CHAPTER 39

LOVE IS...

Seulki's POV

 

Dalawang linggo ang lumipas simula ng malaman ni Juhyun at ni Irene ang totoo. Umuwi kami ni Dadiyo ng Pilipinas pagkatapos ng paghaharap naming tatlo nina Juhyun at Irene. Sabi ni Dadiyo ay bigyan ko muna ng panahon ang kambal para makapag isip. Pagdating namin sa Pilipinas ay agad kaming sinalubong ni Seulgi sa airport. Napagmasdan ko siya. Pumayat siya at kahit kaharap na niya kami ni Dadiyo ay wala pa ring buhay ang mga mata niya. Ngumingiti siya, oo, pero hindi iyon umaabot sa mga mata niya. Nawala ang dating witty at pang asar na si Seulgi.

 

Deretso kaming umuwi sa bahay ng araw na iyon. Nagulat si nanay sa pagkikita nila ni Dadiyo. Kaya nakaisip kami ng bright idea ni Seulgi. Ikinulong namin sila sa isang kwarto para makapag usap. Ito kasing si nanay, pabebe ng berilayt.Lol

 

Habang hinihintay silang makapag usap ay kinamusta ko si Seulgi. At nagplano kami na babalik sa London kapag naiayos na namin sina nanay at Dadiyo.

 

At laking tuwa namin ng makita na magkaakbay silang lumabas ng kwarto. Mukhang nagkapatawaran na sila. At ang mas maganda, mukhang may second chance yung lovestory nilang dalawa.

 

Nagbonding kaming apat habang naroon kami sa Pilipinas. Isinantabi muna namin dalawa ni Seulgi ang problema sa puso. At sina peyrents, wow, mukhang teenagers kung magharutan.Lol

 

Nasa London na kami ngayon ni Seulgi. May isang linggo na rin ang nakalilipas. At hanggang ngayon ay panay pa rin ang panunuyo namin kay Juhyun at Irene. Pero sadyang malalim ang sugat na idinulot namin sa kanila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kami napapatawad. Halos maubos na ang pakulo namin ni Seulgi. Pero waepek pa rin ito. At satwing sasablay kami na paamuin ang dalawa, ay nakikita ko sa mga mata ng kapatid ko ang kawalang pag asa. Alam ko kung gaano siya nasasaktan sa paulit ulit na rejections ni Irene. Alam ko, dahil maging ako ay nararamdaman ito.

 

Naalala ko pa ang ilan sa mga masasakit na salita na sinabi sa akin ni Juhyun.

 

"Juhyun, please, listen to me Juhyun" Habol ko siya noon ng lumabas siya sa school nila. "Hindi mo na ba ako mahal?" Puno ng hinanakit kong tanong.

 

Bakit ba ang hirap nilang magpatawad?

 

Bumaling siya sa akin at ang sinabi niya ay parang matigas na bagay na sumampal sa mukha ko. "Hindi naman talaga kita minahal. Alam nating dalawa na si Seulgi ang minahal ko. At kahit kailan hindi kita magagawang mahalin, dahil kahit kailan hindi ka magiging siya!" Saka niya ako iniwang nasasaktan.

 

Isa lang iyon sa masasakit na salita na natanggap ko mula sa kanya.

 

Pero wala eh.

 

Mahal namin sila kaya naman gagawin namin ang lahat mapatawad at bumalik lamang sila sa amin.

 

Heto nga at nag iisip na naman ako ng bagong gimmick. Pero teka, nasaan ba ang kapatid ko?

 

Tsk!

 

Siguradong bote na naman ng alak ang hawak niya. Naging ganoon siya ng paulit ulit kaming ireject ng dalawa. Sabi niya gusto lang niyang makalimot kahit saglit.

 

Kung anesthesia lang sana ang alak, siguradong gabi-gabi kaming may session ni Seulgi. Sana kapag ininom mo ito ay magkakaroon ka ng amnesia at makakalimutan ang lahat ng masasakit na pangyayari.

 

Kaso hindi.

 

Pansamantala ka lang makakalimot at pag gising mo, mahal mo pa rin siya. Nasasaktan ka pa rin sa pambabalewala niya. Ang masaklap pa, pag gising mo hindi lang puso mo ang masakit, pati na rin ang ulo mo.

 

Pinuntahan ko si Seulgi sa kwarto niya at kagaya ng ineexpect ko, bote nga ng alak ang hawak niya. At mukhang nakakarami na siya dahil may mga nagkalat sa sahig na bote na wala ng laman.

 

"Oso. That's enough. Mukhang nakakarami ka na." Tumingin lang siya ng makapasok ako. Mapungay na ang mga mata niya sa kalasingan. Hindi ko maiwasang maawa sa kapatid ko.

 

"Tama na, Seulki!" Pinigilan ko siya sa tangkang pag inom. Kinuha ko ang bote ng alak sa kamay niya.

 

"Ano ba!" Bulyaw niya sa akin. Muli siyang dumampot ng beer pero muli ko iyong inagaw sa kanya.

 

"Wag mo nga ako pakealaman!!" Tinabig niya ang kamay ko kaya nahulog ang bote sa sahig. Buti na lamang at hindi iyon nabasag.

 

"Ano bang nangyayari sayo, Seulgi?! Look at yourself! Hindi ikaw yan!" Naiinis kong sabi nang bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig.

 

"Gusto mong malaman kung bakit ako ganito ha?!!" Bulyaw niya sa akin. "Dahil sayo!!" Duro pa niya sa akin. "Okay na ako eh. Masaya na ako dito sa London! Pero isang araw, dumating ka! Pinakialaman mo ang buhay ko! You ruined everything!" Para siyang halimaw habang nakatingin sa akin. Pero sa halip na matakot ay mas lalo akong naawa sa kanya. Hindi ko akalain na ganito pala siya kahinang magdala ng problema. "Dahil sa letseng plano mo nagkaletse-letse ang buhay ko!! Nang dahil sayo, hindi ako magawang mahalin ng kaisa isahang babaeng minahal ko!!" Umiiyak na siya ng sabihin niya iyon. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya, kaya hindi ko na rin maiwasang mapaiyak.

 

"Alam mo bang madalas kong hilingin na sana ako na lang ikaw. Dahil gusto ko ring mahalin ako ng taong mahal ko." Pinasadahan ko siya ng tingin saka muling tumitig sa kanya. "Pero sa nakikita ko ngayon, hindi ko na hihilingin pang maging ikaw." Kumunot ang noo niya pero naroon pa rin ang bakas ng galit sa mukha niya. "Dahil mahina ka! Napakahina mo!" Pang iinsulto ko sa kanya.

 

Nahigit ko ang paghinga ng bigla siyang lumapit at marahas akong kinwelyuhan.

 

"Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo!" Gigil niyang sabi na ikinangisi ko.

 

"Totoo di ba? Mahina ka!" Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ko. Napahandusay ako dahil sa lakas nito. Maging ako ay nabigla sa ginawa niya.

 

"Hindi ako mahina!" Nanlilisik ang mga matang sigaw niya sa akin.

 

Ramdam ko din ang pagputok ng labi ko. Nalalasan ko ang dugo galing dito.

 

"Napatunayan mo na ba ngayong malakas ka?" Pinahid ko ang dugo sa gilid ng labi saka muling tumayo para harapin siya.

 

Nakita kong nabigla siya ng makita ang nagdurugo kong labi. Mukhang natauhan na siya sa ginawa sa akin.

 

"Sorry kung pakiramdam mo pinakialaman ko ang buhay mo. Kung sinira ko lahat ng makakapagpasaya sayo. Sorry kung hindi ako naging mabuting kapatid." Muling nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko. "Sisihin mo na ako sa lahat ng kamalasang dumating sa buhay mo. At paulit ulit akong hihingi ng tawad. Pero hindi ko ihihingi ng tawad sayo na meron kang buong pamilya ngayon dahil sa letseng plano na ginawa ko." Mahinahon ngunit puno ng sama ng loob na sabi ko habang patuloy sa pag iyak.

 

Nakatingin lang siya sa akin at katulad ko'y umiiyak din siya.

 

"Hindi lang ikaw ang nasasaktan, Seulgi! Hindi lang ikaw ang iniwan! Mas doble ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa nararamdaman mo!" Ilang ulit kong tinapik ang tapat ng dibdib ko. "Hindi mo alam ang pakiramdam habang paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko dahil nasasaktan ka ngayon. Pero mas triple pala ang sakit kapag nagawa kang sisihin ng kapatid mo. Nang kapatid mong akala mong makakaintindi sayo!" Natakpan ko ng kamay ang bibig ko para pigilan ang pag iyak. Pero hindi ako nagtagumpay. Napahagulhol ako ng iyak at napaupo sa kama sa samu't saring sakit na nararanasan ko ngayon.

 

Naramdaman ko na lamang na nakatayo siya sa harapan ko sabay kabig ng ulo ko papunta sa bandang tyan niya. "I'm sorry, ate. Sorry kung naging mahina ako lalo na sa mga panahon na kailangan mo ako. Ni hindi ko man lang naitanong kung kamusta ka na ba? Kung nasasaktan ka ba? Wala akong nakikita kundi ang sarili kong 'sakit'. Ni hindi ko naisip na mas nasasaktan ka ngayon." Napayakap ako sa bewang niya at doon nag iiiyak. Haplos naman niya ang ulo ko habang nakatayo siya. 

Pero maya-maya lang ay may naalala ako. Umagwat ako at tumayo saka siya binigyan ng isang malakas na suntok.

 

Napahandusay siya.

 

"S-Seulki?" Nabibigla niyang reaksyon. Nakita kong pumutok ang bandang kilay niya. Wow! Pwede na pala akong boxer?

 

"Quits na tayo!" Turo ko sa pumutok kong labi. Napangisi naman siya ng marealized na bumawi lang ako sa pananapak niya sa akin.

 

"Ah ganon?" Saka siya tumayo at sinugod ako. Nakahagip naman ako ng unan at ipinalo iyon sa kanya. Nakakuha din siya ng unan at pinagpapalo ang ulo ko.

 

Hanggang sa napupuno na pala ng tawanan ang loob ng kwartong iyon.

 

Kailangan pa talaga naming magkasakitan bago magkaintindihan.

 

Sadista kami eh.

 

Seulgi's POV

 

Pagkatapos naming mag boxing ni Seulki ay nag punta kami sa bahay nina Irene. Pero nabigla kami sa sinabi ni Mr. Kim na umuwi raw ng Pilipinas ang magkakambal.

 

At dahil aso kami, este nagmamahal kami, agad kaming sumunod sa kanila sa Pilipinas. Kahit saan pa yatang sulok ng mundo sila magpunta ay magagawa pa rin namin silang sundan. Kasi nga, aso kami. Este nagmamahal lang kami.

 

Isinama rin namin si Joy at si Amber dahil hindi namin magagawa ni Seulki ang sunod naming plano kung kami lang dalawa.

 

Heto nga at nandito na kami sa harap ng condo nila Irene. Ako ang driver, at kasama ko si Amber. Samantalang sa isang sasakyan ay naroon si Seulki at Joy. Nag aabang din sila sa paglabas ng magkakambal.

 

Ito na ang huli naming alas. Napag usapan namin ni Seulki na kapag pumalpak ito ay titigilan na namin ang magkakambal. Kaya hindi kami pwedeng sumablay sa pagkakataong ito. It's a matter of life and death. At alam niyo naman kung sino ang buhay ko di ba?

 

Nagsuot na kami ni Amber ng bonnet dahil baka lumabas na sina Irene. At tama ako, nakita kong lumabas sila ng building na iyon. Agad akong nagsenyas kayna Seulki na humanda.

 

Pinaandar ko ang sasakyan sa tapat nila Irene. Nakita ko ang pagkabigla nilang dalawa ni Juhyun. Bumaba mula sa kotse ko si Amber saka hinatak papasok ng back seat si Irene. Nang makasakay si Amber sa passenger seat ay saka ko pinasibad ang sasakyan.

 

Ginawa rin nina Seulki sa kabilang sasakyan ang ginawa naming aksyon ni Amber.

 

"Sino kayo?!! Palabasin niyo ako dito!!" Halos sirain nito ang pinto ng back seat pero wala na itong magagawa dahil nailocked ko na iyon. "Tulong! Tulungan niyo ako!" Paghihisterikal ni Irene.

 

Tumingin ako kay Amber saka sinenyasan na patahimikin muna ang babae. Lumipat siya sa tabi ni Irene saka walang sabi-sabing tinakpan niya ng panyo ang ilong at bibig ng babae. Nanlaban pa ito pero wala ring nagawa dahil sa amoy ng panyo. Ilang segundo lang ay nawalan ito ng malay.

 

"Anong ginawa mo? Pinatay mo ba ang babylove ko ha?!" Napahinto ako sa pagmamaneho.

 

Ang hunghang na to! Sabi ko takpan lang ang bibig ni Irene. Kapag may nangyaring masama sa babylove ko, mata lang nito ang walang latay!

 

"Relax, tsong. Pinatulog ko lang siya. Gigising din yan mamaya." Nakangising sabi ni Amber habang inaalis ang bonnet niya.

 

"Sigiraduhin mong gigising siya, Amber. Kung ayaw mong matulog habang buhay!"

 

Hinubad ko ang bonnet sa ulo saka nagconcentrate sa pagdadrive.

 

"Hahahahard!" Baliw talaga ang isang to! 

 

May kalahating oras na akong nagdadrive nang tumawag si Seulki. Successful din sila ni Joy sa pagkidnap kay Juhyun.

 

"So what's your next plan?" Basag ni Amber sa katahimikan. Papunta kami ngayon sa Batangas. Meron akong nirentahang rest house doon kung saan ko dadalhin si Irene.

 

"I'll do anything to win her back. This is our last chance, tsong. At hindi ko na to palalagpasin pa." Sagot ko saka sinulyapan ang walang malay na babae.

 

"Paano kayo nakakasigurado na tatanggapin nila kayo pagkatapos niyo silang ipakidnap?"

 

"Ang totoo, hindi ko din alam. Kung hindi man nila kami tanggapin, atleast,balam na nila ang dahilan kung bakit nagawa naming magsinungaling sa kanila." Wala talagang kasiguraduhan ang plano namin. Sumugal lang kami. Manalo man o matalo, ang mahalaga, ginawa namin ang lahat para sa mga taong mahal namin.

 

Muling tumawag si Seulki pagkatapos ng ilang oras. Nakarating na sila sa Tagaytay kung saan niya balak dalhin si Juhyun. Gaya nga ng sabi ko, naiplano na namin ito.

 

Ilang minuto lamang pagkatapos ng tawag niya ay nakarating na kami sa rest house. Magkatulong naming binuhat si Irene na hanggang ngayon ay sleeping beauty pa rin. Kapag ito hindi pa nagising, tatadtadin ko na ng pino si Amber!

 

Seulki's POV

 

Tagumpay naming nakidnap ang magkakambal na Juhyun at Irene. Naipasok na namin ni Joy si Juhyun sa rest house dito sa Tagaytay. Nawalan siya ng malay pagkatapos itakip ni Joy ang isang panyo sa ilong ni Juhyun. Ipinosas rin namin siya ng berilayt lang naman. Alam niyo na, baka makatakas pa. Ayokong masira ang plano namin ni Oso. Dahil ito na ang huli. Pag sumablay kami dito, isusuko na namin sila.

 

Sa isiping iyon ay kumirot ang dibdib ko. Pinagmasdan ko ang natutulog na si Juhyun sa kama.

 

Namiss ko siya. Sobrang namiss ko siya. Hindi ko naiwasang haplusin ang makinis niyang pisngi. Pero napakunot ang noo ko ng wala akong maramdamang kakaiba sa dibdib ko. Hindi katulad noon na mapadantay lang sa akin si Juhyun ay halos makuryente na ako.

 

Agad kong inalis ang pagkakahaplos sa pisngi niya ng mapansin kong gising na siya.

 

Nagmulat siya ng mata at iginala ang paningin saka napabaligwas ng marealized ang sitwasyon.

 

"Ouch!" Daing niya dahil sa pagkakaposas ng isa niyang kamay sa headboard ng kama. "What's the meaning of this??!" Nanlisik ang mga mata niya ng makita akong nakaupo sa gilid ng kama. "Anong kalokohan ito! Pakawalan mo ako!" Sigaw niya habang pinipilit tagtagin ang pagkakaposas niya.

 

Tumayo ako, "Sorry love, pero hindi kita magagawang pakawalan hanggat hindi mo ako pinapakinggan." Sabi ko sa kanya na ikinabigla niya.

 

"S-Seulki?" Naguguluhan niyang tanong. Saka ko narealized ang isang bagay.

 

Oh no!

 

No!

 

NO!

 

"B-Besty?" Di makapaniwalang tanong ko.

 

"Idiot! Anong naisip mo at kinidnap mo ako! At si Juhyun? Saan dinala ni Seulgi si Juhyun?!" Galit pa rin nitong sabi habang ako ay napaupo sa gilid ng kama.

 

Halos mabatukan ko ang sarili sa katangahang nagawa! Stupid, Seulki! Gagawa na nga lang kayo ng krimen, wrong move pa! Nagkapalit pa kayo ni Seulgi ng biktima! Sarap niyong pag untugin! Sita ng konsensya ko.

 

"Magsalita ka, Seulki!" Gigil na sabi ni Irene.

 

Bumaling ako sa kanya, "We need to talk, Irene."

 

"Wala na tayong dapat pag usapan pa! Itigil niyo na ito!" Pinipilit pa rin nitong makawala kahit imposible iyon.

 

Bumuntong hininga ako bago muling nagsalita, "Please, listen to me, kahit ngayon lang. Hayaan mo lang akong magsalita. At kung hindi mo pa rin ako mapatawad, tatanggapin ko iyon, besty." Nakikiusap ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya.

 

"Alright! Kung yun lang ang paraan para pakawalan mo ako, sige, magsalita ka, pero wag kang aasang mapapatawad kita." Ibinaling niya ang paningin sa kabilang side ng kama. Mukhang ayaw rin akong makita.Hays.

 

Nagsimula akong magkwento. Mula sa first encounter namin ni Seulgi. Hanggang sa naging plano namin. Nakikita kong paiba iba ang reaksyon ng mukha niya. Pati ang pagkakaroon ko ng feelings kay Juhyun ay ikinwento ko sa kanya. Nagpatuloy ako hanggang sa matapos ko ito.

 

"Sana kahit man lang si Seulgi ay mapatawad mo. Mahal ka ng kapatid ko. Mahal na mahal ka niya. Hindi ko hinihinging maniwala ka. Alam kong mahirap na sayo ang magtiwala. Pero sana wag mong isara ang puso mo para kay Seulgi." Hinawakan ko ang isa niyang kamay at hindi niya iyon binawi mula sa akin. "Irene, ako pa rin ito. At kung hindi na bestfriend ang tingin mo sa akin. Gusto kong malaman mo na ikaw pa rin ang bestfriend ko. At hinding-hindi ka mapapalitan dito." Sabay turo sa puso ko. Tipid akong ngumiti ng wala akong matanggap na sagot mula sa kanya. Pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa mga mata niya. "Thank you for the memories, besty. I will always treasure you here in my heart. I'll miss you and I love you, bestfriend." Saka ako tumayo at tumalikod na sa kanya.

 

Nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko sa isiping wala na akong bestfriend.

 

I lose my bestfriend. Hindi ko na maibabalik ang tiwalang naiwala ko. Sa isang iglap ay nawala ang samahan namin ni Irene. At wala akong ibang masisi kundi ang sarili.

 

"Besty?" Natigil ang akma kong paglabas ng magsalita si Irene.

 

Bumaling ako sa direksyon niya at nakita kong nakangiti siya sa akin.

 

"P-Pinapatawad mo na ba ako?" Di makapaniwalang tanong ko. Ilang ulit naman siyang tumango. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na takbuhin siya at yakapin.

 

"Besty, salamat. Maraming salamat." Malaking bagay ang forgiveness ni Irene para kahit paano ay mabawasan ang sakit dito sa puso ko.

 

"Gaga! Hindi lang talaga kita matiis." Natatawa niyang sabi habang mahigpit na nakayakap sa akin ang isa niyang kamay. "Teka, wala ka ba talagang balak pakawalan ako o gusto mong bawiin ko ang sinabi ko?" Pagbabanta pa niya sa akin kaya dali-dali akong kumalas ng yakap at tinagtag ang pagkakaposas niya.

 

"Chararan... Malaya ka na." Nakangiti kong sabi with matching dipa. "Ouchy! Bakit mo ako binatukan?" Reklamo ko habang hawak ang ulo.

 

"Ano bang pumasok sa maliit mong utak at pinakidnap mo ako?"

 

"Ah eh..." Nakagat ko ang hintuturo dahil nahihiya akong sabihin ang totoong dahilan.

 

"Isa pang batok o ano?!" Pinakita pa niya ang kamao sa akin.

 

"Uhm kase besty, si... si Juhyun sana yung kikidnapin ko kaso uhm wrong move." Sa sinabi ko ay bumunghalit siya ng tawa.

 

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?!

 

"Hahahaha.. Gaga ka talaga! Ang sarap mong ipakulong!" Hindi pa rin ito tumitigil ng pagtawa.

 

"Okay sana kung kasama ko sa kulungan si Juhyun." Pabulong lang iyon pero mukhang narinig niya.

 

Tumigil siya sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin.

 

"I'm sorry besty kung hindi kita matutulungan kay Juhyun. Naiintindihan mo naman, di ba?" Tumango ako. Alam kong ayaw niyang makialam sa problema namin ni Juhyun. "At sana wag mo ring ipilit na makipag ayos ako kay Seulgi. Dahil sa totoo lang, nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. You can't blame me! Naniwala ako sa bagay na hindi naman totoo." Muli siyang napaiyak. Hindi ko alam kung baliw na ba kami pareho ni besty. Tatawa,iiyak, pwede na kaming pamalit kay Sisa.Lol

 

"Pero mahal ka ni--"

 

"Shh! Mas gusto ko na lang makalimot, Seulki." Niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit sa ganitong paraan ay maparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko bilang bestfriend niya.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎