CHAPTER 31

LOVE IS...

Seulki's POV

 

Halos manghaba ang leeg ko sa pag sightsung kung nasa loob na ng malaking bahay na iyon si Juhyun. Nainform sa akin ni Seulgi na nakabalik na raw ito galing Pilipinas.

 

This is my time to shine.Lol

 

Hindi ako papasukin ng guard doon dahil wala daw si Juhyun sa loob ng bahay. Pero may hinala ako na pinagtataguan lang niya ako. At hindi ako aalis sa harapan ng malaking gate na iyon hanggat hindi kami nagkakausap na dalawa. Sayang naman ang chocolate at flowers na dala ko. Isa iyon sa turo sa akin ng magaling kong kapatid.

 

Inip na inip na ako habang naghihintay sa kanya kaya hindi na ako nagdalawang isip na akyatin ang malaking gate roon. Inilapag ko muna ang dala-dala ko saka umakyat na parang unggoy.

 

"What are you doing?" Ang boses na iyon ang ikinabigla ko kaya nahulog ako sa pinag akyatan.

 

"Ouch!" Daing ko habang hawak-hawak ang pwet. Saka ko narealize na nabagsakan ko pala ang chocolate at flowers na dala ko.

 

Pag minamalas ka nga naman! Bwiseettt!

 

Tumayo ako na sapo pa rin ang nasaktan kong pwet.

 

"I'm asking you, what are you doing here?" Saka ako napatingin sa nagsalita.

 

Nagkulay suka ang mukha ko ng makita ko si Juhyun na magkasalubong ang kilay. Naka pang jogging ito at tagaktak ng pawis. But still, she's so hot and beautiful.

 

God, I missed her!

 

"Ah eh.." Wala akong mahanap na salita. Nakapagpractice na ako ng sasabihin ko pero bakit parang umurong ang dila ko.

 

Hindi ko na Kinuha ang chocolate at flowers dahil mukha na iyong basura. Wala ng silbi.

 

"Kasi ano... ano..." Please Seulki. Say something. Nasa harapan mo na si love of your life.

 

"Ano?!" Naiinip na tanong nito.

 

"Kasi..."

 

"Pwede ba Seulgi, umalis ka na kung wala kang sasabihin." Tinalikuran na niya ako at pumasok sa malaking gate. Sumunod ako sa kanya. Tangka pa sana akong pigilan ng guard doon pero binigyan ko siya ng death glare. Makuha siya sa tingin!

 

Nang makarating sa pinto ay naiirita siyang bumaling sa akin.

 

"Ano ba talagang kailangan mo?" Nakapamayawang na siya sa akin.

 

"G-Gusto ko lang s-sanang sabihin na... na .." Jeskelerd! Bakit ngayon mo pa tinanggal ang dila ko!

 

"Na?" Taas kilay niyang tanong. Mukhang nauubusan na ng pasensya.

 

"G-gusto kong sabihin na ma-"

 

"Ma?" Ulit niya habang hinihintay ang karugtong ng sasabihin ko.

 

"S-Sasabihin ko na ma-" Napalunok ako. Bakit ba hindi ko masabi na mahal ko siya. Bwisseeet!

 

"Nauubos na ang pasensya ko, Seulgi!" Inis niyang sabi.

 

"Madam, breakfast is ready." Epal ng cook sa usapan naming dalawa.

 

Tumingin muna si Juhyun sa akin saka akmang papasok sa loob.

 

Naalerto ako kaya nasabi kong. "Gustokosanangmakikainsainyo." Mabilis kong sabi na ikinalingon niya.

 

"What?" Kunot noong tanong niya.

 

"G-Gusto kong ma--makikain. Oo tama. Makikain sa inyo." Ow God! Seulki! Ano na namang katangahan yan! Gustong-gusto ko ng batukan ang sarili ko sa mga oras na ito! 

 

"Wala ka bang makain sa inyo?" Mataray niyang tanong at tuluyan ng pumasok sa loob. Sumunod ulit ako sa kanya.

 

Hindi man ako sanay sa katarayan niya ay kailangan ko iyong pagtiisan. Kasalanan ko naman kung bakit ako ang naghahabol ngayon.

 

Naabutan kong nasa hapag na si Mr. Kim. Binati ko siya at niyaya niya akong kumain. Kahit busog ay umupo pa rin ako. Pagkakataon ko nang makasabay sa pagkain si Juhyun.

 

Nagpaalam si Juhyun sa ama na magpapalit lamang ng damit. Maya-maya ay bumaba na siya. At sumabay na sa aming kumain.

 

Ayaw pa niya sanang tumabi sa akin pero naobliga siya dahil sa kagustuhan ni Mr. Kim. Ngiting tagumpay naman ako ng umupo siya sa tabi ko.

 

"So how's your father, Hija?" Tanong ni Mr. Kim habang kumakain. Si Juhyun naman ay nakatungo lang sa pagkain niya na parang pinaglalaruan lamang iyon.

 

"Maayos naman po, Dad." Ngiti ko sa kanya na ikinatawa naman niya. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang masamang tingin ni Juhyun sa akin.

 

"T-Tito po pala." Nahihiyang despensa ko.

 

"Hahaha... Mas gusto ko yung 'Dad'." Pang aasar pa nito kay Juhyun.

 

"Hindi niyo naman po siya anak." Katwiran ng babae.

 

"Hindi ka rin naman niya anak." Pabulong kong sabi.

 

"May sinasabi ka??" Lakas ng pandinig!

 

"Uhm wala love." Ngiting ngiti kong sabi.

 

"Ang ganda naman ng endearment niyo. Love." Pangungulit pa ni Mr. Kim sabay kindat sa akin. Boto siguro siya sa akin kaya hindi ko na kailangang magpalakas.Lol.

 

"Sa katunayan, si Juhyun po ang nakaisip ng endearment na iyon. Patay na patay po kasi siya sa akin." Nakangisi ko pang sabi na ikinabeastmode ni Juhyun.

 

"Noon yon hindi na ngayon!" Madiin niyang sabi. Halos maputol na ang spoon and fork na hawak niya.

 

Mabilis palang mapikon ang love ko.

 

Fast Forward

 

Nandito ako ngayon sa labas ng school ni Juhyun. Hinihintay ko siya para yayain na kumain sa labas. Desidido na rin ako na sabihin sa kanya ang feelings ko. Uminom na kasi ako ng isang drum na lakas ng loob at kalahating drum na kapal ng mukha.Lol

 

Nakita ko siya kaagad na palabas ng gate na iyon. Parang nag slow motion ang bawat galaw niya. Mula sa paglakad hanggang sa paghawi niya ng buhok.

 

Omeghed! Bakit ba ganito siya kaganda? Shems!

 

Bae na bae na sana ang datingan niya ng biglang,"Pfffft... hahahaha..." Nadulas siya. Natigil lang ang pagtawa ko ng may lumapit sa kanyang lalaki at inalalayan siya.

 

Dali-dali akong naglakad sa direksyon nila.

 

"Juhyun ko, are you alright?" Nag aalalang tanong ko. Hindi naman siguro halata na pinagtawanan ko siya kanina, di ba?

 

"Okay ako." Malamig niyang sabi. Kailangan ko na bang magjacket sa kalamigan ng boses niya?Lol

 

"Maganda na sana. Lampa nga lang." Bulong ko sa sarili.

 

"Naririnig kita!" Bulyaw niya sa akin saka bumaling sa lalaki na umalalay sa kanya kanina.

 

"Thank you, David." Nakangiti niyang sabi sa lalaki.

 

Psss! Hindi ka maganda kaya wag kang makangitingiti sa iba!

 

"It's okay, Jade. Be careful next time, uhm k?" Pacute pa nitong itinap ang balikat ng mahal ko. 

 

Don't touch her !

 

"Juhyun ko, let's go." Hinawakan ko siya sa braso pero pumiglas siya.

 

"Hindi ako sasabay sayo, Seulgi!" Ayan na naman po yung kilay niya. Straight line na naman. "Can I come with you, David?" Ngiting-ngiti pa niyang tanong sa nabibiglang lalaki.

 

I missed her smile. Yung mga ngiti na para sa akin lang dati... Dati. Hays.

 

"Yeah sure." Ngiting tagumpay ang loko. Alam kong ginagawa lang niya to para iwasan ako. Pero sorry, hindi ako basta-basta sumusuko. "Just wait me here, uhm k?" tumango si Juhyun saka ito pumasok ulit sa loob. Mukhang may naiwanan. Pagkakataon ko na para maka ninja moves. Evil grin.

 

"Sige love, uuwi na lang ako. Tutal ayaw mo namang sumabay sa akin." Paawa kong sabi sabay talikod sa kanya. Dali-dali akong pumunta sa parking lot para isagawa ang maitim kong balak.

 

Nakita ko ang limang kotse sa parking area kasama na ang kotse ko. At dahil hindi ko alam kung alin doon ang kotse  ni Devil este David, lahat na lang iyon ay sinaksak ko ang gulong.

 

Buong pwersa ko iyong sinaksak. Pasensya na sa mga nadamay.

 

Wag niyo ng itanong kung saan ko nakuha ang ginamit kong panaksak. Ayokong mag explain!

 

Nang masiguradong flat na lahat ng gulong saka ako pumasok sa kotse ko at hinintay ang pagpunta nila dito sa parking lot.

 

Ilang minuto lang ay nakita ko na sila. Masaya silang nagtatawanan habang naglalakad.

 

Psss! Mas sasaya ka sa akin, Juhyun.

 

Pumasok sila sa loob ng kotse. Umandar ito at napangiti ako ng tumigil din iyon kaagad. Lumabas si Devil sa kotse at kitang-kita ko ang pagkadismaya niya ng makita niya ang flat niyang gulong.

 

Bumaba din si Juhyun sa sasakyan. At iyon na ang pagkakataong hinihintay ko. Pinastart ko ang sasakyan at tumapat kung saan sila naroon.

 

"Hey, what happened?" Painosente kong tanong ng maibaba ang wind shield ng kotse ko.

 

"There's something wrong with my tire. Can you give her a ride?" Tanong nito sa akin. Tatango na sana ako ng magprotesta na naman ang pinakamamahal ko.

 

"No!" Tigas na sabi nito kay Devil. "I'll just take a cab. Thank you, David. Just take care." Saka naglakad palabas ng parking lot.

 

Pinaandar ko naman ang sasakyan saka siya marahang sinundan.

 

"Hindi ka ba talaga sasakay?" Tanong ko habang pausad-usad ang sasakyan.

 

"No! So please get lost!" Iritado niyang sabi.

 

"Bakit hindi ka na lang magpasundo sa driver niyo o kay Daddy Oscar?" Sinamaan niya ako ng tingin ng binanggit ko yung 'Daddy'. "Ugali mo ba talagang magpahatid kung kani-kanino!" Naiirita na rin ako dahil sa patuloy na paghabol sa kanya.

 

"Ugali mo rin bang makialam?" Mataray siyang tumigil. Ganun na naman ang pamatay niyang tingin.

 

"I'm just concern!" React ko.

 

"Oh wow! Is it one of your games?" Note with sarcasm.

 

"Hell no! I'm not playing around!" Iritado ko na ring sabi. Bakit ba ang hirap-hirap niyang suyuin? Masyadong pabebe!

 

"Tell them to the moron!" Saka niya binilisan ang lakad.

 

Di na ako nagpatumpik-tumpik pa ng harangin ko siya gamit ang sasakyan ko.

 

"What the--" Nabibiglang sabi niya. Bumaba ako ng sasakyan at hinarap siya.

 

"Hindi ka ba talaga sasabay?" Seryoso ko ng tanong. Nakita ko na natulala siya. Natakot siguro sa kaseryosohan ko.

 

"No! So please, stop this non sense, Seulgi!" Agad siyang nakabawi sa pagkatulala.

 

"Kung hindi kita makukuha sa santong dasalan, kukunin kita sa santong kidnapan!" Pagkasabi ko niyon ay binuhat ko siya kaagad. Pang newly wed.

 

"Aaaaaaaahh!" Sigaw niya sabay hampas sa akin. "Let go of me! You jerk!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Pero hindi ako nagpapigil kahit sobrang bigat niya.

 

"There! Dyan ka bagay!" Sabay marahas ko siyang pinaupo sa sasakyan ko.

 

"Walang'ya ka! Humanda ka! Pagbabayaran mo to!" Sigaw niya ng makasakay ako sa driver seat.

 

"Walakompake kaya tumahimik ka!" Nakukulele na ang tainga ko sa kaingayan niya. Jeske! Magkakaproblema ako nito sa pandinig!

 

"Walangya ka talaga! Jerk! Kidnaper! Crazy! Beyotch..." Sigaw niya. Halos magwala siya sa loob ng sasakyan ko.

 

"Can you please, STOP!" Bulyaw ko na rin sa kanya pero patuloy lang siya sa pag ngawa. Kung armalite ang bibig niya siguradong bubulagta na ako ngayon.

 

"Ibaba mo ako dito! Napakawalang kwenta mo! Walang modo!bBasto--Uhm..." I kissed her. Wala na akong magawa para patahimikin siya. Kaya ang halikan siya ang tanging bagay na pumasok sa isip ko.

 

Ramdam ko na nabigla siya. Hindi siya kaagad nakareact sa halik ko. Ako naman ay parang naengkanto sa halik na iyon.

 

This is the first time I taste her lips. It so soft, so sweet and magical.

 

Napapikit ako at mas idiinin ang paghalik. Ramdam ko ang pagtugon niya. Pero agad siyang kumalas at itinulak ko.

 

Akma siyang lalabas ng sasakyan pero nakalock iyon.

 

"Ughhh!" Napahilamos siya sa namumulang mukha.

 

Wala ka ng kawala. Sa akin ang huling halakhak! Wahahaha!

 

"Talk and you'll be punish." I smirked saka ko pinaandar ang sasakyan.

 

Hindi na nga siya nagsalita sa buong duration ng byahe namin. Natakot na siguro na mahalikan.

 

Nang makarating sa bahay nila ay agad ko siyang pinagbuksan ng pinto. Pagkabukas ay lumabas siya at tinabig ako.

 

"Thank you for that wonderful kiss, pretty." Natawa na lang ako ng umirap siya saka tuluyang pumasok sa bahay.

 

Bukas ko na lang ulit siya kukulitin. Pumasok na ako sa sasakyan at automatic akong napahawak sa lips ko. Then again... I smile.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎