CHAPTER 7

LOVE IS...

Seulgi's POV

Pasipol sipol pa ako pagpasok ng flower shop, naabutan kong paalis na ang mga crew na naroroon.

"Hi ma'am, magandang gabi." Bati nila sa akin, nginitian ko sila ng ubot ng tamis. Good mood ako ngayon dahil sa dahil sa bulaklak na nakasama ko kanina.

"Where's Irene?" Itinuro naman nila ang office kung saan ito naroroon.

"Hi, besty(iww)." Bati ko nang makapasok ako ng office. Tiningnan lang niya ako ng masama saka ibinaling ang tingin sa ginagawa.

Anyare? As far as i remember, siya ang may atraso sa akin.

Umupo na ako sa trono ko habang pasipol sipol pa. Napatayo lang ako kaagad ng tumayo siya at akmang aalis.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na!" Bulyaw niya sa akin bago lumabas ng office. Ano bang problema ng isang iyon?

Lumabas na din ako at nakita ko siyang kausap ang ibang crew, Mukhang nagbibilin. Nang mapatingin siya sa akin ay inirapan niya lang lang ako saka dabog na lumabas ng shop.

"May LQ po?" Pabirong tanong ng isang crew. Tiningnan ko ang name niya, it's Joel.

"Oo, hindi nadiligan." Sabay alis ko sa harapan nila para habulin si Irene. Malalakas na tawa ang narinig ko bago ako makalabas ng shop, lagi nalang nila akong pinagtatawanan.

"Besty?" Tawag ko sa kaniya pero agad siyang pumasok sa kotse niya, sumunod naman ako at umupo katabi niya. Hindi siya umiimik habang nasa byahe kami, okay na rin yon at least walang madaldal.

"Saan mo gustong magdinner?" Walang gana niyang tanong. Hindi man lang niya ako tiningnan.

"Nag dinnier na ako." Walang gana ko ring sagot. Alaka niya huh!

"At sinong kasama mo?" Yung totoo? Nanay ko ba siya?

"Yung customer natin kanina." Oo, pagkatapos niyang magbayad ay ininvite niya akong kumain sa labas. Sino ba naman ako para tumanggi? Ang palay na ang lumalapit sa manok, hindi ko pa ba tutukain? Siya rin naghatid sakin pabalik sa shop dahil wala naman akong dalang kotse. Diba ng kasabay ko si Irene? At hindi ko rin naman alam ang pasikot sikot dito.

"Kaya pala bigla ka nalang nawala, ni hindi ka man lang nagpaalam." So nanay pala talaga siya. "Ni hindi mo man lang naisip na nagaalala ako." May halong pagtatampo ang boses nito.

"Paano ba naman ako magpapaalam sayo, galit ka sa akin kanina. Nilait mo pa yung gawa ko." Akala yata niya siya lang marunong magtampo.

"Sana man lang nagtext ka o tumawag, hindi yung naghihintay ako sa wala." Sumulyap siya sa akin kaya nababakas ko sa mga mata niya ang sobrang inis.

"Okay, sorry na..." Hinawakan ko ang kanang kamay niya na nakahawak sa manibela. Naramdaman kong nabigla siya at napatingin sa akin, agad kong binawi ang nakahawak kong kamay. "Here." Ipinatong ko sa lap ko ang paper bag na naglalaman ng pagkain. "Nagtake out ako ng food para sayo at kay nanay." Ohuh, hindi ako ganun kasama katulad ng iniisip niyo. Nakita kong sumungaw ang ngiti sa mga labi  kahit tutok sya sa pagmamaneho.

Hindi na siya umimik habang nasa byahe kami. Pinagmasdan ko na lamang ang mga nadadaanan namin. Bakit parang hindi naman ito ang daan pauwi sa bahay? Ang dilim dilim pa, hindi kaya galit pa rin siya sa akin at balak niya akong patayin dito? Juicekupo! Hindi na masusundan ang date namin ni Sunmi pag nagkataon.

"Nasaan tayo?" Di ko maiwasang itanong. Lumingon siya sa akin saka ngumiti. Hayhayhay ang gandang murderer naman nito. Naputol lang ang pagtitig ko sa maganda niyang mukha ng huminto ang sasakyan. Dali dali siyang bumaba kaya napababa na rin ako.

"Anong lugar ito?" Madilim ang paligid. Headlight lang ng sasakyan ang nagsisilbing ilaw, may kinuha siya sa compartment ng sasakyan saka ito inilatag sa damuhan.

"Sit." Umupo siya roon kaya napasunod ako. Pagkaupo ko ay saka ko narealize kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Kitang kita ang kamaynilaan dahil sa taas ng lugar, pati na rin ang ibat ibang ilaw na naroroon ay nakakaakit pagmasdan. Isang lugar kung saan makakapagmuni muni ka.

"This is my safety place, my home." Hindi ko namalayang nakahiga na pala siya. Hindi ko maiwasang titigan siya habang nakatunghay sa kanya, para bang may pwersang humahatak sa mga mata ko para tignan siya. "Sorry kung ngayon lang kita dinala dito, besty." Nakangiti na siya sa akin habang ako ay titig na titig pa rin sa maganda niyang mukha, hanggang sa mapadako ang tingin ko sa kanyang mapula niyang labi na kahit walang lipstick ay natural pa rin ang pagkakapula niyon. Para tuloy ang sarap halikan, i wonder kung gaano kalambot ang labing iyon. Bumaba ang mukha ko palapit sa mukha niya, at sa isang iglap ay magkalapat na pala ang mga labi namin, napapikit ako.

It's so magical. Para bang bumaba ang mga bituin sa kalangitan dahil sa mahiwagang halik yon.

'Wag na wag kang magkakamaling gawan ng masama ang besty ko. Kundi ibibitin kita patiwarik at ipapabitay kita kay Digong!'

Boses ni Seulki ang nagpabalik sa wisyo ko. Napamulat ako at napalayo.

"Ahm eh...sorry, hindi ko s-sinsad--"

"W-Wag ka na magsorry, kain na tayo." Tumayo na siya para kuhain sa kotse ang paper bag na dala ko kanina habang ako naman ay nanghihinang napahiga.

Hays.

Ano bang ginawa ko? Bakit ko yun ginawa? Kailan pa ako atat manghalik? At sa bestybpa talaga ni Seulki?! Seulgi sira na yata ang tutok mo! Napapikit nalang ako habang haplos ang labi ko.

"Let's eat." Napamulat ako. Nakita ko ang maganda niyang mukha na nakatunghay sa akin, nililipad pa ng hangin ang buhok niya. What a scene, a beautiful scene.

Bumangon na ako at baka kung ano na naman ang magawa ko. Magana siyang kumain at mukhang nakalimutan na ang naganap sa pagitan namin kanina. Pilit din niya akong pinapakain at ng tumanggi ako ay bigla na lang niya akong sinubuan kaya wala na akong nagawa kundi nguyain iyon.

Nang matapos magdinner ay sabay kaming humiga at pinagmasdan ang kalangitan. Ang daming star pero ang pinakamagandang star ay nasa tabi ko ngayon. Ang nakakalungkot kahit malapit lang siya sa akin ay hindi ko pa din siya maabot. Bumaling ako sa direksyon niya, nakapikit siya at nakahilig sa balikat ko ang ulo niya. Payapa din ang paghiga niya kaya alam kong tulog na siya.

"I want you to be my star." Bulong ko sa sarili saka pumikit. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ito. Isa lang ang alam ko, isa itong masayang pakiramdam na hinding hindi ko makakalimutan. Tama siya, this is a safety place and i feel like I'm in my home, our home.

Time Runs

Inihatid ako ni Irene sa bahay. Mukha namang nakalimutan na niya yung kiss kanina dahil wala naman siyang nabanggit tungkol doon. Bago ako pumasok ay kinuha ko ang phone at itinext siya.

*thank you and take care

Sent.

Pumasok na ako ng bahay. Mukhang tulog na si nanay, dideretso na sana ako sa kwarto ng makita kong bukas ang pinto ng kwarto ni nanay. Sumilip ako sa siwang nito, nakaramdam ako ng lungkot ng makita ko siyang tulog. Wala man lang siyang kasama dito sa bahay. Bakit ba kasi wala silang maid dito?

Dahan dahan akong pumasok at umupo sa kama. Pinagmasdan ko ang natutulog kong ina, hinaplos ko ang buhok niya saka pumatak ang ilang butil ng luha ko. Ramdam na ramdam ko ang pangugulila sa kaniya. Nang gumalaw siya ay napatayo ako at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Akmang lalabas na ako ng magsalita siya.

"Anak? Kadarating mo lang? Si Irene?" Bumaling ako sa kanya. Nakita kong nakaupo na siya sa kama.

"Opo nay hinatid niya po ako, may dala po pala akong food." Nakangiti kong sagot.

"Kumain na ako anak. Pero salamat, initin na lang natin bukas." Tumango ako.

"Tulog na po kayo nay, goodnight." Tumalikod na ako.

"Anak?" Muli akong napabaling. "Gusto mong dito nalang matulog??" Nakangiting sabi niya na ikinalapad ng ngiti ko. Tumango ako, saglit na nagpaalam sa kanya na magshashower.

Nang matapos sa pagshashower ay humiga na ako sa tabi niya.

"Goodnight, nanay." Hinalikan ko siya sa noo.

"Goodnight, anak." Niyakap niya ako saka pumikit. Nag unahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko, but this time umiiyak ako sa sobrang saya na sa wakas, naramdaman ko din ang yakap ng isang ina.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎