Part 14

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Monday nanaman.

 

Last Monday of the sem, unless may kailangan akong i-take na final exams. Pero mukhang wala naman dahil magaganda ang grades ko ngayon.

 

Speaking of Mondays...

 

Parang naging thing namin bigla ni Karina yung nagkikita sa Main Library kapag Lunes tapos nagcho-choco milk after mag-aral.

 

It's not like it’s intentional. Siguro pareho lang talaga namin gustong nagre-review sa library kapag Monday. Kasama rin naman yung friends niya pero pag pupunta na kami sa F Park para mag-choco milk, kaming dalawa na lang.

 

“Winter!” Nilingon ko sa likod yung tumawag sakin. Si Ryujin, “Papunta kang lib?” Tumango ako. Sumabay siya sa akin sa paglalakad along Grove.

 

“Oo. Ikaw rin? May exam ka bukas?”

 

Bumili muna kami ng palamig sa may kanto. Ang init talaga. Parang gusto ko tuloy bumalik sa Baguio. Malamig daw don ‘pag ganitong buwan. Kaso next time na siguro kapag mas sumobra ang budget ko.

 

Ang saya sigurong mag-travel mag-isa kung maraming pera. Ilalagay ko siya sa bucket list ko…

 

Nung nagbabasa kasi ako ng mga sinend na articles ni Giselle on how to become happy without relying on other people, nabasa ko na okay daw mag-try ng solo travels. You won't know unless you try daw.

 

Kaso parang pang privileged yung article. Sana next time may gumawa rin ng ganon pero ang target readers ay mga walang pera masyado.

 

“Ang dami this week. Grabe na eyebags ko. Wala halos tulog lately.”

 

Napatingin ako sa kanya, medyo parang pagod nga ang itsura ni Ryujin. I wonder kung yung eyebags niya ay dahil sa acads o dahil sa break nila ni Lia...

 

Baka pareho.

 

Napatingin siya sa akin, nagtaka siguro sa ginawa kong pagtitig sa kanya bigla, “Bakit? May gusto ka ba sakin?” Sinimangutan ko lang siya at itinanggi kaagad ito.

 

“Kamusta kayo ni Lia?” Hindi ko na napigilan na itanong. Concerned din naman kasi ako kahit papaano at sa akin siya nagkwento about doon sa nangyari.

 

“Wala, hinayaan ko na lang muna. Mahirap pilitin ‘yun eh. Kapag decided na, decided na.” Singhal niya. Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Siguro ito yung bitter stage ni Ryujin. Pero sana maging okay pa rin sila.

 

Dumerecho na kami sa Main Library. At katulad ng mga huling Lunes na pumupunta ako dito, may usual spot na kami nila Karina at Hyewon sa may dulo.

 

Ang kaso lang, natanaw kong kasama rin nila si Yeji. Minsan lang kasi sumama ito kaya hindi ko inisip na nandito siya ngayon. Paano kaya si Ryujin? Okay ba sila?

 

Napatigil ako kaya tumigil din ang kasama ko, “Uhm..”

 

Nag-alinlangan ako bigla na umupo sa usual spot, “Okay lang ba sayo kung kasama si Yeji? Kasama kasi siya nila Karina..” Reluctant kong sabi. “Pero pwede naman tayong humiwalay.”

 

Tumingin-tingin ako sa paligid ng ibang available na seats pero mukhang wala.

 

Nagtikom lang ng bibig si Ryujin at pilit na ngumiti, “Okay lang. Wala rin naman ibang chairs. Tsaka mukhang expected ka na ni Karina oh. Nakatingin siya dito.”

 

Sinundan ko ang line of sight ni Ryujin at nakita ko si Karina na maluwag ang pagkakangiti sa akin at kumaway, “Hi.” She mouthed, sumenyas sa upuan na katabi niya.

 

Nanlaki ang mata niya nang makita si Ryujin. Nakatungo lang si Yeji at hindi pa kami napapansin. Feeling ko alam ni Karina yung drama nung dalawa base sa reaksyon niya. 

 

“Tara na.” Lumakad si Ryujin papunta sa table nila Karina. Nagtinginan sila sa amin pagdating sa table.

 

Si Hyewon ang unang nagsalita, “Hey Winter! Hey..” Nag-squint siya. Hindi niya yata kilala pa si Ryujin.

 

“It's Ryujin.” Sabi ng kasama ko, “Okay lang ba maki-share ng table?”

 

“Sure!” Jolly na sagot ni Hyewon. Chinika-chika muna niya si Ryujin, si Yeji ay mukhang wala naman reaction sa pag-upo nung isa dito. Patuloy lang siyang nagre-review after kaming ngitian.

 

Lumapit si Karina sa akin at bumulong, “Choco milk tayo later?” Medyo nakiliti yung tenga ko dahil sa hininga niya.

 

Naamoy ko rin yung pabango niya. Hindi pa rin talaga siya nagpapalit. Ito pa yung pabango niya since high school eh.

 

“Sige. Kaninong turn na para manlibre?” Napaharap ako sa kanya at nagulat sa close proximity ng aming mga mukha kaya lumayo ako kaagad. Kahit siya ay parang caught off guard.

 

Mahinang umubo siya, “Uhm, turn ko na yata.” Napa-isip ako bigla. Oo nga, turn niya na nga. Ako pala last week.

 

Nag-take turns na kasi kaming dalawa sa pagbabayad dahil parang naging regular thing to do na nga namin na mag-choco milk after mag-library.

 

“Sige..”

 

Mag-start na sana akong magbasa nang magsalita siya ulit, “How was your exams last week pala?” Usually ay hindi naman siya nakikipag-small talk pero baka naburyo na siya sa pag-aaral. Kanina pa yata sila dito.

 

“Okay lang, pasado naman. Ikaw ba?” Dumako yung mata ko sa dumi sa mukha niya. Pilik mata yata ito na nahulog.

 

Out of instinct ay kinuha ko ito, pareho kaming parang nanigas sa ginawa ko pero naka-recover din agad. “Sorry, may ano kasi, pilik mata..” Sabi ko, “Wish ka.”

 

Lagi namin ginagawa ito before eh. Yung nagwi-wish kapag may nakukuhang fallen eyelash sa mukha.

 

Pumikit naman si Karina at parang nag-wish nga, “Okay na.” Ngumiti siya at hinipan yung pilik mata da daliri ko.

 

“Ano yan mga teh? Share niyo naman.” Rinig kong sabi ni Hyewon. Inirapan lang siya ni Karina at hindi sinagot.

 

Hinarap ko siya, “May pilik-mata lang si Karina na nahulog..” Tumingin na ako sa notes ko at nag-start nang magbasa. Hindi ko alam pero biglang pumasok si Minju sa utak ko.

 

Tuwing naririnig ko kasing magsalita si Hyewon eh naaalala ko yung isa. May similarities kasi talaga sila. Naalala ko tuloy nung nag-text siya weeks ago.

 

 

Nagising ako sa sunod sunod na vibration ng aking cellphone.

 

Nakakainis at 10am pa ang start ng klase ko pero alas otso pa lang ay nagising na ako dahil sa kung sino man ang nagte-text sakin ng pagkaaga-aga.

 

Labag sa loob na iminulat ko ang mata ko at tinignan ang aking inbox.

 

Si Minju nanaman…

 

Hindi ko naman siya nireplyan kagabi ah? Ano kayang pahabol na message niya?

 

Minju: I’m sorry. Tipsy lang ako last night, Winter. I didn’t mean to send that.

 

Minju: Pero I meant it when I said na I couldn’t stop thinking about you… It's true.

 

Minju: You don’t have to reply. I just want you to know.

 

Napabuntong-hininga ako sa nabasa. Mukhang hindi na ako makakabalik sa dreamland ko nito.

 

Bumangon na lang ako at nagtimpla ng kape sa kusina. Ako na lang ang tao sa bahay dahil nasa school na si Yuna at yung magulang naman namin ay nasa kanya-kanyang trabaho.

 

Nag-contemplate ako habang iniinom yung kape. Rereplyan ko ba siya? O wag na? Ano pa bang sasabihin ko?

 

Ano bang dapat sabihin sa tao na ni-reject ka tapos magte-text ng ganon after months? Ano ba yan… Akala ko kasi totally ay stranger na ako sa paningin niya. Bakit may ganitong eksena?

 

After niya ipa-feel sa akin na para siyang allergic na ewan sa presensya ko, biglang magte-text na she can’t stop thinking about me.

 

Ano ‘yun?

 

Naiintindihan ko naman yung reason niya bakit bigla siyang nanlamig. Seryoso. Gets ko naman bakit bigla siyang natakot. Pero bakit siya nagpaparamdam ulit?

 

Baka mamaya ‘pag inentertain ko eh umasa nanaman ako tapos i-drop niya ulit ako dahil natakot ulit siya bigla.

 

Pinili ko na lang na hindi ulit mag-reply.

 

For the last months, I kept myself guarded na rin naman. Sabi kasi ni Giselle at Ning, matuto raw akong mag-build ng walls at mag-set ng boundaries nang sa ganon eh maprotektahan ko yung sarili ko.

 

Siguro yung hindi pagbibigay ng malisya dun sa naging hangout namin ni Karina kahapon at yung hindi ko pagre-reply kay Minju—’yun yung building my walls. Tama ba? Yung mas pinipili kong hindi i-stress ang sarili ko.

 

Basta ayoko na lang masaktan.

 

 

“Winter. Earth to.” Bumalik ako sa wisyo dahil sa boses ni Karina, “You’ve been staring at that page for a while now. Okay ka lang?”

 

Medyo inisod ko yung chair ko dahil masyado akong malapit sa kanya, “Ah okay lang.”

 

Building walls.

 

Kumunot ang noo niya sa ginawa ko at inisod din ang kanyang upuan papalayo sakin, “Sorry.. Was I too close?” Nag-aalala niyang tanong.

 

Na-feel bad naman ako bigla. Ang OA ko yata. “Uhm, hindi. Ano.. masikip lang kasi.” Tumango lang siya at hindi na ako kinausap pa. Hinayaan na lang akong magpatuloy sa pagre-review.

 

Naging immersed ako sa pag-aaral for a few hours kaya hindi ko napansin yung dumaan sa tabi ng table namin. Tinapik lang ako ni Karina at nag-alis ako ng earphones, “Ano ‘yun?”

 

Ngumuso siya, napatingin tuloy ako sa lips niya bigla. Bakit siya ngumunguso?

 

Tinikom niya ang bibig at natawa, “I mean, look..” Sinundan ko yung tingin niya at nakita ko sina Minju at Lia pati na rin si Yujin.

 

Tumayo si Ryujin at mukhang natuwa ito sa presenya ng girlfriend.. or ex ba? Pero hindi siya pinansin nung isa. Nakita kong umiling lang si Yeji sa inakto ni Lia. Grabe yung drama.

 

Napatingin ako kay Minju na mukhang kanina pa rin nakatingin sa akin. Ngumiti siya, yung abot hanggang mata. Medyo napalunok ako, maganda pa rin talaga siya. Shet. I smiled back pero tipid lang.

 

Dumerecho na sila sa kabilang table na nabakante.

 

Nilapit ulit ni Karina sa akin ang chair niya, “Samahan mo akong mag-CR.” Medyo naiihi na nga rin ako kaya pumayag naman ako.

 

Tumayo kami at nagpaalam saglit sa mga kasama na magbabanyo lang. Hindi naman na ako tumingin pa ulit sa table nila Minju dahil ang awkward na. Lalo na't hindi ko naman nga siya sinagot sa kanyang texts.

 

Kaming dalawa lang ni Karina sa banyo. Nagsalita siya habang nasa loob ng cubicle, “What's the deal sa inyo ni Minju? You guys seem odd.”

 

Napatigil ako sa paghuhugas ng kamay.

 

“Nireject niya ako nung January.” Pag-blurt ko, “Ayun.. it went downhill pagkatapos.” Ayoko nang i-elaborate pa. Hindi siya nakasagot kaagad.

 

Nagkatinginan kami paglabas niya, parang may pag-aalala sa kanyang mukha, “Kamusta ka after that? You—Uhm, it seemed like you really liked her a lot.” Dumerecho siya sa sink at naghugas din ng kamay.

 

“Oo, gusto ko talaga siya..” If only binigyan niya ako ng chance. Hay. “Pero wala, ganon talaga. Anyways..” Tumawa ako at binago na lang ang topic, “Ikaw ba?”

 

Tinaasan niya ako ng kilay, “Anong ako?”

 

Naglakad na kami pabalik sa spot namin, “Wala ka bang ano.. uhm, nagugustuhan.”

 

Natawa siya at umiling lang, “Just focusing on myself right now. Pinagalitan ako ni Mommy because of my failed grades before so I'm not letting that happen again.”

 

“Also..” Dagdag niya, “You kind of set the standards high, Win.” Pabirong kumindat siya sa akin na tinawanan lang naming dalawa.

 

Pala-biro rin talaga itong si Karina minsan...

 

“Baliw..”

 

Nakabalik na kami sa table. Wala na si Ryujin, sabi ni Hyewon eh umalis na raw. Malakas ang kutob ko na dahil ito kay Lia. Kinuha ko yung phone ko at nakita kong may message nanaman si Minju.

 

Ni-ready ko ulit ang sarili ko sa kung ano mang mababasa.

 

Minju: Can we talk after mo mag-review?

 

Ayan nanaman yung talk na yan. Nung huli siyang nag-request na mag-usap kami... Hay, ayoko na lang isipin.

 

Me: Sige

 

Pumayag na lang din ako. Wala namang mawawala kapag kinausap ko siya, may pinagsamahan din naman kami kahit papaano before kami magkagusto sa isa't isa.

 

Binigyan na rin naman ako ng “seminar” ni Giselle at Ning kung paano raw hindi maging marupok sa magagandang babae. Jusko. Puro kalokohan talaga yung dalawa kaya bagay na bagay sila.

 

“Ang boring.” Sabi ni Hyewon. Panong hindi siya mabuburyo eh hindi naman siya nagre-review, nanonood lang yata ng Tiktok videos ito. “Anong plans niyo sa summer? Batangas kaya tayo?”

 

Ay, kaka-Baguio trip lang namin nung December. Baka hindi ko na kayanin ang gastos kapag may Batangas trip naman. Although kaya naman ng budget pero hindi ko pa rin sure. 

 

“That would be fun. Makapag-unwind unwind manlang.” Sabat ni Yeji. Hindi ako sumasagot sa kanila. Si Karina ay mukhang interesado din sa trip. Patuloy lang akong nagre-review at kunwari ay nakikinig ng music sa earphones.

 

Group Chat

 

Giselle: Dinner tayo later?

 

Ning: Pweds

 

Me: Pass..

 

Ning: Choco milk date? :p

 

Me: Baliw hindi. Mag-uusap kami ni Minju..

 

Giselle: *Stares at you blankly*

 

Ning: Hahahaha patay ka kay bb

 

Ning: *Giselle. Typo.

 

Me: Usap lang naman. Friend ko naman siya dati guys.. Okay naman si Minju ah.

 

Giselle: Fine. But remember, wag rurupok-rupok.

 

Me: Lol ok

 

“Done ka na mag-review? We can go na. Aalis na rin si Hyewon and Yeji.” Sabi ni Karina sa tabi ko. Hindi naman siguro siya magtatampo kung hindi ko itutuloy yung pagcho-choco milk namin...

 

Tinignan ko siya, “Uhm, hindi pala ako pwede. Ano kasi, mag-uusap kami ni Minju.”

 

Parang may disappointment sa itsura niya pero nawala rin ito kaagad at ngumiti sa akin. “Okay. Maybe next time.” Sabi niya na lang.

 

Napakagat ako sa labi ko, “Pwede pa rin naman kapag maaga kaming natapos.” Para kasing it doesn’t sit well sa akin na ibe-break ko yung choco milk streak namin. O baka masyado lang akong nag-iisip.

 

Hinawakan niya yung ibabaw ng kamay ko, “It’s okay, Winter. Settle mo yung sa inyong dalawa. I know she’s important to you.” Inalis niya yung pagkakahawak sakin at tumayo na, “I’ll go ahead.”

 

Pinuntahan niya sa Hyewon at Yeji na nasa may entrance na. Kinawayan ko lang sila at pahabol na tumingin sa likod ni Karina habang naglalakad na sila paalis.

 

Ang gulat ko nang biglang umupo si Minju sa tabi ko, “Hey.” Bumalik na bigla yung pagiging jolly niya, “Let’s go na?” Pero in fairness, binibigyan pa rin niya ako ng personal space.

 

Tumango ako at tumayo na rin, “Saan ba tayo?” Mabagal na naglakad kami palabas ng library pagkatapos kong ayusin ang gamit. Naaninag kong nakahabol ng tingin si Yujin sa amin. Hindi maipinta ang mukha niya.

 

“We can talk sa apartment but it’s up to you. I brought my car with me. Pwede rin doon para may privacy din. Or sa one of the benches sa Freedom Park.” Medyo magkalayo kami sa isa’t isa habang naglalakad.

 

Nakakapanibago rin yung presence niya dahil four months kaming hindi talaga nagka sama.

 

“Sa kotse mo na lang. Para malapit lang.” Sagot ko, ayoko na kasing magpaka-hassle pa sa pagpunta sa apartment niya o kaya sa F Park, “San ka ba naka-park?”

 

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, “Eager to get rid of me that easily?” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Medyo nainis ako.

 

“Hindi ba ikaw ‘yon?” Galit kong pakli.

 

Nawala yung ngiti niya at nagpasensya kaagad, “S-sorry.” Napapikit na lang ako ng mata dahil wala pa ngang pag-uusap talaga eh napangunahan na ako ng bitterness.

 

“Sorry din. Medyo ano, sensitive lang.” Kumamot ako sa batok.

 

Tahimik na naglakad na lang kami papunta sa parking area ng library. Dun sa siya may ilalim ng Acacia tree naka-park at wala masyadong dumadaan dito kaya walang istorbo.

 

Binuksan niya yung kotse para may aircon kami.

 

“I missed you.” Pasimula niya kaagad, “A lot. You have no idea.” Derecho lang ang tingin niya sa kanyang harap, “Just in general. No malice.”

 

Suminghal ako, “Ano bang— Para saan ba ito, Minju? Bakit biglang parang walan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 656 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance