Part 23

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Mapapa-goodmorning sunshine na lang ako sa sobrang aliwalas ng gising ko ngayong Monday morning. Ang gaan gaan lang ng pakiramdam ko kahit pa nga I was sick the whole day kahapon.

 

Parang kinailangan ko pang kurutin ang sarili ko pagka-gising to know na hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi.

 

Tapos…

 

Wait...

 

Medyo masikip sa kama.

 

Katabi ko siya ngayon. Katabi ko siya ngayon?

 

Grabe yung space na tine-take up niya sa kama ko ha...

 

Anong nangyari?

 

Tanda ko sa kama niya siya natulog kagabi ah. Nag goodnight pa nga kami sa isa't isa before sleeping. Kahit pa nga I could barely open my eyes last night, inantay ko siyang matapos mag shower para lang makapag goodnight.

 

Pero hindi naman ako magrereklamo na magkatabi kami ngayon at masikip dahil at least, it confirmed na totoo nga yung kagabi—yung pag uusap namin at paghingi ko sa kanya ng sorry.

 

Pati na rin yung pag-aalaga niya sa akin dahil may sakit ako.

 

Oh my god… Sobrang pabebe ko yata last night. Para akong nag deluryo na ewan. Medyo nakakahiya pero worth it naman dahil naging okay kami.

 

Ito pa nga at nagising ako na nasa tabi ko siya...

 

Siguro ay naalimpungatan si Karina dahil sa pag galaw ko nang bahagya kaya nagising siya, “Win?” Inangat niya ang ulo at hinipo agad ang noo ko, “Wala ka nang fever. That's good. Pero mag meds ka pa rin later."

 

Wala na ba? Para kasi akong nilalagnat ulit dahil sa lapit namin sa isa’t isa. At nakaka touch naman na yun yung thoughts niya agad pagkagising... Yung painumin ako ng gamot.

 

“Oo, okay na ako..” Nag alinlangan pa ako kung papansinin ko yung pwesto namin, “Uhm.. kinulit ba kita na tabihan ako?” She's hugging her pillow. Parang gusto kong maging unan bigla.

 

She closed her eyes again at tumango, “Yeah, nagising ka ng 3am and you asked me na matulog sa tabi mo.” Patawa-tawa lang siya sa naalala. But it looks like she doesn't mind naman.

 

Namula ako bigla, “Sorry..”

 

“It’s fine. Ang comfy din naman dito sa bed mo. Your sheets are softer.” Nanlalaki ang ilong ko sa pag pigil mangiti, “Kaso malakas hilik mo kapag may sakit ka.” Ay, ganon? Mapang asar yata siya this morning.

 

Or baka dahil comfy na ulit talaga siya sa akin dahil nag reconcile na kami?

 

Eitherway, this is nice. And I hope we stay like this for a very long time.

 

“Buti na lang pala mabilis akong naging okay dahil magaling yung nag alaga sakin.” Sagot ko, may pagka mapanloko rin ang tono.

 

She could only laugh at hinampas pa ang aking tiyan, medyo masakit. “May bayad yun.”Grabe, ang aga naman niyang maningil.

 

“Ano?” Actually kahit ano… Makabawi man lang sa pang iistorbo ko sa kanya at pag endure niya ng pabebe self ko.

 

“I don’t know. Siomai rice. I’ve been craving.” I sighed in relief. Buti naman at hindi steak ang hiniling niya! Ang mahal non. Yung siomai rice, afford na afford ko.

 

Basta ba para kay Karina. Para sa... friend ko. Waaah.

 

“Yun lang pala. Sige mamaya..” Ang aga nitong pagkukulitan namin ha. Alas sais pa lang! Pero mamaya pa naman namin kailangan bumangon for work.

 

She lit up at tumingin sa akin, “Yeah? Wala akong mahanap dito sa canteen sa park eh.” Ay kaya pala parang one time nalungkot siya nung may tinanong kay ate sa canteen. Naghahanap siguro ng siomai.

 

Kahit suyurin ko pa ang buong Quezon City para sa lintek na siomai rice na yan, gagawin ko. Ganon ako ka-happy dahil sa naging paguusap namin kagabi.

 

“Ako bahala. Kahit limang orders pa.” Mayabang kong sabi. Akala mo naman talaga napakaraming pera.

 

She giggled quietly, pansin ko na parang inaantok pa siya, “Gusto mo bang lumipat na sa kama mo? Baka di ka makatulog nang maayos dito. Tsaka baka mahawa ka lalo sa akin.” Although I don’t mind naman kahit mag stay siya dito sa tabi ko...

 

“Gusto mo ba akong lumipat? I'll go if you want.” Derechong tanong niya.

 

Napatikom ako ng bibig at umiling, “Uhm, ikaw.. Okay lang naman na hindi.. To, ano, to seal the friendship ulit.” Pabiro kong sabi.

 

She laughed at my silliness, “Shunga ka. Ilang seals ba ang kailangan mo? Bawiin ko yun eh..” Pabiro niyang sagot.

 

Napa-kunot ang noo ko, parang iniisip ko pa lang na babalik nanaman kami sa dati, nalulungkot na ako. Ang dramatic ko ba?

 

“Hey.. Joke lang.” Malambing na sabi niya, “Wag kang madrama diyan. I liked our talk last night.. I'm glad we had that talk. I think the timing was right.."

 

Napangiti ako, "Ako rin. Uhm.." I sighed in content, "Masaya ako, Karina." Pag amin ko.

 

Pansin kong mas humigpit ang yakap niya sa unan, "Yeah, I can tell. You're too happy for someone na kaka-galing lang sa trangkaso."

 

"Ehhh.. Syempre." Kahit asar asarin niya ako ayos lang. Gusto kong malaman niya na it really did make me happy, yung pakikipag ayos ko sa kanya, "Tulog ka na ulit."

 

"Mmh, ikaw rin."

 

Nakaka ilang tulog na ako kaya naubos na yata ang antok ko pero I need to regain my energy kaya pinilit ko na lang din matulog ulit.

 

Nagising kami nang sabay sa ingay ng sigaw ni Yunjin, "Hoy! You two! Wake up!" Pumalakpak pa siya nang maraming beses na napakalakas para magising kami, "And bakit kayo magkatabi?" Inalis niya yung kumot namin ni Karina, "Oh okay, di naman kayo ."

 

Karina glared at her, "Of course not! Anong tingin mo samin?!" She sat up sa kama at tinaboy ang kaibigan, "Lumabas ka na nga! Susunod na kami!" Nag shrug lang si Yunjin at lumabas na pero ngumisi muna siya sa aming dalawa ni Karina.

 

Mukhang hindi tumunog yung alarm at late kami nagising kaya hindi ko rin masisisi si Yunjin if she barged in dito sa kwarto nang ganon ganon na lang. Late na yata kami for work.

 

Tinignan ko si Karina sa tabi ko, "Anong oras na?" I asked.

 

Kinuha niya ang kanyang phone to check, "It's already 8am. Late tayo." Tumingin siya sa akin at napansin ko kaagad ang gulo gulo niyang buhok kaya agad kong inayos ito, "Uhm, thanks.."

 

"Sabihin na lang natin may sakit ako para di magalit si Sir. Mabait naman yun." Sobrang nice kasi nung Park Superintendent dito. Parang siya yung boss namin sa park and he's a really nice guy, sobrang chill lang.

 

She feigned yung pagka shock, "Wow Winter, ginamit mo pa yung pagkakasakit mo for excuse. Eh mukhang energetic ka naman na yata ulit." Tumayo na siya and the bed suddenly felt empty.

 

Ay, may ganon?

 

"Eh di sige sabihin mo na na-late tayong gumising." I'm loving itong little banters namin this morning...

 

"Good point. Fine. Maliligo na ako. What do you want for breakfast?" Kumuha na siya ng towel and clothes niya from her cabinet.

 

Nakasunod lang ang mata ko sa kanya habang busy siya sa pagkuha ng gamit at pakikipag usap sa akin at the same time, "Ako na magluluto. Maligo ka na." I told her.

 

Humarap siya sa akin, nakakunot ng noo, "No, kakagaling mo lang sa sakit. I'll ask Yunjin na mag prepare for us."

 

Nako, hindi nanaman titigil ang bunganga ng kaibigan niya sa pagrereklamo mamaya kesyo inuutus utusan namin siya.

 

"Sige." Pagpayag ko, dahil nakakatuwa rin naman kapag nakikita kong parang naiinis si Yunjin. Medyo entertaining.

 

"Una na ako mag shower. Bye.." Sabi niya bago lumabas ng room.

 

I smiled at her, "Bye.. friend." Pahabol ko.

 

Narinig ko yung malakas niyang tawa pag labas ng kwarto.

 

I covered myself ng kumot ulit pag kalabas niya at tumili nang walang sounds. Ang saya saya lang sa pakiramdam!

 

Trangkaso lang pala ang sagot...

 

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko para mag text kay Ning to tell her the good news.

 

Me: Nagkasakit ako huhu pota

 

Ning: Anyare?

 

Me: Tapos bati na kami ni Karina hehehehehe

 

Ning: ????? Delusional. If I know nag-iimagine ka lang ng bagay bagay dahil may sakit ka.

 

Me: Hoy hindi ah! Okay na nga kami hehe

 

Ning: KWENTO MO NAMAN????

 

Me: Hehe pag uwi ko sa weekend

 

Binitawan ko na ang phone ko dahil for sure hindi naman na magbobother si Ning na magreply pa. Pero biglang tumunog ito ulit.

 

Unknown number. Sino naman kaya 'to?

 

Unknown: Hello, Winter! Olivia here. Hope you don't mind na hiningi ko kay Ate Irene number mo :p

 

Ay, okay. Wala naman sa akin na may makaalam ng number ko, pero nagtataka lang ako bakit kailangan niyang hingin?

 

Unknown: Hiningi ko rin number ni Jeno! Don't worry, I'm not a weirdo lol

 

Wala naman akong sinabing weirdo siya ah.

 

Me: Ah sige haha okay lang

 

Olivia: Try ko ulit mag visit next time!

 

Hindi na ako nagreply.

 

Bumangon na ako sa kama at lumabas ng kwarto. Nakita ko si Yunjin na nagluluto ng pancakes at bacon sa kusina, busangot na busangot ang mukha niya.  

 

"Morning naman, Madam Winter." Natawa ako sa kanya, "Tawa ka nanaman! Pasalamat ka you were sick and I couldn't say no to Karina when she asked me to cook!"

 

Ang dami naman niyang nasasabi agad eh hindi pa nga ako nakakapag salita.

 

"Thanks, Yunjin.. Bibilhan na lang kita ng taho kapag nakita ko ulit yung nagtitinda." Umupo ako sa may kitchen counter at pinanood siyang magluto.

 

She looked at me weirdly, "Parang ang happy ng mood mo. Ganyan ba effect kapag nakakatabi sa bed si Kars?" She smirked.

 

Nanlaki ang mata ko, "H-hindi naman dahil don!" Well, siguro partly... Pero hindi naman niya kailangan malaman yun.

 

"Nasan na pala sina Ate Irene?" Pagbabago ko ng topic.

 

"They started with the surveying na.." Naglagay siya ng pancake sa plate ko pati ng bacon, "Speaking of that, thanks for doing the work yesterday. You didn't have to. Nagkasakit ka tuloy." She sounded sincere all of a sudden.

 

Nagpasalamat ako sa kanya sa food, "Nakakahiya rin kina Ate Irene kung sila pag gagawa nun.. Tsaka sayang kasi efforts niyo. Okay naman na ako." I reassured.

 

Bumukas yung pinto ng banyo at sumilip si Karina, "Yunjin paabot ng towel naiwan ko sa chair!"

 

Tinignan ako ni Yunjin, "Winter, paabot daw."

 

Sinimangutan ko siya, "Pangalan mo kaya sinabi.." Hindi pa rin siya kumilos para kunin yung tuwalya kaya ako na lang ang tumayo, "Ako na nga."

 

Lumapit ako kay Karina at inabot yung towel sa kanya, "Ito na po madam."

 

She gave me an annoyed look, "Madam ka diyan." Umirap pa ito at sinara na yung pinto. Napangiti na lang din ako kahit medyo masungit siya.

 

"Sa iyong ngiti... ako'y nahuhumaling..." Kumanta bigla si Yunjin. Hay nako. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy kainin nang dahan dahan yung niluto niya.

 

Napatingin siya sa way ng pag kain ko, "Bakit ang bagal mo? Hindi ba masarap? Pagkatapos kong mag effort?"

 

Umubo ako pakunware, "Ay, masarap naman. Inaantay ko lang kasi si Karina. Para may kasabay sana siya." Hindi na lang ako tumingin sa kanya dahil baka kumanta nanaman ng kung ano.

 

"I see."

 

Eh bakit ba? First breakfast namin as friends ulit. Natawa ako sa iniisip, "Why are you laughing mag isa?" Rinig kong sabi ni Karina paglabas ng banyo. Dumerecho siya sa tabi ko para kumain rin.

 

Malokong tinignan ako ni Yunjin, "Baliw na kasi yan si Winter.." Umubo pa siya at parang kakanta nanaman, "You see I'm crazy for you.. Touch me once and you know it's true.. I never wanted anyone like this.. It's all brand new.." Bigay na bigay pa siya sa pag kanta, ginamit na mic yung spatula.

 

Natatawa lang si Karina sa kaibigan niya, "What are you doing?" Pinag lagay ko siya ng ketchup sa kanyang plate, "Thanks." She smiled sa akin.

 

"Bilisan niyong kumain! I'll just take a dump." Walang kagatol-gatol na sabi ni Yunjin. Kadiri naman... Parang hindi anak ni Miss Anna.

 

"Yun, kadiri ka. Hindi mo kailangan i-announce." Gustong gusto ko yung parang pagka-aliwalas ng mood ni Karina ngayon. Pareho kasi kami.

 

Naiwan na lang kaming dalawa dito sa kitchen.

 

Tinignan niya yung plate ko, "Gusto mo pang bacon?" Naubos ko kasi yung sakin kaagad kanina. Ang sarap kasi at medyo gutom ako.

 

"Uhm.." Nag hesitate pa ako dahil baka wala nang matira sa kanya. Pero inabot lang niya basta yung nasa plate niya at nilagay sa plato ko, "Thanks.. Ayaw mo na ba?"

 

She shrugged, "It's fine. Para mas may energy ka. Kakagaling mo lang sa sakit eh." Ang thoughtful naman...

 

I smiled nang patago, "I can see you smiling, Winter." Puna niya.

 

"Ay.. May naalala lang akong nakakatawa." Lagi na lang ganito ang dahilan ko. Kailangan kong ng bagong alibi tuwing mapapangiti akong mag isa.

 

"Anyways, you have meds diba? Naubos na yung binili namin kahapon." Ay oo, kailangan ko pa nga yatang uminom kahit medyo okay na ako.

 

Tumayo ako para kunin, "Oo nandon sa room."

 

Pinigil niya ako at tumayo rin siya, "Kukunin ko rin yung phone ko. Ako na, kumain ka lang diyan. Nasan ba don?"

 

"Uhm, meron dun sa coin purse na malaki sa may table natin.. May bioflu don." She nodded at pumasok na sa kwarto, naiwan akong mag isa dito sa kitchen.

 

Susubo na sana ulit ako ng bacon when I remembered na nandon sa coin purse ko yung picture namin na pinulot ko galing sa basurahan.

 

Nanigas ako bigla at dali-daling tumakbo papunta sa kwarto.

 

I was already too late dahil nakita ko si Karina na nakatalikod sa akin at pinagmamasdan yung lukot na litrato naming dalawa.

 

"Uhh— Ano kasi.." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang embarrassing nito.

 

She faced me, her expression looks soft, "You.. still have it." Although hindi ko ma-place ang tono niya kung naweweirduhan ba siya o ano, but it doesn't seem like it.

 

"Weird ba? Sorry.."

 

Umiling siya at bahagyang ngumiti, "No, no.. It's okay. I—uhm.. I'm glad kinuha mo." Nagkatinginan lang kami at nakangiti sa isa't isa.

 

I broke the short silence, "Ako rin."

 

She looked down at kinagat ang lower lip, "Yung friendship ring.. Did you..?"

 

I shook my head, "Uhm, parang sira sira na kasi nung nakita ko.." I remember bigla yung panget na pakiramdam nang makita ko na parang pigtal na yung ring at sira na.

 

Hindi siya nag-comment about it. Instead, tumalikod ulit siya sa akin at parang inistraighten yung picture naming dalawa.

 

Pinatong niya ito dun sa table kung saan nakalagay yung pictures niya with her family and friends, "There. What do you think?"

 

I feel overwhelmed.

 

And undeserving.

 

Talaga ngang napatawad niya na ako...

 

"Sure ka?"

 

"Oo naman." Lumapit siya sa akin and she squeezed my shoulder before lumabas ng kwarto, "Maligo ka na rin. I think tapos na si Yunjin. I got your meds na."

 

Tumango lang ako and I was left alone sa loob ng room.

 

Kailangan ko ng moment to process everything. Para akong maiiyak nanaman sa tuwa dahil sa nangyayaring progress sa aming dalawa.

 

It's almost too good to be true.

 

I took a glance doon sa picture naming dalawa. Parang kailan lang, naiinggit ako dun sa mga tao na naka display sa may side ng table niya.

 

Tapos ngayon included na ulit ako don.

 

And she seemed happy rin nang i-display niya ulit ito.

 

Yes!

 

 

 

 

 

 

“Who’s coming home this weekend? They’re letting us off ng Saturday so walang work that day.” Bearer ng good news talaga itong si Ate Irene.

 

Nag taas ako ng kamay, “Uwi ako, Ate.” Nakakamiss na rin kasi ang Elbi at isa pa, nakakamiss na rin ang luto ni Mama.

 

“I’m coming home too.” Sabi naman ni Karina.

 

Tinapik ko siya, “Kailan ka uuwi?”

 

“Friday night. Ikaw?” Saturday morning sana ako pero baka pwede na kaming mag sabay…

 

“Sabay na tayo?” I braved myself. Nag aadjust pa rin kasi talaga ako at minsan nahihiya pa rin kay Karina but unti-unti ay nawawala na yung awkwardness talaga.

 

“Sure.” She pinched my cheek. Nagulat ako at parang kahit siya ay nagulat sa ginawa.

 

Buti di naman kami napapansin nung iba naming kasama. Pano ba naman kasi, busy si Yunjin at Jeno sa pagtitinginan sa isa’t isa. Tapos si Ate Seulgi, parang tutulo nanaman ang laway sa pag titig kay Ate Irene.

 

Nag clear ng lalamunan si Ate Irene para makuha ang attention nung dalawa naming kasama, “Kayo Yunjin and Jeno? Uuwi kayo?”

 

Tsaka lang sila parang natauhan. Si Yunjin ang sumagot, “Yes, Ate. May aattendan kaming party ni Karina with friends but Saturday pa ako aalis ng Manila. May date kami ni Jeno on Friday night.”

 

Ang detailed niya mag sabi ha…

 

Nag-blush naman yung lalake sa tabi niya, “Uhm— Yeah.” Parang na-speechless siya bigla.

 

“Ikaw Seulgi? And stop staring at me.” Natatawang sabi ni Ate Irene sa kanyang katabi.

 

“Pwede bang umuwi sayo?” Hinampas lang siya ni Ate Irene, “Joke lang eh.. Hindi ako uuwi. Dito lang ako sa house natin.”

 

Parang may gustong sabihin si Ate Irene pero naghehesitate siya. Eventually ay nagsalita na ito, “Pwede kang sumama sakin.. Birthday ni Olivia this weekend. Makikain ka lang.”

 

“Ay sure!” Mabilis na pumayag si Ate Seul, as expected.

 

Tumingin bigla sa akin at kay Jeno si Ate Irene, “Speaking of Liv, she asked me yung numbers niyong dalawa. I hope you don’t mind na binigay ko. Wag niyo na lang replyan if she’s annoying.”

 

Ay oo nga pala. Actually hindi ko na nga nireplyan dahil hindi naman kami close to begin with.

 

“I mind!” Yunjin exclaimed, “Charot.”

 

Natawa lang sila sa kanya at nag resume na yung team nila Ate Irene na mag ayos ng forms for today. Wednesday pa lang naman so hindi masyadong hectic.

 

Ako naman ang tinapik ni Karina habang nagne-nail cutter ako. Bumulong siya, “Sabi ni Ate Irene binigay niya yung number mo dun sa Liv.”

 

“Ah, oo nga. Narinig ko nga.” Bumalik na ako sa paghihinuko ng sarili. Ang haba na kasi ng mga kuko ko, ang sakit kapag aksidente kong nakakalmot ang aking mukha kapag tulog.

 

“Did she text you?” I gave her my full attention at binaba na yung nail cutter.

 

“Nung Monday morning..” Hindi ko na nga maalala yung sinabi niya sa akin eh. High pa rin kasi ako that time sa nangyaring pag uusap namin ni Karina.

 

Tumango tango lang siya, kinuha yung nail cutter at siya naman ang gumamit nito, “Ansabe?”

 

“Hindi ko tanda.” Bakit ba siya interesado don? Napakunot ang noo ko sa way ng paghihinuko niya, hindi siya marunong, “Akin na, ako magka-cut ng nails mo.”

 

She gave the nail cutter to me at inisteady yung kamay para makukohan ko nang maayos, “I don’t know how to.”

 

Ang laki na niya ah…

 

“Pasalamat ka nandito ako.” Pabiro kong sabi.

 

Nag-concentrate ako sa pag putol ng mahahaba niyang nails at paminsan minsan ay nagkakatinginan kami at natatawa dahil lumalabas pa ang dila ko sa concentration.

 

“Jeno, cut my nails din bilis.” Demand ni Yunjin, “Naiinggit ako kina Winter and Karina eh.”

 

Napakamot lang sa ulo yung lalake, “H-hindi ako marunong. Punta na lang tayo sa nail salon sa Friday, sasamahan kita.”

 

Yunjin blushed, “You’d do that?”

 

“Oo naman. Basta ikaw.” Napangiti kami ni Karina sa narinig. Nakakakilig talagila silang dalawa and Jeno seems genuine sa kanyang pagkakagusto kay Yunjin.

 

Maagang natapos ang everyone sa back logs kaya maaga rin kaming pumasok sa sari-sariling kwarto. Although manonood daw muna si Yunjin at Jeno.

 

“Gusto mong sumama tomorrow night? I’ll meet si Mama sa TriNoMa.”

 

Hindi ko inexpect na iaask niya ako na samahan ko siya. Nabanggit niya nga kahapon na magkikita sila ng Mama niya, pero inassume ko kasi si Yunjin ang kasama niya.

 

I turned to her, “Okay lang ba?”

 

“Oo naman. She misses you. Alam mo naman yun, mas favorite ka pa.” We shared a light laugh sa kanyang sinabi.

 

“Sige.. miss ko na rin si Tita..” Naupo na ako sa kama pagkatapos ko itong ayusin, “Kasama ba si Yunjin?”

 

Huminde siya, “Just us two.”

 

Ay… Napa internal happy dance ako don ah. Friendship bonding.

 

May naalala ako bigla, “Binilhan pala kita kanina ng siomai rice. Gusto mong kainin? Midnight snack. Rice.”

 

Kita ko yung pag light up ng expression niya, “Omg. Okay, I’ll get it. Nasa ref ba?”

 

Inunahan ko siyang tumayo, “Ako na. I-microwave ko na lang.”

 

She smiled gratefully sa akin. Buti na lang may nakita ako kanina sa labas ng park na parang mini karinderya na nagtitinda ng siomai on top of rice.

 

Nalimutan kong ibigay sa kanya nung dinner time dahil nagaasikaso kami nung work from the office at may dala kasing food si Jeno galing sa canteen.

 

“Winter, what’s that?” Tanong ni Yunjin. Aba… halos magka yakap na sila ni Jeno sa sofa. Ang sweet naman.

 

“Siomai. Binilhan ko si Karina kanina eh.”

 

Nako, nag clear nanaman siya ng lalamunan, mukhang kakanta nanaman… “Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap parapap..”

 

Bakit ang hilig niyang magkakanta lately? Ano bang trip nito? Iniimpress ba niya si Jeno? Kasi parang hindi naman nakaka-impress kung ganito ang kinakanta niya.

 

“Uhm, sige balik na ako sa kwarto.”

 

“Enjoy the midnight snack!”

 

Pagbalik ko sa room, nakita kong may pinrepare si Karina na mini table sa pagitan ng kama naming dalawa, “Kain ka rin. Ilan ba yang binili mo?”

 

“Limang orders..” Napadami yata, “15 pieces to. Sige penge ako..”

 

Hindi ko masyadong abot yung mini table dahil mas malapit ito sa bed ni Karina kaya para akong ewan na inaabot yung siomai dun sa mesa.

 

“Sit here beside me. Parang hirap na hirap ka diyan.” Sino ba naman ako para tumanggi.

 

Tumayo ako and I went to her side, “Gusto mong manood ng Friends ulit? Habang kumakain ng siomai.”

 

“Go lang.”

 

“Parang ayaw mo.” Playful kong sagot.

 

“What? Go nga lang. Gusto ko.” She argued. Natatawa ako, para kaming tanga…

 

Pasimpleng kumuha ako ng siomai at nagkibit balikat, “Wag na, parang ayaw mo naman.”

 

She pushed me lightly sa aking balikat, “Winter! Gusto nga..” Medyo nanliit pa yung boses niya. Hala… ang cute.

 

“Hehe joke lang,” Kinuha ko yung laptop sa may table at binuksan ito, “Random episode lang ba?”

 

“Go lang.”

 

“Parang ayaw mo.”

 

Tumawa siya nang malakas at hinampas hampas nanaman ako, “Winter, ano ba!”

 

Para kaming nasa ano… nasa honeymoon stage ng friendship. May ganon ba? Ah basta! Ang sarap sa pakiramdam.

 

We played the series habang lumalantak ng siomai. Nangangamoy garlic at chili oil itong kwarto pero ayos lang, ginusto naman namin ito.

 

“God, ang funny talaga ni Phoebe!” Mangiyak ngiyak si Karina sa pagtawa dahil nandon kami sa episode kung san ginawan ni Phoebe ng Christmas song yung friends niya.

 

“Oo nga.. ang ganda rin talaga ni Rachel.” I gushed.

 

My phone vibrated, napansin din yata ni Karina kaya she paused muna yung pinapanood namin.

 

Tinignan ko yung phone ko.

 

Olivia: Hey Winter! What’s up?

 

Ay. Kung maka what’s up naman, parang close na close kami. Hindi ko gets bakit niya ako tinetext. Ganito rin siguro siya kay Jeno.

 

“What’s up daw.” Sabi ni Karina. Nakisilip ba siya?!

 

I locked my phone, “Play mo na ulit.” Honestly, gusto ko lang manood at kumain ng siomai… kasama siya. Wala akong pakialam sa text ni Olivia.

 

“You’re not gonna reply?”

 

“Hindi. Ano naman sasabihin ko don? Hindi naman kami close.” I explained, naiinip na ako bakit ba ayaw niya pang i-play? “Huy, play mo na.”

 

Ngumiti siya sa akin at kinurot ang pisngi ko, “Oki.”

 

Nanood lang kami hanggang sa maubos na yung siomai at dapuan kami pareho ng antok.

 

The next morning came and I was anticipating yung lakad namin ni Karina kinagabihan kasama ang Mama niya.

 

Nakaka excite lang dahil yung huli naming pag uusap ni Tita, sabi niya magiging okay ang lahat at mapapatawad ako ni Karina as long as alam nito na pinagsisisihan ko ang nasabi ko.

 

And that’s exactly what happened.

 

“Ang sarap pala ng buhay dito nila Ate Irene nung first two weeks noh? Wala masyadong calls.” Bored na banggit ni Yunjin.

 

Naka slouch lang kaming tatlo dito sa chair sa office na provided sa amin. Wala kasi halos tumatawag for reservations ng events or photoshoots. Siguro dahil tag ulan na rin.

 

Tumango lang si Karina sa kanya, “Yeah. I kinda wanna help them tuloy sa surveying kaso hindi naman pwedeng umalis dito while on duty.”

 

Actually, ang gusto kong gawin ay matulog. Nakaka-antok.

 

Parang muntik pa akong mapa idlip pero biglang may nabanggit si Yunjin na interesting that kept me awake.

 

“Kars, what’s up with Yeji and Hyewon? Landian stage ba yung dalawa?” May something si Hyewon at Yeji? Wow…

 

Napatingin ako kay Karina, waiting for her to answer, “I honestly have no idea. Pero I have an inkling na they like each other.” She paused, “Oh well, at least Yej isn’t pining for Ryujin anymore.”

 

Ang sarap naman ng meryenda namin… Chismis.

 

Bumaling ng tingin si Karina sa akin, “You know about that, diba? Yung chika kina Yeji, Ryujin, and Lia?” Siguro naninigurado lang siya na she’s not sharing a private matter.

 

“Ah, oo.. Nakaus

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 648 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance