CHAPTER 22

LOVE IS...

Seulgi's POV

Kasalukuyan naming binabagtas ang daan pauwi ng bahay. Tumawag si nanay at sinabing may bisita raw ako  na naghihintay doon. Ako lang sana ang uuwi galing sa shop pero nagpumilit si Irene na sumama sa akin. Sa huli ay hindi ko rin siya nahindian.

Katanghalian at tirik na tirik ang araw. Sino namang bibisita sa akin ng ganitong oras?

"Sino raw ang bisita?" Irene.

"Hindi ko alam." Kibit balikat kong sagot habang nagmamaneho.

Lately at nasasanay na ako sa presensya niya. At mas naging komportable kami sa isat isa. Paunti-unti ay napapakita ko na kung sino talaga ako. Minsan ay napapakunot na lang siya ng noo kapag may mga bagay akong ginagawa na taliwas sa normal na si Seulki. At nagpapasalamat ako na hindi na siya nagtatanong sa pagbabagong iyon. Katunayan ay mas naging caring at sweet si Irene. Di tulad ng mga unang linggo na masungit ito sa akin.

Mas nakipaglapit ako sa kanya at nakilala ang maalaga at clingy na si Irene. Akalain mong may ganito pala siyang side?

"A suitor, maybe." Walang gana niyang sagot. Madalas ko ring mapansin ang mood niya. Kapag kami lang ang magkasama ay masaya at magiliw siya pero kapag may iba na kaming kasama na nakakaagaw ng atensyon ko ay bigla bigla na lang siyang umaangil. Bigla na lang nawawala ang maganda niyang mood.

Hindi na lang ako umimik hanggang makarating ng bahay. Mukha kasing nawala na naman siya sa mood.

"Nay!" Tawag ko kay nanay pagbukas ko pa lamang ng pinto. Kasunod ko si Irene.

"Tsong?" Sigaw ng isang pamilyar na boses pagkapasok ko ng bahay.

"Tsong!!!" Sabay patakbo akong niyakap ng dalawa kong baliw na kaibigan.

"Tsong, we missed you so much!" Sabay yakap ni Joy sa akin. Si Amber naman ay sinakyan ako sa likod at ginulo ang buhok ko.

"Bakit kayo nandito mga unggoy?" Tanong ko habang kinakalas ko ang pagkakayakap nila. Para naman kasing mga tuko kung kumapit.

"Kasasabi ko lang, namiss ka namin." Joy.

"Parang tumaba ka, anong kinakain mo dito?" Amber. Nakangiti ito ng nakakaloko. Alam na alam ko na kung gaano kadumi ang utak ng unggoy na to! Kung alam ko lang na sila ang bisita ko, hindi na lang sana ako umuwi. Ang lalakas ng trip. Tanghaling tapat pa talaga. Ano sila Intsik?

"Ehem." Napabaling kami sa likuran ko dahil sa tikhim na iyon.

Namutla ako ng makita ko si Irene na nakatingin sa amin habang nakahalukipkip.

*Bakit ba nakalimutan kong kasama ko nga pala siya.*

"Ah eh... besty (iww), si Amber at si Joy pala, friend ko." Pakilala ko ng makabawi sa pagkabigla.

"Totoo pala na kamukhang-kamukha siya ni--" Tinakpan ni Amber ang bunganga ni Joy kaya hindi nito naituloy ang balak sabihin.

"Ah hehe... nice to meet you, besty." Sabi nito habang takip pa rin ang bunganga ni Joy. Ipapahamak pa ako ng ungas!

"It's Irene." Walang emosyong sabi nito. Lumalabas na naman ang pagkamaldita.

"Y-Yeah, Irene." Binitawan na nito si Joy. Binigyan ko naman sila ng death glare ng manahimik na sila.

"Sinong kamukha ni Irene?" Jusko! Isa pa naman tong ina ko.

"Ahm uhm si ano po... si Yeri. Oo tama, si Yeri. Sa Yerihan Bang." Sagot ni Amber. Galing talagang magpalusot.

"Oo nga no? Hawig mo nga siya, Yerim." Magiliw na sabi ni nanay.

"Talaga po?" Ambilis maniwala. Magbiyenan nga sila. Biyenan daw oh. Wootwoot!

"Ah nay... besty (iww) taas muna po kami." Iyon na ang pagkakataon ko para mailayo ang dalawang unggoy na to.

Sumunod silang tumaas, hila ang maleta nila. Nang makarating sa kwarto ay di ko na napigilang sitahin sila.

"What are you doing here?" Nakapamayawang kong tanong.

"Gusto lang--" Joy.

"Hindi kayo dapat nandito!" Inis kong sabi. Paano na lang kung nadulas si Joy kanina. Siguradong tapos ang maliligayang araw ko.

"Kase tsong---" Amber.

"Mapapahamak ako sa ginagawa niyo!" Napapalakas na ang boses ko at paikot-ikot na rin sa buong kwarto.

"Teka!" Hinawakan ni Joy ang braso ko. "Teka lang naman!" At pilit akong pinahinto. "Daldal ka ng daldal paano tayo magkakaintindihan?"

"Eh bakit nga kasi kayo nandito?" Tumigil ako sa harapan nila at mababakas ang inis sa mukha ko.

"Nandito kami para kamustahin ka. Tsaka magbakasyon na rin." Si Amber ang sumagot.

"Pwes, wag dito sa Pinas! Sa Europe, sa New York o kahit pa sa Iraq! Basta wag dito!" May pakumpas-kumpas pa akong nalalaman. At nagsimula na ulit umikot na parang trumpo.

"Wow! Ganyan ba ang pag welcome ng isang bisita? Mukhang hindi ka nagmana sa nanay mo." Si Joy na halatang nang iinis lang.

"At anong gusto nyo? Sabitan kayo ng kwintas ng sampaguita? Magpa musiko ako? At sabihin kong 'Welcome to the Philippiness, where you can rest in peace!'" Idinipa ko pa ang dalawa kong kamay na parang may winewelcome ako.

"Ouch! Mabuti pa si Seulki, pinayagan kaming pumunta dito at binigay pa niya ang address ng bahay niyo." Joy.

"Isa pa yang girl na yan! At Sooyoung, yang bunganga mo, pasakan mo muna ng kahit ano. Ipapahamak ako niyan eh!" Ano bang dapat kong gawin sa dalawang to? Hindi ko alam kung anong naisipan at pumunta dito para sabihing namimiss na ako. Phew! At ang sarap din tadtadin ng pino ni Seulki sa pagpayag sa dalwang unggoy na to!

"Oo na tsong, sagot ko na ang isang to." Si Amber sabay akbay kay Joy. Kumalma naman ako ng berilayt. Umupo na rin ako sa gilid ng kama. Nakakapagod palang umikot ng umikot. Hays..

"So saan kayong hotel mag sstay? Hatid ko na kayo." Tanong ko na ikinabigla ng dalawa.

"Ah..eh..kasi.." Si Amber Parang sinilihan ang pwet nito.

"We'll stay here. Masyadong mapilit ang nanay mo eh." Walang prenong sabi ni Joy.

"Huwwwaat?" Napatayo muli ako sa sinabi nila.

"Tsong, ang bunganga naiistretch masyado." Pang iinis pa ni Joy.

"At ang mata, lalong bumibilog." Isa pa tong si Amber.

"Tigilan niyo akong dalawa!" Bulyaw ko sa kanila.

"Tsong, we only have one week here. You don't need to be worry." Pangungumbinse pa ni Amber.

"You don't understand me." Pabuntong-hininga kong sabi sabay muling umupo.

"Ok. Kung ayaw mo kami dito. Aalis na lang kami." Hila na ng mga ito ang maleta at akmang lalabas na ng kwarto.

"Hindi kayo nakakaawa!" Naiinis kong bulyaw.

"Ikaw ang nakakaawa." Nakakalokong sabi ni Joy.

"At bakit?" Kunot-noong tanong ko.

"Siguradong kasama ka naming bumalik ng London pag nagkataon." Nakasmirk namang sabi ni Amber.

"What are you trying to say?" Kahit may ideya na ako kung anong binabalak nila ay nagtanong pa rin ako.

"Mas madali naman sigurong kausap si Nanay mo at si Irene kaysa sayo." Taas-baba pa ang kilay nito.

"Mga walang'ya kayo!!" Sigaw ko sabay sugod sa kanila. Si Joy ang nahawakan ko kaya panay ang kutos ko sa kanya. Si Amber naman ay pinipigilan ako habang nakasakay na naman sa likod ko. Dahil sa magkakasamang bigat naming tatlo ay nabuwal kami. Si Joy ang nasa ilalim ko at si Amber naman ay nakapatong sa may likuran ko.

"Besty---" Sabay-sabay kaming napatigil at napatingin sa pinto. "Handa na daw ang pagkain!" Si Irene. Sabay padabog na isinara ang pinto.

*Anyare dun?*

Nagkatinginan kaming tatlo saka nagkibit-balikat at binalewala na  lamang ang asal ni Irene.

Time Runs

"So saan kayo nagkakilalang tatlo?" Panimula ni Irene habang nasa hapag kaming lima.

"Sa bar/Sa resto." Joy/Amber.

"Uhm... Sa resto bar." Palusot ko. Hays! Paano ko ba matatagalan ang dalwang to? At bakit ko ba sila naging kaibigan in the first place? Pakiexplain. Labyu.

"Napaaway siya kasi napakabab--Aray!" Tinapakan ko ang paa ni Joy para manahimik kung ano mang sasabihin niya. Kumain siguro to ng 'ano' ng baboy kaya napasobra ang kadaldalan. Lol

"Okey ka lang, Hija?" Nag aalalang tanong ni nanay.

"Yes mother earth. Kinagat lang po ako ng surot." Palusot nito pero halata pa ring nasaktan.

"Naku! Pasensya kana, Hija. Hindi pala ako nakapag spray kanina. Mamaya humanda sa akin ang mga yan." Sinilip pa nito ang ilalim ng table kaya nailayo ko ang paa sa paa ni Joy.

"Damihan niyo po, mother. Medyo 'malalaki' ang 'surot' dito." Sabay sulyap nito sa akin. "Masakit mangagat." Tatango-tango naman si nanay habang natatawa pa ring kumakain si Amber. 

"Are you planning a vacation here? Or a business trip." Pag iiba ni Irene ng usapan.

"Pure vacation. Alam niyo na, nakakapagod din ang business world." Amber.

"Ano bang pinagkakaabalahan niyo, Hija... (tingin kay Joy)Hijoja? (tingin kay Amber)"

"Auto supplies po nay." Napapakamot sa ulo nitong sagot. Marahil sa pagtawag ng 'Hijoja' ni nanay sa kanya. It means, hijo at hija. "Si Joy naman po may resto siya sa London. Business partner niya si--(yapak)--Su..."

"Sue?" Kunot-noong tanong ni Irene.

"Rotte." Joy. I rolled my eyes. Wala pang isang oras, kapahamakan na kaagad ang hatid ng dalawa sa akin .Paano pa kaya kung isang linggo?  Siguradong kalbaryo ang abot ko.

"Maiba tayo, kailan ba ang uwi niyo sa probinsya Irene?" Napangiti ako kay nanay. Minsan maasahan din pala siya.

"The day after tommorow po, nay. Are you coming with us?" Irene.

"Naku, pass muna ako sa mga galaan. Alam niyo namang nawiwili akong mag ballroom ngayon. Bakit hindi na lang iyong dalawa ang isama niyo?" Suwestyon ni nanay na kaagad ko namang kinontra.

"Nay, busy ang mga yan, di ba?" Pilit na ngiti ko sabay panlalaki ng mata.

"Hindi naman tsong." Sagot ni Joy.

"Busy kayo, sabi niyo sa akin kanina, di ba?" Inulit ko ang tanong at this time, yapak ko na ulit ang paa niya.

"Ah..eh.." Idiniin ko pa. Tingnan ko lang kung di mamatay lahat ng kuko sa paa niya.

"Okey lang. Isama na natin sila. The more the merrier." Napatingin ako kay Irene. Kokontra pa sana ako pero mukhang wala na siyang balak bawiin ang sinabi niya.

*Just go with the flow, Seulgi! Kung kinakailangang itape mo ang bibig ng dalawang katabi mo, then do it!*

Irene's POV

Nueva Ecija

Ang bayang kinalakihan ko. Napangiti na kaagad ako paglabas pa lamang namin ng airport.

"Wow! Worth it ang mahabang byahe." React ni Amber nang makasakay kami ng sasakyan. Nagpasabi na ako sa mansion na uuwi ako ngayong araw. Tuwang-tuwa naman sina Papang sa balitang iyon. Sinundo kami ni Mang Toni, driver ng pamilya Bae at kasalukuyang naglalakbay patungong Hacienda.

"Fresh air. Fresh food. Fresh me." Natawa ako sa sinabing iyon ni Joy. Oo, minsan naiinis ako sa pagiging clingy nito kay Seulki, pero mas angat ang pagkagiliw ko sa kanya dahil sa kadaldalan niya. Nararamdaman ko na hindi siya threat. Lol

Magaan din ang loob ko sa kanilang dalawa. Gaya ng pagkagaan ng loob kay Sleeping Beauty na nas  tabi ko. Si Seulki.

Natulog na ito pagkalapat pa lamang ng likod sa upuan ng sasakyan. Sinulyapan ko siya at napangiti. Nakaawang ang bibig niya pero sa halip na maturn off ay naaliw pa akong kuhanan siya ng pictures.

Hacienda Bae

Pagkapasok pa lamang namin sa malaking arko roon ay napadungaw na ang dalawa sa bintana ng sasakyan.

"I love nature." Sigaw ni Joy. Napadungaw na rin ako at tanaw na tanaw mula roon ang malawak na lupain ng mga Bae. Iba't iba ang tanim sa lupaing iyon. Manga, kape, rambutan, lansones at mayroon ding nyogan(buko) at iba pang punong kahoy.

May mga tao na rin sa gilid ng daan. Mga trabahador ito ng Hacienda. Ang bawat isa sa kanila ay nakatira sa loob ng lupain ng mga Bae.

It's been a years simula ng umalis ako sa lugar na ito. Bigla kong namiss ang paligid. Ang hangin, ang mga pagkainn. Si Papang at Mamang, si Mommy at si Daddy.

*Sayang at hindi ko na kayo kasama ngayon, Daddy, Mommy.*

Kumaway siya at ngumiti sa mga taong nadaraanan nila para mawala ang pangungulila sa mga magulang na walang ginawa kundi ang mahalin siya.

"Ang ganda dito, friend." Joy.

"Salamat."

"Sino palang relatives mo dito?" Amber habang patingin tingin pa rin sa paligid.

"Grand parents ko. Dont worry, mababait sila." Nakangiti kong sagot.

Huminto ang sasakyan pagkatapos ng sampung minuto simula ng pumasok ito sa Hacienda.

Tinapik ko si Seulki na natutulog pa rin sa tabi ko. Pupungas-pungas itong  umayos ng upo.

"Saan na tayo?" Husky voice pang tanong nito.

"Were here na." Sagot ko with matching sweet smile.

"Akala ko tsong sa isang taon pa ang gising mo." Amber.

"Ano bang dinayo mo dito, bakasyon o tulog?" Joy.

"Wag niyo kong ginaganyan. Baka nakakalimutan niyong sabit lang kayo dito." Izinipper naman ng dalawa ang bibig sa takot na mapauwi ng maaga.

"Let's go." Nauna na akong bumaba ng sasakyan at bumungad sa akin ang mansion na nasa gitna ng Hacienda. Spanish style iyon.

Naramdaman ko ang pangungulila kayna Mommy at Daddy sa pagtitig ko sa mansiong iyon. How I wish hindi muna sila binawi sa akin. Sila na walang ginawa kundi ang maging mabuti sa akin kahit na  hindi naman nila ako kadugo.

Pumikit ako at lumanghap ng sariwang hangin. Nakadipa pa ako ng gawin ko iyon.

"Rose of Titanic." Napamulat ako sa boses na iyon. Bumaling ako sa may ari ng boses at ga-hibla na lamang ang layo ng mukha namin ni Seulki sa isa't isa.

Napatitig ako sa mga mata niya at ganoon rin siya sa akin. Heto na naman ang mga hayop sa dibdib ko. Lalo ng lumakas ang kaba ko ng lumipat ang tingin niya sa labi ko. Hindi ako makapagsalita kaya napalunok na lamang ako.

*Bakit ba bumabagal ang takbo ng mundo kapag ganito kami kalapit sa isa't-isa?*

"Irene, apo!" Naputol lamang ang titigan portion namin sa tawag na iyon.

"Papang! Mamang!" Patakbo ako sa direksyon nila sabay yakap ng mahigpit. "Kamusta na po?" Kahit naman palagi kaming nagtatawagan ay di ko pa ring maiwasang kamustahin ang kalagayan nila. Lalo na at matatanda na sila.

"Maayos naman, apo. Mabuti naman at napasyal ka dito. Kung hindi pa magdedebut ang pinsan mo, hindi mo pa kami maaalalang bisitahin." Pagtatampo pa nito.

"Mamang naman. Naging busy lang po talaga ako sa siyudad. But it doesn't mean na nakalimutan ko na po kayo." Sincere kong sabi.vAng dalawang matanda ay napakaimportante sa akin. Sila lang ang pamilya ko bukod kay Seulki.

"Ehem!" Napabaling kaming tatlo sa tumikhim. Naroon si Amber at Joy na ngiting-ngiti. Nasa likod naman nila ang nahihiyang si Seulki.

"Ah Papang, Mamang, mga kaibigan ko po." Hinila ko sila para makalapit kayna Mamang. "Besty, Amber, Joy, grand parents ko."

"Magandang araw ho, Lo, La." Napangiti ako ng magmano siya. Sumunod naman ang dalawang itlog.

"Magandang araw din naman mga ineng... (tingin kay Joy at Seulki) tutoy.(Amber)." Nagtawanan kami sa sinabing iyon ni Papang.

"Papang, ineng din po siya." Pagtatama ko na hindi nawawala ang pagkakangiti.

"Ganoon ba? Pasensiya ka na, Intoy." Tap pa nito sa napapakamot na si Amber. Habang kami ay natatawa sa Intoy na tawag nito kay Amber. Means, ineng na totoy.

"Halina kayo sa loob. Naghanda kami para sa inyo." Yaya ni Mamang sa mansion ng humupa ang tawanan namin. Hinawakan ko ang kamay ng nahihiyang si Seulki saka kami tuluyang pumasok sa loob.

*Sure akong magiging masaya ang bakasyong ito dahil na rin sa babaeng kaholding hands ko ngayon*

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎