CHAPTER 29

LOVE IS...

Irene's POV

Lumipas ang dalawang araw at sa condo na nga tumira ang babaeng nabangga ni Seulki. 'Babae', iyon ang tawag ko sa kanya. Ni hindi ko maatim na tawagin siyang 'nanay'. Hindi ko na lamang siya pinapansin kapag nagkakataon na nasa isang bahagi lang kami ng condo. Halos iwasan ko siya sa sarili kong bahay. Kumikilos pa rin ako na parang wala akong kasama roon.

Madalas din bumisita si Seulki sa condo. Sa katunayan ay napapalapit na siya sa 'babae'. Alam na rin ni Seulki ang tungkol sa nakaraan ko at hindi naman niya ako pinipilit na makipag ayos sa 'babae'. Pero alam kong isa sa dahilan kung bakit niya ininsist na dito tumira ang 'babae' ay para magkaayos kami.

"Anak... kumain ka na. Ipinaghanda kita ng paborito-"

"Pwede ba! Stop acting like a good mother coz I know you're not!" Bulyaw ko sa kanya ng inalok niya akong kumain.

Lalo lamang umaahon ang inis ko satwing tatawagin niya akong anak!

"Magaling ka na di ba? Bakit hindi ka pa rin umaalis?" Sama ng loob ang mababakas sa mukha ko. Satwing susulyapan ko siya ay bumabalik ang matinding galit na kinimkim ko sa nagdaang mga taon.

"Pero anak-"

"Are you abusing Seulki's goodness o mas gusto mong ako ang magpalayas sayo sa 'bahay' ko?!" Idiniin ko ang huling salita. Ipapamukha ko sa kanya na hindi na ako si Rene na iyakin at sakitin. Hindi na ako ang anak na iniwan at ipinagbili niya! Ipapakita ko sa kanya na hindi ko na siya kailangan!

Tatalikod na ako ng makita kong nakaupo na siya habang umiiyak. Walang silbi ang mga luha niya kumpara sa dami ng luhang naiiyak ko nang iwan nila ako!

"G-Gusto pa kitang makasama, anak." Paanas niyang sabi ng tatangkain kong talikuran na siya.

"Gusto mo akong makasama? Hahahaha!" Inulit ko ang sinabi niya saka tumawa ng nakakainsulto. "Bakit? Ipinagbili mo rin ba si Jaja? O iniwan ka na ng anak mong mas pinili mo kaysa sa akin?!" Sarcastic kong tanong. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano katigas ang puso ko. Walang puwang ang salitang awa at respeto sa kanya! "Sabagay, sino ba naman ang magtyatyaga sa walang kwentang ina-"

"Irene!" Pigil ng boses na iyon sa iba ko pang sasabihin. Nakita ko sa may pintuan si Seulki at sigurado akong narinig niya ang mga sinabi ko. "Wag mo siyang tratuhin ng ganyan!" Malakas na rin ang boses niya ng lapitan ako. Mukhang kampi pa ito sa 'babae'.

"Hindi mo kilala ang babaeng yan kaya wag mo siyang ipagtanggol sa akin!" Galit pa rin ang boses ko saka ako nagtapon ng masamang tingin sa babae.

"She's still your mother! At sa ginagawa mo ay nagiging bastos ka na!" Galit na rin nitong sabi pero hindi ako nasisindak. Walang makakapigil sa galit ko na naipon ng mahabang panahon!

"Wala na akong ina simula ng ipagbili niya ako! Tapos ano?" Tumingin ako sa direksyon ng 'babae' na nakayuko habang humahagulhol ng iyak. "Babalik siya para sabihing gusto niya akong makasama? That's bull!!" Paghihisterikal ko. Dahil sa galit ay natabig ko ang mga pinggan na naroon sa table. Umalingawngaw ang tunog nito pati na rin ang pagmumura ko sa loob ng condo.

"Nasaan ba siya ng kailangang-kailangan ko siya?" Saka tumulo ang mga luha sa mata ko. Bumuhos lahat ng hinanakit ko. Hindi ko iyon maawat. Katulad ng galit sa puso ko na unti-unti akong nilalamon.

"Why don't you forgive her." Ramdam ko ang paghihirap din ng loob ni Seulki.

"Paano mo papatawarin ang taong hindi naman humihingi ng tawad sayo?" Muli kong tiningnan ang 'babae' na punong-puno ng galit.

"Anak.." Nagtatakbo na ako palabas. Ayaw ko ng marinig ang iba pa niyang sasabihin. Dahil alam kong puro kasinungalingan lamang iyon.

Seulgi's POV 

"Babylove?" Tama ako. Dito nga siya tumakbo sa rooftop para magpalipas ng sama ng loob.

Hindi man lang niya ako nilingon. Lumapit ako sa kanya saka siya niyakap. Iyak lang siya ng iyak. At nasasaktan din ako knowing na nasasaktan siya ngayon. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka-wasted. And I don't know how to ease the pain inside her.

"I'm sorry kung nasigawan kita kanina. Pero sana hindi mo siya pinagsalitaan ng ganoon. Ina mo pa rin siya, bali-baligtarin mo man ang mundo."

"Hindi mo ako naiintindihan. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko." Kumalas siya ng yakap. Nakita ko sa mga mata niya ang magkahalong sakit at galit. "Buong buhay mo, kasama mo ang nanay mo. Kaya paano mo maiintindihan ang isang katulad ko na ipinagbenta ng sarili niyang ina?" Tinalikuran niya ako at tinanaw ang kamaynilaan. Siguro ayaw niyang makita ko ang pag iyak niya. Ayaw niyang malaman na may kahinaan din siya.

"Maniwala ka sa akin kapag sinabi kong naiintindihan kita." Dahil hindi ko rin nakasama si nanay sa paglaki ko. Pero kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. Naniniwala ako na ang lahat ng nangyayari ay may dahilan.

"S-Sobrang sakit, Seulki. At dahil sa sakit na to, nakalimutan ko na ang pagpapatawad." Humigpit ang hawak niya sa railing. Lumapit ako sa kanya at binack hug siya.

"Shhshh. Everything will be okey. At hangga't hindi yon nagiging okey, nandito lang ako palagi para sayo." Ramdam ko ang pagkalma niya dahil sa sinabi ko.

"Salamat. Kahit alam mo na yung totoo, hindi mo pa rin ako iniiwan." Humarap na ito sa akin.

"Hindi kita iiwan." Sabay punas ko sa mga luhang naglandas sa pisngi niya. "I'll be your hanky to wipe your tears. I'll be your clown to make you smile. I'll be your star that shine so bright. And I will always here to guide your way through the darkest of the night."

"Promise me that you will never leave me." Nakikiusap ang mga mata niya sa akin. Pero umiling ako.

"Ayokong mangako. Ayokong umasa ka lang sa isang pangako. But one thing I assure you, as long as you love me, and as long as you care, I will stay. Hindi ako mawawala." Kinuha ko ang kamay niya at itinapat iyon sa puso ko. "Isa lang ang kaya kong ipangako sayo. Heto. Hetong pagmamahal ko para sayo."

"Thank you, babylove. I love you so much." Sabi niya na ikinangiti hindi lamang ng labi ko. Maging ng puso ko.

"Mahal na mahal na mahal din kita, Irene."sincere kong sabi saka ko siya binigyan ng isang halik sa labi.

Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka lang, Irene. Kahit na ang kapalit niyon ay habang buhay kong pagpapanggap na si Seulki.

Seulki's POV

"Hello Seulgi? Bakit napatawag ka?" Kadarating ko lamang sa resto. Dumaan ako kayna Juhyun at katulong lamang ang naabutan ko roon. Actually, ilang ulit na akong pabalik-balik sa kanila. Umaasa na makakapag usap kami. Pero kahit isang beses hindi siya nakipag usap sa akin. Ngayon nga ay lumipad daw ito papuntang Pilipinas. Kung pwede ko nga lang siyang sundan doon.

"Seulki, may problema tayo." What's new? Palagi naman tayong may problema. But instead, nagtanong na lang ako kung ano bang problema? "Nandito sa Pilipinas ang biological mother ni Irene at ni Juhyun."

"I know right. Sa katunayan ay nandyan din sa Pilipinas si Juhyun. Kaya Seulgi, mag iingat ka. Wag naman sanang pahintulutan na magkita kayo dyan." Kung dati-rati ay hindi ako mahilig magdasal. Ngayon ay halos araw-arawin ko na iyon.

"Uggghh! Sumasakit na ang ulo ko!" Reklamo nito.

Hays... Hindi lang ikaw Seulgi. Di lang ikaw.

"Anyway, nagkita na ba kayo ng nanay ni Juhyun?" tanong nito sa akin.

"Hindi pa. Bakit?"

"Good. Nabangga ko siya noong nakaraang araw." Malungkot nitong sabi.

"Ano?!" Napalakas ang boses ko. "Is she alright?" Nag aalalang tanong ko. Biyenan ko siya kaya natural lang na mag alala ako. Lol

"Okay na siya. Nagkita sila ni Irene at hindi naging maganda ang pag uusap nila. Siguro babalik na siya dyan sa London. Please, Seulki. Hindi ka pwedeng magpakita sa kanya." Nagmamakaawang pakiusap nito sa akin. Hindi ako pwedeng magpakita sa nanay nila dahil malalaman niya na kambal din kami ni Seulgi.

"Makakaasa ka." Assurance ko.

Nag usap pa kami ng ilang minuto at bago tapusin ang usapan ay nagtanong muna ako sa kanya. Nagdalawang isip pa ako kung dapat ko ba iyong itanong.

"Seulgi?" Hesitant kong approach.

"Hmm?"

"P-Paano..." i bit my lower lip. "Paano manligaw?"

"Pfffttt! HAHAHAHA." Nakakapikon ang tawa niya!

"Ano bang nakakatawa, ha?!" Naiirita kong tanong.

"Ikaw! I can't imagine na kafederasyon na kita." Natatawa pa ring sabi nito.

"Are you going to help me or what?" Mataray kong tanong.

"Okay, okay. Wag kang highblood. I'll help you. At sisiguraduhin kong mapapasagot mo siya." Napangiti ako. May pakinabang din pala ang kumag na to.

Pangako, Liligawan ko na si Juhyun pagbalik niya ng London.

Juhyun's POV

Nagdaan ang mga araw na puro na lamang ako iyak. Ni hindi napapagod ang mga mata ko sa kaiiyak. Ang sakit pala kapag nabroken-hearted ka.

Ang sakit kapag ipinamukha sayo ng taong mahal na mahal mo na hindi ka niya magugustuhan kahit na ano pang gawin mo.

Isa't kalahating TANGA. Yun ang dapat itawag sa akin. Nangarap ako ng taong imposible naman talaga akong magustuhan.

TANGArap ko lang siya.

Umasa, umasa at sa huli nasaktan.

Hindi na ako nagpakita kay Seulgi simula ng ipamukha niya sa akin ang lahat. Tama siya. Sino ba naman ang magkakagusto sa dating nerd na katulad ko?

Akala ko iba siya! Nakalimutan ko na heart breaker nga pala ang minahal ko. Magaling maglaro ng puso. At sa kamalasan, isa ako sa napiling paglaruan.

Sadlife!

Siguro pinakitaan lang niya ako ng maganda para may mapaglaruan. Kaya bakit pa ba ako magpapakita sa kanya kung alam ko namang tapos na siya sa paglalaro sa akin?

I smile bitterly.

Hindi ko pa ring maiwasang isipin siya kahit nandito na ako ngayon sa Pinas. Milya-milya ang layo namin sa isat-isa pero ang puso kong wasak, naiwan ko doon sa London.

Kasalukuyan akong nandito sa hotel kung saan pinili kong mag stay. Isinantabi ko muna ang problema sa puso para unahin si nanay, na naaksidente noong isang araw. Kaya ako napauwi ng Pinas ay dahil na rin sa nangyari sa kanya.

Gusto ko siyang puntahan pero pinigilan niya ako. At ikinabigla ko ang dahilan niya.

Ang taong nakabangga sa kanya ay bestfriend ni Ate Irene.

Lalong lumalim ang eagerness ko na puntahan sila. Pero muli, pinigilan ako ni nanay. Sinabi niyang galit sa amin si ate, na hindi ko na ipinagtaka. Alam kong darating kami sa ganitong sitwasyon. At handa kaming tanggapin ang galit niya hanggang sa mapatawad niya kami. 

Naputol ang pag iisip ko ng tumawag si nanay. Papunta na raw siya sa hotel na tinutuluyan ko. Kasama niya ang bestfriend ni Irene.

Hinintay ko na kaagad sila sa lobby ng Hotel. Nakita kong umiiyak na pumasok si nanay pero wala na siyang kasama.

Akala ko ba kasama niya ang bestfriend ni ate? sa isip ko.

"Nay..." Salubong ko sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pag iyak.

"H-Hindi na niya ako mapatawad. Kinamumuhian ako ng ate mo. Wala akong kwentang ina!" Hagulhol nitong sabi kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Nakaramdam ako ng inis kay ate Irene, dahil nagagawa niyang saktan si nanay.

"Hindi totoo yan, nay. I'll talk to her. Alam kong mapapatawad din niya tayo." Napaiyak na rin ako sa nakikitang paghihirap ni nanay. At hindi ako aalis ng Pilipinas hanggat hindi nalalaman ni ate ang totoo.

Nandito ako ngayon sa harap ng condo ni Ate Irene. Napag alaman kong isa na siyang florist. Natupad na niya ang pangarap niya noon. At konting panahon na lang ay matutupad ko na rin ang sa akin.

Nalaman ko rin na may flower shop siya. Co-owner niya doon ang bestfriend na nagngangalang Seulki. Sayang at hindi na siya pumasok sa hotel nang ihatid niya si nanay. Sana ay nagkakilala kami. Para makapagpasalamat na rin ako sa pag aalaga at pagmamahal niya kay ate.

Ilang oras ang lumipas saka ko siya natanaw na paparating. Napagmasdan ko siya. Halos wala kaming ipinagkaiba maliban sa kulay ng balat naming dalawa. Intimidating ang tindig at kilos niya. Para siyang isang bato na kahit anong gawin mo ay hinding-hindi matitinag. Mga katangian na kabaligtaran ng sa akin.

Nakita ko ang pangungunot ng noo niya ng makalapit siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito??" Ang kaninang maamo niyang mukha ay napalitan ng galit. Para siyang isang mabangis na tigre na anytime ay pwede akong lapain.

"I want to talk to you, ate." Mahinahon kong sagot

"Bakit? Nagsumbong na ba sayo ang magaling mong ina?" Pagtataray pa nito.

"Ina natin." Pagtatama ko.

"Ina mo lang!" Nagtagis ang mga ngipin niya. Kulang na lang ay mag apoy ang mga mata niya sa sobrang galit. "Bakit nga ba kayo nandito? Naubos na ba ang perang pinagbentahan niyo sa akin?!" Pang iinsulto pa nito.

"Hindi mo alam ang totoo!" Tiim-bagang kong sabi. Pinipigil ang nag uumpisang inis.

"Alam ko! Ipinagbenta niyo ako at nagpakasarap kayo sa buhay ng wala ako!" Ssigaw niya sa pagmumukha ko.

Aaminin kong nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Napuno ng galit ang puso niya. Galit na nagsimula lamang sa isang kasinungalingan.

Binukasan niya ng marahas ang pinto ng condo. Ngunit nahawakan ko ang braso niya. Para pigilan ang tangka niyang pagpasok.

"Nagpakasarap?" Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko. Naalala ko na naman kung gaano kahirap ang buhay namin noon ni nanay. "You have no idea kung anong naging buhay namin noon! Kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan namin!" Gigil kong sabi. Napapadiin na din ang hawak ko sa braso niya.

"You deserve that! Dapat lang na maghirap kayo dahil sa pambabalewala niyo sa akin!" Nanlilisik ang mga mata niya sabay tabig ng kamay ko.

"Wala ka sana sa kinatatayuan mo ngayon kung binalewala ka lang namin." Halos patayin niya ako sa tingin pa lamang niya. "Alam mo bang hiniling ko noon kay nanay na ako na lang ang IPAMIGAY niya?" Nangunot ang noo niya sa word na 'ipamigay'.

"Hindi totoo yan!" Bulyaw niya ulit sa akin.

"Totoo, ate. Mas pinili kang ipamigay ni nanay para mabuhay ka. Para matupad mo ang mga pangarap na hindi niya kayang ibigay sayo. You're a successful woman now, because of her!" Madiin kong sabi sa kanya na ikinailing niya.

"Hindi totoo yan! Nagsisinungaling ka!" Tinangka niya akong sampalin pero bago nya gawin iyon ay nagsalita na muli ako.

"Alam mo ang masakit ha, ate?" Ngumiti ako ng pilit. Samantalang ibinaba niya ang palad na muntikan ng dumapo sa pisngi ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na naguguluhan na siya. "Iniisip mo na ako ang pinili ni nanay kaysa sayo... Pero ang totoo... Mas pinili ka nya kaysa akin." Nag unahan sa pagpatak ang luha ko. Lahat ng hinanakit ko ay biglang nadiligan at muling umusbong dito sa puso ko.

"Kung tutuusin, napakaswerte mo.vHindi mo na kailangan magtrabaho para mabuhay. Hindi mo na kailangan magbilad sa araw para may makain. Hindi kumakalam ang tyan mo dahil sa gutom. Hindi ka pinagtatawanan sa school dahil puro luma ang gamit mo. Ni hindi ka pinagtangkaan ng masama ng boss mo." Halos mamaos ako sa kaiiyak at sa awa sa aking sarili. "Lahat yon naranasan ko. Na hinding-hindi mo gugustuhing maranasan." Ilang ulit ko mang punasan ang mga luha ko, Para iyong bukas na gripo. Ayaw huminto sa pagtulo.

"Kaya sa ating dalawa, hindi ikaw ang kawawa. Hindi ikaw ang binalewala, kundi ako!" Turo ko sa sarili. Napahagulhol na ako ng maalala lahat ng sakripisyo ko para lang makarating ako kung nasaan ako ngayon. "Dahil simula ng mawala ka, nawalan na rin ako ng i-ina. Kahit ako ang kasama ni nanay, ikaw pa rin ang nakikita niya. Ikaw pa rin ang hinahanap niya. P-Pakiramdam ko, mag isa na lang ako." Napatakip ako sa bibig dahil sa sakit na nararamdaman. Pakiramdam ko ay magcocollapse ako.

Nakita ko ang pag iyak niya. Wala akong naririnig kahit na anumang salita mula sa kanya. Nakatitig lamang siya sa akin habang patuloy sa pag iyak.

"Pero hindi ko nagawang magalit sa kanya. Dahil alam kong nalulungkot lang siya sa pagkawala mo. Katulad kung gaano kasakit ang mga araw na hindi kita kasama." Naninikip ang dibdib ko sa labis na iyak. Ang sakit alalahanin ng mga bagay na nagpahirap sa akin noon.

"Ba-Bakit hindi niyo ko h-hinanap?" Punong-puno ng hinanakit ang boses nito.

"Wala kaming sapat na pera noon para gawin iyon. But I'm sorry. I'm sorry kung pakiramdam mo binalewala ka namin. I'm sorry kung napuno ng galit ang puso mo. At para sa kaalaman mo..." Nangunot ang noo nito. "Ang pamilyang kinalimutan mo ay ang pamilyang hinding-hindi ka magagawang kalimutan." Pagkasabi niyon ay nilagpasan ko siya. Hindi ko pa kayang makipag usap sa kanya. Hindi rin kami magkakaintindihan lalo na't pareho kaming emosyonal.

Siguro ay may tamang panahon para makapag usap kami. At hinihiling kong kapag dumating ang araw na iyon ay bukas na ang puso niya para sa amin.

Sana ay mapatawad na niya kami.

Sana ay mabuo na ang pamilyang ang tagal nawala sa akin.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎