hanap kita..” Anu ba! Para akong sinisilihan sa pwet na hindi ko maintindihan.

 

Napansin ko yung maliit na ngiti na tina-try niyang itago. I nudged her, “Karina.. sa totoo lang, akala ko iniiwasan mo ako.” Honest kong sabi. Gusto ko lang malaman niya.

 

Hindi ko kasi maiwasan na hindi yun isipin dahil nung unang dalawang araw na hindi kami masyadong nagkikita, akala ko talaga umiiwas siya.

 

Inisip ko baka naweirduhan siya sa nangyayari sa amin lately…

 

Although hindi ko siya inoverthink at hindi ako agad nag conclude na she’s avoiding me dahil somehow, alam ko naman na hindi niya yung gagawin basta.

 

“I feel bad dahil inisip ko yun.” Dagdag ko pa.

 

Binagalan niya ang lakad at sinabayan ko lang siya, “Hindi ako umiiwas sayo.” She uttered, laughing, “But I’m glad you’re able to voice out your thoughts.”

 

Nangiti ako at tumingin sa malayo, “Uhm, ano lang naman yun.. sumagi lang siya sa isip ko na possibility.”

 

“Well, it is possible.” Mabilis akong tumingin sa kanya, nanlaki ang mata, “But hindi ko yun gagawin. Ano ka ba.” Tinapik niya ang aking pisngi at agad akong na-reassure.

 

“Alam ko naman.” Proud kong sagot, “Uhm.. H-hindi naman na tayo ganon..”

 

She smiled sa akin, “Exactly. Unless nakikipag coffee date ka pala kay Olivia..” Mapanukso ang kanyang tono, “I’m kidding.” She added bago pa ako maka rebut.

 

“Ikaw yata may gusto dun eh.” Ungot ko.

 

She just chuckled at binilisan na maglakad papunta sa may Raymundo Gate.

 

Napadaan kami sa store ni Mama, “Kay Tita mo na lang ipaiwan yung gamit natin. Malayo pa if uuwi tayo sa apartment.”

 

My heart skipped a beat.

 

Yung pagkakasabi niya kasi ng uuwi kami sa apartment parang ano… hays! Okay, medyo ilusyonada yata ako.

 

“Sige..” Lumapit kami kay Mama, mukhang busy mag luto, “Ma paiwan kami ni Karina ng gamit. Mag proben at ihaw ihaw lang kami.”

 

“Hi po, Tita! Long time.” Ang tagal na nga rin yata nung huli siyang bumisita dito sa silogan ni Mama, “Miss ko na po ang hamsilog niyo.”

 

“With extra egg! Dito na lang kaya kayo kumain?” Suggestion ni Mama.

 

Sumabat ako kaagad, “Ma ayaw pa namin mag kanin..” Gusto kasi ni Karina ng proben at alam kong mahihirapan siyang tumanggi kay Mama, “Alis na kami, Ma!”

 

Hinila ko na kaagad si Karina at parang anytime ay bibigay siya sa hamsilog.

 

“Dapat kay Tita na lang tayo..” Sabi niya nang makaalis na kami. Sabi ko na nga ba muntik na siyang mapapayag dahil sa puppy eyes ni Mama.

 

Umiling ako, “Gusto mo ng proben. Dun tayo.” Matigas kong sabi.

 

Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi, “Ang bossy mo naman po.” Panunukso niya.

 

Ngumuso ako, “Eh talaga naman..”

 

Nakarating na kami sa probenan. As usual, blockbuster nanaman ito at pinipilahan ng mga estudyante, “Ako na pipila. Upo ka dun sa bakanteng seat don. Ako na rin oorder nung sa inihaw. Anong gusto mo?”

 

Tumitig lang siya sa akin at nakangiti, “Huy. Anong gusto mo?” Tanong ko ulit. Bakit ba siya nakatingin sakin nanaman? Nako-conscious ako...

 

“Just anything. Alam mo naman anong gusto ko.” Umupo na siya.

 

A-ako?

 

Muntik ko nang masabi.

 

“Sige.. wait lang.”

 

Halos ten minutes din akong pumila sa probenan. Nagpa-ihaw na lang din ako kaagad ng isaw at betamax dun sa tapat habang nag aantay ako sa pila.

 

Finally ay nadala ko na sa table namin ni Karina yung food, “You’re sweaty..” Nag aalalang sabi niya. Humugot siya ng panyo sa bulsa at pinunas sa mukha at leeg ko.

 

“T-thanks.. Ang init kasi..”

 

She wiped my forehead one final time, “I could have helped you.” Tinignan niya yung food na binili ko, “These look good. Kain na tayo.”

 

Kumuha kaagad siya ng isang stick ng isaw at maganang kumain. Ang bilis din niyang nilantakan yung proben.

 

Ang saya lang na makita na ganito. Busog na rin ako kahit di ako kumain.

 

“Bakit hindi ka kumakain?” Pinagtusok niya ako ng proben, “Here. Tapos sayo na ‘tong isang isaw.” Kinuha rin niya yung isang stick ng isaw para sa akin.

 

Kulang na lang imudmod niya sa mukha ko, “Kainin mo lahat. Magpakabusog ka.” Sinubo ko na lang din lahat ng inooffer niya. Jusko. Para akong mabubulunan.

 

“Ako na lang bibili ng drink. May palamig don.” Tumuro siya sa tapat, “I’ll be back.” I nodded in response habang nguya-nguya ang lahat ng sinalpak niya sa bibig ko.

 

Tumawid siya at nakasunod lang ang tingin ko sa kanya. Ngiting ngiti pa ako hanggang sa may lumapit sa kanya na girl. Mukhang nag hi ito kay Karina.

 

Kumunot ang noo ko dahil may pag hawak pa si ate sa braso niya. Kainis. Sino ba siya? Eh parang uncomfy nga si Karina eh.

 

Buti naman at nagpaalam na yung babae sa kanya. Pabalik na si Karina sa table namin at inalis ko kaagad ang tingin sa kanya, pretending na nagpapaka busy ako sa kinakain.

 

“Ito na palamig mo. Gusto mo yan diba? Buko juice?” Tumango lang ako.

 

Tinapik niya ang kamay ko, “Bakit parang ang sulky mo diyan bigla?” Tumawa pa siya.

 

Bumalik ako sa katinuan at ngumiti lang, “Wala.. thanks sa palamig.” Hindi ko na matiis talaga, so I asked, “Sino yun?”

 

“Who?” She looks genuinely confused.

 

Nahiya tuloy ako bigla, “Y-yung babae..”

 

“Ahhh.. Si Miyeon daw siya. Well, hindi ko siya kilala so hindi ko naman namukhaan until she greeted me.” Parang wala naman pake si Karina. Natuwa ako. Buti naman.

 

Ininom ko na yung binili niya para sa akin, “Ang tabang nito.. pero ayos na.”

 

Nakiinom siya para matikman din, “Ang tabang nga..” Natawa lang kaming dalawa. Ang tabang kasi talaga, “Kulang na lang hindi na haluan ni kuya ng coconut water at asukal.”

 

We were just finishing up yung aming pag kain nang maalala ko yung tinanong ni Ryujin kanina sa library.

 

“Karina.. Mag jowa ba si Yeji at Hyewon?” Naglalakad na kami pauwi ng apartment niya. Nasanay na rin kasi ako na hinahatid siya kapag may chance ako.

 

“Honestly? I don’t think so.” Sagot niya, “Bakit mo pala natanong?”

 

“Tinanong kasi sakin ni Ryujin..”

 

She just nodded, “Anong sabi mo sa kanya?” Iniinom pa rin niya yung walang kalasa lasang buko juice.

 

“Sabi ko fubu.”

 

She almost spat out yung kanyang drink, “Winter!” Ay bakit? Hindi ba totoo naman?

 

Kinuha ko yung baso sa kanya at tinapon na yung cup sa nadaanan naming basurahan.

 

“Eh yun kasi sabi ni Yujin!” Pagdedepensa ko sa sarili, “Malay ko naman..” Namula ako bigla. Shuta. Bakit ba napunta sa ganito yung usapan?

 

Natawa na lang din siya at pailing iling, “Well baka nga tama siya. I don’t know. We just let them, malalaki naman na sila.” Sabagay. Kung ano man ang gusto nilang gawin, buhay naman nila yon.

 

Na-curious tuloy ako, “Hindi ba parang ano.. uhm, awkward yon? Friends sila tapos ano, nag aano sila.”

 

“I guess it depends kung anong sinet nilang terms from the start. Ganon naman yun, to avoid misunderstandings.” She said, confident pa nga. Para bang alam niya ang patakaran.

 

Sabi nga nila eh curiousity killed the cat, “I-ikaw ba.. na-try mo yung ganon?” Parang ito yata yung first time na direktang tinanong ko siya about dito.

 

Hindi ko rin alam anong sumapi sa akin at natanong tanong ko ito kay Karina. Parang ang awkward tuloy.

 

Bumuka ang bibig niya at tinikom din ito agad, parang di alam ang sasabihin. Umimik ulit ako, “Hala wag mo nang sagutin. Sorry hindi ko naman dapat tinanong.” I bit my lip anxiously.

 

Tumango siya. Medyo na-feel bad ako dahil parang na-stress si Karina sa tanong ko. Although hindi ko alam kung bakit, but still, ang panget lang siguro na tinanong ko siya ng about don.

 

I reached for her hand at napatingin siya sa akin.

 

Ngumiti lang ako, hindi niya ako binitawan at magkahawak kamay kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na sa familiar gate nila.

 

“Do you wanna go up?” Pag offer niya, hawak ko pa rin ang kanyang kamay.

 

Umiling ako, “Magpahinga ka. Marami ka rin papers and deadlines diba?” Hinihimas ko ang kanyang kamay.

 

She nodded cutely, “Yeah.. but it would be nice kung nandon ka.” Tinignan niya yung mga kamay namin, “But you’re right.. baka di pa ako makapag focus.”

 

Natawa ako, “Oh siya, taas ka na.”

 

Ito nanaman kami sa paglapit sa isa’t isa at parehong bababa ang tingin sa mga labi. Naglayo kami agad when we heard their gate creak. May lumabas, hindi naman kami pinansin.

 

“I should go. Thanks for the meryenda. And sa pag hatid sa akin dito.” She smiled sweetly sa akin, “Sorry it was awkward kanina..”

 

I shook my head immediately, “Ako dapat mag sorry. It’s not my business and hindi naman dapat tinatanong yung ganon.. Sorry..”

 

Sa totoo lang, wala naman sa akin kung ano man ang isagot niya doon. Wala naman ako, o kahit sino, ang may say when it comes to that. Personal choice naman yun.

 

I’m just worried na baka naging uncomfortable siya.

 

“It’s okay, Win..” I nodded in response. Ni-let go na lang namain yung topic, “Is it weird that I don’t want you to go home yet?” Pag amin niya, and she looked shy saying it.

 

Napangiti ako ulit, “Ganon din naman feeling ko.. at least pareho tayong weird.”

 

Tumawa siya nang malakas, “You’re lame. Go na, before I drag you upstairs.” Hindi na rin masama kung gagawin niya yon.

 

“Sige. Bye..”

 

Kawawa nanaman ang mga bato sa daan dahil sa pag sipa sipa ko sa kanila habang naglalakad.

 

Para akong nasa cloud 9.

 

Sana talaga tuloy tuloy na…

 

Wait, mali yata. Hindi dapat “sana”.

 

Gagawin ko ang lahat para mag tuloy tuloy na.

 

 

 

 

 

 

“Tao po! Tao po!” Si Ning. Ang hilig niyang sumigaw sa labas ng gate namin. Pwede naman kasing mag text na lang.

 

Kinuha ko na yung gamit ko at nagpaalam na kay Mama at Papa.

 

Nasa labas ng gate si Ning, nakasandal sa kotse ni Giselle, “Wow! Pormang porma. Ganda mo today.” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

 

“Sarcastic ka ba? Panget?” Napatingin din tuloy ako sa suot kong gray na loose sweatpants at yung black na sleeveless na top.

 

Binaba ni Giselle ang window ng kotse, “Winter you look hot. Pang EK nga yung suot mo, ang comfy.” Minsan lang naman kasi ako pumorma ng ganito.

 

Usually sa campus, simpleng shorts or pants at shirt lang ang suot ko.

 

“Tara na nga.” Pakunwari pa akong hindi kinilig sa compliment nila. Pumasok na kami ni Ning sa kotse, sa back seat ako, “Sino kasabay natin dito?”

 

Umandar na si Giselle papunta sa Vega kung saan namin imi-meet yung iba naming kasama.

 

Sumagot si Ning sa harap, “Hindi ko pa sure. Baka si Minju na lang. Kasama daw ba si jowa niya?” Maigi naman at naka move on na si Ning dun sa inis niya kay Minju.

 

“Hindi yata. May something daw sa Ateneo today eh.” Tinanong ko kasi si Minju kahapon nung nagkita kami sa isang class.

 

Mabilis kaming nakarating sa Vega at nakita ko kaagad si Jeno, Yunjin, at Karina sa may harap ng Dunkin Donuts. Naka back hug si Yunjin kay Karina, kaya napatitig ako.

 

“Winter, diba pawisin ilong mo?”

 

Weird kong tinignan si Ning, “Bakit?”

 

She giggled, “Selosa daw pag ganon.” Sinabayan naman ni Giselle ang pagtawa ng jowa. Grabe naman, napagtutulungan ako.

 

“Ano nanaman? Baba na tayo, tara na.” Padabog kong sabi. Kung ano anong iniimbento ni Ning. Hindi naman totoo yon eh… Totoo ba yun? Napa isip tuloy ako.

 

They spotted us at kumaway silang tatlo sa amin, “Hi Winter!” Energetic na bati ni Jeno, “May kekwento ako sayo!” Wow para namang close na close kami?

 

“Mamaya na. Ang ingay mo.” Pagsusungit ko sa kanya kaagad.

 

Nagkwentuhan agad si Yunjin at si Giselle ng kung ano man. Magkaklase yata sila sa isang class. They seem to get along well, pati si Ning ay nakiki chika.

 

Tumingin ako kay Karina, naka kapit pa rin sa kanya si Yunjin, “Morning.” I greeted.

 

She simply smiled at me, “Good morning.” Bumaling na ulit siya kina Giselle ar Yunjin. Napa kunot ang noo ko. Para kasing ang tahimik niya ngayong umaga.

 

Wala lang ba siyang energy? Iniiwasan niya ba ako? Tapos for real na this time?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
0 points #1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 0 points #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 0 points #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 643 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche #7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche #8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance