Part 31

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“For someone na gagraduate na laude in a month, you don’t look so good.” Pabirong komento ni Minju, “Can I see the grad pic? I’ll show you mine.”

 

Walang ganang kinuha ko yung wallet-sized copy sa bag ko, “Ito..”

 

Inabot din niya yung kanya. Pero hindi naman ako makapag focus dahil distracted talaga ako lately.

 

Nagpasama kasi ako sa kanya sa pagkuha ng kopya ko ng graduation photos. Sinabay niya rin ang pagkuha ng kanya. Two weeks ago pa lang ang nakalipas nung pictorial, buti mabilis ko lang nakuha.

 

“You look pretty. Do you have a photo with Karina? Patingin!” Napasama ang tingin ko bigla sa kanya, “Bakit? Ang sama naman ng tingin mo. Bawal ba?!”

 

Gusto ko sanang sabihin na I’d love to show her a picture na kasama ko si Karina. Kung meron lang, diba? Kaso wala.

 

At ayoko kasing pag-usapan. Ayokong maalala. Ayokong i-remind ang sarili ko ka the one thing I asked of her since magpunta siya sa Manila, hindi niya napagbigyan.

 

Hindi niya naman talaga kasalanan. May work siya. But I held on sa kanyang salita na gagawan niya ng paraan…

 

Nakakalungkot lang talaga.

 

Should I stop expecting things from her?

 

 

“Hello..” Kapansin-pansin kaagad sa boses niya yung exhaustion, “Sorry babe ngayon lang ako nakapag check ng phone. Busy the whole day..”

 

“Okay lang..” Pagsimpatya ko sa kanya, “Kamusta first two weeks mo diyan? Okay naman? Nakakakain ka ba nang maayos?” Walang preno kong tanong.

 

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Kahit pagod, I still think she has the most beautiful laugh.

 

“Definitely tiring, baby. I didn’t expect na magsstart agad ako sa work. Although I’m not complaining since tinanggap nila ako kaagad. Kaya need magpa-impress since I don't really have a diploma yet para ipakita sa kanila." I smiled sadly sa aking sarili. But at least nga naman ay may work na siya.  

 

Mabilis kasi siyang naipasok nung friend ni Yeji dun sa research institute sa Makati. They didn’t mind na hindi pa graduate si Karina and some of her workmates din ay undergrad pa. Ang mahalaga daw sa kanila, masipag. Malaki rin yata ang sahod.

 

“Ikaw? Kamusta?” Bumalik ako sa ulirat dahil sa tanong niya, “It feels like we haven’t talked for months. I miss you.” Malambing na sabi niya. Naramdaman ko ang honesty sa kanyang boses.

 

Kamusta nga ba ako?

 

‘Ito, nahihirapan. Ang hirap mag adjust. Namimiss siya araw araw. Naluluha kapag gabi dahil hindi na ako sanay na hindi siya nakakatabi’, yan ang gusto kong sabihin.

 

“Okay naman.” Is what I said instead, just so mabawasan ang iniisip niya at hindi ako alalahanin pa, “Uhm.. ayun, may mga sched na ng practice sa grad. Nagmi-meeting na rin sa work every once in a while, malapit na kasing mag-start. Tapos yung ano— yung pictorial..”

 

Alam kong sinabi niya before na gagawin niya ang lahat para makapunta siya. Kaso baka kasi iba na ngayon? Nahihiya tuloy akong itanong, baka kasi busy siya..

 

But I went along with it dahil gusto kong makasigurado, “Babe.. Makakauwi ka ba? Sa grad pictorial ko?” Maingat ang pagkakatanong ko. I hope I didn't sound demanding.

 

There was a pause.

 

Tanging paghinga lang niya ang naririnig ko.

 

“I— uhh— Yeah. Of course. I did promise you, diba? I’ll make it for sure." Ironically, parang hindi naman siya sigurado sa pagkakasabi niya. But she gave me her word kaya confident naman ako somehow.

 

“Kailan nga ulit yun, baby?” Pahabol niyang tanong. I pursed my lips.

 

Ilang beses ko na sinasabi sa kanya kung kailan. Gusto kong sabihin sa kanya na pang-apat na beses na niyang tanong ito pero pinaaalalahanan ko na lang yung sarili ko na baka pagod lang siya lagi kaya nakakalimutan.

 

“Sa June 4. Saturday yun..” Pinilit ko talagang ma-sched ng Sabado para makapag adjust sa schedule ni Karina. Buti napagbigyan ako nung photo studio.

 

“Ah yes, yes. Okay babe. I’ll uhm, yeah..” Ano raw? Parang antok na siya. Kawawa naman. After niya kasi pumasok sa Makati, uuwi siya para mag work ulit nung part time sa Upwork.

 

“Sige na babe. Matulog ka na. Good night..”

 

I heard her hum, “Okay.. I’ll sleep na. I’m so tired.” She said groggily, “Good night, babe. Maaga pa ako tomorrow.”

 

“Okay.. Good night, baby. I love you. Sweet dreams?” I said expectantly.

 

Hilik lang niya ang tanging sumagot sa akin.

 

She must really be tired.

 

At least sinabi niya na makakapunta siya sa grad pictorial. Yun yung talagang nilu-look forward ko these past few days.

 

 

But she didn’t make it.

 

She couldn’t make it sa grad pictorial kasi biglaan na nagkaroon sila ng field work for two days kaya Saturday evening na siya nakauwi sa Manila.

 

Nagsorry siya at sabi pagusapan daw namin, but she also didn’t make it sa aming video call the next day dahil kailangan niyang tulungan yung Mama niya sa mga ginagawa for the agency.

 

For closing na yata ito. Hindi ko rin alam masyado.

 

Maraming bagay ang nami-miss out ni Karina pagdating sa mga usapan namin.

 

And I know lahat ng ‘yon ay may rason siya. Alam kong hindi niya ginusto. Pero hindi ibig sabihin, hindi ako napanghihinaan ng loob paminsan-minsan.

 

Kaya pa ba niya?

 

Kaya pa naman niya diba?

 

“You’re zoning out, Winter.” Hinawakan ni Minju ang braso ko, nag-aalala siyang nakatingin sa akin, “You look like you’re about to cry too. Sure ka bang okay ka lang?”

 

Hindi ko manlang naramdaman na paiyak na pala ako, “A-ah, napuwing lang.” Tinignan niya ako na parang alam niyang bull ang aking sinabi. Kaya naman napahinga na lang ako nang malalim, “Nami-miss ko na si Karina.”

 

Her gaze softened, “It’s okay.. Normal lang yan.. You’re still adjusting. I'm sure she misses you too. Baka nga mas doble pa.” Sana nga.  

 

“W-wala kaming picture na magkasama. Uhm, hindi siya nakapunta nung grad pic.” Mahina kong sagot, “Pero pupunta dapat siya. Ano, busy lang sa work. Uhm, ayun..”

 

Ayoko pa rin nagmumukha siyang masama sa ibang tao. Ayokong isipin nila na binabalewala ako ni Karina. Hindi naman siya ganon. Mahirap lang talaga ang sitwasyon.

 

Kumunot ang noo ni Minju, parang naaawa pa yata, “I’m sure she tried her best na makapunta, Win.”

 

Ngumiti na lang ako sa kanya, “Oo naman..”

 

Pero hindi siguro enough yung best niya sa ngayon dahil sabay sabay ang problema at responsibilidad niya. Alam ko naman yun eh—that she's trying her best.

 

Nag ring ang phone ko bigla.

 

Karina calling...

 

Unexpected ito dahil bihira na lang din naman kaming makapag usap lately sa phone call. Puro texts lang. Tapos sa gabi nagpa-part time siya at after non, bagsak na sa kama. Hinahayaan ko na lang din siyang magpahinga sa mga oras na free siya.

 

Ayoko na rin maging sobrang demanding. She has a lot in her plate.

 

“I’ll just go order muna sa baba. Go talk to her.” Paalam ni Minju at tumayo na siya para bumaba saglit, smiling at me reassuringly.

 

Sinagot ko yung tawag ng girlfriend ko, “Hello..”

 

“Hi, babe..” She answered huskily, “Where are you? It’s kind of loud. Kumain ka ba sa labas?” Naiimagine ko siyang nakahiga at balot na balot ng kumot. Kakagising lang siguro. Lunch time na.

 

Linggo kasi. Baka wala siyang plans ngayon kaya nag sleep in at nagkaroon ng time para matawagan ako.

 

“Kinuha ko yung ano..” I hesitated, “Yung copies ng grad pic. Nagpasama ako kay Minju. Kumakain lang kami sa McDo ngayon then uuwi na ako after. Bukas pa naman yung meeting kasama sina Ma'am Ria."

 

I could hear her even breathing, “Ohh.. Okay. Hindi available si Ning?”

 

“Ano yun, baby?” Hindi ko kasi naintindihan yung tanong niya. Anong ibig niyang sabihin?

 

I heard ruffling sounds around her, baka bumangon siya nang bahagya or nag ayos ng higa, “Uhm, I asked if hindi ba available si Ning na samahan ka to get your photos.. Since you asked Minju instead to accompany you.”

 

May iba akong naramdaman sa sinabi niya. She almost sounded jealous. Or baka naman delusyon ko lang? Bakit naman siya magseselos?

 

Medyo mahirap talagang makipag communicate kapag laging through phone lang.

 

“Kinuha rin kasi ni Minju yung photos niya, babe.” I answered carefully, “Okay lang ba?” Tanong ko pagkatapos, hindi kasi ako sigurado at baka minamasama niya pala yung pagsama sa akin nung isa.

 

Pero hindi naman ganito si Karina. Cool naman na siya kay Minju at wala naman dahilan bakit siya magseselos. Alam niyang magkaibigan na lang kami nito.

 

Siya ang mahal ko.

 

Umubo siya—mahina—to ease the awkwardness, “Of course. It’s just that, napapansin ko na you guys are always together.” Natawa siya, “Actually, babe, don’t mind me. It’s nothing. It's nonsense.”

 

Parang hindi naman ‘nothing’ lang…

 

Kilala ko siya.

 

“Nagseselos ka ba..?” Direcho kong tanong, “Uhm, siya kasi yung free usually since nasa LB siya. Si Ning umuwi sa Quezon kasama ng family niya.. Si Giselle nasa Manila. Tapos ikaw—" I halted.

 

Natahimik kaming dalawa.

 

Nabuntong hininga ako, “S-siya lang kasi yung nandito.. para samahan ako.” I could feel the tears clouding my vision, “Sorry if— Sorry if uncomfortable ka na nakakasama ko siya.. Hindi ko sinasadya..”

 

“Hey, no.. You don’t have to explain naman. You guys are friends. Sorry I just—" Rinig ko ang malakas na paghinga niya, na-sense ko rin ang kanyang frustration, “I guess I just miss you a lot. And I wish nakakasama rin kita. I wish nasasamahan din kita anytime I want.”

 

Gusto kong magdemand sa kanya. Gusto kong sabihin na thrice na siyang nagsabi na magkita kami pero hindi natutuloy. Pero hindi ko na lang ito isusumbat. Sabi nga niya, she would if she could.

 

Hangga’t sa kaya ko—iintindihin ko yung sitwasyon niya.

 

“Pupuntahan kita.. Okay lang ba?” Determined kong sabi, “Pwede kitang puntahan next week.” Gustong gusto ko na rin talaga siyang makita. Kung mahal man ang pamasahe, okay lang.

 

It took her a while para sumagot, “Babe.. Even if pumunta ka, nasa work lang ako.. Baka hindi kita maasikaso. Uhm, gawa may part time din ako. Tapos diba busy ka rin.."

 

"Magagawan ko naman ng paraan at mabibigyan ko naman ng oras. Hindi pa naman start ng work." Pagpupumilit ko.

 

She sighed defeatedly, "Babe.."  

 

Hay.

 

Ayaw ba niya? Eh ano naman kung wala kaming time sa isa't isa kapag pumunta ako don? At least makikita ko siya. Kahit nga yata isang oras ko lang siya makasama okay na ako.

 

“So sa graduation ko na ba yung next na magkikita tayo?” Hindi ko na napigil na mag tunog galit, “Are you even going to make it sa graduation ko, babe? Next month na yun..”

 

"Winter naman." Did I struck a chord sa kanya? Sumobra ba ako? "Of course I'll make it sa graduation mo. Did you think mamimiss ko yon?"

 

Hindi ako sumagot.

 

She's missing a lot, so hindi imposible na hindi siya makapunta...

 

Tumawa siya, pero walang halong pagka-tuwa, "Is it because marami akong nami-miss sa usapan natin lately? Kaya iniisip mo na baka sa graduation mo hindi ako makakapunta? Am I— Am I making you feel that way? Is that what I am to you these days?"

 

Napapikit ako out of frustration, "Hindi naman sa ganon.. N-nagtanong lang naman ako. Gusto ko lang din maka-sure. Para.. Para hindi ako umasa. Para sana alam ko." Sagot ko, sumasakit bigla ang ulo ko.  

 

I looked up kay Minju, nakabalik na ulit siya sa table. Sumenyas siya sa akin, "Kausap mo pa? Go lang. Mag CR na lang muna ako." Mahinang pagkasabi niya sa akin at umalis na ulit.

 

"Was that Minju? Nandiyan na ba siya? Sige go na." Matigas na sabi ni Karina sa kabilang linya, "I'll talk to you next time. Bye." Seryoso ba siya? Ibababa na niya kaagad?

 

Ang bigat naman.
 

Tangina.

 

Bakit ba ganito?

 

Minsan na nga lang kami mag-usap through phone call, ganito pa yung kakalabasan. Naiiyak ako. Hindi ko na rin alam ang gagawin.

 

I sighed dejectedly, "S-sige." I stuttered, hindi ko na mapigilan ang hindi maluha sa kalagayan namin.

 

"Are you crying?" Biglang bumalik ang pag-aalala sa boses niya.

 

Umiling ako, trying to contain my tears, "Hindi. Sige na, babe. Pahinga ka na lang ngayon. T-text ka na lang kapag free ka."

 

"Win.."

 

"Okay lang ako. Hindi ako umiiyak." Siya ba ang kinukumbinse ko o ang sarili ko? Hindi ko na rin alam. Baka pareho, "Sige na, kumain ka na, okay? Pahinga ka."

 

I heard her sigh, "Alright.."

 

Nawala na yung call.

 

Nawalan na rin ako ng ganang kumain.

 

Gusto kong may gawin para maging okay ang lahat, pero at the same time, wala rin naman akong magawa kung hindi sumabay lang sa daloy.

 

Iniisip ko na lang na mas nahihirapan siya.

 

Kung mahirap ito sa akin, for sure doble ang hirap para sa kanya. Baka nga triple pa.

 

Karina ❤: I'm sorry.

 

Karina ❤: I'll make it sa graduation mo. You know I won't miss it for the world.

 

Me: Okay.. Sorry din.

 

At bigla kong naalala

 

Mga salita at pangakong iyong binitawan

 

Yumakap at humingi ka ng tawad

 

Ikaw ang naunang napagod sa pinaglalaban

 

Nakisabay pa talaga si Janine Teñoso sa mood ko. Bakit ba ganito ang tugtugan sa McDo? Bakit pang malungkot? Kaninong playlist ito? Sana baguhin nila.

 

"Okay na?" Nakabalik na ulit si Minju, "Did I interrupt kanina?"

 

"Hindi, okay lang." Tinuro ko yung food niya, "Sige kain ka na.." Nginitian niya ako at nag umpisa nang kumain. May naisip ako bigla, "Uhm, Minju..?"

 

She looked up sa akin habang may subong burger, "Mmh?"

 

"Yung alok mo dati.. Tanda mo pa ba?"

 

Natawa siya at nagpunas ng tissue sa bibig, "Yung I'll drive you to Manila papunta sa jowa mo? Of course I remember." Mapanukso niyang sagot, "Why? Are you gonna take me up on that offer?"

 

Nahihiya akong tumango, "Oo sana.. Kung okay lang."

 

Bahala na. Hindi pwedeng hindi kami nagkikita ni Karina habang ganito kami. Alam kong hindi siya pumayag na magpunta ako doon nang basta lang pero hindi ko na matiis.

 

Kahit pa sumaglit lang ako don, okay na siguro. Kapag hindi siya masyadong busy, I'll take my chances at magsstay kahit one night.  

 

"Sure. Just tell me when and what time." Buti na lang talaga mabait itong si Minju. Although medyo worried ako na bothered yata si Karina sa kanya. Kailangan din namin yun pagusapan. I want to know kung bakit siya bothered.

 

Ayoko rin naman kasing mag commute mag isa at baka magka-ligaw ligaw ako doon. Siguro sooner or later ay need kong ma-try para pag pupunta ako sa kanya at wala akong kasama. Hindi naman laging available si Minju.

 

“Next Saturday siguro para wala siyang work.. Okay ba yun sayo? Kahit iwan mo na lang ako tapos figure out ko na lang kung pano uuwi..”

 

Napa-isip siya bigla. She clicked her tongue at tumingin muli sakin, “Will you stay the night sa condo niya?”

 

“Oo sana kung pwede.. Then Sunday night ako uuwi.”

 

She nodded, “Uuwi na lang din ako sa bahay next week. Then isasabay na lang kita pauwi ng Sunday evening para hindi ka na mag commute. Does that sound good?”

 

Well, oo.. Pero parang ang hassle naman para sa kanya. “Okay lang ba? Basta mag-pitch in na lang ako sa gas.”

 

“I’d say no pero feeling ko magpupumilit ka, so sige..” Natawa kami pareho.

 

“Thank you, Minju.”

 

Nag ring ang phone niya. She looked at it, “It’s Chae. I’ll take this call lang then let’s go na.”

 

“Sige go lang.”

 

Sana naman ikatuwa ni Karina na dadalaw ako next week. I don’t think ikakagalit niya. Unless syempre, ayaw niya akong makita. I highly doubt.

 

Kahit hindi kami sobrang okay lately, alam kong hindi rin nawawala ang pagmamahal niya sa akin katulad ko.

 

Though may konting kaba…

 

Ah basta!

 

Kailangan ko siyang makita.

 

 

 

 

 

 

“Good morning, team!” Masiglang bati ni Ma’am Ria, “Wow, we’re complete today. Ang gaganda at ang gagwapo niyo!” Nagtawanan ang lahat sa loob ng room.

 

May mga namumukhaan ako sa team, especially yung mga ka-batch ko na may latin honor din. May mga mukhang mas matatandang batch kaysa sa amin.

 

The rest ay professors o kaya naman research associates sa university. Hindi pa present yung Vice Chancellor sa meeting dahil ginto ang oras niya. May iba yata siyang engagement ngayon.

 

Other important people ay nandito naman sa meeting. Medyo intimidating, pero hindi naman ako nanginginig. I guess kailangan ko na rin talagang matutong mas makisama sa ibang tao.

 

“Welcome to our first ever team team meeting. Of course, special mention to Ma’am Dani for organizing this. And thank you professors for making time for this event.” Ang dami niyang special mention.

 

Pero sabagay, puro mga honorable professors nga ang nandito kasama sa project. Pati yung mga bosses sa UP Admin yata ay nandito. Bola kung bola si Ma’am Ria bilang isa siya sa project leaders.

 

“Malilimutan ba natin ang magiging back bone ng projects natin? Of course not!” Hindi ko kaya ang energy niya… “Let's gladly welcome our newly hired and bright researchers!”

 

Nagtinginan kami ng mga kasama ko sa table. Kami kasi yung namention. Para kaming ewan na hindi maintindihan kung tatayo ba o ano. But we decided to stand up bilang maayos naman kaming pinakilala. Pinalakpakan nila kami.

 

Ang babait lang nila. Para kaming mga professionals kung itrato kahit pa nga first job namin ito. Okay, I sense a healthy working environment na kaagad.

 

Ma’am Ria said that after daw mag lunch, tsaka kami magsstart sa formal meeting.

 

Nakaka impress naman na may libreng lunch ngayon at ang chika nung isang research assistant, palagi raw may pa-free lunch kapag ganitong project based work sa UP.

 

Para akong batang binigyan ng regalo nung marinig ko ‘yon. More ipon.

 

Nawala na ang hiyaan namin ng mga ka-batch ko habang kumakain. Nagstart kaming magpakilanlan sa isa’t isa.

 

“I’m Jaemin. Writing major din. Hello guys.” Parang mahinhin siya. May itsura din, “It’s nice to meet all of you.”

 

Sumunod naman na nagsalita yung matangkad na babae, “Hello. I’m Cess. It’s nice to meet you. I hope we all have a good working relationship.” Nakakahawa ang ngiti niya.

 

“Hi—"

 

“Hello—"

 

Nagkasabay pa kami nung isang lalake, “Ay una ka na. Baka natatae ka na eh.” Pag blurt ko. Agad na nanlaki ang mata ko, “Ay hala sorry. Hindi ko alam bakit ko sinabi yon.”

 

Jusko yung dapat sa isip ko lang sinabi, bigla kong na-voice out. Mas okay pala minsan na manahimik na nga lang.

 

Nagtawanan sila. At least naging funny ako for a while. Ngumiti yung guy, medyo cute siya, “Hi, I’m Renjun.” Yun lang ang sinabi niya.

 

Graduate ba talaga kami ng Com Arts? Parang lahat kami mamamatay sa hiya eh. Pero nagaadjust pa rin kasi at hindi nga naman namin kilala ang isa’t isa.

 

“And I’m Yeri! Grabe, parang ako lang yung lokaret dito. Dapat maingay din kayo! I’ll train you guys kung paano kumapal ang mukha.” Nakakatawa siya. Ang dami niyang facial expressions sa maikling time na nagsalita siya.

 

Ako na pala. Bigla naman akong nahiya. Samantalang kanina, sinabihan ko si Renjun na natatae na siya.

 

“I’m—"

 

“Winter, right?” Ininterrupt ako ni Cess, “Naging classmates tayo sa 101 before. Anyways, continue. Sorry ang epal ko.” Hindi naman pala siya mahinhin.

 

“Ahh. Uhm, ayun, I’m Winter. I’m looking forward din na maka work kayo.” Matipid ang ngiti ko sa kanila.

 

Natapos na rin ang introduction namin sa isa’t isa. Surprisingly, kahit parang mamamatay kami sa hiya nung una, we all blend together really well. Wala nang awkwardness. Nakakatulong rin ang pagiging maingay ni Yeri.

 

I’m having a good time, sa totoo lang. This is the lightest I’ve been nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko inexpect na sa work pa ako makakapag relax.

 

O baka naman it’s too early to say that? But still, ang gaan lang sa pakiramdam na mukhang makakasundo ko ang mga makakatrabaho ko.

 

“Nachika ko lang dun sa kaclose kong prof, may mga field works daw pala ‘to noh? Exciting. Sana magkakasama tayo.” Banggit ni Yeri after kumain.

 

Tumango si Renjun, “Yes, but hindi naman daw palagi. Most of the time we’ll be working in the office after a week or two-week long fieldwork. Okay na rin. Though baka pag tumagal, may month-long field works.”

 

To be honest, kahit ano naman ipagawa dito ay okay na ako. Wala nang reluctance kung may field works man. Maganda rin naman kasi ang pay. Malaki laki siya for a starting job. Tapos pag may field, may extra allowance yata.

 

Inisip ko mas matutulungan ko sina Karina at makakapag pitch-in para mabayaran ang utang nila. It’s not much, pero at least, diba. Kaysa naman puro ako simpatya sa kanya.

 

Hapon na nang matapos yung meeting. Maraming napag usapan at maraming nadiscuss about the project. Apparently, una namin makakapartner ang DOE and may field works sa Manila and Isabela. Later on pa magdedecide sino yung mga assigned for it.

 

Next next week na yata yung field work dito. Napabilis daw kasi yung approval. Hindi ko masyadong gets. Basta ganon. Pinapapasok na rin kami starting on Monday.

 

“Tara proben tayo bago umuwi!” Pagyaya ni Yeri, “Nag crave ako bigla eh. Sana open sila.”

 

“G lang ako.” Sagot naman ni Renjun.

 

Nakakahiya naman kung tatanggi ako dahil first bonding namin ito as workmates, kaya pumayag na lang din ako pati si Cess.

 

Kung ano ano lang ang mapagkwentuhan namin on the way sa probenan. Small talks about sa naging experience namin sa UPLB tapos tanungan kung taga saan. Parang getting to know kumbaga.

 

“May jowa kayo?” Nakangiting tanong ni Jaemin.

 

“Wala.” Sabay sabay na sagot nung tatlo ko pang kasama. Nagtinginan pa sa akin dahil ako lang ang sumagot ng “Meron”.

 

Natatawa akong tinignan sila pabalik, “Gulat na gulat naman kayo.. Panget ba ako?” Pagbibiro ko, medyo comfortable ako sa kanila for some reason.

 

“I’m not surprised ha. You’re actually very pretty.” Kibit-balikat na sabi ni Renjun, “Tell us about him. If you like.”

 

Ay.

 

Napalunok ako.

 

“Uhm..” Panimula ko, “Her.”

 

Parang may realization na bumalot sa mga mukha nila. Si Jaemin ay ang luwag ng pagkakangiti, “Go girl! Itayo ang bandera ng mga bading." Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya.

 

“Tama yan teh. Problematic mga lalake. Mga walang kwenta!” Umirap si Yeri. Siguro may bad experience siya kaya ganito na lang ang sama ng loob.

 

Nakarating na kami sa probenan.

 

Umupo kami doon sa spot kung saan kami nag date ni Karina dito before.

 

Ito nanaman yung feeling na nakakalungkot. Sobrang nami-miss ko na siya. Minsan gusto kong bumalik sa mga panahon na wala siyang pinoproblema. Na yung pinagtatalunan lang namin eh kung saan kami kakain.

 

Hay.

 

Syempre life goes on.

 

Minju: Tuloy ba tayo tomorrow?

 

Me: Oo. Ikaw na lang bahala kung anong oras aalis. Kahit anong oras naman ako. Salamat ulit ha.

 

Minju: No problem! Agahan natin para mas maaga mong makita si bebe mo ;)

 

Me: Haha okay sige. See you. Thanks ulit

 

Hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan sa pagpunta bukas kina Karina. Siguro kasi may part sa akin na iniisip na baka maistorbo ko siya? O kaya naman magalit siya dahil hindi ako nakapagsabi?

 

Pero ganon pa man, I'm excited dahil finally ay magkikita na ulit kami. Hindi rin kasi maganda yung naging usapan namin nung Linggo...

 

Dumerecho ako sa bahay nila Karina pagkatapos kong makasamang mag proben ang workmates ko.

 

Before leaving LB, binigyan niya ako ng susi ng bahay nila. I can stay daw dito kapag namimiss ko siya, or kapag gusto ko lang.

 

And today is one of those days na sobrang namimiss ko siya.

 

I entered her room, may certain smell sa kanyang kwarto that screams "Karina" kaya para akong tanga na nagiging emotional. Nakita ko yung photo namin sa mesa tabi ng kanyang kama, napangiti ako, "Miss na kita." Sabi ko sa sarili.

 

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan siya.

 

It took two tries bago siya sumagot, "Hey, babe.. Sorry kakauwi ko lang. Mag set up pa ako ng laptop for Upwork. May need akong tapusin. Can you call back later?"

 

Hindi man lang niya ako inantay na mag "Hello" muna sa call.

 

"Okay.." Sabi ko na lang.

 

I was waiting for her na ibaba yung call. Pero nagsalita ulit siya, "Sorry.. We can— we can talk muna, babe. I didn't mean for me to sound like nagmamadali ako at ayaw kang kausapin. You know that, right?"

 

Tumango ako, covering myself with her favorite blue sheet, "Nandito ako sa room mo.." I found myself saying.

 

"You are? Miss mo na ako?" May pagka playful sa boses niya, pero hindi talaga nawawala yung pagod dito.

 

I sniffed, "Lagi naman kitang namimiss."

 

"You seem sad.."

 

Because I am.

 

"Pagod lang. May meeting sa work kanina." Gusto ko pa sanang ikwento yung mga nangyari. Gusto kong mag usap kami for hours, at i-share sa kanya yung tuwa ko sa bago kong trabaho, pero alam kong wala siyang time for that.

 

Sana bukas meron, kapag pinuntahan ko na siya.

 

"Baby.. I have to go. I'm so—"

 

"Okay lang. Wag ka nang mag-sorry." Lately kasi, puro na lang ganon. Puro sorry, sorry, sorry. Parang nawawalan na nga ng meaning yung word. I don't want her to keep apologizing, "Text mo na lang ako ha? Kapag may time ka. Galingan mo sa work.."

 

"Okay. I love you, Win."

 

I smiled sadly, "I know. I love you too."

 

The call ended.

 

Tinignan ko sa left wrist ko yung binigay niyang bracelet sa akin before siya pumunta sa Manila. Sort of "promise bracelet" daw, na she will always come back to me. Kapalit din daw nung friendship ring na sinira niya before.

 

Hindi ko ito hinuhubad kahit naliligo. Kahit nga kapag tulog, suot ko pa rin ito. It keeps me closer sa kanya kahit wala siya sa tabi ko.

 

I hope I don't ever find a reason para hubarin ito.

 

Hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa kama niya. Nagising lang ako dahil sa ring ng phone ko, tumatawag ang Mama ni Karina.

 

"Hello po?"

 

"Hey Winter! Did I wake you? I'm so sorry!"

 

Umayos ako ng higa, "Okay lang po.. Bakit po kayo napatawag?"

 

"I forgot to thank you dun sa pinadala mong money yesterday. You know you don't have to, right? Alam ba ni Karina?"

 

Tumayo na ako sa kinakahigaan ko. I checked the time, grabe, 10pm na pala. Ang tagal kong nakatulog. I put the phone on speaker at sumagot, "You're welcome po.. Gusto ko lang din pong makatulong." Hindi ko na lang sinagot yung tanong niya kung alam ba ni Karina.

 

Feeling ko naman alam ng Mama niya na hindi alam ng girlfriend ko.

 

"Okay.. Thank you again. I'll pay you back in the future kapag okay na ang lahat, okay?" Mariin niyang sabi.

 

Hindi niya ako kailangan bayaran, pero umagree na lang din ako para maiwasan yung pagpupumilit niya, "Sige po, Tita.."

 

"Go back to sleep, anak. Good night."

 

"Good night po.."

 

Kahit gusto ko pang mag-stay dito, kailangan kong umuwi para mag prepare sa lakad ko bukas pa-Maynila.

 

Bukas ng gabi, ganitong oras, katabi kong matulog si Karina.

 

Hindi na ako makapag antay.

 

 

 

 

 

 

“Morning. You look jolly. Excited yan?” Panunukso ni Minju pagsakay ko sa kanyang kotse, “Uminom ka ba ng Bonamine? Baka magalit si Karina kapag nahilo ka.”

 

Natawa ako, “Oo, uminom ako. Ingay mo. Tara na.”

 

Hinampas niya ang braso ko, “You should be nice sa akin! Ipagdadrive kita para humarot!” Sana nga ganon ang mangyari, diba? Sana matuwa si Karina na makita ako.

 

“Tingin mo hindi siya magagalit? Na pupunta ako don nang walang pasabi?” I bit my lip, medyo naaanxious ako. Feel ko laging may hindi mangyayaring maganda.

 

Masyado yata akong carried away ng mga nangyayari lately at puro bad things na lang ang ineexpect ko. Well, at least kung may hindi man magandang mangyari, hindi na ganon ka-sakit.

 

Hay nako! Bakit ko nanaman ba iniisip ito.

 

"Why would she be mad? Feeling ko nga matutuwa yon sa surprise visit mo. Don't overthink things, Win." Nilingon niya ako at binigyan ng reassuring na ngiti, "Let's go na?"

 

I smiled back, "Okay. Let's go."

 

At dahil maaga kaming umalis, hindi namin naabutan ang traffic masyado papasok sa SLEX. Mabilis kaming nakarating sa expressway. I decided to text Karina, para lang sana alam ko kung may ganap ba siya o wala.

 

Me: Good morning, baby. Rest ka today?

 

Medyo natagalan siya bago nakareply. Malapit na kami sa Alabang nang makareceive ako ng message galing sa kanya.

 

Karina ❤: Morning. I just woke up babe. There are a few documents na need ko asikasuhin pero sa bahay lang ako. May duty rin ako mamayang hapon sa Upwork.

 

Karina ❤: Ang aga mo yata nagising? Did you stay sa bahay?

 

Okay, good. Hindi siya aalis ng bahay.

 

Me: Hindi.. Umuwi rin ako agad. Uhm, wala, gusto ko lang gumising nang maaga.

 

Me: Bangon ka na muna..

 

Karina ❤: Okay, I'll text you later :*

 

"Anong sabi? Nasa condo raw?"

 

Masiglang tumango ako, "Oo." Siya naman ang tinignan ko, "Kayo ba ni Chaewon? Kamusta? Nasa Cebu pa rin siya?"

 

Sarkastikong tumawa si Minju, "I guess we're okay. Busy siya. We rarely talk these days but it is what it is. We'll get back on track pag balik niya from there."

 

Natatawa ako kay Minju. May pagkabitter kasi ang pagkakasabi niya, but at the same time, parang confident siya sa kanila ni Chaewon.

 

Nakakatuwa naman.

 

I'd even say na katulad ko siya. Minsan nalulungkot at nabibitter sa mga namimiss-out ng girlfriend ko na usapan namin, pero despite those lapses, kahit papaano ay confident naman ako sa aming dalawa.

 

Ganon din kaya si Karina?

 

"Tingin mo magiging okay pa rin kayo by then?" BIgla kong tanong.

 

She looked shocked sa aking question, lifting her eyebrow at me, "Oo naman. I mean, I hope so. Pero we love each other, hindi naman yung mababago."

 

Naalala ko nanaman yung sinabi ni Ning. Nag stay na itong tanong na ito sa akin ever since sabihin niya. I glanced at Minju, "Paano kung hindi pala enough yung ano.. yung love?"

 

She was just looking straight on the road, pero nakita ko yung creases sa kanyang noo at halatang napa-isip sa tanong ko, "Well.. It never is enough naman. But I guess that's something to hold on to, right? At least may foundation. A strong one."

 

Nga naman...

 

Nagpatuloy pa siya, "If mahal niyo ang isa't isa then may reason kayo to keep on fighting for each other. Kahit mahirap. Babalik at babalik ka dun sa fact na yon." She smiled more to herself, "You can't choose naman yata kung kanino ka mai-inlove. But you always have a choice whom you're going to stay with."

 

Napatitig lang ako sa kanya, taking in every word she uttered.

 

Nilingon niya ako at natawa, "What? Was that too much? Ang cheesy ko ba?" She cringed sa kanyang sarili, "Akala mo naman talaga love guru, noh?"

 

I chuckled, "Actually ang ganda nga nung sinabi mo.. Tama naman. Pwede mo nang palitan si ano, si Lang Leav."

 

Malakas ang tawa niya, "Bwisit ka! Feel na feel ko pa man din yung linyahan ko."

 

She took a right turn, "But of course, despite yung mga sinabi ko, there are just some things na beyond your control, alam mo yun? Worst timing, circumstances are bigger than you, feeling mo against ang universe na inyo, yada yada. Worst case scenario na yata yun. Parang ang hirap naman when that happens." She scrunched her nose.

 

I could on

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
0 points #1
Chapter 16: dang that was so angst love it
lokonaba
0 points #2
Chapter 11: HAHAHAHAHAHAH ANONA
kleispace
#3
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #4
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #5
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa
#6
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 659 streak #7
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #8
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#9
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#10
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.