CHAPTER 21

LOVE IS...

Juhyun's POV

"Hi Goodevening." Nakangiting mukha ni Seulgi ang bumungad sa akin pagbaba ko pa lamang galing sa room ko.

"Goodevening din." Nakangiti ring sabi ko sabay beso sa kanya. Napansin ko naman na pinagmamasdan niya ako. Nag init ang pisngi ko sa ginawa niya. Nakasuot ako ng isang evening  black haltered dress. Medyo kita ang cleavage ko dahil mababa ang neckline nito. But I don't mind. Sa ngayon ay tatanggalin ko muna ang pagka manang for the sake of love. Nakalugay ang wavy hair ko at may light akong make up. Hindi naman siguro niya iisipin na nagpapacute ako sa kanya.Hihi

"Like what you saw?" Flirt na kung flirt. Heller? She's in front of me right now. This is the moment that I've been dreaming of. Palalagpasin ko pa ba?

"Yes, I mean yes, you're house." Sabay iwas nito ng tingin. "It's like a castle. Beautiful." Dugtong pa nito habang palinga-linga.

"Yeah. beautiful." Natatawang sabi ko habang nakatingin sa kanya. She's wearing a fitted black pants. A boots. A white crop top, kaya labas ang pusod niya. Combined with a leather jacket. Kung sa suot at kilos, hindi mo mahahalata na lesbian siya. Because she so damn hot! Capital H.O.T.

Naubo siya ng mapansing sa kanya ako nakatingin habang sinasabi ang word na "beautiful". Mas lalo naman akong napangiti, knowing na may epekto ako sa kanya.

"Let's have our dinner. I'm starving." Sabi ko bago magtungo sa dinner table. Nag offer ako sa kanya ng seat katapat ng sa akin.

"Where's your parents?" Tanong niya habang kumakain.

"Uhm yung nanay ko, she's in the Philippines. Si Tito Oscar naman nasa work place pa siguro." Sagot ko habang maganang kumain.

"Tito Oscar? Business partner siya ni Dad di ba? I thought--"

"He's not my biological father. My father died when I was one." Sagot ko ulit. Natutuwa ako dahil nagtatanong na siya about sa akin. Meaning, interesado siyang makilala ako. Kung bakit? Ayoko munang isipin.Baka kiligin ako.

"Oh I'm sorry." Nalungkot ang singkit niyang mga mata.

"It's alright. Matagal ko ng tanggap yon. And besides, biniyayaan naman ako ng nanay at kapatid, may bonus pang Tito Oscar." Nakangiti kong sabi. I don't blame him(God) for all the struggles na naranasan ko. But instead, I should be thankful sa lahat ng mga iyon. Gaya nga ng sabi ni pink umbrella girl, kailangan mong maranasan lahat ng mga iyon para maging malakas ka.

*Thanks to you, Seulgi.*

"May kapatid ka pala?" Tanong ulit nito. Huminto ito saglit sa pag kain.

"Yes. A 'she'." Kahit kailan hindi ko ipinagkaila na may kapatid ako kahit hindi ko na siya kasama. "Actually, were--"

Ring

Ring

Ring

"Uhm sorry, can I take this?" Tanong ko kay Seulgi. Si nanay ang caller.

"Go ahead." Sabi niya saka ako nag excuse para tumayo at sagutin ang tawag.

Seulki's POV

*Tss! Wrong timing!* Inis kong bulong pagkatayo ni Juhyun para sagutin ang tawag ng kung sino mang epal na pumutol sa usapan naming dalawa.

*Si Irene kaya ang tinutukoy niyang kapatid? Di bale. Marami pa namang pagkakataon. But swear, hindi ako uuwi ng Pinas hanggat hindi ko nalalaman ang totoo.*

Ipinagpatuloy ko na lamang ang pag kain. Habang pasulyap sulyap kay Juhyun sa di kalayuan. Infairness, masarap ang food kasing sarap ng tanawin ko ngayon.

"ghksjsmem!" Nabulunan ako. Ano ba naman tong naiisip ko.

*Kailan pa naging pagkain si Juhyun?*

Uminom ako ng tubig habang nakatingin pa rin sa kanya.

*How come na ganito pala kaganda at ka hot ang nerd na nakilala ko ilang linggo pa lang ang nakakalipas?*

Habang pinagmamasdan siya ay Bigla kong naalala ang video na napanuod ko kanina. Naubos ko tuloy ang laman ng basong hawak ko.

*Stop it, my ert mind!*

"Uhm, sorry." Nakabalik na pala siya sa seat niya ng hindi ko namamalayan.

"Ah..okey lang. Kain ka na." Nagsalin ulit ako ng tubig sa baso ko.Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng lalamunan lalo pa't may masarap na putahe sa harapan ko.

*That cleavage! Sh*t!*

Erase... Erase...

*No! Youre not a , Seulki! Stop acting like one! Dun ka sa pagkain mo tumingin. Focus!" Napatungo na lang ako dahil sa pangongonsensya ng utak ko.

"So how's the food?"

Napatingin ako sa kanya sunod sa cleavage niya.

*Mesherep* Napailing ako para bumalik sa wisyo ang utak ko.

"Why? Don't you like it?" Nag aalalang tanong nito.Napansin siguro ang pag iling ko.

"No! I like it. Gustong-gusto ko." Di ko maiwasang mapatingin sa cleavage niya.

*Meron ka din niyan, Seulki! Babae yang pinagnanasahan mo! Mag hunus dili ka!*

"Talaga?" Ngumiti na ulit ito ng sabihin ko iyon.

"Yeah..who's the cook, para maiuwi ko na siya sa bahay." Pagbibiro ko para mawala ang kakaiba kong nararamdaman.

"Ehem." Tumikhim siya sabay sweet smile.

"Really? Oh wow! Pwede ka ng magtayo ng resto. Or pwede ba kitang i-hire as our chef?"Ang daldal ko na naman po.

"Why not? Basta ba at the end of the day, sa inyo ako uuwi?" Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

*Oh my! Did I blushed?*

"Hahaha..Kidding!" Dumukwang sya sabay pinch ng pisngi ko. Sa ginawa niya ay lalo yatang namula ito.

"Ah hehehe." Sabay kamot sa batok. Speechless ako dun ah! Bakit ba sa babaeng to, naurong ang dila ko?

Nang matapos kaming kumain ay dinala nya ako sa may garden. Namangha ako sa ibat ibang bulaklak na naroon. Namiss ko ang flower shop. Si nanay. Si besty.

Umupo ako sa swing doon at parang batang nag swing. Nakaharap kami ngayon sa malawak nilang garden.

"Do you like them?" Tanong ko patungkol sa mga bulaklak habang mahinang nag swiswing.

"Yes." Maikli niyang sagot habang ginagaya ang pag swiswing ko. "Ikaw,do you like--"

"Yes. I like them." Nakangiti ko na agad sagot habang pinagmamasdan ang mga bulaklak.

"No. Not them." Napatingin ako sa sinabi niya. "But me. D-Do you like me?" Napahinto ako sa tanong niya. Ganoon din naman siya. At bago ako malusaw sa tingin niya ay nagsalita na ako.

"Of course! I like you." Matapat kong sagot na ikinangiti niya.

"Talaga?" Nagliwanag ang mukha niya at mas maganda siyang tingnan kapag nakangiti.

"Yeah..I like you.." Nagswing na ulit ako at hindi na tumingin sa kanya. "Youre a friend. Just like Amber and Joy. So.. Yes.. I like you." Hindi ko alam kung sino ba sa aming dalawa ang kinukumbinsi ko.Siya ba o ang sarili ko?

"I don't like you." Sabi niya. Ouchy! Grabe naman ang babaeng to. Napakaprangka! Eh ano naman kung hindi niya ako gusto? Kung ayaw niya sakin, di--, "Coz I think no, I know I love you." Oh mahal naman pala ako ano pang inaarte-arte---Teka! Ano daaaaaw? Mahal?

*M-Mahal niya ako?*

Napahinto ako sa pagswiswing at tumingin sa kanya. Na kasalukuyang nakatungo at nakaintertwined ang mga kamay niya.

"P-Pero b-bakit?" Oh wow! Nice move, Seulki! Sa dami ng pwede mong sabihin, nagtanong ka pa talaga.

"I don't know.." Tumunghay na siya at tumingin ng deretso sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa mga mata niya. Isa lang ang alam ko. Nasaktan ko siya ng sabihin kong gusto ko siya bilang kaibigan. Nasaktan ko ang taong nagmamahal sa akin.

Oh really?

Parang may kung anong pumiga sa puso ko ng maalalang si Seulgi nga pala ako ngayon. Nasaktan ko ang taong nagmamahal kay Seulgi.

"Maybe your eyes. Your heart melting smile. Maybe your personality, heart, your passion, your manner are a piece of it, but not the whole. Maybe the best way to describe it is your 'warmth'. You find a way to always makes me smile..." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya sa confession na iyon. "Matagal na kitang mahal, Seulgi before pa tayong mag meet sa resto. Although I have no exact reasons. I'm still bewildered by you." Si Seulgi? Yeah! Si Seulgi nga pala ang mahal niya. Yeah right! Masaya ako dahil mahal niya si Seulgi. Pwedeng maging sila in the future.

Pero bakit..bakit ang sakit! Sh*t naman oh! Bakit ba ako nasasaktan?!

*Mabuting tao si Juhyun. Bagay sila ni Seulgi. Baka sakaling mapatino niya si Seulgi. Pero paano kung hindi? Paano kung paglaruan lang din siya ng kapatid ko?* Nag tagis ang bagang ko sa isiping iyon.

"I-I'm sorry, Juhyun." Hindi ko alam kung para saan ba iyon. Para sa kanya ba o I feel sorry for myself dahil sa feelings na hindi ko naman dapat maramdaman.

"Shhshh." Pinatigil niya ako gamit ang hintuturo niya. "Hindi mo kasalanan na mainlove ako sayo. At wala akong magagawa kung babastedin mo ako.. tumawa pa siya pero hindi yun umabot sa mga mata niya. "Pero sana, hindi ngayon. Hayaan mo munang iprove ko sayo na mahal kita."

"What do you mean?" Kunot noong tanong ko.

"Let me court you." Sincere niyang sabi.

*L-Liligawan niya ako? Is she crazy?!* O ako yata ang baliw dahil naexcite ako sa sinabi niya.

*No! Hindi ikaw si Seulgi! At pwede ba, babae ka! Ano bang naiisip mo at nakalimutan mo yata ang utak mo dun sa Pilipinas!* Sita ng isang bahagi ng utak ko.

"But for now, let's get inside. Medyo malamig na dito sa labas." Nakangiti niyang sabi sabay tayo. Tumayo na rin ako at ikinabigla ko ang paghawak niya sa kamay ko.

Hinayaan ko lang siya. Ngumiti man siya alam kong nasasaktan pa rin siya. At ang magkahawak naming kamay ay makakabawas sa sakit na iyon.

But somehow, I like this fluttering feeling. Masaya ako habang nasa tabi ko siya. Habang hawak ko ang kamay niya.

The question is....why?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎