Part 10

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Ate?”

 

Nilingon ko si Yuna sa kama niya habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Medyo humahaba na yata ulit ang buhok ko. Parang this time, ayokong magpagupit. Hayaan ko na lang humaba muna.

 

“Ano ‘yun?”

 

Umupo siya sa kanyang kama at binigyan ako ng makahulugang ngiti, “Ang blooming mo lately. Tapos nagli-lip tint ka na rin. May dine-date ka, ‘noh?”

 

Napadiin bigla ang pagsuklay ko. Ang sakit sa anit. “B-bakit mo naman nasabi yan? Wag ka nga. Wala akong dine-date!” Hindi ako makatingin sa kanya. Ang hirap magsinungaling dito kay Yuna, ang lakas ng radar.

 

“Ate, tumataas tono ng boses mo. Ibig sabihin nagsisinungaling ka.” Patawa-tawa siya. Ano bang gustong patunayan nitong kapatid ko?! Nagsalita ulit siya bago pa ako makasagot, “Hulaan ko kung sino.”

 

Medyo kinabahan ako. For sure nakakahalata na ito dahil halos araw-araw akong hinahatid ni Minju dito sa bahay. Minsan naman ay ako ang naghahatid sa kanya sa apartment.

 

“Wag ka nang manghula. Wala nga.” Pagmamasungit ko. Chismosa rin talaga itong isang ‘to.

 

“Feeling ko.. feeling ko si Ate Karina.” Agad ko siyang nilingon. Mapanukso ang ngiti niya sakin. “Oh diba? Pagkakalingon mo naman, Ate. Tama ako, 'no?”

 

Alam ba niya yung feelings ko dati? Nagsalita ba ako habang tulog? Bakit si Karina ang inassume niya?

 

Nagpatuloy ako sa pa aayos ng buhok at nagkunwaring hindi nagulat, “Gaga ka. Bakit naman si Karina? Friends lang kami nun.” Medyo pinagpawisan ang noo ko.

 

Nakita ko yung pagtawa niya sa aking peripheral, “Bagay kayo eh. Akala ko nga dati jojowain mo na ‘yun.” Tumawa lang ako at hindi na sumagot. Dedma na lang. Kung ano-ano na lang ang masabi.

 

Kinuha ko yung phone para mag-check ng group chat namin sa Messenger. Nalalapit na kasi ang Baguio trip namin kaya puro planning na ang napag-uusapan.

 

Napansin kong may message si Minju kaya yung kanya ang una kong tinignan. Syempre. Hehe.

 

Minju Cutie: I hate Monday classes :(

 

Me: Hehe buti nga. Sundo kita sa class?

 

Minju Cutie: You will? Classmate ko si Kars at Yej. Baka magtaka..

 

Me: Ok lang yan. Miss kita eh

 

Minju Cutie: Sige na nga. Ano pa nga bang magagawa ko kung gustong gusto mo akong makita.

 

Me: Ang kapal..

 

Ano kayang sasabihin ko dun sa dalawa?

 

Kunwari na lang may need akong notes galing kay Minju. Nami-miss ko na rin kasi siya at umuwi siya sa kanila nung weekend. Ang hirap din pala ng may tinatago. Nabuking na nga kami ni Gi at Ning last week..

 

 

Na-drain kaming apat nila Minju, Giselle, at Ning sa IT class.

 

Tatlong oras ba naman na puro pagharap sa computer. Sagad pa yung three hours ng prof. Nakakaurat. Pare-pareho kaming nakahinga nang maluwag paglabas ng room sa PhySci. Akala mo ngayon lang nasinagan ng araw.

 

“Let's go sa SM. Bibili ako ng outfits for Baguio.” Maarteng sabi ni Giselle. Ang dami niya nang damit ah...

 

Pumayag naman si Ning kaagad, “Tara. Nakaka-miss gumala. Puro acads lately.” Kahit ano yatang isuggest ni Giselle pumapayag naman siya. Hindi naman siya mahilig gumala dati. After ng “tampuhan” nila ni Gi, napansin kong mas naging close sila.

 

Tinignan ko si Minju, nagmo-moist pa yung specs na suot niya dahil malamig masyado sa room kanina. Kinuha ko ito at pinunasan. Hinawakan ko rin yung kamay niya, “Sama tayo sa SM.”

 

Pinanlakihan niya ako ng mata. Napatingin kasi yung dalawa naming kaibigan sa magkahawak naming kamay.

 

Tangina. Nalimutan ko.

 

Agad kong hinawakan din yung kamay din ni Ning para hindi mahalata, “Hawak hawak tayo guys..” Si Minju naman ay hinawakan rin ang kamay ni Giselle sa kanyang kanan.

 

“Ano ‘to? Unity walk?” Natawa na lang kaming dalawa ni Minju sa sinabi ni Ning. Yung tawang may halong kaba. Minsan kasi ay nakakalimutan ko talaga. Ang natural kasi ng lahat pagdating sa kanya.

 

“Oo. Para alam ng tao na friends tayong apat..” Alibi ni Minju.

 

Eventually ay nagbitaw-bitaw din kami ng kamay dahil nakakahiya na sa mga nakakasalubong namin kapag kailangan nilang umiwas.

 

Ginamit ni Minju yung kotse niyang bihira lang niya gamitin. Bigay kasi ito ng daddy raw niya and for some reason, hindi niya gusto yung thought na may utang na loob siya sa kanyang tatay. Hindi na lang ako nagtanong pa.

 

Si Giselle ang pinaupo ko sa passenger seat kaya medyo nadismaya si Minju at halatang nagtampo. Binigyan ko na lang siya ng halik sa pisngi nang makababa kami as SM at distracted yung dalawa naming kasama sa pag-uusap.

 

“Wag ka nang magtampo.. baka makahalata sila eh.” Bulong ko habang naglalakad kami. Nauunang maglakad si Ning at Giselle, naghahanap ng makakainan bago mag-shopping yung isa.

 

“I’m tempted to tell them na.. So I can flirt with you whenever I want.”

 

Natawa lang ako sa pagbuntong-hininga niya. Kahit ako ay gusto ko rin namang sabihin na sa iba. Maganda naman kasi ang nangyayari sa amin lately ni Minju at tingin ko ay wala na talagang atrasan.

 

Parang kami na rin naman. Label na lang ang kulang. Iniisip ko nga kung masyado bang mabilis yung nangyari sa amin…

 

Although ang sabi naman niya ay hindi rin naman daw. Wala naman daw reason para patagalin kung pareho naman namin gusto ang isa’t isa. May point naman siya.

 

Siguro may part lang din sa akin na takot nang mangyari ulit yung nangyari dati kay Karina.

 

“Sabihin natin sa kanila sa Baguio. Tingin mo?” Tanong ko. By that time comes, mahigit na sa isang buwan na nagde-date kami ni Minju kaya reasonable naman siguro.

 

Mukhang naging masaya siya sa suggestion ko, “I’d like that. Para hindi na sila magtaka if.. if we sleep beside each other doon.” Nawala ang ngiti niya, “Wait.. only if okay lang sayo, of course.”

 

Pinisil ko ang braso niya, “Okay lang ‘yun. Tutulog lang naman eh..”

 

Umubo siya at parang namula, “O-oo nga.” Ano bang iniisip niya?

 

Sa Pizza Hut kami nag-end up kumain dahil puno sa ibang restos sa SM Calamba. Treat daw ni Giselle at siya naman ang nagyaya. Nagke-crave din daw siya sa pizza. Hindi ba siya nauubusan ng pera?

 

Sinubok nanaman ng universe ang hidden dating agenda namin ni Minju dahil hindi niya napigilan na subuan ako ng pizza. Kung hindi ko pa siya kinurot nang mahina sa hita, hindi pa niya marerealize ang ginawa.

 

“A-ay, masarap yung pizza kaya pina-try ko lang kay Winter..” Kumuha siya ng isa pang slice at tinapat naman si bibig ni Giselle, “Oh eto Gi, subuan din kita. Ikaw din Ning..” Ang hirap magpigil ng tawa.

 

Tinignan kami ni Giselle at halos manliit ang mata nito, napalunok ako. “You guys are dating, aren’t you?”

 

Nakangisi lang si Ning sa akin. Nakakainis. “Hindi kayo magaling magtago, sa totoo lang. Sobrang harot niyo. Sabi na nga ba eh..”

 

Nagkatinginan kami ni Minju at parang nagkaraon ng silent agreement na umamin na lang dun sa dalawa. Mukhang alam na rin naman pala nila at nakakahalata na.

 

Hinawakan niya yung kamay ko at pinagsiklop ang mga ito. “We are. Sorry tinago namin..”

 

Dinismiss lang kami ni Gi, “It’s fine. It’s your choice naman. It’s just funny na for a couple na ayaw ipahalata na dating sila, you two aren’t very subtle sa ways niyo.” She laughed.

 

“Is it weird for you guys? Na we're dating?” Tanong ni Minju dun sa dalawa. Nilalaro-laro niya yung daliri ko sa ilalim ng table. Ang comforting.

 

“Not really. Go lang, I guess cute naman kayo.” Umirap si Giselle, “But don't have a messy break up if you decided to part ways!”

 

Sinimangutan ko kaagad siya, “Bakit naman yan agad ang inisip mo?!”

 

Sumabat si Ning, “Malay mo umepal bigla si BFF.” Tumawa siya pero tinikom din ang bibig nang mapansin na naging awkward ang mood. “Joke lang.. Kayo naman, hindi mabiro. Stay strong po.” Nag-peace sign siya.

 

Pina-ikot ko yung kamay ko sa bewang ni Minju, halata kasing na-tense siya sa sinabi nung isa. Bumulong ako, “Kain ka na.. Subuan kita?” Hinalikan niya ako sa pisngi kaya naman halos masuka yung dalawa sa harap namin.

 

“Get a room!”

 

 

Naglakad na ako papunta sa campus. Mamaya ko na lang ichecheck yung GC. Natatawa ako sa mga nakakasalubong kong mga estudyante dahil mukhang mga stressed na kahit Monday pa lang.

 

Two weeks na lang kasi ay tapos na ang klase. After finals week kami pupunta sa Baguio, mga three weeks from now pa. Pero malapit na rin ‘yun. Pumayag na rin sumama si Ryujin at Lia sa amin.

 

May napapansin nga ako kapag name-mention yung dalawa o kaya naman nakakasama namin...

 

Parang hindi mapakali si Yeji. Tapos mapapansin ko na mapapatingin si Ryujin sa kanya na parang nag-aalala.

 

Mukhang may alam si Karina dahil medyo protective siya dun sa kanyang ex-girlfriend. Ano kayang meron? O baka naman masyado lang akong observant at overthinker.

 

“Winter!” Napalingon ako sa likod. Si Ryujin. “San ka?” Ilan beses ko na rin siya nakasama kaya hindi na ako masyadong naiilang sa kanya pati na rin si jowa nito.

 

“Susunduin ko si Minju..” Tinaasan niya ako ng kilay, “I mean, may kukunin ako sa kanya.”

 

Tumawa lang si Ryujin, “Nakita namin kayo ni Lia sa Siento Café one time. Sobrang sweet niyo. Don't worry, my lips are sealed.”  Jusko. Ang dami na palang nakakaalam. Si Karina at Yeji na lang yung hindi...

 

Magtampo kaya si Karina? Parang ayoko pa kasing sabihin agad sa kanya. Sa Baguio na lang siguro.

 

“Thanks. Uhm, san ka?” Nakarating na kasi kami sa may Hum Building pero kasabay ko pa rin siya.

 

“Dito rin. May iaabot ako kay Yej.”

 

Turn ko naman para tumingin sa kanya nang may pagtataka, “Close pala kayo? Umupo muna kami sa mga long chairs sa may lobby. May 10 minutes pa bago matapos ang classes ng mga kaibigan namin.

 

“Uhh, we were best friends, actually.” Matipid ang ngiti niya sa akin.

 

Bigla kong naalala nung time na hindi kami okay ni Karina tapos tinanong ni Minju kung sino si Karina sa buhay ko. Halos pareho kami ng sagot ni Ryujin. Pareho rin ng ngiti.

 

“Were?” Ayoko naman mang intriga pero medyo na-curious lang din ako.

 

“Long story.. basta. We're still friends naman.” Tumango lang ako. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niyang mag-share. Ang weird nga naman kung pagkekwentuhan namin. Hindi rin naman kami ganon ka-close.

 

Lumabas na sina Minju, maaga siguro nag-dismiss.

 

“Win!” Masaya siyang sinalubong ako. Nakatingin lang sa amin si Karina, nginitian ko siya at ngumiti naman ito pabalik. Si Yeji ay kausap si Ryujin.

 

“Hi bes. What are you doing here?” Curious na tanong ni Karina.

 

Si Minju ang sumagot, “Nami-miss kasi ako masyado ni Winter. Hay nako.” Siniko ko siya, tinaasan lang ako ng kilay ni Karina, silently asking kung anong meron at parang acting weird nga kami nung isa. Umiling lang ako.

 

Hanggang ngayon, nagkakaintindihan pa rin kami sa pagtitinginan lang. Many years of friendship siguro.

 

“Baliw. Tara na nga.”

 

“Wait guys!” Pigil ni Yeji, “Since nandito naman tayo, we can invite the others para mapag-usapan yung Baguio. That's like two weeks from now. Final planning siguro.”

 

Nag-agree naman kaming lahat. Ang hirap din kasing mag-usap sa GC at medyo magulo tapos hindi naman ako pala-check ng messages sa Messenger. Sa Main Lib na lang ulit kami nagkita-kita.

 

Napapansin ko yung pagsulyap ni Karina sa amin ni Minju. Sumenyas siya sa akin na i-check ko ang phone ko.

 

Karina: Did you confess already?

 

Napalunok ako. Sasabihin ko na ba? Sa Baguio na lang? Ano bang kinakatakot ko at bakit ayaw ko pang sabihin kay Karina?

 

Me: Hindi pa..

 

Na-feel bad ako. Dati nung hindi niya sinabi yung about sa kanila kay Yeji, nagalit ako. Tapos ako ito ngayon, nagtatago sa kanya. Ano ba yan.

 

“You okay?” Mahinang tanong ni Minju. Inaantay pa namin sina Giselle at Ning, si Lia daw ay may appointment sa dentist kaya hindi makakasama sabi ni Ryujin.

 

Tinanguan ko lang siya, “Oo. Pero medyo gutom na ako.”

 

“Or.. miss mo lang ako masyado.” Mapanloko niyang sabi. Hinampas ko lang siya nang mahina sa kanyang braso. “Cuddle tayo sa apartment later? Order tayo food. Tapos watch ng movie.” Uy. Gusto ko ‘yun.

 

“Ayoko.”

 

Hinipan niya ang tenga ko, “Ayaw mo sakin?”

 

Nag-blush ako, “Gusto nga.” Naninibago talaga ako sa sarili ko. Napaka-carefree ko these past few months. And tingin ko naman walang mali don.

 

Karina: Sure..

 

 

 

 

 

 

Baguio.

 

Day One.

 

Lahat kami ay pasado sa subjects namin para sa first sem kaya naman extra happy ang lahat para sa trip na ito kasi wala kaming iisiping failed subject.

 

“Minju.. Gising na.” Ang hirap gisingin nitong babaeng ito. Kanina ko pa siya niyuyogyog pero bumabalik pa rin sa pagkakatulog.

 

Dito ako sa apartment niya nag-stay para dadaanan na lang kami nang magkasabay. Surprisingly, hindi naman ako nailang or anything na nakatabi ko siya sa pagtulog.

 

Halos dalawang buwan na rin kami nag-umpisa mag-”date” and every day, I find myself falling deeper sa kanya. Sobrang maalaga niya rin kasi at laging iniisip ang comfort ko.

 

Ang nice din niya sa family ko. Tapos palagi niya akong dine-date sa kung saan-saan na food places na hindi ko pa nakakainan.

 

Hindi mahirap magustuhan si Minju. Sa totoo lang, sobrang dali. Grabe din kasi niyang ipa-feel sa akin na mahalaga ako sa kanya. Siya yung taong masasabi kong.. for keeps. At ayoko siyang pakawalan.

 

Gusto ko siya at hindi ‘yun mababago. Mas nagugustuhan ko pa siya as time goes by.

 

“Win..” Sa wakas ay nagmulat na rin siya ng mata. Buti may isang oras pa siya para mag-ayos. Ako na ang nag-volunteer ayusin ang gamit niya. “Come here..”

 

Binuka niya ang mga kamay, sumesenyas na yakapin ko siya. Pinagbigyan ko na, hinigit ko na rin siya papa-upo para hindi na mahiga, “Maligo ka na..” Inaamoy-amoy niya ang leeg ko habang magkayakap kami.

 

“Later. Let me cherish you.” Ang cheesy masyado ni Minju, nakakakilig naman. “Was I loud habang natutulog? Naghilik ba ako?”

 

Umiling ako, “Hindi. Pero malikot ka..” Natawa ako. Halos mahulog na kasi ako sa kalikutan niya. Maya't maya nadadali ang mukha ko ng kamay niya.

 

Humiwalay siya, “Really?! Sorry! Did I hurt you?” Pinagmasdan niya ang mukha ko, inusisa kung may scratches o kahit anong bakas na nasaktan niya ako habang tulog.

 

“Wala. Magaling akong umilag! Pero ang likot mo nga..” Pa-joke kong sabi. Itinayo ko na siya, “Maligo ka na. Magagalit si Giselle kapag na-late tayo.” Kami yata ang unang susunduin.

 

Hindi niya ako pinakinggan. Nanlaki ang mata ko nang lalo pa niyang inilapit ang mukha sa akin, nakatitig lang sa labi ko. Magkadikit na halos ang ilong namin. Kung hahalikan man niya ako, okay lang din.

 

Napa-pikit ako, anticipating yung kanyang kiss. Ready na ako.

 

Naramdaman ko yung labi niya na lumapat sa may gilid ng aking lips, “Sa side lang muna. Wag kang excited.” Sinamaan ko siya ng tingin at tinulak papuntang banyo.

 

“Bilisan mo na!”

 

Nag-flashback sa utak ko yung gabi na hinalikan ako ni Karina. Parang hindi ko na rin naman kino-consider na first kiss ko ‘yun. Wala naman siyang maalala, so magpapanggap na lang ako na wala lang ‘yun.

 

Aanhin ko pa yung halik kung ako lang naman ang may memory? Sure din ako na hindi naman niya gagawin ‘yun kung hindi siya lasing.

 

“Win can you get me my towel? Nakapatong sa bed.” Sigaw ni Minju sa loob ng banyo. Ang hilig niyang makalimot ng towel o kaya naman ng damit na isusuot niya bago siya pumasok sa banyo.

 

Kumatok ako sa CR at pinagbuksan niya ako kaagad. Bumungad sa akin yung makinis niyang leeg at collarbones...

 

Napatitig yata ako nang matagal dahil naramdaman ko yung daliri ni Minju sa chin ko at itinaas niya ang aking ulo, “My eyes are up here.” Kinuha niya yung towel at nag-wink pa bago isara ang pinto.

 

Nakakahiya! Ano ba naman, Winter. Para naman ngayon lang ako nakakita ng ganon. Ano na lang iisipin ni Minju. Baka isipin niya bastos ako...

 

Saktong pagkatapos namin mag-ayos, dumating na yung van. Dinouble check muna namin yung apartment niya dahil apat na araw din kaming nasa Baguio.

 

“Morning!” Masayang bati ni Giselle. Ang energetic niya, alas singko pa lang ng umaga. “Go sit wherever. Katabi ako ng driver.”

 

Minabuti namin ni Minju na sa dulo na lang maupo. Sa amin na lang daw tatabi si Ning. Sinundo na rin yung iba naming kasama, mukhang sa apartment ni Yeji din nanggaling si Karina. Ganon pa rin siguro sila ka-close.

 

Sa harap si Karina at Yeji, sa gitna naman si Ryujin at Lia, kaming tatlo nila Minju at Ning sa dulo. Mahaba habang byahe to. Mga 8-10 hours siguro. Pero depende sa traffic.

 

“Nasan yung binigay ko sayong medicine pouch? Nandon yung Bonamine mo.” Ay shet. Naiwan ko sa bahay.

 

Bumaling ako kay Minju at nakangiti, papagalitan ako nito for sure. Ilang beses niya ako niremind about dun. “Naiwan ko..”

 

Narinig ko yung tawa ni Ning, “Puro kasi pagharot ang inaatupag..” Medyo malakas ang boses niya kaya pinatahimik ko kaagad. “Ay bakit? Akala ko alam na nila?”

 

Umiling ako, “Hindi ko pa nasasabi kay Karina.”

 

Halatang nagtaka siya sa sinabi ko at napatingin sa harap, “Weird. Akala ko ba friends na ulit kayo? Feeling ko magagalit siya.” Kapag si Ning talaga ang nagsasabi, medyo nakakakaba. Parang sure na sure kasi siya sa mga thoughts and opinions niya.

 

Kinabahan tuloy ako.

 

“Ask your best friend kung may Bonamine siya.” Sabi ni Minju. Tinext ko na lang si Karina at tulog na tulog yung dalawang mag-jowa sa harap namin.

 

Me: May dala kang Bonamine bes?

 

Karina: Naman!

 

Bumaling siya sa likod at nagtama ang mata namin.

 

Ngiting-ngiti pa nang ipakita sakin yung isang banig na Bonamine. “Here..” Mahinang sabi niya. Inabot ko ito nang dahan-dahan para hindi magising yung mag-jowa, may kasama rin tubig ang binigay ni Karina.

 

Wow. Ready. “Thanks, Karina.”

 

“May bayad. Strawberry ice cream.” Hirit niya.

 

Yun lang pala, “Kahit lima pa.”

 

Tinapik ni Minju yung legs ko, “Inumin mo na. Ang daming chika.” Humagikgik lang si Ning at patuloy ang pagkain niya ng kropek na baon.

 

Naramdaman ko na ang antok after ilang hours. Si Minju din ay hikab nang hikab. “Tulog tayo.” Nakipag-holding hands ako sa kanya at hinayaan siyang sumandal sa akin. Pinatong ko naman ang ulo ko sa kanya.

 

I get happy kapag ganito kami. I like being close sa kanya.

 

I like her

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
0 points #1
Chapter 16: dang that was so angst love it
lokonaba
0 points #2
Chapter 11: HAHAHAHAHAHAH ANONA
kleispace
#3
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #4
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #5
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #6
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 657 streak #7
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #8
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#9
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#10
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.