Part 24

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

May natitira pang isang linggo bago mag pasukan nanaman. May online enlistment pa ngayon, ang hectic ng magiging senior year ngayong college pero at least two sems na lang ay gagraduate na.

 

Kakatapos lang ng internship namin two weeks ago at ito ako, nasstress na kaagad sa kakahinatnan ng acads. May write-up pa na kailangan ma-accomplish.

 

Speaking of internship…

 

Hays, grabe lang yung pagkamiss ko dun sa site namin pati sa housemates ko kahit pa nga isang buwan lang naman kaming magkakasama. Magkikita pa rin naman kami sa campus, pero nakaka sepanx lang.

 

Lalo naman si Karina.

 

Hindi ko man aminin pero yung pagkakabati naming dalawa yung highlight nung internship sa Quezon City at hindi yung mga ginawang trabaho.

 

Sorry naman, Sir Vin.

 

Pero totoo naman kasi.

 

Hindi na nag die down yung pagiging close namin kahit nung huling linggo namin sa QC. In fact, we became closer than ever. Especially after nung morning na dinalhan ko siya ng lasagna.

 

 

“Sorry ulit ha.. dapat kumatok ako kanina.” Apologetic kong sabi pag labas namin ng apartment niya. Medyo nafifeel bad ako na parang naka intrude ako sa privacy siya. Tapos naabutan ko pa siyang naka undies lang although mabilis naman akong tumalikod kanina.

 

She waved her hand at dinismiss lang ako, “Okay lang. It’s not a big deal, honestly.” Sagot niya, “Saan mo pala gustong kumain? I’m kind of still hungry. Bitin yung lasagna ni Tita.” Napahawak siya sa tiyan.

 

Nag isip ako ng mga food places sa LB. San nga ba pwede? Kasi kung ako ang tatanungin, puro yung mga murang kainan lang ang alam kong i-recommend.

 

“Ano bang gusto mo? Pinoy food? Korean food?”

 

She shrugged in answer, “I don’t know.. pero pwede tayong mag samgyup. Easy choice yun and sulit yung money, unless hindi mo trip mag samgyup, of course.”

 

Uy, pwede nga. Medyo mahal siya pero ngayon na lang naman ulit. Grabe din naman yung pagtititpid ko sa QC so may extra pa ako, “Sige. Samgyupsalamat na lang para mas sulit yung bayad.”

 

“Sure.”

 

Nilakad na lang namin yung kahabaan ng Umali Subdivision papunta sa Samgyupsalamat. Malapit lang naman kasi ito sa apartment ni Karina.

 

At isa pa... gusto ko siyang kasabay maglakad kaya medyo binagalan ko lang.

 

“How’s Ning and Giselle pala?”

 

I glanced at her, nakatingin lang siya nang derecho, “Okay naman. Kinakamusta ka rin ni Ning. Hindi ka na raw nagtetext.” Parang nag dwindle nga yung pagiging close nila.

 

“Oh, yeah. Uhm, we kind didn’t talk na since nung—“ She held back sa kanyang sasabihin. But I have a good feeling na she was talking about yung nangyari sa aming dalawa. Naka-apekto rin siguro ito talaga sa friendhsip nila.

 

Tumango lang ako in understanding, “Ahh.. gets.” Ngumiti ako sa kanya, so she’d know na wala lang naman sa akin if mabanggit niya.

 

“Sorry.” Mahinang sabi niya.

 

Agad akong umiling, “Hala, okay lang. Uhm, siguro okay din naman na we still acknowledge yun.. and we don’t brush it off lang na parang walang nangyari.”

 

Kasi parang hindi naman okay na magpepretend kami na nothing bad happened before kami maging friends ulit kahit pa nga okay na ngayon. I take full responsibility rin naman.

 

“Yeah but we’re past that naman na..” We took a right turn, “Anyways. Ayun, I’ll text Ning na lang. Nakakamiss din si bruha.” She uttered lightly. 

 

We walked in silence afterwards pero hindi naman uncomfortable. Nakarating din kami kaagad sa Samgyupsalamat in no time kahit mabagal ang paglalakad namin.

 

Medyo may karamihan ang tao dahil Sunday kaya kinailangan pa naming mag antay ngayon sa waiting area.

 

“Gutom ka na?” I asked, worried. Sabi niya kasi kanina gutom pa siya, “Gusto mo bilhan muna kita ng something sa baba? May Korean Grocery Store doon." Pag-offer ko.

 

“No, okay lang.” Ngumiti siya, “Kaya ko pa naman mag last ng mga one hour before uminit ang ulo ko.” Pabiro niyang habol.

 

Natawa kaming dalawa. Then biglang nadali si Karina nung lalake na katabi namin, causing her na ma-push sa akin nang sobra.

 

I held her waist para hindi siya mag out of balance sa kinakatayuan, “Tsk. Kuya mag ingat ka naman.” Inis kong sabi. Ang likot kasi niya kanina pa.

 

Rinig ko yung mahinang pag tawa ni Karina, “Win, it’s okay. Init ng ulo mo ha.” Tinusok niya pa yung bewang ko.

 

Binitawan ko na siya at nagsorry yung lalake sa amin, “Asungot kasi. Ang likot.” Tinignan ko yung side niya, “Okay ka lang?” I asked protectively.

 

Tumingin lang siya sa akin, pinagmamasdan ang mukha ko. Yung full-on staring na parang she’s staring through my soul, “I’m fine. You’re so..” She bit her lip at inalis na ang tingin sa akin.

 

“Hmm? Ano yun? I’m so ano?”

 

Umiling lang siya, “It’s nothing. It’s just that.. I missed this.”

 

Oh... That caught me off guard.

 

Hindi ko alam kung anong specific na bagay ang na-miss niya. Pero somehow, gets ko ang ibig niyang sabihin, “Ako rin.” Sagot ko.

 

Naputol ang moment namin nang tawagin na kami nung staff. Sa wakas naman eh naayos na nila ang aming table.

 

Dumating na yung unang round ng meat, “Ako na mag cook.” Offer ni Karina, getting the tongs and scissors doon sa lagayan.

 

Parang gusto ko eh ako ang magluluto…

 

“Ako na kaya?”

 

Akmang kukunin ko yung tongs at gunting sa kanya when she retracted them. Sinimangutan pa ako, “Ako na nga. Gusto kong mag cook.”

 

Ang cute niya masyado para tanggihan, “Okay sige.” Hinayaan ko na lang siya.

 

Nakakatawa... Ang lakas mag volunteer magluto pero after 10 minutes eh halatang hirap na hirap na siya. Still, parang ayaw magpaawat para lang ma-prove ang kanyang point.

 

“Ako na. Pawis na pawis ka na.” Natatawa kong pansin, “Karina, haggard ka na. Akin na.”

 

She sighed loudly, “Fine.” Nag give up na finally at binigay sakin yung tongs, “Haggard na ako? May dumi ba?”

 

Inangat niya yung ulo niya so I can see clearly ang kanyang leeg. Napalunok lang ako at umiling, “Ah wala. Pero magpunas ka ng pawis.”

 

Hinayaan ko lang siyang kumuha ng mga gini-grill ko. Nag-iinitiate din siya na lagyan yung plate ko dahil baka wala raw akong makain sa sarili kong niluluto.

 

“What are your plans for next sem pala?”

 

Ano nga ba? Usual lang naman, “Apat na majors tapos isang GE. May natitira pa akong PE.. Then yung write-up.” Nilunok ko saglit yung karne, “Ikaw ba?”

 

She gave her attention sa akin, “Almost the same.. Baka maging classmates ulit tayo sa ibang majors.” Feeling ko nga rin. Sana…

 

“Uhm..” Nahihiya pa akong banggitin, “S-sabay tayong mag enlist para magkaklase tayo sa ibang subjects.” Hindi ako makatingin, binali-baliktad ko na lang yung karne kahit kakalagay pa lang nung beef.

 

“Sama ka na lang samin sa bahay nila Yunjin sa enlistment day ng seniors. Dun tayo. You can invite Ning and Gi too.” She responded.

 

Hindi ba nakakahiya? Friends niya yun eh pero halos ka-close ko na rin naman sila. Kahit naman si Ning at Giselle ay maruning makisama dun sa mga kaibigan ni Karina.

 

Unsure akong sumagot, “Okay lang ba?”

 

“Of course.” Ngumiti siya.

 

Naalala ko tuloy yung kinakanta ni Yunjin last week. Ngiti yata yung title non. Ay ewan.

 

Basta nagpe-play yung song na ‘yon sa utak ko kapag nakikita kong ngumingiti si Karina especially kapag direkta sa akin. Jusko! Kailangan kong kumalma.

 

 

“Ngiti pa more, Winter.” Tumabi sa akin si Yujin sa sofa. Nandito kami ngayon sa bahay nila Yunjin para sa enlistment, “Sinong iniisip mo?”

 

“Ikaw.” Umikot ang mata ko.

 

Kung maka singhap naman siya, wagas. “Sabi ko na nga ba crush mo ako. Bilang naging knight in shining armor mo ako nung party ni Ate Jennie.”

 

Ano nanaman sinasabi nito? Grabe din ang pagiging delusional. Hindi pa rin pala siya nakaka move on don sa pagse-"save" niya raw sa akin.

 

“Nalibre na kita ng kwek-kwek ah. Quits na tayo don.” Ungot ko.

 

Inakbayan ako ng lukaret at naki-tingin sa laptop ko, “Uy same tayo ng PE! Badminton din sakin. Pili ka ng section na same sa akin para classmates tayo.”

 

Ako pa talaga ang mag aadjust para sa kanya ha?

 

“Eh di ikaw ang mag adjust sa kung anong mapipili ko.” Pagtataray ko.

 

Hinampas niya ang balikat ko bigla, “Ang sungit mo talaga! Buti na lang cute ka.” Lahat na lang sinabihan nito ng cute, walang pinapalagpas.

 

“Yujin, move.” Tiningala namin si Karina na nakatayo sa harap, dala dala ang laptop niya, “Dun ka nga. And stop annoying Winter.”

 

Yujin raised her eyebrow sa kaibigan, “Gusto mo lang makatabi si Winter eh..” Bulong nito, pero rinig na rinig ko pa rin naman, “Yung PE Win ha!” Sigaw niya sa akin.

 

Tumayo na siya at pumunta sa may kitchen kasama sina Yeji at Hyewon na kanina pa naglalandian. Akala ko ba enlistment ang pinunta dito?

 

“Hey.” Bati ni Karina sa akin. Umupo siya sa tabi ko at pinatong ang laptop sa kanyang hita.

 

Nawala yung pag simangot ko bigla, “Hi..”

 

“What PE was she talking about?” Nakisilip siya sa schedule na ginawa ko, “Yan ba preferred sched mo? Let’s compare..”

 

Masyadong malapit ang mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko yung pabango niya. Pati yung buhok niya ay naaamoy ko. Parang Pantene ang conditioner niya..

 

“Ayan, great, almost same tayo. Hopefully makuha natin sa SAIS later.”

 

Tumango ako nang wala sa loob, “Oo.. para ano, para lagi tayong ano, classmates.” Nakakadistract naman kasi yung kabanguhan niya.

 

Tumingin siya sa akin, creases evident in between her brows, “You’re rambling.” Natawa siya bigla at umayos na ng upo para sumandal.

 

Nang aasar ba siya?! Para kasing naka ngisi siya eh… Hay nako, Karina.

 

She busied herself sa pagla-laptop. May halos isang oras pa kasi bago mag open yung server ng online enlistment. Maaga na lang din ako nagpunta dito dahil sinundo ako ni Karina kanina sa bahay.

 

Tumunog ang phone ko.

 

Olivia: Now daw yung SAIS niyo? Good luck! Tomorrow yung CRS sa Diliman. Skl haha

 

Ang aga naman nitong magising.

 

Paminsan minsan ay nirereplyan ko naman si Olivia. Although most of the time ay iniiwan ko lang siya on read dahil wala naman akong masabi sa kanya.

 

I still don’t know bakit siya nagta-try maging close pero hindi ko rin naman minamasama kasi baka gusto lang ng new friends. And it's not like annoying siya.

 

Me: Oo ngayon haha goodluck din sa enlistment nyo

 

May isa pa akong nareceive na text ngayong umaga. Galing naman ito kay Mark.

 

Mark: Goodluck Winter hehe as a friend!

 

Me: Haha loko. Goodluck din

 

Nakita ko rin yung text ni Ning na hindi sila makakahabol ni Giselle ngayon dahil nasa Manila yata sila sa bahay ni Gi doon.

 

“Daming katext this morning ah.” Mapanlokong sabi ni Karina glancing at my phone.

 

Ni-lock ko na ang phone ko at ipinatong na lang ito sa table, “Ay, uhm. Nag goodluck lang si Liv tsaka si Mark.” I shared, "Hindi rin daw makakasunod sila Ning. Nasa Manila pa."

 

“Liv? Nickname basis na pala kayo?” I can’t place her tone, “Kamusta daw siya?” Parang laging interesado itong si Karina kay Olivia. Medyo amusing nga eh. Sila na lang kaya ang maging magka-text?

 

“Ang haba kasing sabihin nung name niya..” I reasoned, “Uhm, bukas naman daw yung enlistment sa Diliman.” Malay ko ba kung kamusta na si Olivia? Wala naman kami sa level ng kamustahan.

 

“Kamusta pala? Magtutuloy ka ulit sa sayaw?” Binago ko yung topic. Namention niya kasi last week na parang gusto niyang maging semi-active sa SSDC ulit dahil nami-miss niya ang pagsasayaw.

 

Nag isip muna siya bago sumagot, “Still thinking about it. Pero yeah, nakakamiss nga. Baka bumalik din si Yeji kahit hindi super active.”

 

I nodded, “You should try ulit. As long as hindi mo naman pinapabayaan yung acads mo eh.” Suggestion ko, “Tsaka ang galing mo kayang sumayaw.”

 

Maluwang ang pagkakangiti niya sa harap ko at nangalumbaba, “Talaga? I'm good at dancing?” Yung tono niya, parang mapang asar.   

 

Napahawak ako sa batok, “Ah.. Oo naman. Gusto mo i-cheer pa kita eh.” Bigla kong sabi. Hindi ko rin minsan makontrol yung bibig ko kapag kausap ko siya.

 

“If ichi-cheer mo ako then I guess wala akong choice but to join again..” Ito nanaman yung mga sagot niyang ano…

 

Ahh! Basta.

 

But I like it.

 

Ngayon lang nag register sa akin na sobrang magkadikit pa rin kami sa sofa kahit ang luwag naman ng space. Pero hindi naman ako umusog. Ayos na to..

 

“We’re back!” Yunjin shouted pagpasok ng bahay. Kasunod niya si Jeno na may bitbit na supot galing McDo.

 

Pinatong niya sa kitchen saglit at tumabi sa akin, “Kapagod. Ang likot ni Yunjin.” Natatawa ako sa kanya talaga. Parang under na under ni Yunjin.

 

Inabutan ko ng tissue at pinaypayan ko ng notebook si mokong, “Nagsisisi ka na ba na pinursue mo?”

 

“Hindi ah!” Depensa nito, “Kami siguro yung ano.. Ano ba yun? Yung malikot and energetic na gf tapos chill, calm, and patient na bf.” Humagikgik siya. Parang bata lang si tanga.

 

Rinig ko yung pag tawa ni Karina sa tabi ko, “You better take good care of her. Kung ayaw mong i-break ko yang nose mo.” Sabi niya dun sa lalake.

 

She's back sa pagiging overly protective niya kay Yunjin.

 

“Huy.. oo naman.” Napakamot ito sa ulo, “Karina.. bilang bestie ka ni Yunjin, tingin mo naman magiging kami diba?”

 

Months ago, siguro nagmukmok ako sa fact na si Yunjin na yung inaassume nilang “bestie” ni Karina. Pero ngayon, honestly, wala na lang ito sa akin.

 

They do look like “besties” nga naman at kahit sino, yun ang iaassume. Contented na rin naman ako sa place ko sa buhay niya at hindi ko kailangan ng kung anong label para mapatunayan na we're really okay now.

 

“Well, she did give you a chance to date her. I’m sure hindi niya gagawin yun kung hindi ka niya gusto.” Mukhang kuntento naman si Jeno sa sagot Karina if his wide smile is of any indication.

 

Biglang bumaling ulit yung lalake sa akin, “Ikaw, Winter? I feel like Olivia has a cute little crush on you.” Ano ba yan, Olivia nanaman.

 

Napatigil si Karina sa pagtatype sa laptop at parang nag abang din ng sagot ko.

 

“Ha? Hindi ko man lang nga kaclose yun. Tumigil ka nga. And, uhm..” Awkward na natawa ako, “Hindi ko siya type.” Wow lang. Ang kapal ng mukha kong mag sabi ng ganito knowing maganda naman si Olivia.

 

Pero kasi…

 

Hindi ko nakikita ang sarili ko na magkakagusto sa kanya.

 

Wow naman. Napaka feelingera ko bigla.

 

Kita ko yung pag ngisi ni Karina at bumalik na siya sa kanyang ginagawa. Nagulat pa ako when she spoke up again, “What’s your type then?”

 

Si Karina naman…

 

Alam naman niyang nagustuhan ko siya, so dapat may idea na siya kung ano ang tipo ko. Pero napa isip nga ako..

 

Si Karina. Si Minju. Sila lang naman yung mga nagustuhan kong tao sa buong buhay ko. Well, nagagandahan din ako sa iba kong nagiging classmate.

 

Inisip ko tuloy ano ba ang similarities nila.

 

“Hala..” I blushed, “Matangkad siguro tapos ano, ewan ko, mahaba buhok?”

 

“Kapre?” Loko-loko ‘tong si Jeno.

 

Napalakas ang tawa ni Karina, “Winter, gusto mo pala ng kapre ha!”

 

Ay ganon.

 

“So kapre ka?”

 

Natahimik kaming tatlo dahil sa pag-blurt out ko.

 

Crickets.

 

Crickets.

 

Crickets.

 

Si Jeno ang unang nag react, “So gusto mo si Karina?” Seryosong tanong niya, "That's what you mean by that right?"

 

Nag panic ako, “Ah— I mean, kasi diba matangkad siya tapos mahaba buhok.. I mean— If, ano, if ganon yung definition ng kapre eh di.. kapre siya.” I rambled.

 

Hindi ko na alam ang pinagsasasabi ko. Parang nawalan ako ng sense.

 

Buti na lang dumating si Yunjin at na-break ang biglang tension, “Bakit kapre pinag uusapan niyo? You guys are weird.” Kumandong ito kay Jeno at pinulupot ang kamay sa leeg nung lalake.

 

Nakaka asiwa.

 

“Miss you, my honeybear.” Ano raw? Anong honeybear?

 

Karina snorted, “I lost my appetite. Lumayo layo nga kayo kung maglalandian lang kayo dito.” Saway niya dun sa dalawa, “And you literally were with each other like 5 minutes ago!” Oo nga naman.

 

“Wow, akala mo siya hindi namimiss ang certain someone kapag hindi nakikita..” Tinignan ko si Yunjin. Anong ibig niyang sabihin? May certain someone si Karina?

 

“Oh shut up.” Karina dismissed her, pero I saw the tinge of red sa kanyang pisngi, "She's making up stories. Wag kayong maniwala diyan."

 

Natawa lang si Yunjin, umalis na sila ni Jeno at kami na lang ulit ni Karina ang naiwan dito sa sofa. Thirty minutes pa bago mag open ang server ng SAIS.

 

“Ikaw ba?” Biglaan kong tanong.

 

She faced me, “Ano yun? Anong ako ba?”

 

Hindi ko malaman saan ako titingin bigla, “Anong.. type mo?”

 

Parang caught off guard siya sa tanong ko, “I— Uhm.. I don’t.. know. I like who I like I guess. Wala sigurong particular type.” She replied quickly. Parang hindi siya mapakali bigla, “Anyway, it’s almost time. Dito ka.” She tapped the space beside her.

 

Medyo napa isod kasi ako papalayo sa kanya kanina nung dumating sina Jeno.

 

Napansin kong wala siyang kinakain or iniinom manlang, “Nag almusal ka ba kanina? Gusto mo ipag timpla kita ng coffee?”

 

Kumunot ang noo niya, “No, hindi pa. But you don’t have to do that, Winter.” Bakit naman hindi?

 

Hala… weird ba? Na sinabi kong ipagtitimpla ko siya? Was it too much?

 

I could only nod in answer.

 

Maya maya pa, bago mag start yung enlistment, bumalik si Yunjin sa pwesto namin holding a cup of coffee at inabot ito kay Karina, “Coffee for you. Bait ko noh?”

 

Karina willingly took it at naaninagan ko na patingin tingin siya sa akin. Bini-busy ko na lang yung sarili ko sa pagre-refresh ng SAIS website.

 

I set aside yung little pang of jealousy na naramdaman ko. Gusto ko rin siyang ipag timpla ng kape. Pero kung ayaw niya...

 

“Ikaw, Winter? Gusto mo ng coffee?” Tanong naman ni Yunjin sa akin. I stood up para makaupo siya sa tabi ni Karina. Nag settle na lang ako sa kabilang dulong part ng sofa.

 

I smiled at umiling, “Hindi, okay lang.” Bumalik na ako sa paglalaptop.

 

Later on ay pumunta na rin sa sofa yung iba naming kasama dahil alas otso na ng umaga, meaning sasabak na kami sa agawan ng subjects.

 

Again, tumayo ako sa aking kinakaupuan dahil parang gusto na akong buhatin ni Jeno papaalis dito para makatabi niya si Yunjin.

 

“Dito ka na.” Irap ko sa kanya. Ngiting aso naman si gago na sinunod ang sinabi ko.

 

Nakiupo na lang ako sa carpeted floor katabi si Yujin, halos katapat namin sina Karina. Pinatong ko na lang ang laptop sa mababang table sa gitna.

 

“Gusto mo?” Alok niya nung hash brown na kinakain. Parang ang bango nga, kumulo bigla tiyan ko. Tapos parang ang crispy pa nito.

 

“Penge.” Kukunin ko sana nang bigla niyang tinapat ito sa bibig ko, “Say ahhhh!” Ano pa nga bang inaasahan ko dito kay Yujin? Puro katangahan ang alam.

 

“Ayoko na pala.” I dismissed her at tinikom ang bibig.

 

“Sungit mo teh! Ito na nga. Susubo lang eh.” Inabot niya na sa akin yung pagkain like a normal person would.

 

Agad akong ngumiti, labas pa ang ngipin at halatang namamlastik lang, “Thanks, Yujin. Libre ulit kita, fishball naman.”

 

Almost ten minutes na lang ang inaantay at nakita kong tumayo si Karina sa kinakaupuan para pumunta sa kitchen.

 

“Balita ko nag usap kayo ni Minju ah.” Maintrigang sabi ng katabi ko, "Ayos naman? Buti di mo sinapak."

 

Nilingon ko siya, eyebrows raised habang kinakain ang hash brown, “Pano mo naman nalaman yan? Chismosa ka talaga.”

 

Nag shrug lang siya, “Nakwento niya sakin. Friends kaya kami, hello?” Oo nga pala. Minsan nakakalimutan ko na they used to be attached to the hip dahil friends ang family nila.

 

“Oo nag usap kami. Okay naman. Maayos naman.”

 

"Nice. Buti kung ganon. Mabait naman yun si beh.” Sagot niya.

 

Well, tama naman siya, “Oo nga—“

 

Na-interrupt ang pagsagot ko kay Yujin nang magpatong si Karina ng kape sa harap ko, “Coffee. For you.” Tumalikod siya at bumalik na ulit sa pwesto without looking at me.

 

Okay…

 

Nag-pigil ako ng ngiti dahil malamang pepestehin nanaman ako ni Yujin.

 

“Lande.” Bulong niya sa tabi ko. Hindi ako nakatakas. Siniko ko lang siya nang mahina.

 

Patingin tingin ako kay Karina. Minsan ay nagtatama ang tingin namin tapos mag-iiwas din agad pero para kaming gago na ngingiti kapag nagkakatinginan.

 

Ano to…

 

May lumalagabog sa tiyan ko.

 

Alam ko to eh.

 

Pero hindi ko muna bibigyan ng meaning. At hindi ko muna iisipin.

 

8am came at lahat kami parang nasa World War III sa ingay. Mura nang mura ang mga kasama ko dahil hindi nagloload ang page ng SAIS.

 

Inabot kami hanggang tanghali. May mga successful makapag enlist, may mga kailangan mag prerog.

 

Pero dahil swerte yata ako ngayong araw, na-enlist ko yung desired subjects at sections ko.

 

I looked at Karina na parang stressed na stressed. Lumapit ako sa kanya at naupo dun sa arm nung sofa, “Kamusta? Nakuha mo lahat?”

 

She looked up sa akin at nag pout, “Di ko nakuha yung isa. Wala nang slots.” Parang ang sulky sulky ng itsura niya, naaawa ako na naku-kyutan.

 

“Graduating ka naman next sem, baka makapag prerog ka..” Pagcocomfort ko.

 

Humarap ulit siya sa kanyang laptop at biglang humawak sa legs ko. Nanigas ako nang wala sa oras.

 

“Tinatamad na ako. Ipeprerog ko na lang yung iba.” Tumayo na rin si Yujin, gutom na rin daw siya, “Winter tara Ken’s.” Alam na alam talaga na ako ang dapat yayain kapag sa murang kainan.

 

“Sige. Gusto ko ng shanghai..”

 

Tatayo na sana ako sa kinakaupuan when Karina squeezed my leg para pigilan ako, “Where are you going?” Tanong niya, tiningala ulit ako.

 

Tumuro ako sa labas, “Uhm, nagyayaya mag Ken’s si Yujin.”

 

“Can I join? Nakakamiss nga ang Ken’s.” Siya kasi ang lagi kong kasama doon nung mag best friends pa kami. Feeling ko nga ayaw naman talaga niya doon dati, pinagbibigyan lang ako dahil pala-tipid nga.

 

Eager na tumango ako, “Oo naman. Tara.” Kinuha ko yung kamay niya na naka angkla sa hita ko at tinulungan siyang tumayo, “Excited na ako sa sabaw nila.”

 

“Yeah, na lasang sinigang mix lang.” She said, laughing.

 

Nagsalita bigla si Yunjin, “I’ll stay muna dito sa house. Baka sakaling I’ll get the other subjects until later. Kayo ba?” She asked us all.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 649 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance