CHAPTER 40

LOVE IS...

Juhyun's POV

 

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinusot kusot ko ang mga mata para maaninag kung nasaan ako. Kulay asul ang dingding. Nakabukas ang bintana kaya malayang nakakapasok ang sariwang hangin. May nakita din akong wallclock kaya ko nalaman na tanghali na pala. At naririnig ko mula sa labas ang malakas na pag hampas ng alon. Napakapayapa sa lugar na ito.

 

Pipikit na sana ako ulit para matulog ng maalala ang nangyari kanina. Dahil doon ay napabaligwas ako ng bangon.

 

"Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili. Akma na akong tatayo ng mapansin ko ang pagkakatali ng isa kong kamay sa gilid ng kama.

 

What the ! Anong ginagawa ko sa lugar na ito?! Nataranta ako ng maalala na kinidnap nga pala ako ng dalawang taong nakabonnet... Isinakay ako sa kotse at may itinakip na panyo sa ilong ko and the rest is history.

 

"Hi babylove. I'm glad you're awake. Here, ipinagluto kita ng favorite mo." Nakangiting si Seulgi ang pumasok sa pinto ng kwartong iyon. Nakaapron pa siya at mukhang kakatapos lang niyang magluto.

 

Kung bakit ko alam na si Seulgi siya? Well, hindi niya napapabilis ang tibok ng puso ko. Unlike Seulki na halos lumukso ang puso ko kapag nakikita ko siya.

 

Tama nga sila. Nakikita ng puso ang hindi nakikita ng mata.

 

"Kain ka na, love." Nakangiti pa rin siya ng umupo sa gilid ng kama.

 

Kanina pa niya ako tinatawag na babylove? Hindi ba siya aware na hindi ako si ate?

 

"Uhm Seul... kase..." Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya napatingin na lang ako sa inioffer niyang pagkain.

 

"I know youre hungry. So here, subuan kita." Pangungulit pa niya tsaka akma akong susubuan.

 

"Y-You don't get it." Iniiwas ko ang bibig sa tangka niyang pagsubo sa akin.

 

"Alam kong galit ka pa rin sa akin. But please, babylove, let me do this for you. Hayaan mong alagaan kita." Ibinaba niya ang spoon na hawak at tumitig sa mga mata ko. Kung si Seulki lang sana siya, siguradong kanina pa ako nahimatay sa mga titig niya.

 

Di ba dapat matuwa ako? Dahil kasama ko ngayon si pink umbrella girl. Ang babaeng pinangarap at minahal ko noon pa man. Pero bakit wala akong maramdaman? Nothing unusual. Hindi katulad ng pagbilis ng tibok ng puso ko kapag malapit sa akin si Seulki. Hindi katulad ng sayang nararamdaman ko kapag inaalagaan niya ako ng ganito?

 

"You don't understand." Hays. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi ako si ate? Hindi ba niya nararamdaman na wala kaming kennekshen?Lol

 

"Babylove, please. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako." Nagmamakaawa ang mga mata niya.

 

"Kaya mong gawin ang lahat?" Mapanukso kong tanong. Nakakatuwa kasi siyang paglaruan.

 

"Yes. Anything." Sabi pa niya at mukhang seryoso nga siya.

 

"100 push ups kaya mo?" Paghahamon ko.

 

"Yes." Mabilis niyang sagot.

 

"Can you dance?" Nakangisi kong tanong.

 

"Uhm y-yes." Nag aalangang sabi niya. Isa iyon sa pagkakaiba nila ni Seulki. Mukhang hindi siya marunong sumayaw taliwas sa kahusayan ni Seulki.

 

"Just dance in front of me."

 

"Uhm a-alright alright." Tumayo siya at akmang sasayaw ng muli akong magsalita.

 

"."

 

"Huwaaat?? No! I can't do that!" Reklamo niya. Halos manlaki ang singkit niyang mata. Hahaha Gustong-gusto ko ng bumunghalit ng tawa. Juicecolored!

 

"Okay. Madali naman akong kausap." Kunwaring hihiga na lang ulit ako.

 

Gusto ko lang subukan kung ano ang kaya niyang gawin para kay ate. At ewan ko kung bakit hindi ako nasasaktan sa kaalaman na si ate ang mahal ni Seulgi. Na okay lang sa akin na may mahal na si pink umbrella girl kahit na hindi ako iyon.

 

"Okay! Okay! I'll do it." Buntong hininga at mukhang kinakabahan.

 

Hinubad niya ang leather jacket na suot kaya napagmasdan ko kung gaano ka firm ang biceps niya. Mukhang alaga siya sa pag gygym. Pero sorry, mas gusto ko pa rin ang y body ni Seulki lalo na nung nakita ko siyang nakahubad sa kwarto ko. Parang isang pagkain na nag aanyaya.Yummy!

 

Erase.Erase.

 

Bakit ko ba iniisip ang sinungaling na iyon! Ipinilig ko ang ulo baka sakaling mawala sa utak ko si Seulki.

 

Saka ako muling napatingin kay Seulgi na nag sey dance na sa harapan ko.

 

Juicecolored! Lagot ako nito kay ate Irene! Sana pala navideohan ko siya para maipakita kay ate.

 

Nang tatangkain niyang hubadin ang sando niyang suot ay doon na ako napabunghalit ng tawa.

 

"Wahahahahahaha.." Hindi ko napigilan ang pagtawa na siyang ikinatigil niya sa tangkang paghuhubad.

 

"B-Baket?" Namumula ang pisngi niya at hindi siya makatingin ng deretso sa akin.

 

Grabe! Ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito. Nang humupa ang pagtawa ko ay saka ako muling nagsalita.

 

"Alam ba ni ate Irene na magaling kang dancer?" Hindi ko maitago ang mapanukso kong ngiti.

 

"Anong ibig mong-" Nanlaki ang mga mata niya."J-Juhyun?!"

 

"Wahahahahaha.." This time, mas malakas na ang tawa ko. Halos sumakit ang tyan ko sa kakatawa. Kung makikita lang sana ni ate ang reaksyon ni Seulgi. Siguradong makikisabay siya sa akin sa pagtawa.

 

"Shut up! Bakit hindi mo agad sinabi na hindi ikaw si Irene?" Inis niyang tanong habang dali-daling isinusuot ang jacket niya.

 

"Nagtanong ka ba?" Pang asar na naman ang mga ngiti ko.

 

Halos iuntog niya ang ulo sa pader.

 

Magcocommit na nga lang ng krimen, palpak pa! Juiceco! Binigyan niyo na nga kami ng sakit sa puso, nagbigay pa kayo ng sakit sa ulo! Lol

 

"Hahaha. Youre sooo funny!" Habang walang tigil sa pagtawa.

 

"Juhyun, I'm sorry." Napahinto lang ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. "Sorry kung nagawa naming magsinungaling sa inyo ni Irene. Sorry kung nasasaktan namin kayo ngayon." Nakatingin siya ng deretso sa akin. Mata sa mata. "At totoo na gagawin ko ang lahat para mapatawad niyo lang kami." Ramdam ko ang sincerity sa boses niya. "Pwera na lang sa pagsayaw ng nakahubad sa harapan mo. Kung sa harapan pa siguro ni Irene, oo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko din naman gugustuhin na magsayaw siya ng nakahubad sa harapan ko. Kung si..nevermind!

 

"Alam mo bang ibang iba ka na kay pink umbrella girl na nakilala ko ilang taon na ang nakakalipas?" Nakangiti kong sabi na para bang nirereminisce ko ang nakaraang iyon.

 

"Pink umbrella girl?" Tanong niya.

 

"Hindi mo na siguro naaalala. Pero Seul, nagkita na tayo noon. Binigyan mo ako ng pink na payong at sinabayan sa ilalim ng ulan." Satwing maaalala ko ito ay di ko maiwasang mapangiti. Isang alaala na hindi ko makakalimutan hanggang sa pagtanda ko. Sayang nga lang mukhang hindi na niya ako naaalala. 

 

"Sorry pero hindi ko maalala." Naguguluhang sagot niya saka umupo sa gilid ng kama.

 

"Were in highschool, back then. Nag aaral ka sa isang private school at ako naman sa public." Kwento ko sa kanya baka sakaling maaalala na niya ako.

 

"Pero Juhyun, nag aral ako noon sa isa public school sa Manila." Ako naman ang nangunot ang noo. Paanong nangyari iyon? Sigurado akong sa private school siya nag aral. At hindi sa Manila kundi sa province namin.

 

"At wala akong natatandaan na may pagmamay ari akong pink na payong. Ni hindi nga ako nagpapayong noong highschool ako. It's like 'yuck'." Umakyson pa siya na parang diring-diri. Napatawa naman ako pero agad din tumigil ng may maisip.

 

Hindi siya si pink umbrella girl. Ibig bang sabihin nito...

 

Toot.

 

Toot.

 

Toot.

 

Hindi mag function ang utak ko.

 

"Kung hindi ikaw siya, siya si..."

 

"Wahahahahahaha.." Si Seulgi naman ang tumawa ng malakas. "Nakakatawa ka, Juhyun! Nyahahahaa!" Abat pang asar pa talaga! Nakabawi agad ang hunghang na to!

 

"Walang nakakatawa!" Inis kong sabi. Tumigil naman siya sa pagtawa pero halatang pinipigilan lang niya ito.

 

Ang tagal kong pinaniwala ang sarili na si Seulgi si pink umbrella girl. Yun pala... abot kamay ko na siya. Yun pala... matagal ko ng natupad ang pangarap ko na mapansin at mahalin din niya ako! Bakit ngayon ko lang narealized na si SEULKI SI PINK UMBRELLA GIRL?! Ang tanga mo, Juhyun! Sobrang engot mo! Gustong gusto ko ng sabunutan ang sarili ko. Pinagtatawanan ko si Seulgi dahil sa palpak niyang pag kidnap sa akin, yun pala may mas malala pa sa katangahan niya.

 

Bigla akong napaiyak ng maalala si Seulki. Hindi ko akalain na ang taong nagpabago sa akin at nagmahal ay ang taong noon ko pa pinapangarap. Maybe it's destiny. Itinadhana kaming magkita sa pangalawang pagkakataon. Pero sapat na ba ang mga nalaman ko para mapatawad ko siya?

 

In the first place, hindi siya dapat nagsinungaling sa akin dahil ang totoong pagmamahal hindi alam kung paano magsinungaling.

 

"Huy... teka... wag kang umiyak. Baka isipin ni Seulki inaano kita dyan." Pag aalo ni Seulgi sa akin. "Tahan n ikaw naman kasi, hindi ka marunong magtanong. Aray!" Binatukan ko siya! At ako pa talaga ang sinisi niya ha?!

 

"Gago! Malay ko bang kambal kayo! Kaya pala wala kang kaapeal apeal sa akin." Pang aasar ko pa para makabawi

 

"Aba't! Teka lang! Below the belt ka na ha."

 

"Bakit may tatamaan ba?" Muli akong napangiti ng hawakan niya ang bandang 'ano' niya.

 

"Hoy, kahit ganito ako, malaki to." Pagyayabang pa niya.

 

"Ang alin?" Ako na nakalimutan na ang pag iyak. Ang kulit naman kasi ng kasama ko, parang si Seulki. Hayys..

 

"Ang puso ko. Kaya nga nagkasya ang ate mo dito." Turo pa niya sa may bandang dibdib niya.

 

"Sus! Corny!"

 

"Bakit, hindi ka ba boto sa akin para sa ate mo?"

 

"Alisin mo muna yung pagkakaposas ko." Pang uuto ko pa sa kanya. Kapag si ate na ang pinag uusapan. Sunod sunuran na to eh!

 

Inalis nga niya ang pagkakaposas ko at muling nagtanong kung boto daw ba ako sa kanya.

 

"Hindi. Ang panget mo kayang sumayaw!" Tatawa tawa akong tumayo saka nagtatakbo palabas ng kwartong iyon.

 

"Juhyuuunnnn!" Narinig ko pa ang sigaw ni Seulgi na mukhang napikon. Eh bakit ba? Sa totoo naman na hindi siya magaling magsayaw. Daig pa siya ni Seulki.

 

Si Seulki, ang taong mahal ko at ang taong siya ring nanakit sa akin.

 

Irene's POV

 

Safe kaming nakauwi pagkatapos kaming kidnapin ng dalawang hunghang. Ewan ko ba sa dalawang iyon kung anong naisip at nagawa kaming kidnapin ni Juhyun. Buti na lamang at walang ginawa si Seulgi sa kapatid ko. Wala na talaga akong tiwala, and I guess, hindi ko na kaya pang ibalik iyon.

 

"Hey, are you with me?" Tanong ni Bogum. Muntik ko ng makalimutan na nandito nga pala kami sa isang resto at kasalukuyang nag didinner. Gusto ko munang aliwin ang sarili ko.

 

"Ah yes." Tipid kong sagot.

 

Nagkwekwentuhan kami habang kumakain. I can say that Bogum is fun to be with. No dull moments kapag siya ang kasama mo.

 

"Hahahaha... talaga? Nagawa mo yun? Hahaha.." Nagkwekwento siya ng mga kalokohan niya ng bata pa lamang siya. Napakawitty pala niya parang si.. oh nevermind!

 

"I guess, masaya ka na nga kahit wala ako." Napatigil ako sa pagtawa dahil sa nagsalita. Nagbaling ako ng tingin at nakita ko roon si Seulgi.

 

"What are you doing here? Sinusundan mo na naman ba ako? You're like a dog!" Inis kong sabi sabay tayo. Hinawakan naman ni Bogum ang braso ko para pakalmahin.

 

"Yes! I'm like a dog! Aso na walang ginawa kundi ang humabol! Aso na walang ginawa kundi maghintay kung kailan siya papatawarin ng amo niya!" Mababakas ang pait sa boses niya.

 

"Hindi ko sinabing humabol ka at mas lalong hindi ko sinabing maghintay ka!" Inis ko na ring sabi. Pinagtitinginan na kami ng ibang kumakain roon. Tinitimpi ko lamang ang inis pero mukhang konti na lang ay sasabog na ako.

 

"Oo nga naman. Paano mo nga ba ako papatawarin samantalang ang bilis mong nakahanap ng kapalit ko." Sabay tingin niya ng masama kay Bogum.

 

"Pwede ba---" Bogum.

 

"Wag kang makialam!" Bulyaw niya sa lalaki..

 

"Seulgi, ano ba!" Tinabig ko ang kamay niyang nakaduro kay Bogum.

 

"Oh wow! Kilala mo pala ako?" Tumawa siya ng nakakaloko na lalo kong ikinainis. "Ako kasi hindi ko alam kung kilala rin ba ako ng puso mo? But I guess, hindi. Sino nga ba naman ako? Sabi mo nga, isa lang ako aso na palaging nakasunod sayo." Umiiyak na siya habang nakatitig sa akin. Nakuyom ko ang kamao. Bakit ganon? Nasasaktan ako satwing nakikita kong umiiyak siya. Gusto ko siyang yakapin pero paano naman ako? Paano naman yung sakit ng panloloko niya sa akin? Hindi ko alam kung bakit napatawad ko si Seulki pero hindi siya. Siguro dahil alam kong mas masakit ang idinulot niya sa akin. Minahal ko siya at mahal ko siya. At dahil sa pagmamahal na to kaya ako nasasaktan ngayon.

 

"Pero tama sila. Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, mapapagod at mapapagod ka rin. Ayaw mo mang bitawan ang lubid na nag uugnay sa inyo, bibitaw ka rin lalo na't sa una pa lang hindi naman siya nakakapit. Kahit gaano ka kalakas ipaglaban ang taong yun, susuko ka rin. Hindi dahil gusto mo, kundi dahil gusto niya." Hirap siya sa pagsasalita dahil sa labis na pag iyak. Pero heto ako, nakatitig lang sa kanya. Walang magawa. "Suko na ako, Irene." Itinaas pa niya ang dalawang kamay. "Suko na akong mahalin ka dahil nakakapagod ka palang mahalin." I bit my lower lip. Pinipigilan ko ang pag iyak. Ayokong maging mahina sa pagkakataong ito. "Pinapalaya na kita, Irene. Malaya ka na sa lahat ng lungkot at sakit na idinulot ko sa puso mo. I'm sorry pero ayoko na. Suko na ako." Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

 

Habang nakatitig ako sa papalayong siya saka ko lamang pinakawalan ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Umalalay sa akin si Bogum dahil feeling ko ay magcocollapse ako dahil sa sakit na nararamdaman. Parang dinaanan ng sari saring sasakyan ang puso ko. Ang sakit! Sobrang sakit! Lalo na sa isiping sa pagtalikod niya ay hindi na siya muling haharap pa sa akin.

 

Pero tama siya, kailangan ko munang pakawalan ang lungkot at sakit na idinulot niya sa akin. Kailangan munang maghilom ang sugat. Kailangan kong buuin ang pusong minsan niyang winasak. Para sa pagdating ng araw, buo ko itong maibibigay sa kanya.

 

Juhyun's POV

 

"Juhyun! Thank you for coming." Tuwang tuwang salubong sa akin ni Seulki. Tumawag siya sa akin at nakikipagkita. Pumayag ako para makapag usap kami ng maayos.

 

"Hindi rin ako magtatagal." Sagot ko pagkatapos niya akong alalayang makaupo.

 

"Okay lang, ang mahalaga, nakarating ka." Ngiting ngiti niyang sabi. Halos wala syang paglagyan ng saya. "I missed you, love."Parang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko ng marinig ko ang eanderment namin. Pero agad kong pinakalma ang sarili. May mas mahalagang dahilan, kaya ako nakipagkita sa kanya.

 

"Here." Iniabot ko ang pink na payong at tinanggap naman niya iyon na nangungunot ang noo.

 

"What's this?" Naguguluhang tanong niya.

 

"Sayo yan. Binabalik ko na." Seryoso kong sagot.

 

Tinitigan niya ang payong at ang kaninang nakakunot niyang noo ay napalitan ng napakatamis na ngiti.

 

"Ms. Nerdy?" Tipid akong ngumiti at tumango. Masaya ako na naaalala pa rin niya ang nerd na dalagita noon.

 

"Oh God! I can't believe this!" Ramdam ko kung gaano kasaya ang boses niya. "Don't you think it's destiny. Pinagtagpo Niya tayo." Tuwang tuwang sabi niya.

 

"Yes, maybe its destiny na pinagtagpo tayo. Pero magkaiba ang pinagtagpo sa itinadhana." Dahil sa sinabi ko ay nawala ang ngiti niya.

 

"A-Anong ibig mong sabihin?" Utal utal niyang tanong.

 

I sigh.

 

"Siguro hanggang dito na lang muna tayo, Seulki." Titig kong sabi.

 

"No, love! Please! Ang daya mo naman eh!" Bigla siyang umiyak kaya hindi ko na rin napigilan na mapaiyak sa harapan niya.

 

"Masyado pang magulo ang lahat, Seulki. Nasaktan mo ako at alam kong nasaktan kita. At hindi ko alam kung paano ulit natin sisimulan ang lahat."

 

"Willing akong bumalik sa simula, Juhyun. Willing akong ligawan  ka ulit kahit ilang taon pa ang gusto mo. Just please, don't go... please." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nakapatong sa table. At sa higpit ng hawak niya parang ayaw na niya itong pakawalan.

 

"Seulki, please understand.." Hinawakan ko rin ang kamay niya habang pareho pa rin kaming umiiyak. "Mahal kita, mahal na mahal kit---"

 

"Mahal mo naman pala ako! Pero bakit mo ako iiwan?" Binawi niya ang kamay niyang hawak ko. Makikita mo sa mga mata niya ang labis na sakit.

 

"D-Dahil kailangan. I need time for myself. Kasi kahit m-mahal kita... hindi ko iyon maibibigay sa ngayon. Gusto kong buuin ang pagkatao ko na nawala simula ng saktan mo ako." Napahagulhol ako ng iyak. "Gusto kong pag nagmahal na ulit ako, nandun na yung tiwala at wala na yung takot na baka masaktan lang ulit ako. Na baka lokohin lang ulit ako. Natatakot na akong magmahal, Seulki. At hayaan mong gamutin ko ang takot na iyon.. nang mag isa."

 

Tumango siya. Saka ilang ulit na nagbuntong hininga.

 

"I'll give you want you need, Juhyun." Muli niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Sana lang kapag nahanap muna ulit yung sarili mo, matagpuan mo yun pabalik sa akin. Sana kapag ready ka na ulit magmahal, ako pa rin yung taong gusto mong mahalin." Muli siyang napahagulhol ng iyak. Dumukwang ako para punasan ang mga luha sa pisngi niya.

 

"Love finds a way, right?" Ngumiti ako sa kanya habang haplos ko ang pisngi niya.

 

Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya saka iyon dinala sa lips niya para halikan.

 

"Yeah. Love will find a way. At alam kong dadalhin ka ni tadhana pabalik sa akin." Nakangiti siya habang patuloy sa pag iyak.

 

"Napatawad na kita, Seulki. Just take care of yourself." Pagkasabi niyon ay tumayo na ako pero maagap niya akong pinigilan.

 

"Here. Hindi ko ugaling bawiin ang isang bagay na naibigay ko na." Napatingin ako sa iniaabot niya.

 

Pink umbrella.

 

Ngumiti ako at tinanggap ko iyon. "Goodbye for now, pink umbrella girl."

 

"I hate to say goodbye, so 'till we meet again, Ms. Nerdy." Nakita ko ang pagpapalaya sa mukha niya. At alam kong balang araw, magkikita pa rin kami. At sana kapag dumating ang araw na iyon, kami na ang itinadhana para sa isat isa.

 

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Papalayo kay Seulki. Papalayo sa taong mahal ko.

 

The End~

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎