CHAPTER 32

LOVE IS...

Juhyun's POV

 

Ilang araw na ang nakakalipas simula ng makabalik ako dito sa London. Hindi sumama pabalik sa akin si nanay. Naiitindihan ko siya. Gusto niyang makasama ang anak na ilang taon ding nawalay sa amin. Gusto ko rin naman makasama si ate. Hindi ko pa nga lang iyon magawa sa ngayon dahil na rin sa pag aaral ko. Hindi ko iyon pwedeng pabayaan dahil nakasalalay dito ang mga pangarap ko.

 

Saka ko na lamang aayusin ang misunderstanding namin ni ate. Ang mahalaga ay naroon si nanay, patuloy siyang sinusuyo.

 

Speaking of sinusuyo.

 

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pangungulit ni Seulgi sa akin. Simula ng makabalik ako dito ay hindi na niya ako tinigilan ng pangungulit.

 

Akala ko nga kung anong nakain niya ng unang araw na magpakita siya sa akin. At aaminin kong namiss ko siya. Pinigilan ko lamang ang sarili ko na yakapin siya kahit yun naman talaga ang gustong gawin ng puso ko.

 

Malinaw pa sa utak ko ang araw na hinalikan niya ako. Parang sasabog ang puso ko ng maramdaman ko ang lips niya sa lips ko. Milyong milyong boltahe ng kuryente ang dala nito sa buong pagkatao ko. Hindi ko naiwasang tumugon. You can't blame me. Kahit siguro sino ay hindi makakapagpigil kung ang taong mahal na mahal mo ang hahalik sayo. Ilang saglit akong nakalimot. Ilang saglit akong naligaw. Pero bumalik din kaagad ang matino kong pag iisip saka siya itinulak palayo sa akin.

 

Hindi na ako umimik habang byahe. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa dibdib ko kapag ginawa kong ibuka ang bibig.

 

Naalala ko din ng minsang nakipag date ako kay David. Nabigla ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan namin dala ang order naming pagkain. Hinatak ko siya sa isang tabi at tinanong kung anong ginagawa niya sa resto na iyon at kung bakit nakasuot siya ng pang waitress.

 

Ngumisi lang siya sa akin saka sinabi na nagtatrabaho daw siya doon. At sinong utak ipis ang maniniwala sa palusot niya?

 

Hinayaan ko na lamang siya. Pabalik na ako sa table namin ni David ng bigla siyang nagsalita.

 

"Wag kang titikim ng food ni Devil, ok?" Saka siya umalis sa harapan ko.

 

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero binalewala ko na lamang iyon.

 

Nasa kalagitnaan kami ng pag didinner ng mag excuse si David na gagamit ng restroom.

 

Habang hinihintay siya ay sumulpot na naman sa harapan ko si Seulgi. Ngiting-ngiti ito.

 

"Hindi na babalik yung kadate mo." Ganoon na naman ang ngiti niya at ang unggoy ininuman pa ang baso ko. Pss!

 

Again, hindi ko siya pinansin. Nang makabalik si David ay nagpaalam ito na uuwi na. Tagaktak ang pawis nito sa noo. Sabi niya ay sumama daw ang timpla ng tyan niya kaya mauuna na siyang umuwi.

 

Ibinilin pa niya ako kay Seulgi. Na sa mga oras na iyon ay hindi nawawala ang nakakalokong ngiti.

 

"Okey dude. I'll take care of her." Tuwang tuwang sabi pa nito kay David bago umalis ang huli.

 

Sa huli ay kaming dalawa ang nakapag dinner.

 

At bago lumabas ng resto, nakita kong inabutan niya ng pera ang isang waitress doon. Nag thumbs up pa siya. Ang galing talaga sa kalokohan! Tss!

 

Hindi ko alam kung matutuwa o mag woworry ba ako sa pangungulit niya. Gusto ko ang idea na baka gusto na rin niya ako. Pero binubura ko kaagad iyon sa isip ko lalo na kapag naaalala ko ang sinabi niya noon. Na hinding hindi niya ako magugustuhan.

 

Siguro isa pa rin ito sa mga laro niya. At hinding-hindi na ako magpapakatanga. Hindi ko na hahayaang maulit ang paglalaro niya sa emosyon ko.

 

Hanggat kaya kong pigilin. Gagawin ko. Dahil hindi ko na kakayanin ang pangalawang heartbreak lalo na kung isang tao lang ang dahilan nito.

 

Ring

 

Ring

 

Ring

 

"Hello?" Unknown ang number niya kaya nangunot ang noo ko kung sino ang tumatawag.

 

"Hi love." I rolled my eyes.

 

It's Seulgi.

 

Ano na naman kayang kailangan niya? Wala pa siguro siyang bagong paglalaruan!

 

"Bakit ka tumawag?" Plain kong tanong. Nasa tapat ako ng bintana.

 

"Kasi alam kong miss mo na ako." Tatawa pa niyang sabi.

 

"Woaaah... Alam mo ang mukha mo parang Diyos." Ako.

 

"Banat ba yan?" Tanong pa niya. "Hulaan ko, kasi mukha akong pinagpala?" Napangiti naman ako. Ang kulit lang!

 

"Hindi. Ang mukha mo parang Diyos dahil ito ay Maykapal." Halakhak kong sabi. Tumahimik naman siya sa kabilang linya. Mukhang naoffend sa banat ko.

 

"Ang ganda mo talaga kapag nakangiti ka." Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya.

 

Ang lakas ng tibok ng puso ko. At siguradong kung titingin ako sa salamin, makikita ko ang pamumula ng pisngi ko.

 

Teka, alam niyang nakangiti ako? Ibig sabihin..

 

Dumungaw ako sa bintana at nakita ko siyang nasa labas ng gate.

 

Napangisi ako. Hindi siya pinapasok ng guard dahil nakabanned na siya sa bahay. Wahaha...

 

"I miss you too, love." Nakasmile siya sa akin na halos wala na siyang mata.

 

Iirapan ko na sana siya ng mapansin ko kung saan siya nakapwesto.

 

Nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang nakatayo sa ibabaw ng kotse niya.

 

"Anong ginagawa mo dyan?!" Gulat kong sabi sa kabilang linya habang ang paningin ko ay nakatanaw sa kanya.

 

"Tinatanaw ang pangarap ko." Kita ko ang pag kindat niya at pag ngisi sa akin.

 

"Ughhh! Bumaba ka nga dyan!" Inis kong utos. Ano ba namang pumasok sa utak niya at umakyat siya sa kotse niya.

 

May lahi talagang unggoy! Naalala ko na naman yung time na inakyat niya ang gate namin.

 

"Bababa ako kung papapasukin mo ako sa loob." Nagtaas baba ang kilay niya.

 

Ughh!  Bakit ba ang cute-cute niya!

 

"No! Bahala ka diyan!" Tigas kong sabi.

 

"Alright. Dito na lang ako." Lumaki ang mata ko ng bigla itong humiga sa taas ng kotse nito.

 

"Are you crazy? Bumaba ka diyan bago ka pa mahulog!" Gigil kong sabi.

 

"Okey lang mahulog ako basta ba ikaw ang sasalo sa akin." Kumindat na naman siya. Yung totoo? May deperensya ba siya sa mata? Tss!

 

"Ang dami mong alam!" Pero ang totoo kinikilig na ang lola niyo. "Bumaba ka na sabi diyan!"

 

"Nah! Dito na lang ako hanggat hindi mo ako pinapapasok." Nag pout pa ito.

 

Ughhh! Maghunus dili ka Juhyun! Wag kang bibigay sa tukso!

 

"Okey...  okey..." Huminga ako ng malalim. "Pumasok ka na."  Ughh! Ang hina ko talaga sa tukso! Jeske!

 

"Talaga?" Tumayo muli ito sa kotse. "Papasok lang ako kung tatawagin mo ako sa eanderment natin. Love." Halos magtayuan ang balahibo ko sa seductive voice niya. 

 

Ang galing talagang mang akit ng hudas!

 

"Manigas ka diyan!" Sabay sarado ko ng pinto.

 

Nakakainis talaga ang kakulitan niya. Pero hindi ko maiaalis na kiligin sa gesture niya. Para siyang lalaki na nanliligaw.

 

Erase... Erase...

 

Wag kang assuming, baka wala lang talaga. Wala lang talaga siyang mapagtripan.

 

Seulki's POV

 

Pagkatapos ng pangungulit ko kay Juhyun ay nagderetso na ako sa resto.

 

Nakakapagtaka. Dahil may ganito pala akong side. Yung kakulitan ko lampas na sa height ko. Pero hindi pa rin ako titigil hanggat hindi ko siya napapaamo.

 

"Hey, natutulala ka diyan." Pukaw sa akin ni Joy. "Nakahalumbaba ka pa, malas yan."

 

Inalis ko naman ang paghalumbaba ko at bumuntong-hininga.

 

"Lalim nun ah parang Pacific Ocean." Natatawang asar pa nito. "May problema ba?"

 

"Yeah. It's Juhyun." Matapat kong sagot. Wala na namang sense kung maglilihim pa ako sa kanila ni Amber. Tutal kaibigan ko na rin naman sila.

 

"What about her?" Tapat nito sa upuan ko. Nang biglang manlaki ang mata nito. "OMG!  Nabuntis mo siya?" Nabatukan ko siya sa kagagahan niya.

 

"Gaga! Paano ako makakabuo eh baog nga ako." Tawa siya ng tawa sa sinabi ko. What's funny?!

 

"Eh bakit mo ba siya pinoproblema ha?" Tanong nito ng humupa ang pagtawa. "Don't tell me, inlove ka sa kanya." Biro pa nito.

 

"Yes, I'm inlove with that woman. Ughh!" Napahawak ako sa ulo ko. Mababaliw na ako sa kaiisip kung bakit kay Juhyun pa ako nainlove. Kung bakit sa babae pa!

 

"Seryoso?" Umayos ito ng upo at tumitig sa akin. Inaalam nya siguro kung gaano ako kaseryoso ng sabihin ko iyon. Tumango ako bilang sagot. "So it means... kasama ka na sa federasyon! Dapat tayong magcelebrate." Tuwang-tuwang sabi pa nito.

 

"Walang dapat icelebrate. Dahil hindi ko gusto kung anumang nangyayari sa akin ngayon." Naguguluhan kong sabi.

 

"Confuse ka pa kasi ateng." Tap niya sa shoulder ko.

 

"I'm not. Sigurado na ako sa feelings ko kay Juhyun. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit sa kanya lang ako naaattract." Hawak ko na ang sentido ko. At kahit siguro isang milyong pain reliever ang inumin ko ay hindi pa rin mawawala ang pananakit ng ulo ko.

 

"Inlove ka na nga. So anong maitutulong namin sayo?"

 

Nagliwanag ang mukha ko sa tanong niya. "Help me to win her back."

 

Juhyun's POV

 

Tumawag si Joy. Si Joy ay kaibigan ni Seulgi na naging close friend ko na rin.

 

Pinapupunta niya ako sa resto nila para sa isang business proposal. Tinanong ko muna siya kung naroon ba ang makulit na si Seulgi. Saka ako pumunta roon ng masiguradong wala ito.

 

Pinapasok naman ako ng guard na naka duty ng mga oras na iyon.

 

Nangunot ang noo ko ng mapansin na puro nasa tabi ang mga table at upuan. Nakaupo roon ang mangilan ngilan ng costumers.

 

Hindi ko na lamang pinansin ang weirdong ayos ng resto. Tatangkain ko ng maglakad ng biglang namatay ang ilaw.

 

Hindi ba sila nagbabayad ng kuryente?

 

Bago pa ako makakilos sa kinatatayuan ko ay bigla ulit itong nagsindi at bumulaga sa akin ang isang Seulgi Kang.

 

Nasa gitna siya ng resto at sa kanya nakatuon ang mga mata ng naroon kabilang na ako. 

 

Nakasuot siya ng black cap, muscle tee, short short at naka rubber shoes din siya.

 

Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil na rin sa nakatungo siya. Meron din siyang earpiece.

 

Pero teka, akala ko ba wala siya ngayon dito?

 

Tala..Tala..Tala..

 

Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sayong mga mata.

 

Napahawak ako sa tapat ng puso ko ng magsimula siyang kumanta habang nakatungo pa rin. Meron ding dalawang dancer na nagsisilbing back up niya.

 

Tala..Tala..Tala..

 

Ang ningning ng yong mga mata hinahanap ko sa mga tala..

 

Saka siya tumunghay dahilan para magtama ang mga mata namin.

 

Siguro nga'y masyadong mabilis ang pagyanig

 

Ng puso ko para sa puso mo.

 

Nag umpisa siyang sabayan ng sayaw ang pagkanta. And God! She's freaking hot!

 

Siguro nga ako ay makulit Ayaw makinig

 

Sa takbo ng isip Hindi ko maipilit

 

Lumapit siya sa harapan ko habang patuloy sa pagsayaw.

 

Tila ako'y nakalutang na sa langit Ngunit nalulunod sayong mga ngiti..

 

Napatingin ako sa legs niya na sumasabay sa indak ng kanta niya.

 

Ughhh Napalunok ako na parang matutuyuan ng laway. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa intense niyang pagsayaw

 

At kung hanggang dito lang talaga tayo

 

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka..

 

Nakatitig lamang siya sa akin. Pinagpapawisan na rin pero nakadagdag pa iyon sa taglay niyang appeal.

 

At kung umabot tayo hanggang dulo

 

Kapit lang ng mahigpit

 

Aabutin natin ang mga tala..

 

Tala..Tala..Tala..

 

Nakatitig din ako sa kanya at walang pinalalagpas isa man sa mga galaw niya.

 

Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sayong mga mata

 

Tala..Tala..Tala..

 

Ang ningning ng yong mga mata hinahanap ko sa mga tala..

 

Lumayo siya sa akin ng ilang dipa saka tinagtag ang cap na nasa ulo niya. Lalo akong napatulala ng malaya kong makita ang maganda niyang mukha.

 

Maaaring kinabukasan ay mag iba Ng inip ng iyong ninanais.

 

Ngunit maaari bang kahit na pansamantala lang

 

Ikaw muna'y maging akin..

 

Tila ako'y nakalutang na sa langit

 

Ngunit nalulunod sayong mga ngiti..

 

Muli siyang lumapit sa akin at sinayawan ako. I blush.

 

At kung hanggang dito lang talaga tayo

 

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka.. 

 

Akala ko alam ko na ang lahat about sa kanya dahil sa pagiging stalker ko noon. Hindi pa rin pala. Maraming mga bagay akong nadidiskubre about sa kanya na karamihan ay kinatutuwaan ko. Ni hindi ko nga alam na magaling pala siyang sumayaw.

 

At kung umabot tayo hanggang dulo

 

Kapit lang ng mahigpit

 

Aabutin natin ang mga tala..

 

Mas lalo siyang lumapit sa akin na halos isang dipa na lang ang pagitan namin.

 

Tala..Tala..Tala..

 

Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sayong mga mata

 

Tala..Tala..Tala..

 

Ang ningning ng yong mga mata hinahanap ko sa mga tala.

 

Tinapos niya ang pagkanta at pagsayaw sa isang matamis na ngiti na ikinalikot ng puso ko.

 

"Juhyun..." Hihingal-hingal niyang panimula. "Pwede ba kitang maging tala?" Nakatitig niyang tanong.

 

"A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

 

Ang pagkakaalam ko, narito ako para sa business proposal, hindi para maging tala lang.

 

"Ughh! Manhid ka ba talaga o sadyang tanga ka lang?!" Naihilamos na niya ang palad sa mukha.

 

Ano bang nangyayari? Narinig ko ang tawanan ng crowd. Ako ba ang pinagtatawanan nila? Hahahahard!

 

"Seulgi, please lang. Hwag mo kong pagtripan ng ganito!" Naiirita ko na ring sabi habang pinagmamasdan ang crowd na nagtatawa sa akin.

 

Seulki's POV

 

Pigilan niyo ako! Pigilan niyo ako!

 

Gustong-gusto ko ng batukan si Juhyun dahil sa pagiging engot niya. Pagkatapos ng ilang linggong panunuyo. Pati na rin itong pagsayaw at pagkanta, sasabihin niya sa aking trip ko lang siya?

 

My God! Bakit ko ba minahal ang tangengot na babaeng ito?

 

"Don't you get it, Juhyun? Kailangan ko pa bang ipukpok sa ulo mo itong sapatos ko nang bumilis naman yang takbo ng utak mo!" Inis kong sabi habang patuloy sa pagtatawanan ang crowd. Ikaw ba naman ang makapanuod ng Romantic-Comedy. Title: Si Kulit at si Engot.Choz!

 

"Ano bang sinasabi mo?" Kunot noong tanong niya.

 

Juicecolored! Konting Subali pa po! Konti na lang magiging sadista na ako!

 

Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita.

 

"Gusto kita, Juhyun. Ginagawa ko lahat ng to dahil gusto kita." Siguro naman maiintindihan na niya yan. Tss!

 

"Gusto mo ako?" Note with sarcasm. "Hahahaha.. Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa akin noon?" Sumeryoso ang mukha niya at kitang-kita ko ang lungkot sa magaganda niyang mga mata. "Hinding hindi ko magugustuhan ang dating nerd na katulad mo, Juhyun." She quoted.

 

Natahimik naman ang crowd.

 

"Kaya kung maglalaro ka ng emosyon. Parang awa mo na, Seulgi. Wag na ako, please!" Umiiyak na siya saka tumalikod sa akin para lumabas ng resto.

 

"Oo, sinabi ko iyon! And I'm sorry Dahil hindi ko pa narerealize that time na mahal na pala kita!" Pigil ko sa paglabas niya. "Mahal kita, Juhyun."

 

Wala kang maririnig sa crowd kundi "Aaaawwww.."

 

Tumigil siya at bumaling sa akin.

 

"Minsan... kapos pa rin ang salitang 'mahal kita'." Saka siya tuluyang lumabas ng resto.

 

Napatulala ako sa kinatatayuan ko.

 

Basted na ba ako? Tumingin ako sa paligid. Nakikisimpatya ang mga tao roon maliban kay Joy at Amber na abot tenga ang ngisi sa akin.

 

Ughhh! Hindi ako papayag na mabasted lang!!

 

Dali-dali akong lumabas ng resto para habulin si Juhyun.

 

Naabutan ko siya na pasakay na ng kotse. Nagdatingan ang samu't saring emosyon dito sa puso ko. Panghihinayang at takot.

 

Panghihinayang dahil pinakawalan ko ang taong nagmamahal sa akin. At takot na baka hindi ko na siya mabawi pa.

 

"Juhyun! Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita! Siguro naman hindi na kapos yon!" Sigaw ko at hindi ko na napigilan ang pag iyak.

 

Saglit siyang tumigil sa pagsakay ng kotse.

 

Napatungo ako at bumuhos ang luha ng walang lingon-lingon na sumakay siya ng kotse.

 

Napaupo ako at napahagulhol ng iyak.

 

Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo! sisi ko sa sarili.

 

"Tumayo ka nga dyan! Para kang bata!" Napatunghay ako sa nagsalita at mabilis na tumayo ng makita ko si Juhyun sa harapan ko.

 

"B-Bumalik ka." Hindi makapaniwalang sabi ko.

 

"Hindi. Hindi. Kaluluwa ko lang to." Nakangiti na siya ng sabihin niya iyon kaya alam kong nang aasar lang siya.

 

"Love naman..." React ko habang punas-punas ang luha sa pisngi ko.

 

"Pwede mo bang ulitin yung sinabi mo kanina?" Tanong niya.

 

"Alin dun?" Kunwaring nag isip ako. "Ah yun engot ka--Ouch!" Binatukan niya po ako.

 

"Ang tino mo talagang kausap!" Nakahalukipkip niyang sabi.

 

"Mas matino akong karelasyon." Banat ko at muling sumilay ang mga ngiti niya. Ngiti na pinangarap kong makita araw-araw. Ngiti na pinangarap kong ako ang maging dahilan. "At hindi ko pagsasawaang sabihin na mahal na mahal na mahal na mahal na-" Pinatigil niya ako gamit ang lips niya.

 

Oh God! Mahal na mahal ko talaga ang babaeng engot na to.

 

"Quits na tayo sa pagnakaw mo ng halik sa akin." She giggle and hug me. "At mahal na mahal na mahal din kita." Napangiti ako habang magkayakap kami. Wala akong paglagyan ng saya.

 

"Unfair! Sampu yung sinabi kong 'mahal kita' pero sayo tatlo lang." Reklamo ko na ikinatawa naman niya.

 

Kumalas siya ng yakap saka hinaplos ang pisngi ko. "Ipaparamdam ko na lang yung iba." Yung mga mata niya parang tala. Tala na hinding-hindi ko pagsasawaang pagmasdan.

 

Isang smack saka siya tumalikod at naglakad.

 

"Hoy engot! Nakakadalawa ka na ha." Habol ko sa kanya ng makabawi sa pagkabigla.

 

"Ang bagal mo kasi!" Natatawa siyang bumelat sa akin saka pumasok ng sasakyan.

 

Papasok na rin sana ako roon ng mapansin ko ang crowd. Nakangiti at pumapalakpak sila. Napatingin ako sa dako nina Amber. Nag thumbs up sila sa akin.

 

Ngumiti ako at nag peace sign saka tuluyang pumasok sa sasakyan para makipaglandian sa mahal ko. Choz!

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎