CHAPTER 33

LOVE IS...

Seulgi's POV

 

It's been a month simula ng maging official ang relasyon namin ni Irene. Hanggang ngayon ay hindi pa ito alam ni nanay. Ayaw ko muna siyang biglain lalo't hindi ko pa nasasabi sa kanya na ako si Seulgi at hindi si Seulki.

 

Sa loob ng isang buwan ay pinaramdam ko kay Irene kung paano at gaano magmahal ang isang Seulgi Kang sa katauhan ni Seulki Song.

 

Naging masaya ang mga araw na nagdaan. Kahit minsan ay bumabalik ang takot sa puso ko. Takot na malaman ni Irene ang totoo. Mas kailangan kong mag ingat ngayon dahil sa ibinalita ni Seulki sa akin.

 

Sila na ni Juhyun.

 

Natutuwa ako para sa kapatid ko pero kasabay nito ay ang matinding pangamba kapag nalaman nila ang totoo.

 

Napaka mapagbiro ng tadhana. Gusto ko na lang sana siyang tawanan dahil sa paglalaro niya sa aming apat. Pero hindi ko magawa lalo pa't madami pangamba dito sa puso ko. Pangamba kung ano ang kahihinatnan ng ginawa namin ni Seulki.

 

Sa ngayon ay nakalubog na kami pareho sa sitwasyon at ako? Wala na akong balak umahon pa.

 

Masaya na ako. Kuntento na ako. Kasiyahan na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Contentment na hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit na anumang yaman.

 

And It's all because of Irene. She's my precious gem. Isang yaman na hindi matutumbasan ng pera.

 

"Hello, babylove?" Sagot ko sa tawag ni Irene.

 

"Where are you?" Heto na naman po ang pagiging nagger niya. "Bakit wala ka pa dito sa shop? Hindi naman traffic."

 

"Ah eh... babylove---"

 

"Ayoko ng walang kwentang dahilan, Seulki." Jusme! Hitler na naman po siya.

 

"B-Babylove, hindi muna ako papasok ngayon." Kinakabahan kong sagot. Inihanda ko na rin ang dalawang tainga sa armalite niyang bibig.

 

"At bakit?" Mataray niyang tanong.

 

"K-Kasi love, nagpapasama si nanay sa akin." Palusot ko. Pero ang totoo, naghahanda ako ng surprise para sa kanya.

 

"Where? Para masundo ko kayo."

 

"No. No love... mother and daughter bonding to eh." Hindi siya pwedeng sumama dahil mabubulilyaso ang plano ko kapag nagkataon.

 

"Siguraduhin mo lang na si nanay ang kasama mo. At kung may kasama kang iba, wag na wag kang magpapahuli sa akin. Kundi, puputulin ko lahat ng pwede kong putulin sayo!" Banta pa niya. Jusko! Paano ba ako nakatagal ng isang buwan sa kanya?

 

Napatingin ako sa daliri ko. At nakagat ko ang dila ko sa isipin na baka ito ang una niyang putulin sa akin.

 

Paano na ako makakatikim ng pu--putahe niyan?

 

"Babylove, alam mo namang behave ako." Pag aassure ko sa kanya na wala akong gagawing kalokohan. Takot ko lang maputulan.Lol

 

"Mabuti na yung malinaw. May pagka slow ka pa naman." Ang hard oh.

 

"Sige love, I'll call you later na lang ha." Paalam ko sa kanya. Sinadya kong wag bumati para may suspense.

 

"Wait, wala ka bang nakalimutan?" Pigil niya sa pagbaba ko ng phone.

 

"Uhmm... I love you?" Sagot ko.

 

"Hmp! I labyuhin mo yang mukha mo!" Sabay baba niya ng phone.

 

Aray! Basag na yata ang eardrum ko sa sobrang lakas ng boses niya.

 

Napangiti ako pagkatapos ng tawag. Mamaya ko na lamang siya susuyuin. Kasama rin naman sa plano ko ang galitin siya.

 

Nagderetso na ako sa shop Pagkatapos kong maihanda ang surprise ko para sa kanya.

 

Pagdating ko roon ay sinabihan na kaagad ako ni Joel na mainit daw ang ulo ni Irene.

 

Bumuntong-hininga muna ako bago pumasok sa office.

 

"Babylo-- Aray ko! Aray! Ouch..." Halos sapul lahat sa mukha ko ang mga bagay na ibinato sa akin ni Irene. Buti  na lang at soft lamang ang mga iyon. Ayokong masira ang pogi kong mukha no!

 

"Alam mo ba kung anong oras na?" I glance at may watch. It's 7 pm. "Bakit nagpakita ka pa ha? Sana sumama ka na dun sa mga aliens sa ibang planeta! Ayokong makita yang pagmumukha mo!" Gigil na sabi niya sa akin. Hays. Ang aking si Irene naging halimaw na naman.

 

"Love, pasensya ka na. Ngayon lang kasi kami umuwi ni na--"

 

"Tinawagan ko si nanay. And guess what? Maghapon ka daw wala sa bahay at hindi kayo magkasama!" Galit niyang sabi.

 

Jusko naman si nanay. Panira ng plano!

 

"K-Kasi... kasi..." Hindi ko mahanap ang salitang dapat kong sabihin. Ang galing kong magpalusot pero pag sa kanya na, wala na. Tameme na ako tsong. Bahag na ang buntot ko.

 

"May idadahilan ka na naman ha?!" Nagbabaga ang tingin niya sa akin.

 

Wow! Ang sabi ko gagalitin ko lang siya ng berilayt. Pero ngayon, konti na lang magtatransform na siya into a monster NKKTKT!

 

I sigh.

 

Kailangan kong makaisip ng dahilan.

 

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang totoo! Na kasama mo ang isa sa mga babae mo! Si S-Sunmi ba ha?!" Umiiyak na siya kaya hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya. Pero itinulak lang niya ako.

 

"Oo na..." Tumingin siya sa akin na bakas pa rin ang luha sa mata. "Oo na... maghapon akong hindi nagparamdam dahil may ginawa ako... para sa babae ko." Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mata niya. Agad din iyong napalitan ng lungkot at sakit.

 

Tumawa siya ng pagak. "All this time, Seulki. Niloloko mo lang pala ako." Hirap siyang sabihin ang mga salitang iyon. Umupo siya na parang hinang-hina.

 

"Hindi kita niloloko. Sa katunayan, gusto kong makilala mo siya." Seryoso kong sabi.

 

"I'm not a masochist!" Tiim-bagang niyang sabi habang patuloy sa pag iyak.

 

"But youre my bestfriend." Titig kong sabi. Gusto ko na siyang yakapin. Ayokong nakikita ang pag iyak niya. Pero kailangan ko itong gawin para mawalan siya ng idea sa surprise ko.

 

"Yeah... your bestfriend. Your very own bestfriend." May kalakip iyong pait.

 

"At bilang bestfriend ko, kailangan mo akong suportahan sa mga gusto ko di ba?" Tumango-tango lang siya pero yung luha niya patuloy lang sa paglabas sa mga mata niya. "I want you to meet her."

 

"Magiging masaya ka ba kapag nakilala ko siya?" Malungkot niyang sabi. I admire her. Kahit nasasaktan na siya, pinipili pa rin niyang maging mabuting kaibigan.

 

"Yes." Maikli kong sagot sabay ngiti.

 

"Sige dalhin mo ako sa kanya." Lalo akong napangiti ng tumayo siya at unang lumabas sa office na iyon.

 

Irene's POV

 

Pinipigil ko ang pag iyak pero parang hindi ito nauubos.

 

All I know is I'm hurting! At hindi siguro mabubura ng ilang butil ng luha ang sakit na nararamdaman ko.

 

Nasa byahe na kami ni Seulki. Wala kaming imikan. Nagdadrive siya at nakatanaw naman ako sa dinaraanan.

 

Hindi ko alam kung saang lugar kami pupunta. Ang alam ko lang ay ipapakilala niya sa akin ang babaeng TUNAY niyang mahal. 

 

And sad to say, that I'm not that lucky girl.

 

Bakit ba kami napapunta sa ganitong sitwasyon?

 

Oo nga pala.

 

Maghapon siyang walang paramdam. Sino ba namang girlfriend ang matutuwa? Kung hindi man lang siya mabati ng partner niya sa mismong monthsary nila!

 

For Godsake! This day is our monthsary!

 

Pero wala..

 

Wala man lang akong natanggap kahit greetings mula sa kanya.

 

I thought were good. Ang saya saya ko nga kanina ng bumangon ako ng kama. Sa katunayan, I have a gift for her. A guitar.

 

Pero mukhang hindi ko na dapat pa iyong ibigay. Lalo na't hindi pala tunay yung mga namagitan sa aming dalawa.

 

Yung I love you, yung kisses. Yung hugs. Yung pagmamahal na akala ko para sa akin... hindi pala.

 

Siguro talagang nadala lang siya. O pwedeng napressure ko siya nung nagconfess ako. Siguro ayaw niya akong mapahiya o masaktan kaya sinabi na lang niya na mahal niya rin ako.

 

Muling tumulo ang luha ko at agad ko iyong pinunasan.

 

Tama siya. Kahit nasasaktan ako ngayon, still,were bestfriends. At siguro nga masokista ako. Nagagawa kong saktan ang sarili ko maging masaya lang siya. Maging masaya lang ang mahal ko. Maging masaya lang ang bestfriend ko.

 

But after this, hindi na muna ako magpapakita sa kanya. I need time to think. Dahil sa mga oras na ito, gulong-gulo na ako.

 

Sa sobrang pagod at dahil na rin sa sakit na nararamdaman ay nakatulog ako.

 

Nagising ako na nakahinto na ang sasakyan pero wala si Seulki.

 

Where the hell is she?!

 

Bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan ang paligid.

 

Nandito ako ngayon sa labas ng isang resort. Pero anong ginagawa ko dito? Akala ko ba ipapakilala sa akin ni Seulki yung babaeng... nevermind!

 

"Ms. Irene Bae?" Approach sa akin ng isang babae.

 

"Yes?" Kunot noong tanong ko.

 

"Let's get inside na po Ms. Song is waiting for you, Ma'am." Nakangiti siyang nag guide sa akin sa loob.

 

"Where's Seulki?" Hindi ko na napigilang itanong. Imbis na sumagot ay may iniabot siya sa akin.

 

Binasa ko iyon.

 

Gusto kong maganda ka kapag ipinakilala ko sayo ang babaeng mahal ko. Room 143.

 

                                                  Seulki.

 

Ikinahihiya ba niya ako?!

 

Kung alam ko lang kung saang lupalop ito, sana umuwi na lang ako.

 

Hindi ko yata kayang makita siyang may kasamang iba. At take note: Dapat daw maganda ako. Ibig sabihin, dyosa ang babaeng mah--nevermind!

 

"This way, Ma'am." Sumunod na lang ako sa kanya papunta sa room ko.

 

Pagdating doon ay may nakita akong nakalatag na dress. It's a white dress.

 

Hinaplos ko iyon saka ko nakita ang note sa ibabaw nito.

 

Wear it.

 

Napataas ang kilay ko.

 

Ganoon ba kaimportante ang babaeng ipapakilala niya at kailangang magsuot pa ako ng mamahaling dress?

 

Sa isiping iyon ay tumaas na naman ang dugo ko at muli, nakaramdam ako ng selos!

 

Dahil sa selos ay naghanap ako ng gunting sa drawer na naroon. At swerte pa rin ako dahil may nakita ako.

 

Agad kong kinuha ang dress at walang pag aalinlangan na ginupit gupit ko ang laylayan nito.

 

We'll see kung hindi ka mapahiya sa babaeng NEVERMIND! Inis kong pinagmukhang basahan ang dress na ibinigay niya.

 

Ipapahiya kita sa babae mo, Althea! Ngumiti ako at sinuot ang dress na mukha ng basahan. Hindi na rin ako nag make up.

 

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Napatawa ako.

 

Seryoso! Nagawa kong magsuot ng ganito? Magagawa kong magmukhang katawa tawa sa lahat ng makakakita sa akin? Haha.

 

Bahala na. Ang mahalaga mapahiya ko siya. Siguradong matuturn off  si NEVERMIND kapag nakita niya ang ayos ng bestfriend ni Seulki. Evil grin.

 

Biglang-bigla ang babaeng nagdala sa akin dito dahil sa ayos ko. Magtatanong pa sana siya pero pinigilan ko na siya.

 

"Nasaan ang hunghang na si Seulki?" Natatawa siya na umuna sa paglalakad. Kaya sumunod na lang ako.

 

Lakad

 

Lakad

 

Lakad

 

Nandito kami sa dalampasigan. Naramdaman ko ang dampi ng hangin sa balat ko. Sobrang lamig. Napayakap ako sa sarili.

 

Bakit ba ito ang pinasuot niya sa akin? Inis kong tanong sa sarili.

 

Napatingin ako sa mga naroroon. Lahat sila natatawa sa suot ko.

 

Walakompake! Nasaan na ba yung babaeng manhid na yun?

 

Iginalo ko ang paningin. Saka ko napansin ang nagpafire dancing.

 

At mukhang may gig na magaganap dahil may malaking stage roon.

 

Nagawa kong ilakad ang mga paa nang biglang mawala ang liwanag na naroon.

 

Naghiyawan ang mga tao.

 

Ang tanging ilaw lamang roon ay ang apoy na pinaglalaruan ng nagpafire dancing. Malapit ito sa stage.

 

Babalik na sana ako sa room ko ng biglang may tumutok na spot light sa akin.

 

What the hell is this?! Napalingon ulit ako sa may stage dahil may spotlight din doon at kitang kita ko si Seulki na nakatayo roon. May kasama siyang banda. May gitara nakasabit sa balikat niya.

 

Nagsimula siyang magstrum sa gitara niya na sinundan naman ng banda na naroon.

 

Napakunot ang noo ko.

 

Don't tell me doon sa stage na yun niya ipapakilala si NEVERMIND. Sa inis ay selos tumalikod na ako. Hindi ko pala kayang maging masokista.

 

Are you happy with me, I just wanna know

 

Napatigil ako sa paglakad ng marinig ko ang boses niya. Sigurado akong kanyang boses iyon dahil siya lang naman ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

 

Is this laughter for real, Or is it just for show

 

Bumaling ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin.

 

I wanna know, Is this genuine love, genuineIs this genuine love?

 

Kita ko ang pangingislap ng mga mata niya. Hindi ko alam kung sa tama ng spotlight o dahil may christmas light ang mga mata niya.Lol

 

Do you feel like you did before Or are you just playing with my heart?

 

Napakunot na naman ang noo ko.

 

Playing with your heart? Eh ikaw nga tong pinaglalaruan ang puso ko! Gusto kong ibulyaw sa kanya. At feeling ko naman sa akin dedicated yung kanta. Tss!  Assumera!

 

Cuz they way that we are today Don't feel like it did from the start

 

Bakit ba kasi sa akin siya nakatingin?! Napatingin ako sa mga naroroon. Yung ibang couples ay magkaakbayan habang nanunuod sa performance ni Seulki. Yung iba ay di na napigilang magsayaw ng sweet.

 

Bakit ba kasi ang ganda ng boses ng damuhong ito? Muli akong tumingin sa stage.

 

And I don't want this love to endBut I don't wanna pretend

 

Ngumiti siya sa akin. At heto na naman si kaibigang puso. Pinagtataksilan na naman ako!

 

That may lover is just a friendCuz baby I have no clue

 

Jusko! Ano bang kyeme niya!  Bakit feeling ko sa akin niya inaalay ang kanta niya?

 

Are you happy with me, I just wanna know

 

Nagtatanong ang mga mata niya.  At punong-puno iyon ng glow. Heto yung mata niya ng naroon kami sa comfort zone ko. Ganito rin yung mga mata niya nung araw na naging kami.

 

Is this laughter for realOr is it just for showI wanna know

 

Nagstrum muli siya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano siya natutong mag gitara. Piano ang alam kong madalas niyang tugtugin.

 

I ask these quetions cuz I really careDo you care too?

 

Itinigil niya ang pagstrum at bumaba ng stage.

 

Naghiyawan muli ang mga tao.

 

And In your future do you see me thereCuz in mine all I see is you,yeah..

 

Nakatutok pa rin sa kanya ang spotlight habang papalapit sa akin.

 

Teka!

 

Teka!

 

TEKA!

 

Sa akin nga ba? Napalingon naman ako sa likod ko. Saka ko naaninag ang mga taong naroroon. Lahat sila nakangiti sa akin.

 

Sorry girl if I'm moving to fastAll I'm trying to do is make me this last

 

Nakalapit na siya sa akin. At mas dumoble pa ang tibok ng puso ko ng hawakan niya ang dalawang kamay ko.

 

Let me be your present not your past

 

Naguguhan ako! Akala ko ba ipapakilala niya sa akin si NEVERMIND!

 

Girl, let me be the one

 

Hinaplos niya ang pisngi ko kaya automatic akong napapikit.

 

Ang sarap sa pakiramdam.Ayoko ng matapos ito. At sana wag ng dumating si NEVERMIND para wala ng epal sa aming dalawa.

 

Are you happy with meI just wanna know

 

Masaya ako sayo, Seulki. Pero..

 

Pero hindi naman para sa akin ang lahat ng ito di ba? Gusto kong itanong pero sa halip ay napaiyak ako sa harapan niya.

 

Pinunasan niya ang luha sa mata ko saka tinapos ang pang huling lyrics ng kanta.

 

Is this genuine love? Genuine,genuine love..

 

Tumingin muna ako sa kanya saka ko inalis ang nakahaplos niyang palad sa pisngi ko.

 

"I'm sorry, Seulki. Pero hindi ko kayang magpanggap na kaibigan mo lang." Halos hindi lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko.

 

Nabigla siya sa sinabi ko kaya tumalikod na ako at hindi na hinintay ang iba pa niyang sasabihin.

 

"Hoy Sisa!" Ang lakas ng boses niya dahil nakaearpiece pa rin siya hanggang ngayon. Rinig ko ang tawanan ng mga tao

 

Sinong Sisa? Yung ina ni Crispin at Basillo? Pero di ba baliw iyon? Napatingin ako sa suot ko at automatic akong napabaling sa direksyon niya. Nagtatanong ang mga mata ko.

 

Bumukas ang lahat ng ilaw na naroroon saka ko napansin na nakabilog pala sa aming dalawa ang mga tao roon. Bali nasa gitna nila kami.

 

Lumapit sa akin si Seulki. Saka dumukot sa maong short na suot nito.

 

"I want you to meet the love of my life." Ngumiti siya ng ubod tamis saka iniabot sa akin ang isang bagay.

 

Pagtingin ko, isa itong maliit na salamin.

 

Mula sa salamin ay nakita ko ang sariling repleksyon.

 

"Meet Sisa, my love." Nangunot na naman ang noo ko.

 

Pinagtritripan niya ba ako? Wala naman akong nakikita kundi sarili ko!

 

Nang bigla akong natigilan at napaisip.

 

Napatakip ako sa bibig ng marealize ang lahat.

 

"It means.."

 

"Don't tell me hindi mo pa rin nagegets? Baka gusto mong itapon na lang kita sa dagat at ipakain sa mga pating." Malalakas na tawanan ang naririnig ko.

 

Biglang bumuhos ang pinipigi kong pag iyak. Napayakap ako ng mahigpit sa kanya.

 

Totoo ba to? Ako ang mahal niya? Ako si..si NEVERMIND!

 

Gusto kong matawa sa katangahan ko. Tawagin ko ba namang nevermind ang sarili ko. Ang hard ko di eh no?

 

Kumalas siya ng yakap sa akin. Iniabot niya ang isang boquet ng blue roses. Wala akong idea kung saan niya nakuha iyon, dahil wala naman siyang hawak kanina.

 

"Happy first monthsary, babylove." Lumapad ang ngiti ko sa greetings niya. Greetings na kaninang umaga ko pa hinihintay.

 

Kaya naman pala hindi niya ako binabati. May ganito  pala siyang pakulo.

 

"Mahal na mahal kita, Irene. Hindi bilang Seulki. Hindi bilang bestfriend mo, kundi bilang ako." Sincere niyang sabi pero rinig iyon ng sambayanang Pilipino dahil naka earpiece pa rin siya.

 

Kung hindi lang ako kinikilig, siguradong lulubog na ako sa hiya. Lahat kasi sila ay may mapanuksong ngiti sa akin.

 

"Ano? Wala ka bang sasabihin? Di ba dapat sasabihin mong mahal mo rin ako at di mo kayang mawala ako sa buhay mo?!" Naiinip niyang padyak habang tatawa tawa pa rin ang mga naroon.

 

"Wag mo akong pangunahan! Hindi kaagad maabsorb ng beautiful brain ko ang mga nangyayari." Mataray ko namang sagot.

 

Demanding ang hunghang na to! Ako na nga yung pinaiyak niya kanina!

 

"Bakit may utak ka ba? Aray!" Nadagukan ko tuloy siya.

 

Kapal! Di hamak naman na mas slow siya sa akin!

 

"Ang hard! Yan ba ang gift mo sa akin?" Nagpout pa siya. Bakit ba ang cute ng damuhong ito!

 

Napangiti ako saka siya niyakap ng mahigpit.

 

"Happy motmot din, babylove. Mahal na mahal din kita. Kung may salita man na mas hihigit sa salitang 'mahal kita', iyon na sana ang sinabi ko sayo ngayon."

 

Yieeee Pangangantyaw pa ng mga naroon. Napangiti ako. Pagdating sa kanya, nagiging corny talaga ako.

 

"Mahal na mahal din kita. Wala na siguro akong mamahalin pa ng ganito katindi kundi ikaw." Kumalas sya ng yakap sa akin at nagforehead to forehead kami.

 

"Dapat lang! Wala ka ng makikitang kasing ganda at kasing seksi ko. Kawawa ka naman kapag nagawa mo akong ipagpalit." Pagyayabang ko pa.

 

Natawa naman siya at iniagwat ang sarili sa akin Saka ako pinasadahan ng tingin.

 

"Paano ka magiging maganda, tingnan mo nga yang buhok mo, parang kinaykay ng manok. At yang dress mo, ang sabi ko isuot mo lang, hindi ko sinabing sirain mo. Mukhang kang basura." Natatawa niyang panlalait sa akin kaya naningkit ang mata ko. Naihampas ko tuloy sa kanya ang boquet na  hawak ko.

 

"Ang dami mo kasing kyeme!" Bulyaw ko sa kanya kahit ang totoo, nagustuhan ko naman ang surprise niya.

 

"Hahaha... Ang sabihin mo, pinagselosan mo ang sarili mo." Nadagukan ko ulit siya. Ang galing talagang mang asar!  Tama bang ipangalandakan ang pagiging slow ko!

 

"Ewan ko sayong bruha ka!" Sabay walkout ko pabalik sa resort.

 

"Hoy Sisa, sandali lang." Habol niya sa akin. Mas binilisan ko naman ang lakad.  "Nasaan na ang kiss ko?" Sigaw niya habang humahabol pa rin.

 

"Tse!I kiss mo yung mga pating!" Tatakbo kong sabi habang tumakbo na rin sya para maabutan ako.

 

Seulgi's POV

 

"Wow! This place is like a paradise." Kumento niya ng makita ang lugar. Dahil motmot namin ay nagawa ko siyang isurprise siya. Nagpatulong pa ako kay Seulki kung saan magandang mag date at isa ito sa suggestions niya.

?

Sobrang saya ko dahil successful ang inihanda kong surprise para kay Sisa este Irene.

 

Nagdinner kami sa isang yacht. Take note, candle light dinner iyon. Pambawi sa inihanda niyang dinner date noon. Nang matapos mag dinner ay saka kami nagpunta sa roof deck.

 

"Masaya ako dahil nagustuhan mo." Nakangiti kong sabi saka siya binak hug. Tanaw roon ang lawak ng dagat. Ang bilog na buwan at mga stars. Parang kristal ang tubig dahil na rin sa tama ng liwanag ng buwan.

 

What a romantic place para sa dalawang taong nagmamahalan.

 

"Thank you, babylobe. And Happy 1st again. I love you." Alam kong nakangiti siya ng sabihin iyon. Ramdam ko ang pagmamahal kalakip niyon.

 

"Happy monthsary rin, Babylove. At mas mahal kita." Lalo kong hinigpitan ang yakap. Para bang takot na takot  akong mawala siya. "Mahal na mahal kita, Irene."

 

"Kung mahal mo ako, bakit hindi pa tayo magpakasal?" Naubo ako ng paulit ulit dahil sa sinabi niya. Magkaharap na kami ngayon. "Hahaha... Kidding!" Tatawa-tawa pa nitong sabi sabay pinch ng ilong ko.

 

"A-Akala ko totoo na." Nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman sa ayaw ko pang mag asawa. Gusto ko lang ay maayos ko muna lahat ng gusot na pinasok ko.

 

"Bakit? Ayaw mo ba akong pakasalan?" Tanong niya.

 

Hinapit ko ang bewang niya at sumagot. "When and where?" Nakangiti kong banat na ikinapula ng pisngi niya.

 

She's blushing!

 

"Talaga?" Ngiting-ngiting tanong niya? "Ano bang ideal age mo ng pagpapakasal?"

 

"Hmm.." Kunwaring pag iisip ko. "Kapag ready ka na." Sabay wink sa kanya. Sinabayan ko pa iyon ng tawa.

 

"Ang cheesy ha." Natatawa rin niyang sabi pero halatang kinikilig.

 

Meow

 

Meow

 

Meow

 

Pareho kaming napatingin kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.

 

Napangiti ako nang makita ko roon ang totoong gift ko sa kanya.

 

Kumalas ako ng yakap at dinampot ang isang pusa na kulay abo.

 

"Wow! Ang cute niya!" Sabi ni Irene habang haplos haplos ang pusa. "Anong name niya?"

 

"Meet Aseul, our baby. Aseul, this crazy girl in front of you is your Mommy." Natatawa kong pakilala sa kanya. Aray! Nakatanggap na naman ako ng batok. Nagger na nga, sadista pa.Lol

 

Kinuha niya ang pusa sa mga kamay ko.

 

"See? Alam niya na ikaw ang Mommy niya." Nakangiti kong sabi.

 

"Hindi ko pinangarap magkaanak ng pusa." Tatawa tawa niyang sabi sabay harap sa malawak na dagat.

 

Muli ay binak hug ko siya saka bumulong sa kanya. "Gusto mo gawa na tayo ng sarili nating baby?" Siniko niya ako.

 

Ang sweet niya ano? note with sarcasm.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎