CHAPTER 26

LOVE IS...

Seulgi's POV

Nandito kami ngayon sa birthday party ni Suzy. Nakapag perform na ako kanina habang nakikipagsayaw siya sa itinalagang 18 roses. Sa ngayon ay ginaganap na ang 18 wishes. Kasama na roon si Irene. Napangiti ako ng umakyat siya sa mini stage para magbigay ng message sa debutant.

She's so gorgeous! Ang isipin na girlfriend ko na siya ang lalong nakakapagpaluwag ng ngiti ko.

Simula ng gabing iyon ay napagdesisyon na namin na ilevel up ang status naming dalawa. Mula sa friends, to complicated, to in a relationship. Isa na ang araw na iyon sa pinakamasayang araw ng buhay ko na hinding hindi ko ipagpapalit sa hopia este sa anumang bagay sa mundo. Sinadya na rin naming wag ipaalam para sa privacy naming dalawa.

Si Suho naman ay tinapat na ni Irene na hanggang magkaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa lalaki. Tinanggap nito ang pambabasted ni Irene. Lol

"Emote?" Napabaling ako sa tabi ko. Umupo roon si Amber. May dala itong dalawang baso ng alak. Iniabot niya sa akin ang isa saka nakipagtoss. Tumunog ang dalawang basong nag umpugan. Saka namin nilunok ang laman niyon.

"So what's your next plan?" Tanong nito. Wala si Joy dahil busy ito sa pang hahunting ng mga gwapong guests.

"Huh?" Huhzoned ka ngayon Amber.  HAHAHAHA

"I mean, kamusta na yung plano niyo ni Seulki?" Napabuntong-hininga ako sa tanong niya.

Paano na nga ba?

"If I were you, I'll tell her the truth before it's to late." Seryosong sabi pa nito.

"Hindi madali iyon." Biglang bumigat ang kaninang sayang nararamdaman ko.

"Masaya ka ba sa panloloko?" Sa tanong niyang iyon halata ang pagtutol niya sa ginagawa ko ngayon.

"Masaya ako sa kanya." Pag amin ko. Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko para kay Irene. Pakiramdam ko sa bawat pagtatago ko, mas lalo akong nahihirapan.

"What do you mean?" Kunot-noong tanong niya.

"I love her and she loves me too." Tumingin ako sa direksyon ni Irene.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Pabulong nitong tanong pero halata ang disgusto nito sa sinabi ko. "Paano ka nakakasigurado na ikaw nga ang mahal niya at hindi ang pagiging Seulki mo lang?" Bigla akong napaisip sa tanong niya. May point naman siya pero mas gusto kong paniwalain ang sarili na ako, si Seulgi, ang minamahal ni Irene at hindi ang idea na ako si Seulki.

"Hindi ko alam." Napailing ako dahil gulong-gulo na ang utak ko sa mga nangyayari. "Ang alam ko lang ay mahal ko na siya at masaya ako sa kanya." Matapat kong sagot.

"Di ba sinabi ko sayo noon na kung saan ka masaya, susuportahan ka namin pero hindi sa bagay na ito. May nadadamay na inosenteng tao sa mga kalokohan niyo." Napatingin ako ng deretso sa kanya. Ibang Amber ang nakikita ko. Hindi ang maingay at bully na si Amber. Kundi ang kabaligtaran niya. Hindi kaya may kakambal din siya? Lol. Nakuha ko pang magbiro sa sitwasyon ko. Hayyysss..

"Hindi mo ako naiintindihan." Nasabi ko na lamang. Paano ko ba bibitawan ang isang bagay na nakakapagpasaya sa akin?

"Pinipilit ko, Seulgi." Tumingin siya sa direksyon ni Irene. "But Irene is a good person she don't deserve this." Alam ko. Sa nakalipas na mga araw ay napatunayan ko na mabuting tao siya. Mabibilang na lamang ang mabubuting tao sa mundo. At maswerte ako dahil nakatagpo ako ng isa sa katauhan ni Irene. Too bad, hindi ako kasing 'buti' niya.

"Mas gusto mo bang mahalin ka niya sa ideyang ikaw si Seulki?"

"In this situation... yes." Matapat ko uling sagot.

"Idiot!" Bulyaw niya sa akin. Buti na lamang at walang nag ooccuppy ng katabi naming table. "Kung sasabihin mo ang totoo, may possibility pa na mahalin ka niya bilang ikaw." Idinuro niya ang hintuturo sa may bandang dibdib ko.

"At gaano ka nakakasigurado sa bagay na yun, ha?" Mapait akong ngumiti. Gusto ng pumatak ng mga luha sa mata ko pero pilit kong pinigilan. Ayokong umiyak sa harapan niya. Dahil kapag ginawa ko yun, pinapatunayan ko na rin na mali ang desisyon ko.

"Mas okey na ang magbakasakali, kaysa maging masaya ka sa mali." Tinapik niya ang balikat ko at bahagyang ngumiti. Saka tumayo at iniwan akong naguguluhan.

Nasundan ko na lamang ang papalayong siya.

Magandang suwestyon pero hindi ko magawang sumang-ayon. Hindi ko pa kayang aminin ang totoo. Hindi sa ngayon lalo pa't minamahal ko na si Irene. Hindi sa ngayon dahil gusto ko pang konsintihin ang pagpapanggap. Kailangan kong sumugal at kailangan kong maging handa. Dalawa lang naman ang katapusan ng story naming dalawa. Either matatalo ako o mananalo ako. Alin man sa dalawa ay kailangan kong paghandaan. Pero sa ngayon, susulutin ko muna ang mga araw na ako si Seulki. Kung saan malaya kong naipaparamdam ang pagmamahal ko bilang si Seulgi.

Seulki's POV

Sumasabay ako sa beat ng music habang nagdadrive pauwi ng bahay. Kagagaling ko lang sa resto ni Seulgi. Habang wala ang dalawa niyang barkada ay ako muna ang namahala roon.

Mag iisang linggo na nga pala silang wala dito. At mag iisang linggo na rin akong walang balita sa magaling kong kapatid.

Kamusta na kaya sila? tanong ko sa sarili

Hi love-love, I love you. Mwuah. Mwuah. Mwuah!

Hi love-love, I love you. Mwuah. Mwuah. Mwuah!

Napakunot ang noo ko sa tunog na iyon. Hinanap ko kung saan iyon nagmumula. Nakita ko kaagad ang phone ko sa nakabukas kong bag. Nakapatong iyon sa passenger seat.

Dinampot ko ito habang tutok pa rin ang mata sa pagdadrive.

Hi love-love. I love you. Mwuah. Mwuah. Mwuah!

Bwisit! Bakit ba may ganito akong ring tone?!

Nakita ko ang screen ng phone. Si Seulgi ang tumatawag. Pero bago ko iyon sagutin ay inisip ko muna kung sino ang nagmamay ari ng boses sa ringtone ko.

Hi love-love. I love you. Mwuah. Mwuah. Mwuah!

JUHYUNNNNNNNN!

Tiim-bagang kong hiyaw sa utak ko. Paano siya nakapagrecord ng ganito at pinalitan pa ang ring tone ko. Siguradong gumamit na naman siya ng ninja skills niya!

Sinagot ko na ang tawag ni Seulgi bago pa iyon maputol. Nag inform lang siya na nakabalik na sila ng Manila. At ewan ko ba kung bakit may nasesense ako sa boses niya. Masaya. Nararamdaman ko iyon sa boses pa lang niya. Dahil na rin siguro sa magkakambal kami kaya malakas ang instinct ko sa kanya. Tinapos ko na kaagad ang tawag dahil nagdadrive pa ako. Mamaya ko na lamang siya chichikahin paguwi ko.

Ibinalik ko ang phone sa nakabukas kong bag. Naalala ko ulit ang boses ni Juhyun na siyang ring tone ko.

Papalitan ko na lang mamaya. I sigh.

Simula ng magconfess siya sa akin ay hindi na siya tumigil na ligawan 'daw' ako. Kung anu-ano na ring gimik niya para lang maimpress ako. At inaamin kong karamihan sa ginagawa niyang panunuyo ay ikinatutuwa ko.

Palage siyang may handang flowers sa akin. Madalas din niya akong ipagluto. Kapag nasa resto ako ay pumupunta rin siya para tumulong lalo pa kapag maraming customers. At kapag may costumers na gustong makipagkilala sa akin ay agad niyang hinaharang. Minsan ay naiinis na ako, pero wala akong magawa para patigilin siya sa panunuyo niya. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit ineentertain ko pa siya at kung bakit hindi pa rin nawawala ang malakas na tibok ng puso ko satwing mapapatitig ako sa mga mata niya.

Hindi ko naman siya maitaboy dahil nahihiya ako kay Dadiyo at kay Mr. Kim. Kailangan ko din munang malaman kung anong koneksyon niya kay Irene. Pagkatapos niyon ay madali ko na siyang maiiwasan. Para maprotektahan ang lihim ko at para na rin maprotektahan ang puso ko. Dahil pakiramdam ko ay kayang-kaya akong traydurin nito.

"Ma'am, Miss Juhyu is here." Sabi ng katulong namin ng makarating ako sa bahay. Hindi ko na iyon ikinabigla. Palagi naman niya iyong ginagawa. Siguradong maagang natapos ang klase niya kaya ako na naman ang ginugulo. Hayys..

"Where is she?" Saang parte naman siya ng bahay naroon.?

"In the laudry room, Ma'am."

"WHAT?" Napalakas ang boses ko sa sinabi niya. Ano namang ginagawa ng makulit na babaeng iyon sa laundry room? Tss!

Dali-dali akong nagtungo sa laundry room para puntahan ang aking 'bwisita'.

"What are you doing here?" Kunot noong tanong ko. Naroon siya sa tapat ng washing machine at may kinukusot roon.Napabaling siya sa akin at ngumiti ng ubod tamis.

Ayan na naman yung ngiti niyang nakakainis! Ugggh!

"Oh hi, love-love. Good afternoon." Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. I rolled my eyes.

Love-love? Saan ba niya napulot ang salitang yon. Lumapit ako sa kanya at namaywang.

"What are you doing here?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

"Hindi mo ba nakikita? Naglalaba ako." Humarap siya sa akin at ipinakita ang telang kinukusot niya. Saka ko lamang napagmasdan ang suot niya. Nakasando lang siya na white at short-short. Bakat na ang black nyang bra dahil basa na ang suot niyang sando. Muli akong napatingin sa suot nitong short .At sa makinis nitong legs. Pati cleavage niya ay nag aanyayang tingnan ko kaya hindi ko naiwasang mapalunok.

"Okay ka lang?" Nahimasmasan ako sa boses niya.

Mas lumapit ako sa kanya kaya nakita ko ang telang hawak niya kanina.

ko ba yun? Mabilis kong hinablot ang hawak niya Nang masiguradong ko nga iyon.

"Pwede ba, hindi ka katulong dito!" Namumula kong sabi sa kanya. Grabe! Pati ko kinarir? I kennat!

"Pero nanliligaw ako sayo." Nakakairita na naman nitong dahilan. At kumuha na naman ng lalabhan.

Hinablot ko ulit iyon sa kamay niya. Pero dahil mahigpit ang kapit niya ay napunit iyon.

It's my favorite pink !

"Look what you've done."  Hinablot ko ulit ang kalahati ng ko na nasa kamay niya.

At ang mas nakakainis ay ang hindi niya nawawalang ngiti.

"I didn't know na may ka palang pink?" Natatawa nitong sabi na  ikinapula ng pisngi ko.   "And oh... your socks..." itinaas nito ang isa pang hawak... "it's so cuutttee." Nagkulay mansanas ang pisngi ko ng makita ang panibago niyang hawak. It's my pink hello kitty socks.

Ughhhh! Hindi ba niya ako titigilan?!

"That's not mine!" Pagdadahilan ko. Hindi naman kasi magsusuot ng ganoong klaseng medyas si Seulgi.

"Really?" Nakangisi nitong tanong sabay lapit pa sa akin. I gusped.

"A-anong gagawin mo?" Utal-utal kong tanong nang maramdaman ko ang paghinga niya sa mukha ko. Ganoon na kami kalapit sa isa't isa.

Tumingin pa siya sa lips ko kaya napalunok ako. Pakiramdam ko nga ay nanginginig pa ang labi ko sa sitwasyon namin.

Pumikit ako nang biglang..

"Haaaa!" Bumuga siya ng hangin sa mukha ko. Nalanghap ko tuloy ang fresh breathe niya.  "Mabango ba? Bago ang mouthwash ko ngayon." Napamulat ako sa sinabi niya at nakita ko na naman ang nakakaloko niyang ngiti.

Ugggh! Pinaglalaruan niya ako!

"Whatever!" Padabog akong lumabas ng laudry room. Narinig ko pa ang tawa niya.

Nakakainis siya! I thought she's going to kiss me! Ipinahiya niya ako! Ughhhh! Nagpupuyos ang damdamin ko ng makaakyat ako sa kwarto.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎