CHAPTER 8

LOVE IS...

Seulki's POV

"Here, try it." Nakangiti kong sabi kay Juhun? Jueun? Juyun? Hmp, whatever! "Hey okay kalang?" Mukhang nagde daydreaming pa si ateng, nakatitig lang siya sa akin at nakaawang pa ang bibig.

Nandito kami ngayon sa mall. Itinext ko siya na magkita kami dito, tuwang tuwa naman ang bruha at nauna pa sa akin dito. Ekswayted much?

"Ah, sorry. W-What is it again?" I rolled my eyes. Pangit, tanga at bingi pa, lahat nalang ba ng negative traits nasa babaeng ito?

"I said, try this one. Mukhang bagay sayo." Napangiti naman siya saka kinuha ang iniaabot ko. Sinundan ko siya sa fitting room at papasok din ako doon ng magsalita siya.

"W-Wait, sasama ka sa loob?" Namumuland tanong niya. Deym, muntik na ako dun. Tiboom boom tarat tarat nga pala ang sisteret ko.

"No, I'll stay here. Bantayan kita." Lalo naman siyang namula sa sinabi ko.

Ilang minuto lang ay binuksan na niya ang fitting room at sumilip doon. "Okay na." Nahihiya niyang sabi.

"May i see?" Naluwagan ko ang pinto at saka napanganga sa nakita. Wow! As in wow! Ang seksi pala ng kemerlut na to! Faig pa ako. Pang FHM!

Uh oh...

What did i say?

y?

FHM?

NO!!!

"M-Maganda ba?" Naiilang niyang tanong.

"Yes, i mean NO! Uhm... Okay lang." Sabay talikod ko? Nabulol ako? Nagtago ang dila ko, natakot sa kapangitan niya!

Weh? Panget talaga?

Shut up!

"Let's go, bayaran na natin." Lumakad na ako papuntang counter at hindi na nakipagtalo pa sa sarili ko.

Pagkatapos naming magshopping ay napagpasyahan naming kumain muna bago umuwi.

Habang kumakain ay napapansin ko ang pagsulyap ni Ju— ni whatever sakin.

"Why?" Taas kilay kong tanong. Paano ba naman ako makakakain neto kung bawat pagsubo ko tinitingnan niya? Tss.

"Nothing, ang cute mo kasi." Napatigil ako sa pagsubo. Cute? Ano ako Aso?! Kung itusok ko kaya tong fork sa mata niya. Tingnan ko lang kung makakita pa siya ng cute!

Hindi na lang ako umimik at baka saan pa ako dalhin ng tabas ng dila ko.

"May dumi ka sa ano mo." Nguso ko sa gilid ng labi niya. Clumsy!

"Huh? Where?" Dali dali siyang kumuha ng tissue kaya natabig niya ang baso, buti na lang at wala yong laman.

I rolled my eyes. Aanga anga talaga tong kemerlut na to! Ang sarap jombagin!

"Let me." Kumuha ako ng tissue saka dumukwang para punasan ang gilid ng labi niya. Paran aman siyang natuklaw ng cobra pagkatapos kong gawin yon. Nanlaki pa ang Brown niyang mga mata, mukha kasi siyang hamster ang cute.

Teka anong sabi ko? Cute?

Oh well, aso nga pala yung cute.

So, sige na nga, cute na siya.

"Hey are you okay?" Hinawakan ko ang kamay niya dahil mukhang hindi na siya gumagalaw sa pagkakaupo niya. "Gusto mo na bang umuwi?" Natulala lang siya sa akin at hindi kumukurap man lang. Buhusan ko kaya ng yubig para mahimasmasan? "Hey Juhun!" Sabay pitik ko sa harapan niya. Mukha namang nahulusan ang gaga, takot mabuhusan ng tubig eh.

"Uhm o-okay lang ako. U-Uwi na tayo." Dali dali siyang lumabas ng resto. Anyare dun? Muntanga! Sumunod na lang ako pagkatapos ko bayaran ang bill. Baka natakot, akala niya siguro siya ang pagbabayarin ko ng bill namin.

"Thank you for today, Jueun." Nakangiti kong sabi nang tumapat kami sa sasakyan niya.

"Thank you din, Seulgi." Nagsmile din siya sakin. Heto na naman po ang hindi pamilyar na tibok ng puso ko. Ano bang meron sa mga ngiti niya niya at mukhang magkaka heart attack ako kahit wala naman akong sakit sa puso.

"W-Welcome." Tumalikod na ako ng bigla niya akong tawagin.

"Seul?" Kasabay ng paglingon ko ay ang paghalik niya sa pisngi ko. "It's Juhyun, not Juhun or Jueun ok?" Napatango nalang ako. "Take care." Sabay halik niya ulit sa kabilang pisngi ko. Nasundan ko na lamang siya ng tingin habang pabalik sa kotse niya at hanggang Makaalis siya.

I cant believe na magagawa niya yon. Akala ko ba conservative siya? May lahi rin palang higad, makati! At ang hindi ko lalo mapaniwalaan ay ang kakaibang reaksiyon ng katawan ko lalo na ang puso ko.

Napahawak ako sa pisngi ko. Did i blushed?

Pinakiramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Kung lalaban ako ng karera malamang sa alamang ay mananalo ako ng first prize.

*peep

*peep

"Hey you! Get out of my way!" Bumalik ako sa wisyo dahil sa bulyaw sa akin ng isang amerikanong hilaw na toh! Tumabi ako saka dumiretso sa kotse na dala ko.

Pagpasok ko sa sasakyan ay napabuntong hininga ako. Wala to, hindi ako naaapektuhan sa kanya! Natuwa lang ako dahil kamukha niya si besty! Gusto ko lang malaman kung bakit sila magkamukha, that's it! Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

I sighed.

Bago ako umalis sa lugar na yon na hindi ko sigurago kung nakumbinsi ko ang sarili ko.

Seulgi's POV

"Who's responsible for this?!" Bulyaw ni Irene ang naririnig ko pagkapasok ko pa lamang sa shop. Hindi na nga siya pumasok kahapon tapos siya pa mainit ang ulo ngayon. Tss.

Mukhang may meeting o mas tamang sabihing mukhang may bibitayin ngayon. Beast mode si Ms. Minchin. Pumasok na ako ng hindi nila namamalayan.

"Wala ba talagang may gustong umamin sa inyo?!!" Pumwesto ako sa may likod ni Irene. Sinadya ko talaga na hindi magpakita dahil mukhang hindi maganda ang gising nito. "Hindi niyo ba alam kung gaano kamahal ang bulaklak na yan?!!" Nanay ko. Nakakatakot ang boses niya. Paano pa kaya kung nasa harapan niya ako, kaya pala nagsitungo lang ang mga crew.

Sinenyasan ko si Joel. Gusto ko malaman kung bakit beast mode ngayon si Ms. Minchin. Inginuso naman niya ang bulaklak na ubos na ang dahon, as in wala na iyong dahon. Napalunok ako, mukhang kilala ko na ang may gawa niyon. Walang iba kundi...

Ako.ߘኊPaktay ako ngayon, malay ko bang mahal ang bulaklak na yon at saka siya dapat ang sisihin ko kasi kung pumasok siya kahapon, hindi sana ako nag alala, hindi ko sana siya inisip, hindi sana naubos ang dahon niyon dahil sa kaiisip ko sa kanya. Oo, nagtatanggal ako ng mga lantang dahon kahapon dahil wala akong magawa sa shop. Naubos ko ang dahon ng mga mamahaling bulaklak na iyon dahil iniisip ko kung bakit siya absent, kung nagalit ba siya dahil sa kiss na ginawa ko.

Juicekupo! Anong gagawin ko ngayon? Hindi niya dapat malaman na ako ang salarin. Ayokong mabitay, mas gusto ko pang si Digong ang bumitay sa akin kaysa si Irene.

"Bibigya ko pa kayo ng chance, pumunta sa office ko kung sino gumawa niyan." Turo pa nito sa kawawang bulaklak na napagkaitan ng dahon. "At kung walang gustong umamin sa inyo, pwes talsik kayong lahat!" Tumalikod na ito at kami naman ngayon ang magkaharap. Mukhang nabigla siya ng makita ako. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya, tumangi naman siya sa akin saka ako nilagpasan. Napakamot na lang ako sa kilay habang sinusundan siya ng tingin.

"Ma'am tulungan niyo po kami, ayaw po naming mawalan ng trabaho." Joel.

"Wala po talaga kaming idea kung sino ang may gawa niya." Sabi naman ng isang crew. Hays kung alam niyo lang kung sino ang may gawa niyan, hinding hindi kayo hihingi ng tulong sakin.

"S-Sige kakausapin ko siya." Tinapik tapik ko ang balikat ni Joel. Nakakaawa naman ang mga to, nangnaganib na mawalan ng trabaho dahil sa dahon na pinitas ko.

Lumakad ako papuntang office. Pagtapat ko sa pinto ay nagdalawang isip ako kung papasok ako o hindi, kinakabahan ako first time mangyari na may magpakaba sa akin. Geez paano ba namang hindi ako kakabahan? Mukha ako papasok sa kweba at may naghihintay sa aking tigre para lapain ako.

I sighed.

Kaya ko to.

Bago ko pihitin ang doorknob. Kahit ang langitngit ng pinto ay nagpapakaba rin sa akin, parang sa mga horror movies. Katakot!

Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang mga mata ni Irene. Nang makita na ako ang pumasok ay ibinalik niya ulit ang tingin sa ginagawa.

"Ah b-besty(iww)." Umupo ako sa upuan na nasa harap ng table niya.

"Why?" Hindi siya tumingin sa akin. Tutok lang siya sa ginagawa. Galit ka ba sa ginawa kong panghahalik sayo? Gusto kong itanong pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"B-Bakit kailangan mong tanggalan ng trabaho lahat ng crew natin?"

"Dapat lang iyon sa kanila. Kung pinagtatakpan nila ang kasalanan ng isa, pwes lahat sila damay." Hindi pa rin ito tumutunghay sa akin.

"Kahit na, hindi mo dapat idamay silang lahat kung isa lang sa kanila ang nagkamali." Katwiran ko.

"Hindi mo ba naiintindihan na pinagkakaisahan nila tayo? Nagsisinungaling silang lahat sa atin! Pinagtatakpan nila ang isat isa and I'm not allowing that! Ayoko sa mga sinungaling!" Nakatingin na ito sa akin. At ewan ko, pero nang sinabi niya na ayaw niya sa mga sinungaling ay nabasa ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya.

At mukhang patama na rin yon sa akin, hindi ko tuloy maiwasang maguilty.

"I-Irene, I'm sorry." Sincere kong sabi sabay hawak ko sa kamay niya na nakapatong sa table.

"For what?" Kunot noong tanong nito.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Ako ang may kasalanan kung bakit wala ng dahon ang bulaklak mo." Hihi ang sagwa! "I mean, wag ka sa kanila magalit wala silang kasalanan." Nagalit si Irene sa sinabi ko. Inalis niya ang kamay na hawak ko kanina, pinigil ko yon at tumayo na ako para dumukwang sa kanya. Meron pa kasing table na nakapagitan sa amin. Muli kong hinwakan ang dalawa niyang kamay. "Handa kong tanggapin ang punishment. Ako nalang ang patalsikin mo wag mo lang silang alisan ng trabaho." Titig na titig kong sabi.

Bumuntong hininga siya bago tumitig din sa akin.

"May problema ka ba besty? Lately parang napapansin kong nag iiba ka, I mean parang ibang tao ka.." Juicekupo. Booking este buking na ba ako?

"Besty(iww) kasi.. Uhm." Seulgi isip! Paganahin mo ang utak mo!

"Kung ano man ang problema , nandito lang ako okay? At yung nangyaring k-kiss..." Umiwas siya ng tingin sa akin. "K-Kalimutan nalang natin yun. Wala lang yon diba?" Ngumiti siya tumango ako.

Bakit nasasaktan ako ng sabihin niyang wala lang yung kiss? Ano bang problema ng puso ko?

"L-Labas na muna ako, at sorry ulit sa kapalpakan ko." Ngumiti ako ng pilit at saka lumabas na ng office.

"Ma'am bakit po kayo umiiyak?"

"Huh?" Napahawak ako sa mata ko, basa yon. Pati pisngi ko ay may bakas ng luha. "Wala may pinanood lang akong nakakaiyak." Sabay punas ko ng luha. Ano namang drama ng mga mata ko at napaiyak ako? Kailan pa ako umiyak sa babae? Kung wala lang yon sa kanya, MAS wala lang yon sa akin!

Iniwasan ko na lang isipin ang mga sinabi niya at inabala ang sarili sa pagtatrabaho. Sa isip ko, lilipas din to.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎