CHAPTER 11

LOVE IS...

Seulgi's POV

Tanghali.

Umalis ako para bumili ng lunch namin ni Irene.

Hanggang ngayon ay antok na antok pa rin ako. Hindi kasi ako nakatulog ng nagdaang gabi, maging si Irene ay panay din ang hikab kaninang umaga mukhang hindi rin sya nakatulog. Hindi ko lang alam kung pareho ba kami ng dahilan.

Paano ba naman ako makakatulog kung may katabi akong dyosa sa kama, naaamoy ko ang natural scent niya at nagdudulot yon ng kakaibang init sa katawan ko. Pabali baligtad ako sa kama, kulang nalang tumuwad ako doon.

Kaya eto ang epekto ng pagpupuyat ko kagabi. Bangag ako ngayon.

Nagpark ako s tabi ng shop ng makabili ako ng lunch. Pagbaba ko palang ay natanaw ko na si Irene at ang isang lalaki na nagtatawanan, automatic ang pagkunot ng noo ko. Mukhang close sila, may paghampas hampas pa sa braso ng lalaki.

Sino kaya ang ugok na yon?

Pumasok ako sa shop, ang lalaki na lang ang naabutan ko dahil kakapasok palang ni Irene sa office.

"Hi, Seulki!" Bati nito sabay wink sa akin.

Tss. Bulagin kita dyan eh!

Sino ba kasi toh? Mukhang kilala niya si Seulki, kaya sa halip na itanong ko kung sino siya, tinanong ko nalang kung bakit siya nandito.

"Magla lunch kami ni Irene." Ngiting ngiti pang sabi nito. Tumango nalang ako at tinalikuran na sya, napabalik lang ako ng may maalala.

Lumapit ako sa kanya sabay bulong. "Yung pagwink mo, hindi mo yon ikinagwapo." I smirked saka ko sya tinalikuran.

Mayabang! Palunch lunch pa ni Irene. Pake ko!

Padabog kong binuksan ang pinto ng office nakita ko syang nag aayos ng sarili.

Tss! Nagpapaganda pa ang panget naman ng ka date nya!

"Besty san ka galing? Bigla ka nalang nawala kanina." Tanong nito. Gustong gusto ko ng isagot na bumili po ako ng lunch natin! Eh kaso mukhang may kasama kanang magla lunch! At mukhang sobrang excited mo pa!

Hindi na lang ako umimik at umupo nalang sa table ko.

"May lunch date pala kami ni Bogum huh?" Oo alam ko! paulit ulit? "Bakit nakasimangot ka dyan?" Napansin pala nito ang pagsama ng mood ko.

"Wala!" Naiirita kong sagot. Lumapit siya sa table ko at tiningnan ang dala kong pagkain.

"Lunch food ba natin yan?" Nakangiti niyang turo.

"Hindi!" Walang gana kong sagot na ikinawala naman ng ngiti nya.

"Ah, kala ko binilhan mo'ko ng lunch." Bumalik na siya sa table niya.

"Asa ka!" Nungkang aaminin ko sa kanya na ibinili ko nga siya ng lunch para makasabay ko syang kumain.

"Suplada, makaalis na nga." Sabay kuha nya ng hand bag niya. "Wag mo na akong hintayin huh." Lalabas na sana sya ng magsalita ako.

"Akala ko ba lunch date lang!" Pagmamaktol ko.

"Manunuod din kami ng sine." Sagot nya bago tuluyang lumabas

Sine? Ibaig sabihin madilim at malamig? Baka kung anong gawin sa kanya nung giraffe na yon! Baka tsansingan sya!

Halikan

Yakapin

Tapos ipapasok niya ang kamay niya sa...

sa..

sa...

Ugghhh

Hindi ako makakapayag!

Dali dali akong lumabas ng office at naabutan ko sila palabas na ng shop.

"Hey, pwede bang makisaba? May bibilhin din ako sa mall." Nakangiti kong tanong. Nangunot naman ang noo ni Irene. "Please..." 

"Is it okay with you, Bogum?" Tanong ni Irene sa lalaking hindi na maipinta ang mukha.

"S-Sure." Napipilitan pang pagsang ayon nito. Akala mo makakaisa ka?

"Thanks." Sabay sakay sa passenger seat ng kotse niya.

Pero mabilis rin nawala ang ngiti ko ng umupo si Irene sa tabi ni giraffe.

Naisahan ako!

Habang nasa byahe ay hindi mawala wala ang pagsalubong ng mga kilay ko. Para yong straight line sa noo ko, nakahalukipkip din ako habang pinagmamasdan silang naglalandian. Pahampas hampas pa ng berilayt si Irene sa braso ni giraffe hindi ko tuloy maiwasang mapaismid.

"Hmp!" Ito namang si Irene mukhang tuwang tuwa pa sa pakikipag landian. Flirt! Makati! Higad! Haliparot! Nakakainisss!!!

Maya maya ay nag punta ang kamay ni girraffe sa kamay ni Irene na nakapatong sa lap ng huli.

Doon na ako lalong nabeastmode, lalo na ng pisilin yon ng lalaki.

"Wala na bang ibibilis yan? Sa ibang bagay ka lang yata mabilis." Naglayo ang mga kamay nila sa sinabi ko. Bumaling si Irene sa akin saka ako pinanlakihan ng mata.

"What?" Maang kong tanong.

"Pasensya kana besty." Malambing pang sabi nito. Ginaya ko naman ang pagkakasabi nya kaya napatingin siya sakin at pinanlakihan na naman ako ng mata. Sign na pinapatahimik na niya ako. "Gutom na siguro." Dugtong pa nito.

Oo gutom na ako! At konting konti nalang kakainin ko na kayo ng buo!

"Mukha nga." Tatawa tawang segunda ni giraffe.

Mukhang kang unggoy! Gusto kong ibulyaw sa pagmumukha ng ugok na to! Pero pinili ko na lang manahimik hanggang makarating maki ng mall.

Time runs

Kahit ang sarap ng pagkain sa harapan ko ay diko magawang lunukin yon. Nakakawalang gana naman talaga ang paglalampungan ng dalawang kasama ko.

Sinasalinan ng pagkain ni giraffe si Irene ng pagkain.

Hindi kayo mukhang lovers! Mas mukha kayong mag ama! Gusto kong isigaw sa pagmumukha nila ng matigil na sila sa paglalandian.

Sana pala hindi nalang ako sumama, tumataas lang ang B.P ko sa dalawang to!

Naku! Kung di lang to pinababantayan sakin ni Seulki, nungkang sasama ako sa kanila ngayon.

Oh? Yun lang ba talaga?

Oo! Sinusunod ko lang ang sabi ni Seulki!

Weh? Hindi ba dahil nagjejelling jelling ka?

No! Wala akong pake sa kanya!

Ipinilig ko ang ulo ko. Nakikipagtalo na naman kasi ako sa sarili ko.

Tumayo ako at umalis sa harapan nila. Hindi na ako nag excuse tutal busy naman sila, busy sa pakikipaglandian.

Nag order ako ng ibang drinks sa counter at hinintay ko na di yon. Dala dala ko ang tray na may lamang drinks ng makita ko ang ginagawa ng dalawa.

May sauce sa gilid ng lips ni Irene at inaalis yon ni giraffe gamit ang hinlalaki nito. Napakalapit na ng mga mukha nila kaya naalerto ako.

Hindi na ako nakapag isip pa ng kunwari akong napatid kaya nabitawan ko ang tray na hawak ko na may lamang drinks. Sakto iyon sa damit ni giraffe.

"Oh sorry."

"What the !" Pagmumura ni giraffe sabay tayo. Pasimple akong ngumisi, bagay nga yan sayo!

"Besty ano ba?! Mag ingat ka naman!" Sita niya sakin, nakatayo na rin siya habang pinupunasan ng tissue ang natapunang damit ng lalaki.

"I said, I'm sorry." I rolled my eyes. Arte naman ng giraffe na toh! Sana pala mainit na tubig ang tinapon ko sa kanya, ng mangisay na sya.

"Kanina ka pa!" Nangangalaiting sabi ni giraffe. Phew! Bakla! Pumapatol sa babae!

"Hindi mo ba nakita na aksidente ang nangyari?" Pagpatol ko din sa kanya.

"Ang sabihin mo nananadya ka na!" Tumaas ang boses niya kaya nakaagaw kami ng atensyon ng mga kumakain doon.

"Anong—" Magsasalita pa sana ako ng inawat na ako ni Irene.

"Pwede ba Seulki 'wag mong sirain ang araw na to!" Galit na ring sabi ni Irene. Teka bakit ako? Yang hampas lupa na yan ang panira ng araw!

"Pero hindi naman ako—"

"Bumalik kana sa shop." Walang emosyong sabi pa niya. At anong gusto niya? Hayaan ko siya sa ugok na kasama niya? No way! Baka kung anong gawin pa nito sa kanya.

"Pero—"

"No buts, bumalik kana bago mo pa tuluyang masira ang araw ko." Kinuha niya ang hand bag niya. "Bogum let's go." Sabay hila kay giraffe. Nakangisi pa si giraffe ng makalabas sila ng resto, tiim bagang naman akong naiwan doon.

Diko namalayang namumula na pala ang mata ko. Nagbabadya ng pag iyak.

Ganito pala ang pakiramdam ng itake for granted. Masakit sa puso, sa utak, sa atay, at baga. Ganito siguro ang nararamdaman ng mga babaeng binalewala ko. Baka pati ovary nila masakit din dahil sa ginawa ko. Lol.

Lumabas na ako ng resto at nagdial, kailangan kong maaliw ngayon. Tatawagan ko si Sunmi.

Kung kaya ni Irene makipag date, pwes mas kaya ko! Ang kapal ng mukhang iwan ako doon! Siya na nga ang pinoprotektahan! Magdusa siya kapag may nangyaring masama sa kaniya!

Pinoprotektahan o nagseselos ka?

Nang matawagan ko si Sunmi ay bumuli muna ako ng pair ng damit para makapagpalit, naaalibadbaran na ako sa suot ko. Pati na rin itong heels ko, ang sarap ipukpok sa pahmumukha ng giraffe na yon!

Erase... Erase...

Di ko na dapat pang isipin sila.

Isang t-shirt na black/red at maong ripped short ang napili kong ipalit sa ramper na suot ko. Bumili na rin ako ng rubber shoes at black na cap mas komportable akong isuot ang mga ganito keysa sa mga kaek ekan ng kapatid ko.

Madaming mga mata ang nakasunod sa akin ng makalabas ako ng mall. Well sana na akong pinagtitinginan ng mga chx ang kagwapuhan ko. Yabang ko ba? Haha pwes sisihin niyo sina peyrents. Biktima lang ako ng kaharutan nila.

Maya maya ay natanaw ko na ang kotse ni Sunmi. Bumusina siya at agad naman akong sumakay doon, pagkasakay ko pa lamang ay hinalikan na niya ako.

Wew

Wild!

Hindi pa naman huli para gumanda ang araw ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎