CHAPTER 28

LOVE IS...

Seulki's POV

"Hello, big sis?" Masayang bati ni Seulgi sa kabilang linya.

"Oh hi. How's your vacation?" Pinilit kong pasayahin ang boses. Ayokong mahalata niyang may dinaramdam ako.

"Okay naman. Nag enjoy kami. Lalo na yung dalawang itlog. Hayun nga at hinatid ko sa airport. Ayaw pa sanang umuwi." Tatawa-tawa pa nitong pagkwekwento.

"That's good. How about si nanay? Kamusta siya?" May mga pagkakataon talaga na namimiss ko na si nanay. Lalo pa ngayon. Ni wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.

"She's doing fine. Nawiwili sa ballroom." Sagot nito. I assume that she's driving dahil Naririnig ko ang ingay ng mga sasakyan sa background niya.

"Si besty, kamusta? Nagkakasundo na ba kayo? O puro away na naman." Tumahimik siya sa tanong na iyon.

Narinig ko ang buntong-hininga niya saka muling nagsalita.

"Seulki?" Seryoso ang boses niya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ako sanay na ganito siya. "I have something to tell you." Oh my! Don't tell me may kapalpakan na naman siyang ginawa!

"Ano yun?" Kinakabahang tanong ko.

"I'm inlove." Sa sinabi niya ay napatawa ako ng malakas.

Hay! Akala ko naman kung ano na! Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman pala problema ang dala niya.

"And who's the unlucky girl?" Pang aasar ko pa sa kanya. Hindi ko naman problema kung inlove siya. Lahat naman ay may karapatan doon. Pero syempre mas magiging maayos ang lahat kung matatapos muna namin ang plano bago siya pumasok sa isang relasyon.

"Make sure na hindi siya makakahadlang sa mga plano-"

"I'm inlove with your bestfriend." Sa sinabi niya ay napatigil ang pagsasalita ko.

"What??" Nabingi yata ako sa narinig ko. Hindi totoo ito! Mali ang narinig ko!

"Kami na ni Irene, Seulki."

"WHAT??" Lalong napalakas ang boses ko. At malinaw na sa pandinig ko ang mga sinabi niya.

She's inlove with Irene? At sila na daaawwww? Please...gisingin niyo ako sa panaginip na ito!

"I'm sorry, Seulki. I tried to supress it but I can't!" Halata ko ang paghihirap sa boses pa lamang niya.

"Oh My God, Seulgi! Alam mo ba 'tong pinasok mo?" Natataranta ko ng sabi. Paikot ikot ako kahit wala naman talaga akong direksyon.

Hindi na ba matatapos ang komplikasyon na to? Hindi pa nga ako tapos sa isa, meron na naman! Ahhhhhh!!!!!!! Nasubunutan ko na naman ang sarili ko sa sobrang frustration.

"Alam ko at sa totoo lang... ayoko ng lumabas." Napaupo ako dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang narinig na ganito kadesperada si Seulgi at masasabi kong inlove na nga siya. Hindi na siya nakakapag isip ng matino. Mas pinapairal niya ang puso niya.

"Pero Seulgi, ikaw ay ako ngayon. Hindi mo ba naisip na ang pangalan ko ang minamahal niya at hindi ikaw?" Tumahimik muli siya habang naghihintay lamang ako ng mga sasabihin niya.

"Handa akong maging ikaw habang buhay, Seulki."

"Are you kidding me?!" Hindi ako makapaniwalang si Seulgi ang kausap ko ngayon. Ang playgirl at walang puso sa babaeng si Seulgi. At ang isa ko pang hindi mapaniwalaan ay kung paano nainlove ang straight na si Irene sa kanya. Ngayon ako naniniwalang gender bender nga ang kapatid ko.

"Maiintindihan mo rin ako kapag nagmahal ka na." Naisip ko si Juhyun dahil sa sinabi niya. Ngayon ko napatunayan na walang imposible sa love. Maging ako kasi ay naibend na ng love na yan. Lareho na kami ngayon ni besty, baluktot. Sigh.

"Paano nga ba malalaman kapag nagmamahal ka na?"  Biglang lumabas sa bibig ko na narinig pala ni Seulgi. 

"Masaya ka kapag kasama mo siya." Pakiramdam ko ay nakangiti siya ng sabihin  niya iyon.

"Kapag ba gusto mong makita siya palagi?" Tanong ko. Dahil sa totoo lang. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Simula ng araw na nasaktan ko si Juhyun ay hindi na siya nagpakita sa akin. At aaminin kong hinahanap ko ang presence niya. Ang pag aalaga, ang kakulitan niya. Ang mga ngiti at magagandang mga mata na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Namimiss ko na siya.

"At kapag nawawala ang tampo mo satwing yayakapin ka niya." Dugtong pa nito. Mukhang iniimagine si Irene.

"Kapag ba hindi mo kayang makitang umiiyak siya?" Naalala ko na naman ang pag iyak niya at ang sandaling pagwasak ko sa puso niya.

"Kapag handa mong gawin lahat para sa kanya." Seulgi.

"Kapag nagseselos ka?" Minsan ay naramdaman ko na ito. Noong hinihintay ako ni Juhyun sa resto. Naabutan ko silang nagtatawanan ng isang lalaki, classmate daw niya. Hindi ko alam kung sumapi ba and demonyo sa katawan ko kaya nag init ang ulo ko. At ngayon ko lang narealize kung bakit? Nagseselos ako. Aminin ko man iyon o hindi.

"Are you inlove big sis?" Tanong niya na ikinabigla ko. Kaya hindi kaagad ako nakasagot.

"Tama ako. Inlove ka nga." Hindi na iyon patanong kundi statement. "And who's the unlucky guy?" Pang aasar din niya sa akin.

Mapait akong ngumiti saka sinagot ang tanong niya. "It's Juhyun and she's the unlucky girl." Halos ibulong ko na iyon pero talagang matalas ang pandinig ng kapatid ko.

"Huwwwaatt?" Napalakas ang boses niya kaya nailayo ko ang phone sa tenga ko. Feeling ko ay nabasag ang eardrum ko.

"And she's the twin sister of Irene."

"HUWWWAATT?" Feeling ko ay lumuwang ng husto ang bibig niya at nanlaki lalo ang mga mata niya. "Paanong- Oh !" Hindi na nito nadugtungan ang sinabi. Mukhang may nangyari sa kanya sa kabilang linya.

"Hey Seulgi? Are you okey?" Nag aalalang tanong ko.

"I'll call you later." Nagmamadali niya akong binabaan ng phone.

Tss! Wala talagang manners!

"Seulgi." Napalingon ako sa nagsalita.

Narinig ba niya ako? Namumutlang tanong ko sa sarili. Bahagya akong ngumiti para pagtakpan ang kaba.

"Dadiyo." Humalik ako sa pisngi niya.

"What's bothering you?" Napatigil ako sa sinabi niya.

"Nothing." Buntong-hininga sabay upo.

"Here." Tiningnan ko ang iniaabot niya. Salamin iyon. Kinuha ko iyon na nangungunot ang noo. "Look at yourself." Umupo rin siya sa tabi ko. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. "Ganyan ba ang walang problema?" Nakita ko ang sarili ko sa salamin. Malaki ang eyebags ko. Walang glow ang mga mata ko. Mababakas ang lungkot sa mga ito. "Is it about Juhyun?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya ng diretso. At hindi pa ako nakakapagtanong ay sumagot na kaagad siya.

"Tatay mo ako. You can tell me everything." Ewan ko pero sa mga salita niya ay parang may ipinapahiwatig siya.  Panahon na kaya na sabihin ko sa kanya ang totoo?

Erase... Erase...

Hindi pa tapos ang mga plano namin lalo na't mukhang ayaw ng bumalik dito ni Seulgi.

"Mahal mo ba siya?" Walang pag aalinlangan akong tumango sa tanong na iyon.

"Alam ba niya?" Iling naman ang isinagot ko this time. Natawa naman siya dahil doon. "Bakit mukhang bumabagal ka ha dude?" Akbay niya sa akin. "I'll help you to court her." Bulong pa niya.

"Hindi na siguro Dad. May nagawa akong mali sa kanya. For sure hindi na niya ako mapapatawad." Heto na naman ang pamimigat ng dibdib ko satwing maiisip si Juhyun.

"Mahal ka ba niya?" Dadiyo.

"Sabi niya." Nakayuko ko ng sagot.

"Kung mahal ka niya, mapapatawad ka niya." Napatingin muli ako sa kanya. "Fight for her. Wag mong gayahin ang pagkakamali ko noon." Nacurious tuloy akong malaman kung anong pagkakamali ang nagawa niya. About ba ito sa kanila ni nanay? Pero bakit mukhang magkaiba ang story nilang dalawa.

"Anong ibig mong sabihin, Dad?"

"Wag kang matakot sumubok. Mahalin mo siya hanggat nararamdaman mo iyon. Kung masaktan ka man atleast, sinubukan mo." Pagkasabi niyon ay tumayo na siya at iniwan ako roon.

At habang nakasunod ako ng tingin sa kanya, isang bagay ang pumasok sa isip ko.

Fight for your love. Then, I smile.

Irene's POV

Nasa harapan ako ng salamin habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon. Sisiguraduhin kong ako ang magiging pinaka maganda sa paningin ng girlfriend ko. Napangiti ako dahil sa magkahalong saya at kilig. Sino ba namang mag aakala na maiinlove ako... sa babae... at sa bestfriend ko pa. Yes, komplikado ang pinasok namin. Dahil kapag nagkamali kami, baka pati friendship namin ay mawala. Kaya sisiguraduhin namin na kung magkakaproblema kami ay aayusin namin iyon kaagad. I can't afford na mawalan ng bestfriend and girlfriend at the same time.

Heto nga at nagprepare ako ng dinner para sa kanya. Dinner with candle lights iyon kaya sure akong magugustihan niya. Ito ang magiging first dinner date namin bilang mag on. And I'm so excited.

Pagkatapos kong magprepare ng food. Na sinadya kong pag aralan para maipagluto siya ay nag ayos na ako ng sarili. Simple lamang ang suot ko sa gabing ito. Sabi ni Seulki ay mas nagiging attractive daw ang babae kung simple lamang ito. Nag apply lang ako ng face powder at konting wisik ng perfume. Nag pony rin ako ng buhok. Mas gusto ni Seulki na nakikita niya ang nape ko dahil mas sumeseksi raw akong tingnan. Say?? Hahaha

Napansin ko rin ang napakadaming pagbabago nito. Pakiramdam ko nga ay hindi na siya si Seulki. Pero hindi ko na lamang iyon binibigyan ng atensyon. Sa katunayan ay mas napapamahal pa ako sa kanya dahil sa mga pagbabagong iyon.

Wala pa ring nakakaalam ng relasyon namin bukod kay Joy at Amber. Tanggap naman ito ng dalawa.

Nakakamiss tuloy sila. Sa konting panahon ay napalapit na ako sa barkada ni Seulki na nakilala nito sa London.  Ngayon nga ay kakahatid lang sa kanila ni Seulki sa airport. Hindi na ako nakasama dahil nag prepare pa ako para sa dinner namin ni Seulki. Sinabi niyang dito siya mag didinner at konting minuto na lang ay siguradong  darating na siya.

Sinindihan ko ang inihanda kong candles saka ini-off ang main switch ng ilaw.

It's exactly seven in the evening kaya napatingin na ako sa pintuan at nakahanda na ang aking sparkling smile. Lol

Matyaga akong nakaupo habang nakatingin pa rin sa may pintuan.

15 minutes ang lumipas hanggang sa maging 30 minutes.

I'll just wait patiently. Anytime ay darating na siya. sabi ko sa sarili.

Hanggang ang 30 minutes ay naging isang oras.

....Dalawa

....Tatlo

....Apat

Nangako siya kaya darating siya. Pangungumbinse ko sa sarili.

Pinalitan ko na ang kandila sa table dahil natunaw na ang mga iyon. Muli akong naghintay pero malamig na ang mga pagkain ay wala pa ring lumilitaw kahit anino man lang ni Seulki.

Waiting is pissing me off!

Again, I glance at my watch.  It's 11 o'clock in the evening. Pinaghintay niya ako ng ilang oras. Ni walang text o tawag!

Ano ba naman yan! Wala pa kaming weeksary, problema na kaagad! Mahal niya ba talaga ako o nadala lang siya sa sitwasyon? Sa isiping iyon ay muling tumulo ang luha ko. Luha na ewan ko kung bakit kapag siya ang dahilan ay ang dali-daling pumatak.

Sa unang pagkakataon ay sumira ito sa pangako. Kung kailan pa may relasyon na kami. Hays..

Seulgi's POV

Dinukot ko mula sa bulsa ang duplicate key ng condo ni Irene. Buti na lamang at ibinigay niya ito sa akin. Nang mabuksan ang pinto ay dahan-dahan akong pumasok. Agad ko din naman iyong isinara pagkatapos i-on ang switch ng ilaw.

Papunta na ako sa room ni Irene ng mapansin ko ang nakahandang pagkain na hindi pa nababawasan. Pati na rin ang mga kandilang natunaw na.

Hinintay niya talaga ako. Para bang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko sa isiping iyon.

Dali-dali na akong nagpunta sa kwarto ni Irene. Pinihit ko ang door knob saka napangiti ng mapansing hindi iyon naka lock.

Pagbukas ko niyon ay nakita ko kaagad siya na nakahiga sa kama. Nakatagilid siya sa kabilang bahagi ng kama kaya likod niya ang napagmasdan ko. Hindi na rin siya nakapagpalit ng damit pantulog dahil sa paghihintay sa akin.

Dahan-dahan akong sumampa sa kama saka humiga para iback hug siya. Mahihinang hikbi ang narinig ko ng yakapin ko siya. Gising pa pala siya at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.

"Babylove?" Niyakap ko siya ng mahigpit saka bumulong sa tenga niya. "I'm sorry." Pero hindi pa rin siya umiimik. "Babylove,  sorry for keep you waiting." Sincere kong paghingi ng tawad.

"O-Okay lang..." Sinisinok na ito sa kaiiyak at parang pinipiga ang puso ko dahil doon. "I know I'm not your priority."

"Don't say that please. Alam mong importante ka sa akin."

"Sana man lang nagtext o tumawag ka." Patuloy pa rin ang pag iyak niya. Mas niyakap ko siya at hinalikan ang buhok niya.

"Tatawagan na sana kita kaya lang ayokong mag alala ka pa."

"Bakit? Anong nangyari?" Bumaling na siya sa akin kaya nakita ko ang pamumugto ng kanyang mga mata.

"Nakabangga ako." Pabuntong hiningang sagot ko.

"Ano?!" Napabalikwas ito ng bangon. "Nasaktan ka ba?  Anong masakit sayo?" Tiningnan nito ang mukha ko at mga braso kung may natamo akong sugat.

"Okay ka lang ba babylove?" Umupo na rin ako sa kama at hinawakan ang dalwang kamay niya. 

"Nagmamadali ako na makarating dito kaya hindi ko namalayan na may papatawid."

"Kamusta na siya?"

"May fracture ang kaliwang braso niya at may mga galos din siya." Hinalikan ko ang kamay ni Irene na hawak ko pa rin. "Sorry talaga babylove."

"I should be the one to say sorry. Dahil pinagdudahan ko ang feelings mo para sa akin." Sabay yakap niya sa akin.

"Babawi ako, pangako yan." Nakangiting sabi ko bago punasan ang mga luha sa pisngi niya. "Sa ngayon ay kailangan ko munang umuwi." Tatayo na ako ngunit agad akong pinigilan ni Irene.

"Dito ka na lang matulog kung gusto mo talagang makabawi."

"Pero babylove, hindi magandang tingnan na-"

"Noon naman kahit araw-araw nag ssleep over ka dito." Pagmamaktol pa nito sabay tayo.

"Babylove,  iba na yung sitwasyon ngayon. Girlfriend na kita." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Tumayo na rin ako pero tinalikuran lang niya ako na siyang dahilan nang pag back hug ko sa kanya.

Hanggat maari ay ayokong tumabi sa kanya sa pagtulog. Ayokong magkasala lalo pa at may karapatan na ako dahil girlfriend ko na siya.

"Kahit ngayon lang ay hindi mo pa ako mapagbigyan." Pagtatampo pa rin nito. "Promise, I'll behave." Baling na nito sa akin.

"Promise?" Natatawa kong tanong. Noon kasing nasa province kami ay gustong-gusto niya akong inaakit. Buti na lamang at malakas ang self control ko. Kung hindi ay malilintikan ako kay Seulki.

"Promise!" Itinaas pa nito ang kanang kamay bago ako bigyan ng isang smooch na lalo kong ikinangiti.

"Sige, payag na ako pero doon ako matutulog sa couch."

"What? Babylove naman."  Reklamo nito sa sinabi ko. "I told you, I'll behave." Lumambitin ang dalawa niyang kamay sa leeg ko.

"I'm just joking." Natatawa kong sabi sabay pinch ng ilong niya.

"Hmp! Pakipot ka pa dyan!" Nakurot niya ako sa tagiliran. Hinalikan ko ang tip ng ilong niya saka ako tatawa-tawang nagpunta ng banyo para makapag shower. May mga damit naman doon si Seulki kaya hindi ko proproblemahin ang maisusuot. Paglabas ko ng banyo ay nakapagpalit na rin siya ng pantulog. Hihiga na sana kami ng biglang kumalam ang mga sikmura namin. Sabay kaming napatawa saka nagtungo sa kitchen para initin ang niluto niya. Nang makakain ay nagkulitan pa kami ng konti saka nakatulog ng magkayakap.

Irene's POV

Nasa byahe na kami papuntang hospital. Bibisitahin namin ang babaeng nabangga ni Seulki nakiusap siya na sa condo muna titira ang babae dahil wala itong pamilya sa Pilipinas. Pansamantala lamang iyon habang nagpapagaling ito. Noong una ay nag dalwang isip pa ako.  Paano kung masamang tao ito o hindi mapapagkatiwalaan? Pero napapayag din ako para na rin may makasama ako sa condo at sa kagustuhan na rin ni Seulki.

Nang makarating kami sa hospital ay nauna na siyang pumasok sa kwarto kung saan naroon ang babae. May handa na akong ngiti bago pumasok sa kwartong iyon ngunit sa isang kisapmata ay napalitan ng galit ang kaninang nakangiti kong mukha.

"I-Ikaw?!" Para akong natulos sa kinatatayuan nang makita ang babaeng nabangga ni Seulki. Sa pag titig ko sakanya ay muling nanariwa ang poot sa puso ko.

"I-Irene?" Paninigurado ng babae. Nabigla rin ito sa pagkikita naming iyon. Pinipilit nitong makatayo upang lapitan ako ngunit hindi ko pahihintulutan mangyari iyon. "An--" Mabilis akong lumabas ng kwarto dahil anytime ay sasabog ang galit ko.

Paglabas ko sa hospital ay nakasunod na sa akin si Seulki. "Babylove?" Takang-taka ito sa ginawa kong pagwawalk out.

"Iyong babae sa loob..." Tumingin ako ng diretso sa kanya. Hindi niya alam ang nakaraan ko at siguro ay panahon na para malaman niya iyon. "Unfortunately... she's my m-mother." Doon na ako napaiyak. Sa loob ng ilang taon ay muli kaming nagkita ng babaeng nagpabaya sa akin. Nang babaeng gusto ko ng ibaon sa limot.

"I'm sorry. H-Hindi ko alam." Niyakap niya ako para pagaanin ang loob.

"Bumalik ka na sa loob. Magtataxi na lamang ako pauwi." Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya saka pumara ng taxi. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Hindi ko na rin siya nagawang sulyapan. Ayokong makita niya ang pag iyak ko. Ang pagiging mahina ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎