CHAPTER 5

LOVE IS...

Seulgi's POV

*tok

*tok

Mga katok ang gumising sa natutulog kong diwa. Istorbo naman oh! Hindiko pinansin ang mga katik dahil antok na antok pa talaga ako. Kung bakit? Sisihin niyo yung madaldal na besty ni Seulki. Maganda na sana, nakakain nga lang speaker. Akalain niyo ba naman na halos umagahin na dito, pinilit ako ng pinilit na magkwento kung anong nangyari sa London. At syempre sinabi ko naman ang totoo. Jowk, buti na lang magaling akong mag imbento ng kwento, kasi gawain ko talaga yun kapag nakikipagbreak na ako sa flavor of the month ko. Haha ang pogi ko ba? Well, ganun talaga.

*tok

*tok

Bwisit naman talaga! Panira ng tulog. Hindi pa rin ako gumagalaw. Sa lahat ng ayaw ko yung gigisingin ako sa kasarapan ng tulog ko. Ang sarap tuloy manuntok.

"Anak, tanghali na bumangon ka na diyan. Nasa baba si Irene." Sabi ni nanay kasabay ng mga katok. Ayy binabawi ko na yung masarap manuntok.

Pero teka, sino daw nandito? Si Irene? Na naman? Masakit na ang tainga ko sa kaingayan ng babaeng yon. Juicekupo, baka bingi na ako pagbalik ko sa London.

'Sus, gusto mo din naman siyang makita. Natatakot ka lang sa pagiging clingy niya sayo.'

Shup up my pogi brain!

Tumayo na ako at hindi na nakipagtalo pa sa pogi kong utak. Binuksan ko ang pinto, expected na naroroon si nanay. Pero nanlaki ang mga mata ko dahil nakangiting Irene ang nabungaran ko.

"Good morning, besty." Magiliw niyang sabi sabay halik sa pisngi ko. Ayan po, napanganga na naman ako. "Hey besty, are you still dreaming?" Pumitik siya sa harap ko kaya napakurap kurap ako at isinara ang nakabuka kong bibig.

"Ah eh..." Seryoso Seulgi? Yan na naman ang sasabihin mo? Lagyan mo na rin ng ih oh uh para kumpleto. "G-Good morning too." Pareho na po kami ng dila ko, baluktot na rin. "Ba-Bakit ka pala nandito?"

"Sabay na tayong pumasok sa work." Pumasok ito sa kwarto at umupo sa kama. Napasunod naman ako ng tingin. Kung hindi lang bff to ni Seulki, nabingwit ko na toh.

"Yung flower shop ba?" Iww. Never imagine myself na mag mamanage ako ng flower shop. Ni wala pa nga akong binibigyan ng bulaklak sa tanan ng buhay ko. Oo madami aking naging girlfriends, pero kahit isa sa kanila hindi ko nabigyan ng bulaklak.

"Hahaha... May business ka pa bang iba, besty?" Hahaha sige tawa pa. Pilisopo, halikan kita dyan eh.

"Hehe.. Sabi ko nga, wala na." Humarap na ako sa closet para kumuha ng maisusuot.

"Leave it to me besty. Magshower kana ako na bahala sa isusuot mo." Narinig kong sabi niya. Napalingon ako sa kanya at konting space nalang maglalapat na ang mga labi namin.

Napalunok ako sa sobrang lapit ng ng mukha niya sa akin. Nakakaakit tuloy titigan ang maamo niyang mata. Ang cute na cute niyang ilong, at ang mapula niyang labi. I wonder kung ano bang lasa ng labing iyon?

"Ehem..." Napakurap ako at natigil sa pagde daydreaming. "Pwede besty, magtoothbrush ka muna bago mo ako ikiss." Natatawa niyang sabi na ikinapula ko. Really S? Nagbablush ka dahil sa kanya? Kahit alam kong biro lang iyon, bakit affected much ako? Hays ayokong pagnasaan ang bff ni Seulki. Ayokong magkasala sa kanya.

"B-Baliw!" Nasabi ko nalang bago pumasok sa banyo para maligo at magtoothbrush na rin. Malay niyo halikan nga ako mamaya diba?

Time Runs

"Bruh, let's go." Bumaba na si Irene ng kotse pero ako hindi pa rin umaalis sa kinauupuan ko. Paano ba naman ako makakakilos nito? Letchugas yung suot ko, crop top semi close neck the naka black skater skirt ako. Oh wag nyo kong tatawanan. Mga bwisit kayo! Hindi naman kasi nasabi sa akin ni Seulki na bukod sa  pagiging madaldal ng bff niya, may talent din pala itong makialam. Pati outfit ko pinakialaman!

"Besty antok ka pa ba? Lutang ka na naman." Puna nito sa akin. Ang galing! Ikaw kaya ang palutangin ko sa ilog ng walang buhay. Tss.

"Hehe.. Tara na." Bumuntong hininga muna ako bago bumaba. Nauna siya, sa akin. Nang makapasok kami ay napagmasdan ko kaagad ang paligid. Nice, may taste din naman pala ang kakambal ko. I smirked.

"Good morning, ma'am Seulki." Bati ng isang crew na babae. Cute siya, lumapit ako at pininch ang chin niya.

"Same here, pretty." Kindat ko pa saba umalis na sa harapan niya. Bago ako makarating sa office ay sinulyapan ko muli siya. Ayun ang gaga, nakatulaley habang hawak hawak ang chin niya. Well ganun talaga ang epekto ng isang Seulgi Kang.

Nakasunod parin ako kay Irene. Nakita kong umupo siya sa isang table doon, mukhang busy na siya sa ginagawa. Paano naman ako? Anong gagawin ko? Inilibot ko ang paningin. Nakita ko ang isang lamesa na may pangalan ni Seulki. So dun pala dapat ako? Sana sa labas nalang, para makapanchx. Seryoso? Manchichx ako ng ganito outfit ko? Iww.

Umupo na ako at may nakitang mga papeles. Hays ano ba namang alam ko dito? Puro pagbabanda lang alam ko eh. Pwede bang kumanta nalang? Makikinig na nga lang ako ng music. Kinuha ko ang phone sa shoulder bag ko. Another iww.

Browse

Browse

Browse

How can you see into my eyes like open doors 

Naka earpiece ako at nagha humming habang pinapakinggan ang kanta.

Without a soul my spirit sleeping somewhere cold

Until your find it there and lead it back home

Wake me up

"Wake me up inside!" Pagasabay ko sa kanta with matching headbang.

I can't wake up

"Wake me up inside! Call my name and save me from the---"

"Seulki!!" Aray ko! Nabasag na yata ng tuluyan ang eardrum ko. Napatingin ako sa bumulyaw sa akin, it's Irene.

"Ba-Bakit?" Sabay alis ng earpiece ko.

"Ang ingay ingay mo! Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko! Tsaka, kailan ka pa nahilig sa rock music?" Taka nitong tanong. Oo nga pala, maarte ng pala si Seulki. Ano bang isasagot ko? Since born, fetus pa lang naghe headbang na ako. Napangisi ako sa naisip, fetus naghe headbang? Wiw!

"Here, tapusin mo na yan." Sabi pa nito bago bumalik sa table. Buti hindi na nangulit.

"Ah besty(iww)."

"Yes?" Tumingin siya sa direksyon ko. Ang ganda talaga. Stunning!

"A-Anong gagawin ko sa mga ito?" Turo ko sa mga papeles sa desk ko.

"Seriously?" Di makapaniwalang tanong niya. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Sign it." Sabay balik sa ginagawa.

Ang dali lang naman pala. Buti nalang napag aralan namin ni Seulki ang signature ng isat isa. Lusot ako dito. Nyahahaha.

"Finished." Ngiting ngiti kong sabi sabay lagay ng dalawa kong kamay sa batok ko. Bossing!

"Did you read it?"

"Ah eh.. Hehe." Napakamot ako sa kilay. Gaga pala toh, ang sabi sign it wala namang sinabing read it too!

"Besty, wala ka sa focus, may problema ka ba?" Nag aalalang tanong nito. Juiceco, ang aga ko naman pong mabuking papabook na ba ako ng flight pabalik ng London?

Umiling nalang ako. May kumatok naman sa pinto kaya save by the bell ako.

"Ma'am coffee po?" Tumango naman si Irene, tumingin naman sa akin si crew.

"Coffee with lots of sugar." Nakangiti kong sabi. Nagblush naman si ateng. Ang cute!

"Wait." Pigil ni Irene sa crew. "With sugar talaga besty?" Sabay baling nito sa akin. Bakit? Anong problema nito sa asukal?

"Why?"

"Anong why? Gusto mo bang mamaintain yang figure mo?" Hindi pa ako nakakasagot ng magsalita siya ulit. "No sugar please." Sabi niya sa crew saka ito lumabas, hindi nalang ako umimik. Asukal na nga lang, ipagdadamot pa? Hindi naman nabanggit ng magaling kong kapatid na bitter pala siya.

Ilang minuti lang aydumating na ang kape namin. Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa pait niyon. Bwiset! Paano ko ba maiinom to? Mga bitter! Tsk!

"Ahm besty?(iww) labas lang ako huh?"

Nag angat naman siya ng ulo. "Much better, mukhang mas makakatulong ka pa nga doon." So ayaw niya pala ako dito? Ok fine! Lumabas ako ng office. Nakita ko naman yung ibang crew na abalang nag aarange ng mga bulaklak.

"Hi guys." Nakangiti kong approach. "Pwede bang makisali?" Ginawa ko talagang laro? Ngumiti naman sila at tumango. Kumuha naman ako ng mga bulaklak nang magsalita ang isang crew.

"Ah ma'am, ano pong gagawin niyo dyan?"

"Kakainin ko, masarap ba itong iulam?" Pilosopo kong sagot na ikinatawa nilang lahat.

"Palabiro pala kayo, ma'am." Sabi pa nung isa. Nakitawa na lang din ako.

"Ma'am, heto po yung iaarange nyo 1 dozen of fresh red roses in a bouquet." Ano daw? Ang sabi ko lang sasali ako, hindi ko sinabing ako ang gagawa nito. Juiceco, malay ko bang mag aarange.

"Hehe.. Thank you." Kinuha ko iyon, no choice. Tiningnan ko kung paano mag aarange yung ibang crew.

Napangiti ako. Madali lang pala.

Putol dito

Suksok doon

Tali dito

Gupit doon

Putol, buhol

Suksok, tali, gupit

And dyararan!

Ang ganda, almost perfect! Hindi pa ako seryoso niya huh?

"Ma'am, okay na po ba yung bouquet?" Napalingon naman ako sa kanya.

"Yes." Smile ko pa. Proud kasi! "Here." Sabay abot ng bouquet na ginawa ko.

"Hahahahaha.." Magkaduet nilang tawa. "Si ma'am talaga, palabiro." At mukha ba akong nagbibiro? Sisantihin ko kaya kayong lahat!

"Sinong palabiro?" Boses iyon ni Irene na ikinatigil nila sa pagtawa.

"Si ma'am Seulki po, ma'am." Nahihiyang sabi ng isa. Bakit kapag kay Irene seryoso sila? Kapag ako ginagawa nilang katatawanan?

"Sinong nag arrange niyan?" Turo ni Irene sa bouquet na gawa ko. Itinuro naman ako ng crew kaya nanlaki ang mata ni Irene.

"Seriously, besty?" Wow! O.A ang reaction. Masyado sigurong nagandahan sa arrangement ko.

"Baguhin niyo yan." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Po?" Tanong ng crew.

"Sabi ko baguhin niyo yan. Sino bang makakaappreciate ng ganyang klaseng arrangement." Ouch. Ansakit! huhuhuhu. Yabang ng babaeng to. Hindi lang pala madaldal at pakialamera. Mayabang din!

"Wow, para namang ang sama sama ng arrangement ko, ah." Sarcastic kong comment.

"Masama naman talaga besty, I'm just telling the truth." Ikaw ang sasamain sakin mamaya. Nakakasakit ka na ah! "And please don't play around, magseryoso ka naman besty." Talagang sineremunan pa ako sa harap ng mga crews. At mukha ba akong naglalaro? Dugo't pawis ang inalay ko dyan. Natusok pa ako ng mga tinik, tapos naglalaro daw?!

"Sinong nag order nito?" Seryoso kong tanong sa crew. Tinuro naman niya ang couch kung saan naroon ang costumer. Kinuha ko ang bulaklak saka bumaling ka Irene. "I'll prove to you, I'm not just playing around." Sa tingin niya ba gusto kong nandito? At kasama siya? Huh! Kaya ako nandito hindi dahil sa kanya kundi kay nanay.

Lumapit ako sa couch kung saan nakaupo ang babae.

"Hi Miss." Ngumiti talaga ako ng ubod tamis sa kanya para pati yung bulaklak niya malaglag na din. Oh, wag madudumi ang isip, nakasuot po siya ng floral.

"Hello." Tumayo naman siya at ngumiti.

"I'm Seulki, one of the owner." Inilahad ko ang palad ko. Ito talaga ang talent ko at dito ako magaling. Flirting.

"Wow, I'm glad to meet you. I'm Sunmi." Nakipag shake hands ito. Itinuro ko ang couch para makaupo kami.

"Ahm, Sunmi darling." She blushed. Iniabot ko yung order niyang bulaklak. "I'm sorry kung hindi maganda yung arrangement.." Nag emote pa ako ng konti. Lalo kong kong pinaamo ang mukha ko para mas effective. "Ako kasi yung nag arrange niyan. As you can see, medyo distracted kasi ako. I'm really sorry." Pailing iling ko pang sabi sabay haplos sa kamay niya. Ninja moves.

"Why?" Ipinatong naman niya ang kamay niya sa nakahaplos kong kamay.

"I'm so distracted by your beauty. Aside from that, you're so y. Uggh! I'm sorry!!" Pacute ko pang sabi na ikinatawa niya. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Ang tinik ko talaga ! Mas matinik pa ako dun sa tinik ng mga roses.

"It's alright. Ito na yata yung pinakamagandang arrangement na nakita ko." Pacute din niya sabi. Pinisil ko ang kamay niya na lalo niyang ikinangiti. Pakipulupot po ng bulaklak niya, nahulog na.

"Talaga? Hindi ka galit?" Nag pout pa ako.

"Haha, you're so cute." Pininch niya ang pisngi ko. "Wait, I'll be back. I'll just pay for this." Napasunod nalang ako ng tingin sa kanya. y!

Nagtawan naman ang mga crew ng magbayad sa counter si Ms. Floral. Napatingin naman ako kay Irene na nakatingin din pala sa akin. Kinindatan ko siya. At ayun, inirapan lang ako ng bruha.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎