CHAPTER 13

LOVE IS...

Seulgi's POV

Bumalik na ko sa shop after namin magdate ni Sunmi. I can say na maganda na namanang gabi ko dahil sa kaniya.

Pumsok na ako sa shop at binati ng mga staff doon, binati ko din sila ng ubod tamis na ngiti saka pumasok sa office.

"Bakit ngayon ka lang?" Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay boses na kaagad ni Irene ang narinig ko. Nakaupo siya sa table niya at parang namumula pa ang mga mata.

Umiyak ba siya? O iiyak pa lang?

Hmp! Whatever! May kasalanan pa nga pala siya sa akin, kaya instead na sagutin ang tanong niya ay bilampasan ako siya at umupo sa pwesto ko.

"Where have you been?" Tanong na naman niya. I rolled my eyes, ang lakas ng loob niyang magtanong.

"As far as i remember hindi kita boss dito at mas lalong hindi kita nanay." Pambabara ko sa kaniya.

"Don't talk to me that way! You're so rude." Mukhang nag init ang ulo niya sa pambabara ko. Napatayo na siya at matalim ang tinging ipinukol sakin.

"Rude?" Tatawa tawa kong tanong. "Oh wow ako pa ngayon ang rude, pagakatapos mong makipaglandian  at iwan ako sa mall!" Note with sarcasm.

"What did you say?" Tiim bagang niya ring sabi habang papalapit sa akin. Mukhang naghahamon ng away, pwes hindi kita uurungan.

"Totoo naman diba? Na mas inuna mo yong lalaking giraffe na yon kaysa patakbuhin itong shop?" Tumayo na ako habang .hinihintay siyang makalapit.

"Look who's talking! Sino ba ang basta basta na lang umaalis ng walang paalam? Sino ba ang sumasama sa kung kani-kanino?" Nagbabaga ang mga mata niya habang diretso nakatingin sa akin. "You don't have a rights to tell me that I'm ! Wala kang alam!" Bulyaw pa niya sa pagmumukha ko ng makalapit na siya. Nakita kong mas namula ang mga mata niya, mukhang iiyak.

"Right! Wala ng akong alam, masyado ka kasing nagmamarunong." Hinampa ko ang table ko sa sobrang inis, sya pa ang may ganang magalit pagkatapos ng ginawa niya!

"What?! I didn't knowna may pagka immature ka din pala." Inis na inis na rin niyang sabi, namumula na rin ang pisngi niya sa sobrang galit but I find it cute.

Erase... Erase...

"I am not!" Maiikli kong sagot pagkatapos maabsorb ng utak ko ang sinabi niya.

"Talaga? Kaya pala sinira mo ang isang malaking opportunity na makakuha tayo ng malaking client para sa flower shop!" Sigaw na naman niya sa akin. Kulang na lang magtalsikan lahat ang laway niya sa lakas ng sigaw niya at buong puso ko naman yon sasaluhin. Teka ana daw?

"A-Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong. Kumalma na ako ng berilayt.

"Bogum is our client, pinapakitunguhan ko siya ng maayos para sa flower shop at hindi para lumandi lang!" Bulyaw muli niya saka padabog na kinuha ang handbag at walang paalam na lumabas.

"Sh*t." Napaupo ako sa labis na disappointment sa sarili. "Ang tanga mo." Sisi ko sa sarili ko habang pukpok ko ang ulo.

Hays.

Nakagawa na naman ako ng katangahan siguradong lagot na talaga ako kay Seulki. Sasabihin ko ba na nag away na naman kami ni Irene? Siguradong isang sakong mura na naman ang matatanggap ko mula sa kaniya.

Ano bang dapat kong gawin?

Nasabihan kosiya ng masasakit na salita, dapat lang na mag sorry ako diba? Pero paano?

Hays.

Nakakarami na ako ng buntong hininga wala pa rin akong naiisip.

Kung sana kasing dali lang to ng panliligaw.

Ayy teka...

I have a bright idea!

Irene's POV

"Damn!" Kung nakakapagsalita lang ang manibela ng kotse ko, kanina pa siya nagrereklamo sa pag hampas ko.

"I hate you, Seulki!! I hate you!!!" Gusto ko ng maiyak sa sobrang inis , hindi ko matanggap ang mga sinabi niya.

Kahit naman na nag aaway kamo noon ay hindi naman umaabot sa ganito, na pinagsasalitaan niya ako ng masakit... Sabi nila truth hurts, pero mas masakit pala kapag alam mong hindi tunay ang ibinibintatang sayo.

Muli kong tiningnan ang shop, umaasa lalabas si Seulki para pigilan ako.

What?

Did i say that?

Oh... Forget it okay!

Inistart ko na ang makina at pinasibat iyon.

Habang nasa byahe ay naalala ko na naman si Seulki. Lately napapansin ko ang mga changes niya, not only her physical appearance but also her attitude.

Pakiramdam ko ay ibang tao siya simula ng bumalik siya dito galing London. Hindi ko alam kung anong katawang lupa ang sumanib sa kaniya.

I just laugh at my own thoughts

Pero paano nga kung may ibang nilalang ang sumanib sa kaniya?

Ang sweet, jolly at gorgeous kong best friend ay sinaniban ng nilalang na maangas, witty at pogi.

Yes, you heard it right. 'Pogi' na ang tawag sa kaniya ng mga staff namin, kung noon marami sa staff namin ang humahanga sa kaniya. Ngayon ay madami sa staff namin at maging sa mg costumer naming babae ang kinikilig makita lang siya at paano ko nalaman? Well, observer akong tao kaya masasabi kong madami ng nagbago sa kaniya.

I dunno pero totoo naman kasi na mas malakas ang dating niya ngayon, lalo na kanina sa suot niyang T-shirt at rubber shoes. Simpleng suot pero mas appealing.

Pati sa way ng pagsasalita at pag approach niya sa akin ay iba na rin. At kapag nagtatama ang mga mata namin  may isang pakiramdam na hindi ko maexplaine. Nanunuot ang tingin niya sa bawat bahagi ng katawan ko, parang anytime ay mababasa niya kung ano ang nasa isip ko.

Hindi ko namalayang nasa comfort zone na pala ako, my safety place. Sumagap ako ng hangin ng makababa ako ng kotse, napakasolemn ng lugar. Ang lugar na ito ang totoong nakakakilala sa akin, ang witness sa lahat ng struggles ko sa buhay, ang lugar kung ako nakakaiyak, nakakasigaw kung saan malaya kong nasasabi ang totoong laman ng puso ko. Maliban kay Seulki ay ito na ang pangalawang best friend ko. Yeah hindi siya human being, pero mas komportable ako kapag nanadito ako.

I sigh.

Seulki na naman.

Wala na akong ibang bukambibig kung hindi si Seulki.

Speaking of Seulki naalala ko na naman ang "kiss" na pinagsaluhan namin.

Ughh!!! Pinagsaluhan?! What a word!

I'll just rephrase it. Ang accidental kiss namin ni Seulki.

Ahh!! Hindi naman aksidente yon! Sinadya niya akong halikan at tumugon ako!

Namula ako ng maalala ko yon. First time niyang mag initiate ng kiss at sa lips ko pa! Geez.. At lalong nakakadagdag ng frustration ko ang pakiramdam na nagustuhan ko yon.

Nasaktan din ako ng sabihin niyang hindi niya yon sinasadya. May kung ano sa pagkatao ko ang nadisappoint kaya mabilis akong nag excuse para maiwasan ang mga mata niya, bigla akong natakot na mabasa niya ang nasa isip ko.

Ang isa pang naaalala ko ay nang gabi ding iyon na nakahia kami. May narinig akong bumulong na nagsabing "i want you to be my star." Hindi ko alam kung panaginip ko ba yon o galing yon kay Seulki, hininko na rin itinanong sa kaniya. Siguro nga ay part lang din yon ng panaginip ko.

Kinabukasan ng gabing iyon ay hindi ako pumasok, napuyat ako sa pag iisip ng "kiss" na nangyari. Isang buong araw akong nag isip kung ano ba ang ibig sabihin niyon. Ayokong itanong sa kaniya dahil natatakot ako sa pwede niyang isagot, kaya no'ng pumasok ako inunahan ko na siyang sabihin na wala lang iyon. Hindi ko kasi sigurado kung anong mararamdaman ko kapag siya ang nagsabi niyon sa akin. Na simpleng halik lang iyon ng magkaibigan.

I sigh.

Let's convince ourselves okay?

At noong nasa condo kami. Napangiti ako ng makita ko siyang nakasuot ng apron, napagmasdan ko din siya mula ulo hanggang paa. And i admit that she's so damn hot! Naipilig ko ang ulo sa isiping pinagnanasaan ko ang best friend ko. What a jerk!

Hindi ko din alam kung anong pumasok sa utak ko at nagpahubad ako sa kaniya at isa yon sa pagkakamali ko, ako pa ang parang sinilaban ng di sinasadyang dumantay ang kamay niya sa balat ko.

Napuyat din ako ng mag sleepover siya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pagkailang ng magtabi kaming natulog. Naitanong ko nga, ano kayang iniisip niya ng gabing iyon? Malikot kasi siya sa kama, hindi rin ba kaya siya makatulog gaya ko? At dahil puyat panay ang hikab ko ng nasa byahe na kami papuntang shop.

Balak ko nga sanang matulog na pumatak ang tanghalian, pero naudlot yon sa hindi inaasahang bisita, si Bogum. Bogum is our possible client, may malaki siyang flower farm sa Batangas, kaya Hindi na ako nagdalawang isip ng yayain niya akong maglunch sa labas.

Nabigla ako ng sumama si Seulki sa amin ni Bogum. Bago yun sa kaniya dahil hindi naman niya ugaling sumama noon at maging chaperone sa date ko. Ikinatuwa ko naman ang pagsama niya sa Hindi ko malamang dahilan, naisip ko pa nga na baka binabakuran niya ako pero agad ko din naman binura ang isiping yon.

Ng kumakain ay napansin kong umaasim ang mukha niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkain o dahil sa panghaharot sakin ni Bogum. Pero syempre yung una ang inisip kong dahilan niya dahil mas kapani paniwala yon.

Nasundan ko siya ng tingin ng tumayo siya para kumuha ng drinks sa counter. Napangiti ako ng maisip ko ang pangalawang dahilan kahit alam kong imposible iyon.

Nang makabalik sa table ay di niya sinasadyang matapunn ng driks si Bogum. Ang totoo ay hindi naman yon ang ikinagalit ko, nagagalit ako dahil hindi niya yon sinadya, mas gusto ko kung sinadya niya yon. What's wrong with my mind? Gusto ko lang mapatunayan kung nagseselos ba siya pero bigo akong makita yon. Kaya sa halip na mainis ako sa sarili sa pagiging assumera ko. Mas nainis ako sa kaniya na siyang naging dahilan kung bakit ko siya iniwan sa resto.

Akala ko kapag nawala na siya sa paningin ko magiging normal na muli ang pakiramdam ko. Pero habang kasama ko si Bogum lumilipad naman ang iip ko papunta kay Seulki.

Hindi na natuoy ang panonood ng sine namin ni Bogum, nagdahilan na lang ako na sumama yung pakiramdam ko. Nagpàalam ako sa kaniya at agad kong pinuntahan si Seulki sa resto umaasa na naroon pa siya pero bigo akong makita siya doon. Agad akong bumalik s shop pero lalo lang akong nadisappoint ng sbihin ng staff na hindi pa siya bumabalik simula kanina.

Isang oras akong haghintay, ilang text at tawag na rin ang nagawa ko. Namuti na ng brown kong mata sa kahihintay ng paramdam niya. Nag aalala ako dahil hindi ko alam kung saang lupalop siya nagpunta, na baka galit pa siya sa akin kaya nagcommit siya ng suicide.

Ugh!!! Hindi ko alam na may talend din pala akong mag isip ng ganito!

Nakakadagdag din sa inis ko ang isipin na baka nakikipagdate lang siya habang naghihintay ako at nauubusan na ng pasensiya. Hanggang sa makatulog ako , paggising ko ay nangyari na ang world war III sa pagitannaming dalawa.

Tsk! Bumalik na naman ang inis ko. Akala ko naiwan ko na siya kanina sa shop.

"Ahhhhhh!!!" Sigaw ko sa buong paligid ng lugar.

"Nakakainis ka Seulki!!!" Sumalampak ako sa nakatumbang puno roon. Humawak ako sa tapat ng puso ko, what is this? Ano ba itong pakiramdam ko? Ang pakiramdam na may l.q kayo ng jowa mo. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon, para akong nabroken hearted kahit hindi pa naman ako naiinlove.

She's my best friend! For God sake!

"Why are you doing this to me, Seulki?!" Sigaw ko na naman. Wala namang makakarinig sakin kundi kuliglig, sana nga naririnig niya ako ngayon. Ang dami kong gustong itanong, gusto kong malaman kung ano bang pakiramdam niya? Kung nagbabago rin ba araw araw ang nararamdaman niya para sakin? Dahil ako? Oo araw araw niyang ginugulo ang isip at puso ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎