CHAPTER 4

LOVE IS...


Seulgi's POV

Napagmasdan ko ang bahay pagkababa pa lamang namin ng kotse, maganda iyun gaya ng palaging kwento sa akin ni Seulki. Pumasok na kami sa loob na lalo kong ikinamangha.

"Magpahinga ka muna sa taas at ipaghahanda kita ng meryenda." Umalis si nanay sa harapan ko. Akma na akong kikilos ng may maisip ako. Saan ba dito ang kwarto ni Seulki? Hmm... Nalintikan na.

Tumaas ako sa 2nd floor ng bahay. May tatlong kwarto doon, alin kaya dito?

"Minimaymimaynimu..." Nakailang ulit ako saka napagdesisyunang pasukin ang pang huling kwarto.

Napanganga ako, hindi dahil sa ganda kundi dahil sa kulay nito. Penk na penk ang lola mo juiceko, Seulki! Girlalush na girlalush ka! Naaalibadbaran ako sayo.

Alam ko din na tama ang pinasok kong kwarto dahil may picture siya doon. Alangan naman kay nanay ko toh? Sabihin niyo kaagad para mahimatay na ako ngayon palang.

Nilibot ko ang buong paligid, mabango at organized. Naalala ko yung condo ko, siguradong katakot takot na mura ang inabot ko kay Seulki sa sobrang kalat nito.

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa malambot na kama, take note pink din yon. Pumikit muna ako mamaya ko na aasikasuhin ang mga pasalubong at gamit ko.

Napapaidlip na ako ng may marinig akong boses.

"Besty...besty...besty!" Napamulat ako sa boses na palakas ng palakas sa pandinig ko.

"Besty!!!" Napaupo na ako sa kama at sa isang iglap ay dinamba ako ng babaeng kapapasok pa lamang sa kwarto ko, para itong aso na nakita ang amo.

"How are you, bruh?" Napalunok ako dahil ngayon ko lang narealize na yakap yakap na plala niya ako. "I missed you." Ang bango niya. Ang sarap amoy amuyin ng mahaba niyang buhok. Aba, teka! At kailan pa ako naging manyak? Ni hindi ko pa nga nakikita ang pagmumukha nito, malay ko kung mukhang aso toh. Bastos pa, basta basta nalamang napasok sa kwarto ng may kwarto.

"O-Okey naman ako." Inilayo ko siya ng konti sa akin. At iyon ang pagkakamali na hinding hindi ko pagsisisihan.

Patay na ba ako? Kung hindi bakit nasa langit na ako? May nakikita akong anghel sa harapan ko. Yes, a heaven sent. Napakaganda niya. Madami na rin akong nakilalang mga magagandang babae ang iba pa nga ay foreigner. Pero kakaiba siya sa lahat. Sinong nagsabi na para siyang aso? At sinong nagsabing bastos siya? Juicekupo, kung ganito kaganda ang basta na lamang papasok sa kwarto ko, palagi kong papabayaang bukas ang pinto. Jowk.

So far, she's the most beautiful woman i have ever met. Sa pagtitig ko pa lang sa magaganda niyang mata ay naramdaman ko na ang kakaibang pakiramdam na ngayon palang tumama sa akin. Everything about her shines with elegance and grace. Her hair and how it frames her face, her amazing figurena kahit nakaupo ay alam kong y siya, her silky skin na halatang alagang alaga and her sparkling smile that like an angel that has come upon me in some good fortune, right at this moment, masasabi kong i am blessed to have this seductive Goddess who's beside me.

"Nakakapagtampo ka." Nagpout pa ito. How cute!

"Ba-Bakit?" Hays... Nabubulol ako. First time in history.

"Anong bakit? One week kang walang paramdam!" Humiga ito saka ipinatong ang paa sa lap ko.

Napalunok ako lalo na at nasa harapan ko ngayon ang  mala labanos niyang legs. Pinagpapawisan ako kahit na may aircon naman dito. Juicecolored tinatawagan ko po lahat ng santo. San Martin, San Jose, San Roque, San Pedro, Maria Clara, Crisostomo Ibarra, Padre Damaso, Poncio Pilato. Mamamatay na yata talaga ako, ipinapakita na sa akin ang magagandang bagay sa mundo.

"Pasensiya na b-besty(iww), masyado akong nag eenjoy sa London." Pilit ang mga ngiti ko dahil sa pagtitig niya sa akin. Ganito ba talaga ang babaeng ito? Papatayin ako sa titig.

Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin.

"Ba-Bakit?" Ayan na naman po ang dila ko. Bumangin siya at biglang pininch ang pisngi ko.

"Ang cuuuuutttttteeeee cute mo!" Natatawa niyang sabi na pinanggigilan ang pisngi ko. "Kelan ka pa nagpagupit? At ang ganda ng tattoo mo, huh?" Slow? Kanina pa kami nag uusap, ngayon niya lang napansin?

"Ah oo... Nung nasa London ako. Trip lang, actually meron pa ako dito sa batok at dito sa tagiliran."

"Talaga? May i see?" Di pa ako nakakasagot ay nasa bandang likod ko na siya at tinitingnan ang tattoo ko ko sa batok. "Astiiiggg!!!" Sabi pa niya habang tinetrace ng daliri niya ang tattoo ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa ginagawa niya.

"Para kang bata, tama na nga yan." Sita ko sa kanya. Itinigil naman niya ang ginagawa at napabalingan ang tattoo ko sa tagiliran. Juicekupo! Bakit ba nasabi ko pa sa kanya?

"Anong meaning nito?" Habang tinetrace niya.

"B-Bible v-verse y-yan." Napapalunok kong sabi. Mukhang mamamatay ako ng di oras. Ang dahilan, ubos laway. Kanina pa kasi ako lumulunok.

"Meron din ako niyan.. Akala mo ikaw lang ang meron ano?" Tatawa tawa pa siya.

"Here oh." Napanganga ako ng unti unti niyang itaas ang shot niya at ipakita sa bandang legs ang tattoo niya.

"Oh ano, tulo laway mo sa ganda ng tattoo ko ano?" Natatwa pa niyang sabi sabay itinaas niya ang nakabuka kong bibig.

"Ah.. Oo m-maganda." Namula na naman ako sa pagkapahiya, siya pa talaga ang nagsara sa bibig ko.

"Hawakan mo pero dahan dahan lang huh, bago pa lang kasi toh, masakit pa." 

"Ha-Hawakan?" Nabingi ako sa sinabi niya at mukhang tinakasan din ako ng kaluluwa ng siya mismo ang nagdala sa kamay kopapunta sa tattoo niya.

"See, totoo yan. Baka sabihin mo loko loko lang." Natatwa pang sabi nito habang ako naman ay napanganga ulit sa ginawa niya. Agad kong binawi ang kamay ko ng maalala ko si Seulki. Siguradong lagot ako sa kanya kapag nalaman niya ito. Akala ko magiging madali lang ang pag stay ko dito sa Pilipinas. May kumplikasyon din pala.

"M-May pasalubong nga pala ako." Bumaba na ako ng kama para ipakita ang mga pasalubong ko.

"Talaga? Yiiieeee... Salamat, besty!" Sabay kiss niya sa cheeks ko. Nauna na siyang manghalungkat ng bag ko, tulaley na naman ako habang hinahaplos ang pisngi na hinalikan niya kanina.

Seulki's POV

"Hello?" Napangiti ako ng marinig ko sa kabilang linya ang boses lil'sis ko. Tinawagan ko siya para kumustahin.

'Hi, lil'sis. I missed you." Nakangiti kong pangungulit habang inaayos ang mga gamit niya na dadalhin ko sa bahay namin. Di ba nga doon na ako titira? Isa pala rin yon sa gusto kong ibalita kay Seulgi, arte kasi netong kakambal ko, pabukod bukod pang nalalaman kay Daddy.

"Iwww." Sagot niya na lalo kong ikinatawa. Naiimagine ko kasi na nakasimangot siya habang sinasabi yon.

"Ang sama mo talaga." Kunwaring pagtatampo ko.

"Oh e di ang sama mo din, remember magkakambal po tayo." Abat, ang galing talagang mang asar ng bubwitang ito!

"Hoy, hindi ako tumawag pa asarin mo lang ha?!" Tawa pa rin siya ng tawa. Baliw. "So how are you? Kumusta si nanay?"

"Okeyy naman kami." Dalawang tanong isang sagot talaga? Hayys nakalimutan ko hindi nga pala madaldal ang isang toh. At talagang hindi man lang ako tinanong kung kumusta na kami ni Dad. Wala talagang manners hayyys.

"Hindi ba nakahalata si Nanay?"

"Uhm medyo nakahalata." Easy niyang sagot.

"Huwaaattt??"

"O.A lang? Hindi naman siya nagtanong. So i guess, okay naman tayo so far." Pa so far, so far pang nalalaman. Sofarfarin ko to eh.

"Nako, Oso umayos ka ha." Oso kasi mukhang oso naman talaga siya. Kung sabihin ko iyon parang hindi magkakambal noh? "Pag tayo nabuking lang, ipapaunat ko yang Dora mong buhok, pati ikaw uunatin ko rin." Pagbabanta ko sa kanya na feeling hindi Dora ang buhok ko. Baka kasi kung anong trip ang maisipan nito. Pangalan at image ko ang nakataya. Kaya wag lang talaga, sisirain ko rin talaga lahat ng pwede kong masira sa kanya, kahit niya sisirain ko. Teka nagpapanty ba to? O brief? Hahaha.. Seryoso? Naisip ko pa talaga yon.. Keber ko ba sa niya!

"Hahaha... Wag kang mag alala, magbebehave ako dito. Pwera na lang kunh iseduce ako dito ng gorgeous mong best friend." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"So na meet mo na pala siya? Naku Seulgi Kang ka , wag na wag kang magkakamali na gawan ng masama ang bff ko, kahit kapatid kita ibibitin kita patiwarik at ipapabitay kita kay Digong!" Pagbabanta ko muli sa kanya. Juicemiyo, delikado ang bff ko sa lintang kausap ko ngayon. Napakababaera! Oo nga at paflirt ang bff ko pero never pa siyang nainlove! Jusmiyo marimar! Nagsama ang parehong walang alam sa Love.

"Wag kang mag alala, big sister. Gawan ko man siya ng masama siguradong hindi naman ako ang mananagot." Naiimagine kong ngiting aso na naman toh. Hindi daw siya mananagot, at sino aber?

"Oh my..." Takip ko sa bibig ko ng marealize kung sino ang mananagot. "Hoy! Babaeng pinaglihi sa kalandian, wag na wag mong idadamay ang pangalan at pagiging inosente ko sa mga kalokohan mo!" Halos mamula na ako sa inis. Ang naman talaga kasing mang asar ng hunghang na ito eh! Kainessss...

"Inosente ka pala? Kailan pa?" Tawa pa rin siya ng tawa. Kung nandito lang siya sa harap ko, swear pepektusan ko siya ng wampipti sa intestine niya!

"Tigil tigilan mo ako. At Seul huh, arte artehan mo ang pagsasalita pati pagkilos mo---"

"Oo na, alam ko namang maarte ka."

"Tse! Hindi pa ako tapos! Wag kang magsusuot ng mga pang Coco Martin mong outfit, ihahamapas ko talaga sa pagmumukha mo yang mga leather jacket mo."

"Aray! Ang hard mo saken, Big sis." Napapangit ako kapang tinatawag niya akong big sis. Feeling ko tanggap na tanggap niya ang pagiging magkapatid namin kahit na saglit pa lamang kaming nagkakasama. "Anong gusto mong isuot ko? Mga damit mong halos kita na ang kaluluwa? Magkaka pulmonya niyan ako sa mga toh eh."

"Fashion ang tawag diyan. Palibhasa wala kang kaalam alam sa fashion, naturingan ka pa namang London girl... Ay boy pala." Ang lakas ng tawa ko. Akala mo di ako makakabawi huh?

"Hahaha.. Funny." Sarcastic niyang sabi.

"Besty..." Narining kong tawag ni Irene.

"So paano, bye for now. Hindi pa kasi umaalis ang 'bwisita' sa bahay." Iimik pa sana ako kaso binaba na niya. Wala talagang manners, nakangiti ako habang nag aayos ng gamit. Dahil bukas ay lilipat na ako sa bahay ni Dadiyo.

Napatigil ako sa ginagawa.

Napatampal ako sa noo kong may maalala. Kaya nga pala ako tumawag kay Seul para ipaalam ang paglipat ko, kung bakit kasi nawala sa isip ko. Hayaan na nga, bukas ko nalang sasabihin, hindi naman siguro big deal yun.

At mukha namang hindi ako mamomroblema kay Seulgi about kay Irene. Sabi nga nito, bwisita daw niya si Besty. Meaning, hindi siya attracted dito. At nungkang maaattract si Irene kay Seul knowing na alam niya ay ako si Seul at bukod doon, straight si Besty na katulad ko.

So wala akong dapat ipag alala. Ipinilig ko ang ulo ko, masyado na kasing advance ang naririnig ng utak ko. Sa ngayon ay mag eenjoy muna akong kasama si Dad na siyang dahilan kung bakit ako nandito.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎