CHAPTER 20

LOVE IS...

Seulki's POV

Nandito ako ngayon sa office ng resto ni Oso. Ayoko naman na sabihin niyang nagpapakasaya lang ako gamit ang pangalan niya. Kaya kahit paano ay tumutulong ako dito.

Naalala ko ang pinag usapan namin ng tumawag siya sa akin. Nagkwento na si nanay sa kanya. Ibig sabihin, side na lang ni Dadiyo ang dapat naming malaman para makabalik na kami sa kanya-kanya naming buhay.

Paano ko kaya mapapagkwento si Dadiyo? At ang isa ko pang tanong sa sarili .Anong kaugnayan ni Juhyun kay Besty? Nagkataon lang bang magkamukha sila?

*Imposible* Kontra ng bahagi ng utak ko.

Kailangan kong mas mapalapit kay Juhyun para malaman ko ang totoo. Eto kasing kakambal ko. Hindi maasahang kilalanin si Irene. Hays.. Hindi siguro talaga sila magkasundo.

At ang isa pang gumugulo sa isip ko o mas tamang sabihing sa puso ko ay ang nararamdaman kong kakaiba kay Juhyun. Lalo na kapag natititigan ko ang brown niyang mga mata.

*Ano ba naman kasing meron sa mga mata niya?*

Sigh.

Siguro namimiss ko lang talaga si Besty. Lalo na ngayong hindi na siya nerd. Mas naging kamukha niya si Irene. 

Si Irene. 

Paano nga ba nagsimula ang friendship naming dalawa?

Flashback

Nasa rooftop ako ngayon ng school na pinapasukan ko dito sa Manila. Actually, kakatransfer ko lang. Sa probinsya kasi nina lolo ako nag highschool hanggang second year.

Pmwesto ako sa may railing. Tanaw ko mula roon ang mga estudyante sa ibaba. Nagmamasid ako ng may marinig akong umiiyak.

Luminga-linga ako sa paligid. Wala namang tao.

*That's not a ghost, right?* tanong ko sa sarili.

Pero habang tumatagal ako roon ay palakas ng palakas ang iyak na naririnig ko. Kinabahan ako. Parang tatalon sa building na iyon ang puso ko.

"Is anybody here?" Lakas loob kong tanong. Bigla namang tumahimik ang paligid. Nawala ang mga hikbi na naririnig ko kanina.

Aalis na sana ako dahil na rin sa takot ng may mapansin akong tao na nakaupo sa dulo ng rooftop. Nakaupo siya sa railing at nakatalikod sa direksyon ko.

*Oh my! Is she trying to commit a suicide?* Isa lang ang alam ko. Babae siya dahil sa mahaba niyang buhok na tinatangay ng hangin.

Mabilis akong kumilos para pigilan siya.

"Miss?" Approach ko sa kanya na halatang ikinagulat niya. Muntik na siyang mahulog buti na lamang at nahawakan ko kaagad ang braso niya. "Magpapakamatay ka ba, huh?!" Pagalit ko siyang hinila papalayo sa railing.

*Bakit ba andaming gustong magpakamatay ngayon!*

"I'm not crazy para magpakamatay!" Bulyaw niya sa akin sabay tabig ng kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Really? Well, hindi rin gawain ng matinong tao ang umupo sa railing ng rooftop!" Bulyaw ko rin sa kanya. Siya na nga tong tinutulungan, siya pang galit.

"I'm not asking you na makialam ka!" Magkaharap na kami ng babae. Teka, may kamukha siya.

Saan ko nga ba nakita ang babaeng to?

Isip.

Isip.

Isip.

Hays.

Nevermind!

"I'm just trying to help. Coz I thought you're trying to kill yourself."

"I'm not okey! So leave!" Itinuro pa nito ang pinto pababa ng rooftop.

*Wait, nangyari na to dati. Yung--*

"I said, leave! NOW!" Sigaw nito sa pagmumukha ko.

Aba! Akala siguro nito pagmamay ari niya tong rooftop! Ang yabang! Ang arte!

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Saka ko napansin na pugto ang mga mata niya.

*Siya ba yung umiiyak kanina?*

"What?" Bulyaw na naman niya sa akin ng mapansin ko ang pagtitig niya.

*Kasing ganda ko na sana. Masungit lang!*

"As far as I know, kahit sino pwedeng pumunta dito. Kaya wala kang karapatan na paalisin ako." Mataray ko ring sabi. Hindi ako magpapatalo sayo, girl!

"If I were you, aalis na lang ako. Hindi mo magugustuhan ang pwedeng mangyari sayo kapag hindi ka pa umalis."

"Talaga?" Nakapamayawang na ako sa harap niya. "Try me." Taas kilay kong dugtong.

Hindi pa ako nakakapagsalita ulit ng may kinuha siya sa bag niya. Mineral water, sabay saboy ng laman nito sa ulo ko.

"Ughhhh!" Basang-basa ang ulo ko dahil sa ginawa niya kaya nabeast mode akong lalo.

"You! Jerk!" Tawa siya ng tawa nang dambahin ko siya. Nawalan kami pareho ng balanse kaya napahiga kami sa flooring.

Nasa ibabaw niya ako kaya mas llamado ako sa kanya. Nahagip ko ang buhok niya at sinabunutan iyon.

*Kung gusto mo talagang mamatay, pwes,ako ang papatay sayo!*

Nahagip din niya ang buhok ko at sinabunutan iyon.

At dahil walang tao sa rooftop, walang pumipigil sa sabong este sabunutan naming dalawa. Pagulong-gulong kami roon na parang mga manok. Ang pagkakaiba lang chx kami.

"Sh*t!"

"Damn."

"."

Iyon ang maririnig sa bibig namin habang nagsasabunutan kami. Hindi alintana kung madumihan man ang uniform namin o makitaan man kami ng undies dahil sa nakapalda lang kami.

Nang mapagod ay nag agwat kaming dalawa ni Jerk.

Hihingal-hingal kami habang nakahiga pa rin at isang dipa lamang ang pagitan.

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin rin pala siya sa akin.

"Jerk!" Pagtataray ko pa.

"!" Sabi naman niya sa akin. Napansin ko ang buhok niya. Para iyong kinaykay ng manok. At tumingin din siya sa buhok kong parang bruha sa sobrang gulo.

"Witch!" Sabay naming sabi at kasunod niyon ay, "Hahahahaha.." Napatawa kami pareho dahil iisa lamang ang nasa isip namin. At doon sa halakhak na iyon, nagsimula ang friendship namin ni Besty.

Hindi ko na nalaman ang dahilan kung bakit siya umiiyak ng oras na iyon. Basta ang sabi lang niya, wala siyang balak magpakamatay. Simula rin noon ay hindi ko na narinig o nakita ang pag iyak ni Besty. Sa aming dalawa, siya ang matapang. Siya ang malakas.

"Hoy!"

"Ay palakang may puyo!" Napaunat ako sa pagkakatayo sa pang gugulat sa akin ni Amber. "Bakit ka ba nang gugulat?" Asar kong tanong ng makabawi sa pang gugulat nito.

"Bakit kasi tulala ka diyan?" Natatawang tanong din nito.

"Wala. Iniisip ko lang si Irene." Sumandal ako saka pumikit.

"Ah..yung bestfriend mo na sabi mo look-a-alike ni Juhyun?" Pagkaklaro nito. Alam na rin ng dalawa ang bagay na iyon dahil minsan ko ng naikwento sa kanila kahit hindi naman sila makakatulong. Lol

"Uh-Uhm." Tango ko sabay hawak sa sentido. Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Ano ba naman tong pinasok ko?

"Ah kaya pala ang pangalan ni Juhyun ang tinatype mo." Napamulat ako sa sinabi niya. Nakangiti siya ng nakakaloko sa akin saka siya tumingin sa laptop na nasa harapan ko. Tumingin din ako dito.

Juhyun. Juhyun. Juhyun. Juhyun. Juhyun. Juhyun. Juhyun. Juhyun. Juhyun. Juhyun. Juhyun. Juhyun.

Napalunok ako.

Jusme! Ano bang nangyayari sa akin? Paano ko to naitype ng hindi ko namamalayan? May sarili bang utak tong mga kamay ko? Geez!

"Hahaha..don't tell me---" Binigyan ko siya ng death glare kaya naputol ang dila niya, I mean, ang iba pa niyang sasabihin.

"Woaah! Calm down." Itinaas pa nito ang dalawang kamay pero ang mukha nito pang asar talaga! "Joki Joki lang yun,tsong." Nag peace sign pa ito.

"Please, stop calling me 'tsong'. It's soooo irritating!" Maarte kong sabi sabay hawi ng side bangs ko.

"Pwes, masanay ka na. Hindi ka na si Seulki na MAARTE ngayon."

"What the eff!" Ang galing talagang mang asar ng mga hukluban na to! Bagay nga silang magbarkada ni Seulgi!

"Wait, why are you here? Umalis ka nga. Ginugulo mo ako." Pagtataboy ko sa kanya. Kapag hindi ko pa iyon ginawa ay siguradong hindi ako tatantanan ng kawayan na to.

"Hahaha... ang pikon mo talaga Seulkiiiihh.." Nanghahaba pa ang nguso nito ng binanggit ang pangalan ko. Kapikon na talaga!

"Tse! Get out!" Binato ko siya ng ballpen pero tumama lang iyon sa nagsaradong pinto kung saan siya lumabas.

"Seulki--"

"What?!" Sigaw ko saka ko nakita si Joy na kapapasok pa lamang ng office.

*Wrong move! Akala ko si Amber!*

"Ang h.b mo naman, girl. Pa b.p ka nga at baka kasing taas na ng Mt.Everest ang dugo mo." Natatawang sabi nito sabay upo sa seat niya.

"Sorry... Akala ko kasi si Amber na naman. Pang asar kasi ang isang yon." Despensa ko. Ibinalik ko na ang paningin ko sa ginagawa pero bago iyon binura ko muna ang pangalan ni Juhyun sa screen ng laptop ko.

"Di ka pa ba nasasanay?" Tanong nito habang tutok sa laptop. Mukhang mas matino naman ito kaysa kay Amber. "By the way, we are planning to go to the Philippines. Alam mo na... namimiss na namin si S." Wow! Ang sweet naman! "Sama ka?" Sabay lingon nito sa akin.

"Nah! As much as I want to, hindi naman pwede." Akala ko matino na tong si Joy. Isasama ba naman ako pauwi ng Pilipinas. Gusto siguro nitong isabotage ang plano namin ni Seulgi.

"Ikaw bahala." Nangunot ang noo ko. Ano bang ginagawa niya sa seat niya at ang likot-likot ng katawan niya. Napapakagat labi pa siya.

Sa sobrang curious ko lumapit ako sa table niya. Hindi niya namalayan ang paglapit ko dahil nakaheadset siya at ngayon ay nakapikit na.

Nakita ko na nakahawak siya sa "ano" niya. Saka ko sinilip ang pinapanuod niya. At nagulat ako sa nakita.

It's a video. At ang masaklap, girl to girl iyon.

Napatingin ulit ako sa nakapikit na si Joy. Mukhang sarap na sarap siya sa kung anumang napapakinggan niya.

Bumalik ang tingin ko sa video.

Napalunok ako. Ganito pala yon? Mukhang enjoy na enjoy si girl 1 sa ginagawa sa kanya ni girl 2.

At sa di ko maipaliwanag na dahilan. Biglang nag init ang katawan ko dahil sa pinapanuod. Partida. Wala pang sounds dahil sinolo ni Kat ang headset. Di man lang nag share. At ang gaga, nakapikit pa rin. Feel na feel!

Oh wait..

Wait..

WAIT!

Ako ba to? Bakit ako nanonood nito? At hindi man lang ako nandidiri. Sa katunayan, parang sinasarap--

"Hey, anong pinapanuod niyo?" Biglang pasok ni Amber sa office. Sa sobrang taranta ko naishut down ko ang laptop ni Joy.

Di ako makakapayag na mahuli ako ni Amber sa ganitong sitwasyon. Siguradong lalo niya akong aasarin. And worst, isusumbong niya ako kay Seulgi.

"Ah..eh..wala. Nag hung yung laptop ni Joy. Inayos ko lang." Ngiting-ngiti kong sabi na ikinakunot ng noo niya.

"Eh bakit nakapikit ang isang yan?" Tiningnan ko ang inginuso niya.

Si Joy. Nakangiti ito at mukhang sarap na sarap sa naiimagine.

"Uhmm..ahmm..sige.." ungol pa nito. Tinabig ko ang kamay niyang nakalagay sa "ano" niya.

"Anong sige?" Amber

"Ha? Kase ano..pasimple kong binatukan si Joy na siyang ikinabalik ng nawala niyang diwa. "Nagpapaalam ako sa kanya na mag didinner ako kayna Juhyun.. Tumingin ako kay Joy na parang naguguluhan. "Di ba, Joy?" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ha? Oo! Oo! Aalis ka na ba?" Pagsakay nito sa akin.

"Oo sana." Tiningnan ko ang wrist watch kong suot. "So, babush na.." Dali-dali kong kinuha ang bag sa table ko saka lumabas ng office na iyon.

*Pahamak na Sooyoung!* Napahawak ako sa 'ano' ko.

*!* Mukhang kailangan kong magpalit ng liner Geez.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎