CHAPTER 19

LOVE IS...

Juhyun's POV

"Madam, everything's ready." Nakangiting sabi sa akin ng isa sa maid namin.

"Thank you." Pagkasabi niyon ay pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis.

Excited na ako ngayong gabi dahil may date kami ni Seulgi. Date daw oh.

Ininvite ko siyang mag dinner dito sa bahay, at sobrang saya ko na pumayag siya.

Lately ay mas nagiging close kami. At nakakatuwa na may mga side siya nangayon ko pa lang nadidiscover.

Okey, sasabihin ko na sa inyo ang totoo. Seulgi is my first love. Yes, matagal ko ng tanggap na biual ako. Simula iyon ng makilala ko si Seulgi. Kung paano?

Napatingin ako sa pink na payong sa tabi ng closet ko. At isang napakagandang ngiti ang sumilay sa pisngi ko.

Flashback

Umuulan. Umiiyak rin siguro ang langit. Nakikisabay sa lungkot na nararanasan ko ngayon.

Wala pa naman akong payong. At hindi rin naman ako makakapagsakay sa kadahilanang wala akong pamasahe.

Buntong-hininga.

Nakadagdag pa sa lungkot ko ang mga kaklase ko na walang ginawa kundi ibully ako. Ngayon nga ay para akong pulubi dahil ang uniform kong puti ay naging putim na. Ikaw ba naman ang tapunan ng kung anu-ano. Akala siguro nila basurahan ako.

Buntong-hininga.

Napatingin ako sa langit habang nagpapatila ng ulan.

Sana nandito ngayon si ate. Siya kasi ang wonderwoman ng buhay ko. Ang nagtatanggol sa akin satwing binubully ako dahil sa pagiging nerd ko. Ang kaso, wala siya dito. Wala siya sa tabi ko at hindi ko alam kung magkikita pa kami.

Sumabay sa pagpatak ng ulan ang luha sa mga mata ko. Namimiss ko na si ate. Namimiss ko na ang kakambal ko.

Tumingin ako sa paligid. Mga estudyanteng sinusundo ng nanay nila. Mga estudyanteng de kotse. Mga estudyanteng naglalakad pauwi habang nakapayong. Saan ba ako nabibilang? Ah..siguro wala sa nabanggit ko.

Hindi naman kasi ako sinusundo ni nanay. Simula ng mawala si ate, hindi na rin ako nag eexist sa buhay niya. Wala din naman akong kotse dahil hindi naman kami mayaman. Lalo pa't walang trabaho ngayon si nanay. Heto nga at kulay tsokolate na ang balat ko dahil sa pagtatrabaho. Nagtitinda ng kung anu-ano para mabuhay. Lalo namang hindi ang mga estudyanteng nakapayong, kasi wala naman akong payong na dala.

Hahaha..

Minsan kailangan mo na lang pagtawanan ang mga nangyayari, maganda man ito o hindi. Wala naman kasing mangyayari kung magmumukmok lang. Walang mangyayari kung palagi mong sisisihin ang mundo dahil sa sinapit mo.

Mukhang walang planong tumigil ang ulan. Siguro hahayaan ko na lang mabasa ako. Kaysa naman maghintay ng pagtila nito.

Inilagay ko sa isang plastik ang mga notebook ko. Saka muling isinuksok sa bag. Nag umpisa na akong maglakad para maagang makauwi.

Mas lalong lumalakas ang ulan.

Nagpatuloy pa rin akong maglakad habang nakatungo. Nakatingin sa sapatos kong mukhang iiwan na rin ako. Lol

"Are you sick?" Kasabay ng boses na iyon ay naramdaman kong hindi na ako nababasa ng ulan. Tumunghay ako at nagtama ang mata namin ng estrangherang babae na may hawak na pink na payong. Nakangiti sa akin ang mala anime niyang mga mata. Mas lalo akong gininaw hindi sa lamig kundi dahil sa mga titig niya. Mahaba ang straight nitong buhok. Nakasuot ito ng high school uniform. Nakilala ko ang uniform nito. Uniform iyon ng mga estudyanteng nag aaral sa isang pribadong eskwelahan. Ibig sabihin, mayaman ang babaeng katabi ko ngayon.

Yumuko ulit ako. Napagmasdan ko naman ang sapatos niya na kahit natatalsikan ng putik ay mukhang mamahalin pa rin. Naintimidate ako kaya naglakad ako ng mabilis.

"Hey, wait.." Tumakbo siya papalapit sa akin.

*Ano bang kailangan ng babaeng to? Siguradong mabubully na naman ako.* 

Sigh.

"Gusto mo ba talagang magpakamatay?" At ganun na naman ang tono niya. Ganun ulit ang pwesto namin. Pinapayungan niya ako habang wala akong magawa kundi ang tumungo. "Kung gusto mong magpakamatay, hindi ka dapat nagpapakabasa sa ulan. Dun ka dapat oh.." Tumingin ako sa kanya. Tatawa-tawa siya habang may itinuturo. Ibinaling ko ang paningin ko sa direksyong itinuturo niya. Nakita ko ang mga sasakyan.

*Gusto niya akong magpasagasa?*

"Wala akong balak magpakamatay!" Madiin kong sabi saka inayos ang malaking salamin sa mata ko.

"Really? So bakit ka nagpapakabasa sa ulan?" Maarte nitong sabi. Tumingin ulit ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya sa akin. Nakakainis ang ngiti niya!

"Wala ka ng pakealam dun!" Umuna na akong maglakad. If I know, ibubully lang ako nito. Ganoon naman ang mayayaman. Sobrang tataas ng tingin sa sarili.

"Hey.." Naknang! Sinundan na naman ako! Kung gaano ako kabilis maglakad ay ganoon din siya.

*Hindi ba ako titigilan ng babaeng to?!*

"Siguro broken hearted ka no?" Pangungulit pa nito. Agad na? Porque nagpapakabasa sa ulan campsawi na agad? Di ba pwedeng wala lang akong payong te? Atsaka, fourteen lang ako. Lumalablayf agad? Tss!

"Hindi porque nagpapakabasa sa ulan, broken na kaagad." Mataray ko ng sagot. Saka ako tumigil ng paglalakad kaya naman napatigil din siya. "Pwede bang umalis ka na?" Kunot-noong sabi ko. Ayoko nitong nararamdaman ko. Naiilang ako. Lalo na kapag nagkakadikit ang mga braso namin dahil sa iisang payong lamang ang panangga namin sa ulan.

"Kapag ginawa ko ba yon, ngingiti ka na?" Nakangiti pa rin niyang sabi. Hindi ba siya nangangalay sa kangingiti?

"See..hindi pa rin naman, di ba? So No! I'm not going to leave!" Brat!

"Ano bang problema mo sa akin?" Naiirita ko ng tanong. Nandun pa rin kami kung saan kami tumigil kanina.

"I don't have a problem. Siguro ikaw meron."

Bigla kong naalala si ate Irene. At iyon na naman ang pangungulila sa mga mata ko.

"Well, tama ako di ba? May problema ka." Hindi ako umimik. Bakit ba kasi feeling close to! Mas binilisan ko pa ang lakad pero talagang nahahabol niya ako. "Sabi nila, mas mabuti daw na sa isang stranger mo ikwekwento ang problema mo.. kasi after that, hindi na naman kayo magkikita." Tumingin ako sa kanya pero hindi na siya nakatingin sa akin. Nakatanaw lang siya sa dinadaanan namin. Sa pagtitig ko sa side profile niya ay biglang bumagsak lahat ng pang depensa ko.

Napaiyak ako sa di ko malamang dahilan. Siguro tama siya, minsan kailangan mo ng may mapapagsabihan ng sama ng loob. At etong estrangherang ito ang willing makinig sa mga hinaing ko sa buhay.

"Start and I will listen." Sabi pa niya na hindi pa rin tumitingin sa akin.

Nagsimula akong magkwento habang naglalakad sa ilalim ng ulan. Simula sa pagkamatay ng tatay ko. Sa pagkakasakit ng kapatid ko at ang ginawang sakripisyo ni nanay para sa kanya. Pati pambabalewala ni nanay sa akin ay sinabi ko din. Tutal ngayon lang naman to, hindi na naman kami magkikita after this.

Iyak ako ng iyak habang nagkwekwento. Bigla niya akong inakbayan kahit na basa ang uniform ko dahil sa paglalakad ko kanina sa gitna ng ulanan. Pinahid niya ng sariling palad ang mga luhang nasa pisngi ko. Agad akong naalerto. Kaya mabilis kong ipinaling ang mukha ko at ako na ang nagpunas ng luha ko.

*Grabe ang babaeng to! Di ba niya alam na nakakailang ang ginagawa niya?* Inayos ko muli ang salamin sa mata ko pagkatapos kong pahidin ang luha.

"Minsan kailangan mong maging mahina para maging malakas ka. Minsan kailangan mo ng problema para masabi mong tao ka. Dahil lahat ng tao, may problema. Minsan kailangan mong maging malungkot para malaman mo ang pagkakaiba nito sa pagiging masaya. Hindi natin malalaman ang pagkakaiba ng malakas at masaya kundi natin maeencounter ang problema, lungkot at pagiging mahina." Nakikita ko ang simpatya sa mga mata niya. Sa mga sinasabi niya ay gumagaan ang pakiramdam ko. Lalo kong gustong magsikap para sa sinasabi niyang "lakas" at "saya".

"Maniwala ka lang na makikita mo ang kapatid mo. Hindi man ngayon, hindi man bukas... ang mahalaga, magkikita kayo." Ngumiti na naman siya ng ubod tamis na naging dahilan ng pag ngiti ko rin.

"See... mas gumaganda ka kapag nakangiti. Keep smiling, Ms. Nerdy." Sabay pinch niya ng chin ko. Imbis na mainis sa pagtawag niya sa akin ng nerd ay natawa pa ako.

"S-Salamat." Yun lang ang nasabi ko dahil hindi ko mahanap ang dila ko na nagtago na yata sa kaloob-looban ng bibig ko.Lol

"Don't worry, kapag nakita ko ang kapatid mo, I'll tell her na hinahanap mo siya. O kung gusto mo ako pa ang magdala sa kanya papunta sayo." Yung mala anime niyang mga mata parang isang guhit na lang iyon dahil sa pag ngiti niya. Muli akong napangiti. May kung ano sa pagkatao ko ang naniniwala kahit na alam kong biro lamang iyon at imposible rin namang mangyari dahil sa hindi naman niya alam kung anong itsura ng kapatid ko.

"A-Aasahan ko yan." Napahinto ako, hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa kanya. Magpapakilala na sana ako ng may humintong sasakyan sa tabi namin.

"Senyorita, kanina ko pa po kayong hinahanap. Tara na po." Sabi ng driver ng sasakyang iyon. So mayaman pala talaga siya.

"Uhmm.." baling nito sa akin, "Sabay ka na. Saan ba ang bahay niyo?" Ngumiti ako saka umiling.

"Hindi na. Malapit na dito ang bahay namin." Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko nga nalamayang malapit na pala ang sa amin dahil sa pakikipagkwentuhan ko sa kanya.

"Uhmm..so here. Mag iingat ka." Ibinigay niya sa akin ang payong saka siya pumasok ng sasakyan.

"Salamat. Ikaw rin." Ngumiti ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

Maya-maya ay napasimangot ako. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng magandang estrangherang iyon. Sabagay, mas mabuti na rin iyon dahil imposibleng magkita pa kami ulit.

Pero talagang mapagbiro ang tadhana. Pagkatapos ng maraming taon ay nakita ko ulit ang estrangherang iyon.

-

Limang buwan na ang nakakaraan. Isang buwan pa lamang ako dito sa London ng magkayayaang gumimik ang mga kaklase ko. Napilit nila ako dahil na rin sa pakikisama. Kailangan na akong masanay sa ganitong mundo. Nakarating kami sa isang bar dito sa London at doon ko nakita ang estrangherang babaeng nagpatibok ng bata kong puso.

Saka ko lamang narealize na gusto ko na pala siya noong pabalik-balik ako sa school na pinapasukan niya noon. Palagi akong nasa labas ng school niya para bantayan ang pag uwi niya pero palagi akong bigo na makita siya. Sa dami ba naman ng estudyanteng nag aaral doon. Imposible na magkita pa kami.

At mukhang dininig ng Diyos ang isa ko pang hiling. Ang makita ang magandang babae na nagbigay sa akin ng payong.

Nalaman kong Seulgi ang pangalan niya ng minsang kumanta siya sa bar na iyon. Sigurado rin ako na siya si pink umbrella girl dahil hinding hindi ko makakalimutan kung gaano kaganda ang mala anime niyang mata. Lalo na ang mga ngiti nito na nakakapagpalukso palagi sa puso ko. Para sa akin siya pa rin si pink girl na makulit at sweet kahit na marami ng nag iba sa kanya ngayon.

Simula ng makita ko siya sa bar na iyon ay palagi na akong pumupunta roon. Ang boses niya ang nakakapagpasaya sa akin. Hanggang naging hobby ko na lang na gabi-gabi ay mag bar. Hindi para uminom kundi para makita siya.

Sa pagtatanong ko ay marami akong nalaman sa kanya. She's a lesbian. Chx magnet siya. No wonder na pati ako ay napaibig niya. Pati ang pagiging engineer niya ay nalaman ko rin. Pati ang resto na pag mamay ari niya. Stalker na kung stalker pero yun lang ang magagawa ko dahil hindi ako makalapit sa kanya.

Kung may matatawag na torpeng babae. Maihahanay mo ako sa kanila. Siguro dahil na rin kulang ako sa self esteem. Naiintimidate ako sa mapuputi at magagandang babae na nakikita kong nakakasama niya.

Isa lang naman akong probinsyanang nerd na napadpad dito sa London. Paano ba naman ako mapapansin ng isang famous na katulad niya?

Pero sadyang malakas yata ako kay Lord pagdating sa kanya. Dahil ang pinapangarap kong pagkikita namin ulit ay nangyari na. Noong naging business partner ng Daddy niya si Tito Oscar. Halos lumundag ako hanggang langit ng ibalita ni Tito Oscar na makikipagmeet kami sa business partner niya which is happened to be Seulgi's dad. At lalo ng nagtatumbling ang puso ko ng malamang kasama siya ng kanyang ama.

Ring

Ring

Ring

Bumalik ako sa kasalukuyan dahil sa tunog ng cellphone ko.

Si Sophia. Classmate ko siya. Sinagot ko ang tawag at ilang minuto lamang ay natapos na kaming mag usap. Tungkol iyon sa school.

Muli akong napatingin sa payong na hawak ko na ngayon.

*I didn't expect na magkikita pa tayo Seulgi. Yun nga lang, parang hindi mo na naaalala ang dalagitang nerd na binigyan mo ng payong at pinalakas mo ang loob noon. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na magugustuhan mo rin ako. Lalo na at hindi na ako nerd ngayon. Swear! This time... I'll make you fall for me.*

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎