Part 33
Burnout“Kamusta naman ang holidays mo? Christmas? New Year? Birthday?” Yunjin asked habang ngumunguya ng kanyang four-cheese flatbread. Tinitigan ko lang siya and she scoffed, “Come on, Winter. Ngayon lang tayo nag catch up!”
Na hindi naman mangyayari in the first place kung hindi niya ako na-corner sa UP Gate papunta sa field. Sino ba kasing nagsabi na mag-jogging ako around F Park ngayon? Dapat pumirmi na lang ako sa bahay.
I squinted my eyes unsurely, tinignan yung overpriced coffee drink na nilibre niya sa akin, “Okay naman.” Generic kong sagot. She gave me a pointed look kaya napa-buntong hininga ako, “Okay, sige. Hindi masyadong okay but I'm getting there. Ano bang gusto mong malaman, Yunjin?"
She shrugged habang plastik na ngumingiti sa akin, “I don’t know. The truth, I guess? But I appreciate you telling me na hindi ka okay.”
Natawa ako, “So amusing sayo na hindi ako okay? Ang weird mo.”
Bahagyang nanlaki ang mata niya habang umiinom sa kanyang sariling overpriced na kape, “That’s literally not what I meant, Winter! You’re twisting my words. Gosh.” Umikot pa ang mata nito. Sobrang arte talaga.
“Eh ano nga?”
She clicked her tongue before ilapag nang malakas sa table yung coffee, “Because.” Maarte siyang nag pause sa pananalita, “I’ve been getting a lot of ‘I’m okay’ ‘Okay ako’ ‘Psh, I’m fine!’ from Karina. And none of those were true. That’s why I said I’m glad you told me the truth. At least one of you is truthful to yourself.”
Nanahimik ako sa pag-banggit niya ng pangalan ni Karina. If I got curious and worried sa lagay ng ex ko, hindi ko pinahalata. Syempre Yunjin would mention her. Inexpect ko naman na. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko sa information na binahagi niya.
“Baka ayaw ka lang mag-alala.” Sagot ko, pretending na parang walang pake.
Hindi niya pinansin yung sinabi ko. Instead, siya naman yung parang pinanliitan ako ng mata, "Who's Olivia, by the way?"
"Ha? Bakit naman nasama si Olivia dito?" Pagtataka ko, "Workmate ko siya. Anong meron?" Bakit niya bigla-biglang itatanong yon? At ang weird lang na all of a sudden, isasama niya sa usapan.
Sumandal siya at pinagmasdan ako, still squinting her eyes at me, "Nothing. Nakikita ko lang sa stories ni Jeno yung stories niya. Tapos lagi kang nandon." Kilala nga pala ng jowa niya si Liv.
"You guys seem close. She's pretty too! May something ba kayo? Maybe that's why cranky si Karina lately.." Mahina ang pagkasabi niya dun sa huli but I was able to hear it.
Cranky?
"Close naman ako sa lahat ng workmates ko. Madalas lang magyaya si Olivia kaya kasama ko siya lagi." Wait nga... "Bakit ba ako nageexplain sayo?!" Tawang tawa lang si Yunjin, ang sarap ingudngod sa kanya yung kape sa kanyang harap.
"Maybe nageexplain ka para malaman ni Karina na wala lang kayo ni Olivia! Yie!" Jusko po. Para akong may kausap na bata. Seryoso, ano bang pakay niya? Mang-asar?
Nagulat ako sa bigla niyang pag-ayos ng upo, "Anyways!"
She clapped her hand once, "Ilang months na nga ulit kayong hiwalay ni Karina? Six, right?" Tumango lang ako, not really finding it in myself to voice out yung depressing fact na yon, "When was the last time you saw each other?"
Iniwasan ko ang tingin niya, busying myself sa pag-inom ng kape, "Nung nakitulog siya sa bahay three months ago." Nung anniversary week namin. After that incident, hindi na ulit kami nagkaroon ng connection ni Karina.
Well...
Ineexpect ko ba siyang kontakin ako pagkatapos non? Hindi rin naman.
Mas okay nga yun eh.
Pero minsan, inaamin ko, I still imagine and hear her telling me that it has been hard for her too. Yung boses niya nung gabing yon.. sobrang fragile. Tapos yung pinag-bukas niya ako ng flashlight dahil ayokong pitch black ang paligid.
Ano ba yan! Bwisit kasi itong si Yunjin. Napapa-isip nanaman tuloy ako! Nice gesture lang naman yon ni Karina and I'm sure ginawa niya yun out of kindness.
"Six months. Wow. Half a year.." Ang dami niyang ganitong litanya ngayon. "Ayaw mong balikan?" Muntik akong mabilaukan sa iniinom ko dahil sa tanong niya. Seryoso ba siya?
Naging defensive ako bigla, "Anong babalikan ang sinasabi mo? Bakit ko naman gagawin 'yon? Siya naman yung nang-iwan in the first place diba?"
Her eyes lit up, "Ahh, so if siya yung manghingi ulit ng another chance, bibigyan mo? That's what you implied, right?"
"Ha? I wasn't implying anyth—"
"Noted 'yon, Winter." Humagikgik siya.
Sa isip ko, sinasabunutan ko na ang sarili ko out of frustration dahil sa babaeng ito, "Ikaw naman ang nagti-twist ng words ko. Napaka ano mo." Gusto ko lang naman mag-jogging ngayong araw.
She just chuckled as response at biglang umiling, “Alam mo yang si Karina, she was so stupid acting all heroic and stuff with the breakup. Tapos ngayon siya yung mahihirapan while you try to move forward.”
Akala ko ba nagbibiruan lang kami dito? Bakit naman bigla siyang nagseryoso nang ganito... Hay nako. Tsaka medyo na-off ako sa sinabi niyang stupid si Karina, although alam kong she didn't mean it that way.
“It took a while para sa akin, pero somehow ay gets ko naman bakit niya ginawa yun, Yunjin. Tama naman siya, the distance pati yung mga missed dates and phone calls... Those were going to ruin us sooner or later.” Hindi ko napigilang hindi siya ipagtanggol.
She frowned, “Oh no! You finally found it in yourself na maintindihan bakit siya nakipag break. Sign yan ng moving on, Winter! I don’t know if matutuwa ako or not!” Para ngang na-stress siya bigla. I almost laughed.
Pero... Hindi naman porket unti-unti ko nang tinanggap at naintindihan yung desisyon ni Karina na makipaghiwalay eh ibig sabihin moved on na ako.
May parang boses sa utak ko na nagsasabing: Will you ever move on? Gusto mo bang maka move on in the first place? But I quickly shook it off.
Of course gusto kong maka move... forward.
Mas pinili ko lang talagang hindi magpunta sa resentful path that was being presented to me dahil alam ko namang hindi gusto ni Karina yung nangyari.
Oo, inaamin ko, sobrang sakit pa rin na nakipag hiwalay siya. But I’m not going to paint her as the bad guy. Siguro part din naman ako sa naging dahilan. I could have been more patient and I could have assured her more.
Pero wala, nandito na 'to eh. Naghiwalay na kami. And it's true na baka nga yun ang dapat mangyari and it was for the best. Though hindi ko pa rin alam kung mawawala sa akin yung sakit na naramdaman ko dahil dito.
Nakatulong yung pag-punta niya sa bahay three months ago sa naging progress ko nitong mga nakaraang buwan.
"It's been hard."
It helped me see na hindi lang ako yung nahihirapan sa aming dalawa just because ako yung iniwan. She also had to leave her personal desires dahil inisip niya na mas makakabuti ito para sa akin. Para na rin sa kanya.
I got out of my trance, "Uhm sige na, Yunjin. May gagawin pa ako." Masyado na rin kasing pumupunta sa dangerous waters ang aming usapan. I can't deal with it ngayon dahil break ko itong araw para sa sarili ko.
Tumango na lang siya and she smiled, "Okay. Go na."
Akmang tatayo na ako at aalis pero hindi ko talaga matiis. Bahala na kung bibiruin ako ni Yunjin, "Yunjin.." She raised her brow sa akin, I bit the inside of my cheek at nagpatuloy, "Kamusta na ba siya?"
I expected her na asarin ako at bigyan ako ng makahulugang tingin but instead, she genuinely smiled softly at me bago sumagot, "She's still working, harder as ever. Although nag-lay off na siya ng Upwork for now since her Dad finally gained some balls at tumutulong na with the debt."
So bumalik ulit si Tito?
Anong naramdaman ni Karina dito?
"Kilala mo naman si Karina. Nagmatigas nung una, but she relented eventually dahil hindi na rin niya kinakaya yung sabay-sabay na work. Nakikita rin niyang hirap na si Tita." For her to accept help galing kay Tito kahit ayaw niya... It means talagang nahihirapan na siya.
"Her dad even tried to come back sa kanila ng mama niya, can you believe that jerk?" Grabe lang ang kapal ng mukha... "Pero neither Karina nor her mom wanted him back. Okay na raw yung tumutulong na lang sa utang. I mean, it was his fault in the first place."
I couldn't contain my worry, "Okay lang ba siya?"
"Well, yeah.. Somehow. She's getting by day by day. She doesn't have a choice. But ayun, recently nabawasan na yung work niya kahit papano." Umiling siya, "But the holidays were tough for her. Wala yung dad niya, tapos wala ka rin.." Malungkot siyang ngumiti sa akin.
"It has definitely been hard for her, Win. And I'm sure it has been for you, too."
Naluluha na ako sa mga sinasabi ni Yunjin kaya tumayo ako bigla at inexcuse ang sarili para pumunta saglit sa CR. Ayoko naman makita niya na grabe pa rin ang epekto sa akin ni Karina at ng mga nalaman ko.
It must be really tough for her.
And she's going through everything all by herself at ng mama niya. I just hope nandiyan ang friends niya para sa kanya.
I wish I were there for her too...
But it is what it is. Baka kung hindi kami nag-break, mas nakadagdag pa ako sa worries niya at sa kanyang responsibilities. Ito na lang ang iniisip ko.
Hays.
Hindi ko alam kung tama ba na tinanong ko pa si Yunjin kung kamusta na si Karina. It definitely didn't help sa aking goal to continue moving forward.
Pagbalik ko sa table namin, nakatayo na rin si Yunjin at ready nang umalis. She noticed me at kinuha na ang kanyang bag, "I'll get going na rin. Babalik pa ako sa Manila tomorrow so I have to fix my stuff."
"Sige. Salamat sa libre."
It caught me off guard nang bigla niya akong yakapin, "Sorry for cornering you. Na-miss kita. Not as Karina's ex, but as my friend as well." It made me feel bad tuloy dahil sa pagtatago ko sa kanya at pag tanggi sa mga invitations niya before.
"Sorry MIA ako sayo nung mga nakaraang buwan." I mumbled.
Humiwalay na siya ng yakap then she pinched my cheeks, "It's fine. I get it." Sumenyas siya sa pinto, "Go na. Jog away. Ingat!"
Nginitian ko siya pabalik, "Ikaw rin." Lumabas na ako ng Starbucks.
Sinubukan ko na lang din na tanggalin muna sa isip ko yung mga bagong information na nalaman ko tungkol kay Karina. Otherwise, iisipin ko lang ito nang iisipin habang nagjo-jogging. At least, diba, tinutulungan na sila sa pagbabayad ng utang.
Hindi na niya igugugol ang sarili masyado sa pagtatrabaho...
Okay, Winter. Focus na sa agenda for today!
Bago makarating sa may oval ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. I checked it at nakita kong nagtext si Olivia.
Olivia: Done ka na mag jog? Can I tag along? Hehe
Me: Di pa, otw pa lang sa F park. San ka na ba?
Olivia: Walking na papunta. Sige kita tayo doon. See you! :*
Surprised din ako sa sarili ko dahil mabilis akong naging at ease kay Olivia since pumasok siya sa LB office namin last November. Supposedly nung October pa dapat, pero nagkaroon ng conflict sa kanyang schedule dahil nagrereview siya for the boards.
Nakatulong din siguro na kapatid siya ni Ate Irene at na-meet ko na siya before during our mid-year practicum kaya hindi na ako nailang. She's friendly too at kahit sina Yeri ay mabilis siyang nakasundo.
Kapansin pansin din yung pagiging clingy niya sa akin. Iniisip ko na lang na sa akin kasi siya pinaka comfortable among our workmates, although palagi akong inaasar nila Jaemin sa kanya. Ewan ko lang kung bakit.
Well... May idea ako pero dedma naman. Ayokong maging assumera.
Wala naman ginagawa si Olivia na nagko-cause ng discomfort sa akin kaya wala lang sa akin if inaasar-asar kami dahil wala naman talagang meaning ito for me. Kapag kasi pumalag ako, mas mang-aasar lang sila.
Though lately ay napapadalas ang pagyayaya niya sa akin na mag-coffee o kaya naman dinner outside of our working time.
Pumasok tuloy sa isip ko yung tanong ni Yunjin kanina about Olivia kanina. Ganon rin kaya ang iniisip ni Karina? Na may something kami nito? Nakikita ko kasi na vini-view niya ang stories ko minsan.
“Win!”
Napalingon ako sa lakas ng boses ni Liv, “Uy.” Tinigil ko saglit ang stretching, “Kailan ka nakabalik sa LB? Kala ko next week ka pa? Gulat ako sa text mo.”
May break kasi kami sa work at second week pa ng January kami pinapabalik, which is next week, kaya naman naghanap muna ako ng ibang pagkakaabalahan. Jogging na lang ang naisipan ko. Otherwise, tunganga lang ako sa bahay.
“Wala lang. Miss kita eh.” Lagi siyang ganito… “Joke lang! Ikaw naman, hindi mabiro.” May pag tulak pa sa akin, “Stretching din muna ako then jog na tayo. Or if you like mauna ka na.”
“Hindi, antayin na kita.” She started doing her thing. Naalala ko bigla yung binigay niya sa akin last week, “Salamat pala dun sa gift mo for my birthday. Hindi mo naman kailangan, pero thanks pa rin.”
Pinagpatuloy niya ang kanyang stretching at nakangiting tumingin sa akin, “No worries. You kind of needed it kasi diba nasira yung bag mo sa field?” I nodded, “How was your birthday pala?”
“Uhm.. Ayos naman.”
Naaninag ko dito sa pwesto namin sa tapat ng DL Umali Hall yung Milka Krem, kaya pumasok ulit sa isip ko si Karina.
Pati na rin yung text niya nung birthday ko.
“Happy Birthday, Winter!” Bati ng workmates ko after nilang pakantahin yung mga servers sa Bonitos. Hiyang hiya lang naman ako sa eksena pero masaya naman. Ang festive. Tapos may libreng slice ng cake.
Nandito rin si Ning, naka video call pa nga si Giselle sa phone niya. For this occasion lang naman daw sabi nung dalawa at wag ko raw lagyan ng malisya. They’re trying to be friends again, sabi nila.
Wow naman.
“Sayang wala si Cess at Liv!” Taga Cavite kasi si Cess, si Liv naman ay from Manila. Samantalang kaming apat nila Renjun ay taga LB at Calamba lang kaya nandito sila.
May hinugot na gift si Renjun under the table, “Pinapabigay pala ni Liv. Gift daw for you.” At talaga namang naghiyawan ang mga shunga, pero si Ning umirap lang. Natatawa ako dahil hindi niya raw gusto ang aura nung isa.
Inaano ba siya ni Liv?!
Tinanggap ko yung regalo, “Nag-abala pa siya. Sige mag thank you na lang ako mamaya sa text.” Malaki yung gift. Feeling ko bag ito dahil nasira yung travel bag ko sa field nung nakaraan.
“Kain na tayo. Gutom na ako. Daming kuda.” esang sabi ni Yeri.
I told them na kumain na muna. Kinuha ko saglit yung phone from Ning para kausapin si Giselle, “Sana nakapunta ka sa LB. Busy ba sa work? Kamusta diyan?”
“A bit hectic sa work. I tried na pumunta diyan but busy ang fam pag holidays, alam mo naman.” Nakita ko si Somi sa likod niya, “Hey, Winter! Happy Birthday!” Bati niya sa akin bago humalik sa pisngi ni Giselle, may binulong din siya sa kaibigan ko.
Napatingin ako kay Ning to see her reaction pero busy siya sa pagtetext kay Yujin gamit ang phone ko. Napangiti na lang ako nang patago dahil mukhang naka move on na nga talaga sila with other people.
Parang nakakaduwal isipin kung makikita kong may humahalik na ibang babae sa pisngi ni Karina...
Winter!
Itigil mo yan.
Pero kung mangyari man 'yon, eh di wala, magiging masaya na lang ako para sa kanya. Matagal na rin naman kaming wala so bakit pa ako aarte diba?!
Maghahanap na lang din ako ng iba.
Hay nako, kung ano-ano na lang ang iniisip ko.
“I have to go, Win. Will call you again later, okay? Tell Ning I said bye!” She waved at the camera at binaba na ang phone.
Kinalabit ko si Ning, “Oh, ito na phone mo. Kain na, mamaya mo na itext yan si baliw. Parang mamamatay pag di nakausap eh.”
She scowled at me, “Ay wow. Ganyan ka rin naman kay Kar—“ Pinandilatan ko siya bago pa man niya maituloy ang sasabihin. Naman kasi eh! Sinusubukan ko na ngang hindi masyadong isipin yung isa.
“Ay Winter nasan pala yung jowa mo?” Walang kagatol-gatol na tanong ni Jaemin. Napahinga na lang ako nang malalim. Natatawa yung iba naming kasama sa kanya, “Ay bakit? Bawal magtanong?”
Siniko siya ni Renjun, “Shunga mo talaga. Ang tagal nang break.”
“Kaya nga namin siya inaasar kay Liv. Shunga mo talaga Jae.” Matawa-tawang dagdag ni Yeri sa workmate namin, “Pero Win, diba siya yung maganda dun sa class ni Ma’am Ria? Dun sa dulo nakaupo.”
Parang may realization naman na bumalot sa itsura ni Renjun, “Ahh! Kaya naman pala ako na ang inuutusan na sumama kay Ma’am Ria! Siya pala yon!”
“Mga beh, birthday nung tao. Wag niyo nang i-stress, mga shuta kayo.” I looked at Ning gratefully. Peste kasi itong mga co-workers ko at ngayon pa talaga naisipang chumika tungkol kay Karina.
Thankfully ay hindi naman na nila binanggit ulit si Karina o si Olivia. Nagyaya pa sila na mag-Tresto at pumayag lang naman ako. Pinasunod din namin si Yujin na hindi tumanggi nung sabihin kong kasama si Ning. Sumunod din si Jeno dahil nasa LB siya.
We were all having a good time habang nag-iinom ng beer nang tumunog ang phone ko. Almost 10pm na rin kaya nagtataka ako kung sino ang magtetext ng ganitong oras.
Halos mabitawan ko ang aking phone when I saw Karina’s name.
Karina: Hi! Happy Birthday ❤️😘
Karina: Omg. That was Yunjin. Sorry!
Karina: But yeah.. Happy Birthday, Winter :)
Mga isang minuto ko tinitigan yung message niya, unsure kung rereplyan ko ba or hahayan ko na lang. Parang ang rude naman kung hindi ko manlang iaacknowledge ito.
I wasn’t expecting na magtetext siya for today. I pep-talked myself kagabi tungkol dito at sinabi sa sarili na wala naman na kaming dapat koneksyon in the first place kaya hindi na dapat mag-expect ng birthday greeting.
We didn't even exchange greetings nung pasko. I mean, hindi naman talaga dapat. Though tumawag si Tita Katherine kay Mama para bumati but that's about it.
Ayan tuloy, hindi ko alam kung paano ako magrereply sa kanyang pa-birthday greeting. Siguro thank you lang? Oo, ganon na nga lang. Hindi rin ako kumportable na iwan siya on read.
Wag na kaya?
Hay nako!
Me: Thanks Karina
Dinelete ko kaagad yung message, still contemplating kung dapat ba akong magreply. Okay lang ba na magreply sa ex?
"Ning." Tinapik ko yung kaibigan ko, naistorbo tuloy sa kanyang pag kain ng kropek. Nilingon niya ako, "Binati ako ni Karina."
At bilang naka-inom si gaga, hinablot niya sa akin yung cellphone ko at nag-type. Tina-try kong kunin ulit ito pero ang lakas niya!
"Ayan, okay na!" Malakas ang tawa nito at namumula pa ang pisngi. Binalik niya sa akin yung phone at tinignan ko kaagad kung anong nireply niya.
Tangina talaga nito.
Me: Aksla ki di mo na maaalala thank yoy po 😘
Hinampas hampas ko si Ning sa kanyang braso, "Alam mo ikaw teh sasabunutan kita! Para kang tanga!" Dali-dali akong nag-compose ulit ng reply.
Me: Si Ning yun. Sorry. Sige salamat
Napa-sapo na lang ako sa mukha.
“Do you wanna have dinner? Or may iba kang plans tonight?” Rinig kong tanong ni Olivia. Kakatapos lang namin mag jogging at currently ay nagpapalit na ako ng shirt dito sa CR ng SU. Kaming dalawa lang ang tao sa loob.
“Wala naman. San mo gusto?” Laking ginhawa ng makapagpalit na ako ng shirt. I got out of the cubicle at agad kong nakita si Liv na nakasandal sa counter by the sink.
She subtly looked at me mula ulo hanggang paa, medyo na-conscious ako sa ginawa niyang pag check out sa akin. “Ganda mo pa rin kahit kakagaling lang sa takbo.” Namula naman ako bigla sa sinabi niya.
Tinawanan ko na lang ito at hindi na pinansin, “Tara na nga. Sa mura lang ha.” Lumabas na kami ng banyo. We walked papalabas ng campus. Tahimik yung lugar, wala pa kasing pasok ang mga estudyante, next week pa.
“Gusto ko sana sa cozy na place. And.. Can I.. pay for our dinner?” I sensed shyness sa kanyang pagtatanong. Nagtaka rin ako kung bakit kailangan siya ang magbayad. Birthday niya ba? Parang hindi naman.
Napa-isip tuloy ako, Hindi naman ako ganon ka-dense na tao para hindi mahalata na may possibility na gusto ako ni Olivia, but I’m choosing to ignore it dahil mabuti naman siyang kaibigan at sabi ko nga, wala naman dahilan para layuan ko siya.
But I asked anyway, “Bakit? May pera naman ako. Oks lang.”
“Wala lang. Birthday mo last week eh. Sabi rin ni Ate Irene ilibre kita! Kaya wag kang tumanggi.” Sagot naman niya, making the mood less awkward after her offer na ilibre ako.
“Okay, sige. Pero seryoso, wag sa sobrang mahal. Kahit sa Seoul Kitchen na lang. Parang gusto ko ng Korean food ngayon.” I suggested. Ang tagal na rin nung last time na kumain ako doon.
Si Karina pa yung kasama ko...
Pinigilan niyang mangiti nang maluwag pero I noticed, “Alright. Sa Raymundo gate na tayo dumaan para we can walk na lang papunta sa Seoul Kitchen.” Pansin ko rin ang paglapit niya sa akin, making our shoulders touch.
Nagkwentuhan lang naman kami about sa kanyang review for the boards pati na rin ng mga upcoming field works namin for DOE ngayong buwan.
Nakarating na kami sa restaurant at naupo doon sa may corner na table. Gusto niya dun sa isang table sa kabilang side pero pasimple akong tumanggi dahil doon kami nag-date ni Karina dati.
Hindi ko alam kung ayaw ko lang talagang maalala yung date namin or I refuse na mapalitan yung spot na yun with Olivia.
She asked kung anong food ang gusto ko. I didn’t have to think much dahil may usual naman akong favorite na inoorder dito, “Yung tofu stew nila na may seafood. Okay na ako dun. Water na lang yung drink.”
“That’s it?” Nakatingin siyang maigi sa menu, “Dessert? Gusto mo nung bingsu? It looks good. Oorder ako non.” She went on sa pagsasabi ng kung anong gusto niyang orderin until tumawag siya ng waiter. Twenty minutes daw ang waiting time kaya tengga muna kami sa kinakaupuan.
Then she called my name, “Winter.” Malakas lang yata talaga ang radar ko sa ganito o baka obvious lang siya masyado, but I feel like may sasabihin siyang ano… basta. Natutunugan ko siya.
“Mmh?”
She grinned widely, “Don’t get weirded out ha. I’m not a creepy or anything. Pero happy crush kita.” Sabi ko na nga ba ganito ang sasabihin niya eh.
Jusko!
I can’t deal sa mga ganitong klaseng confessions especially ngayong nasa moving on phase pa ako ng breakup namin ni Karina. Instead of getting shy and flattered, I suddenly felt tensed, “Uhm..”
Nahalata niya siguro ang pagkabalisa ko kaya umiling kaagad siya, as though telling me na wala akong dapat ipag-alala, “Sinabi ko lang talaga! I’m not expecting anything. Feeling ko naman halata mo na rin. Crush lang naman.. Promise. Not more than that."
I gave her a timid nod, “Okay, sige. Sorry hindi ko alam kung paano magrereact sa ganito. Pero ayun, uhm, h-hanggang friends lang muna.” Narealize ko bigla yung sinabi ko, “I mean hanggang friends lang. Sorry, Liv."
Natawa lang siya, she doesn’t look offended or sad sa sinabi ko, “I know. You don't have to apologize for that. Like I said, gusto ko lang sabihin. Also.. you have this aura that screams na hindi ka interested sa mga ganong bagay for now.”
Well… totoo naman. “Oo eh. Sorry..” Surprisingly ay hindi naman ako sobrang nailang. Katulad ng sinabi niya, may instances naman talaga na nahahalata ko na before pa. Unang weeks pa lang niya sa office, napapansin ko na yung mga stolen glances niya.
She flashed me another smile, “It’s fine, Winter. Sana hindi ka na-awkward, though? Wag mo kong iwasan sa office ha! Hindi naman ako gagawa ng moves!”
Tumawa na lang din ako, “Hindi naman awkward masyado. Hindi rin naman kita iiwasan. Professional ako, noh.” Pabiro kong sabi, “Di naman big deal, Liv. Don’t worry.”
“Yup.” Mabilis niyang sagot, “Not a big deal at all.” Natahimik kaming dalawa saglit hanggang sa makarating na yung food.
Sino ba kasing nagpauso ng crush crush na yan?
—
Wala naman nabago sa amin ni Olivia for the next two weeks. Busy lang kami both sa work, siya naman ay sa last wave of review niya dahil board exam na niya next week.
We went to the field work together kasama si Yeri pero two days lang naman ito kaya hindi masyadong hectic. Kaso naiwan si Liv sa site for three more days dahil kailangan siya doon para sa new building. Kakabalik lang niya ngayong araw.
Ang dami na rin namin papers na need tapusin sa office kaya nabawasan ang field works namin. Isang buwan na lang kasi ay tapos na ang partership with DOE.
“Win, tumutunog phone mo.” Cess pointed out. Masyado yata akong immersed sa sinusulat kong paper at hindi ko ito napansin kaagad.
Ma’am Ria calling…
Sinagot ko ito, “Oh, Ma’am? Kamusta diyan?” Siya yung nasa Zamboanga ngayon for a week. Si Sir G at Ma’am Dani ang kasama niya doon at hindi na nila kami pinasama pa dahil kami nga ang assigned sa paper works.
“Field work’s okay. I called kasi ang daming students ang naghahanap sa akin regarding prerog! Sabi ko na ngang I wouldn’t be accepting. Mapilit yung iba. Ang bait ko kasi.” For sure sinasabunutan na nito ang sarili niya.
Iniwan ko muna yung ginagawa ko to properly talk to my boss, “Actually, Ma'am. Kahit dito sa office namin ng researchers, hinahanap ka. Ang kukulit."
“May mga nagpapaclearance din daw! Since you know, ako na ang Department Chair.” Ang yabang talaga!
“Anyways, is it okay kung doon ka magwork sa office ko today? Then explain mo na lang sa students na sa isang araw ako babalik. As for the people na nagpapaclearance, ipa-iwan mo yung forms so I can sign them on Friday." Parang hiningal pa si Ma'am sa tuloy-tuloy niyang pagsasalita, "Got it?"
Hindi ko naman kayang tanggihan si Ma'am. Tsaka at least maluwag ang office niya. May TV at sofa rin kaya hindi na rin masama, "Sige, Ma'am. Kahit until tomorrow, I'll be at your office." Malamang eh nahihiya lang itong isagad ang request niya hanggang bukas.
"I thought you weren't gonna offer." Maloko nitong sagot, "Thanks, Win! May bonus ka this month! Wag kang maingay kina Renjun!"
"Susumbong kita, Ma'am. May favoritism ka!"
Rinig ko ang pag gasp niya sa kabilang linya, "How dare you!" Ang dramatic, "Oh siya go na. Tell everyone na madaliin yung papers. May deadline tayo sa Friday. Bye!" Binaba ko na ang call.
Kita ko ang pagpunta ni Liv sa may working station ko. I looked up at her at ngumiti siya sa akin, "Si Ma'am Ria? Ano raw ganap?" Kahit pa nga sinabi kong hindi naman ako uncomfortable sa presence niya, her looks make me feel conscious in some way. Para kasing may something.
"Oo. Pinapatao ako dun sa office niya para hindi na nagpupunta at nagtatanong kung kani-kanino ang students about their inquiries kay Ma'am." Nag-ayos ako ng gamit at laptop ko para mag-transfer sa kanyang office sa kabilang building.
"All around ka talaga." Olivia chuckled softly, "Gusto mo samahan kita sa office niya? Para hindi ka mag-isa. Pwede rin naman akong mag work doon."
I glanced at her unsurely, "Hala.. Okay lang naman. Baka rin kailanganin ka dito dahil tumatawag-tawag sina Sir G minsan. Okay lang naman sa akin na mag isa doon. Baka umidlip lang din ako kapag walang ginagawa."
Ang dami ko bang sinabi? Nag-offer lang naman siya. Sana hindi niya napansin yung parang pagiging defensive ko.
She just smiled in response at lumayo na from my desk, "Alrighty. But if you need any help, text ka lang." Ang sarap lamutakin ng mukha ni Renjun at Jaemin na patagong inaasar ako sa likod ni Olivia.
"Sure, sige." I got up from my seat at dumerecho na papunta sa office ni Ma'am Ria. Binigyan naman niya ako ng spare key dito just in case of emergency daw kaya hindi ko na kailangan hingin pa sa admin.
As expected, maraming mga pumupumunta dito at nanlulugmok pag sinasabi kong wala pa si Ma'am Ria. May mangilan-ngilan din na students na nag-iiwan ng clearance form. Sila yung mga technically ay graduated na from last sem.
Si Karina kaya?
Balita ko nakapasa naman siya sa Eng10. Good for her. At least mag aantay na lang siya para mag martsa this year.
Malapit nang mag alas dose kaya tumayo na muna ako para kumain ng lunch kasama ang aking workmates when I heard a gentle knock sa pinto. Malas naman, kung kailan paalis na ako eh. I cleared my throat, "Come in!"
Hindi naman ako prepared sa pumasok na babae.
Babae, meaning si Karina.
Na naka white button up long sleeves at acid-washed jeans, looking all beautiful ngayong tanghaling tapat.
Tangina ka, Winter. Itigil mo yan.
Hindi pa niya ako nakikita dahil maingat niyang sinasara ang pinto. Nang makaharap siya, obvious din ang pagkagulat sa mukha niya, "W-Winter. Hey." Hindi niya bigla malaman kung saan sulok ng office siya titingin.
Ganon din naman ako.
If there's one thing na nakasigurado ako ngayon, yun ay hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto niya sa akin. May mixture ng kaba, lungkot, sakit... Pero may halo rin ng pagka-miss sa kanya.
"A-Anong need mo kay Ma'am?" I managed to say, although medyo nag-stutter ako. Hindi nakakaproud after almost seven months of breakup.
Teka.
Hindi nanaman ako makapaniwala na nasa harap ko siya.
The last time was when she was in my room...
"For.." She composed herself at nag straighten-up ng tayo. Nagawa rin niyang tignan na ako sa mga mata, "For clearance sana. Is she here?"
Hindi pa ako nakakasagot nang magsalita siya ulit, "Ang ganda mo." Mukhang hindi niya intention na sabihin ito out loud kaya kita ko ang bahagyang panlalaki ng mata niya, "I mean.." Natawa siya, "Gosh.. Nevermind."
Para bang nag short circuit ang utak ko sa mga nangyayari.
"N-Nasa ano pa siya, sa ano.." Nasan nga ba yun si Ma'am?! "Sa Zamboanga!" Pasigaw kong sabi. I faked my cough at kinalma ang sarili, "I mean nasa Zamboanga siya. Sa Friday pa yung balik. Pwede mong iwan yung form mo dito.."
Napakunot ang noo niya. Suddenly ay parang hyperaware ako sa bawat kilos niya. She pouted a little, "May work ako that day.. I don't know kung paano ko makukuha yung form." Sabi niya, more to herself than sa akin.
I pondered, iniisip ko kung iooffer ko ba sa kanya ang naiisip kong gawin para naman makatulong. I decided to go for it, "Pwede ko naman ipa-LBC sayo yung copy mo. Para hindi ka na mag take ng leave. Then.. ako na rin magpasa sa registrar and college sec nung copy nila."
Kung paano ko nagagawang kausapin siya nang tuloy-tuloy at mag-stay dito sa office na katitigan ko siya, hindi ko rin talaga alam.
"You'd do that?"
I looked down, kunwaring may kinukutingting sa drawer ni Ma'am, "Yup. Baka ganon din naman ang gawin ni Ma'am kung siya yung nandito.” Talaga ba, Winter?
Lumapit siya sa desk at pinatong dito yung clearance form niya, “Okay.. Thank you. I’ll pay for the shipping fee.” Kinuha ko ito from her at bahagya pang nagdikit ang mga kamay namin. Para akong nakuryente na hindi ko maintindihan.
And it seems like hindi lang ako ang nakaramdam dahil halos pareho kami ng reaksyon.
“I’ll get going na..” Reluctant niyang sabi, walking towards the door and away from me. Nagtataka pa ako kung bakit ang bagal niyang maglakad at hindi pa binubuksan ang pinto para lumabas.
Then humarap ulit siya sa akin, fidgeting with her fingers at kagat ang kanyang labi looking anxious, “Do you wanna have lunch?” Na-out of balance ako sa kinakaupuan ako.
Natameme ako sa tanong niya kaya nagsalita ulit siya, avoiding my gaze, “Kung okay lang, of course. It’s okay if you refuse.” Patawa-tawa siya, gusto kong matawa sa itsura niya kung hindi lang ako parang pinagpapawisan rin sa aking kinakaupuan.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok naman si Olivia, “Win? Tara lunch. Medyo mainit kaya nagdala ako ng payong for you.” Napatingin siya kay Karina sa kanyang kanan, “Hey! Karina, diba? Yung kasama rin sa practicum nila Ate Irene?”
Napalitan ng coldness ang tingin ni Karina. She only smiled at Liv at binigyan niya ito ng tamad na tamad na tango, “Yeah.” Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa, “Co-workers kayo..?”
“Yup. Close friends too.” Liv responded bago bumaling muli sa akin, “Win? Let's go lunch?”
I got up, sinecure ko muna yung form ni Karina sa mga files sa drawer, “Sunod na lang ako sa office, Liv.. May pupuntahan lang ako saglit.” Tinignan ko si Karina, napansin ko ang subtle na pag ngiti nito.
Olivia’s expression fell pero ngumiti pa rin siya, “Alright! Still, ito yung payong para hindi ka masyadong mainitan. Balik na muna ako sa office.” Bumaling siya ulit kay Karina, “Bye.”
Naiwan ulit kaming dalawa ng ex ko dito sa loob ng office. Kinuha ko yung wallet ko at naglakad papalagpas sa kanya derecho sa pinto, “Tara.”
I don’t know what came over me at pumayag akong sumama sa kanya para mag lunch. I guess there’s something in me that wants to prove to her at sa sarili ko na kaya kong makasama siya without having a meltdown?
Siguro nga.
It was awkward, to say the least, ang aming paglalakad palabas ng campus. Hindi naman ganon ka-uncomfortable dahil after all, si Karina pa rin naman ito. But the awkwardness between us is palpable.
“Saan tayo?” Tanong niya.
Sa sobrang dramatic ko, medyo may kirot sa sinabi niyang “tayo”. Jusko po. Eh kasi naman… wala nang kami. Hays!
“Sa Ken’s na lang, para mabilis lang yung food.” I answered without looking at her. Basta derechong nakatingin lang ako sa daan. I heard her say “Okay” sa aking suggestion.
Habang papalapit kami nang papalapit sa Ken’s ay unti-unti ko rin pinagsisisihan ang desisyon ko na sumama sa kanya na kaming dalawa lang. Ang daming flashbacks bigla na hindi ko inaasahan…
Hindi lang nung mga moments namin together pero pati na rin yung naging breakup namin months ago. It just hit me all of a sudden na we're going to each lunch as exes. And most certainly, hindi namin ito dapat ginagawa while trying to move forward!
Ni hindi nga kami naguusap before this at sa loob ng anim na buwan, pangalawang beses pa lang ito na nagkita kami tapos may pag lunch agad? Bakit naman kasi nag bida-bida ako at may nalalaman pa akong papatunayan sa sarili at sa kanya?!
Wala naman problema kung hindi ko kaya...
Maybe it’s because miss na miss ko na rin talaga ang presensya niya at hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil ngayon lang ulit kami nagkita? Am I overthinking?
“I’ll order for the both of us. Usual yung sayo?” Even yung pagtatanong niya nang ganito ka-simple, para akong maiiyak, “Winter? Yung usual ba?” No words came out of my mouth at tumango na lang ako.
I took deep breaths at sinubukang ikalma yung sarili ko habang nasa counter siya, but suddenly, everything is flashing before my eyes.
Naiinis ako kasi parang ang dali para sa akin ang pumayag kanina. Naiinis din ako kasi feeling ko dapat may galit pa rin akong nararamdaman, but all I’m left with ay panghihinayang, longing, at pagka miss sa kanya.
Hindi ko pa yata kayang makasama siya nang ganitong set up without thinking too much. I wasn’t prepared with how I was going to feel.
Hays.
Nang makabalik na siya sa mesa namin, tinignan niya ako at halata naman sa kanya na napansin niya ang pagka balisa ng itsura ko, “Are you okay? Is this.. too much?” Her voice cracked.
At feeling ko kapag nagtagal pang magkasama kami, maguumpisa akong umiyak sa harap niya, “S-Sorry.. Hindi ko—“ Huminga ako nang malalim, “Hindi ko pala kaya, Karina.” I said in all honesty.
“Oh.” May vulnerability sa kanyang boses.
“Uhm..” Hindi siya mapakali bigla, tumango lang nang tumango, “O-Of course. Sorry napaka impulsive ng pagyaya ko.. I should have been more sensitive.” She sounded apologetic, at alam kong kapag umalis ako, maiintindihan naman niya.
Kaya yun ang ginawa ko, “Sorry..”
“You have nothing to apologize for..” Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam at paano ako aalis, buti na lang she took the initiative, “You can go.. It’s, uhm—it’s okay.”
I barely nodded before storming out, leaving her doon sa usual table namin sa Ken’s. Hindi sana ‘to nangyari kung tumanggi na lang ako kanina. Sana hindi ko nakita yung hurt sa mata niya nung sinabi kong hindi ko kaya…
Yung pinanghahawakan ko na lang is yung fact na alam kong she gets where I’m coming from. Naiintindihan naman niya siguro.
Nakarating na ako sa office and I immediately saw my workmates na kumakain sa aming long table sa loob ng office, “Win! Tara kain na. May pa-lunch si Ma’am Ria, nagpadala ng budget.” Renjun shouted.
“Ah sige, kayo muna. Busog pa ako.” Mukha namang hindi nila nahalata yung pagka panget ng mood ko. Except nga lang kay Olivia na pasulyap-sulyap sa akin, looking concerned.
Ano kayang nangyari pag alis ko ng Ken’s? Kamusta kaya si Karina doon? Uuwi pa siya ng Manila… Ano ba yan, naghahalo-halo nanaman ang emosyon ko. Nakakainis! Okay naman ako kanina eh. Tangina lang.
Sana hindi ako umalis.
Pero para kasing biglang nag surge ang lahat ng nararamdaman ko kanina. And as if anytime, everything was going to burst out all over the place.
“Win, oks ka lang?” Hindi ko man lang napansin na lumapit pala si Liv papunta sa station ko. She gently held my hand.
I gave her a fake smile, “Oo naman. Mainit lang sa labas, kapagod maglakad.” Pinilit kong tumawa para hindi na siya magtanong at mag-alala pa, “Kakain ako mamaya. Don't worry."
“Akala ko kakain kayo ni.. Karina?” She asked unsurely, binitawan niya na ang kamay ko, “I'm sorry for asking but.. diba siya yung lagi mong kasama sa stories mo before..? You guys were together, right? Jeno mentioned it to me before..” Napaka ganda naman ng timing ng pagtatanong niya.
Save by the bell ako ni Jaemin dahil tinawag niya si Liv bigla para may i-check sa data ng field. Binigyan niya na lang ako ng sandwich at ng bottled water, “Kain ka ha.. You look pale. Baka sa gutom.” Umalis na siya.
I smiled thankfully sa kanya, "I will. Salamat."
Habang kinakain ang sandwich na ibigay ni Liv, iniisip ko kung magtetext ba ako kay Karina para mag sorry. Pero hindi ko na kailangan pang pag-isipan dahil a few seconds later, nakatanggap ako ng text galing sa kanya. Chineck ko ito kaagad.
Karina: Sorry about earlier.. I got carried away and asked you to eat lunch. Dapat nirespect ko yung space mo. Sorry, Win.
Karina: I’ll have Hyewon pick up the form on Friday para hindi na hassle for you.
I covered my face with my hands at parang gusto kong sumigaw out of frustration sa nangyari pati na rin sa sarili ko. Minabuti ko na hindi na lang magreply sa kanya kaagad. I have to compose myself first dahil sa nangyari.
I wish I didn’t let my emotions get the better of me, pero ganon siguro talaga. Although may panghihinayang sa part ko na sana nakasama ko siyang mag lunch kahit pa hindi kami mag imikan.
Kinabukasan, buong araw lang ako sa office ni Ma'am Ria. Buti na lang humupa na yung dami ng estudyante na pumupunta sa office at parang naubos na kahapon. Tuliro pa rin kasi ako sa kaganapan kahapon.
"Knock knock!" Si Liv.
"Bawal!"
Masigla siyang pumasok, "Bawal pa rin ba kahit may dala akong.." Hinarap niya sa akin yung paper bag na tinatago niya sa kanyang likod, "Jollibee?"
Okay, ang bango.
"Yung Jollibee lang. Bawal ka." Pagbibiro ko dito. Mukhang hindi naman ito natinag dahil humugot pa ng cellphone at akmang kukuhanan ako ng picture, "Hoy ang panget ko ngayon!" Sa totoo lang eh haggard naman talaga ako.
Paano ba naman kasi... hindi ako halos makatulog kagabi.
Pinatong niya yung Jollibee sa table at tinutok pa rin sa akin ang phone, "Humor me! Dali, mag pose ka. Kunwari ikaw yung Department Chair. Sesend ko kay Ma'am Ria." Ang kulit talaga nito ni Olivia!
Napa-iling na lang ako sa kakulitan niya at natawa, posing cutely habang nakaupo sa seat ni Ma'am Ria.
"Ayan! Cutie. Nilagay ko sa IG story. Repost mo ha!" Wow lang. Sapilitan?!
Pakunwaring umirap ako, "Ang dami naman demand. Pasalamat ka may dala kang Jollibee." Sumasakay na lang din ako sa pagiging maloko niya. Ayoko na rin iniisip yung naging usapan namin sa Seoul Kitchen about her "happy crush" sa akin.
Kinain na namin yung dala niyang food and after that, napiltan akong irepost ang kanyang IG story. Cute ko rin naman doon at tawang tawa lang si Ma'am Ria dahil bagay daw sa akin.
"Kunin ko lang laptop ko then dito muna ako sa office ni Ma'am, samahan kita." Liv suggested. At dahil tinanggihan ko siya kahapon, parang ang sama ko naman kung tatanggi nanaman ako ngayon.
"Okay, sige."
Tinignan ko ulit yung phone ko paglabas ni Olivia. For sure inaalaska nanaman ako ng mga workmates ko dahil dun sa picture.
Karina: Kain ka na ng lunch ☺️
Literal na nabitawan ko yung phone at nahulog ito sa desk. Ano ba... wrong sent ba siya?! Bakit bigla naman nagtetext siya ng ganito sa akin?
What is she trying to do?
Tatawagan ko sana si Ning para humingi ng advice kaso hindi ko pa pala nakekwento sa kanya yung nangyari kahapon. Wala ako sa mood ikwento lahat ngayon.
Pero baka naman si Yunjin nanaman ang nagtext sa phone ni Karina para pestehin ako? Feeling ko siya nga...
Me: Yunjin?
Karina: No.. It's me :)
Me: Ahh..
Me: Kain ka ri—
Delete! Delete! Delete! Okay na yung last message ko ay "Ahh.." para wala na siyang reason para magreply pa sa akin. Hay nako... Normal bang tinetext ang ex ng "Kain ka na ng lunch" tapos may emoji pa na ganon?
Jeno calling...
Ano naman ang kailangan nito? Ang eventful ng tanghali ko kapag nandito ako sa office ni Ma'am Ria ah. May sumpa siguro itong lugar na 'to.
"Hello?"
"Magandang tanghali, bff!" Kailan ko pa naging BFF itong si mokong?
"Ano nanaman, Jeno? Bored ka nanaman." Kinuha ko yung form ni Karina from the files at pinagmasdan ito habang kausap si Jeno.
Rinig ko ang tawa nito sa kabilang linya, "Sungit!" Singhal niya, "Anyways. Ikaw ha.. Anong meron sa inyo ni Olivia? Lagi kang present sa stories niya." Nahahawa na talaga siya sa girlfriend niya.
"Workmates lang kami. Wag ka ngang ano, naiirita ako sa boses mo." Pagsusungit ko. Napansin kong kulang pa ng isang pirma yung clearance ni Karina. Hindi niya siguro napansin? Na-overlook siguro.
Wait... Parang naririnig ko si Yunjin sa background. "Tanong mo kung may gusto sa kanya! Dali!" Akala ba niya hindi ko naririnig yung bulong niya kay Jeno?
"Yunjin, naririnig kita. Ginamit mo pa talaga si Jeno!"
"Winter! Hey girl!" Kinuha niya na siguro sa jowa yung phone, "Curious lang, ikaw naman. Anyhow.. May nagpapatanong kung kumain ka na r— Aray! Shuta ka Karin—" Nawala na yung call. Para akong masstroke sa sobrang chaotic.
Sumakit ang tenga pati ulo ko.
Bumalik ang atensyon ko dun sa form ni Karina. Hindi pa siya nakakapagpapirma sa University Librarian. Ako na kaya mag asikaso?
Bumukas yung pinto, nakabalik na si Liv. "Halu. Aalis ka?" Tanong niya sa akin, then nabaling ang atensyon niya dun sa form, "What's that?" Ang dami niyang tanong palagi, sa totoo lang. Though okay lang naman. Curious girl lang talaga siguro.
"Clearance ng.. isang student. Papapirmhan ko kay Ma'am Ria tomorrow, iniwan dito eh. Pero may na-miss out na isang signature. Aasikasuhin ko sana." Para hindi na hassle for her...
She sat dun sa sofa at nag ayos ng gamit, "Alright. Dito lang ako." Tiningala niya ako bago ako makaalis, "Wait you have.." Tumayo siya at kinuha yung tissue from her pocket at pinunas sa may labi ko, "A-Ayan okay na. May crumbs kasi."
Umupo na siya ulit at hindi na ako tinignan pa.
"Sige alis muna ako."
Buti naabutan ko yung librarian sa office niya. Ayaw pa nga nitong pirmahan agad dahil ang kailangan daw eh yung mismong tao ang nandito, kaya tumawag ako kay Ma'am Ria para siya ang makiusap. Thankfully, napapirmahan ko yung clearance ni Karina.
Siguro kahit naman hindi kay Karina yung form, ganito rin ang gagawin ko.
Yup.
—
Friday nanaman. Ang daming deadlines ngayon but fortunately, natapos namin lahat ng need ipasa sa DOE ngayong araw.
Ngayon din ang balik ni Ma'am Ria kaya break muna ako sa pagpunta sa office niya. Maaga akong pumasok sa office kasabay si Olivia, marami kasi kaming need i-double check this morning. Dumaan siya sa bahay kanina dahil bumili ito ng breakfast sa silogan ni Mama.
"Favorite ko talaga hamsilog." Sabi niya, and immediately, si Karina ang pumasok sa isip ko. Jusko po.
Naalala ko tuloy yung clearance form niya...
Sabi niya si Hyewon na lang ang papapuntahin niya pero parang gusto kong ako na? Medyo nahihiya pa rin ako dun sa nangyaring pagwa-walk out ko sa kanya nung Wednesday.
Almost 8am pa lang ay may natanggap agad akong message. Feeling ko si Ning ito dahil nagyayaya yun na mag Iris bar kami mamaya kasama si Yujin.
Karina: Good morning ☺️
"." Napasala ako ng inom sa kopiko 78, may tumulo tuloy sa may chin ko. Agad naman kumuha si Olivia ng tissue at binigay sakin, "Thanks."
"Ang aga mong klutz."
Si Karina naman kasi! Seryoso... Kahapon nag-text siya telling me na kumain na ng lunch. Tapos ngayon good morning naman. Bakit feeling ko, unti-unti ay sinusubukan niyang magkaroon ulit kami ng communication?
"Winter." Tawag sakin ni Liv. Bumaling ako sa kanya, raising my brows at her telling her to continue, "Uhm.. Pwede ba tayong mag coffee or dinner next week? Bago ako pumunta sa Manila to take the boards."
Ang hirap huminde sa request niya.. Baka naman kasama ang iba naming workamtes? "Okay, sige. Kasama ba sila Renjun?"
"Tayo lang sana."
"Ahh.." I didn't want her to notice na medyo napapa-isip ako. Baka kasi isipin niya gusto kong tumanggi dahil lang happy crush niya ako, "Sige, sige. Sabihan mo lang ako kung kailan at saan."
Malaki ang ngiti niya, "Thanks, Win!" Ang cute lang ng pagiging excited niya. Parang batang ewan. Kape lang naman, so wala naman yun malisya.
Inunlock ko ulit yung phone ko at tinitigan ang message ni Karina. Naisipan ko na magreply na lang about sa kanyang form pati na rin balitaan siya tungkol dito.
Me: Pinapirmahan ko pala sa univ librarian yung form mo.
Karina: Talaga ba? Hindi ko siya naabutan last time. Thank you :) Papakuha ko na lang kay Hyewon yung clearance later..
Me: Wag na.. Ako na.
Karina: Sure ka?
Me: Oo.
Karina: If you say so.. Thank u :)
Hay nako, Winter. Anong ginagawa mo?! Well.. Tumutulong lang naman.
"Good morning, my lovely researchers!" Grabeng entrada naman ni Ma'am Ria, "Na-miss niyo ba ako? At dahil diyan, may meeting tayo since three weeks na lang before our project with DOE ends. Conference room tayo in about.. ten minutes."
Ang dami palang gagawin ngayong araw. I made a note sa aking sarili na ipaalala kay Ma'am Ria yung pipirmahan niyang form ni Karina pati na rin yung ibang documents na iniwan sa office niya to be signed.
May mock presentation din kami after lunch which truthfully ay almost perfected na namin ng team so wala naman dapat ipag-alala.
Agad na nag-umpisa si Ma'am Ria at Ma'am Dani sa discussion about the deliverables ngayong araw. After that, inopen na nila yung magiging final presentation slash team building na magaganap in a few weeks.
"Sa CCT Tagaytay daw yung venue, and it will be a three-day trip so please, clear your schedule na dahil hindi ko papayagan na may hindi sumama sa atin." She said pointedly, "Yung first day will be allotted for preparation for the presentation. Second day is the presentation day itself."
Ohh.. At least may isang araw na pwede pa kaming mag prepare dahil pangalawang araw pa pala yung presentation.
"Third day is chill day. Socials day. Maraming games, raffles, etc. Be competitive ha! Wag KJ, guys! Maki-interact kayo with everyone, even the bosses, they'd love for you to talk to them." Halata ang pagka excited sa itsura nila Yeri.
Kinalabit ako ni Olivia, "Sasama ka?"
"Oo, bawal daw hindi sumama eh. Nakakahiya naman kila Ma'am." Bulong ko pabalik, "Bakit? Di ka makakasama? Pwede ka naman magpaalam."
"Sasama ako, nandon ka eh." Pabirong kumindat siya sa akin. I just laughed it off. Nakatingin sa amin yung iba naming workmates at parang anytime mang-aasar nanaman kung hindi ko lang pinandilatan.
Ewan ko ba naman kasi dito kay Olivia, parang tuwang tuwa pa sa panunukso ng mga mokong.
"Winter, sama ka saglit sa office. I need to know kung ano yung mga documents na need kong i-sign." Sumunod ako kay Ma'am papunta sa kanyang opisina.
I gave her the compiled files at naka-sort na ang mga ito based sa kung anong type ng documents. Nangunguna yung form ni Karina dun sa files, "Ito po yung sa mga nagpapa-clearance, Ma'am. Yung sa prerog, babalik daw sila today. Yung iba po, documents from OVCRE."
She was browsing through the files, "Alright. Thanks, Winter." Hindi pa rin ako umaalis kaya nagtaka siya, "May need ka ba sa files?"
"Opo, yung kay.. Karina. Ipapa-LBC ko po kasi sa kanya later yung copy niya kasi hindi siya makakabalik sa LB. Then idadaan ko na rin sa registrar and colsec yung two other copies." I tried to sound as nonchalant as possible.
Pero kita ko yung ngisi ni Ma'am, "Close pala kayo? I saw you guys talking din last time sa class ko. Is she your friend?"
"Ahh.. Opo, batchmate ko po."
She signed Karina's form at binigay na ito sa akin, "Here you go. Thanks for your help, Win. You can go back na sa office. I-check niyong maigi yung papers na ipapasa natin later, okay?"
"Sige po, Ma'am." Nagpaalam na ako sa kanya at dinala na sa college secretary yung isang copy ng form, pagkatapos ay idinaan ko na rin sa registrar na masungit.
Okay, medyo pinagpawisan ako sa paglalakad ng forms niya. Na hindi ko naman kasi kailangan gawin, pero bida-bida nga ako.
Ning: Maya ha! Friday night naman
Me: Oo.. May kekwento rin ako sayo.
Ning: Baka naman about sa happy crush sayo ni Olivia yan ha! No thanks
Me: Tanga hindi. Tungkol kay Karina..
Ning: AY BET. See you later!
Itong si Ning napaka ano talaga! Basta about kay Karina, sobrang interesado. These past few months, paulit-ulit lang naman niya akong pinepeste about sa ex ko. Lagi akong tinatanong kung paano raw kapag binalikan ako ni Karina.
Syempre hindi ko na lang pinapansin ang mga tanong niya at hindi ako sumasagot nang matino, telling her na baka malabo na nga. Nawalan na rin kasi talaga kami ng communication...
Kaya naman bago sa akin itong mga ginagawa niyang pagtetext.
Pagbalik ko sa office ay sinalubong ako kaagad ng very enthusiastic na si Olivia. Nasasanay na ako sa energy niya, "Win! Next week Wednesday night tayo mag coffee? Thursday morning kasi ako susunduin ni Ate Irene dito sa LB."
"Okay. KKB na lang ha, ilang beses mo na ko nililibre." Tsaka para kasing iba ang meaning kapag siya yung magbabayad, especially ngayon na umamin siya sa akin about her silly crush.
She frowned, "Bakit? Ako nagyaya, so ako magbabayad. Wala naman problem dun." She looked at me, forming an 'o' shape at parang may narealize, "You think it's a.. date? Weird ba?"
"Ha? Hindi ah! Gusto ko lang talaga na ako magbabayad nung oorderin ko." Defensive kong tugon, "Basta KKB. Wag ka nang makulit." Pinulupot ko ang kamay ko sa kanya para di na magpumilit.
"Sige na nga." Ngumuso siya.
Bakit ba ang hilig ngumuso ng mga tao these days?
It was a long day at finally, natapos na namin yung mock presentation at naipasa ang kailangang ipasa sa DOE before the day ends. Naipa-pick up ko na rin sa LBC yung form ni Karina. Perfect yung pagkikita namin ni Ning at Yujin dahil nakakapagod din talaga itong week na 'to.
I saw them waiting for me sa labas ng CAS, "W
Comments