CHAPTER 25
LOVE IS...Irene's POV
Pabaling-baling ako dito sa kama. Hindi ako mapakali.
Ano kayang nangyayari sa baba?
Kung di ka ba naman isat kalahating tanga. Magwawalkout ka tapos yan ang itatanong mo?
Kasi naman... yang booset na Seulki na yan ang may kasalanan!
Patuloy na nagtatalo ang dalawang bahagi ng utak ko habang pagulong-gulong ako sa kama.
Nakakainis talaga si Seulki! Tama ba namang hindi siya magpaalam sa akin? Paano kung may nangyaring masama sa kanya? Paano na ako? Tsk! Ang selfish ko na naman!
At isa pa, wala man lang siyang magandang paliwanag sa pag alis niya. Pa wazzzupp wazzup pa! BOOSET!
Ay yung ngiti niya, yung nakakairita niyang mga ngiti! Halos mapunit ang labi niya sa sobrang saya! At nakakaBOOSET na may ibang nagpapangiti sa kanya.
Tapos... Tapos hindi man lang ako inakyat dito para magpaliwanag. At may isang oras na akong naghihintay, wala pa rin! Hindi na siya nakakatuwa! BOOSET!
Hays..
Ano bang ginagawa mo sa akin, Seulki?
Naputol ang pag iisip ko ng may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko kaagad iyon.
"Senyorita, may bisita po kayo sa baba." Lumabas ako at bumaba habang nangungunot pa rin ang noo ko. Kung sino mang bisita ko, wrong timing siya. Mainit ang ulo ko! Mainit na mainit!
Pagbukas ko ng main door ay tumambad sa akin si Amber at si Joy. Nasa labas sila ng mansion. May hawak na gitara si Amber.
Jeskelerd! Pakulo ba to ni Seulki para makipagbati sa akin?
Bakit? Alam ba niyang galit ka?
Shut up ka na lang!
Ngumiti ako ng mag umpisang mag gitara si Amber. Saka naman sumulpot sa harapan ko si Seulki.
Nakangiti siya. At yung ngiting iyon ang pumawi sa lahat ng BOOSET na sinabi ko kanina.
"Giliw sana ay ikaw na nga, Ang siyang mananatiling kasama ko..."
Ang lakas ng tibok ng puso ko ng magsimula siyang kumanta. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Pakiramdam ko kapag hindi ko pa iyon hinawakan ay magwawala ito at makakalabas sa dibdib ko.
"Dahil kung ika'y mawawala, Pati lahat sa buhay ko'y magbabago." Gusto ko ng pumikit para namnamin ang maganda niyang boses. Boses na matagal ko ng alam na maganda pero ngayon lang nagkaroon ng kiliti sa puso ko.
And swear, YES ang isasagot ko, sa anumang itatanong niya.
"Basta't kasama kita, Lahat magagawa..."
Napakunot ang noo ko ng mag iba ang boses ng kumakanta. Saka ko napansin si Suho na may dalang bulaklak habang papalapit sa akin.
Anong ibig sabihin nito?
ANONG IBIG SABIHIN NITO?!
"Lahat ay maiaalay sayo..."
Patuloy sa pagkanta si Suho. Napatingin ako kay Seulki. Nakangiti siya.
Kung gaano ako kasaya sa pag aakala na siya ang nanghaharana sa akin, mas doble roon ang lungkot ng malaman kong mali ako.
"Basta't ka--"
Tumakbo ako paakyat ng kwarto bago pa sumabog ang inis ko sa kanila, lalo na kay Seulki!
Pagkadating ko sa kwarto ay napagbalingan ko ang unan. Inihampas ko iyon ng inihampas.
Nakakainis ka Seulki! I hate you! Nagawa mo pa talaga siyang tulungan! How dare you! Napakatanga mo! Napakamanhid mo! BOOSET KANG BABAE KA!!! sigaw ng utak ko habang patuloy sa paghampas.
Isa ka pa, Irene! Assumera! Gaga!! sisi ko sa sarili ko.
"Para saan yun?" Napatigil ako sa pagwawala ng makita ko sa bukana ng pinto si Seulki. Nakakunot ang noo niya na halatang galit.
"What?" Lalo akong naiinis sa isipin na siya pa ang galit sa ginawa niya!
"Alam mo bang sa ginawa mo, hindi ka lang naging bastos kay Suho ,pati na rin sa amin!" Tiim-bagang siyang lumapit sa akin.
"I don't care!" Bulyaw ko sa kanya at lumabas na ako bago pa kami tuluyang magtalo.
Doon ako lumabas sa likod ng mansion. Alam kong nasa main door pa sina Amber. At wala ako sa mood makipag usap ngayon. Doon na lang ako sa falls. Pagkatapos ng kakahuyang binabagtas ko ngayon ay makikita ko na ang falls.
"Saan ka ba pupunta?" Napatigil ako sa pagsuot sa kakahuyan sa boses na iyon ni Seulki. Nakasunod pala siya sa akin.
Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Bahala kang maligaw diyan! BOOSET KA!
"Irene, ano ba!" Inis nitong sigaw at patuloy pa rin akong sinusundan. "Nakakainis ka na!" Sigaw ulit niya na nakapagpatigil sa akin.
Tumigil ako at bumaling sa kanya. Dali-dali siyang lumapit sa akin.
"Oo, nakakainis ako! Naiinis din ako sa sarili ko dahil naiinis ako sayo!" Bulyaw ko sa kanya. Taas-baba ang dibdib ko dahil na rin sa hingal at sa sobrang inis.
"Bakit ba ang gulo mo?" Ayun na naman ang pangungunot ng noo niya.
"Oo magulo ako! Magulo ang utak ko, magulo ang puso ko... dahil sayo!" Sigaw ko na naman sa kanya. Nakita ko na napatulala siya sa sinabi ko. Pero hindi ko na iyon mababawi pa.
"A-Ano bang problema?" Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya pero ako hindi. Hindi ko kayang huminahon dahil sa letseng nararamdam ko!
"I'm inlove... at yun ang problema ko." Titig na titig kong sabi at biglang tumulo ang luha sa mga mata ko. Luha na akala ko'y hindi ko na ulit makikita sa mga matang ito. Pero heto, at nag hello sa akin. Hindi ko napanindigan na hindi na ako iiyak. Dahil ito lang ang tanging escape ko sa lahat ng frustrations na nararamdaman ko. "And I dunno how to stop this damn feeling." Punas ko sa mga luhang naglandas sa pisngi ko.
"There's nothing wrong being inlove." Nakatitig din niyang sagot.
"It is!... because I am madly inlove with my b-bestfriend..." Pumiyok pa ako sa huling salitang binanggit ko. Shock, happy, sad, confusion, fears yun yung mababakas sa mukha ni Seulki pagkatapos ng confession ko. "I'm inlove with you, Seulki. So tell me now, if there's nothing wrong being inlove... with you?"
"I... I-I don't know what to say." Yumuko siya pagkatapos sabihin iyon. At sa mga salitang binitawan niya, isa lang ang narealize ko. Hindi niya kayang tanggapin ang pagmamahal ko. And it hurts me so much! Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.
Sabi nila, ang pinakamasayang part ng pagmamahal ay ang mainlove ka sa bestfriend mo. Dahil halos alam niyo na lahat sa isat isa. Mas magkakainitindihan na kayo. Pero ito rin pala ang pinakamasakit, yung mainlove ka sa bestfriend mo, pero hindi kayo pareho ng nararamdaman.
"See?" Tumatawa ako habang umiiyak. Hindi ko nga alam na may talent akong pagsabayin ang dalawang emosyon. Siguro dahil na rin sa sa sobrang sakit ng puso ko. "Kahit ikaw, alam mong mali ang mahalin kita. Sana nga hindi na lang ikaw, Seulki." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ako. Ihahanda ko na ang sarili ko na bukas..
Bukas wala na akong bestfriend.
"Sa t'wing tayo'y magkakalayo..."
Napatigil muli ako sa kinatatayuan ng marinig ko muli ang boses niya.
"Hindi matahimik ang puso ko..."
Nakangiti siya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Ano bang trip niya? Hindi pa ba siya tapos kumanta kanina?
"Bawat sandali'y hanap kita, Di mapakali, hanggang muling kapiling ka.."
Ewan ko ba kung anong meron sa boses niya at napapabilis niya ang tibok ng puso ko.
"Dahil kung ika'y makita na, Labis-labis ang tuwang nadarama..."
Gumaralgal ang boses niya at parang maiiyak habang nakatitig sa akin.
"Magisnan lamang ang kislap ng iyong mata... Kahit ano pa ay kakayanin ko na."
Mas lumapit siya sa akin. At katulad ko'y umiiyak rin siya. Pero bakit?
"I'm sorry..." Titig niyang sabi.
Kumanta pa siya para sabihing I'm sorry? At isa akong masokista dahil hinahayaan ko pang marinig ang pagwasak niya sa puso ko.
"I'm not good with words, Irene. But believe me..." hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Believe me when I say that there's nothing wrong if you love me..." pinunasan niya ng sariling palad ang mga luha sa mata ko. "Because Irene... I love you too." Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Kitang-kita ko ang sincerity sa mga mata niya at hindi maiwasang magtatalon ng puso ko.
"I don't know when, or where, or how. All I know is I love you." Ang sarap sa pandinig kapag siya ang nagsasabi ng mga salitang iyon. Mga salitang hindi ko pagsasawaang marinig mula sa bibig niya. "At yung lyrics ng kanta, yun yung nararamdaman ko para sayo..." hinaplos niya ang pisngi ko kaya napapikit ako.
I love this magical feeling! Ganito pala ang pakiramdam ng inlove? Ang saya! Ang sarap! Kaya pala maraming naaadik sa salitang pagmamahal.
"Dahil basta't kasama kita, Lahat magagawa, Lahat ay maiaalay sayo." Instead na kanta ay binigkas niya iyon sa normal na pagsasalita. "Basta't kasama kita, walang kailangan pa. Wala ng hahanapin pa, Basta't kasama kita." Napangiti ako ng husto. Dahil siguro sa pinagsamahang saya at kilig. Grabe! Kung panaginip to, wag na sana akong magising.
"Wala kang originality. Dadaanin mo na lang ba lahat sa kanta?" Natatawa kong tanong. Yung mga kamay ko sumabit na sa leeg nya. Ang breezy ko ba? Hahaha Yung mga kamay naman niya nasa may bewang ko.
"I told you, I don't know how to prove my love through words. But I have my way to prove it." Nakakaloko niyang ngiti. Yung mga mata niya, heto yung mga mata na nakita ko noong naroon kami sa tinatawag naming "home." Kasing ningning na naman ng mga stars iyon.
"In what way?" Nangingiti kong tanong. Hindi ko pinapahalata na sobra na akong kinikilig sa nangyayari. Baka nga bukas may pag lamayan na kayo. Dahil baka mamatay ako sa sobrang kilig.
"This." Tinawid niya ang pagitan ng mga mukha namin. At sa isang iglap ay naramdaman ko na ang malambot niyang labi sa labi ko.
Nabigla ako ng una kaya hindi kaagad ako nakatugon. Pero ng makabawi sa pagkabigla ay tinugon ko rin ang halik niya habang nakapikit.
Katulad din ito ng unang beses na hinalikan niya ako. Ang pagkakaiba nga lang ay alam na namin ang feelings ng isa't isa at mas matagal ang halik na pinagsasaluhan namin ngayon. Dito. Dito sa gitna ng kakahuyan. Weird right? Katulad ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maisip na si Seulki ang kahalikan ko ngayon. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang taong ito... Ang taong kahalikan ko ngayon. Siya ang una kong minahal, at sana siya na rin ang huli. And I am so lucky na ang taong minahal ko ay ang bestfriend ko.
I'm lucky..
I'm inlove with my bestfriend.
Comments