CHAPTER 23

LOVE IS...

Seulgi's POV

"Goodmorning, tsong." Naalimpungatan ako sa bating iyon ni Amber.

Paano ba nakapasok sa kwarto ang bugok na to?

Tig iisang kwarto kaming magbabarkada sa mansion na iyon nina Irene. Posible naman talaga na madami silang guest room dahil sa laki ng mansiong ito.

Kahapon pa kami dumating dito. Pero dahil alangan na ang oras ay mas pinili na lamang naming magpahinga pagkatapos kumain.

Ewan ko ba kung bakit antok na antok ako kahapon habang nasa byahe. Siguro dahil na rin sa pag iisip ko kay Irene. Dumagdag pa ang dalawa kong bugok na kaibigan.

"It's gala time." Rinig kong sabi ni Joy pero hindi ko pa rin nagawang imulat ang mga mata ko. "Hoy Amber, gisingin mo na ang isang yan."

"Tsong.." Niyugyog ako ni Amber. Kumuha naman ako ng unan para itakip sa tenga ko. Ano ba namang trip ng mga to? Gagala daw? Anong tingin nila dito Disney Land? Tss!

"Hoy tsong, wake up na." Pangungulit pa nito. Pilit inaalis ang unan sa tenga ko.

"I'm gonna kiss you kapag di ka pa bumangon dyan." Pananakot pa ni Joy pero hindi pa rin ako natinag.

"Kapag hindi ka pa bumangon dyan, pahahalikan kita kay Irene!" Nang marinig ko ang pangalang iyon ay napabaligwas na ako ng bangon. Luminga ako sa paligid ng kwarto pero wala akong nakitang Irene.

"Hahahaha.." Sabay na tawanan ng dalawa.

*NAISAHAN AKO NG MGA UNGGOY!*

"Pangalan lang pala ni Irene ang makakapag pagising sa natutulog mong diwa." Maarte pang sabi ni Joy habang naglilipstick.

*Aattend ba siya ng party? Sobrang pula ng labi. Daig pang nakagat ng langgam! Tss!*

"Saan ba kayo pupunta?" Tanong ko ng mapansing bihis na bihis sila. Si Joy ay nakamaong short, sando at boots. Si Amber naman ay maong longsleeve, ripped jeans at boots din. Pareho pa silang may sumbrero. Cowboy ang datingan.

*Yung totoo? Sila ba ang may ari ng Hacienda na ito? Tinalo pa ang haciendero at haciendera!*

"Maglilibot daw tayo dito sabi ni Irene." Sagot ni Amber.

"Kayo na lang... magpapaiwan na lang ako dito." Humiga ulit ako kasabay ng isang buntong-hininga.

Sobra na akong naguguluhan sa nararamdaman ko para kay Irene. Hindi ko alam kung panandalian lang ba ito dahil nakakasama ko siya? Baka pagkatapos ng plano namin ni Seulki ay bumalik na rin ako sa normal na si Seulgi. Chx magnet at dakilang Gender Bender.

Oo at mas naging close kami ngayon. Hindi lang dahil sa utos ni Seulki kundi dahil gusto ko rin siyang kilalanin. Kahit paano ay naipaparamdam ko sa kanya na gusto ko siya. Pero paano kapag nalaman niya ang totoo, na hindi talaga ako si Seulki? Makakaya ko ba kapag kinamuhian niya ako? Hays... Hindi ko na tuloy alam kung ipagpapatuloy ko ba ang nararamdaman ko o iiwas na ako? Pero paano ako makakaiwas kung palage kaming magkasama? Ipinilig ko ang ulo. Agang aga nagsesenti na kaagad ako.

"Aba't gusto talagang mahalikan ni Irene!" Amber. 

"Irene oh... si Seulkiiiihh, gustong magpa-" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil binato ko siya ng unan. Sapul sa mukha. HAHAHAHA

At dahil alam kong babawian niya ako ay nagderetso na agad ako sa bathroom para maligo.

Time Runs

"Ang sarap talaga ng hangin dito." Sabi ni Joy. Katatapos lang naming mag breakfast at kasalukuyan kaming nasa balkonahe ng mansion. Si Irene naman ay nagpaiwan sa baba dahil may darating daw na bisita.

Sino naman kayang bisita niya?

"Oh di kainin mo kung masarap. Basta magtitira ka ha." Pang aasar ni Amber. Kailan kaya magkakasundo ang dalawang to?

"Tse!" Irap ni Joy sa pang aasar ni Amber.

"Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Ma'am Irene sa baba." Magalang na sabi ng katulong. Dali-dali namang bumaba ang dalawa dahil excited ng gumala.

"Nandyan na pala kayo.." Nakangiting sabi ni Irene ng makarating kami sa sala. Cowgirl din ang dating  niya. Wala nga lamang siyang sumbrero.

Kapag ganito ba naman ka hot ang cowgirl. Palagi na akong mangangabayo.

"Guys, si Suho... kaibigan ko. Actually kababata ko siya. Anak siya ng katiwala nitong Hacienda." Saka ko lamang napansin na may kasama pala siya. "Suho, mga friends ko from Manila." Napakunot noo ako. Sobra naman yatang saya ni Irene ngayong araw? Dahil ba sa tukmol na to?

"Hi. Kamusta kayo?" Nakangiting sabi nito sabay lahad ng kamay. Tumango lang ako at di na nag abalang tanggapin ang palad niya.

Nalaman niya kaagad na nandito si Irene. Ang lakas ng amoy este pang amoy!

"Oh hi, pogi. I'm yours." Pacute pang sabi ni Joy. Siya ang tumanggap sa palad ni tukmol.

"So let's go na? Were going horse back riding." Nakangiting sabi ni Irene at umuna ng lumabas ng mansion. Humabol naman sa paglakad niya si tukmol. Nagtatawanan pa sila ng tuluyang makalabas ng mansion.

"Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa sila nakalibing." Pang iinis pa sa akin ni Amber kaya binilisan ko na lamang ang lakad.

Bumungad sa amin pagkalabas pa lamang ang apat na kabayo. Dalawang puti, dalawang itim.

"Marunong ba kayong mangabayo guys?" Tanong ni tukmol.

"Oyas! Expert kaya ako dyan." Pagyayabang ni Amber. If I know, sa ibang pangangabayo siya magaling.

"Sa kanya na ako sasabay." Turo ni Joy kay Amber. Mukhang katulad ko ay di rin siya marunong mangabayo.

"Besty, ikaw? Marunong ka ba?" Tanong ni Irene sa akin. Honestly, first time ko pa lang sasakay ng kabayo kaya wala talaga akong ideya kung paano ito patatakbuhin. Ang alam ko lang ay delikado ito para sa mga katulad kong first timer.

"Ok lang kung di siya marunong. Isasabay na lang siya ni tatay." Napakunot na naman ang noo ko. Hindi man lang ako hinintay magsalita. At anong gusto niya? Sa kanya sasabay si Irene? No No No NO WAY!

"Sa akin ka na lang sumabay Irene?" Ngiting-ngiting sabi pa nito. Hoy tukmol! Wag kang magpacute! Yang dimple mo, walang sinabi yan sa wink ko pa lang! Ambisyoso!

"No! Sa akin sasabay si Irene." Nakipagsukatan ako ng tingin sa lalaki.

"Are you sure na marunong ka?" Nag aalangang tanong ni Irene.

"Ako pa ba?" Nakangiti kong baling kay Irene. Tutal nasabi ko na, kailangan ko na iyong mapanindigan. "So let's go?" Tumapat ako sa kabayo at akmang sasakay, ngunit hindi pala madali na gawin iyon.

Tss! Makisama ka namang kabayo ka kundi sisipain kita!

Sinubukan ko ulit pero hindi talaga ako makasakay. Tawa naman ng tawa ang dalwa kong barkada. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

Nag offer naman ng tulong si tukmol. "I can manage." Nungkang hihingi ako ng tulong sa kanya. Si Irene naman ay napapakunot na naman ng noo sa asal ko.

At after 48 years, nakasakay din ako sa kabayo. Whew! Pinagpawisan ako dun ah!

Sumunod naman si Irene. Sumakay siya ng walang kahirap-hirap. Ang unfair ng life huh!

Maya-maya ay tumatakbo na ito. Nauuna sa amin sina Amber. Kasunod nila sina tukmol and father. Nahuhuli kami ni Irene dahil sa mabagal kong pagpapatakbo ng kabayo. Ginagamay ko pa kasi ito.

"Besty?" Pukaw ni Irene sa katahimikan. Nakakapit siya sa may bewang ko at iniiwasan ko na lamang na isipin ang pwesto naming dalawa. Dahil kapag nagpaapekto ako ay di ko alam kung saan kami pupulutin.

"Hmm?"

"Are you happy?" Tanong niya. Yung bibig niya malapit lang sa tenga ko dahil nararamdaman ko ang pag hinga niya. At nagdudulot iyon ng samut saring pakiramdam sa akin.

"Yes I am. Maganda dito." Maikli kong sagot saka pinagmasdan ang paligid. Nandito kami ngayon sa nagtataasang puno ng niyog. Ang sinasabi nilang tree of life. May mga nakikita din akong umaakyat doon. At mas delikado iyon sa pagsakay sa kabayo.

"I am happy too. Coz youre here with me." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko nga ay mas mabilis pa ito kaysa sa kabayong sinasakyan namin.

Hindi kaya gusto na rin niya ako? Imposible! Straight siya at di marunong magmahal sabi ni Seulki.

Gusto kong isipin na umeepekto na sa kanya ang pagiging gender bender ko, pero sa isiping iyon ay sarili ko lamang ang pinapaasa ko.

"Thank you, Seulki." Dugtong pa niya.

"For what?" Nagpanggap akong natatawa para pagtakpan ang mabilis pa ring pagtibok ng puso ko.

"For coming into my life. For making me happy. For always there for me through ups and downs..." Ngumiti ako ng mapait. Alam ko naman kasing hindi para sa akin ang pasasalamat na iyon. "At higit sa lahat thank you kasi may nayayakap ako ng ganito." At walang sabi-sabi ay niyakap niya ako mula sa likuran. Ramdam ko ang dibdib niyang kumikiskis sa likuran ko at nagbibigay iyon ng mumunting kiliti sa katawan ko.

Sa pagkabigla ay nahampas ko ng malakas ang kabayo at kumaripas ito ng takbo. Huli na ng maisip ko ang pwede naming kahinatnan.

"Besty! Irene!" Sigaw namin pareho ng mahulog kami sa kabayo.

-

"Ouch!" Daing ni Irene ng applyan ko ng betidine ang mga galos niya sa braso.

"Sorry. Sorry! Sobrang sakit ba?" Hinipan ko din iyon sa pag aakalang mawawala ang sakit.

"Medyo mahapdi." Sagot niya. Bigla naman akong naawa. Nagalusan pa siya ng dahil sa kapabayaan ko.

Kung sana hindi na ako nagmayabang na marunong mangabayo. Hays

"Sorry huh. Napahamak ka pa dahil sa akin." Nandito kami ngayon sa kwarto niya at nag gagamutan ng mga galos. Nang mahulog kami sa kabayo ay naglakad na lang kami pabalik ng mansion. Hindi rin kami napansin ng mga kasama dahil sa malayo na sila sa amin. Kaya hindi nila alam na naaksidente kami. Hindi na rin namin sinabi sa Papang at Mamang ni Irene dahil baka daw mag alala pa ang mga ito. Buti na nga lang at konting galos lang ang natamo namin.

"Nu ka ba! Nangyayari naman talaga yon..." Natatawang sabi nito saka ipinaling ang ulo ko pakaliwa.

"W-Why?" Kinakabahang tanong ko. Pinasadahan niya kasi ako ng tingin sa buong mukha ko.

"May scars ka pa oh." Turo niya sa may taas ng leeg ko. Hinawakan ko ito at naramdaman ang pang hahapdi ng bahaging iyon. Kumuha ako ng bulak at betidine pero inagaw iyon sa akin ni Irene.

"Ako na." Nilagyan niya ng betidine ang bulak at mas lumapit sa akin. Napagmasdan ko ang mukha niya. Wala talagang maipipintas doon. Almost perfect, ika nga. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko sa pagkakatitig sa mukha niya.

"Bakit?" Tanong ni Irene ng mapansin ang pagtitig ko sa kanya.

"Ouchy besty (iww) It hurts!" Maarte kong sabi para iwasan ang mga mata niya.

"Wag kang exagge te. Wala pa nga oh." Natatawang ipinakita nito ang hawak na bulak.

"Ah wala pa ba. Hehehe." Tinawanan ko na lamang ang pagkapahiya ko. Pero bigla din iyong nawala ng makumpirma ko ang isang bagay.

I'm inlove with this girl infront of me.

I'm inlove... with my sister's bestfriend.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎