CHAPTER 14
LOVE IS...Irene's pov
"Good morning ma'am Irene." Bati sa akin ni Joel. Tinanguan ko lang saka nagtuloy sa office. Civil lamang ako sa mga tauhan ko. Ayokong maging close sa kanila. Dahil alam kong iyon din ang maaring maging dahilan para gumawa sila ng masama sa akin. What i mean is, I'm not a typical boss na magiliw sa mga tauhan niya. Superior nila ako kaya gusto kong tratuhin nila ako sa ganoong paraan. Unlike Seulki. Ginagawaniyang kaibigan ang mga tauhan namin which is i hate the most.
I rolled my eyes.
Seulki again!
Watta morning!
Umupo na ako sa pwesto ko at nagsimulang magtrabaho.
Maya maya ay may narinig akong katok. Si Seulki siguro.
I glance at my wristwatch. She's 30 minutes late.
"Come in." Habang nakatutok na ang mata ko sa mga papeles na nasa table. Hanggat maaari ay ayaw ko siyang tingnan. Kaya nga hindi na naman ako pumasok ng dalawang araw mula ng magtalo kami. Gusto ko sanang wag naring pumasok habang buhay pero paano naman ang flower shop. Hindi ko naman pwedeng ipagpasa walang bahala ito.
"Ma'am may nagpapabigay po." Napatunghay ako. At automatic na napasimangot ng makita ko ang pumasok roon. Its Joel at hindi ang taong inaasahan ko.
"Who's the sender?" Seryoso kong tanong. Ngumiti siya saka inilapag ang dala dala.
"Hindi ko po kilala ma'am." Kumunot ang noo ko. Obvious na nagsisinungaling siya.
"You can leave now." Seryoso ko pa ring utos. Ano bang napapala nila sa pagsisinungaling? Ikakayaman ba nila iyon? Tss!
Tiningnan ko ang iniwan niya sa table ko. Breakfast yon. Paano nalaman ng sender na hindi pa ako nagbebreakfast?
Next kong tiningnan ang bouquet na naroroon. It's a blue rose. Nakita ko rin ang pagkakaarrange ng bouquet. Pangit. Hindi siguro professional ang gumawa. I wonder kung saan nag order ang sender.
Turn off!
Wait, it seems familiar.
Kinuha ko ang note na naroon kahit alam ko naman kung anong nilalaman niyon. For sure, mga matatamis na salita at tanong kung pwede ba akong makipagdate.
What's new? Sanay na ako sa mga ganitong gesture.
'I don't know quite how to make things better between us. I can start by saying I'm sorry. I know i have some mistakes. You can hit me, scold me, torture me. But please after that, can you come with me and have dinner together? Smile at me and I'll consider it as a "yes".'
-Seulki<3
Napatakip ako ng bibig ng matapos kong basahin ang letter na iyon.
Ohmeged! I'm so kinikilegggs to the nth power!
Gusto kong tumili pero hindi ko magawa baka marinig ako sa labas. Kaya pala familiar ang pagkakaarrange niyon. Lalo akong nakaramdam ng kilig ng maisip kong siya ang gumawa nito. Ganito siguro ang feels ni floral girl ng lumapit sa kaniya si Seulki at ibigay ang order nitong bouquet. Tama siya, wala na yatang mas gaganda pa sa mga bulaklak na ito. Siguradong kung nakahiga ako sa kama ay nakataas na ang dalawa kong paa at nagpapapadyak sa sobrang kilig.
Kaya ba hindi man lang siya nagpaparamdam o humingi ng sorry sa nakalipas na dalawang araw? Kung alam ko lang na may ganito siyang pasabog, sana hindi na ako nag absent.
Hindi mawala wala ang ngiti ko. Busog na ako kahit hindi ps naman ako nakakapagbreakfast. Hihintayan ko nalang siya para sabay kaming mag almusal.
Ang tanong, papasok kaya siya? Baka busy siya para paghandaan ang dinner date namin.
Date daw oh...
Eeeeeee... I'm so kinikilig talaga.
STOP!
Kailan pa ako naging ganito? Don't tell me may kung anong lesbian alien ang sumanib sa akin? Oh my! What am I going to do?
Ipinilig ko ang ulo.
Erase... Erase...
Hindi ako dapat kinilig! At sa best friend ko pa!
No.
No.
No.
Napatingin ako sa note na nasa harapan ko.
-Seulki<3
Waaaaaaaaaaahhh.
I'm saree, but i can't help it. Lalo na yung heart sa name niya. Enebe. Bakit kasi may ganun pa?
Knock.
Knock.
Napatingin ako sa direksyon na pinto. At agad akong napatungo ng si Seulki ang iniluwa niyon.
Ohmeged! Anong gagawin ko?
Agad kong iniligpit at inilagay sa isang upuan ang bouquet at note.
"Hi, good morning!" Narinig kong bati niya.
My heart please wag ka munang makisabay!
Act normal irene! Act normal!
Tumunghay ako sabay tango. Hindi ko hahayaang magtama ang mga mata namin. Dahil sigurado akong ipagkakanulo ako ng mga matang ito.
"Here... Ipinagtimpla kita ng coffee." Ibinaba nito ang cup ng coffee sa table ko kaya naangat ulit ako ng tingin.
Then nagtama ang mga mata namin.
1s
3s
5s
7s
10s
1h
Choz!
"Nakalimutan ko kasing mag add ng coffee nang umorder ako niyan." Nguso nito sa breakfast na naroon pa rin pala sa table ko.
Damn you, my beautiful brain!
"Uhm... T-Thanks." Sabay balik ko sa ginagawa. Naramdaman ko na naman na pumunta na siya sa table niya.
Wala kaming imikan habang nasa office hanggang maramdaman ko ang pagkagutom. Inalok ko siyang kumain pero tumanggi siya. Oh well, okay na rin yon dahil siguradong hindi ako makakakain kung nasa harapan ko siya.
Nang pumatak ang tanghalian ay nagpaalam siya na maaha half day. Pumayag ako at least nagpapaalam na siya ngayon di ba?
Pero bago siya umalis, pumunta siya sa harapan ng table ko at umupo sa upuang naroon.
"Irene." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may iba't ibang hayop ang tumatakbo sa dibdib ko. Naappreciate ko kung gaano kaganda ang pangalan ko ng siya ang nagbanggit.
"Y-Yes?" Tanong ko pero nakatungo pa rin. Kunwari ay may ginagawa.
"Knock, knock." Napatunghay ako sa sinabi niya. Nangunot ang noo ko. Nagtatanong ang mga mata ko kung ano bang sinasabi niya.
Ngumiti siya sa akin.
Knock, knock daw eh. Sa tingin niyo papapasukin ko na ba siya sa puso ko?
"Hey, I'm trying to make a joke." Nakangiti niyang sabi.
Uh-oh. Akaka ko pa namsn kung anong knock knock yun. Slow Irene!
"Tiger, leon, pating, kambing."
"Tiger, leon, pating, kambing, who?" Naaamaze na tanong ko. May ganito palang side si Seulki? Cool.
"Ehem!" Tumikhim muna siya bago kumanta. "Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim. Tiger leo, pating kambing, di mo parin pansin~"
"Pfft... HAHAHAHAHAHAHA." Napahalakhak ako sa joke niya. Grabe ang lakas ng tawa ko. I dunno, pero kahit korni ang joke niya ay natawa pa rin ako. Siguro dahil masyado nang seryoso ang buhay ko. Kaya kahit korning joke ay ikinasaya ko na.
"So, it's a yes?" Napatigil ako sa pagtawa sa tanong niya. Nangunot na naman ang noo ko. Ngumiti naman siya.
'Smile at me, and I'll consider it as a "yes"'.
Nagblush ako ng maalala iyon. Hindi lang ako nag smile, i also laughed! Ganoon ba siya mag ask ng oo? Dinadaan niya sa joke? Wow, I'm impressed!
"Hey, its a yes right?" Pangungulit niya pa. Numingiti ako ng tipid saka tumango. Ayokong ipahalata sa kaniya na kinikilig ako. Kahit na yung puso ko ay tinalo pa ang smile ni McDonald's.
"YES!" Sabay tayo niya. Ngiting tagumpay. Nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya. At siguradong kung mananalamin lang ako ay ganoon din ang makikita ko sa mga mata ko. Para yong stars na naggo glow.
"Thanks Irene, so i have to go." Kinuha na niya ang bag niya.
Humalik siya sa pisngi ko bago siya umalis.
Napahawak nalang ako sa pisngi. Nag iinit ang pisngi ko sa halik na yon. Geez! Ano ba to'ng nararamdaman ko?
"By the way..." Mabilis kong naibaba ang kamay kona nakahawak sa pisngi ko ng dumungaw uli siya sa pinto. Mukhang may nakalimutan.
"Smile more often, mas gumaganda ka kapag nakangiti. See you later." Wink sabay sarado ng pinto.
1.2.3.4.5s,
Waaaaaaaaaahhh!!!
Ano ba naman yan! Naiihi na ako sa sobrang kilig!
Mas maganda daw ako kapag nakangiti. Juiceco! Alam kong maganda ako pero iba ang epekto sa akin nung siya ang nagsabi. Tunay at hindi pambobola lang.
What makes me confuse is madalas din naman iyon sabihin sa akin ni Seulki noon. Lalo na kapag siya ang nagme make up sa akin. Palagi niyang sinasabi na magkasing ganda kami. Na irresistible ang beauty namin. Pero bakit iba na ngayon ang epekto ng mga salitang iyon sa akin? Samantalang iisang tao lang naman sila.
O baka magkaibang tao sila?
Erase... Erase...
Nababaliw na ako!
Comments