CHAPTER 38

LOVE IS...

Seulki's POV

 

"Next time love, dun naman tayo magdate sa bdkdjjenwmjzznsbs..." Hindi ko na naiintindihan ang idinadaldal ni Juhyun sa akin habang nandito kami sa favorite naming resto. Halos malibot na namin ang buong London sa paglalakwatsa. Pinuntahan ang mga tourist spots at tinikman ang mga delicacies nila.

 

"hsidmelelekrlrk." Again, hindi ko naiintindihan ang sinabi ni Juhyun. Okupado ako ng mga tanong sa isip. Andami rami kong what if's.

 

Sabi ni Dadiyo ay sabihin ko na kay Juhyun ang totoo bago man lang kami umuwi ng Pilipinas. Pero paano ko ba sisimulang sabihin ang totoo kung ang kapalit nito ay ang posibilidad na mawala siya sa akin.

 

Tumitig ako sa maamo niyang mukha. Nakangiti siya habang nagkwekwento sa akin.

 

Paano ko ba magagawang saktan ang ganito kabuting tao?

 

Paano kung sa pagsasabi ko ng totoo ay hindi ko na makita ang magaganda niyang ngiti? Ang mga halakhak na sadyang nakakapagpaganda ng araw ko. Ang yakap na nagpapagaan ng loob ko. Ang mga halik na nagreremind sa akin na napakaswerte kong tao. Napakaswerte ko dahil isang Juhyun Kim ang inihulog ng langit para sa akin.

 

"Hey, love. Are you listening?" Pumitik siya sa harap ko kaya para akong nagising sa isang panaginip. Isang napakagandang panaginip kasama ang isang napakagandang diwata.

 

"Ha? Ah oo naman." Nakangiti kong sabi saka ininom ang wine sa harapan ko.

 

"Is there something wrong? Kindly tell me, maybe I can help." Nag aalalang tanong niya sa akin. Napansin rin niya siguro ang pagkabalisa ko mula pa kanina.

 

"Wala, love." Nag iwas ako ng tingin."May naisip lang ako."

 

"Ano yun? O sino yun? Naku, love. Wag mong sabihing babae! Hindi lang sampal ang matitikman mo sa akin!" Napangiti ako sa sinabi niya. Selosa.

 

"Hahaha... nu ka ba! Syempre hindi. Ikaw lang ang nag iisang babaeng mahal at mamahalin ko." sincere kong sabi sabay hawak sa dalawa niyang kamay na nakapatong sa table.

 

"Thank you, love. I am so much blessed dahil may isang katulad mo sa buhay ko." Ngumiti ako ng ubod tamis sa sinabi niya. Pinisil pa niya ang kamay ko na lalong nagpakislot sa puso ko. "I love you, Seulgi Kang." Nawala ang malapad kong ngiti kanina. Napalitan iyon ng lungkot.

 

At isang reyalidad ang parang pumukpok sa ulo ko para matauhan.

 

Hindi ako ang minahal niya. Hindi si Seulki Song!

 

"Uhm love... m-may gusto sana akong s-sabihin sayo.." Mukhang nagkabuhol buhol ang dila ko. At ang tibok ng puso ko parang tambol sa sobrang lakas. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya saka siya tiningnan ng deretso.

 

"L-Love..I am not..I am.." Please Althea! Magsalita ka!Please. "I'm not Seul--"

 

Ring

 

Ring

 

Pareho kaming napatingin sa cellphone niya sa ibabaw ng lamesa.

 

"Wait love. Sagutin ko lang to, okay?" Hinila niya ang kamay niya na hawak ko para masagot ang tawag.

 

Gusto ko siyang pigilan dahil baka kapag hindi ko pa sinabi sa kanya ang totoo ay mawalan na ako ng lakas ng loob.

 

Tumayo siya at lumayo ng konti. Nasundan ko na lang siya ng tingin.

 

"I am not Seulgi. My name is Seulki." Bulong ko sa hangin habang nakatanaw pa rin sa kanya. Ni ayaw kong ihiwalay ang mga mata sa kanya, dahil nakakatakot na baka sa paglingon ko ay wala na siya sa paningin ko or worst wala na siya sa buhay ko.

 

Nagmamadali siyang bumalik sa table. Seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako.

 

Alam na ba niya ang totoo? God please! Wag muna po! Ngayon ako nagdasal ng paulit ulit sa Itaas.

 

"Love... uwi na muna tayo. Tumawag ang maid. May emergency sa bahay." Kita ko ang pag aalala sa mukha niya. At nakahinga naman ako ng maayos dahil mukhang wala pa siyang alam sa katotohanan.

 

Tumayo na ako at sabay kaming lumabas para umuwi na.

 

Pagtapat ko sa bahay nila ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niyon. Napahawak ako sa dibdib ko, dahil feeling ko nagsisikip ang puso ko. Parang may kamaong dumudurog dito.

 

"Let's get inside." Sabi niya pagkatapos kong alalayan sa pagbaba.

 

Nauna siyang pumasok kasunod ako. Hindi ko alam kung bakit pati tuhod ko ay nanginginig na rin. Para akong papasok sa isang haunted house na di ko alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay.

 

"Nay? Nayyyy.." Napatakbo si Juhyun ng makita ang nakangiting ina. Heto pala ang emergency na sinasabi ng maid. Gusto siyang isurprise ng nanay niya.

 

Nawala ang ngiti ko ng may maalala. Hindi niya ako pwedeng makita. Tumalikod ako at akmang lalabas ng may pamilyar na boses na pumigil sa akin.

 

"Look who's here!" Humarap ako sa nagsalita at halos mahimatay ako ng makita ko ang galit na mukha ni Irene.

 

"B-Besty?" Ramdam ko ang panginginig ng labi ko.

 

"Nasorpresa ka ba? Di ba dapat ako ang masorpresa sa pagkikita natin dito?" Yung mga mata niya halos may lumabas ng apoy sa sobrang galit.

 

"B-Besty, mag usap--"

 

"Ate, thank you for giving us another chance." Si Juhyun na nakalapit na pala sa amin. Napabaling ako sa kanya. Nakita ko kung gaano siya kasaya na buo na ang pamilyang pinapangarap niya.

 

Walang umiimik sa amin ni Irene.

 

"Uhm by the way, Love, she's my sister ire. Ate, she's--"

 

"Kilala ko siya. Kilalang kilala ko siya." Madiin nitong sabi habang nakatitig sa akin.

 

"Oh wow! That's good." Magiliw na sabi ni Juhyun na hindi man lang nahahalata ang tensyon sa pagitan namin ni Irene.

 

"Ikaw, SEULKI. Why don't you introduce yourself to her." Napalunok ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Naghahamon ang mga mata niya.

 

"Ate, her name is Seulg--"

 

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo, ha, Seulki?"  Tumingin ako kay Juhyun at mababakas sa mukha niya ang pagkalito. "Damn you! Magsalita ka!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Hindi ko magawang ibuka ang labi ko. Wala akong mahanap na salita. Totoo pala na kapag nasa sitwasyon ka na, halos mapipi ka.

 

"Ano ba, ate! Wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan!" Pagtatanggol ni Juhyun sa akin.

 

"Kilala mo ba talaga ang babaeng ipinagtatanggol mo sa akin?" Bumaling ito kay Juhyun.

 

"Of course! She's my girlfriend. Natural lang na kilala ko siya!" Inis na rin na sabi ni Juhyun sa kapatid. Habang ako parang natulos sa kinatatayuan ko. Feeling ko ay nagyelo ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Ni hindi makapagsalita. Hindi ko maipagtanggol ang side ko.

 

Guilty as charged!

 

"Well, she's my bestfriend. Oh cut that crap! She my EX-bestfriend." Sarcastic nitong sabi habang pinasadahan ako ng tingin.

 

"I... I don't understand." Napahawak ito sa noo na parang gulong gulo. "Seulgi, what's the meaning of this?" Humihingi ng eksplanasyon ang mga mata niya. 

 

"Mukhang walang planong sabihin ng babaeng yan ang totoo. Siguro mas mabuting ako na lang ang magsabi sayo." Nanginig ang buong katawan ko sa sinabi niya.

 

No Irene! Please! Nagmamakaawa ang mga mata ko.

 

"Ang Seulgi Kang na kilala mo ay hindi ang babaeng nasa harap mo ngayon. She's Seulki Song. Siya ang kakambal ni Seulgi." ngumisi pa ito sa akin pagkatapos sabihin ang totoo kay Juhyun.

 

Naramdaman ko na lang ang pag uunahan ng luha sa mata ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak.

 

"Totoo ba?" Matabang na tanong ni Juhyun sa akin. Hindi siya umiiyak pero mababakas sa mga mata niya ang labis na sakit.

 

"Love.." Magsalita ka, Seulki. Kung ayaw mong mawala siya ng tuluyan sayo! Lumapit ako sa kanya, "Love, m-magpapali---"

 

"Totoo ba?!!!" Sigaw niya sabay piksi sa paghawak ko sa kanya.

 

I bit my lower lip saka yumuko at tumango.

 

Sobrang sakit ng puso ko. Lalo na't alam kong nasasaktan ko siya. She don't deserve this!

 

"Get out." Mahina ngunit punong puno ng galit na utos ni Juhyun. Napatunghay ako at nakikiusap ang mga mata ko.

 

"Love, hayaan mo akong magpaliwanag." Nagsusumamo ang mga mata ko habang pilit siyang hinahawakan.

 

"I SAID, GET OUT!" Sigaw niya sabay tulak sa akin. Hindi ko na makilala ang Juhyun na kaharap ko ngayon. Hindi siya umiiyak. Ni wala siyang pinapakitang emosyon at iyon ang ikinababahala ko.

 

"Juhyun, p-pakiusap.." Halos mamaos ang boses ko sa pag iyak. Muli ko siyang tinangkang hawakan.

 

"Wag mo akong hahawakan! Hindi kita kilala!" Ang sinabi niya ang dahilan ng pagkamatay ng puso ko. Pakiramdam ko ay tumigil na ito sa pagtibok.

 

Tinabig niya ang kamay ko at walang sabi-sabing tumaas siya patungo sa kwarto niya.

 

Akma ko siyang susundan ng may marahas na kamay na pumigil sa akin.

 

Irene's POV

 

I grab Seulki's arm para pigilan siya sa tangkang paghabol kay Juhyun.

 

"Tapos na ang pagpapanggap, Seulki." Lumingon siya sa akin. Halos wala silang pagkakaiba ni Seulgi.Hanggang ngayon hindi ko pa rin akalain na may kakambal siya.

 

"Besty, please. Hayaan mong makausap ko si Juhyun." Halos lumuhod na siya sa harapan ko. Hindi ko akalain na ang maarte at stubborn na si Seulki ay mabebend ng kapatid ko. Ni sa hinagap hindi ko din naisip na magiging katulad ko si Juhyun.

 

"Besty?! Alam mo ba ang ibig sabihin niyon, ha Seulki?" Nagtagis ang bagang ko sa itinawag niya sa akin. "Ang kaibigan, hindi nagsisinungaling! Hindi nanloloko! Hindi nananakit! And I am so disappointed dahil mukhang hindi mo alam ang totoong kahulugan nito!" Napaiyak na rin ako sa katotohanang nagawa akong lokohin ng matalik kong kaibigan.

 

"Irene, I'm sorry! I'm really sorry."

 

"Sorry! Sorry! Sorry! Narinig ko na yan! Paulit ulit na lang! At alam mo kapag naririnig ko ang salitang yan? Mas lalo ko lang naaalala na minsan, niloko ako ng BESTFRIEND ko! At ang pinakamasakit, idinamay niya pa ang kapatid ko!!" Pareho na kaming umiiyak. Pero hindi ko magawang maawa sa kanya lalo na kapag titingnan ko siya. Si Seulgi ang nakikita ko sa mukha niya. Na siyang nagiging dahilan ng pag ahon ng galit ko!

 

"Please, patawarin mo ako." Lumuhod siya sa harapan ko habang nakatungo. "Hayaan mong makausap ko si Juhyun. Parang awa mo na.. hindi ko kayang mawala siya." Pumiyok siya habang nakaluhod pa rin. 

 

"Sana nga madali lang ang magpatawad." Nakatingin lang ako sa kanya at puno ng bitternes ang boses ko. "Pero hindi eh. Dahil nandito pa rin yung sakit! Hindi mawala-wala!" Turo sa puso ko. "Nasasaktan ako dahil niloko ako! Nasasaktan ako dahil niloko ang kapatid ko! Pero ang pinakamasakit at hindi ko matatanggap sa lahat ay ang pagsampal ng katotohan sa mukha ko! Na ang taong pinagkatiwalaan at minahal namin ang siyang gumawa sa amin nito!" Garalgal ang boses ko. Para akong mauubusan ng hangin.

 

"Hindi namin sinasadya ang lahat, Irene. Ang gusto ko lang naman ay mabuo ang pamilyang pinangarap ko noon pa man. Alam mo yun, di ba?" Malayong malayo siya sa Seulki na kilala ko. Seulki na hinding hindi mo mauutusan o mapapaluhod. Ang Seulki na nasa harap ko ngayon ay isang mahinang Seulki.

 

"Hindi sapat yon para lokohin mo kami!" Sigaw ko.

 

"Believe me, hindi namin sinasadyang saktan kayo." Tumingala siya at deretsong tumingin sa akin. Pero kahit yata nagsasabi na siya ng totoo ay hindi ko na magagawang maniwala at magtiwala.

 

"Hindi lang kayo pareho ng mukha ni Seulgi. Pareho rin kayong sinungaling." Matigas kong sabi. Aaminin kong nakakaramdam ako ng awa habang nakatingin sa kanya. Hindi ko akalain na darating kami sa ganitong sitwasyon. "Umalis ka na, Seulki. Hanggat may natitira pa akong respeto sayo." Pagkasabi niyon ay tinalikuran ko na siya. Rinig ko ang pag iyak niya hanggang sa makataas ako ng kwarto ni Juhyun.

 

Pagbukas ko ng kwarto ay naabutan ko si nanay katabi ni Juhyun. Noong makita niya ako ay tumango siya at lumabas ng kwarto. Sign na kausapin ko si Juhyun.

 

Naiwan akong nakatayo at si Juhyun na nakaupo sa gilid ng kama. Nakatulala lang siya at walang mababakas na ekspresyon sa mga mata niya. Ni hindi rin siya umiiyak.

 

"Hyun?" Approach ko sa kanya. Saglit siyang sumulyap sa akin at muling ibinaling ang paningin sa kawalan.

 

I sigh bago tuluyang lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

 

"Wag kang magkunwaring hindi ka nasasaktan. Hindi yan makakabawas sa sakit na nararamdaman mo." Sabi ko sa kanya habang nakatingin na rin sa tinitingnan niya.

 

Payong? Bakit siya nakatitig sa isang payong? Tanong ng isip ko. Pero alam kong hindi iyon ang oras para magtanong.

 

"Cry if you feel like crying." Pagkasabi ko niyon ay marahas siyang tumayo.

 

"Umiyak?" Sabay tawa niya ng malakas pero mahahalata mong peke iyon. "Alam mo bang iyon na ang ginawa ko sa buong buhay ko?" Humarap siya sa bintana. Nasundan ko na lamang siya ng tingin. "Umiyak ng malamang may sakit ka. Umiyak ng mawala ka. Umiyak ng balewalain ako ni nanay!" Muli itong humarap sa akin. Ramdam mo sa boses niya ang labis na sakit. At wala ako magawa para sa kapatid ko dahil maging ako, hindi ko rin alam kung paano magagawang mawala ang sakit. "Umiyak ng umiyak ng umiyak! Wala akong ginawa kundi ang umiyak! Pagod na ako! Pagod na pagod na akong masaktan!" Matigas niyang sabi habang nakatingin sa akin. Ni wala man lang bakas ng luha na makikita sa mga mata niya.

 

"Mas gugustuhin ko na lang umiyak kaysa magpanggap na hindi ako nasasaktan." Titig kong sabi sa kanya bago ako tumayo. "I'm sorry kung wala ako sa mga panahong umiiyak ka. Hindi kita nasamahan sa mga panahong nasasaktan ka. But I'm here now... And this time, I won't leave you. Hindi ko na hahayang masaktan ka pa ng kahit sino. Pangako." She bit her lower lips para pigilan ang pag iyak. Niyakap ko siya ng mahigpit na tinugon niya ng mas mahigpit na yakap.

 

"M-Masama ba akong tao para maranasan ang lahat ng ito, ate?" Humahagulhol siya sa balikat ko kaya hindi ko maiwasang masaktan para sa kapatid. "B-Bakit niya nagawa sa akin to!!" Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Parang kumukuha ng lakas para hindi siya matumba. Mukhang katulad ko ay nanghihina na rin ang katawan niya dahil sa pag iyak. Pero kailangan kong magpakatatag ngayon. Kailangan kong magpaka ate sa kanya. Kailangan kong maging lakas niya. "Sobrang sakit,ate.Para akong pinapatay sa sobrang sakit." Hindi ko napigilang mapaiyak. Hindi ko kayang nakikitang ganito si Hyun. Pero ano nga bang magagawa ko kung ang sarili kong sugat ay hindi ko rin magamot.

 

"Minsan, kailangan nating masaktan para matuto tayo. Para maging matatag tayo. May mga taong darating na pilit tayong hihilahin pababa. Pero tayo lang ang pwedeng sumagip sa mga sarili natin. Wag natin hayaang mahulog tayo sa kumunoy na gawa nila. Sa halip, hilahin mo ang kamay ko, at hihilahin ko ang sayo, para sabay tayong makaahon." Hagod ko ang likod niya habang pareho kaming umiiyak sa balikat ng isat isat. Just like the old times. Ang pagkakaiba lang, umiiyak kami noon dahil nasugatan ang tuhod o ang siko namin sa paglalaro.

 

Mas masakit ang ngayon dahil hindi tuhod o siko ang nasugatan, kundi ang puso.

 

Dalawang pusong nasugatan hindi dahil naglaro kundi dahil nagmahal.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎