CHAPTER 9

LOVE IS...

Seulki's POV

"B-Bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong ni Juhyun. Oh huh! I remember her name na! Sinundo ko siya sa kanila at nandito na kami ngayon sa salon, itatanong niyo rin ba kung bakit? Well...

"Gusto kong makita ang totoong ganda mo." Para namang sinabi kong peke ang ganda niya ngayon.

"T-Totoong ganda?" Nauutal na tanong niya. Totoong ganda lang hindi pa niya alam? Sabagay, pang–nevermind.

"Yeah, lets go." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya papasok sa salon.

Bago ko siya iwan doon ay sinabihan ko muna ang isang British beautician.

"Impress me." Ngumiti lang siya at sinabing. "Don't worry madam, after her makeover I'll make sure that you'll fall for her." Sabay wink ng gaga. Ano daw? Fall? Baka London bridge is falling down.

Nagpaalam muna ako kay Juhyun na magsh shopping. Gusto ko siyang bilhan ng pang ootd para sa kaniyang "magandang" pagbabago.

Habang nasa mall ay inabala ko ang sarili sa pagsh shopping. Napapangiti ako kapag may nakikita akong damit na nababagay kay Juhyun.

Hanggang ngayon tinatanong ko pa din ang sarili kung bakit ko ba ito ginagawa?! I'm wasting my time sa isang babaeng kakikilala ko pa lamang. Sa isang babaeng kamukha ng best friend ko.

Tama, kamukha siya ni besty kaya curious akong kilalanin siya. Gusto kong malaman kung bakit sila magkamukha? Kung pwede ko lang kausapin ngayon si Irene, hindi ko na sana inabala ang sarili ko para kilalanin si Juhyun. Pa'no wala naman akong ibang option kung hindi ang makipaglapit kay Juhyun para malaman ang totoo at para matapos na ang pagiging chismosa ko.

*ring

*ring

*ring

It's Seulgi

Himala

Ano naman kaya ang kailangan ng kumag na ito at siya pa ang unang tumatawag? It's 12 o'clock nn here in London, so 7pm na ngayon sa pilipinas.

"Hello, lil'sis?"

"I need your help!!!" Oh see? May kailangan nga!

"Bakit? Anong nangyari? Nasaan ka ba?" May echo akong naririnig sa background niya, kaya malamang nasa restroom siya para walang ibang makarinig ng pag uusapan namin.

"Im here at Irene's condo."

"Whuuuuttt???" Maarte kong tanong. Nagulat tuloy ang saleslady sa harapan ko. "Sorry." With matching peace sign, saka ko siya tinalikuran. "Bakit ka nandiya? Mapapahamak tayo sa ginagawa mo!"

"Gusto niyang magsleepover ako dito." Pabulong niyang sagot. Nagiingat siguro na marinig ni Irene.

"At bakit ka pumayag?"

"I have no choice dahil may kasalanan pa ako sa kaniya."

"What is it, this time? Naku Seulgi nakakarami kana kay Irene!" Hayts wala na bang gagawing matino itong sisteret/brotherhood ko? Puro nalang kunsumisyon ang balita nito sa akin. Well wala naman dapat ibang sisihin kundi ang sarili.

"Pwede ba saka na natin yan pag usapan. Tulungan mo muna ako sa problema ko, gusto niyang matulog ako sa tabi niya." Nanghihingi ng saklolo ang tono ng boses nito. Hmp! May kinakatakutan din pala.

"Oh e'di matulog ka. Ipikit mo ang mga mata mo at isa pa bago ka matulog mag pray ka muna." Para akong ate na binibigyan ng instruction ang younger sister ko, hahaha.

"I'm serious here!" Napalakas ang boses niya. Mukha ba akong nagbibiro? Ganun naman talaga kapag matutulog diba? Dapat nakapikit ka, sino ba namang matutulog ng dilat ang mata?! Tss!

"Kung hindi ka attracted kay Irene wala kang dapat alalahanin, pwera nalang kung—"

"Cut it off!" Tignan mo to defensive agad? Napaghahalataan! "Wala akong interes sa BEASTfriend mo! Ayoko lang makakahalata siya!" Sus kulang sa sincerity ang boses niya.

"Hindi siya makakahalata kung aakto ka ng normal." Katwiran ko.

"Yun na nga ang problema. Paano ko iaakto ng normal ang identity mo kung hindi ka naman normal." Natatawang pang aasar pa nito. Ang sarap manampal, pigilan niyo ko at baka makauwi kaagad ako ng Pinas tapos ang story na to!

"Sampal gusto mo?" Mataray kong sabi. Tawa pa rin siya ng tawa, kabagin ka sana!

Nang humupa na ang tawa niya ay nagsalita siya ulit. "Big sis seryoso na, may problema pa tayo." Tignan mo to kung makatawa sakin wagas, saakin din pala hihingi ng tulong.

"Ano na naman!" Inis kong sabi. Nakakapikon na kasi.

"Niyaya ako ni Irene sa province nila, gusto niya ako ang tumugtog ng piano sa debut ng pinsan niya." Sa boses nito ay mukhang problemado talaga ito.

"Mukhang nagiging komplikado na ang sitwasyon natin." Pabuntong hininga kong sabi. Ni hindi nga muna ako naggigig dito sa London. Malay ko rin bang tumugtog ng gitara, piano lang ang kaya kong tugtugin. At base sa boses ni Seulgi ay hindi ito marunong magpiano. Hays kailan ba naman kami nagkapareho ng kakambal ko?

"Bakit? May problema rin ba diyan?" Nag aalala niyang tanong.

"Yeah, may ipinakilala sa akin si Dadiyo. Her name is Juhyun Kim."

"So? Saka, madalas mo bang kasama ang matandang hukluban na yon?" Wala talagang manners ang kumag na to.

"Hoy, Tatay natin ang sinasabihan mo ng ganyan! Saka oo, lumipat na ako sa bahay at—"

"Huuwaatt?!!" Napakalas na naman ang boses niya. "Alam mo ba kung bakit sa condo ako nagsstay? He manipulated me. Kung kani kanino niya ako binubugaw!" So yun naman pala ang sagot na matagal ko nang gustong itanong sa kanya. Kaya pala nabugaw na agad ako ni Dadiyo nung unang araw pa lang ng paglipat ko.

"Diba nga kaya ako nandito para makasama siya? Pagbigyan mo na ako."

"Oo na! So what about Juhyun? Paano siya naging problema?"

"She's exactly look alike of Irene!" Pag amin ko sa kaniya. Para dalawa kaming sasakit ang ulo.

"What do you mean? Kambal din sila?"

"I don't know." Umiling pa ako na parang kaharap ko lang ang kausap ko. "Wala namang naikwento si Irene sakin, and besides only child siya."

"Iwasan mo na lang yung Juhyun tutal yung matanda naman ang ipinunta mo diyan." Suggestion niya. Well tama naman siya pero kasi...

"Hindi pwede gusto kong malaman kung bakit sila magkamukha." Sagot ko. Ewan ko ba pero talagang nacucurious ako kay Juhyun, gudto kong malaman kung anong koneksyon niya kaya Irene.

"Ayun! Umiiral na naman ang pagiging tsismosa mo." Pang aasar na naman nito.

"Tse!" As if naman makikita niya.

"Hahahaha... Bye na nga hindi ka rin naman nakakatulong." Sabi pa niya na hindi mapigilan ang pagtawa. Kapal muks talaga. Nakakainis!

"Oo na! Dalawa lang ang pakiusap ko sayo. Alagaan mo di nanay at subukan mong kilalanin si Irene, baka sakaling mag open up siya sayo." 

"Alright bye!" Abat bastos! Pag uwi ko ng Pinas itatanong ko kay nanay kung saan nagmana ang kurimaw na kausap ko kanina. Basura ang ugali! Choz!

Time runs

Nasa labas ako ng salon. Sa kotse ko na lang hihintayin si Juhyun. Napagod din ako sa pamimili kaya mas pinili ko na lang sa kotse ko siya hintayin. Magkano kaya ang sweldo ko bilang P.A niya?

Napatingin ako sa pinto ng salon ng bumukas ito. At isang napakagandang nilalang ang lumabas mula roon.

"Besty?" Automatic akong napanganga ng makita ko siya. Para akong nakakita ng diwata at sa pag titig ko sa kanya ay para niya akong dinadala sa ibang dimensyon. Nag blurr ang paligid at siya lang ang nakikita ko habang nakangiti sa akin, lumakad ang diwata sa direksyon ko kaya lalo ko siyang napagmasdan. Napalunok ako. Gadeymit! She's freakin' HOT! Isang diwatang maALAB!

Ipinilig ko ang ulo ko. Kailan pa ako nagkaroon ng ganoong compliment kay besty? Hot na maalab? Phew!

Teka, hindi kaya siya si...

"Hey!" Napakurap ako, hindi namalayang nakalapit na pala siya sa kotse ko. Ngumiti siya at nag tama ang mga mata namin.

"Juhyun?" Magkamukhang magkamukha na sila ni besty. Tanned nga lang ang kulay niya samantalang si mestisa si Irene. At sa tuwing titignan ko si besty wala akong kakaibang nararamdaman samantalang sa babaeng kaharap ko ngayon, parang kumikislit ang puso ko at gustong lumabas mula sa dibdib ko. Mas tamang sabihing may kakaibang epekto siya sa akin. Kung ano? Yun ang hindi ko alam, at ayoko ng alamin fahil mukhang NKKTKT!

"Sa wakas natatandaan mo parin ang pangalan ko. Akala ko tatawagin mo na naman akong Jueun, Juhun o Juyun." Tatawa tawa pa niyang sabi. Stop it! Wag kang tumawa plez! Your laugh is like music to my ear, at hindi ko yon nagugustuhan!

"Uhm, tara na?" Sabi ko kaya napatigil siya sa pagtawa at sumakay na sa passenger seat.

Habang byahe ay wala kaming imikan. Bigla akong nailang sa kaniya, natatakot akong lingunin siya sa tabi ko dahil alam kong magugustuhan ko ang makikita ko pero hindi ko magugustuhan ang kakaibang pakiramdam na idinudulot niya sa akin.

Hindi ko rin natiis ang sarili ko at sinulyapan ko siya at agad akong napangiti. She's sleeping like a baby, ang sarap ipinch ng nose niya. Nakaawag pa ang bibig niya, ang sarap tuloy...

Erase... Erase...

Ano ba naman to? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nakakatakot ang ganitong pakiramdam, but somehow, I like it! I really do! Sinulyapan ko uli siya at hinaplos ang pisngi niya, and then again, i smile.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎