Part 2

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

"Dalawa pong estudyante, sa Makati po." Inabot ni Karina yung bayad sa kundoktor. Libre na raw niya ang pamasahe ko. Wala rin naman siyang choice dahil wala akong pera at siya naman ang nagyaya sa akin.

 

Sa pinakadulo kami nakaupo dahil punuan ngayon ang bus at Sabado. Uwian ng mga estudyante sa Elbi na taga Manila. Siksikan ang eksena. Kaya nung may tumabi sa kaliwa ko, napa iktad agad ako.

 

Nakipagpalit si Karina sa akin ng pwesto at alam naman niya ayokong may nakakadikit na iba sa bus. May isang beses kasi na may nakatulog sa braso ko at natuluan pa ako ng laway. Kadiri. Ang arte ko yata pero naaaburido kasi talaga ako.

 

"Kuya ito school ID." Pinakita ko kay Kuya yung UP ID namin ni Karina. Ang tagal niya pang tinitigan. Hindi ba siya naniniwala? Pinasok ko na ulit sa bag ko yung ID namin.

 

Ako talaga ang taga-bitbit ng gamit namin ng best friend ko kapag umaalis kami at isang bag lang ang dala namin. Napaka-burara niya kasi. Nawalan na siya ng wallet dati.

 

Humarap ako sa kanya, "San daw natin kikitain parents mo?"

 

"Glorietta lang siguro, bes. Or SM Makati. Bahala na. Uminom ka ba ng Bonamine? Baka mahilo ka sa byahe."

 

Ay pucha. Nalimutan ko. "Nalimutan kong bumili. Hayaan mo na. May white flower dito sa bag. Oks na yon."

 

"Charan! May baon ako for you." Binunot niya sa bulsa yung gamot at nakangiting prinisinta ito sa harap ko.

 

Napangiti ako. Ako kasi madalas ang ganito sa aming dalawa. Yung maalaga, yung nakakaalala na magdala ng essentials, yung parang girl scout na laging handa dahil hindi naman maaasahan itong best friend ko sa ganitong bagay.

 

Kaya lang, si Karina—ayoko sanang mag English—she has her moments too. Katulad ngayon. Naalala niyang dalhan ako ng gamot.

 

Jusko. Simpleng pagdadala lang sa akin ng gamot ng best friend ko ang dami ko nang sinasabi. Hindi na rin ako magtataka kung bakit hindi ko siya mapakawalan sa puso ko.

 

“Thanks, bes. Tubig? May dala ka?” Nasa dila ko na yung gamot, nag-aabang na may iabot siyang tubig sa akin.

 

“Ay wala bes. Ipunin mo na lang laway mo tas tsaka mo lunukin.” Sabi ko nga, laway na lang.

 

Ayoko naman talagang sumama sa lakad niya ngayon papuntang Maynila. 

 

Kaya lang, lagi ko ngang sinasabi, mapilit itong si Karina. Sabi pa niya kapag daw naligaw siya don, iiyak din naman ako kapag may nangyaring masama sa kanya.

 

At isa pa, medyo miss ko na rin siya.

 

Nitong mga nakaraang araw kasi, marami siyang pinagkakaabalahan pagdating sa pagsali ng ComArts Limited. Kailangan niyang mag report kada gabi sa members at required yon. Minsan sinasamahan ko siya, madalas hindi.

 

Pero kahit naman ganon, hindi niya nalilimutan na daanan kami ni Mama sa store pagkatapos. Minsan nga eh talagang nagpapa-late akong umuwi at tumatambay muna sa silogan para lang maabutan ko siya.

 

“Bes..”

 

Tinignan ko siya nang nanliliit ang mata. Alam ko yung tono niya na ganito. Malamang sa malamang, may favor siyang kailangan sakin.

 

“Kapag yan blind date nanaman, Karina.” Umiling siya kaagad nang sabihin ko 'yon. Napa-diin ang hawak niya sa kamay ko at halos mag holding hands na kami.

 

Bakit ba sobrang unfair ng mundo? Sigurado ako wala lang sa kanya yung ganito at normal lang ang tibok ng puso niya ngayon. Samantalang ako, halos mag palpitate dahil sa feeling ng palad niya sa palad ko.

 

Kalma, puso, best friend mo yan.

 

Best friend mo lang yan.

 

“Hindi! Ano kasi, diba dalawa sasalihan kong orgs? Yung sa SSDC at sa ComArts Limited..” Nilalaro niya yung daliri ko, halatang kinakabahan siya sa kung ano mang gusto niyang sabihin.

 

Hindi ko na inisip muna yung parang pag tumbling ng tiyan ko sa ginagawa niya sa mga daliri ko. Mas nanaig yung pag-aalala ko sa kanya. Para kasing naa-anxious siya na hindi ko maintindihan.

 

“Huy bes, ano ba 'yun? Pinag-aalala mo 'ko.”

 

Pinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko habang nilalaro pa rin yung kamay kong halos pagpawisan na. Sa kaba o sa kilig, hindi ko na rin alam talaga.

 

“Eh wag mo na lang banggitin sana kina Mama, bes.. Alam mo naman sila. Baka magalit.”

 

Mabilis ang pag lingon ko sa direksyon niya, “Karina alam mo namang ayokong nagsisinungaling sa parents mo. Sakin ka kaya nila ibinilin. Nangako ako kay Tita na sasabihin ko lahat diba? Nandon ka pa nung kinausap niya ako.”

 

Tumango siya, “Papayagan nila ako sa acad org pero yung sa dance kasi baka pigilan ako.”

 

Nanlulumo ang kanyang tono. Napa-awa naman ako sa kanya bigla. Alam ko naman kasing gusto niya talagang makasali at lagi siyang nag papractice para sa audition.

 

Pinagpatuloy niya ang pagsasalita nang hindi ako umimik, “Nakakahiya kay Yeji kung mag-quit ako bes. Tsaka.. alam mo namang dun ko lang siya nakakasama talaga.”

 

“Ganon ba siya ka-importante?” Malumanay kong sambit.

 

Tinignan niya ako sa mata at sumagot, “Oo, bes. Alam mo naman 'yun.”

 

Umiwas ako ng tingin at bumaling na lang sa bintana, “Okay, sige.”

 

Mahina ang pag buntong-hininga ko para hindi niya marinig, “Hindi ko sasabihin. Basta 'wag mo na lang hayaan na ma-distract ang pag-aaral mo para 'di nila mapansin ha.”

 

Umayos siya ng upo at niyakap ako patagilid, “Yes! Thanks bes! Nandiyan ka naman para tulungan akong mag-aral. Labyu.”

 

Basta’t para sayo, Karina. Kahit masakit. Kahit mabigat sa dibdib.

 

 "Oo naman. Hindi naman kita papabayaan.. bes."

 

I've known you for so long

 

You are a friend of mine

 

But is this all we'd ever be?

 

I've loved you ever since

 

You are a friend of mine

 

But babe, is this all we ever could be?

 

Napa-simangot ako sa tumugtog na kanta sa speaker ng bus. Ang theme song ng aking buhay. Matutulog na lang ako. Kabag lang to. Anim na taon. Kabag. Kabag. Kabag.

 

 

 

 

 

 

"Mga anak!"

 

Agad kaming sinalubong ng mama ni Karina. Maluha-luha pa siya nang makita ulit ang anak. Halos ilang linggo na rin kasi nung huli silang dumalaw sa Los Baños.

 

"Kamusta po, Tita?" Bati ko sa kanya. Yumakap din ako sa papa ni Karina.

 

"Anong Tita?! Sabi ko sayo diba Mama rin ang itawag mo sakin."

 

Natawa lang ang best friend ko sa pagtatampo kunware ng mama niya. Ganito naman kasi talaga itong si Tita, kwela at minsan may pagka-maarte. Manang mana si Karina sa kanya.

 

Napakamot na lang ako sa ulo at umupo na sa harap nila. "Sige po, Ma.." Pag sunod ko. Sumagot lang siya ng "That's better."

 

Mukhang umorder na sila kanina pa dahil biglang dumating ang isang katerbang pagkain sa harap namin. Big time na talaga sila ni Tito. Mabuti naman kung ganon. Grabe rin ang hard work nila.

 

"Ma, ang dami naman nito." Sabi ni Karina sa tabi ko.

 

"Oo nga po, Ti—" Tinignan niya ako nang masama, "Oo nga po, Ma. Baka hindi po natin maubos."

 

Umiling si Tito, "It's okay, girls. Kapag hindi naubos, iuwi niyo na lang sa Los Baños."

 

Nag-umpisa na kaming kumuha ng pagkain. Nagulat pa ako nang si Karina ang sumandok ng pagkain para sakin. Ang dami niya ring nilalagay sa plato ko.

 

Pasikretong kikiligin na sana ako nang maalala kong may favor nga pala siya kaya ganito. Napaka-sipsip talaga nito kapag may kailangan.

 

"So, kamusta naman ang first few months niyo sa UPLB? Everything good? Winter isumbong mo sakin yan si Karina kapag nagloloko." Kinurot ni Karina ang bewang ko. Napalakas yata ang tawa ko sa sinabi ng mama niya.

 

"Ma, mas mataas pa nga grades ko kay Winter!" Nagawa pang magsinungaling nito. Asa naman. Ako kaya gumagawa madalas ng requirements niya.

 

Sumabat yung papa niya nang pabiro, "I doubt."

 

Ngumuso lang ang best friend ko. Naawa naman ako at parang napagtulungan namin siya. Tatapikin ko sana ang kanyang hita para ma-comfort, ang kaso nga lang, palad niya ang bumungad sa palad ko.

 

Akmang aalisin ko pero hindi niya ito binitawan at pinagsiklop niya pa lalo. Para kaming mag jowa na magka-holding hands sa ilalim ng lamesa habang nakikipag-usap sa magulang.

 

Asa naman.

 

"Ma, Pa, may sasabihin po ako." Ah, kaya naman pala napakapit sa akin. Halatang kabado. Baka sasabihin na niya yung sa org. Napatigil pareho sa pagsubo ng pagkain yung mga magulang niya.

 

"Anak may boyfriend ka na?" Mapang-husgang tanong ng mama niya.

 

Agad na sumimangot si Karina at itinanggi ito.

 

Natatawa ako. Gusto ko sanang sabihin na hindi talaga magkakaron ng boyfriend ang anak nila kasi bakla siya, pero hindi nga pala out si Karina sa parents niya. Kahit ako naman ay hindi out kay Mama at Papa.

 

"Ma, wala! Magpapaalam lang akong mag org.." Pinisil ko yung kamay niya, parang silent way ko na rin para sabihin na it's okay.

 

Pansin ko agad ang pagkunot ng noo ng mama niya, "Karina, first year niyo pa lang aba't sasali ka na ng org org na yan. Baka makasama sayo yan ha." Nag-aalalang pagpapagalit nito.

 

Tinignan ako ni Karina at parang nanghihingi ng tulong. Sumabat ako at hinarap si Tita, "Acad org naman po yung sasalihan ni Karina. Nag-aaral naman po yan. Ako po mismo magsusumbong kapag hindi nagtino."

 

Binigyan ako ni Karina ng matamis na ngiti. To the rescue nanaman ako sa aking mahal na best friend. Ito na lang yata talaga ang role ko sa buhay niya, pa-joke kong naisip. Pero alam ko namang hindi totoo 'yon.

 

"Hayaan mo na ang anak mo. Nag-vouch naman si Winter." Wala nang nagawa si Tita. Papa's girl din kasi talaga itong si Karina kaya laging napagbibigyan ni Tito.

 

"Oh sige, basta isa lang ha. Pag nalaman-laman kong doble-doble yang engagements mo sa orgs, Karina." Medyo nakokonsensya ako na pareho kaming may tinatago sa mama niya. Hay. Ang panget sa pakiramdam.

 

Nagkatinginan kami ni Karina. Ako na ang sumagot para sa kanya, "Ako po ang bahala, Ma."

 

Napag-usapan lang namin yung mga pinagkakaabalahan namin ni Karina sa campus. Nagreklamo itong best friend ko na medyo naliliitan siya sa apartment niya kaya pinapahanap siya ng parents niya ng mas malaki.  

 

Kinamusta din nila ang magulang ko. Close kasi sila, kumbaga mag kumare at kumpare simula nung magkakilala din kami ni Karina.

 

"Oh ito ibigay mo kay Erick." Inabot sakin ni Tito yung paper bag na may laman na Chivas Regal.

 

Ano ba yan, alak nanaman. Pero panigurado tuwang-tuwa ang tatay ko 'pag binigay ko na ito sa kanya. Pinasalamatan ko na lang din yung papa ni Karina.

 

Nag-excuse ako para magpunta sa banyo saglit. Sumama sa akin si Tita. Laking gulat ko nang may iabot sa akin na sobre, "Anak, tulong ko sa inyo. Bigay mo sa mama mo o kaya ikaw na mag-budget."

 

Akmang ibabalik ko pa ito dahil nahihiya ako pero nagpumilit siya, "We're family. Tanggapin mo na. Pa-thank you na rin for taking care of Karina while we're not there."

 

Wala na akong nagawa kung 'di tanggapin ito. Tama naman si Tita, hindi naman na sila iba sa amin. "Salamat po. Wag po kayong mag-alala, babayaran ko 'to kapag nagkatrabaho na ako." Pabiro kong sabi.

 

"Ikaw naman, no need. Basta safe kayo lagi ni Karina. Pag pasensyahan mo minsan yung anak ko at alam mo naman kung gaano kalikot 'yun minsan." Ngumiti ako sa sinabi niya. Sanay naman na ako sa best friend kong na parang kiti-kiti.

 

"Kahit dati naman po ganyan yang anak niyo. Sanay na po ako mag-alaga."

 

Niyakap niya ako at nagpasalamat ulit sa akin, "You're a good person, Winter. Ang sipag sipag mo rin. Swerte sina kumare sayo." Nahiya naman ako sa biglang pag puri niya sa akin.

 

Hindi kasi talaga ako nakakatanggap ng mga ganong salita galing sa mga tao. Kahit nga ang mga magulang ko ay bibihira akong bigyan ng words of encouragement. Paminsan-minsan si Mama, pero sobrang dalang lang.

 

"Anong drama 'to? Sali ako!" Naki-yakap din sa amin si Karina pagpasok niya ng restroom.

 

Naramdaman ko yung palad niya na dumako sa likod ko para mas higpitan ang yakap. Napatingin ako sa kanya habang nakapikit siya at ninanamnam yung moment.

 

I'll always take care of you, Karina.

 

Umalis na kami at gumala muna nang kaunti sa mall bago magpaalam ang parents ni Karina. Pinamili nila kami ng damit sa H&M. Katulad ng dati, hindi nanaman ako nakatanggi at grabe din nila akong i-baby.

 

Tuwang tuwa naman ang best friend ko dahil gustong gusto niya yung mga ganito. Yung gumagala, bumibili ng mga bagong damit, kumakain sa labas.

 

Kaya naiinis siya sa akin minsan kapag hindi ko siya sinasamahan kapag niyayaya niya akong lumabas lalo na 'pag maraming kailangang aralin sa school.

 

Hinatid kami ni Tito at Tita sa sakayan ng bus at salamat sa Diyos, nakaupo naman kami. Binigay ulit ni Karina yung isa pang Bonamine na baon niya para sa akin.

 

Kanina pa siya walang imik kaya nag taka na ako at nilingon siya sa kaliwa, "Ano yan? Bakit kanina ka pa tumatawa nang mahina?" Hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanyang labi nang humarap siya sakin.

 

Napakagat-labi pa siya na agad ko naman iniwasan ng tingin. Mahirap na.

 

"Si Yeji niyayaya akong mag practice mamayang gabi sa may lib para sa audition namin." Kita ko naman sa mata niya na sobrang excited siya. "Sama ka bes?" 

 

Inisip kong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
0 points #1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 0 points #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 0 points #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 643 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche #7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche #8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance