CHAPTER 12

LOVE IS...

Third person's POV

"Sino po kayo?" Tanong ng batang babae pagmulat pa lamang ng kaniyang  mata. Dalawang tao ang nasa harapan niya, isang lalaki at isang babae na mukhang mag asawa. Mukhang mayaman ang mga ito base narin sa pananamit.

Iginala ng batang babae ang paningin niya. Nandoon na naman siya sa hospital. Sakitin siya, mahina ang puso niya kaya madalas siyang dalhin doon ng nanay Clara niya. "Nasaan po si Nanay?" Tanong niya ulit ng mapansing wala ang kaniyang ina at ang kapatid.

"Hija iniwan kana sa amin ng nanay mo." Sabi ng ginang kaya natabig niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya.

"Hindi po totoo yan!" Napataas ang boses niya dahil sa sinabi nito.

"Hija totoo ang sinasabi namin, kami na ang pamilya mo ngayon." Mahinahong sabi ng lalaki sa kaniya.

Umiling iling ang batang babae. "Hindi po totoo yan, nagsisinungaling po kayo." Hindi na niya mapigilang mapaiyak.

"Matatanggap mo rin ang lahat, hayaan mo mas magiging maganda ang buhay mo sa amin. Ibibigay namin lahat ng gusto mo." Pangungumbinsi sa kaniya ng dalawa.

"Ayoko po! Ibalik niyo na po ako sa nanay ko." Akmang babangon siya ng pigilan siya ng mag asawa.

"Please hija makinig ka, wala na ang nanay at ang kapatid mo... Iniwan kana nila." Napatigil ng batang babae sa pagwawala ng marinig ang huling sinabi ng dalawa.

Napatingin siya sa mag asawa. "Hindi nila iyon magagawa sa akin! Mahal nila ako!" Nagbabaga ang mga mata niya sa galit. Alam niyang mahal na mahal siya ng kaniyang ina magong ang kapatid niya.

"Totoo ang sinasabi namin hija, ipinagbili ka nila sa amin at nagpakalayo layo na sila." Sabi ng lalaki.

"Hindi! Hindi!" Paghihisterikal na naman niya. Sa murang isipan ay  hindi niya maabsorb ang sinasabi ng mga ito. Hindi niya kayang isipin na ipagbebenta siya ng kaniyang ina at iiwan siya sa mga taong Hindi man lang niya kilala.

Hindi nila yon magagawa sakin, babalik sila, hihintayin ko sila dito. Pangungumbinsi niya sa sarili.

"Sabi ng doktor pwede ka na daw lumabas, uuwi na tayo sa mansion, hija." Pambabalewala nito sa paghihisterikal niya.

"Hindi po ako sasama sa inyo! Doon ako sa kubo namin uuwi! Hihintayin ko po sila." Matigas niyang sabi.

"Pero hija hindi na sila babalik. Kami na ang pamilya mo ngayon."

"Hindi! Sila lang ang pamilya ko." Bumangon ang batang babae habang tinatanggal ang mga aparato sa kamay niya.

"Hija makakasama sayo yan!" Saway ng ginang pero hindi siya nagpaawat. Kailangan niya makauwi sa kanila. Kailangan niyang makita ang dalawang tao na napakaimportante sa buhay niya. Nakababa siya ng kama habang pigil pigil parin siya ng dalawa.

"Hija himinahon ka." Sabi ng ginang. Gusto na niyang umuwi. Gusto na niyang makita ang pamilya niya. "Nurse! Nurse!"

"Uuwi na po ako sa amin." Tinatanggal niya ang kamay na nakahawak sa braso niya habang patuloy sa pag iyak.

Hanggang pumasok na ang dalawang nurse kaya lalo siyang nagwala. "Please... Gusto ko na pong umuwi." Pilit siyang pinahihiga ng dalawang nurse at sa kawalang pag asa ay napasigaw na siya habang paulit ulit tinatawag ang nanay at kapatid niya.

"Nanay! Hyun!!"

Sigaw siya ng sigaw hanggang maramdaman niyang may kung anong tumusok sa katawan niya at nawalan na siya ng malay.

Irene's POV

"Nanay!!! Hyun!!!" 

'Ma'am? Ma'am Irene?"

"Huh!!" Napa straight ako ng pagkakaupo ng magising sa isang bangungot.

"Ma'am okay lang po ba kayo? Nagsisigaw po kayo habang natutulog." Nag aalalang tanong ni Jasmine. Isa sa mga crew ng shop.

"Uhm y-yes. Masama lang ang napanaginipan ko." Tumango lang ito saka ako iniwan sa office.

Tiim bagang ako ng maalala ko ang panaginip ko. I bit my lower lip at pinipigil ang nagbabaya kong pag iyak, hindi na ako iiyak... Hinding hindi na tutulo kahit isang butil ng luha ko, magpapatunay lang iyon ng pagiging mahina.

Ikinurap kurap ko ang mga mata para maiwasan ang pag iyak. Hindi ko hahayaang maging mahina muli ako, hindi na ako babalik sa dating ako.

Sa dating si Irene Kim, isang batang sakitin at iyakin, isang batang mahina at palaging takot. Hindi na ako babalik sa labintatlong taong gulang na bata na iniwan ng sarili niyang pamilya. O mas tamang sabihing ipinagbenta ng sarili niyang ina.

Naggatilan ang mga ngipin ko sa labis na galit ng maalala ang nakaraan. Ang dami kong tanong noong iniwan nila ako, hindi ba ako naging mabuting anak? Hindi ba ako mabait na ate? Bakit kailangan ako ang ipagbili ni nanay? Bakit hinayaan ni Hyun na magkalayo kami? Hindi ba sila nakuntento sa buhay na meron kami noon? Na oo na kahit mahirap lang kami, buo naman kami at nagmamahalan. At kung bakit nila ako iniwan?!

Mga tanong na ako na rin mismo ang sumagot. Na siguro mas mahal ni nanay si Hyun kaya okay lang na ako ang mawala at okay lang din kay Hyun na mawala ako para wala na siyang kaagaw sa atensiyon ni nanay. Hindi nila ako mahal, yan ang sagot na paulit ulit kong isinisiksik sa utak ko hanggang sa paglaki ko.

Siguro nagpapakasarap na sila sa pera na nakuha nila kay Daddy at Mommy. Sa perang pinagbentahan nil sa akin. Nakuyom ko ang palad sa labis na sakit at galit.

Ang pagtanaw ko sa nakaraang iyon ay isang bangungot para sa akin, isang bangungot na ayaw ko ng balikan.

Ako na ngayon si Irene Bae, adopted child ng mag asawang sina Miguel at Ysa Bae. Isang Florist. Matapang at palaban na babae. Isang babaeng independent. Babae na mas matigas pa yata ang puso sa bakal.

Yes bukod kay Seulki ay wala na akong ibang pinapasok sa buhay ko. Siya lang ang kaisa isahang taong pinagkakatiwalaan ko bukod kay Daddy at Mommy. Pero kahit isang beses ay hindi pa niya ako nakikitang umiyak. Kaya naman humahanga siya sakin sa pagiging matapang ko. Madalas ako ang magcomfort sa kaniya lalo na kapag iniiwan siya ng mga lalaking minahal niya. Nagpapasalamat din ako dahil may isang Seulki sa buhay ko. Siya ang nag iisang best friend ko, hindi man niya alam ang lahat sa akin, which is sinadya kong hindi ipaalam dahil ibinaon ko na rin naman iyon sa limot.

Lahat ng tao ay itinuring kong kaaway. Kaaway na anytime ay sasaktan lang din ako kagaya ng ginawa sa akin ng nanay at kapatid ko. Natakot na akong magtiwala dahil natakot na din akong masaktan.

Lahat ng tao sa paligid ko ay alam ang pagiging yelo ng puso ko. Madalas akong tawagin na ice queen lalona ng mga lalaking nagkakagusto sa akin. Wala akong sineryoso lahat sa kanila kaya masasabi kong wala pa akong nagiging boyfriend kahit isa. Dahil ang totoo iba ang definition ko sa salitang 'love'

Love? Para lamang iyon sa mahihinag tao at hindi ako mahina. Pinalakas akong ng mga taong naging dahilan kung bakit ako mahina noon.

At hindi ko hahayaang makita ng iba ang soft side ko. Si Irene na palaging takot at ayaw mag isa. Si Irene na naghahanap ng pagmamahal. Walang ibang pwedeng makakita niyon maging si Seulki.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎