CHAPTER 3

LOVE IS...

Seulgi's POV

"Anak... Anak..." Pukaw sa akin ni Nanay. Nakatulala na pala ako sa dinadaanan namin habang nasa sasakyan pauwi. Kanina lamang ay kabadong kabado ako kung paano ako haharap sa aking ina na first time ko pa lamang makikita. Nakita ko na siya sa picture pero iba pa rin kapag sa personal. Nakilala ko kaagad siya ng makita ko siya sa waiting area ng airport dahil doon ay di ko na naiwasang mapaiyak at yakapin siya ng mahigpit. Nagtataka siya at nagtatanong kung bakit ganon ka warm ang yakap ko sa kanya. Nasabi ko na lamang. 'Sobra ko po kayong namiss.' Buti na lamang at nagkakahawig din ang boses namin ni Seulki gaya ng aming mga mukha.

"Mukhang namiss mo ang Pilipinas, ah." Natatawang sabi ni Nanay. Para kasi akong batang padungaw dungaw sa bintana ng kotse.

"Ah eh... hehe." Napakamot na lamang ako ng kilay at umupo na nang maayos katabi niya. Wala akong masabi. Naiilang akong makipag usap lalo pa't alam niya na ako si Seulki.

"Kinakamusta ka nga pala ng Best friend mo. One week ka na daw hindi nagpaparamdam."

"Ahm... Nakalimutan ko po dahil sa pag eenjoy." Pagdadahilan ko.

"Gusto nga niyang sumama sa pagsundo sayo kaso lang siya ngayon ang nagbabantay ng Flower Shop niyo." Kahit wag na rin siyang magpakita. Who cares? Si nanay lang naman ang dapat pakisamahan ko dahil siya lang naman ang ipinunta ko dito.

"Flower Shop po?"

"Oo, don't tell me, nakalimutan mo na rin ang flower shop niyo ni Irene." Oh shoot! Kaya pala sabi ni Seulki sakin na isa siyang florist. Bakit ba kasi hindi ko naitanong kung anong business niya dito sa Pilipinas. GeeZ!"

"Hindi naman po." Maikli kong sagot.

"Kakaiba ka ngayon, anak. Ano bang ginawa mo sa London at parang nag iba ka?" Kinabahan at namutla ako sa tanong ni Nanay. Gumagana na ba ang mother instinct nito?

"Po?"

"Gaya ng buhok mo, ano ba namang naisipan mong bata ka at pinagupitan mo ng ganyan ang buhok mo. At nagpa tattoo ka pa ng kedami dami." Exagge si mother nature. Tatlo lang naman po. Gusto ko sanang sabihin.

"Hindi po ba bagay ang buhok ko?" Natatawa kong tanong. Ganito pala ang pakiramdam ng sinesermonan ng Nanay. Ang sarap!

"Bagay naman sayo, anak. Hindi ko lang akalain na papagupitan mo ang buhok mo dahil alagang alaga mo ito." Hinaplos pa nito ang buhok ko. Para tuloy gusto ko na namang maiyak.

Naalala ko si Seulki ng mapagupitan na ito ng buhok. Halos mabingi ako sa tili niya habang unti unting umiikli ang mahaba niyang buhok. At halos mabasag ang eardrum ko at eardrum ng mga naroroon ng nagpa tattoo ito ng katulad ng mga tattoo ko. She don't have a choice, siya ang may pakana nito. Magdusa siya.

Hanggang ngayon, diko lubos na maisip kung paano kami naging magkakambal bukod sa pareho naming mukha, magkaibang magkaiba kami sa maraming bagay. Kung ako astig siya naman sobrang arte, tahimik ako at madaldal siya, mapang asar ako at pikon siya, kahit sa pagkain ay para kaming aso't pusa. O maging definition ng "LOVE" hindi pa rin kami magkasundo. Total opposite ko talaga siya.

Teka, kumusta na kaya siya? It's three o'clock in the afternoon here in the Philippines, so it's already eight o'clock am in London.

Seulki's POV

Nandito ako ngayong umaga sa condo ni Seulgi o mas tamang sabihin na sa magulong kwarto ni Seulgi. Napakaclumsy pala ng kapatid kong iyon. Hindi mo mapapagkamalan na babae ang nakatira dito, sabagay hindi nga pala babae ang kapatid ko, Lalakwe.

Napangiti ako ng matapos kung linisin iyun. Hayys, kapagod. Kauupo ko pa lamang ng may naririnig akong doorbell kaya dali dali akong tumayo para pag buksan ito ng pinto.

"Hi dude. You're Dadiyo is here." Yuma lap ito sa akin habang nakangiti. "Good morning?" Hinampas hampas pa nito ang likod ko. Aray ko po, susuka yata ako ng dugo. Bumitaw din ito ng pag kakayakap ng marealize niyang naipit na ang baga ko. Jowk. Haha.

"Hindi mo man lang ba papapasuki ang gwapo mong tatay?" Nagsign pa ito ng mr. pogi kaya napangiti ako. Alam ko na ngayon kung saan nagmana si Seulgi.

"P-Pasok po." Kinakabahan kong sabi. Hindi ko alam kung paano kikilos sa harapan niya lalo na't alam niyang ako si Seulgi. Pumasok ng siya at umupo sa couch.

"Wow... Malinis ang condo mo ngayon, ah... Anong nakain mo ngayon dude?" Dude talaga? Ah oo nga pala, sabi ni Seulgi jeprox si tatay. Bagets itong mag isip.

"Ah eh... Hehehe." Umupo ako pero hindi na sa tabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin. "Drinks po? Coffee, juice or..."

"Hahahaha..." Tumawa siya ng malaks na ikinabigla ko.

"B-Bakit po?"

"Bakit ang bait mo ngayon, huh?" Hindi ba mabait si Seulgi sa personal? "Halika nga dito." Lumapit naman ako sa tabi niya, sabay akbay niya sa akin. "Pwede ba akong humingi ng pabor sayo, anak?" Anak, ang sarap pakinggan, pero alam ko namang hindi para sa akin ang salitang iyun, kundi kay Seulgi. "Tutal, mabait ka naman ngayon. Baka naman mapagbibigyan mo na ang Daddy na lumipat ka sa bahay natin? Alam mo na, namimiss na kita." Napayakap ako sa sinabi niya. Kahit ngayon ko pa lamang siya nakilala, alam kong mabuting tao ang ama ko.

"Miss ko na rin po kayo, Dadiyo." Hindi ko maiwasang mapaiyak.

"So it means, babalik kana sa bahay?" Masigla ang boses nito. Tumango lang ako.

"Oh, why are you crying? Para ka tuloy babae niyan." Nakangising sabi nito habang punas punas ang luha ko.

"Si Dadiyo talaga." Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. Ganito pala ang pakiramdam ng may ama, alam mong safe ka. Lumakoli akong walang protector. Yung kahit may nambubullysa akin sa school noong maliit pa ako, wala akong matawag na daddy para magsumbong. Minsan nakakainggit na rin ang ibang bata lalo na kapag family day, buo sila samantalang dalawa lang kami ni nanay. Hindi naman sa nakukulangan pa ako sa pagmamahal ni nanay kasi para sa akin siya ang Best Mom Ever. Pero syempre, naghahanap din ako ng pagmamahal ng isang ama. At ngayon nga, abot kamay ko na ito. May kasama pang Seulgi, sila pala ang bubuo sa pagkatao ko na matagal ko ng nararamdamang kulang.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎