CHAPTER 17

LOVE IS...

Irene's POV

Naranasan mo na ba yung pakiramdam na nasa langit ka pero hindi ka pa naman patay? Well ako, oo. I feel like I'm in heaven right now habang yakap-yakap ng nag iisang tao na pinapasok ko sa puso ko.. My very own bestfriend, Seulki.

Pakiramdam ko ay safe ako habang nakaback hug siya sa akin ngayon. First time niyang gawin ito kaya noong una ay nagulat pa ako. Ang lakas din ng tibok ng puso ko hanggang ngayon. Para iyong isang batalyon ng musiko na nagtatambol, nagtotorotot sa dibdib ko. Lol

Nang matapos kaming kumain ay nahiga kami sa unahan ng kotse niya. Tanaw na tanaw namin mula roon ang kalangitan. Ang bilog na buwan at napakaraming nagliliwanag na mga stars.

"Nag enjoy ka ba?" Napabaling ako sa direksyon ni Seulki. Nakatingin din pala siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Pwede mong ihanay ang mga mata niya kasama ng mga stars sa kalangitan. Nag goglow iyon.

"Super! Thank you for the surprise bes-Seulki." Maging ang eanderment namin ay hindi ko na din mabigkas lalo na't hindi lang yon ang gusto kong maging status naming dalawa. Pero ano? Ano nga ba ang gusto ko?

*Gusto kong maging akin siya.* bulong ng puso ko.

Handa na ba akong tawirin ang ilog at subukang languyin ang dagat? Handa na ba akong malunod kung sakaling tangayin ako ng alon? At ang malaking tanong, sasamahan ba ako ni Seulki sa paglangoy? Sasagipin niya ba ako o hahayaan niyang malunod?

I sigh.

"Oh para saan yon?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Masaya lang ako." Tipid kong sagot.

"Can I ask something?" Tanong muli niya. Tumango ako bilang sagot. "Paano kung makagawa ako ng kasalanan sayo, patatawarin mo ba ako?"

"Bakit? Gagawa ka ba ng kasalanan?" Natatawa kong tanong. Masyado kasi siyang seryoso.

"Gusto ko lang malaman. Tsaka paano kung magkalayo tayo? I mean.. hindi naman habambuhay magkasama tayo, di ba?" Nasaktan ako sa sinabi niya. So inaasahan niya talaga na magkakahiwalay din kami. Na hindi pwedeng habambuhay kaming magkadikit.

Hahaha.. How funny can I get!

Syempre nga naman magkakahiwalay din kami. Mag aasawa siya. Hindi naman pwedeng ako ang mas unahin niya kaysa sa asawa niya.

Heller! Bestfriend ka lang te!

Kung noon excited akong ikasal siya at maging maid of honor niya. Ngayon, gusto ko pa rin siyang ikasal pero mas gusto kong ako ang bride niya.

The realization hits me!

The reality that i Irene Bae, is lucky yet unfortunately inlove with my one and only bestfriend, Seulki Song.

Maswerte dahil mabuting tao ang minahal ko. At malas dahil ang mabuting taong minahal ko ay ang matalik kong kaibigan. Sabi nila mahirap ituring na kaibigan ang iyong kaaway, pero mas mahirap pa lang ituring na kaibigan ang siyang tunay mong mahal.

"Ang dami mo namang tanong." Pinilit kong ngumiti para pigilan ang nagbabadyang pag iyak. Ibinaling ko ang paningin sa kalangitan para hindi niya makita ang lungkot sa mga mata ko.

"Sagutin mo na lang kasi. Paano nga? Makakaya mo ba?" Pangungulit pa niya.

Kapag nagkalayo tayo para akong kalangitan sa gabing madilim, at ikaw naman ang stars na nagbibigay liwanag dito. Kung wala ka, mapupuno ng kadiliman ang mundo ko. Gusto ko sanang isagot pero iba ang sinabi ng bibig ko.

"Hindi ko alam kung makakaya ko. Maybe or maybe not. But one thing is for sure.." Tumingin ako sa mala anime niyang mga mata. "Malulungkot ako. Sobrang malulungkot ako, Seulki." Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Kung sana may super power lang ako para mabasa iyon.

Iniiwas niya ang paningin sa akin at ibinaling ito sa kalangitan.

"Malulungkot din ako." Pabulong niyang sabi kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. "Pwede ba akong humingi ng pabor?" Tumingin muli siya sa akin. Napatango naman ako.

*Anything Seulki. Wag ka lang aalis sa tabi ko.

"Pwede bang kapag 50 years old ka na mag asawa, para may 25 years pa akong makasama ka." Alam kong nagbibiro siya pero ang biro niya ang ikinasaya ulit ng mood ko.

"Oo ba! Kahit 100 years pa. Basta ba, ganun ka din." Masaya ko ng sabi. Tumawa naman siya. Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya. Parang hinehele ako niyon kung saan.

"Sige, deal yan! At dont worry, kapag wala ng gustong magpakasal sayo that time, ako na lang ang magpapakasal sayo." Sabi pa niya na ikinatigil ng pagtawa ko. Seryoso ba siya? Papakasalan niya ako?

Hays.

Para akong nasa isang roller coaster ride. Iba't iba yung feels!

"Handa naman kitang pagtyagaan." Natatawa pa niyang dugtong.

"Sira!" Pitik ko sa noo niya na lalo niyang ikinatawa. Lumapit pa ako at sumiksik sa leeg niya. Buti na lamang at hinayaan niya ako.

Naramdaman ko ang pagkabig niya sa braso ko para lalo kaming magkadikit. Nakaunan na ako ngayon sa braso niya habang nakatanaw sa kalangitan.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. I wonder kung naririnig niya iyon. Sana oo, para hindi na ako mahirapang sabihin sa kanya ang totoo. Na ang taong itinuring niyang matalik na kaibigan ay minamahal na siya mas higit sa inaakala niya.

Seulgi's POV

Pagkatapos kong ihatid sa condo si Irene ay deretso na akong umuwi. Naabutan ko si nanay sa may garden kaya lumapit ako sa kanya.

"Bakit nasa labas pa kayo, nay? Malamig na po dito." Naalala ko ang leather jacket kong suot. Hindi ko pala iyon nakuha kay Irene.

"Hinihintay kita, anak, at nagpapahangin na din." Sabi niya. Mukhang malalim din ang iniisip niya. Napansin ko yun bago ko pa siya lapitan kanina.

"Salamat, nay. Pasok na po tayo." Yaya ko sa kanya sa loob ng bahay. Tumalikod na ako para maunang pumasok nang magsalita siya kaya napatigil ako.

"Anak.." Bumaling ako sa kanya.

"Di ba madalas mong itanong sa akin kung nasaan ang damuho mong ama?" Lumapit ako sa pwesto niya at umupo sa tabi niya.

"Nasaan po siya?" Mukhang mag oopen na si nanay tungkol sa lovestory nila ni Dadiyo.

"Wag mo ng itanong." Nawala ang nagbabadya kong pag ngiti dahil sa sinabi niya. Bipolar yata tong nanay ko.

"Sige po, pasok na tayo." tumayo na ako dahil mukhang trip lang naman ako ng magaling kong ina.

"Hindi mo ba ako pipilitin?" O tingnan niyo. Gusto pa sapilitan. Pabebe!

"Nasaan po ba talaga si tatay?" Umupo ulit ako.

"Ewan ko." Hays. Sabihin niyo nga, bakit ko pa ba kinakausap ang matandang to? NKKLK!

"Bakit hindi po natin siya kasama?" tanong ko ulit baka sakaling sagutin na niya ng maayos.

"Ganito kasi yan anak.." Panimula niya. Oh wow! Mukhang nakauto ah.

"Magkasintahan kami noon ng iyong ama.." Malamang! Kaya nga ho kami nabuo ni Seulki! Alangan namang nirape kayo ni Dadiyo kaya kami nabuo. May pag ka ano rin tong nanay ko eh.

"Mayaman ako at mahirap lang siya kaya tutol ang mga magulang ko sa relasyon namin. At dahil pakiramdam namin ay "you and me against the world, nagtanan kami ng tatay mo.." Wow! May ganito pala silang peg. Langit ka at lupa ako.

"Kung saan saan kami napadpad anak para lang tumago sa lolo mo na walang tigil sa paghahanap sa amin. Hanggang sa magbunga ang pagmamahalan namin ng tatay mo.." Si abuelo pala ang puno't dulo ng lahat ng ito.

"Ano pong bunga? Mangga po ba o saging?" Pagbibiro ko pa.

"Saging anak.. Ay teka.." Tumigil siya sa pagsasalita. Ako naman ay hindi na napigilang mapatawa.

"Wag mo nga akong guluhin. Nagmana ka siguro sa ama mong gunggong." Gunggong? Di ba uri yun ng isda? Yung masarap iprito at isigang? Bakit naman inihalintulad niya kami sa isang isda? Sana man lang, goldfish, para sosyal.

"Ang tagal niyo naman po kasing magkwento." Nakakainip naman talagang magkwento si nanay. Excited na ako sa .

"Eto na nga oh.. wag ka ng umepal." Wow! Feeling bagets siya oh.

"Ang bungang sinasabi ko ay ikaw at ang kapatid mo."

Tumango-tango ako. Alam ko na yan, nay eh. Wala na bang bago?

Ayy teka, kunwari nga pala wala akong alam.

"Huwwwwaat?" Exagge kong react sabay tayo para kapani-paniwala. "Aray ko!" Binatukan niya ko ng berilayt lang naman.

"Late reaction ka! At pwede bang wag kang sumigaw, baka magising mo ang mga kapitbahay natin." Pinaupo niya ulit ako para patahimikin.

"May kapatid po pala ako?" Tanong ko ulit. Gusto kong malaman kung anong nasa isipan niya.

"Paulit-ulit? Unli-unli?" Hay.. Kundi ko lang to nanay, nabatukan ko na to ng wampipti.

"Nay naman.." Sabay kamot sa ulo.

"Oo sa katunayan, kambal kayo, anak." Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Oh bakit di ka nagrereact?" Grabe, hinintay niya talaga ang reaksyon ko ha.

"Sabi niyo po kasi baka magising ang mga kapitbahay." Kamot ko ulit sa ulo.

"Nagmana ka talaga sa tatay mo!" Aray! Binatukan na naman niya ako. Sadista ba si nanay kaya iniwan ni Dadiyo?

"Alam niyo po ba kung nasaan ang kapatid ko? Bakit po kami nagkahiwalay?" Sunod-sunod kong tanong nang makabawi sa pambabatok niya.

"Sandaling bata ka! Isa-isa lang, at matanda na ang kalaban." Tinakpan pa nito ang bibig ko. Nanay ko ba talaga to? Parang kapatid lang niya akong tratuhin eh.

"Ganito kasi yan.. nahanap kami ng lolo mo. At Dahil mahirap lang ang buhay namin noon ng ama mo, siya ang nagbayad sa ospital para makalabas tayo. Dahil na rin sa hindi namin kayo kayang tustusan ng ama mo, kinuha ka ng lolo mo at naiwan sa amin ng tatay mo ang kapatid mo. Pero hindi nakuntento ang lolo mo, gusto niya akong isama at ang kakambal mo, kaya napagdesisyunan namin ng ama mo na ilayo muna si Seulgi..." Tumango-tango ako. Para ngang naiimagine ko pa ang peg nila na "you and me against the world".

"Napag usapan namin na itatakas kita kapag bumalik ako sa magulang ko. Habang nasa ama mo si Seulgi, gumagawa naman ako ng paraan para maitakas ka. Lihim kaming nagkikita noon sa aming tagpuan." Pabulong pa nitong sabi ng huling salita. Feeling naman niya may makakarinig pa sa amin.

"Saan po ang tagpuan niyo?" Nacurious akong bigla. Wag kayong ano! HAHAHAHA

"Sa dami kong sinabi, yan ang itatanong mo?" HAHAHAHA. Natatawa ako sa itsura ni nanay. Nakasimangot siya. Hindi siguro inaasahan na iyon ang itatanong ko. Bakit, may sense naman ah?

"Noong apat na taon kayo, nagawa kong itakas ka." Pagpapatuloy pa nito.

"Bakit ang tagal bago niyo ako naitakas?" Umabot ng taon bago nila nagawa ang plano nila. Samantalang yung paggawa nila sa amin, ilang minuto lang. Matinde!

"Wag ka ng magtanong, basta ganyan ang istorya." Pakumpas-kumpas pa nitong sabi. Kulang na lang watawat, pwede na akong kumanta ng Lupang Hinirang.

"Nang gabing iyon ay may usapan kami ng ama mo na magkikita sa aming tagpuan, sa tulong na rin ng ninong Jologs mo."

"Jologs po?" Ulit ko.

"Jolo, bingi!" sigaw niya sa tenga ko. Aww! Nabasag na yata ang eardrum ko. Jologs naman talaga diba? 

"Tapos po?"

"At..at..at.." sisinghot-singhot niyang sabi. Ang kulit kasi. Sinabi ng pumasok na at malamig dito sa labas. Sinipon tuloy siya.

"At ano po?" Kukuha na ba ako ng kumot at unan? Baka kasi dito na kami matulog sa tagal magkwento ng magaling kong ina.

"Wag ka ngang magulo. Kita mong nageemote pa ako oh." Hindi na lang ako umimik. Pinagbigyan ko na siyang mag emote baka sakaling manalo sa FAMAS.

"At..at..at..huhuhu.." Wow! Umiiyak na ngang  tunay.

"Nay, tahan na po.." Hagod-hagod ko ang likod niya habang inaalo siya.

"Wag ka sinabing magulo dyan! Hindi mo alam ang pakiramdam ng taong hindi sinipot sa usapan!" Paghihisterikal pa nito.

"Hindi po kayo sinipot ni tatay?" Napalayo ako ng konti sa kanya.

"Oo! At isinama pa niya ang kapatid mo! Inilayo niya sa akin si Seulgi!" Parang bata siyang nagsusumbong sa akin. Ang cute ni nanay.

"Waaaaaaaaaaahhhh.." Atungal na naman niya. This time, mas malakas na. Pwede na nga siyang pumalit sa wangwang ng pulis. Ambad ko ba?

"Nay, wag po kayong maingay. Baka po magising ang kapitbahay." Sita ko sa kanya. Kung umatungal kasi daig pa ang nanganganak na baka.

"Walakompake! Huhuhuhu." Abat! Pabebe na naman oh. Kapag ako ang mag iingay todo saway, kapag siya ayos lang kahit ang katabing barangay ang mabulabog!

Seseryosohin ko na siyang  kausapin ng matapos na ito.

"Baka naman po may dahilan si tatay kaya hindi niya kayo sinipot. At bakit po hindi niyo sila hinanap?" Iyon talaga ang malaking tanong na gusto kong mabigyan ng sagot.

"Paano mo hahanapin ang taong pinagtataguan ka, ha?" Tulo uhog niyang sabi. Joke lemeng.

"Pinagtataguan po kayo ni tatay?"

"Hindi ko alam!vItanong mo sa kanya!"bBulyaw niya sa akin. Bakit ba pati ako nadadamay sa galit niya kay Dadiyo.

"E nasaan po ba si tatay?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

"Ewan ko!"cAt ayun na naman ang sagot niya. Sabi ko nga, wag ng magtanong eh.

"Gusto niyo po bang makita ang kapatid ko?" Ang kulit ko din no?

"Oo anak. Gusto ko siyang mayakap. Gusto kong malaman niyang mahal na mahal ko siya kahit hindi kami nag kasama." Natats naman ako sa sinabing iyon ni nanay. Ramdam ko iyon kaya napangiti ako.

"I am sure, she feel the same way too, nay." Niyakap ko siya.

"Pero paano kung hindi niya ako matanggap? Dahil hindi naman ako naging "ina" sa kanya." Siya naman ang nagtanong. Nagsawa na sigurong sumagot.

"Pero naging mabuti kayong ina sa akin. Pinalaki niyo ako ng maayos. Kaya alam kong maiintindihan niya." Naiintindihan ko nay. Kung pwede ko lang aminin sa inyo ang lahat. Sana lang ay maintindihan niyo kami ni Seulki kung bakit namin ito ginawa.

"Sana nga, anak.. Ano na kayang itsura ng kapatid mo ngayon?" Napangiti ako sa tanong niya. Kung alam niyo lang nay. Pogi pong lumaki ang anak niyo.

"Nay.. Pinaharap ko siya sa akin. Tingnan nyo po ako.Ganyang ganyan ang itsura niya ngayon." Turo ko pa sa sarili kong mukha.

"Paano mo nalaman?" kunot-noong tanong ni nanay.

"Nay, kambal ho kami sa istoryang ito." Aray ko! Nabatukan na naman niya ako. Masakit yun ah! Totoo naman di ba?

"Hindi yan ang ibig kong sabihin. Ibig kong sabihin, kung nasa mabuti ba siya? Kung nakapag aral? Ano kayang propesyon niya? Ano kayang paborito niyang kainin? Ni hindi ko man lang naipagluto ang anak kong yon. Huhuhuhu." Niyakap ko siya ng makita kong umiiyak na naman siya.

"Maswerte siya, nay. Dahil may isang inang katulad mo na nag aalala at nagmamahal sa kanya kahit na hindi natin siya kasama." Totoo yun. Maswerte pa rin ako dahil alam kong may mabait akong ina. At si Dadiyo, sige na nga. Mabait na rin siya.

"Pasok na po tayo." Yaya ko sa kanya. Bago siya tumayo ay ginamit niya munang pamunas ng sipon niya ang damit ko.

Yucks! Bakit ko ba naging ina to?

"Goodnight, nay." Sabi ko ng makapasok na kami sa kwarto niya.

"Goodnight, anak." Sabay halik niya sa noo ko. May sipon pa yata siya. Hayae na nga. Haha Lalabas na ako ng kwarto niya ng may maalala.

"Nay.." Pukaw ko.

"Bakit, anak?" Itinigil niya ang paglalagay ng comforter sa kama niya.

"Paano po kung lumaki si Seulgi na hindi katulad ng inaasahan nyo?" Mahalagang malaman ko kung anong masasabi niya sa ual preference ko.

"Anak, kahit pa siguro kidnapper, drug addict o killer ang kapatid mo, tatanggapin ko pa rin siya. Hindi dahil malaki ang utang ko sa kanya, kundi dahil anak ko rin siya. Anak ko din si Seulgi." Sa sinabi niyang iyon ay gumaan ang pakiramdam ko. Kidnaper ,drug addict, at killer. Lahat iyon ay kasalanan. At hindi kasama roon ang pagiging isang lesbian. Kahit kailan ay hindi ko itinuring na kasalanan iyon. Walang ginawang mali si God. Ginawa niya ako, ibig sabihin hindi ako mali. Hindi ako kasalanan.

"I love you, nay." Sabay halik ko sa noo niya.

"Mahal din kita, anak. Kayong dalawa ng kapatid mo." Napangiti ako saka tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Masaya ako. Sa wakas ay nag open na si nanay sa akin. May maganda akong maibabalita kay Seulki. At para mapilit na rin niya si Dadiyo na sabihin ang side nito. Para matapos na rin ang pagpapanggap namin.

Matapos.

Gusto ko na nga bang matapos?

Humawak ako sa tapat ng puso ko.

*Hindi pa.*bulong ng puso ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎