Part 20

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Ngayon ko lang ulit naramdaman yung burnt out na feeling dahil sa acads. Sagad yung stress ko lately sa napakaraming requirements. Nakaka-drain at nakakapagod.

 

Dalawang buwan na lang ang natitira bago matapos ang junior year ko sa college. Yun ay kung maipapasa ko lahat ng subjects ko at walang kailangan i-retake.

 

Ni hindi ko nga magawang makapag-isip ng ibang bagay kung 'di ang papers, long quizzes, at exams ko.

 

Well, normal lang naman ito dahil 3 sems na lang ang natitira bago gumraduate.

 

Dumagdag pa sa pagod yung weekly meetings with my co-advisees in preparation sa magiging internship namin right after ng school year na ito. Walang pahinga halos.

 

“Laki ng eyebags natin ah.”

 

Pagod na nginitian ko lang si Ate Seulgi, “Grabe 'tong sem na 'to.. kakaiba yung requirements. Sabay sabay.” Evident din sa mukha ng mga kasama ko dito sa library yung exhaustion.

 

I turned sa direction kung saan nakaupo si Karina.

 

May hawak siyang laptop habang break time namin ngayon sa meeting, looking concentrated. May tinatapos yata siyang paper. But unlike me, mukha pa rin siyang fresh pati na rin si Yunjin na katabi niya.

 

Ang unfair naman. Sana all laging fresh, diba? Parang fresh from purgatory ako these past few weeks eh.

 

Akala ko nga hindi ko mafifeel itong ganito dahil talagang masipag naman akong mag-aral at hindi nakaka-miss out ng deadlines. Pero iba pala talaga kapag patong-patong na.

 

“Tapos puro terror pa yung profs noh? Umay.” Sagot niya. Kahit si Ate Seul ay walang energy na magbiro at harotin si Ate Irene ngayong araw. Seryoso kami lahat.

 

Tumungo ako at pinatong ang ulo sa kamay, trying to take a nap kahit papaano. Pero bago pa man ako makatulog, narinig ko na ulit si Ate Irene na magsalita.

 

“Guys I think that’s enough muna for today. Next week na natin pag-usapan yung ibang matters. All of us ay bombarded ng requirements and other things.” Everyone agreed in unison, halatang nakahinga nang maluwag.

 

Tumayo na kami, “Thanks Ate Irene. Next week na nga lang po.” Banggit ni Jeno, “Good luck sa papers and exams guys. Fighting!” Ang cute ng ngiti ng lalakeng ito. Singkit na singkit. Napansin kong napatingin sa kanya si Yunjin.

 

Naghiwa-hiwalay na kami ng landas pero bilang pagod nga at walang gana, napabagal ang lakad ko. Halos kasabay ko si Karina at Yunjin ng pace. Nauna na yung iba sa amin.

 

Nakalabas na kami ng library when my phone suddenly rang. Napakunot na lang ang noo ko nang makita kong si Minju yung tumatawag sa akin.

 

Hindi ko sinagot.

 

Bakit ba siya tumatawag? Ano nanaman bang kailangan niya? Jusko. Wala naman ibang reason pa para tawagan niya ako.

 

Tumunog nanaman ang phone ko and this time, it’s a text from her. Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa message niya.

 

Minju: Answer the call, Win. It’s about Yuna

 

Ako na ang tumawag sa kanya, hindi ko na inisip kung nakapag-unli ba ako o ano, “H-hello?” Balisa kong bungad.

 

Pansin ko yung pagtingin sa akin ni Karina at Yunjin. Nandito pa rin kasi sila sa may lobby ng library at parang may inaantay.

 

“Winter! Okay, don’t panic ha.. But Yuna fainted kanina sa class after the exam. I’m with her sa Infirmary.”

 

Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko sa narinig, “Ano?! O-okay lang ba siya? Kanina pa ba? P-pupunta na ako diyan. Wait lang.” Nararamdaman ko na agad yung pangingilid ng luha ko.

 

“Hey.. calm down. It’s gonna be okay. Kakarating lang but she’s conscious now. Punta ka na lang..”

 

Hindi na ako sumagot at binaba ko na yung call. Biglang hindi ko malaman paano ako kikilos, kung paano ako pupunta sa Infirmary dahil nasa upper campus ito at mahirap makasakay ng jeep.

 

Basta naglakad na lang ako paalis ng library na parang wala sa wisyo. Baka ako naman ang mahimatay. Halos naririnig ko na yung pagtibok ng ulo ko.

 

“Winter.. Winter! Hey!” Bumalik ako sa ulirat dahil sa boses ni Karina, “What happened? Okay ka lang? Ang putla mo.” She's shaking my shoulders.

 

“Is everything okay?” Nagaalalang tanong naman ni Yunjin sa may tabi niya.

 

Nanunuyo ang laway ko at ang hirap magsalita pero pinilit ko, “Karina.. si Yuna raw kasi n-nahimatay daw sa class kanina.” Nagpunas agad ako ng luha na tumulo sa kaliwa kong mata.

 

“Ano?! Let’s go. Sa Infirmary ba?” Hinawakan niya ang braso ko at hinila papunta sa parking, parang alalang alala din siya, “Yunjin, is it okay if you drive us papunta sa UHS?”

 

Hindi nagdalawang-isip na pumayag ito, “Of course, of course. Let’s go.” Binilisan namin maglakad papunta sa sasakyan ni Yunjin. Hindi ko pa rin alam pano ako nakakagalaw.

 

Sobra akong in-shock at nag-aalala sa kapatid ko. What if may mangyari sa kanyang masama? Sobrang occupied ko ba sa sarili ko at hindi ko na siya nakakamusta nang maayos nitong mga nakaraang linggo?

 

“Here..” Ibinigay sa akin ni Karina yung panyo niya. Hindi ko nga napansin na dito pala siya umupo sa likod instead na sa passenger seat, “She’s gonna be fine, Winter. Don't panic.”

 

Tumango lang ako, feeling a bit comforted dahil sa malumanay na boses ni Karina. For some reason, I trust her words at naniniwala akong magiging okay lang talaga si Yuna.

 

“T-thank you..” Pinunas ko yung yung panyo niya sa mga mata ko.

 

Nakarating kami kaagad sa Infirmary at hindi nag-atubiling dumerecho ako sa emergency room ng campus hospital. Kasunod ko lang din si Karina at Yunjin.

 

“For Yuna Kim po..” Sabi ko dun sa nurse na nagbabantay sa may tabi ng ER. Hingal na hingal pa ako, “Kapatid niya po ako.”

 

Pinasunod niya ako sa room. Sinasama ko si Karina at Yunjin pero bawal daw ang maraming tao loob sabi nung nurse.

 

Napatingin ako kay Karina, ngumiti lang siya sa akin at sumenyas na pumasok na ako, “We’ll wait here. Don’t worry.” Tumango rin si Yunjin.

 

Pumasok na ako sa room at nakita ko kaagad si Yuna na nakahiga sa hospital bed na natutulog. Si Minju naman ay nakaupo lang sa tabi niya na nakatungo ang ulo.

 

Nabaling ang pansin niya sa akin nang marinig na pumasok ako, “Winter. Hey.” Hindi ko halos narinig ang sinasabi niya dahil agad akong pumunta sa tabi ni Yuna to check on her.

 

“Okay na ba siya? Ano raw nangyari?” Hindi ko na muna inisip yung sitwasyon namin ni Minju. Ang mahalaga sa akin ngayon eh maging okay si Yuna.

 

“She’s okay. Natignan na siya ng Doctor kanina and he said wala naman complications or anything. Just Yuna lacking sleep dahil yata sa acads..”

 

Sabi rin ni Minju ay nabanggit daw nung Doctor na pang lima na ang kapatid ko na dinala dito dahil nahimatay ngayong week.. Hell week kasi sa UPLB ngayon kaya ganito.

 

Umiling ako, feeling guilty sa sinapit ni Yuna, “Sana napagsabihan ko siya.. napapansin ko ngang hindi halos kumain at matulog kakareview. Engineering kasi siya at sobrang hirap din ng subjects, puro numbers.”

 

Minju tried to hold my had pero nag-hold back din siya kaagad, “D-don’t worry too much ha. Okay lang siya. Buti she’s my classmate sa GE and I had my car with me.”

 

Grateful akong ngumiti sa kanya, “Salamat ha..” She smiled back at me at tumayo na rin, getting her bag sa may table.

 

“I still have a class pero if you need anything, don’t hesitate to call.”  

 

She bit her lip at parang hesitant sa susunod na sasabihin, “I know I’ve done you wrong, Win. And you don’t treat me as a friend anymore. But.. I’m here if you need me. I mean that.”

 

Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinasabi niya. Si Yuna na lang muna talaga ang gusto kong intindihan pero tumango na lang din ako, “Sige.. salamat ulit. Ingat ka.”

 

Lumabas na siya ng ER at ako na ang umupo sa tabi ni Yuna. Pinagmasdan ko lang ang kapatid ko…

 

She looks really pale at katulad ko, evident din ang eyebags niya. Hay. Kawawa naman siya… siguro dahil first year pa lang din, talagang pinupush niya yung sarili niya to the limit.

 

Hinakawan ko yung kamay niya at naramdaman kong gumalaw siya nang bahagya, “Ate..?” Unti unting nagmulat yung kanyang mga mata.

 

“Yuna? Okay ka lang?” Bumalik ulit yung pagka-heightened ng emotions ko, “Wala ka bang ibang nararamdaman?”

 

Mukha siyang pagod pero nagawa pang tumawa, “Ang OA mo talaga, Ate.. Okay lang ako. Nahilo lang ako kanina. Hindi ako nakatulog kagabi eh..”

 

Sinamaan ko siya ng tingin, “Promise mo sakin na hindi mo na gagawin 'yun.. Yung walang kain at tulog dahil sa acads. Ano ka ba.” Kahit naman grade conscious ako, never ko pinabayaan yung sarili ko.

 

“Oo na Ate.. wag mo sabihin kila Mama ha. Baka mag-alala pa. Mas OA pa sayo 'yun eh.” Tumingin siya sa paligid, “Sino kasama mo?”

 

“Hinatid ka ni Minju dito.. tumawag siya sakin tapos sinamahan ako ni Karina at Yunjin.” Nababawasan na yung pag-aalala ko dahil mukhang okay na si Yuna.

 

Nagawa pa akong tignan na mapanloko, “Okay na kayo ni Ate Karina? Friends na ulit kayo?” Ito talaga ang inisip niya ngayon? Kakaiba rin itong kapatid ko.

 

Medyo natagalan ako sa pagsagot dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa tanong niya, “Uhm.. hindi sa ganon. Co-advisee ko kasi siya tas ayun tyempo na nasa meeting kami kanina.”

 

Ayoko rin naman kasing mag-assume agad na friends kami ni Karina. We’re far from that. Although malaki na ang improvement ng pakikitungo niya sa akin compared before.

 

Still, that doesn’t mean na she considers me as a friend na ulit. But that’s okay. Kung saan siya komportable.

 

“Ahh.. Pasabi kay Ate Minju thank you sa pag-asikaso sakin kanina..” Ayoko na sanang i-text pa si Minju pero susundin ko na lang din si Yuna.  

 

Pumasok bigla yung nurse sa room, “Pinapasabi po ni Doc na mag-rest muna si patient for another hour then pwede na siyang umuwi. Mag-rest daw po the whole day tomorrow.” Lumabas na ulit siya pagkatapos irelay yung message.

 

Tumayo na ako from my seat, “Matulog ka muna ulit. Bibili lang ako ng food mo.” Hindi naman na umangal pa si Yuna at ipinikit na lang ulit ang mata.

 

“Oo na po.”

 

Lumabas na ako at nakita ko si Karina at Yunjin na nakaupo malapit sa ER. They’re looking at me expectantly, “Anong nangyari? Okay na ba?” Agad na tanong ni Karina.

 

I nodded tiredly, “Oo okay naman. Lack of sleep tsaka pag-skip ng meals. Puro aral kasi..” Napabuntong hininga na lang ako, “Bibilhan ko muna siya ng pagkain.”

 

“We can buy food for her. Magpahinga ka na lang. You look like you need to sit down and just rest.” Sabi ni Yunjin. Ang bait niya…

 

Medyo nakakahiya naman kung iuutos ko pa sa kanila, “Okay lang ba? Kaya ko naman..”

 

Si Karina na ang sumagot this time, “Yunjin is right. Dito ka na lang, we’ll buy food for her. Don’t worry about it.”

 

Sa totoo lang eh parang wala pa rin nga ako sa wisyo. Parang anytime magbe-breakdown ako sa nangyayari. Hays. Buti na lang nandito silang dalawa.

 

“Salamat ha.. Babayaran ko na lang.” Nahihiya kong pakli.

 

Tumayo na silang dalawa, “Winter, it’s fine. Just rest and wait for us here.” Wala na akong ibang nagawa kung hindi tumango lang. Yunjin squeezed my shoulder before leaving.

 

Naramdaman ko na ulit yung exhaustion pagkaalis nila. Naka-idlip ako at paggising ko, pinagpapawisan ako. Nanaginip kasi ako na may nangyaring masama kay Yuna.

 

I covered my face with my hands, sighing frustratedly. Naalala kong may deadlines pa ako mamayang gabi. May exams din ako bukas. Tapos yung nangyari pa sa kapatid ko…

 

Wala na akong ibang nagawa kung hindi umiyak nang tahimik para mailabas lahat ng stress ko. I feel like nagkulang ako sa pagpapaalala kay Yuna.

 

Buti na lang walang ibang tao dito kundi ako lang pati yung nurse sa may ER.

 

Hinayaan ko na lang din na magtuloy tuloy lang yung pag-agos ng luha ko hanggang sa maubos na ito. At least I get to get it all out of my system.

 

Napatingin ako sa kaliwa, pansin kasi sa peripheral ko na may nakatayo dito.

 

Nakita ko si Karina na nakatingin lang sa akin at halatang hindi inexpect na magtatama ang mga mata naming dalawa.

 

“Uhh.. ito na yung food.” Inabot niya sa akin yung supot ng Jollibee, “Yunjin is just talking to her Mom on the phone outside.”

 

Kanina pa ba siya nandito? Nakita niya ba yung pagngawa kong mag-isa dito na parang shunga?

 

Kinuha ko yung pagkain at pilit na ngumiti sa kanya kahit mukha na siguro akong zombie, “Thanks ulit.. Dalhin ko na kay Yuna.”

 

Nagsalita muli siya bago pa ako maka alis sa kinakaupuan, “You have food din diyan. I— We bought one for you din. Kailangan mo rin kumain.”

 

Parang gusto ko ulit umiyak dahil sa pinapakitang kabaitan ni Karina sa akin ngayon. Gusto ko rin siyang yakapin dahil feeling ko I need someone to hug right now.

 

But I remained sa kinakatayuan ko at binigyan lang siya ng pagod nanaman na ngiti, “Thank you ulit.. Pwede na kayong mauna. Mag-jeep na lang kami mamaya. Baka may class pa kayo.”

 

Umiling siya, “We’ll wait. Need natin mahatid si Yuna sa inyo nang maayos. Baka masyadong mainit kapag nag-jeep and besides, mahirap makasakay dito.”

 

Hindi ako naka-imik. Sumenyas siya sa ER, “Go bring the food and kumain na kayo don.”

 

I could only nod at dumerecho na ulit sa room kung nasaan si Yuna. I still feel exhausted pero much better na compared kanina na parang maduduwal ako sa frustration.

 

Everything will be okay.

 

Kumain kami saglit ni Yuna sa loob at pagkatapos ay pinayagan naman na siyang lumabas ng ospital. Buti na lang free dito kapag estudyante at wala kaming kailangang bayaran.

 

Pagkahatid sa amin ni Karina at Yunjin, nakita ko si Ning sa may labas kasama ang kapatid nito, “Okay ka na Yuna? Ikaw kasi!” Mahinang hinampas siya ni Chaeryeong.

 

“Aray! Nahimatay na nga eh!”

 

Pinapasok ko muna sila sa kwarto para makapagpahinga pa ang kapatid ko nang husto. Hiningan ko rin siya ng med-cert kanina sa UHS para ma excuse sa classes na na-miss ngayong hapon.

 

Worried na nakatingin sa akin si Ning nang makapasok na yung dalawa sa loob, “Ano teh? Kaya pa?” Hinimas niya ang likod ko, “Kapagod ngayong sem noh? Grabe requirements.”

 

“Sinabi mo pa. Kung wala lang akong minemaintain na grades para sa scholarship, ipepetiks ko na lang yan.” Natatawa kong sabi.

 

Natahimik kami saglit bago magsalita ulit si Ning, “Wag mong sisihin sarili mo sa nangyari kay Yuna ha. Hindi mo naman ginusto, and busy ka rin sa sarili mong acads.”

 

“Yan din yung sabi ni Karina kanina…”

 

Tumingin siya sa akin, “Grabe noh, sinamahan ka niya pati ni Yunjin.”

 

Nanliit ang mata ko sa kanya, “Pano mo nalaman na sinamahan nila kami? Close na ulit kayo ni Karina noh?”

 

She chuckled na mapanloko, “Bakit? Selos ka na niyan teh?” Hinampas ko lang siya at inikutan ng mata.

 

“Hindi ah. But oo, ang bait nga nila.. Baka kung wala sila kanina eh ako naman ang nahimatay sa sobrang pagka-stressed…”

 

Dinamayan lang ako ni Ning sa rants ko about acads at kahit siya ay hirap na hirap din lately. Masarap din talaga sa feeling kapag alam mong may karamay ka sa frustration about papers and exams.

 

Umuwi na rin sila ni Chaeryeong after about an hour.

 

Pumasok ako sa kwarto at nakita ko si Yuna na natutulog ulit, hugging yung kanyang unan. Maigi na rin ito para makabawi siya ng pagod at tulog.

 

Nakita ko pa yung isang katerba niyang reviewers sa table namin. Nasobrahan sa kasipagan sa pag-aaral itong kapatid ko. Pero sa tingin ko ay ayaw lang din niyang maalis yung pagka-scholar niya kay nagsisipag nang doble.

 

Nagluluto ako ng dinner para kay Yuna when my phone vibrated sa aking bulsa. Kinuha ko ito at binuksan yung text message.

 

Karina: How’s Yuna?

 

Napatigil ako sa paghahalo ng niluluto ko.

 

Yung last message pa namin before itong text niya about Yuna ay halos mag-iisang taon na, nung time pa na nagpunta kami sa Batangas.

 

Mabilis akong nagreply sa kanya.

 

Me: Okay naman.. Tulog na siya. Pinagluluto ko ng pagkain niya

 

Karina: That’s good to know

 

Akala ko pa ay dito na matatapos yung message niya pero nag-send ulit siya ng another text.

 

Karina: Ikaw, kamusta ka?

 

Hindi ko na pinigilan yung sarili ko na mangiti sa pagkamusta niya sa akin. Ano ba to…

 

Me: Okay naman ako.. Hehe

 

Hehe?! Bakit may pag-'Hehe? Jusko po. Nahimatay na’t lahat yung kapatid at nagbreakdown dahil sa acads tapos nagagawa pang mag-‘Hehe’.

 

Karina: Okay. Just checking

 

Ayoko pang matapos yung pagte-text namin kaya nagreply pa ako.

 

Me: Salamat ulit sa inyo ni Yunjin ha. Bawi na lang ako sa susunod..

 

Karina: Hindi mo need bumawi. We did it for Yuna naman.

 

Ahh… Okay.

 

Me: Nga naman. Hehe. Sige salamat ulit :)

 

Hindi na siya nag-reply.

 

Nagluluto akong may ngiti sa labi kahit parang pagod na pagod ako ngayong araw.

 

 

 

 

 

 

Isang buwan na ang nakalipas nung mangyaring mahimatay si Yuna sa klase nila. Meaning isang buwan na lang din ay matatapos na ang semester. At nalalapit na rin ang aming internship sa Quezon City.

 

Dahil sa nangyari kay Yuna, mas naging protective ako sa kapatid ko at palagi ko siyang pinapaalalahanan na kumain at matulog nang maayos kahit pa napakarami niyang exams and exers.

 

Isa rin sa mga natutunan ko eh yung kung paano ko imamanage yung stress ko kapag bombarded ng exams and requirements. Grabe rin kasi nitong mga huling buwan, parang sabay sabay sa utak ko yung nangyayari.

 

Sabi sa article na nabasa ko, hindi raw magandang habit ang mag-procrastinate. As much as possible, wag ko rin daw pagsabay sabayin ang pag-aacads.

 

It’s essential that I also take breaks in between at magkaron ng time for my friends or for myself apart from acads. Sinusunod ko ang mga 'yun at so far, effective naman. Masunurin naman ako.

 

Kaya ngayong araw ay nandito ako sa may F Park, naglalakad papunta sa Milka Krem dahil miss na miss ko nang uminom ng choco milk. Kapag kasi masakit ang ulo or stressed ako, feeling ko kailangan kong kumain o uminom ng matamis.

 

Miss Anna: Hi Miss Winter! Yunjin told me that this sem is extra harder for you guys kaya I decided to put your sessions with Gunhoo on halt.

 

Napatigil ako sa paglalakad.

 

Hala.. Ayokong mawala yung tutoring session kahit busy ako. Kailangan ko kasi ng extra money for internship.

 

Miss Anna: BUT! There’s a but.

 

Miss Anna: I’d still be paying you. Consider it as a paid leave na lang. Gunhoo’s grades in Math are exemplary. It’s all thanks to you :)

 

Me: Wow sobrang thank you po Miss Anna.. Promise po babawi ako kapag hindi na po masyadong busy with acads. Salamat po talaga.

 

Miss A

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
0 points #1
Chapter 16: dang that was so angst love it
lokonaba
#2
Chapter 11: HAHAHAHAHAHAH ANONA
kleispace
#3
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #4
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #5
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa
#6
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 660 streak #7
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #8
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#9
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#10
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.