Part 16

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Hello. One Spanish latté to go please.”

 

Mabilis akong lumingon sa counter ng coffee shop kung saan galing yung boses. Kaboses kasi siya ni Karina, yung medyo may pagka-deep. Pero hindi pala siya. Ano nga naman bang ineexpect ko?

 

Two months have passed at kahit anino niya ay hindi ko pa rin nakikita. Tinanong ko si Ning kung may paramdam sa kanya. Ang sabi niya ay nag-reply naman daw one time pero that's it.

 

Minsan nga iniisip ko kung lumipat na ba siya ng school o kaya nag-take ng LOA ngayong sem. Ang imposible naman kasi na hindi ko man lang siya nakakasalubong sa campus, even sa hallways ng CAS ay wala rin.

 

May nangyari bang hindi maganda sa kanya tapos hindi ko lang alam?

 

Hindi naman sa hinahanap ko siya, pero kapansin-pansin lang talaga yung kanyang lack of presence especially kung tatlong buwan na ang nakakalipas nung huli ko siyang makita.

 

In fact, tina-try kong hindi na isipin yung nangyari sa amin sa Batangas.

 

May mga pagkakataon lang talaga na I’d wonder kung kamusta na siya. Kung okay ba ang parents niya, kung kinakaya pa ba niya ang acads dahil mas humihirap na yung subjects ngayong third year na kami.

 

Ang gulo ko rin talaga. Para yata akong tanga minsan. Ako yung nagsabi ng kung ano-ano sa kanya at nag-impose na we’re nothing but strangers. Not even friendship…

 

Tapos iisipin ko kung kamusta na siya? Magtataka ako kung bakit hindi siya nagpapakita? 

 

Baka nga umiiwas lang talaga.

 

“Hello, ganda.” Nagulat ako sa biglang paghawak sa akin ni Minju sa balikat, “Kanina ka pa? Sorry napatagal. How was the community service?” Napangiti ako bigla sa boses niya. Nakaka-miss.

 

Two days din kaming hindi nagpangita kahit pa nga magkalapit lang naman ang apartment niya sa bahay namin. Busy rin kasi ako sa acads at tutoring tapos dumagdag pa yung community service sa org. Si Minju naman ay marami rin ginagawang papers at kasali pa siya sa isang play.

 

Naupo siya sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa Siento Café, naging favorite “chilling place” na namin itong dalawa. Maganda raw kasi yung memories namin dito sabi ni Minju since dito niya ako tinanong ng another chance nung summer.

 

“Okay lang, kakarating ko lang.” Mas lumapit ako sa tabi niya, “Na-miss kita.” Pagpapaka-sweet ko. Hindi naman na ako nagsha-shy away na ipakita yung nararamdaman ko sa kanya.

 

She hugged me sideways, “Awww. Hindi pa nga tayo, sobrang clingy mo na.” Panunukso niya.

 

Tumawa lang ako, “Ayaw mo ba? Nagrereklamo ka kapag hindi ako sweet tapos..” Sumimangot ako at ngumuso. Jusko. Siguro kung makikita ako nila Giselle, bubusalan nila ako sa bibig sa sobrang kaartehan.

 

“I can just kiss that pout off your face.” Pinanggigilan niya ang pisngi ko habang nakatingin sa aking labi.

 

“Weh. As if.” Asar ko pabalik.

 

Nag-roll lang siya ng mata sa akin bago tumayo para umorder, “Not yet. Kapag tayo na.” She said confidently. Kumindat pa.

 

Wow ha. Parang sure na sure na kung saan mapupunta itong MU stage naming?! Well, hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako, tingin ko naman ay dun na rin ang punta. Diba ganon naman ‘yun?

 

Sa loob kasi ng dalawang buwan ay okay naman kami ni Minju. Hindi pa kami official, pero parang ganon na rin naman. Label na lang ang kulang.

 

She treats me extra special. Palagi niya akong dinadala sa dates at sobrang nagpapalakas siya kina Mama at Papa, even kay Yuna. Tapos sobrang supportive niya sa org ko at pagtu-tutor. Hatid-sundo niya pa ako kapag hindi siya busy.

 

Iniisip ko na ngang tanungin siya na maging official kami, although hindi naman kami nagmamadali.

 

Siguro manghihingi na lang muna ako ng advice sa dalawa kong kaibigan. I value their opinion a lot. Kahit si Ryujin ay nakakausap ko tungkol sa amin ni Minju.

 

Kaso may dilemma ako.

 

For once, magiging honest ako sa sarili ko...

 

Bothered pa rin talaga ako dun sa nangyari sa amin ni Karina. But I've been trying to erase it sa utak ko.

 

“So.. kamusta sa org?” Tanong niya nang makabalik na sa table. She ordered our usual—iced americano para sa akin, hot latté naman sa kanya. Tapos yung Asian pasta for sharing.

 

“Okay lang. Lagi naman satisfying yung mga community services sa org. Although medyo pinepeste ako ni Mark.” Patawa-tawa kong sabi.

 

Tumaas ang kilay niya, yung mukhang mataray, “What does he want this time? Crush na crush ka pa rin ba?” There's a hint of teasing sa kanyang boses. Pero I could sense yung kaunting pagseselos.

 

“Uhm, nagjo-joke lang naman daw. Sinabihan din nila Ning na I'm s-seeing someone na..” Nahihiya kong banggit.

 

She smiled triumphantly, “That's right.”

 

Ayoko nang pag-usapan pa namin si Mark dahil wala naman siyang ambag sa buhay ko. Binago ko yung topic, “Kamusta yung practice ng play?”

 

Nung unang buwan ng sem ay nag-audition siya sa play about Rizal yata. Natanggap siya kaagad kasi magaling naman si Minju at isa pa, maganda siya. Dagdag points daw sabi nung committee.

 

“Tiring. But also really fulfilling. It's nice that I get to do plays.” Mukhang masaya nga siya sa kanyang ginagawa. Hindi rin naman nako-compromise yung pag-aaral niya.

 

May gusto akong itanong.. kaso baka sensitive topic. Pero itatanong ko na lang din. Hindi naman na siya stingy when it comes sa topic about her personal life.

 

“Uhm, alam ba ng parents mo?” Napatigil siya sa pag-inom ng kape.

 

Tumaas ang tingin niya sa akin, “N-no. Not really. They won't approve.” Malungkot siyang ngumiti, “But I'm thinking of telling them. You know.. para mag-ease up sila sa idea na this is really what I want.”

 

“Ano bang gusto nila for you sana?” I probed. Naku-curious kasi talaga ako. Akala ko parang sa movies lang yung mga magulang na hindi sinusuportahan yung dreams ng anak nila.

 

Apparently, totoo pala sa ibang mayayaman.

 

Nagbuntong-hininga siya, “Dad wants me to take over the business here. Because my brothers are all staying in the US. He's not getting any younger daw.” Tumawa siya, “Kami lang ni Ate dito but my sister's a Doctor, so ayun.. I guess ako lang yung choice.” 

 

Wow, ang bigatin talaga. Nakakalula yung 'take over' ng business.

 

“Ang bigat naman na responsibility nun.”

 

Nagkibit-balikat lang siya, “I know. But hey, I can try. I'll invite them sa play in December.” Proud niyang sabi. At least magta-try siya. Nailaban nga niya yung gusto niyang course, baka mapagbigyan ulit.

 

“Buti naman. Malay mo, diba? Wala naman masama mag-try.” We gave each other a smile lang. Parang may iniisip siya, kaya nagsalita ulit ako, “Ano ‘yun? Okay ka lang?”

 

She started fidgeting, ganito siya kapag kinakabahan, “I've been meaning to ask you..” Nag-pause siya, “There's this event in November sa family ko. And, uhm.. Gusto kitang isama.”

 

Hala.

 

Nakakakaba naman...

 

Parang nakakahiya rin naman kung tatanggi ako dahil siya nga, palaging nasa bahay at nasa store ni Mama. Grabe siyang makisama sa family ko kahit hindi pa naman kami.

 

Nakita niya siguro yung internal struggle ko kaya hinawakan niya agad ang aking kamay, “Hey, no pressure. We'll go there as.. friends. Don't worry. I just.. I need someone there. Pupunta si Yujin, but she's gonna be with her family.”

 

Ngumiti ako sa kanya, giving her a reassurance, “Hindi, okay lang. Sige, sasama ako..” Ang impulsive ko rin minsan pero wala naman sigurong hindi magandang mangyayari.

 

At sabi nga niya, pupunta kami don as friends. Hindi naman niya ako ipapakilalang jowa niya or anything. Which is good, kasi baka hindi ko kayanin yung kaba.

 

“Really?” Ang luwag ng pagkakangiti niya.

 

Tumango ako, “Oo. Basta wag mo kong iiwan mag-isa ha. Alam mo naman..” May pagka-awkward pa rin ako sa ibang tao. Lalo na dun sa event, for sure puro mayayaman. Pero willing ako para kay Minju.

 

Ngayon lang din kasi siya sakin humingi ng pabor. Sure naman ako na magiging okay ‘yun. Simpleng dinner lang siguro.

 

“You're the best.” Sabi niya. Tinanong ko kung about saan yung event, “It's actually my sister's birthday. And Dad invites a lot of people kapag birthday ni Ate. It's too much sometimes. Nakaka-suffocate.”

 

Hinawakan ko pabalik yung kamay niya, “Nandon naman ako. Masuffocate tayo pareho.”

 

She flashed me a smile, “Thanks, Win.”

 

“Basta ikaw.”

 

 

 

 

 

 

“Winter! Huy teh!” Malakas na tawag ni Ning. Kakatapos lang din yata ng klase niya.

 

Nag-antay ako na maka catch up siya sa akin, “Hingal na hingal ka naman.” Natatawang sabi ko. Pawis na pawis din siya.

 

“Ang bilis mong maglakad eh!” Umakbay siya sa akin bigla, “Wala kayong lakad ni Minju? Tara choco milk. Text ko si babe ko.”

 

Jusko. Choco milk.

 

Kailan nga ba yung huling beses na uminom ako nito? Tingin ko ito pa yung niyaya ako ni Karina bago kami makipag-meeting kina Giselle about Batangas.

 

Parang gusto kong tanggihan si Ning dahil ang panget lang sa feeling nung memories ko sa Milka Krem at sa Freedom Park.

 

“Uhm, pupunta pa ako sa dept. Pero pwede ka nang bumili, parang gusto ko rin eh. Tas dun na lang tayo sa apartment ni Gi?” I guess kailangan kong pumunta bigla sa dept.

 

Hindi naman siya nagtaka at pumayag na lang, “Sige sige. Meet tayo don. Sabihan ko na si Giselle.” Tumango lang ako at naghiwalay muna kami ng landas.

 

Nakahinga ako nang maluwag. Monday kasi ngayon, tapos ganitong oras yung madalas kaming nagcho-choco milk dati ni Karina. Ayoko siyang maabutan doon kung sakali.

 

Three months na. Hindi ko pa rin siya nakikita ulit. Huling beses pa rin yung sinundan ko siya ng tingin pagbaba niya ng van nung galing kami sa Batangas.

 

Ang tagal na. Sana okay lang siya. Kasi ako, I’m trying to be. Sana one day, she’ll be able to forgive me sa mga sinabi ko sa kanyang masasakit.

 

Nagtatanong sina Ning minsan, pero lagi ko lang bina-brush off at sinasabing hindi ko alam kung nasaan. Well, hindi ko naman kasi talaga alam. Hindi na lang sila nagpupumilit pa. 

 

“Winter! Finally. Can you take over cooking? Parang hindi masarap yung niluluto kong sopas.” Hinila kaagad ako ni Giselle papunta sa kitchen pagdating ko sa apartment niya.

 

“Bakit ka nagluluto? Marunong ka?!” Hindi ako halos makapaniwala. Ang hirap ma-imagine ni Giselle na nagluluto ng sopas. Tinikman ko yung sabaw, sobrang tabang nga.

 

“Gusto kasi ni Ning. And since it’s been raining, sabi ko ipagluluto ko siya..” Lumambot ang expression ko. That’s actually really sweet of Giselle. Ang swerte rin talaga ni Ning sa kanya. Kaso ayun nga, hindi sya nabiyayaan ng skills sa cooking.

 

Nag-take over na ako sa pagluluto, “Ako na. Ilapit mo na lang dito mga ingredients. Sabihin na lang natin ikaw nagluto.” Ayoko namang mapahiya siya sa kanyang jowa kaya tinulungan ko na.

 

Tsaka maliit na bagay lang ito compared sa mga naitulong ni Giselle sa akin dati.

 

“Thanks, Win!” Excited na pumalakpak siya. Nanood na lang muna ng movie habang ako eh pinagpapawisan sa init ng steam nung sopas.

 

Saktong pagkatapos kong magluto ay dumating na rin si Ning bitbit yung isang litrong choco milk, “I’m home!” Humalik siya kay Giselle kaagad.

 

Akmang hahalikan din ako ni bruha nang ilayo ko yung mukha niya sakin, “Teh kadiri ka talaga.” Natatawa lang si Gi sa kalokohan ng jowa.

 

“Ang hirap na ng subjects natin! Sobrang daming projects second month pa lang ng sem.” Reklamo niya, “Tas ang terror ng iba kong profs. Ang hirap mag-petiks. Ang dami talagang masungit sa CAS.” Pareho pala kami.

 

“Oo nga eh. Ang dami rin papers. Pero enjoy naman.” Kaya writing yung kukuhanin kong major for practicum. Mas comfortable ako dito kay sa speech com.

 

“I'll take speech com as a major pala. How about you guys? Kailan magfa-file ng major and adviser? Next sem pa right?” Giselle inquired, naubos na niya yung sopas. Mukhang nasarapan.

 

Tinignan siya ni Ning, “Babe ang sarap pala nitong luto mo, by the way! Lagi mo na akong ipagluto ha.”

 

Awkward na tumawa si Giselle, ako naman ay nagpipigil lang. “Y-yes, babe. Sige. Next time, mac and cheese naman!” Pasimpleng kinurot niya ako sa gilid, as if telling me na ako ulit ang magluto.

 

“Anyway..” Patuloy ni Ning, “This sem na ‘yun, babe! Sa October ang start yata. Iniisip ko pa yung sakin. Parang gusto kong mag-theater. Pero practicality-wise, parang ayoko. Wala raw masyadong pera don.”

 

Naalala ko yung sinabi ni Minju before, “Gusto rin yan ni Minju. Yan daw kukunin niya.”

 

“Oo, pwede sa kanya yan. Tsaka diba may play siya sa December? Mayaman naman yata si teh, kaya walang issue ang pera.” Sabagay. Si Ning kasi ay parang katulad ko rin na sobrang praktikal at gusto na lang din mag-work after graduation.

 

Ang sad lang kasi tingin ko she'll be amazing in theater. But it's life, at hindi lahat nabibiyayaan ng yaman katulad ni Giselle at Minju.

 

After namin kumain ng sopas, na-open ni Ning all of a sudden yung topic about sakin at kay Minju. About din kay Karina. “Okay naman kayo ni Minju teh? Hindi naman siya nagba-back out?” Pagbibirong tanong niya, pero may pagkaseryoso rin.

 

Tumawa lang si Giselle sa sinabi ng jowa, “Oo nga, Win. How are you guys? You seem to be going stronger after nung Batangas trip.”

 

Kami lang naman tatlo kaya hindi ako masyadong nako-conscious sa pang-iintriga nila. Although kinakabahan ako kay Ning. Hindi ko rin alam kung bakit. May pagka-prangka kasi siya.

 

Yun din yung main reason kung bakit hindi ko pa nakekwento yung nangyari sa amin ni Karina sa Batangas kahit ilang buwan na ang nakakalipas.

 

“Okay kami. Hindi naman namin minamadali. Mas kinikilala pa namin yung isa’t isa in a deeper level siguro..” Ayaw na rin kasi namin maulit yung dati na masyado kaming mabilis.

 

Yun din kasi yung naging downfall namin last January. Yung fact pa na wala kami masyadong alam sa isa’t isa. Wala rin ako masyadong alam sa personal na buhay masyado ni Minju noon.

 

Kaya ‘yun ang wino-work out namin ngayon. Nagiging open na siya about her family, nagkekwento na rin siya tungkol sa ex niya dati.

 

“Good for you, Winter. You look happy too. Maybe pagiging marupok isn’t so bad.” Sabi pa ni Giselle. Siya talaga yung mas chill lang sa kanila ni Ning. Parang for Gi, what matters most ay masaya ka.

 

Tinignan ko si Ning, mukhang malalim ang iniisip. Tinapik siya ng jowa, “Babe? You okay? Bakit parang ang serious mo naman.”

 

Tinanong ni Ning kung anong ime-major ni Karina pero hindi ako nakasagot. Medyo naging tensed ako. Parang nakahalata siya.

 

Suminghap siya bigla at tinignan ako, seryoso ang kanyang mukha, “Winter ano ba talagang nangyari sa inyo ni Karina nung Batangas?” Napatigil ako sa pag-inom ng tubig.

 

Sobrang straight-forward talaga niya. Hindi nagpapaligoy-ligoy.

 

Wala akong ibang pinagsabihan nung nangyari, si Minju lang. Hindi ko alam kung may pinagkwentuhan si Karina.

 

Napalunok ako sa kaba, “B-bakit? May nabanggit ba siya?”

 

She shook her head, “Yun na nga eh. Wala siyang binabanggit. Actually, hindi ko siya nakikita. Hindi na rin siya nagre-reply sakin. Anong ginawa mo?”

 

Napakunot ang noo ko. Bakit naman niya inassume na kasalanan ko agad? Siguro, oo. Pero yung pagkakasabi niya, para bang ang sama ng tingin niya sakin.

 

“Anong anong ginawa ko?” Matigas ang tono ko sa kanya. Biglang naging tensyonado yung paligid.

 

Tumawa siya, “Wag kang magalit teh. Nagtatanong lang ako. Kasi kinabukasan nung sumunod ka sa kanya sa room, parang okay na okay naman kayo ni Minju. Tapos si Karina parang namatayan.”

 

Napatingin ako sa baba.

 

Parang naduduwal pa rin ako kapag naaalala ko yung encounter namin that night. Ang hirap sikmurahin. Sobrang mali lang ng mga sinabi ko sa kanya. Pati yung pagsisinunganling ko para lang matapos na yung connection namin, sobrang unnecessary. Ang sama ko.

 

Nag-decide ako na sabihin na lang din sa kanila. Kahit mahirap balikan nanaman. Kahit tingin ko magagalit sila sa akin, lalo na si Ning.

 

“Hinalikan niya ako.” Napa-awang ang bibig nilang dalawa, “Uhm.. sabi niya mahal pa rin niya ako. Tapos.. nanghingi siya ng chance.” Tandang tanda ko pa yung mga sinabi niya. Tsaka yung itsura niya sa mga sinabi ko.

 

It still haunts me hanggang ngayon.

 

Nakatingin lang sila sa akin. Halos mamuti ang mata dahil hindi sila kumukurap pareh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
shoheii #1
Chapter 44: Chapter 40: WTH all these time akala ko si yunjin ay yung nasa IVE???!! KWHSSHSHHSAHHSSHSHSHS 😭😭
shoheii #2
Chapter 42: EJDINSHSHAHSHAHAHAHAH NATAPOS DIN 🥹 ANG GANDAAAAA DESERVE NILA SO MUCH ANG ISA’T ISAA!! THANK U PO!
shoheii #3
Chapter 41: AAAAAAAAAHHH PROUD AKO SAINYOOOOO 🥹🥹 KISS KISS NAAAAAAAAAAAA !!
shoheii #4
Chapter 40: ‘TO NA FAVE CHAP KO SA LAHAT LAHAT NDHFHRJFJDJDUDHRKDIFBDHDUDUDJDHD
shoheii #5
Chapter 39: ANDAMI NANGYAYARII TEKA LANGGG 🥹
shoheii #6
Chapter 38: HNGGGGGGGGGGASSSUEUUEEUEJ
shoheii #7
Chapter 36: AYOKOO NAAAAAAAAA (happy 5k comments!)
shoheii #8
Chapter 35: kainis to okay nayun eh may pahabol pa ☹️
shoheii #9
Chapter 31: ily rin guys 🥹
mureewm00 #10
Chapter 42: all I can say is, uulit ulitin