Part 26

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Isang linggo na rin ang nakakalipas nung mag Enchanted Kingdom kami. Which means isang linggo na rin ang nakakalipas since halikan ko si Karina.. at halikan niya ako pabalik.

 

Hindi ko yata kayang mag move on dun sa nangyaring ‘yon. Siguro nasa Top 3 ito ng mga magagandang nangyari sa buhay ko.

 

Actually parang Top 1 nga...

 

Hindi ko rin naman kasi pinlano na sabihin sa kanya kaagad dahil balak ko sanang i-ready muna ang sarili ko bilang kabado nga akong tao.

 

But it happened and I couldn’t have asked for a better timing. Ayoko rin kasing siya nanaman yung maglahad ng lahat ng nararamdaman niya.

 

I wanted to take the lead kahit papaano dahil yun yung deserve ni Karina.

 

Bonus na lang na pinayagan niyang halikan ko siya…

 

Ahhh! Gusto kong sumigaw ng Darna kapag naaalala ko yung pagtatanong ko kung pwede bang isa pa.

 

Karina ❤: I can’t wait to see you later… Miss na miss na kita :(

 

Karina ❤: I’ll make it up to you :*

 

Iniisip ko pa lang siya at heto’t nag text na kaagad. Para nanaman tuloy may daga sa dibdib ko na patakbo-takbo.

 

Me: Okay lng yan, busy ka rin kasi hehe. I miss you too.. Sunduin kita mamaya ha.. Patapos na klase mo diba?

 

Ito naman kasing si Karina, minsan ayaw niyang nagpapasundo dahil hassle daw para sa akin. Alam niya kasing nagsusulat ako lately nung write up for Sir Vin at medyo busy rin.

 

Pero kasi... Busy siya buong linggo dahil umuwi ang parents niya. Tapos exam season pa kaya kahit pa nga MU kami, wala kami masyadong time sa isa’t isa.

 

Wait…

 

Tama ba?

 

MU ang tawag don diba?

 

Kami na ba?

 

Ano ba yan, may namuong palaisipan sa akin bigla. Bakit ba kasi wala akong ka-alam alam sa mga rules pagdating dito.

 

Karina ❤: Okay.. baby bes. Lol :p

 

“Winter! Anong pinapdyak padyak mo diyan?! Masisira yang lamesa ko!” Si Mama naman, panira ng kilig moment ko.

 

Eh ano ba kasi ang irereact ko sa sinabi ni Karina?! Syempre mapapa sipa talaga ako. Kasi naman… baby daw. Naiihi ako bigla.

 

Karina ❤: Ang tagal mong magreply :( You texting someone else? 🤨

 

Ngali-ngali akong mag type para magreply sa kanya.

 

Me: Hala wala! Ikaw lng katext ko noh..

 

Me: Focus ka na sa PE hehe see you sunduin kita ha hehe punta na ako

 

“Ma alis na ako. Punta lang ako po ako sa Copeland.” Iniwan ko na lang sa store yung laptop ko para hindi ko na bitbit papunta doon. Malayo kasi.

 

“Akala ko ba eh tapos na klase mo? May gimik ka ba?” As if naman gumimik ako sa buong buhay ko. At alas singko pa lang naman ng hapon.

 

Uminom muna ako ng tubig bago tumayo, “Susunduin ko po si Karina sa klase. May PE siya.”

 

Tumigil si Mama sa pagluluto at makahulugan akong tinignan, “Bakit may sundo sundo? Ano yan? Shota mo na ba si Karina? Bakit hindi kayo nagsasabi sakin? Isusumbong ko kayo kila kumare.”

 

Napatitig ako kay Mama at kumurap kurap, “Hindi pa po..” Nahihiya kong sagot, “Alis na ako, Ma. Wag ka nga.” Mabilis akong naglakad palabas ng silogan niya.

 

Awkward para sa akin ang pag usapan ang ganong bagay kay Mama o Papa. Kay Yuna okay pa.. pero sa parents ko, parang hindi ko kaya. Napapangunahan ako ng hiya at pagka ilang.

 

Sabay ng paglabas ko sa silogan ni Mama ang paglabas naman ni Minju sa katapat na coffee shop ng eatery namin. Agad niya akong nakita, “Winter!”

 

Nginitian ko siya kaagad, “Uy. Sinong kasama mo?” Lumapit ako sa kanya.

 

“Wala, ako lang. Nagreview ako eh. Saan ka pupunta? Kay Karina?” Naglakad na kami papalabas ng gate.

 

Medyo nostalgic dahil tanda ko pa dati, dito kami laging dumadaan papasok sa class nung time na nag mid-year kami. Ang bilis ng panahon.

 

“Oo. Susunduin ko siya sa Copeland.” Natawa ako bigla, “Kala mo naman may kotse ako para sumundo eh ‘noh?”

 

“Ano ka ba, ang sweet kaya.” May pa hampas pa siya sa braso ko, “So.. kayo na? Akala mo hindi ko kayo nakitang mag-kiss sa ferris wheel last week?”

 

Pinandilatan ko siya ng mata, “Hoy!” Nagtinginan samin yung mga tao sa paligid kaya hininaan ko ang boses ko, “Bakit ka naninilip..”

 

“Not my fault you kissed in public.” Inirapan niya ako, “But you didn’t answer the question. Kayo na?” She looks excited para sa akin.

 

Weird ba na we used to have something, muntik pa ngang maging kami, tapos ganito kami ngayon? Baka nga talagang totoo yung sinabi niya na she values our friendship.

 

And yung sinabi rin ni Ning at Giselle sa akin na minsan daw talaga, people are meant to be just friends.

 

Nakarating na kami sa abangan ng jeep at hindi pa rin ako sumasagot. Nag isip muna ako, “Kami na ba kapag ganon?” Stressed kong tanong.

 

Natawa siya, parang natangahan pa sa sinabi ko, “Hindi mo alam kung kayo na or not? Hindi niyo ba napag usapan?”

 

“Well.. uhm, umamin na ako. Ganon din siya. Tapos nag k-kiss kami..” Ano ba yan, inisa isa ko talaga kay Minju?! “MU siguro..”

 

She looks amused at hinampas nanaman ako, “Ang cute mo magkwento. You’re blushing too.” Humupa na ang tawa niya at nagseryoso, “Ask her about it.”

 

Ayun na nga… gusto ko naman talagang itanong kaso marami lang ginagawa si Karina nitong buong linggo kaya tuma-timing pa ako.

 

Although sobrang sweet na namin sa mga texts at kapag nagkikita kami sa classes, pinapaalis niya yung katabi ko at pinapalipat sa ibang upuan para matabihan niya ako.

 

Sinusundo ko rin siya sa classes niya at ganon din siya sa akin minsan.

 

D-diba ganon kapag ano.. jowa…

 

Or baka ganon din naman kapag MU?

 

Hay nako. Kung ako kasi ang tatanongin, parang ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Unless gusto ni Karina na ligawan ko siya.

 

Paano ba yun? Feeling ko kaya ko naman.

 

“Sige.. tatanongin ko na lang.” I tried to sound confident.

 

May dumating na na jeep at sumakay na kaming dalawa. Pupunta yata siya sa CEAT dahil may GE siya doon so pareho kaming jeep pa-kanan ang sinakyan.

 

Me: Papunta na ako. Kasabay ko si Minju sa jeep.

 

Me: Excited na ako makita ka

 

Delete!

 

Wait… okay, tinype ko ulit.

 

Me: Excited na akong makita ka :)

 

Hindi na ako dapat naduduwag. Kinaya ko ngang sabihin yung feelings ko last week eh. So dapat consistent ako.

 

She deserves consistency.

 

Wow. Nakakakilig naman yung mga iniisip ko.

 

Karina ❤: Minju? 🤨

 

Me: Haha opo. Bkt?

 

Karina ❤: Close na ulit kayo? Hmmm, K.

 

Natatawa ako sa kanya.

 

Me: Close din naman kayo ni Yunjin… Hmmm, K.

 

Me: Joke lang hehe

 

Karina ❤: 😒😒😒

 

Karina ❤: Done na class. Get here quick. Wanna kiss you…

 

“Winter, kanina ka pa pumapadyak. Baka masira ‘tong jeep.” Pansin ni Minju. Nakisilip siya sa phone ko pero inalis ko ito agad sa paningin niya, “Napapa-padyak ka rin ba sa akin dati? I'd be offended if hindi.” Ang kapal naman..

 

Tinignan ko siya nang masama, “Wag na nga natin pag usapan!” Natawa lang siya sa pagka inis ko. At least bumabalik na rin yung pagka maloko niya. Less awkward na kami ngayon.

 

“Joke lang. Namiss ko tuloy si Chae.” Nagkwento siya bigla ng mga dates nila ng kanyang jowa. Nag alinlangan pa nung una pero sabi ko eh okay lang naman. Pati yung mag pagpunta punta dito ni Chaewon sa LB nabanggit niya.

 

Parang inlove na inlove siya kung mag kwento. Nakakatuwa lang na yung falling out naming dalawa brought out something even better para sa amin individually.

 

Mapapasabi ka na lang talaga minsan ng “everything happens for a reason” kahit pa sobrang gasgas na ng kasabihan na ito.

 

Ewan ko ba, ganon yata talaga minsan.

 

“Kamusta na ba kayo?”

 

She smiled contentedly, “We’re okay. Although she gets jealous a lot kay Yujin. Lagi kasi akong tinetext ng mga sweet stuff na pa-joke. Alam mo naman yun si gaga.”

 

Baliw talaga yun. Baka kahit ako ang nasa sitwasyon ni Chaewon, magselos din ako. Iniisip ko pa lang na may ibang magsasabi ng sweet words kay Karina…

 

Hindi pwede...

 

Naaninag ko na ang arko ng AnSci, “Pababa na pala ako.. Sige, Minju. Ingat.” Nagpaalam na rin siya sa akin at pumara na ako sa jeep.

 

Medyo malayo layo ang lalakarin para makarating sa Copeland Gym. Maraming aso lagi sa may Vet Med kaya doon ako dadaan sa may mga kalabaw sa AnSci. Worth it naman ang baho kung si Karina ang makikita ko.

 

Dumale nanaman ako ng ka-cornyhan.

 

Pagdating sa gym ay agad ko siyang nakita katabi ni Sakura. Magkaklase yata silang dalawa sa PE.

 

She immediately stood up at ngumiti sa akin, “Hi.. Took you long enough.” Masiglang bati niya. Parang ngayon lang kami nag kita.

 

Well.. parang ngayon nga lang ulit kung tutuusin. Kaya sabik na sabik kami sa presensya ng isa't isa.

 

Nagsalita bigla si Sakura, “Winter, hinahanap ka pala sa college sec. Potential running for laude ka yata. Di ka raw ma-contact ni Ma’am Ria.”

 

“H-ha? Totoo ba?” Ang tanga lang ng tanong ko, “I mean.. sorry hindi ako makapaniwala. Hindi naman ako nagchecheck ng standing. Pero sige thanks, ipapa-update ko na lang yung number ko don.” For sure matutuwa si Mama kapag sinabi ko.

 

Although hindi pa naman sure dahil dalawang sems pa pero at least kahit papaano ay mas mamomotivate akong mag aral at galingan pa.

 

“Naks.” Sabi ni Karina sa tabi ko, “I’m sure you’ll make it.” Nagpaalam na kami kay Sakura at lumabas na ng Copeland.

 

“Matagal ka bang nag antay?” Binagalan namin ang paglalakad.

 

Umiling siya, “It’s okay. San ka galing?” Umakbay siya sa akin. Parang ang casual pa nga ng way niya sa pag akbay. Parang natural na natural lang sa kanya.

 

Kinikilig ako.

 

“Sa store ni Mama..” Mahina kong sagot. Pinipilit kong hindi pumiyok.

 

She nodded. Parang may gusto nga siyang sabihin, pero nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Wala masyadong tao sa part na ito ng campus lalo pag ganitong oras.

 

“San mo g—“

 

“Can I kiss you?” She cut me off.

 

Napatigil kami pareho sa paglalakad.

 

Taken aback ako sa tanong niya at di agad ako nakasagot kaya nagpahabol siya kaagad, “Just here..” Lumapit siya sa akin at hinalikan ang gilid ng labi ko, “There..” Ang lambot talaga ng labi niya.

 

Parang marshmallows.  

 

Ngumiti siya sa pagkabalisa ko at nauna nang maglakad. Parang enjoy na enjoy niya yung flustered state ko. Hays… Bumalik ulit yung palaisipan ko kanina.

 

Binilisan kong maglakad para maka abot sa kanya, “Karina!”

 

She turned around, “Mmh? Kumain ka na b—“

 

“J-jowa na ba kita?” Turn ko naman para i-cut off siya. At katulad ko kanina, mukhang nagulat din siya sa biglaan kong tanong.

 

Her gaze softened at lumapit siya sa akin, “What do you think? Jowa mo na ba ako? Does it feel like I am?” Hinaplos niya ang mukha ko. May pangaasar sa kanyang tono.

 

Buti walang ibang tao dito kaya nakakapag moment kami.

 

Napa kagat labi ako bigla, “H-hindi ko alam.. pero gusto mo bang ligawan kita? Gagawin ko naman..” I looked away. Parang naging interesting bigla yung mga puno sa paligid namin.

 

I heard her chuckle, “You’d do that para sa akin?”

 

“Oo naman.” Mabilis na sagot ko. With conviction pa nga.

 

She smiled at me at kinuha yung kamay ko to intertwine with hers, “Joke lang. We’ve waited long enough already. So yes, jowa mo na ako.”

 

Nag blush ang buong pagkatao ko. Ganon lang pala kabilis yun.

 

Or baka swerte lang talaga ako kay Karina.

 

Tinawanan nanaman niya ako, “Kailan mo pa iniisip yan? To be honest inassume ko na we’re on that stage na.. But yeah, wala ngang tanungan na nangyari. I’m glad you opened it up.”

 

Para kasing enough na rin yung nangyari sa aming confession nung nasa EK kami. It was heartfelt kaya siguro hindi na rin namin inisip na maging technical sa pagtatanong that time.

 

I guess gusto ko lang din talagang ma-confirm...

 

Ang saya ko lang. Hinila ko siya para bilisan ang lakad, “Date tayo. First date natin as mag girlfriend.” Parang ang foreign sabihin nung word na girlfriend.

 

Totoo ba talaga to?

 

Inalis niya ang hawak sa akin at pinaikot ang kamay sa aking bewang, “Yeah? Saan mo ako ide-date hmm?”

 

Ganito pala si Karina kapag g-girlfriend…  Sobrang clingy at sweet niya. She would brush her nose sa pisngi ko paminsan minsan, tapos bibigyan ako ng light pecks dito.

 

“Sa Ken’s.”

 

Malakas ang tawa niya, “Ken’s nanaman? Dinala mo rin ba doon si Minju dati? Because if yes, then ayoko don!” Ang energetic niya ngayon.

 

“S-saan mo ba gusto?” Nag aabang na kami ng  jeep sa labas ng AnSci. Naisip ko bigla na malapit lang kami sa Milka Krem, “Wait, bili tayong choco milk.”

 

Her face lit up kaagad, “Tara. First choco milk as a.. couple.” She said happily. Although parang nahiya din siya sa kanyang sinabi, but she smiled nonetheless.

 

We walked hand in hand papunta sa MK. Medyo nako-conscious pa ako pero naalala kong nasa UP kami at sure ako na almost no one would bat an eye.

 

“Karina..”

 

She brushed my hand to acknowledge me, “Hmm?”

 

Nag alinlangan pa ako, “Uhm.. Sure ka na ba talaga na gusto mo ako maging jowa? Baka nabibilisan ka ha.." I voiced out my worry.

 

Tumigil kami saglit at hinarap niya ako, “Win.. I’ve never wanted anything more. Hindi ako nabibilisan. I was more worried na it might be overwhelming for you.”

 

She bit her lip at nagpatuloy, “You know.. since hindi maganda yung last almost-relationship mo with.. Minju.” Medyo maingay na dahil sa dumadaan na jeep, “Let’s go sa apartment and talk more about this, okay?”

 

Tumango ako, “Sige..” She never fails to ease my worries. Pero it would be nice nga kung mapaguusapan namin ito mamaya nang hindi kami nasa sidewalk.

 

As much as possible, gusto kong nalalaman yung worries niya at ganon din naman ako sa kanya. Kahit pa nga kakaumpisa pa lang namin.

 

Gusto ko sana yung maganda at strong ang aming foundation.

 

Wala akong alam sa relationships kasi never pa akong nagkaka girlfriend talaga kaya I need Karina’s guidance…

 

“Let’s buy one liter to share.” Sabi niya nang makarating na kami, “Remember the last time we were here? Ang sungit ni Ate na nasa counter..”

 

Naalala ko nga. Yun yung nangangapa pa ako kung paano ako makikipag interact sa kanya.

 

“Yung nag share din tayo tapos nilagay ko sa tumbler mo yung half..” Paano ko naman makakalimutan yon eh halos lahat ng interactions namin ginawa kong highlight ng araw ko.

 

Natawa siya sa pagiging specific ko, “The one you gave me nung birthday ko. Yung blue..” She’s smiling habang nagre-reminisce, “Why did you even buy me a tumbler pala?” Nagbayad na siya sa counter.

 

Tsaka lang ako sumagot pag labas namin, “Uhm.. alam mo ba kaya ko binili yun kasi ayokong nakiki inom ka kay Yunjin..” Awkward na natawa na lang ako.

 

She laughed along, “What? Bakit?”

 

Natahimik ako bago sumagot, “Wala naman.”

 

At syempre, dahil si Karina ito, alam na alam niya kapag nagsisinungaling ako, “You’re lying. But okay sige.” Eh malamang ayoko naman aminin na may pagseselos akong naramdaman..

 

“So saan mo g—“

 

“Win! Karina!” Ano ba yan, hindi na namin nalaman saan kami kakain.

 

Sabay namin nilingon si Ryujin, kasama niya si Lia at magka-holding hands yung dalawa, “San kayo? Tara dinner.”

 

Napatingin sila sa magkahawak naming kamay ni Karina. Mapang asar ang tingin ni Ryujin samantalang parang puzzled naman ang kaitsurahan ni Lia.

 

“Friendly holding hands ba yan?” Tanong niya, natawa ang kanyang jowa.

 

Si Karina ang sumagot, “No, not really.” She chuckled, “And we can’t have dinner with you guys. May date kami.” Yung way na pagsabi ni Karina, parang proud na proud siya.

 

Masarap sa pakiramdam.

 

Nakatitig lang sa amin si Lia na parang nag aantay na magsabi kami na prank lang ito, “Gaga ka Karina, akala ko si Yunjin ang jowa mo.”

 

Ay, okay.

 

Sabagay.

 

Lagi silang magkasama before.

 

“Kahit sa org kaya, sabi nila ginagawa lang daw beard ni Yunjin si Jeno.” Kita ko yung subtle na pag siko ni Ryujin sa jowa, “Alam mo naman sa org, dami pa rin chismosa.”

 

Mukhang wala naman pake si Karina sa nalaman and she quickly laughed it off, “Ang dami naman chika. Puro mali.” She tugged my hand at naglakad na ulit kami kasabay nung dalawa.

 

“So kayo na nga?”

 

“Kailan pa?”

 

“Pano pala naging kayo?”

 

Bagay nga itong dalawa dun sa org nila dahil may pagka chismosa rin na taglay. Lalo na si Lia na parang curious na curious.

 

Buong akala raw niya ay kami ni Minju at si Karina naman at Yunjin. Saan lupalop ba ng mundo ito nag lagi? Pero sabagay, hindi ko rin naman sila ganon ka-close ni Ryujin.

 

Casual lang pero hindi yung tipong nagkekwento ako katulad ng pagsasabi ko kila Ning.

 

“Long story. Literally.” Malokong sabi ni Karina, “We were best friends.”

 

“Parang Ryujin and Yeji levels.” Biglang sabat ko. Nahahawa na ata ako sa pagiging conyo ng mga kaibigan ni Karina.

 

Kinurot ako ni Ryujin sa gilid at bumulong, “Shuta ka teh.” Ay, mali ba yung sinabi ko?

 

Hindi naman na namin dinetail out pa ni Karina dahil literal nga namang mahaba habang kwento. At isa pa, paliko na rin ng daan yung dalawang mag jowa.

 

“Kwento niyo soon! Double date tayo!” Yaya ni Lia. Parang wala na lang sa kanya yung sinabi ko about Ryujin at Yeji so siguro eh over na sila dun sa topic na yon.

 

“Sure.” Sagot naman ng jowa ko.

 

J-jowa ko?

 

“Let’s go, babe.” Muntik mabali ang leeg ko sa paglingon kay Karina dahil sa sinabi niya, “What? Ayaw mo ba? Ano bang gusto mong tawagan natin?”

 

Napa isip tuloy ako. Ano nga ba yung mga jejemon na tawagan?

 

“Uhm.. mhie ko?” Pa-joke kong sambit.

 

Hinampas ako ni Karina, “Kadiri ka!”

 

Tawa lang kami nang tawa habang naglalakad, wala pa rin kaming destination in mind kung saan kakain. Pero at least napatawa ko siya.

 

“So saan tayo kakain?” Tanong niya ulit.

 

Tumitingin tingin kami ng restos sa paligid at parang ang daming tao sa lahat. Medyo nafifeel bad ako dahil ako ang nagyaya pero wala naman akong maisip.

 

She probably noticed my stress, “What if we order na lang ulit then sa apartment tayo? We’ll watch a movie tapos.. we’ll cuddle.”

 

“Sure ka? I mean.. gusto ko yun pero I wanna make it special sana..” Malungkot na sagot ko. Gusto ko kasing mag date kami sa labas.

 

She gave me a sweet smile in response, “Just being with you is special enough.” Para akong natunaw sa sinabi niya, “Let’s go. I lowkey want to be with you alone na rin naman.”

 

Ay…

 

“Alam ko na.” Nakaisip ako ng gagawin.

 

“What?”

 

“Pagluluto na lang kita.” Excited na sabi ko, “Gusto mo ng pasta? Anong gusto mo?”

 

She’s smiling widely sa akin, “Gusto ko yung korean ramen na ginagawa mo before. Yung kino-customize mo.” Naaalala pa pala niya yun…

 

“Okay sige. Diba may korean grocery store sa kanto ng apartment mo?”

 

She nodded excitedly, nakangiti pa rin ng sobrang luwang, “Meron po. Let’s go na, jeep na lang tayo.”

 

Nakarating kami dun sa shop sa may kanto ng Umali. Sobrang nice lang nung koryanang babae na may ari nung store.

 

Binigyan kami ng freebie na kimchi dahil pareho raw kaming maganda ni Karina.

 

Dumerecho na kami sa apartment niya. Sobrang familiar na nito sa akin at ako pa nga ang nagbukas ng gate nila para sa aming dalawa.

 

We entered her room, malinis ito this time.

 

“I’m excited. Ngayon mo na lang ulit ako ipagluluto.” Pinatong namin yung mga pinamili sa mesa.

 

“Kailan nga yung last?” Hindi ko na rin maalala. Basta tanda ko, madalas ko siyang ipagluto nung mag best friends pa kami.

 

Kinuha ko yung pot niya sa may kitchen at naglagay ng tubig. Kumuha na rin ako ng bawang at nag umpisa nang mag gayat. Jusko, parang bahay ko na ‘to kung maka asta.

 

Nag isip siya for a while dun sa tanong ko, parang hindi rin maalala, “I think first year pa? You know, when we were still best friends.”

 

Natawa ako, naalala ko na, “Kasi tumanggi ako dun sa nireto mo, so pinagluto kita kasi mainisin ka kapag natatanggihan.”

 

Hindi siya sumagot.

 

Nasan na siya? Ba’t di nagsalita bigla..

 

Naramdaman ko yung pag yakap niya sa akin from the back, “Sorry pinakilala kita kung kani-kanino..” Malambing na sabi niya, “When in fact, dapat sakin na lang kita nireto.” She giggled.

 

“You smell good..” Inamoy niya ang leeg ko.

 

Parang dudugo ang labi ko sa pag kagat dito, “Matagal na yun.. Ang mahalaga tayo na ngayon..” Sagot ko naman. Parang anytime matitilapon ko yung sandok na hawak ko dahil sa lapit namin sa isa’t isa.

 

“Say that again nga..”

 

“Alin? Yung tayo na?”

 

She sighed in content, “May aaminin ako..” Patawa-tawa niyang sabi.

 

I hummed, “Ano yun?”

 

“The people na nirereto ko sayo dati.. Alam kong hindi mo sila magugustuhan.” Mas humigpit ang yakap niya, “Sinadya ko yun.” I heard her laugh sa aking likod, “God we were a mess.”

 

Weird ba na sabihin na natutuwa ako dahil kaya namin pag usapan yung ganitong bagay ngayon? Na hindi namin binubura yung fact na we were once best friends who were pining for each other.

 

And who made mistakes.

 

Kahit gano pa kapanget yung nangyari… I guess pareho kaming aware na it contributed kung ano kami ngayon.

 

“It brought us here..” May fair share of mistakes naman kami, kaya walang sisihan, “Although maganda yung isa mong nireto..”

 

Kiniliti niya ang bewang ko, “Sino don?!”

 

Minsan masarap siyang pag-tripan, “Si Celine. Kaso maldita siya.”

 

Malakas ang tawa niya, nakatapat pa sa tenga ko ang bibig, “Diba sinabuyan ka niya ng tubig? And you still find her attractive?”

 

Grabe, parang kahapon lang nangyari yung kay Celine. Almost three years ago na pala yun?

 

“Well.. Hindi naman nabawasan yung itsura niya dahil sa ginawa niya.”

 

Umungot siya sa tenga ko, hinampas pa ang aking tiyan, “We’re on a date and you’re cooking for me pero ibang babae yung bukambibig mo.” Ang cute niya mag galit-galitan…

 

Hinayaan ko muna mag simmer yung broth after ko lagyan ng soy sauce and gochujang.

 

Humarap ako kay Karina, halos magdikit na ang labi namin kaya nagulat ako. I recovered quickly at confident na tinignan siya, “Ikaw lang naman yung gusto ko sa kanilang lahat..”

 

My eyes went down sa kanyang nunal sa baba, ang ganda ganda niya talaga.

 

Kinuha niya yung mga kamay ko para ipaikot sa kanyang leeg habang naka hawak siya sa waist ko, “Dapat lang, kasi girlfriend mo ako.”

 

Girlfriend ko raw siya.

 

Girlfriend!

 

Hindi friend, hindi bestfriend, but girlfriend.

 

“You’re blushing. Seriously, get over it. Dapat masanay ka na..” Nakatingin lang siya sa labi ko habang nagsasalita.

 

We were both about to lean in nang biglang marinig namin yung pag apaw nung tubig sa kaldero. Ano ba yan. Kung hindi si Hyewon, kaldero naman ang sagabal.

 

Tumawa si Karina at binitawan na ako, “Go cook ka na. Set up ko lang yung movie and yung table.” Nag flying kiss na lang muna siya.

 

Patagong sinalo ko ito na parang tanga.

 

Hindi yata talaga ako makaka move on sa fact na girlfriend ko na si Karina.

 

I almost lost her, and now I have her wholeheartedly.

 

 

 

 

 

 

Gabi na nang matapos kaming manood ng movie at kumain ng kung ano ano lang.

 

Sarap na sarap pa rin si Karina sa ramen noodles na niluluto ko para sa kanya. Her reaction from then and now didn’t change.

 

Ang kaibahan lang, pinagluluto ko na siya as my girlfriend ngayon.

 

“Sleep over ka?” She asked softly habang nakayakap sa akin, “Ipagpapaalam kita kay Tita. Dito ka na mag sleep, Saturday naman bukas.”

 

Hindi naman na niya ako kailangan pilitin, “Sige.. Kaso wala akong pamalit. Uwi kaya muna ako?” Chineck ko nang mabilis yung oras, halos 10pm na rin.

 

“Suot mo damit ko.”

 

Paano kaya yung underwear?

 

“Meron akong extra na unused, don’t worry.” Parang nabasa niya ang iniisip ko, “Text ko na si Mama mo ha. For sure papayag yun, basta ako.” Hagikgik niya.

 

Speaking of parents…

 

“Kamusta pala yung uwi ng parents mo this week?”

 

Halos isang linggo din yatang nandito sina Tita at may inaayos daw sa Calamba. Hindi naman dinetail out ni Karina dahil pati siya ay wala rin masyadong alam.

 

Ni-lock niya yung phone at sumandal na ulit sa headboard. Her mood became slightly tensed, “Okay naman.. They’re just different from before. Kilala mo naman sila right? Sobrang sweet palagi..”

 

Tumango ako, “Oo. Sabi ko pa nga dati sana ganon din si Mama at Papa..”

 

Karina let out a humorless laugh, “But now they look stiff together. Hindi ko sinasabi na napapansin ko kasi for sure mas magiging awkward lang.. But yeah.”

 

Medyo nag worry ako sa kanya, wala naman kasing indication na hindi okay si Karina kaya baka sinasarili lang niya, “Okay ka lang?”

 

Ngumiti siya, “I am. I don’t let it faze me. Malalaki naman na sila.. Don’t worry, bab— I mean, Winter..” She’s looking at me knowingly dahil sa aksidenteng pag gamit niya ng term of endearment.

 

“Bakit Winter lang..” Pabebe kong tanong.

 

Natawa siya, “Baka hindi ka pa comfy. Let’s take it one step at a time?”

 

Napakunot ang noo ko, “Gusto ko nga na tinatawag mo akong ganon.” Pag amin ko, “Uhm, siguro naninibago lang ako. But I like it.”

 

Umisod siya at hinawakan ang mukha ko, binaling niya ito sa kanya at nagkatinginan kami, “You do? Hmm, baby?”

 

Lumalaki ang ilong ko sa kilig, “Oo.. Gusto ko..” Gusto ko rin siyang halikan. Isang linggo na nung huli kaming mag kiss at araw araw kong iniisip ang mga labi niya ever since.

 

“You can kiss me anytime you want, you know?” Mahinang sabi niya, “I don’t mind.”

 

“Hindi ako marunong.. Baka mali gawin ko..” Unsure kong sabi. Ayoko lang kasing mapahiya kay Karina. Napatingin ako sa baba, “Wala akong experience, alam mo naman..”

 

Na-insecure ako bigla. Ang arte ko yata. Pero kasi… parang marami na siyang alam sa ganito tapos ako wala manlang katiting na experience.

 

Si Minju lang, pero ni hindi nga kami nag kiss o kung ano man lang.

 

“Winter, we’ve known each other for a very long time. You don’t have to worry na baka mapahiya ka or anything..” Hinaplos niya ang pisngi ko, “Ako pa rin ‘to.”

 

Dahan-dahan na tinignan ko ulit siya, her eyes look soft and sincere habang nakatingin sa akin, “May mga bagay na mas may alam ako. And there are also things na mas may alam ka.. We’ll work on everything together.”

 

Natawa siya and she looked down at our hands, “I mean.. minsan I act confident with you but the truth is kinakabahan din ako. Na baka I’m doing things wrong..”

 

Hindi ko inexpect yung sinabi niya, “Talaga?” Feeling ko kasi alam niya lagi ang ginagawa niya. Na parang wala na lang sa kanya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 656 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance