CHAPTER 27

LOVE IS...

Seulki's POV

Nakatulugan ko na ang nararamdamang inis kay Juhyun. Nagising ako na madilim na sa labas. Dinner na pala, kaya pala kumakalam na ang tyan ko.

Bumangon na ako at inayos ang sarili saka bumaba. Panay ang sulyap ko sa paligid nang makababa na ako.

"Are you looking for me?" Isang seductive na boses ang bumulong sa akin. Halos magtayuan ang balahibo ko dahil doon. It's Juhyun. Iba na ang suot niyang damit. Marahil nakauwi na siya kanina at bumalik lang para kulitin na naman ako.

"Nandito ka na naman?" Umiwas ako ng tingin at dumiretso sa kitchen para kumuha ng tubig. Pakiramdam ko ay matutuyuan ako ng dugo sa kemerlut na to!

"No. Hindi pa ako umuuwi mula kanina." Nakasunod na siya sa akin. So,nagdala pala siya ng damit? Girl' scout! I smirk.

"Why don't you bring your things here? Or live here,instead." Note with sarcasm.

"Talaga?" Nangislap ang mata nito sa sinabi ko. I rolled my eyes. Ambilis maniwala, kaya ambilis maloko! Tss!

Imbis na sagutin ang tanong niya ay tinawag ko na lamang ang cook. "What's for dinner?" Hindi pa ito nakakapagsalita ay naunahan na kaagad ni Juhyun.

"It's adobo. Your favorite." Sabay wink. Nauna na akong maupo sa hapag. At gaya ng mga naunang araw, siya na naman ang nagseserve sa akin. Siguradong siya rin ang nagluto ng adobo na hindi ko naman talaga favorite. Kundi favorite ni Seulgi.

"Nasaan si Dadiyo?" Umupo ito sa tapat ko at nagsimulang kumain.

"He's busy. Late na siyang umuuwi." Maayos ko ng sagot. Isa pa iyon sa problema ko. Lately ay naging busy si Dadiyo kaya hindi kami makapagkwentuhan. Hindi ko mausisa sa kanya ang tungkol sa kanila ni nanay.

"Uhm... Juhyun?" Approach ko sa kanya. Siguro ito na yung right timing para malaman ko ang koneksyon nilang dalawa ni Irene. Tumunghay siya at nagtanong, "You have a sister, right? Where is she?" Napaunat ito sa kinauupuan na parang nagulat. Pero mabilis din nawala ang pagkagulat at napalitan ito ng isang tipid na ngiti.

Juhyun's POV

Nagulat ako sa tanong na iyon ni Seulgi.

Anong nakain nya at nagkainteres siya sa buhay ko? Tanong ko sa sarili. Napangiti ako ng maisip ko na interesado na siya sa akin. Nasa getting-to-know- each other stage na kami.

"Honestly, we don't have any idea." Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko si ate Rene. At nalulungkot din ako sa isipin na hindi na maalala ni Seulgi na naikwento ko na ito sa kanya noong mga bata pa kami.

"What do you mean?" Tumigil ito sa pagkain at tiim na tumitig sa akin. Nababasa ko ang eagerness niyang malaman ang totoo.

"Nagkahiwalay kami noong mga bata palang kami." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na ipinamigay ng nanay ko si ate. Ayokong sumama ang tingin niya sa amin. Tutal naman nakalimutan na niya yung naikwento ko sa kanya noon.

"And?" Paghihintay nito ng iba ko pang sasabihin.

"At simula noon, hindi na kami  nagkita." Mas masarap talaga sa pakiramdam na nailalabas mo ang mga bagay na nakakapagpabigat sa dibdib mo. Lalo na kung sasabihin mo iyon sa taong mahal mo.

"H-Hinahanap niyo ba siya?" Curious nitong tanong. Nacurious din ako kung bakit ganoon na lang siya kainteresado sa buhay ko.

Gusto na rin ba niya ako?

"Yes. Kaya nasa Pilipinas si nanay ay para hanapin siya."

"Gaano kayo nakakasigurado na makikita niyo siya? For sure, malaki na ang ipinagbago niya lalo na sa physical appearance niya." Napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya. Hindi ko pa pala nasasabi kung anong klaseng magkapatid kami.

"Makikita namin siya. Dahil kung anong itsura ko ngayon, ay siguradong itsura rin niya." God knows how much I missed her. Ang dami ng panahong  nasayang sa aming dalawa.

"Y-You mean--"

"Kambal kami, Seulgi." Nanlaki ang singkit niyang mata sa sinabi ko. Nakatulala lang siya at hindi gumagalaw.

"W-What's her n-name?" Nanginginig ang boses niya na ikinakunot ng noo ko.

"Rene." Sagot ko kahit naguguluhan. Bipolar talaga siya. Minsan mabait, minsan masungit. Minsan caring, minsan wapakels. Minsan lalaki, minsan babae.

"Rene?" Ulit niya.

"Yeah..." At nagsimula na ulit akong kumain. "But her real name is Irene." Napatayo siya kaya muli akong napatigil sa pagkain.

"What's the problem?" Kita ko ang pamumutla niya kaya napatayo na rin ako. "Are you sick?" Nagtangka akong lumapit pero umatras lamang siya.

"I-I'm okey. B-Bigla lang sumakit ang ulo ko." Napahawak siya sa sentido niya at mababakas ang pagkalito sa itsura niya ngayon.

"I need to take a rest. Excuse me." Nasundan ko na lamang siya ng tingin habang pataas ng hagdan patungo sa kwarto niya. Napansin ko ang pagkain sa hapag. Ni hindi man lang nabawasan. Ipinaligpit ko na lamang iyon. Wala na rin naman akong gana lalo pa't may sakit ang mahal ko.

Hindi rin ako nakatiis at kinatok ko siya sa kwarto niya. Nagdala ako ng gamot para sa sakit ng ulo. Humingi ako ng pahintulot na alagaan siya but she insist. Hindi ko na lamang siya pinilit at baka makulitan na siya sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng kwarto niya. Mabigat ang loob kong umuwi ng bahay. Gusto ko man siyang alagaan ay wala naman akong karapatan.

Swear. Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapalambot ang puso mo, Seulgi. Naniniwala akong mangyayari iyon. Walang imposible sa love dahil totoo ito. Kaya naman magpapakatotoo ako hanggat nararamdaman ko ang 'love'. At papatunayan ko sa taong mahal ko kung anong totoong ibig sabihin nito.

Seulki's POV

Nagising ako kinabukasan ng may mabigat na pakiramdam. O mas tamang sabihing hindi ako nakatulog dahil sa pakiramdam na ito. Paano ba naman maaabsorb ng utak ko na ang bestfriend kong si Irene ay may kakambal na sa kamalas-malasan ay si Juhyun pa --ang babaeng makulit, pilya at mahal ako. Ang babaeng may kakaibang epekto sa akin.

Uggghhh! Gustong-gusto ko ng iuntog ang ulo ko at baka sakaling magkaamnesia ako. Para makalimutan ko na ang lahat ng nakakapagpagulo sa akin ngayon.

Ni pati pagkatao ko ay magulo na rin. Kinwekwestyon ko na maging ang pagkababae ko.

Ang hirap isipin at pag isipan na ang taong iniisip ko ay hindi ako ang  dapat na iniisip. Naisip niyo ba ang nais ipaisip ng isip aahhhhhh! Napasabunot na ako sa buhok ko sa sobrang dami ng tumatakbo sa utak ko.

Bago bumangon ay nakapagdesisyon na ako.

Kailangan  ko ng iwasan si Juhyun. Kumirot ng berilayt ang puso ko sa isiping iyon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapangalanan ang kakaibang tibok ng puso ko kapag napapatitig ako sa mga mata niya. Ang dami ko ng nakasalamuhang babae and I can carry a conversation well enough but never with Juhyun. What I know is I always turn into shrinking violet with her. From a noisy-me to a no-know . I sigh.

Natatakot ako sa nararamdaman kong ito para sa kanya. That's why I need space. Ayokong palalimin ang nararamdaman kong ito. Ayoko nito. Hindi ako ito. Gusto ko ng bumalik sa dati. Sa dating ako na nawala simula ng makilala ko si Juhyun.

Juhyun is a complication. Pilit kong isinaksak sa utak ko ang bagay na iyon.

Bumangon na ako at hindi na inabala ang sarili na pumasok. Hindi rin naman ako makakapagconcentrate sa trabaho.

Inayos ko ang sarili saka lumabas ng kwarto. As usual, hindi ko na naman naabutan si Dadiyo.

"Hi love. Goodmorning." As i expected.

"Morning." Pagkababa ko ng hagdan. Napagmasdan ko ang suot niya. Nakauniform siya ng culinary school na pinapasukan niya dito sa London. She looks cute with those outfit. Mukhang dumaan lang siya para icheck ako. Hays. Paano ko ba siya maiiwasan?

"Here. I prepare you a breakfast." Ipinaghain niya kaagad ako. Para akong prinsesa kung ituring niya. Okey na sana, ang kaso prinsesa rin siya. Kapatid ng prinsesang bestfriend ko. How cruel life is!

"Teka, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong niya.

"Uhm yeah." Maikli kong sagot. Kumuha siya ng bacon at inilagay iyon sa plato ko. Nakatingin lang ako sa plato na pinagsasalinan niya.

Masasanay ako sa ginagawa niya kapag hindi ko pa siya pinatigil. Ayokong masanay. Hindi ako pwedeng masanay!

"Stop it!" Madiin kong sabi

"Ayaw mo ba ng bacon? On diet?" Natatawa pa niyang tanong. Saka ako akmang sasalinan ng juice sa baso.

"I said, stop it!" Tinabig ko ang basong hawak niya kaya nahulog iyon sa sahig at nabasag.

"What's wrong with you?!" Salubong ang kilay niyang tanong. Halatang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

"It's you! At yang kakulitan mo!" Bulyaw ko na ikinabigla niya.

"Pero-"

"Juhyun please! Tumigil ka na! Ayoko sa ginagawa mo! Ayoko sayo!" Sigaw ko pagkatapos kong tumayo. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Kaya bago ko pa siya makitang umiiyak ay tumalikod na ako.

"I-I... I thought...," Napatigil ako. "Y-You... You like me too." Nagtagis ang bagang ko.

Bakit ba ayaw pa niyang umalis na lang? Bakit gustong-gusto pa niyang masaktan?! Is she a masochist?!

"Sa tingin mo,magugustuhan kita ha, Juhyun?!" Nakita ko ang pag iyak niya at lalo iyong nagbigay inis sa akin. Inis sa sarili ko dahil nagagawa kong saktan ang taong walang ginawang masama sa akin. Gustong-gusto ko siyang yakapin ngunit maraming bagay ang pumipigil sa akin. Instead ay lumapit ako sa kanya at sinabi ang mga salitang mas lalong nagwasak sa puso niya. "Bihisan ka man o lagyan ng make up. Still, isa ka pa ring nerd sa paningin ko. Kaya wag kang ambisyosa na magugustu-" Isang malakas na sampal ang pumutol sa iba ko pang sasabihin.

"S-Seulgi? Seulgi, I-I'm sorry..." Natataranta niyang sabi pagkatapos marealized ang ginawa niyang pagsampal sa akin. "I-Im sorry. Nabigla lang ako. I-Is just that..." Napahagulhol siya ng iyak kaya bumaling ako sa ibang direksyon. Hindi ko kayang makitang umiiyak siya lalo na't ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon. "I'm hurting right now." Halos paos na iyong lumabas sa bibig niya.

"Then stop loving me, so you won't get hurt." Walang emosyong sabi ko pero yung puso ko parang dinudurog sa kaloob-looban ng katawan ko.

"But I can't!" Sigaw niya habang patuloy sa pag iyak. "How can you unlove someone na buong buhay mong minahal? Tell me Seulgi, how?!"

"I'm not asking you to love me." Tumingin ako sa kanya. At nakita ko ang wasted na si Juhyun. Pinigilan ako ang pag iyak. Hindi ako pwedeng magpakita ng ganoong emosyon sa harapan niya. "Kaya sana, tumigil ka na. Umalis ka na sa buhay ko." Madiin kong sabi saka ko siya tinalikuran. And this time, hindi ko na magagawang lumingon. Dahil mababasa na niya ang kalungkutan sa mga mata ko.

"Balang araw..." Napahinto ako sa paghakbang.  "Maghahanap ka ng taong tunay na magmamahal sayo..." Umiiyak siya habang sinasabi iyon. "Pero wala ka ng makikita dahil itinapon mo na ako." Sunod-sunod nagbagsakan ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na napigilang mapaiyak dahil sa bigat na nararamdaman ko. Kumikirot ang puso ko sa mga sinabi niya. Dahil alam kong sa salita niyang iyon ay isinuko na niya ang pagmamahal niya para sa akin.

Narinig ko ang pagbukas at muling pagsara ng pinto. Sign na nakalabas na siya. Bigla akong nanghina at napaupo. Doon na ako napahagulhol ng iyak. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko sa labis na sakit. Hindi ako makahinga! Para akong pinapatay sa sobrang sakit. At dahil sa sakit na iyon... isang bagay ang nakumpirma ko.

Mahal ko na si Juhyun.

Mahal ko na ang kakambal ng bestfriend ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎