CHAPTER 37

LOVE IS...

Seulgi's POV

 

Iyak pa rin ako ng iyak habang nasa byahe. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit. Dumagdag pa ang mga galos na natamo ng katawan ko dahil sa galit ni Irene. Hindi ko siya masisisi. Natural lang na magalit siya sa akin. Ang masakit ay hindi man lang niya ako hinayaang magpaliwanag. Mas mahapdi at mas masakit pa sa mga sugat kong natamo ang mga salitang binitiwan ni Irene. Mga salitang halos dumurog sa puso ko. Pakiramdam ko ay hindi lamang katawan ko ang nasugatan niya kundi  higit ang aking puso. But still I love her pero sino pa ba ang maniniwala sakin? Sinungaling ako di ba? Nagawa ko'ng saktan ang taong mahal na mahal ko. Sino ba namang tanga ang magagawang saktan ang taong mahal niya. Walang iba, kundi ako.

 

Bakit ba hindi sumapat ang pagmamahal na ibinigay ko sakanya para mapatawad niya ako?

 

Noon ay masyado akong bilib sa sarili ko. Lumaki ako na nagagawa at nakukuha ang magustuhan.

 

Ngayon, pakiramdam ko ay isa akong malaking talunan. That I am not good enough para sa pagmamahal ng babaeng una kong minahal. Babaeng siya ring dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

 

Napahagulhol ako ng iyak ng maramdaman ko ang awa para sa aking sarili. Awa na hindi ko naramdaman noon lalo na sa mga babaeng nagmakaawa na wag ko silang iwan. Pero mukhang kinarma na nga ako. Dahil ako na ngayon ang nasa sitwasyon ng mga babaeng sinaktan ko noon. Ako na ngayon ang lumuluhod para sa pagpapatawad ng babaeng labis akong kinasusuklaman.  Bumalik sa akin ang lahat ng sakit na idinulot ko sa mga babaeng niloko ko noon. At sa sobrang sakit, hinihiling ko nalang na sana ay mamatay nalang ako.

 

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan.

 

Ayoko na! Gusto ko ng tapusin ang lahat sa gabing ito. Saka ako pumikit ngunit sa pag pikit ko ay nakita ko ang imahe ni Nanay, Dadiyo, Seulki at ni Irene. Biglang nag flashback ang masasayang araw ko kasama sila at ang mga barkada ko. Dahil doon ay nagmulat ako at inapakan ng madiin ang preno ng sasakyan. Buti na lamang at wala akong kasunod na sasakyan dahil hating gabi na.

 

Itinabi ko ang sasakyan saka bumaba para makasagap ng sariwang hangin.

 

Napakahina mo Seulgi!

 

Tumingala ako sa langit. Wala ako makita kahit isang bituin mula roon. Napakadilim ng langit katulad ng mundo ko ngayon. Pati ang liwanag ng buwan ay parang walang kinang. Lalo lamang akong nakaramdam ng lungkot habang tinitigan ko ito.

 

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi at nakapasok sa bahay. Kusa na lamang kumikilos ang katawan ko. Pero ang isip at puso ko ay mukhang tumigil na.

 

"Anak, Bakit ngayon ka lang?" Naabutan ko sa sala si Nanay. Mukhang hinihintay niya ang paguwi ko. "Teka,  Umiyak ka ba? Ano yang nasa mukha mo? Mga galos ba yan? Anong nangyari sayo?" Nagaalala itong lumapit at tsinek ang mga galos ko. "Anak kaninong pusa ka nakipagaway? Bakit ang dami mong galos." Hindi ko magawang matawa sa sinabi niya sa halip ay niyakap ko siya ng mahigpit.

 

"Anak? Anong nangyari? Sabihin mo sa nanay" Habang hinahagod niya ang likod ko.

 

"Hayaan niyo lang po akong umiyak sa balikat niyo." Yakap ko parin siya ng mahigpit.

 

"Anong problema anak? Nagaalala na ako. Alam mo namang mahal na mahal kita Seulki." Napahagulhol ako ng iyak dahil sa sinabi niya.

 

"Hindi po ako karapatdapat sa pagmamahal niyo." Iiling iling kong sabi.

 

"Ano bang pinagsasasabi mong bata ka?" Iniagwat niya ako para makapagusap kami ng maayos.

 

Hinawakan ko ang balikat niya saka sinabi ang dapat noon ko pa ipinagtapat. "Hindi po ako si Seulki." 

 

"Ano ka bang bata ka! Nakadrugs ka ba o nabagok ang ulo mo? Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Halika at dadalhin kita sa hospital." Tinalikuran niya ako pero ang sinabi ko ang pumigil sa paglalakad niya.

 

"Ako po ang kakambal ni Seulki." Bumaling siya sa akin at nakita  ko ang pagkabigla sa nga mata niya.

 

"S-Seulgi?" May kalakip iyong pangungulila.

 

Tumango ako saka yumuko. Siguradong katulad ni Irene ay kamumuhian rin niya ako.

 

Hindi ko deserve na mahalin ng kahit sino dahil wala akong kwentang tao!

 

Sa loob ng isang araw ay nawala ang dalawang mahahalagang tao sa buhay ko! At dahil iyon sa isang kasinungalingan.

 

Pumikit ako at inihanda ang masasakit na salita na pwedeng sabihin sa akin ni nanay. Pero agad din akong napamulat ng may maramdaman akong yumakap sa akin. Lalo akong napaiyak ng mapag sino ito.

 

"Nay... I-Im sorry." Ginantihan ko siya ng yakap.

 

"Shhsh tahan na, anak. Nandito lang si nanay. Mahal na mahal kita, Seulgi." Hinalikan niya ang buhok ko at muling hinagod ang likod ko.

 

Sa isang banda ay nakatulong ito para mapagaan ang nararamdaman ko. Ang sarap pala sa pakiramdam na patawarin at kilalanin ka ng sarili mong ina.

 

Habang nililinis niya ang mga galos ko ay ikinwento ko ang nangyari sa pagitan namin ni Irene. Nakikinig lang siya sa akin. Ni hindi ko narinig ang panunumbat niya. Napakalawak nga naman ng pang unawa ng isang ina. Paulit ulit ka pa rin nilang patatawarin kahit ilang ulit ka pang magkamali.

 

Pagkatapos niyang linisin ang mga galos ko ay humiga ako sa kandungan niya. Hinahaplos naman niya ang buhok ko. Napapikit ako at bahagyang napangiti, dahil ngayon, masasabi ko ng meron akong nanay. Nanay na alam kong tatanggap sa mga kahinaan at kamalian ko.

 

Seulki's POV

 

Nandito ako sa balcony ng bahay. Nag iisip kung ano bang dapat gawin. Tumawag si Seulgi na umiiyak. May dala siyang maganda at malungkot na balita.

 

Maganda dahil naipagtapat na niya kay nanay ang totoo niyang pagkatao. Tinanggap siya nito. Nakausap ko na rin si nanay. Pareho kaming nagkaiyakan at nagkapatawaran. Mas lalo ko tuloy siyang namiss. Hindi ko palang magawang umuwi dahil hindi ko pa naaayos ang gusot na pinasukan ko.

 

Malungkot dahil nalaman na rin ni Irene ang totoo. At isa ako sa dahilan kung bakit ito nangyari. Kung hindi sana ako nangulit tumawag, may pagkakataon pa sana si Seulgi na magsinungaling.

 

Seriously? Pagsisinungaling na naman ang naiisip ko? Tss! I sigh.

 

At ako? Hanggang kailan ako magsisinungaling? Hahayaan ko pa bang umabot ako sa sitwasyon ni Seulgi? Hahayaan ko pa bang masaktan ng todo gaya ng nangyayari ngayon sa kapatid ko? Parang pinipiga ang puso ko ng maisip na nasasaktan ngayon si Seulgi ng dahil sa akin. Nang dahil sa walang kwenta kong plano!

 

"Dude, what's bothering you?" Napalingon ako sa nagsalita. Ngumiti ako ng makita si Dadiyo na papalapit sa akin.

 

"Nothing, dad. Nagpapahangin lang po." Saka ko naramdaman ang pag upo niya sa tabi ko.

 

"Sa tingin mo ba ay maniniwala ako? O kailangan ulit kitang bigyan ng salamin para makita mo ang sarili mo?" Dadiyo.

 

Tumingin ako sa paligid at napabuntong hininga.

 

Kapag hindi ko pa sinabi ang totoo, baka mawalan na ako ng pagkakataon.

 

"Dad, thank you." Titig kong sabi niya. Napakunot noo naman siya.

 

"For what?" Hindi niya naiwasang itanong.

 

"Thank you for being a good father. Ngayon, natupad ko na ang isa sa mga pangarap ko." Nakangiti kong sabi sa kanya habang nangingilid ang luha. 

 

"Ano bang pangarap iyon, anak?"

 

Buntong hininga sabay pikit. "Ang makilala ko ang aking ama. Ang makasama kita." Pagkasabi nito ay napadiin pa lalo ang pagkakapikit ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya pero sana gaya ni nanay ay mapatawad din niya ako.

 

Ilang segundo akong nakapikit pero wala pa rin akong natatanggap na reaksyon o salita man lang mula sa kanya.

 

Nagmulat ako at nakita ko ang nakangiti niyang mukha. "Alam mo bang natupad na rin ang isa sa mga pangarap ko?" Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

 

"Ang pangarap na sana ay makita ko ang anak na iniwan ko noon sa Pilipinas. Ang anak na kahit hindi ko nakasama ay mahal na mahal ko." Nakita ko ang pangingilid ng mga luha niya. Hinaplos niya ang pisngi ko saka muling nagsalita. "Pangarap ko na makasama ang isa ko pang anak na si Seulki. At gaya ng sinabi ko, natupad ko na ito. Dahil alam kong nasa harapan ko na siya ngayon." Nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko.

 

Mababakas sa mga mata ko ang mga tanong na siya na rin mismo ang sumagot.

 

"Alam ko na hindi ka si Seulgi. Napakarami niyong pagkakaiba. At mas lalo kong napatunayan na hindi ikaw ang anak na pinalaki ko ng makita ko ang birthmark sa talampakan mo. Ang nagmamay ari ng birthmark na iyon ay ang isa ko pang anak na si Seulki." Lalo akong napahagulhol ng iyak. All this time, alam na pala niya ang pagkatao ko. Napakasama ko para patunayan sa aking ama na isa akong sinungaling. Na hindi ako karapatdapat sa pagmamahal at pagtitiwala nila.

 

"Dad, I'm so sorry. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa namin." Napa face palm ako sa sobrang pag iyak.

 

"Ako dapat ang humingi ng tawad sayo anak. Kami ng nanay niyo." Umakbay siya sa akin at dahil doon ay nakaramdam ako ng proteksyon. Gumaan ang loob ko dahil lamang sa akbay na iyon. "Hindi sana kayo aabot sa ganitong sitwasyon kung naging matapang lang kami noon. Kung naging matapang lang sana ako noon." Nakita kong nagpunas siya ng luha saka tumanaw sa labas.

 

"Naging mahina ako noon, anak. Kinain ako ng pride ko." Mababakas mo sa boses niya ang labis na lungkot.

 

"Yun ba ang dahilan kung bakit iniwan niyo kami ni nanay?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Ilang ulit siyang tumango.

 

"Magtatanan na sana kami noon. Kasama kayo. Pero bago pa ako makarating sa tagpuan namin, hinarang ako ng pamilya niya. Alam pala nila ang plano naming pagtakas. Minaliit nila ako, anak. Isang pobre at wala kayang ipagmalaki sa nanay mo at sa pamilya niya." Nagkita ko ang paglandas ng mga luha sa mga mata niya. "Pero tama sila. Paano ko kayo bubuhayin kung isang kahig isang tuka lang ako? Sinabi nila sa akin na patunayan ko ang sarili ko sa kanila at sa inyong mag iina. At kapag may kaya na akong ipagmalaki, ipapaubaya nila si Cristy sa akin pati na kayong dalawa ni Seulgi." Tumingin siya sa direksyon ko. At sa pagkakataong ito, ako naman ang nagpunas ng mga luha niya.

 

"Kaya ba hindi niyo sinipot si nanay?" Tanong ko pagkatapos punasan ang mga luha niya.

 

Muli siyang tumango.

 

"Lumayo ako sa inyo kasama si Seulgi. Pinagbuti ko ang pagtatrabaho. Gusto kong pagbinawi ko na kayo, kayang kaya ko na kayong panindigan. Pero hindi naging madali iyon. Napakadaming pagsubok ang dumaan sa buhay ko pero hindi ako sumuko. Dahil sabi ko sa sarili 'Kapag sumuko ka, pinapatunayan mo na rin sa kanila na hindi ka karapatdapat sa mag iina mo'.

 

"Bakit hindi niyo kami binalikan ng may pagkakataon na kayo?" May hinanakit sa boses ko.

 

"Bumalik ako, anak. Binalikan ko kayo. Kaya lang may iba ng mahal noon ang nanay mo. Hindi na niya ako nahintay." Garalgal ang boses niya at parang muli na namang iiyak.

 

At sino ang sinasabi niya na mahal ni nanay?

 

"Nakita kong masaya na siya sa iba. Habang tanaw ko kayo sa malayo, nakita ko ang isang masayang pamilya. Si Cristy, ikaw at si Jolo." Ayun na naman ang lungkot sa mga mata niya.

 

"Jolo po?" Kunot noo kong tanong.

 

Tumango ulit ito at ngumiti pero hindi umabot sa mga mata nito. "Bestfriend siya ng nanay mo. At kahit paano ay masaya ako dahil sa kanya kayo napuntang dalawa."

 

"HAHAHAHA..." Napabunghalit ako ng tawa sa sinabi niya. Jeskelerd! Mamamatay na yata ako sa kakatawa.  

 

"Anong nakakatawa?" Naguguluhan niyang tanong.

 

"Pfft.. HAHAHAHA.." Enebe! Natatawa talaga ako!

 

"Hindi ko alam na medyo baliw pala ang isa ko pang anak."

 

"Dad naman!" Hampas ko sa braso niya.

 

"Sus! Dad daw, eh diba may Daddy Jologs kana?" Pagtatampo pa nito.

 

"Dad! It's Jolo, not Jologs. Ang bad niyo!" Natatawa kong sabi. Mas naging komportable ako ngayon kay Dadiyo. Siguro dahil wala na akong itinatago sa kanya.

 

"See? Pinagtatanggol mo pa." Napangisi ako para talaga siyang bata.

 

"He's not my Dad. Ikaw lang ang nag iisang Daddy ko no? And besides, he's my ninong. Duh!" Maarte kong sabi na ikinakunot ng noo niya.

 

"But I thought---"

 

"Judgemental ka kasi, Dad. Nakita mo lang na magkasama, nag aassumed ka na kaagad na sila ni nanay. Di ba pwedeng andun lang siya para icomfort si nanay na hindi niyo sinipot!"

 

"Ouch! Ang hard mo naman, anak." Kunwari pang nasaktan ito kaya lalo akong napangiti.

 

"And I have a trivia, Dad." Pabitin kong sabi sakanya na ikinakunot na naman ng noo niya.

 

"Ninong Jolo is a gay."

 

"Huwwwwaaatt?" Napatayo siya sa trivia ko. Nagkatinginan kami saka, "HAHAHAHA.." Sabay naming halakhak. Napuno ng tawanan ang buong balcony ng bahay.

 

Seulgi's POV

 

"Cheers!" Hiyaw ko sabay lagok ng alak. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Seulki. Agang aga ay alak ang almusal ko. Ito lang ang escape ko sa lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil sa pambabalewala ni Irene. Ilang ulit ko na siyang sinusuyo, pero palagi rin akong bigo. Or worst, ipinapahiya niya ako sa ibang tao. Pero hindi pa rin ako sumusuko. Hindi ako susuko hanggang makapa na niya sa puso  ang pagpapatawad. Paulit ulit kong papatunayan sa kanya ang pagmamahal ko kahit ilang ulit pa niyang ipamukha sa akin na hindi niya ako kailangan.

 

Meow

 

Meow

 

Napatingin ako kay Aseul. Yes, isinoli siya sa akin ni Irene.

 

"Come... come to moma, Aseul." Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin at para naman siyang tao na nakakaintindi. Lumapit siya sa akin at pasalampak akong umupo sa sahig. Hawak pa rin ang bote ng alak.

 

"Baby, namimiss mo na ba si Mommy Irene mo?" Kausap ko sa pusa habang haplos haplos ko ang balahibo niya.

 

Meow

 

Meow

 

"Oo naman. Miss ko na rin siya. Miss na miss." Para na akong baliw sa ginagawa pero kasi..sobrang sakit na.

 

Meow

 

Meow

 

Umakyat siya sa may kandungan ko saka ikiniskis ang katawan sa damit ko. Mukhang naglalambing siya. 

 

"Wag mo kong iiwan, ha? Wag kang gagaya sa Mommy mo." Muling tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko akalain na isang pusa ang makakasama ko sa ganitong struggles.

 

Ayokong ipakita kay nanay ang pagiging mahina ko. Ayoko na siyang mag alala pa. Kaya kapag kaharap siya ay nagkukunwari akong masaya. Walang problema.

 

Muli kong tinungga ang laman ng boteng hawak ko.

 

Meow

 

Meow

 

"Hmm gusto mo ba nito?" Alok ko sa pusa ng alak na hawak ko. Lumabas naman ang dila niya. Sign na gusto nga niya. Napangisi ako.

 

Sige, Aseul. Samahan mo ako maglasing ngayon.

 

"Stay here, okey? I'll be back." Inilapag ko muna siya saka ako tumayo. Halos mabuwal ako dahil sa pag ikot ng paningin.

 

Lumabas ako ng kwarto na pagewang gewang.

 

Meow

 

Meow

 

Nakasunod na pala siya sa pagbaba ko.

 

"What are you doing here? I told you to stay there." Turo ko pa sa direksyon ng kwarto. "Come here! You're as brat as youre Mommy. Matigas ang ulo. Matigas ang puso." Kumuha lang ako ng beer saka kumuha ng malalagyan ng inuman ni Aseul. Tumaas na rin ako habang yakap yakap ang pusa.

 

Ilang oras ang nakalipas.

 

Meow

 

"Hahaha...Lasing ka na kaagad, ha Aseul?" Namumungay ang mga mata ko habang patuloy pa rin sa pagkausap sa isang pusa. "Youre so weak!" Mapait akong ngumiti. Hindi para kay Aseul ang salitang iyon kundi para sa akin. Napakahina ko. Hindi ko akalain na ganito pala ako kahina. Wala akong magawa para mabawi ang pagmamahal ni Irene. Wala akong magawa kundi ang umiyak at uminom.

 

"Hey, wake up! Hindi ka pa pwedeng matulog. May pupuntahan pa tayo." Tinapik ko ang pusa dahil mukhang gusto na nitong matulog sa kandungan ko. Lasing na yata. Tss!Hina talaga..

 

Dinampot ko siyang muli saka lumabas ng bahay para puntahan ang flower shop.

 

Pagdating ko roon ay nabasa ko ang nakalagay sa pintuan. 'Permanently closed'.

 

Nagtagis ang bagang ko dahil siguradong si Irene ang nagdesisyon na ipasara ito.

 

Irene's POV

 

Ilang araw ang lumipas na palagi na lamang akong umiiyak. Wala na yatang katapusan ang pag iyak ko. Kailan ba ako tuluyang magiging masaya?

 

Napahagulhol na naman ako ng iyak. Muli kong naalala kung paano ako pinagmukhang tanga ng Seulgi na iyon. Ngayon ay panay ang pag hingi nito ng tawad. Minsan ay nasundan niya ako sa isang mall. Nagmakaawa siya na patawarin ko. Lumuhod ito sa harapan ko kahit napakaraming tao ng araw na iyon. Wala akong ginawa kundi tingnan siya ng masama saka nilagpasan. Minsan pa ay inabangan niya ako sa flower shop. May dala siyang banner na may nakaprint, 'Irene, I'm really sorry'. Ngunit gaya nang nauna ay binalewala ko rin ito. Noong nakaraang araw naman ay niyaya ako ni nanay sa isang Pastry Shop para aliwin. Katatapos lamang naming mag order ng may lumapit na waitress sa table namin. Inilapag niya roon ang isang salted caramel cake. May note itong kasama na kaagad kong binasa.

 

Babylove, forgive me, please.

 

Seulgi

 

Kung noon ay kinakikiligan ko ang mga ganitong gesture, ngayon ay halos lamukutin ko ang card na hawak ko. Hinanap ng mga mata ko si Seulgi at natagpuan ko siya sa isang bahagi ng shop.

 

Lumapit ako kahit anong pigil sa akin ni nanay. Pagtapat ko sa kinauupuan niya ay walang pag aalinlangan kong isinampal ang cake sa mukhya niya. Lahat ng nakakita ay nabigla, pati na rin si nanay.

 

"Hindi ko kailangan ang kahit na ano mula sayo!" Madiin kong sabi bago nagwalkout. Noong araw na iyon ay muli ko siyang napahiya. Pero bakit hindi pa rin iyon sapat? Para bang nadadagdagan lamang ang sakit na iniinda ko.

 

Siguro nga ay hindi mawawala ang sakit hanggat hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit nagpanggap si Seulgi na si Seulki at kung nasaan ang huli?

 

Naputol ang pag iisip ko ng may marinig akong kalabog. Parang may gustong sumira ng pinto ng condo ko.

 

"Who the hell is--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng makita ko roon si Seulgi. Nakainom siya base sa itsura niya.

 

Isasara ko na sana ang pinto ng iniharang niya ang katawan niya dito. "Ano bang ginagawa mo?!!" Bulyaw ko sa kanya. Nakapasok siya sa loob at pasalampak na umupo sa couch. Saka ko lang napansin si Aseul na nakasunod sa kanya. At base rin sa itsura ng pusa ay lasing din ito.

 

Teka.

 

TEKA!

 

Lasing si Aseul?!!!!

 

"Mag usap tayo." Plain niyang sabi habang nakapikit. Hinihilot niya ang sentido.

 

"Hindi ako nakikipag usap sa lasing!" Inis kong sabi.

 

"Kahit naman lasing ako o hindi, hindi mo pa rin naman ako magagawang kausapin, di ba?" Nagtama ang mga mata namin kaya agad akong nag iwas ng tingin.

 

"Alam mo naman pala, so bakit nandito ka pa?" Mataray kong tanong. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Aseul. Pagewang gewang kasi ang lakad niya gaya ng amo niya kanina.

 

"Pinainom mo ba ng alak si Aseul?"

 

"A little." Nag sign pa siya sa ng 'konte' saka tumawa.

 

"Crazy! Nasaan na ba ang utak mo at pati hayop ay nilasing mo!" Inis ko ulit na tanong. Sino ba namang matino ang makakaisip na lasingin ang alaga niyang hayop?

 

"Na sayo, pati puso ko, na sayo." Mas lalong umahon ang inis ko ng makita ang nakangisi niyang mukha. Pakiramdam ko ay isa pa rin ito sa pagpapanggap niya. At hinding hindi na ako magpapadala.

 

Meow

 

Pareho kaming napabaling sa pusa. Umupo ito sa paanan ni Seulgi.

 

Padabog akong kumuha ng maiinom para sa pusa. Mukhang malakas ang tama nito.Lol

 

"Hey, Aseul. Come here." Nagsign ako na lumapit siya pero nakatingin lang ang pusa sa akin.

 

"Hindi siya lalapit sayo kase daw niaaway mo ako." Nagpout pa siya. Muntikan ng sumungaw ang ngiti sa labi ko kung hindi ko ito napigilan.

 

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Dapat galit ako sa kanya. Kaaway siya! Kaaway! pilit ko iyong isinisiksik sa utak ko.

 

"Buti pa ang pusa naikuha mo ng maiinom." Ramdam ko ang himig pagtatampo sa boses niya.

 

Hindi ko na iyon pinansin at lumapit para damputin ang pusa sa paanan niya.

 

Pero napatigil ako sa akmang pagdampot dito dahil sa yakap ni Seulgi. Pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko. Pero may kung ano sa pakiramdam na namimiss ko ang mga yakap niya.

 

Erase.

 

Erase.

 

"Ano ba!" Bulyaw ko sa kanya. Habang pinipilit kalasin ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

 

"Please, let me hug you. Kahit ngayon lang. Kahit isang minuto lang." Nakasubsob na siya sa may bewang ko. Rinig ko rin ang mahihinang hikbi niya.

 

"I'm sorry for hurting you. I didn't mean it. Please, hayaan mo akong makabawi, hayaan mong patunayan ko--"

 

Tuluyan kong kinalas ang pagkakayakap niya. Satwing magsosorry siya sa akin ay di ko maiwasang maisip ang panloloko niya. Nagpapaalala lang ang lahat ng 'sorry' niya sa pagkakamaling nagawa niya. At hindi ko maiwasang masaktan. Hindi ko magawang magpatawad sa sobrang sakit na ibinigay niya sa akin.

 

Dinukot ko sa bulsa ang susi ng shop. Saka iniabot sa kanya.

 

"Give it to Seulki. Ayoko nang magkaroon  ng ugnayan sa kapatid mo. And please, do tell her, na pinuputol ko na ang pagiging magkaibigan namin." Matigas kong sabi bago ko siya talikuran.

 

"Umalis ka na at isama mo ang alaga mo." Saka ako nagderetso ng kwarto at inilocked iyon.

 

Pagkasarado ng pinto ay muli akong napaiyak. Tama si nanay, Kailangan ko munang lumayo. Lumayo para makalimot sa mga pangit na nangyari.

 

Pero maituturing ko bang pangit na pangyayari ang pagdating ni Seulgi sa buhay ko?

 

Oo! sabi ng utak ko. Hindi ko pinakinggan si puso dahil alam kong kokontra lang siya sa anumang sasabihin ni utak. Sa ngayon ay si utak ang pagaganahin ko. Alam kong hindi niya ako ipapahamak.

 

Pero bago ako humiga sa kama ay narinig kong sumagot si puso sa tinatanong ko kanina. At alam niyo ba ang sagot niya? Isang malaking..

 

HINDI.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎