CHAPTER 18

LOVE IS...

Third person's POV

"Ate, baka mahuli tayo ni aling Tasing!" Saway ng batang babae sa kapatid niya. Umakyat ng bakod ang ate niya kaya napasunod na rin siya.

"Wag ka lang maingay,siguradong hindi tayo mahuhuli." Sabi ng ate niya sa kanya. Marahan silang naglakad patungo sa garden ng bahay na iyon.

"Tingnan mo, Hyun! Ang gaganda nila, di ba?" Tuwang-tuwang sabi ng nakakatandang kapatid sa kanya. Natunghayan niya ang magagandang bulaklak sa kanyang harapan. Napangiti siya ng makita kung gaano kasaya ang ate niya habang pinipitas ang ilang rosas na namumukadkad sa garden na iyon.

"Huy!" Napakurap siya ng nagsalita ito ulit.  "Tulungan mo akong mamitas bago magising si Aling Tasing!" Sabi pa nito saka ipinagpatuloy ang pamimitas ng bulaklak.

Ayaw niyang makutusan kaya sumunod siya sa sabi ng kapatid.

Maya-maya ay may kumaluskos at may lumabas ng bahay.

"Hoy! Takte kayong mga bata kayo!" Kanya-kanya silang karipas ng takbo. Akyat sa bakod papalabas ng bahay na iyon. Halos mawasak ang suot nilang palda dahil sa pag akyat sa mataas na bakod para lamang makaligtas sa galit ni aling Tasing.

"Hahahahaha.." Duet nilang tawa ng makalayo sa bahay ng matanda.

"Muntik na tayo dun, ate Rene!" Hihingal-hingal na sabi ng mas nakababata sa kanila.

"Hahaha... buti na lang mabilis tayong tumakbo." Pasalampak na umupo ang ate niya sa damuhan hawak-hawak nito ang dibdib.

"Okey ka lang ate Rene?" Nag aalalang umupo ang batang babae katabi ng kapatid.

"Oo naman!"

"Eh kasi..di ba, may sakit ka?"

"Wala akong sakit, Hyun. Tsaka di pa ako mamamatay. Nu ka ba!" Ginulo nito ang buhok niya. Tipid siyang ngumiti. Alam niyang nagsisinungaling ito. May sakit ang kapatid niya. Mahina ang puso nito kaya madalas ay nasa ospital sila.

Niyakap niya ito.

"Hindi ka pa talaga mamamatay. Masamang damo ka kaya." Pinilit niyang pasayahin ang boses. Ayaw niyang isipin na mawawala nga ito sa kanila. Hindi niya kayang mawala ang kaisa-isahang kapatid.

"At bakit naman ako naging masamang damo?" Natatawa ng tanong nito ng magbitaw sila sa pagkakayakap.

"Ninanakaw mo kaya yung mga bulaklak ni aling Tasing." Tatawa-tawa niyang sagot.

"Hahaha.. eh kasi naman, wala tayong garden kaya hindi ako makapagtanim ng mga bulaklak." Katwiran nito. Maliit lang kasi ang bahay nila. Kasama nila sa bahay ang kanilang ina. Koreano ang kanilang ama. Namatay ito noong isang taong gulang pa lamang sila. Kaya mag isa silang itinaguyod ng kanilang ina. Sa ngayon ay matatapos na sila ng elementarya sa isang pampublikong eskwelahan. Maswerte na kung makakakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Pero kahit ganoon kahirap ang buhay ay masaya sila. Masaya sila na magkakasama.

"Ano bang gusto mo paglaki mo, ate?"

"Tinatanong pa ba yan? Syempre gusto kong magkatrabaho. Basta may kinalaman sa bulaklak, okay na ako dun." Napangiti siya. Napakasimple ng pangarap ng kapatid niya. At natutuwa siya na kahit may sakit ito ay nagagawa pa rin nitong mangarap para sa sarili.

"Ikaw, bunso anong pangarap mo?" Tanong nito sabay akbay sa kanya. Naroon sila sa bakanteng lote na madalas nilang puntahan kapag napapagalitan sila ng kanilang ina.

"Gusto kong maging chef ate. Gusto ko kayong ipagluto ni nanay ng masasarap na pagkain na hindi niyo pa natitikman." Para siyang nag iimagine ng sabihin niya iyon.

"At syempre, gusto kong magkaroon ng bahay. Yung may malawak na bakuran. Para maipagpagawa kita ng garden doon." Nakangiting sabi niya sa kapatid.

"Ang sweet naman ng kapatid ko. Payakap nga ulit." Sabay yakap nito sa kanya.  "Basta sabay nating tutuparin ang mga pangarap natin,okey?"

"Walang iwanan." Tumango siya at mas niyakap ng mahigpit ang kapatid ko.

Joohyun's Pov

"Hija." Naputol ang mumunting alalaa na iyon ng marinig ko ang boses ni Tito Oscar. Pasimple kong pinunasan ang luha sa mga mata ko saka humarap sa kanya.

"Tito.." Nagmano ako saka siya kinamusta. "I'm doin' fine. Lately, medyo busy sa trabaho." Tito Oscar is my step-father. Half Chinese siya. Nagkakilala sila ni nanay ng minsang pumunta siya ng Pilipinas dahil sa business. May isa siyang anak sa dati niyang asawa. Isang beses ko pa lang itong nameet dahil na rin sa doon ito nakatira sa ina.

Masasabi kong maswerte kami ni nanay dahil tinanggap niya kami sa buhay niya. Dahil sa kanya ay naranasan kong magkaroon ng ama.

Siya na rin ang nagpapaaral sa akin. Ngayon nga ay huling taon ko na sa kursong kinuha ko.

Bago namin makilala si Tito Oscar ay sari-saring hirap muna ang pinagdaanan namin ni nanay. Kaya naman hanggang ngayon hindi pa ako tapos ng pag aaral. Nagawa ko noong magtrabaho para matustusan ang pag aaral ko. Hindi na ako nasuportahan ni nanay sa bagay na iyon dahil simula ng ipamigay niya si ate ay nawalan na rin siya ng ganang mabuhay. Pakiramdam niya ay isa siyang walang kwentang ina.

Oo. Nagawa niyang ipamigay si ate. Pero hindi dahil hirap na siya rito kundi para mabuhay ito.

Naaalala ko pa noong araw na isinugod namin siya sa ospital. Kinakailangan niya ng operasyon. At kailangan namin ng malaking pera para maisalba siya sa kamatayan. Walang nagawa si nanay kundi umutang sa kanyang amo. Ngunit may kondisyon ito. Kukunin nila si ate bilang kabayaran. Pumayag si nanay at naiintindihan ko siya. Bilang ina mas gugustuhin mo na lang na mawalay ang anak mo sayo kung ang kapalit nito ay ang karugtong ng buhay niya. Masakit sa akin ang ginawa ni nanay. Minsan ay hiniling kong ako na lang ang ipamigay niya. Dahil mas kailangan ni ate ng isang ina sa kalagayan nito. Pero nagdesisyon si nanay na si ate ang ibigay, dahil mas magiging maganda ang buhay nito at masusuportahan ng mag asawang Bae ang karamdaman ng kapatid ko.

Iyak ako ng iyak ng araw na iyon. Kalahati ng buhay ko ang nawala. At nakadagdag pa sa sakit na nararamdaman ko ang isipin na nasasaktan din ng araw na iyon ang kapatid ko. Umiiyak din siya habang hinahanap kami.

At simula noon, nagbago si nanay. Hindi na siya nagtrabaho. Nawalan siya ng ganang mabuhay sa isipin na wala siyang kwentang ina. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng atensyon niya sa akin. Nakalimutan niyang may isa pa siyang anak na dapat alagaan. Pakiramdam ko sa pagkawala ng kapatid ko ay nawalan na rin ako ng ina. Pakiramdam ko noon ay mag isa na lamang ako.

Pero hindi ako nagpatalo sa lungkot. Sinikap kong mabuhay kami. Nagtatrabaho ako habang nag aaral. Iba't ibang trabaho na rin ang napagdaanan ko para suportahan ang pangangailangan naming mag ina. Halos masunog ang balat ko sa pagtatrabaho. Halos bumigay ang katawan ko sa pagod. Ilang beses akong pinanghinaan ng loob pero agad akong nabibigyan ng pag asa kapag naiisip ko ang pangako ko kay ate na magiging magaling akong chef. Na ipagluluto ko sila ng masasarap na pagkain. Na ipagpapagawa ko siya ng garden.

"Tumawag ang nanay mo kanina."

"May balita na po ba?" Tanong ko. Si nanay ay nasa Pilipinas ngayon para muling hanapin ang kapatid ko. Sa tulong na rin ni Tito at ng mga koneksyon niya. Ngayong may kakayahan na kaming hanapin ang kapatid ko, gagawin namin ang lahat para lamang makita at makasama siya.

"Wala pa, hija. Pero wag kang mag alala.Mahahanap din natin siya." tapik-tapik nito ang balikat ko. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng maisip si ate Rene. Hindi ko na natupad ang pangako ko sa kanya. Na walang iwanan. Na magkasama naming tutuparin ang mga pangarap naming dalawa.

Napatingin ako sa garden ng mansion.

*Sana nandito ka ngayon, ate.* Kusang tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Sana nga po." Agad ko naman iyong pinunasan.

Nagpaalam din kaagad si Tito kaya naiwan akong mag isa sa balcony ng mansion.

Napabuntong-hininga ako.

Di ako makapaniwalang nandito na ako ngayon. Na konting-konti na lang matatapos na ako sa pag aaral. Sino ba naman ang mag aakalang ang nerd, conservative at lack sa self confidence na si Juhyun Lee ay si Juhyun Kim na ngayon. Kung iisipin mas masarap ang buhay ko ngayon. Hindi ko na kailangang magtrabaho para makapag aral. Lahat ng gusto ko nabibili ko sa isang pitik ko lamang. Pero hindi porque masarap ay masaya na. Mayroon pa ring kulang para mabuo ako at tuluyang maging masaya...

Si Irene iyon.Ang kakambal ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎