CHAPTER 24

LOVE IS...

Seulgi's POV

3 days.

Tatlong araw na kaming nandito sa Hacienda Bae. Sa loob ng tatlong araw ay nalibot na namin ang kalahati ng Hacienda. Sadya palang napakalawak noon.

Nakilala ko na din ang pinsan ni Irene na magdedebut sa isang araw. Masasabi kong maganda ang lahi nina Irene. Maganda rin kasi si Suzy na pinsan nito. Isang anghel na bumaba mula sa langit.

Oh wait..

Nasabi ko na to kay Irene, di ba?

Ulitin natin.

Para siyang isang cute na anghel na bumaba mula sa langit.

Oh wag ng kumontra. Seulgi may naiba!

Mabalik tayo kay Suzy. Hindi mo siya aakalain na debutant dahil malaking bulas siya. Pagkakita pa lamang sa kanya ni Amber, ay agad na itong natakam. Sabi ko nga mahiya siya sa balat niya.

Iyon namang nangyaring aksidente sa amin ni Irene ay hindi na nalaman nina Papang at Mamang. Hindi ko alam kung naitago ba namin ng mabuti ang mga galos namin o sadyang malabo lang ang mata ng matatanda. Lol Yung dalawang bugok naman ay tinawanan lang ako imbis na magpakita ng concern.

At yung si Suho the Tukmol. Ayun,paimpress pa rin kay Irene. Lagi pa ring nakadikit. Ang sarap na ngang tsinelasin! Yung mga tsinelas ni Korina.

At ang dalawa kong kaibigan. Enjoy na enjoy dito. Siguro namiss din nila ang ganitong paligid. Yung makakapagrelax ka at makakapag muni-muni. Siguradong kung nandito si Seulki ay mag eenjoy din yun. Kamusta na nga kaya ang kapatid ko? Alam naman niya ang pagpunta ko sa probinsya ng besty niya. Pero simula ng dumating kami dito ay nawalan na kami ng komunikasyon. Mahirap kasi ang signal sa lugar na ito.

"Hi Seulki." Naputol ang mga isipin ko sa boses na iyon. Napangiti ako ng makita si Suzy sakay ng bike niya. Huminto siya sa tapat ko. Naroon ako sa terrace ng mansion.

"Oh hi, Suzy." Magiliw ko ring bati.  Bumaba siya ng bike niya saka inistand ito.

"Asan sila?" Nakangiti siyang Umupo sa tabi ko.

"Mga pagod siguro, kaya ayun... knock out." Natatawa kong sabi. Komportable ako sa kanya. Magaan ang pakiramdam ko. Well, lahat naman yata ng babae , magaan ang pakiramdam ko. Lol

"Bakit pala nandito ka? Di ba dapat busy ka sa nalalapit mong party." Pangungulit ko.

"Honestly, I'm not excited. Sila Mama lang naman ang may gusto nun." Nakasimangot nitong sagot. Natawa naman ako dahil kahit pag pout niya ay cute pa rin. Pilit kong hinahanap kung anong resemblance ni Suzy kay Irene. Magpinsan naman sila, di ba? Pero wala. Except sa pagiging maganda nila pareho ay wala na silang pagkakatulad. Maging ang features nila ay magkaiba.

"Nu ka ba! Minsan lang dumating ang ganoong araw sa isang babaeng katulad mo."

"Hahaha... kung makapagsalita ka, para kang hindi babae." Natatawang sabi nito na ikinalabas ng white teeth nito. Pwede ng pang commercial ng toothpaste.

Hehehe... hindi naman talaga. Gustong kong sabihin pero napakamot na lang ako sa ulo.

"Pero kung lalaki ka, type sana kita. Kaso lang babae ka, kaya girl crush na lang kita." Sabay wink pa nito sa akin. Napangiti ako sa kabreezyhan niyang taglay.

Nu ba naman yan! Si Seulki na ako ngayon,  pero ang lakas ko pa rin sa chx. Nakakasawa na ang ganitong buhay.

"So dahil crush mo naman pala ako, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" Yung smile ko hanggang ngala-ngala.

"O.M.G! Crush mo rin ako?" Nanlaki ang mata niya saka tinakpan ang mukha ng sariling palad. "I'm so kinikilig. Yieeeeee!"

"So mapapagbigyan mo nga ako?" Pacute ko pang sabi. Oo na! Aaminin ko ng crush ko siya. Oh wag niyo kong sasabihang 'MAHIYA KA SA BALAT MO!'

"Anything for my crushy." Namumula pa rin ang pisngi niya.

"Uhm... sa birthday mo..." Humarap ako sa kanya. "Can I play a guitar instead of a piano?" Isa ko pa yung isipin. Kaya gagamitin ko ang charm ko ngayon para hindi ako mapahamak. Wala naman kasi akong kaalam-alam sa pagtugtog ng piano.

"But why? Ate said that youre a good pianist?" Kunot noong tanong nito.

"Yeah. Para maiba naman, di ba?" Hinawakan ko ang mga kamay niya, "Don't worry, I'll do my best. And I will rock your world." Nagsign pa ako na parang isang rocker.

"Hahaha... Sure. Ako na ang bahalang magsabi kayna Mama." Nakangiting pagsangayon nito. Lumuwag tuloy ang pagkakangiti ko. "Anyway, are you tired already?"

"Not really, why?"

"Biking tayo." Tumayo siya at tumabi sa nakastand niyang bike.

"Paano? Iisa naman yang bike mo." Nakalapit na ako sa kanya at sa bike niya.

"Youre the driver and I am youre passenger. Sounds good, right?" Hay. Ang ganda talaga! Pero wala pa ring tatalo sa Irene ko.

"Yes." Pinasabi ko na lamang sa maid na kasama ako ni Suzy kung sakaling may maghanap sa akin sa mga kasama ko.

Sumakay ako sa bike at umangkas siya sa likod nito. "So where are we going?" Habang inuumpisahang ipedal ang bike.

"Kung saan tayo dalhin ni Malaica."

"Malaica?" Ulit ko sa pangalang binanggit niya.

"Malaica the bike." Napangiti ako sa sagot niya. Alam niya rin siguro ang meaning nito. Ang pagkakaalam ko, Malaica means angel.

"Hi Malaica. I'm your driver today." Tinap ko pa ang manibela nito na ikinatawa ni Suzy. "Guide us, okey." Pinahawak ko ng mabuti si Suzy sa balikat ko saka ko pinabilis ang pagpedal. At masasabi kong mas safe ito kaysa sa pangangabayo. Lol

Irene's POV

Nagmulat ako ng mata pagkatapos ng ilang oras na pagtulog. Sinulyapan ko ang wallclock sa kwarto kaya ko nalaman na alas-cuatro na pala ng hapon. Apat na oras pala akong nakatulog. Medyo napagod kasi ako sa paglibot namin sa Hacienda. Kaya after lunch ay napagpasyahan muna naming magpahinga.

Inayos ko ang sarili saka lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay may narinig akong tunog ng gitara sa terrace.

"Hi guys. Good afternoon." Nakangiti kong sabi ng makalapit ako sa kanila. Binati rin ako ni Amber at ni Joy.

"Magandang hapon din, Irene." Nakangiti ring bati ni Suho.

Pero may ibang hinahanap ang mga mata ko.

"Si Seulki?" Hindi ko napigilang itanong. Umupo ako sa tabi ni Joy.

"Sabi ng maid, kasama raw ni Suzy." Napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Amber. Nakaramdam ako ng inis sa isipin na hindi man lang siya nagpaalam sa akin. At kung bakit sila magkasama?

Possesive lang te? Pag mamay ari mo? At bakit magpapaalam, girlfriend ka ba? Pang aasar pa ng utak ko.

"Kanina pa raw?" Pang uusyoso ko. Ewan ko ba. Pati ako nagtataka na rin sa sarili ko. Kapag may iba siyang nakakasama bukod sa akin ay nagaalburuto na ako. Naiinis ako kapag may ibang nagpapangiti sa kanya. Napakapossesive ko na bang bestfriend? .Hay!

"Oo. After lunch pa daw." Joy.Tiningnan ko ang wrist watch kong suot.  It's 4 o'clock in the afternoon. Meaning, May tatlong oras na silang magkasama. At kahit pinsan ko si Suzy ay hindi ko pa rin maiwasang mainis. "Tulog tayo kaya siguro hindi na nakapagpaalam." Dugtong pa nito. Pero hindi ko pa rin magawang huminahon.

Kahit pa tulog ako o naliligo. Dapat pa rin siyang magpaalam!

Hindi na lamang ako umimik para hindi nila mahalata ang pagkasira ng mood ko. Habang nagkwekwentuhan ay lumilipad naman ang isip ko kay Seulki. Panay din ang tingin ko sa relo.

Seulgi's POV

Pasipol-sipol pa ako ng ibaba ako ng driver nina Suzy sa tapat ng mansion. Pagkatapos naming mamasyal sa Hacienda ay dumiretso kami sa bahay nila. Malaki rin iyon. At mababait ang mga magulang niya. Kaya sa halip na mapagod ay masaya akong bumalik ng mansion.

"Wazzup, guyssss." Hyper kong bati ng maabutan ko silang nagkakantahan sa terrace ng mansion.

"Tsong, bakit bigla kang nawala, saan ka galing?" Usyoso ni Amber. Umupo ako sa tabi niya saka ko napansin si Irene sa tabi ni Joy. Nakasimangot ito at mukhang wala na naman sa mood. Yung kilay niya halos magpantay na. At yung nguso niya halos umabot sa lupa. Lol

"Ininvite ako ni Suzy sa bahay nila. Mababait pala ang mga magulang niya. And I enjoyed their company." Nakangiti kong sagot at binalewala na lamang ang simangot na mukha ni Irene.

"Guys, pasok muna ako." Si Irene sabay tayo at pasok ng mansion.

"Anyare dun?" Kunot-noong tanong ko habang sinusundan siya ng tingin.

"May dalaw yata." Natatawang sagot ni Amber.

"Speaking of dalaw. Pwede mo bang tulungan itong si Suho?" Joy. Saka ko lang napansin na may kasama pala kaming tukmol. At tutulungan ko pa daw? Tss!

"Anong klaseng tulong?" Walang ganang tanong ko.

"Nabanggit ko kasi tsong na magaling kang kumanta." Amber.

"So?"

"Magpapatulong sanang mangharana si Suho sayo." Joy.

"Pwede ba, Seulki?" Tukmol. Mukhang nahihiya pa ito.

"Ganun ba? Sige, sino bang liligawan?" Pasalamat kang tukmol ka at mabait ako. Tuturuan kita ng mga ninja moves ko.

Uminom ako ng juice habang hinihintay ang sagot  nila.

"Si Irene." Magkasabay na sabi ng dalawang bugok.

"Huwaaattt?" Sa kabiglaan ay naibuga ko ang juice na nasa bibig ko. Muntik ko pa iyong maibuga sa mukha ng dalawa Sayang.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Don't tell me-"  Amber

"No! Hindi ako makikisama sa mga plano niyo!" Tigas kong tanggi. Anong gusto nila? Tutulungan ko ang karibal ko na manligaw sa babaeng gusto ko? Hindi pa ako nasisiraan ng ulo, huy!

"Pero tsong---"

"I said no!" Napatayo na ako sa sobrang inis.

"Please Seulki. Tulungan mo na ako oh." Pagpigil ni Suho sa pagwawalk out ko. Napatingin ako sa braso ko kung saan siya nakahawak para pigilan ako. Inalis ko kaagad iyon.

Tumayo naman si Amber. At may ibinulong sa akin.

"Patunayan mong mali ang iniisip ko." Napatulala ako sa sinabi niya. May kutob na ba siya sa nararamdaman ko para kay Irene? Masyado na ba akong halata?

Hindi nila ito pwedeng malaman dahil siguradong tatawanan lamang nila ako.

Ako, si Seulgi Kang, inlove? Isang napakalaking HAHAHAHA iyon para sa kanila.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot.

"O-Okay. K-Kailan ba?" Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko ay tinatraydor ko ang sarili ko.

"Mamayang gabi." Amber na nakangiti ng nakakaloko sa akin.

"As in?" Agad-agad? Tumingin ako kay Amber. Nakangiti siya pero hindi ko mabasa ang nasa isip  niya.

"Oo at kailangan tayong magpractice." Excited na sabi ni Joy.

"S-Sige, magbibihis lang ako." Matamlay kong paalam sa kanila.

"Salamat Seulki." Narinig ko pang sabi ni Suho pero hindi ko na siya pinansin. Umakyat ako ng kwarto ng may mabigat na dinadala. Ang puso ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Para akong namatayan or should I say para akong namatay.

RIP na ba talaga ang peg ko? Hayy buhay... Parang ako. Magulo!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎