CHAPTER 36

LOVE IS...

Irene's POV

 

Nasa christening party ako ng isang college friend. Dalawa kami ni Seulki na kinuha niyang ninang sa kanyang baby girl. Ako na lamang ang umattend at napakaraming dapat gawin sa flower shop. Napapansin ko na mas seryoso ngayon si Seulki sa business naming dalawa. Hindi katulad noon ng kagagaling lamang niya sa London. Halos ayaw niyang magstay sa shop.

 

Naipaalam na rin namin kay nanay ang relasyon naming dalawa. At nabigla siya gaya ng normal na magulang. Sino ba namang hindi, kung ang sophisticated at maarte mong anak ay baluktot na ngayon. At ang masaklap, nabaluktot siya ng sarili niyang bestfriend. Pero gaya rin ng ibang magulang, nakaunawa ito. Tinanong pa nga niya kung kelan kami magpapakasal. Ekswayted much si mother-in-law.

 

Napatingin ako sa direksyon ni Jihyo. Karga niya ang anak habang papalapit sa table ko.

 

"Hi, ninang." Nag boses bata pa siya.Cute!

 

"Hi, baby." Ikiniss ko ang baby saka nakipagbeso kay Jihyo.

 

"Ah Irene, cousin ko pala." Saka ko lamang napansin ang kasunod niya. Ngumiti ako bago nakipagbeso rin sa kanya.

 

"Tzuyu. Please to meet you." Magiliw nitong sabi bago sila maupo. "Uhm have we met before?" Kunot noong tanong niya.

 

"Sorry but I don't think so."

 

"Sigurado akong nakita na kita." Nag isip muna ito bago muling nagsalita. "Sa Mall. Yeah right. Sa mall tayo nagkita." Tatango tango nitong sabi na ikinakunot ng noo ko. Bakit hindi ko siya maalala?

 

"Ako yung ex-girlfriend ng kasama mo, remember?" Oh yes. Naaalala na niya ito. Siya ang babaeng bigla na lamang nangyakap kay Seulki. Napagkamalan pa nitong ex-girlfriend si Seulki na itinanggi naman ng huli.

 

"I remember you na. Napagkamalan mong ex-girlfriend ang bestfriend ko." Bestfriend dahil hindi pa namin pwedeng sabihin sa madla ang totoo naming relasyon. Natatawa din ako dahil imposible ang sinasabi ni Tzuyu na ex niya si Seulki. Ako pa lang ang nakakarelasyon niyang babae. Maniniwala na sana ako kung lalaki si Tzuyu, dahil flirt naman talaga si Seulki bago siya nainlove sa akin.Lol

 

"No! Sure ako na siya ang ex-girlfriend ko." Pag iinsist niya.

 

"Couz, that soooo imposible. Mas straight pa sa buhok ko si Seulki." Natatawang sagot ni Jihyo. Kilala niya kaming dalawa ni Seulki at alam niyang hindi pumapatol sa babae si Seulki... noon.

 

"What? I'm talking about Seulgi not that Seulki." Natatawa na rin nitong sabi habang umiinom ng juice.

 

"Seulgi?" Kunot noong tanong ko.

 

Naguguluhan na ako! Ano bang gusto niyang palabasin? Na nagsisinungaling si Seulki sa akin? Pero sino ang Seulgi na tinutukoy niya. Is she crazy or what?!

 

"Seulgi is my classmate in London. Nagkakilala kami noong college days." Paliwanag nito.

 

Biglang pumasok sa isip ko ang tagpo sa mall. Naaalala ko pa ang reaksyon ni Seulki noon. Nataranta ito at nagkulay suka ang mukha. Kaagad pa itong nagyayang umuwi.

 

"Couz, nagkakamali ka dahil dito nag college si Seulki. Sa katunayan ay classmate namin siya ni Irene." Hindi ko magawang sabayan ang tawa ni Jihyo. Paano ko ba magagawang pagtawanan ang mga sinasabi ni Tzuyu?

 

"Like what I've said, I'm talking about Seulgi here." Naiinis na rin nitong sabi.

 

"I-Ibig bang sabihin nito, may k-kakambal si Seulki?" Napaangat ang paningin ko sa sinabi ni Jihyo. Maging siya ay naguguluhan na rin.

 

Totoo kaya na may kakambal si Seulki? Gulong-gulo na ang isip ko sa mga nalalaman. Unang una, walang naikwekwento si Seulki na may kakambal siya. Pangalawa, gaano ka posible na hindi si Seulki ang nakakasama ko ngayon?

 

"I dunno pero kung ang Seulki na kasama mo ngayon ay may tattoo sa nape, wrist, at bandang tagiliran, sinisigurado ko sayo na siya si Seulgi." Paliwanag nito na hindi ko pa rin magawang paniwalaan. Oo meron ngang tattoo sa mga parts na iyon si Seulki pero hindi ito sapat para masabi na ibang tao siya.

 

"No! Hindi totoo yan." Ilang ulit akong umiling. Tila kinukumbinsi ang sarili.

 

"I have a proof kung hindi pa rin believable ang mga sinasabi ko." Muli ay napatingin ako ng diretso sa kanya at hinihintay ang iba pa niyang sasabihin.

 

"May birthmark si Seulgi sa tagiliran niya. An almond shape. Malapit ito sa bible verse tattoo niya." Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Tzuyu. Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan. Napatingin ako kay Jihyo,nakikisimpatya ang mga mata nito.

 

"At mukhang tama ako base sa reaksyon mo." Ngumisi pa siya sa akin. "Oh well, hindi na ako magtataka kung pati ikaw napaikot niya. She's a pain in the , anyway!" Tuloy lang ito sa pagsasalita. Ni walang ideya kung gaano kasakit at kahirap tanggapin ang mga nalaman ko mula sa kanya. Unti-unting nadudurog ang puso ko sa isiping naloko ako ng taong pinagkatiwalaan at minahal ko.

 

Nagpaalam din sila pero bago ako iwan ay may paalalang sinabi sa akin si Tzuyu. "Wag kang masyadong magtiwala, dahil ito rin ang ikasisira mo." Umalis siya sa harapan ko habang nakatulala lang ako sa papalayong siya. Tama siya. Nasasaktan ako ngayon dahil sa sobrang pagtitiwala. Unti-unti ay naliliwanagan na ako sa mga nangyayari at ang pilit sumisiksik sa utak ko.

 

Ang babaeng kasama ko ngayon ay isang estranghera. Ang babaeng iyon ay nagpanggap lang na si Seulki. Pero bakit?!

 

Tulala ako hanggang sa makauwi. Pagdating sa condo ay nagderetso ako sa kwarto para magpalit ng damit. Feeling ko ay nanghihina ang buong katawan, kaya mas pinili kong mahiga sa kama.

 

'May birthmark si Seulgi sa bandang tagiliran. An almond shape. Malapit ito sa bible verse tattoo niya.' Umaalingawngaw sa tenga ko ang sinabi ni Tzuyu kanina. Nagtagis ang mga ngipin ko at nakuyom ko ang palad nang maalala ang birthmark na napansin ko noon sa tagiliran ng babae. Ito ang nagpapatunay na tama si Tzuyu. Tama siya na yung Seulgi ang nakakasama ko ngayon at hindi ang inakala kong si Seulki.

 

Ring

 

Ring

 

Ring

 

Bumangon ako at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog. Tsinek ko ang sariling cellphone pero hindi dito nagmumula ang tunog. Saka ko napansin ang cellphone ni Seulki sa gilid ng kama. Mukhang naiwan niya ito ng magsleep over siya kagabi.

 

Dinampot ko iyon at tinitigan ang screen.

 

PANGET

 

Iyon ang name na nakasave sa contacts niya. Hindi ko naman iyon balak sagutin pero makulit ang caller. I click the answer botton saka iyon walang imik na itinapat sa tenga ko.

 

"Hello, Seulgi? Bakit ngayon mo lang sinagot? Don't tell me gumagawa ka na naman ng kalokohan ha! Makuntento ka kay Besty. At alagaan mo dyan si nanay pati ang flower shop. Naku, Oso, kapag ako wala ng binalikang business dyan, tatamaan ka talaga sa akin. Hello, Seulgi? Bakit hindi ka--"

 

Toot

 

Toot

 

Napadiin ang pindot ko sa end botton.

 

Seulki! Hindi ako maaring magkamali. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko pa rin ang cellphone. Napahawak ako sa dibdib!

 

Ang sakit! Sobrang sakit knowing na trinaydor ako ng matalik kong kaibigan. Bakit ikaw pa, Seulki? Sa dami ng pwedeng manloko sa akin, bakit ikaw pa?!!

 

Gustong gusto ko ng ibato ang cellphone ko ng bigla itong tumunog ulit. Nang makita kong si Seulki ang tumatawag ay hindi ko na iyon naiwasang ibato sa wall ng kwarto! Nagkakalas kalas ang parts nito. Parang kung gaano nawawasak ang puso ko ngayon.

 

'Wag kang masyadong magtiwala. Dahil ito ang ikasisira mo.'

 

Tumataginting iyon sa isipan ko at tumutuloy iyon sa puso ko. Ang tagal nila akong pinagmukhang tanga! Ang tagal nilang pinaglaruan ang damdamin ko! At isa sa pinakamasakit, ay ang katotohanang ang mismong bestfriend ko ang gumawa nito sa akin!

 

Akala ko, malas lang ako sa pamilya. Anak na ipinamigay ng ina para mabuhay. Pati pala sa kaibigan at pag ibig ay malas din ako. Kaibigan na itinuring kong parang tunay na kapatid. Pag ibig na nagpasaya sa akin at ngayo'y unti unting nagwawasak ng puso ko.

 

Napakagat labi ako dahil sa awa sa sarili. Gusto kong umiyak pero siguradong mahahalata niya ang mga mata ko kapag dumating na siya. Hihintayin ko siya, saka ilalabas ang labis na galit.

 

Time Runs

 

"Good evening, babylove." Pinagbuksan ko siya ng pinto at nakatanggap ako ng halik sa pisngi galing sa kanya. Hindi ko magawang ngumiti kahit sabihing pilit iyon. Ayokong plastikin siya lalo na ang sarili ko.

 

"C.r lang ako, love. Call of nature." She chuckle. Simpleng "sige" lamang ang isinagot ko dahil nag uumpisa ng lumabas ang galit na kinimkim ko kanina.

 

Sinundan ko siya ng tingin. Ipinatong niya ang bag sa couch saka pumasok sa c.r. Hindi ko ugaling mangialam ng gamit ng iba. Kahit minsan ay hindi ko tinanggal ang privacy sa mga gamit niya. Pero iba ngayon. Para bang may nagtutulak sa akin na pakialaman ang bag niya, and so I did.

 

Pagbukas ko ay nakita ko ang make up kit niya. Nagtaka ako dahil lately naman ay hindi na siya gumagamit ng make up kaya bakit hindi pa rin niya ito tinatagtag sa bag niya?

 

Props! Sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

 

Sunod kong nakita ang wallet niya. Hindi na ako nagdalawang isip na buksan din ito. Picture ko ang una kong nabungaran. Hanggang sa tsinetsek ko na rin ang ibang bulsa ng wallet. May nakita ako picture. Dalawang tao na iisa ang mukha. Mahaba ang buhok ng isa, at maikli ang sa isa. Halos malukot ang picture dahil sa sobrang diin ng pagkakahawak ko. Si Seulki at si Seulgi ang nasa picture. Nakilala ko si Seulki dahil mahaba ang buhok nito at ang gift ko noon ang suot niya sa picture. Sa isang bulsa ay driver licensed ng taong kasama ko ngayon ang nakita ko.

 

Nang maramdaman kong papalabas na siya ng c.r ay dali-dali kong iniayos ang gamit niya na nagulo.

 

"Success!" Nakangiti niyang sabi. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at walang mababakas na ekspresyon sa mukha ko. "Wag mo akong tingnan ng ganyan, baka matunaw ako." Natatawa niyang sabi ng mapansin ang pagtitig ko sa kabuuan niya.

 

"Nakakadiri ka!" Mahina ngunit puno ng galit kong sabi. Nanlilisik ang mga mata ko sa sobrang galit na nararamdaman.

 

"B-Babylove?" Nagtatakang tanong niya at akmang lalapit sa akin.

 

"Nakakadiri ka, Seulgi Kang!" Idiinin ko ang pagbanggit sa totoo niyang pangalan.

 

Napatigil siya sa paglapit at nagkulay suka ang mukha niya.

 

"I-Irene, let me explain." Sabi niya ng makabawi sa pagkabigla. Nagsusumamo ang mga mata niya habang muling papalapit sa akin.

 

"Ang kapal ng mukha mo!!" Hindi ko na napigilang sugudin siya ng sampal. "Hay*p ka! I trusted you! Isinugal ko ang puso ko sayo! Tapos malalaman ko lang na niloloko mo pala ako!!! Pare-pareho kayong manloloko!!" Napaiyak na ako sa sobrang galit habang patuloy ako sa pagsampal sa kanya. 

 

"I-Irene, please listen to me." Pinipigil niya ang dalawa kong kamay na walang tigil sa pananakit sa kanya. Sampal, suntok at kalmot ang natatanggap niya mula sa galit ko.

 

" you! Kulang pa yan sa lahat ng kademonyohan mo!!!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Nakita ko ang pagdurugo ng kaliwang pisngi niya dahil sa kalmot ko. Madami rin siyang sugat sa braso dahil sa pagsalag ng sampal, suntok at kalmot. Ngunit hindi iyon magiging dahilan para maawa at tumigil ako. Kulang pa lahat ng sugat na natamo niya kumpara sa sugat dito sa puso ko.

 

"I'm sorry, Irene. Patawarin mo ako." Hagulhol niyang sabi habang pilit akong niyayakap.

 

"Lumayo ka sa akin! Nandidiri ako sayo!" Hindi ko maatim na hinalikan, niyakap at minahal ko ang taong hindi ko naman pala talaga kilala.

 

"Please, love. Mahal na mahal kita." Pilit pa rin siyang lumalapit kahit ilang ulit ko na siyang itinutulak papalayo. "Mahal mo rin naman ako, di ba?" Sobrang lungkot ng mga mata niya. Kung noon ay para itong stars sa sobrang ningning, ngayon ay wala ka ng maaaninag roon kahit konting liwanag. Para siyang batang umaamot ng konting pagmamahal. Pero ang pagmamahal na gusto niya ay napalitan na ng labis na nagalit.

 

"Mahal? Sige nga... paano ko magagawang mahalin ang taong hindi ko naman kilala?" Mapait kong sigaw na ikinatigalgal niya. Para siyang natulos sa kinatatayuan. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Nasasaktan ka? You deserve that! You really deserve all the pain!" Wala kang mababanaag sa mga mata ko kundi poot.

 

"H-Hindi mo naiintindihan---"

 

"Damn you, Seulgi! Hindi na ako maniniwala pa sayo!"

 

"Please, pakinggan mo lang sana ang sasabihin ko." lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.

 

"Kahit lumuhod ka pa, o kahit mamatay ka pa ngayon, hinding-hindi kita mapapatawad! I can't forgive someone who betrayed me!" Nanlilisik ang mga matang tinabig ko siya na naging dahilan para mapaupo siya sa sahig. Kung titingnan ay nakakaawa siya pero wala ng puwang sa puso ko ang salitang 'awa'. Nilamon na ako ng galit!

 

"Umalis ka na!" Madiin kong sabi bago ko siya talikuran.

 

"Please, babylove... dont't leave me, please..." Nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko habang mahigpit siyang nakayakap sa likuran ko. Nararamdaman ko ang pagtaas baba ng balikat niya. Sign na humahagulhol siya ng iyak.

 

Kinalas ko ang mga brasong parang wala ng balak bumitiw sa bewang ko. Saka siya muling hinarap.

 

"Umalis ka na, bago pa ako makagawa ng bagay na pagsisisihan mo." Seryoso kong sabi habang titig na titig sa kanya.

 

"No no..." Panay ang iling niya habang patuloy sa pag iyak. "Hindi ko kaya, please." Muli na naman siyang lalapit.

 

"GET LOST!!" Sigaw ko muli sa kanya ng tatangkain niya akong yakapin. "Wag ka ng umasa na magiging maayos pa tayo. Dahil sirang-sira na tayo! Oh... before I forgot. Wala nga palang TAYO! Sino ka nga ba ulit? Hindi ka talaga mahalaga dahil saglit lang ay nakalimutan ko na kung sino ka! So stop dreaming that I can forgive you. Stop dreaming that everything will be okey between us! Wake up, !!" Halos maputol ang litid ko sa pagsigaw sa kanya.

 

"A-Alam kong nagkamali ako. Hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad. Hindi ko alam kung makikinig ka pa o maniniwala sa lahat ng sasabihin ko. Pero isa lang ang pakiusap ko, Irene. Pakinggan mo ang puso mo dahil totoo ang lahat ng sasabihin niyan sayo." Hindi tumitigil ang pag iyak nito habang nakatitig sa akin.

 

Tumawa ako ng malakas habang patuloy sa pagiyak. "Hinding-hindi ko papakinggan ang puso ko! Dahil katulad mo at katulad ni Seulki, traydor din ito!" Sabay turo sa puso ko.

 

"At pwede ba, wag ka ng magpapakita pa sa akin! Dahil habang nakikita kita, nandidiri ako! Nandidiri ako sa sarili ko dahil nagawa kong pumatol sa isang katulad mong.." Napatigil ako sa lumabas sa bibig ko. Sa sobrang galit ay hindi ko na alam ang tama at mali.

 

"Tulad kong ano, Irene? Ituloy mo!" Lumapit ulit siya sa akin saka marahas na hinawakan ang dalawa kong kamay. Sa pagkabigla ay hindi ko na nagawang bawiin pa iyon. "Sampalin mo ako, suntukin mo ako..." Habang hawak niya ang mga kamay ko at kusa niya itong isinasampal sa mukha niya. Sa pagkakataong ito ay hindi ko siya mapigilan. Patuloy niyang inihahampas sa mukha niya ang dalawang kamay ko. "Saktan mo ako para kahit konti ay mapawi ko ang sakit na inilagay ko dyan sa puso mo." Namamaos na siya sa kakaiyak.

 

"That's enough!!!" Buong pwersa kong hinila ang kamay ko nang makitang dumudugo na rin ang bandang kilay niya. Umaagos iyon sa may mata niya kaya para siyang umiiyak ng dugo.

 

"Hindi mo ba naiintindihan? Hindi na kita mapapatawad dahil KINASUSUKLAMAN KITA!" Sigaw ko muli sa kanya para pagtakpan ang totoong nararamdaman. Mukhang kapag nagtagal pa siya dito ay muli akong tatraydurin ng puso ko.

 

"I-Irene?" Alam kong nasasaktan siya. Hindi lang physical kundi emosyonal.

 

"Umalis ka na at ayoko ng makikita ka pa." Bumaling ako sa ibang direksyon. Mukhang yung awa na wala ako kanina ay bumabalik na.

 

"Pero Iren---"

 

"UMALIS KA NA! Umalis ka na sa buhay ko!!!" Itinulak ko siya palabas ng pinto saka iyon pabalibag na isinarado.

 

Napakagat labi ako para pigilan ang pag iyak. Ngunit hindi ako nagtagumpay. Patuloy lang iyon sa pagdaloy. At kasabay ng pagdaloy ng mga luha ay ang pagdaloy ng sakit dito sa puso ko.

 

"Aaaaaaaaaaaaahhhhh!" Tinabig ko lahat ng mahagip ng kamay ko! Umalingawngaw ang mga bagay na nabasag. Lahat ng sakit at galit ay ibinunton ko sa mga bagay na naroon! Pero bakit hindi pa rin mawala ang sakit? Bakit nandito pa rin?! Napaupo ako sa sahig. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng paghinga sa pag iyak.

 

"Anak?" Napatunghay ako sa nagsalita. Hindi ko namalayang nakapasok na pala siya. Nakatayo ang aking ina sa harapan ko at mababakas sa mukha niya ang labis na pag aalala para sa akin.

 

"Nay... n-niloko lang nila ako." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko. Umupo na rin siya sa sahig at niyakap ako ng mahigpit. Doon na ako napahagulhol ng iyak.

 

Para akong batang inaway ng kalaro at nagsusumbong sa aking ina. Katulad noong bata pa lamang ako. Maghahanda siya ng paborito kong pagkain para pagaanin ang loob ko. Pangangaralan na dapat sa lahat ng oras ay matatag ako. Pagkatapos pagaanin ang loob ay magiging okay na ulit ako.

 

Ngunit hindi na ako bata. Iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na madadaan sa paborito kong pagkain ang lahat ng nangyayaring problema. Kung sana ay may gamot na makakatanggal ng sakit dito sa puso ko dahil parang hindi ko na kakayanin sa sobrang sakit.

 

Nagpapasalamat pa rin ako dahil nararamdaman ko ang pag aalala at pagmamahal ni nanay habang yakap niya ako. Wala itong sinasabi pero sapat na ang presensya nito para kahit konti ay maibsan ang sakit na nadarama. Hindi ko akalaing sa ganitong pagkakataon pa kami magkakaayos ni nanay. Habang yakap niya ako ay naramdaman kong may ina na muli ako. Na hindi na ako nag iisang paglabanan ang sakit dito sa puso ko.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎