Part 18

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Ini-ignore ko lang yung mga texts ni Minju sa akin for the past week, asking for us to talk. Galit pa rin kasi ako sa nangyari at tingin ko hindi okay na makipag-usap kapag sobrang riled up.

 

Nakakainis lang kasi talaga na she left me hanging pagkatapos kong sabihin sa kanya na hindi ko gusto yung nangyari nung party. Tapos dumagdag pa yung sa ex niya na mahal na mahal ng kanyang buong angkan.

 

Hinayaan lang niya ako na sarilihin yung mga hinanakit na naramdaman ko. Para bang kapag masaya lang siya nandiyan.

 

Sino namang hindi magagalit sa ganon...

 

However, I know we need to talk. So we can end this. Again.

 

Natatawa ako. Sabi ko kay Karina we're in a cycle. Aba, ganon rin pala kami ni Minju. Napaka-mapanloko talaga ng universe.

 

Pinag-isapan ko rin kasi nang maigi yung mga sinasabi sa akin nila Ning at Giselle. Siguro it’s time na isabuhay ko yung mga sinasabi nila instead of just listening and agreeing.

 

I don’t think may good outcome pa na mangyayari kung itutuloy namin ni Minju. I was wrong to give her my full trust. Akala ko naman kasi…

 

Hay.

 

Obviously, gusto niya pa yung Chaewon. Hindi naman siya maaapektuhan ng ganon kung hindi, diba?

 

Wag na lang mag-jowa. Mas okay pa siguro 'yun. Buong college life ko so far ay may baggage ako about sa amin ni Karina tapos ngayon naman yung kay Minju.

 

Kinuha ko yung phone ko sa side table ng kama. Kailangan na namin mag-usap. Naubos na rin kahit papaano ang galit at inis ko. Ayoko na rin patagalin pa.

 

Tapusin kung tatapusin.

 

Minju: We should talk..

 

Minju: Winter..

 

Minju: I know you’re mad but can we talk? I just want to explain.

 

Minju: Even if we end this, I still want us to talk, Winter. Please?

 

Sobrang nakakainis na nakakatawa naman na siya itong mahilig mawala sa ere tapos kapag feeling niya ready na siya to talk, tatadtarin ako bigla.

 

It’s like laging sa terms niya kami sumusunod.

 

But I swallowed my pride. If gusto kong mag-umpisa ulit para sa sarili ko, first step na siguro itong pagtapos sa kung anong namamagitan sa amin. In the right manner.

 

Hindi naman ako katulad niyang ghoster o kung ano mang tawag sa mga taong mahilig mang-iwan sa ere.

 

Let bygones be bygones na lang.

 

Me: Sa Siento na lng. Free ako mamayang 6pm

 

Minju: Okay. Thank you. See you, Winter.

 

“Ate.” Napalingon ako kay Yuna. Nakaupo siya sa kanyang kama at nagla-laptop, may deadline yatang exer sa isa niyang engineering subject.

 

“Oh?”

 

Tumingin siya sa akin nang bahagya, “Hindi ko nabanggit dati pero kaklase ko si Ate Karina sa isang GE. Nakakatuwa.” Napatigil ako sa pagbo-browse sa Facebook nang marinig ang name ng bestfriend ko.

 

Ex-bestfriend pala.

 

Okay.

 

“Talaga? Kamusta?”

 

Kunwari wala ako masyadong interes pero gusto kong malaman kung katulad pa rin ba yung pagtrato niya kay Yuna. It would be sad kung umiiwas din siya sa kapatid ko dahil sa nangyari sa amin.

 

Masayang ngumiti ito sakin, “Lagi niya akong pinipili as ka-pair tapos sinasali sa groupworks. Ang bait niya talaga. Pati yung friend niya, si Ate Yunjin.”

 

Malungkot na ngumiti lang ako at tumango, “Buti naman.” Sa akin lang talaga siya nagbago. It seems like sa lahat ay ganon pa rin siya.

 

"Ate."

 

"Ano nanaman?"

 

Nag-pause siya, napatingin tuloy ako sa kanya. She's just looking at me na nakakunot ang noo, "Friends pa ba kayo ni Ate Karina?"

 

Napatagal ang pagsagot ko. May parang namuo rin na luha sa mata ko kaya bumaling na lang ako sa phone at nagkunwareng walang naramdaman na kirot.

 

"Hindi na eh."

 

After months ng nangyari sa amin ni Karina, iniiwasan ko talagang mapag usapan ito. Ngayon lang din kasi nagtanong si Yuna.

 

Open kami ng kapatid ko sa mga ganitong bagay kaya naman naluha ako sa tanong niya. Masakit pa rin palang isipin na wala na si Karina sa buhay ko.

 

Lumapit siya sa akin at tumabi, niyakap ako, "Tinanong niya sa akin kung kamusta ka na." Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko, agad ko itong pinunasan para hindi mapansin ni Yuna.

 

"T-talaga?"

 

Naramdaman ko yung pagtango niya, "Mmh. Sana maging okay pa rin kayo, Ate."

 

Sana nga. Pero parang malabo na.

 

Inisip ko na lang, tinanong niya si Yuna para lang din hindi magtaka ang kapatid ko. Hindi na ako umaasa pa na babalik siya sa akin bilang isang kaibigan.

 

"Tama na hug.. Ang drama mo." I pulled away sa kapatid ko, making sure na hindi na kapansin-pansin yung pag-iyak ko kanina, "Aalis na ako. Sige na." Hindi ako makatingin nang derecho sa kanya.

 

"San ka pupunta?" May pag-aalala sa kanyang boses.

 

Ngumiti ako kaagad to assure na okay lang naman ako. May pagka-maaalalahanin kasi itong si Yuna. Tanda ko sabi niya nung bata pa kami, ayaw daw niya na nakikita akong malungkot dahil nalulungkot din siya.

 

"May tutor session ako. Last na 'yun for this year." Halata pa rin yung worry sa kanya, "Okay lang ako, ano ba. It's gonna be okay. Ako pa ba." Hindi ko alam kung siya ba ang kino-convince ko o sarili ko.

 

But I'll make sure na this time, totoo na. Na it's gonna be okay. Sabi nga ni Ning, dapat mas maging strong ako sa dami kong napagdaanan.

 

Well, tama naman siya.

 

Ano pa nga ba yung sabi niya? Healing time? Oo, ganon. Kung paano ko gagawin 'yon, hindi ko pa alam. Pero I'll try my best.

 

"Okay. Ingat, Ate. Dalhan mo ko takoyaki pag-uwi." Bumalik na siya sa paglalaptop.

 

"Oo na."

 

 

 

 

 

 

"Miss Winter! Come in, come in." Ang welcoming talaga nito ni Miss Anna, yung mom ni Gunhoo na tinuturuan ko ng Math, "Sorry makalat today. We're cleaning up because my daughter is coming back from her dorm."

 

Nakakahiya naman at nag-sorry pa siya, "Okay lang po 'yun. Dun na lang po kami ni Gunhoo sa may terrace sa garden niyo po para hindi kayo maistorbo sa paglilinis."

 

Hey eyes lit up, "That's a good idea, actually. Wait, let me call Gunhoo. Derecho ka na don and I'll ask Ate Chons to bring you snacks."

 

I could only nod. Hindi niya kasi hinahayaan na tumanggi ako sa mga food kapag nandito ako sa kanila para i-tutor ang kanyang anak. Ang bait lang ni Miss Anna. Pati yung asawa niya, although palaging wala ito dahil nasa work.

 

I settled sa may garden. Ang ganda ng bahay nila, sobrang laki din. Parang itong garden nila eh kasing laki na ng bahay namin kung tutuusin.

 

Bumukas yung sliding door, "Hi Miss Winter!" Agad yumakap sa akin yung bata. Ang cute cute niya! "I passed my exams in Math last week. All thanks to you!"

 

Nakakaganda naman ng mood yung sinabi niya. Nakakatuwa talaga kapag pinagmamalaki niya at ng Mommy niya na mataas ang kanyang grades sa Math dahil daw sa akin.

 

"Congrats! It's not thanks to me. Magaling ka rin talaga. You just needed some push and guidance." I told him. Feel ko required akong mag-English kapag siya ang kausap. May dinukot ako sa bulsa ko, "Ito flat tops for you. Dahil nakapasa ka."

 

Grabe yung tuwa niya. Natatawa na lang ako, napakayaman nila at for sure maraming chocolates na imported sa ref pero he gets really happy kapag may pasalubong ako na candies galing sa sari-sari store malapit sa bahay.

 

"Thanks! I love this more than sa cadbury na nasa ref." Grabe naman.. Siguro nagsasawa na siya. "Anyway, my Ate is coming home today. I'm really excited. May kalaro na ulit ako." Giddy na sabi niya.

 

Tanda ko nga sabi ng Mommy niya dati na may anak pa siya na taga UPLB pero naka-apartment yata ito dahil gustong ma-feel yung "dorm life". Taga LB lang din kasi sila.

 

Parang si Karina lang. Nag-apartment kahit taga dito lang naman din sila sa Los Baños.

 

Okay, kailangan ko na talaga siyang alisin minsan sa isip ko. May mga bagay kasi talaga na I can't help but to associate sa kanya. Ang tagal din kasi namin naging magkaibigan.

 

"That's good. Kaya galingan mo today para you can show off kay Ate mo." Binigay ko sa kanya yung copy ng notes na ginawa ko para sa session today, "Continuation lang nung last time. I feel like mastered mo na nga."

 

Tinignan niya ako, looking proud, "Yes, Miss Winter! I did advanced practice like you told me to. I can easily answer all of this." Wow naman. Napaka-effective ko siguro talagang tutor.

 

Inabot rin kami ng dalawang oras. Dapat one and a half hour session lang kami pero ang dami niya kasing kwento about his classmates. Game lang naman ako sa pakikinig dahil ayokong sirain ang trip nung bata.

 

Similip sa amin ang Mommy niya, "Gunhoo, stop hoarding Miss Winter. Your session is done." She looked at his son pointedly.

 

Natawa lang ako, "Okay lang po Miss Anna. Enjoy naman po ako sa mga kwento niya." Baka kasi pagalitan pa yung anak eh wag naman sana. Madaldal lang talaga yung bagets.

 

"Dito ka na magmerienda, Winter. I ordered pizza." Tiningnan niya si Gunhoo, "Get up na. Your Ate is here."

 

Pumasok na ulit kami sa kanila at nagpunta sa napakalaking kitchen. Napansin ko kaagad yung babae na nakaupo sa may counter, "Winter. This is Yunjin." Humarap sa akin yung Yunjin.

 

Hala.

 

Ito yung co-advisee ko ah?

 

"Winter? From Sir Vin's advisees, right?" May gulat din sa expression niya pero agad naman siyang ngumiti, "Hey. Ikaw pala yung tutor ni Gunhoo. He looks up to you a lot."

 

Ngumiti lang ako. Nakaka-intimidate talaga siya. Parang ka-aura niya si Minju, pero mas mukhang mataray. But she seems nice naman sa pakikipag-usap sa akin.

 

"Ah oo.. Ikaw pala yung sister niya. Lagi ka niyang nakekwento." Banggit ko. She smiled sa sinabi ko at kinurot ang pisngi ng kapatid.

 

"Oh, good. You know each other pala." Sabi ni Miss Anna, "Anyway. I gotta go run some errands. Will you be okay here? Ikaw na bahala kay Winter, Yun. Don't let her go home nang hindi kumakain."

 

"I won't Mom. Bye!" Bago umalis si Miss Anna ay inabot niya sa akin yung sobre, laman yung sahod ko.

 

Bumulong pa siya sa akin, "May Christmas bonus ka diyan. Don't complain! It's our pleasure to have you tutor our son, okay?" Wala na akong nagawa kundi tumango at tanggapin ito.

 

"Thank you po talaga.." Sobrang grateful ko lang sa kanila ng asawa niya. She smiled at me at nagpaalam na sa amin ni Yunjin at Gunhoo.

 

"Mom wait! I forgot to tell you na pupunta dito yung friend ko. Is that okay? She'll help me sort out my stuff." Pahabol na sabi ni Yunjin sa Mommy nila.

 

Miss Anna just shrugged, "It's okay, anak. Have fun!"

 

Bumaling sa akin ang co-advisee ko, "Well, you don't have a choice but to eat the pizza. Otherwise I won't let you go home." Ang ganda ng English accent niya, parang sobrang fluent.

 

"Ito na nga kakain na." Grabe! Wala tuloy akong ibang choice kundi kumain kahit busog pa ako sa snacks na ibinigay sa akin kanina. Uminom rin ako nung juice na pinrepare ni Ate Chons.

 

"By the way, you know Karina right? Siya yung friend na pupunta. You can stay if you want." Muntik nang lumabas sa ilong ko yung iniinom kong iced tea.

 

Halata namang hindi niya alam na friends kami ni Karina before kaya sumagot na lang din ako, "A-ah, oo. Kilala ko. Pero kailangan ko na rin umuw—"

 

"Oh she's here. Hey!" Tumingin siya sa may pinto. For sure hindi pa napapansin ni Karina na nandito ako dahil nakatalikod ako sa kanya.

 

"Hi Yun. Sorry late! I was with my Mom." Para akong nanigas sa boses niya, "Here I bought you coffee from SB." Parang close na close sila ah...

 

Gusto ko nang tumakbo papalabas para hindi na ako makita ni Karina. Ang aliwalas lang kasi ng boses niya, baka banasin kapag nakita ako.

 

"Thanks! You're so sweet. You didn't have to," rinig kong sabi ni Yunjin, "Winter's here pala. Remember her? Yung co-advisee natin. Siya pala tutor ni Gunhoo." Napaharap na lang din ako at ayoko naman maging bastos.

 

Evident sa mukha ni Karina ang pagkagulat dahil nandito ako but she recovered quickly at tipid na ngumiti, "Oh. Hello."

 

Hay... Yung pag-hello niya, para bang hindi talaga kami magkakilala. Tapos yung coldness pa sa boses niya.

 

"May pizza kami. Kain ka rin. Halika.." Hinila siya ni Yunjin, kinuha pa niya yung dalang shoulder bag ni Karina at nilagay sa may sofa. "I'll get something from my room lang. I'll be back. Feel at home, both of you."

 

Para kaming tuod ni Karina dito sa kusina. Naiwan na rin kami ni Gunhoo na sumama lang sa Ate niya sa kwarto nito.

 

"P-pasabi na lang umalis na ako."

 

Tatayo na ako from my seat nang magsalita siya, "You don't have to leave. Guest ka rin naman dito." Hearing her talk directly sa akin makes me feel nervous.

 

Yung parang.. hindi dapat. Yung alam kong mahirap para sa kanya na kausapin ako at napipilitan lang siya.

 

"Uhm, ayoko lang na maging uncomfortable ka." Honest kong sabi. Yun naman kasi talaga ang dahilan. Hindi ako makatingin sa kanya.

 

Seryoso, gusto ko na lang umalis.

 

Aninag ko yung pagkibit-balikat niya, "Ikaw bahala. But like I said, hindi mo kailangan umalis lagi kapag we're in the same room. We're co-advisees and we're gonna have a lot of classes together next sem kasi same major tayo. We have common friends too. I'm not going to pass out just because nandiyan ka."

 

She sounds confident.

 

At the same time, nakakatakot ang tono niya.

 

Ito na yata yung pinakamahabang nasabi niya sa akin sa loob ng ilang buwan.

 

Wala na akong masabi. Actually, hindi ko alam ang isasagot ko.

 

"Okay.. S-sorry.."

 

Bumalik na ulit si Yunjin, "Oh Winter, you're leaving na?"

 

Tumango na lang ako, "May pupuntahan pa kasi ako. Sige, salamat sa pizza. Bye.." She smiled pabalik sa akin. Hindi na ako nag-bother pa na tignan ulit si Karina.

 

Mabigat ang paa ko na lumabas ng bahay nila.

 

Siguro tama naman talaga si Karina. Hindi namin maiiwasan yung isa't isa at kailangan kong itigil yung pag-alis ko kapag nandiyan siya. Iiwasan ko na lang siguro at hindi siya guguluhin.  

 

She learned to live with my presence kahit siguro mahirap para sa kanya. Hindi ko na lang din uulitin yung ginawa ko dati na kakausapin siya directly kapag hindi about sa acads at practicum.

 

Hay.

 

Ang hirap pala talaga.

 

But I put this upon myself. So I should learn to live with it.

 

 

 

 

 

 

"I'm so sorry for being late." Tinignan niya niya yung pwesto ng table namin na pinili ko. "Dito tayo sa labas? Ayaw mo sa loob?" Umorder na ako ng kape para sa aming dalawa. Para pagdating niya ay hindi na namin kailangan pang mag-stall sa pag-uusap.

 

Umiling ako, "Dito na lang. Walang tao dito, tayo lang. Hindi tayo makakapag-usap nang maayos sa loob." Masyado kasing crowded doon at ayokong may makarinig ng pag-uusap namin kung sakali.

 

Tinignan ko si Minju, she looks disheveled. "Galing ka sa practice?" Tanong ko. Para kasing pagod siya. May pag-aalala pa rin sa boses ko dahil mukhang exhausted siya.

 

Normally kapag ganito, nung okay pa kami, inaasikaso ko siya dahil nga she had a long day. Pinagpe-prepare ko ng food at drinks.

 

Inalis ko na lang muna yung longingness sa isip ko.

 

"Yeah. Halata ba? Hinatid ko pa kasi si Chae—" Nanlaki ang mata niya. Natawa lang ako, makirot kasi. "S-sorry. ." Nakatingin lang ako sa kanya, at kung paano siya mag-panic.

 

"Nandito pa rin siya?" Naalala ko kasi nung nakita ko sila last week sa Danielito's. Halata ko yung confusion sa mukha niya. "Nakita ko kayo last week." Wala pang limang minuto kaming magkasama pero ang tensyonado na kaagad.

 

Hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi mainis. Na hindi masaktan.

 

May hatiran na pala na nangyayari.

 

She finally sat down at nakatingin lang sa baba na parang nahihiya, "Y-yeah, uhm, she visited.. I don't really know how to apologize to you, Winter. I feel like kahit anong sabihin ko, I'm in the wrong. With what I said about your Mom. Then yung sa ex ko.."

 

Natawa nanaman ako but not really amused, "I think deserve ko naman ng explanation kahit papano. Anim na buwan din tayong.." Umiling ako at iniwas ang tingin sa kanya, "Ganon ba talaga ako kadaling bitawan para sayo?"

 

Ang dali para sa akin na piliin ko siya. Pero parang ang hirap para sa kanya na panindigan yung sa amin tuwing may problema.

 

Sobrang emotional ko ngayong araw.

 

Sinimulan nung usap namin ni Yuna kanina then yung encounter ko kay Yunjin at Karina kanina. Tapos itong kay Minju, na mukhang kasama si Chaewon bago magpunta dito.

 

Yung kantang tumutugtog pa dito sa labas ng café... Parang tanga naman eh.

 

Sana sinabi mo

 

Para 'di na umasang may tayo pa sa huli

 

Sana sinabi mo

 

Hahayaan naman kitang sumaya't umalis

 

"Winter, I—" She's choking up on her words, parang hindi alam ang sasabihin. Sobrang ironic na pinipilit niya akong makipag-usap pero walang lumalabas sa bibig niya.

 

Humugot ako ng hininga, "Minju ayoko nang magalit. Nakakapagod. Tingin ko naman alam natin pareho na it's not gonna work out anymore. Gusto ko na lang malaman bakit ganito nanaman. Sabi mo hindi na mangyayari to.." Wala na akong pakialam kung makita niya yung vulnerability ko.

 

After all the good things na pinakita ko sa kanya, I feel like hindi ko deserve ito. After ko siyang bigyan ulit ng chance.

 

Biglang may namumuo nanaman na luha sa mata ko pero pinigilan ko. Hindi ako iiyak.

 

Binibilang ang hakbang hanggang wala ka na

 

Nagbabaka-sakaling lilingon ka pa

 

Hindi na ba mababalik ang mga sandali

 

Mga panahong may lalim pa ang iyong ngiti?

 

"Is it Chaewon?" Tanong ko bigla. "Gusto mo pa ba siya?"

 

It took her a while para sumagot.

 

She looked up sa akin, "Winter.." Tumango lang ako, urging her to go on. "I think.. I think I still love her." Ang dali para sa kanya na sabihin ito sa harap ko.

 

Gusto ko lang siyang tawanan nang tawanan sa harap niya.

 

Inisip ko tuloy kung nagustuhan niya ba talaga ako o talagang ginawa lang niya akong pang fill-up sa Chaewon void sa puso niya.

 

Hindi ko na rin magawang umiyak. Parang naubos na yung luha ko lately. Sinabi ko rin sa sarili ko na kung ano man mangyari, tatanggapin ko na lang.

 

Baka karma ito. Ewan ko ba. Gusto ko lang naman maging masaya...

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
0 points #1
Chapter 16: dang that was so angst love it
lokonaba
#2
Chapter 11: HAHAHAHAHAHAH ANONA
kleispace
#3
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #4
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #5
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa
#6
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 660 streak #7
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #8
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#9
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#10
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.