CHAPTER 30

LOVE IS...

Irene's POV

Pagkatapos ng pagkikita namin ni Juhyun ay hindi na kami muling nagkita pa. Noong makita ko siya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pangungulila. Pero kasabay nito ay ang labis na galit dito sa puso ko.

Hindi naging maganda ang pag uusap naming dalawa. Pero dahil doon ay mas naliwanagan ang utak ko. Muli kong nakapa sa puso ko ang pagmamahal para sa kanila na akala ko ay nawala na sa pag lipas ng mga taon.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa akin si Juhyun. Kabaligtaran naman nito ang ginagawa ni nanay. Yes, hinahayaan ko na siyang makalapit sa akin pero hindi ibig sabihin niyon na pinapatawad ko na siya. Nandito pa rin yung sakit. Nakatulong lang ang mga sinabi ni Juhyun at ang effort ni Seulki upang pakitunguhan ko si nanay ng normal.

Palagi siyang pumupunta sa condo at itinataon niya na naroon si Seulki. Pakiramdam ko nga ay tinutulungan ni Seulki si nanay na mapalapit sa akin. Hindi ko pa rin siya magawang kausapin kahit madalas ko silang nakikita ni Seulki na nagkakwentuhan .Siguro dahil wala akong mahanap na salita para iapproach siya.

Nalaman ko rin ang tungkol sa kanila ni Juhyun dahil na rin sa pagiging malapit ni Seulki kay nanay. May asawa na pala ulit si nanay at naka base sila sa London. Si Juhyun ay malapit ng maging chef gaya ng pangarap nito.

Muli kong naisip ang sinabi noon ni Juhyun na marami silang hirap na pinagdaanan ni nanay. Naitanong ko tuloy sa sarili ko. Tama ba na ipamigay nila ako para lang hindi ko maranasan ang mga paghihirap na iyon? Siguro tama para sa kanila pero maling-mali para sa akin. Mas gugustuhin ko na lang maghirap basta kasama sila kaysa makuha ang gusto ng hindi sila nakakasama.

Hindi ko sila masisisi. Kapakanan ko lang ang inisip nila ng mga panahong iyon. At nagpapasamalat pa rin ako sa pamilyang kumupkop sa akin kahit na nagsinungaling sila sa akin. Kahit na ang sabi nila ay ipinagbenta ako nina nanay. Tatanawin ko pa ring malaking utang na loob sa kanila kung nasaan man ako ngayon.

Naiintindihan ko na ang lahat pero bakit hindi ko pa rin magawang tuluyang magpatawad? Siguro dahil sa malalim ang sugat na ibinaon nila dito sa puso ko. At kailangan pa ng konting panahon para maghilom ito.

"Babylove?" Kulbit ko sa pinakamamahal ko na hindi ako iniwan sa mga panahong down na down ako. "Let's go there." Turo ko sa isang jewelry shop dito sa mall. Ngumiti naman siya at tumango.

Magkaholding hands kaming naglalakad ng mapansin ko ang mga taong nagtitinginan sa amin. Bumaling ako kay Seulki. Ewan ko kung bakit mukhang sanay na siya sa ganitong sitwasyon samantalang ako ang una niyang nakarelasyon na babae.

"B-Babylove, pinagtitinginan nila tayo." Naiilang kong sabi kay Seulki. You can't blame me. This is my first time na pumasok sa seryosong relasyon at take note: Sa babae pa.

Tumingin siya sa paligid. "Baka nagagandahan sayo." Nag smile siya sabay pinch ng chin ko. "Uy... ngingiti na yan." Automatic akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Ipakita natin sa kanila kung gaano natin kamahal ang isat isa." Halos wala na siyang mata sa pagkakangiti niyang iyon. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Babylove, let's buy a couple ring. What do you think?" Nakangiti kong tanong ng makapasok na kami sa jewelry shop.

"Yeah. That's a great idea." Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko habang tumitingin kami ng couple ring. "Let's try this one." Turo nito. Napangiti naman ako sa napili niya. Simple lamang iyon. May design itong stars.

Inassist naman kami ng sales lady doon. "There! Bagay na bagay, parang tayo." With matching wink na ikinatawa ko. Tama siya. Bagay na bagay iyon sa daliri ko. Lalo na siguro kung wedding ring na.

Isinuot ko naman sa kanya ang kapares ng singsing ko. At perfect din iyon sa daliri niya. Parang kami. Perfect sa isat isa.

"We'll take this, Miss." At akmang dudukot sa shoulder bag ko. Agad naman akong napigilan ni Seulki.

"Ako na." At naglabas ng wallet.

"No!" Pigil ko din sa kanya. "Ako ang may idea nito kaya ako ang magbabayad."

Kumunot ang noo niya. "Just keep it. Ako nang bahala." Insist pa rin niya pero hindi ako papayag. Nakakahiya! Hindi na kami mag bestfriend na anytime ay pwede akong magpalibre.Lol.

"Ako na nga, di ba?" Piksi ko. Natatawa na lang ang cashier sa pagtatalo naming dalawa.

"Okey." Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Alam ko namang hindi ka magpapatalo. So, mag jack en poy na lang tayo." Weird! Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwalaan na may ganito palang side si Seulki. Para bang nawala na ang pagiging maarte at metikolosa nya.

"Ready?" Tumango na lang ako sa trip niya. Sa harap ng counter ay nag jack en poy kami na parang mga bata.

1st try: Scissors x Scissors.

2nd try: Paper x Paper.

3rd try: Paper x Scissors.

"I won!" Hiyaw niya na parang nanalo sa lotto.

Magproprotesta pa sana ako pero, "Ooops! You lose. Accept it, uhm k?" Ngiting tagumpay naman siya.

Lumabas ako ng jewelry shop dahil naiinis ako sa pagkatalo ko.

Bakit kasi hindi ko napag aralan yung technique sa jack en poy! 

Time Runs

Magana kaming kumakain sa isang Japanese restaurant ng biglang may lumapit na babae sa table namin.

"Hi babe." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Hindi naman siguro ako ang sinasabihan niya ng 'babe',right? Napatingin ako sa kasama ko at mas lalong nagsalubong ang magaganda kong kilay dahil nakangiti siya sa babae.

"Oh hi, Sunmi." Bati nito sa babae sabay tayo.

"Howarya? Hindi kana nagpaparamdam sa akin." Nag pout pa ito kay Seulki. Akala ba niya ikinaganda niya iyon? Psss!

"Uhm sorry. Naging busy lang ako, lately." Explain pa nito kay Kylie choochoo. Mukhang takot siya sa pagtatampo ng babae. Pero sa galit ko, hindi?!

"Ehem." Tumikhim ako para malaman nila na may kasama pa sila.

"Ah eh... S-Sunmi, si Bes-" Sinamaan ko siya ng tingin.

Wag na wag mo akong ipapakilala bilang bestfriend mo! Don't me, Althea! Don't me!

"G-Girlfriend ko." Mukhang natakot naman siya sa death glare ko. Kitang kita ko ang disappointment ni Floral girl. Yes, I remember her. Siya yung customer namin noon na parang tuko kung makakapit kay Seulki. 

"I see. Nice to meet you." Inilahad nito ang palad sa harapan ko kaya tumayo na ako para makipag shake hands sa kanya.

"Can I join you guys?" Nakangiti nitong baling kay Seulki. Napatigil tuloy ang nagbabadya kong pag upo.

Tss! Tang-inis talaga tong babaeng to!

"As you can see, nag daDATE kami ng GIRLFRIEND KO." Inemphasize ko talaga para makahalata na siya.

"Ah eh... Sunmi, pasensya ka na ha." Tapik ni Seulki sa shoulder ng babae. Sinamaan ko ulit ng tingin ang kamay niya. Para naman itong napaso kaya ibinaba kaagad nito ang kamay.

"Ah ganun ba, sige ok lang. May next time pa naman di ba, BABE?" Aba't talagang makakatikim na ng mag asawang sampal ang babaeng to! Isasama ko na rin ang kabit ni sampal na si suntok!

Tumawa lang si Seulki sa sinabi ni Floral girl.

"So bye for now." Sabay kiss nito sa cheeks ni Seulki na ikinabigla ng isa. "Enjoy your date." Nakangisi nitong baling sa akin saka umalis sa harapan namin.

Wala kaming imikan ng makaalis si Floral girl.

"Babylove?" Approach niya sa akin.

"Babylove your face!" Singhal ko sa kanya sabay walkout!

Bahala siya sa buhay niya! Bahala siyang magbayad ng bill namin! Pero hoy, hindi iyon ang dahilan ng pagwawalkout ko, ok? Wag kayong ano! Baka pati kayo tamaan sa akin!

"Babylove wait." Nakalabas na ako ng resto ng maabutan niya ako. "What's wrong?" Nag aalalang tanong niya.

Oh wow! Nagtanong pa siya?! Kung iupper cut ko kaya to!

Tinalikuran ko na lamang siya at baka nga magawa ko siyang iupper cut sa kamanhidan niya!

"Babylove, ano bang problema?" Sige Seulki, habulin mo  ako. "May nagawa ba akong masama?" Sigaw nito na ikinatigil ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa pagsigaw niya. Hindi ba siya nahihiya?

Lumapit ako sa kanya saka ko dinukot sa shoulder bag ang isang retail na Tang Orange Juice. Wag niyo ng itanong kung bakit meron nito sa bag ko! Ayokong magexplain!

"Ano to?" Nagtatakang tanong niya ng maiabot ko ang juice.

"Tang Orange Juice!" Singhal ko sa kanya. Juice lang hindi pa niya alam! Tss!

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

"Aanhin ko to?" Habol na naman niya sa akin.

"Lagyan mo ng 'A'." Naiinis ko pang sabi saka binilisan ang lakad.

"What do you mean?" Sunod pa rin siya sa akin habang pinagtitinginan pa rin kaming dalawa.

"TANG-A!!!" Bulyaw ko sa kanya bago makalabas ng mall. Nagtawanan naman ang nakarinig sa akin.

Tss! Daig pang pagong. Napakaslow!

Seulgi's POV

Nakarating na kami sa condo ni Irene pero hindi pa rin niya ako iniimikan. Bipolar talaga. Kanina lang parang batang nasa Disney Land sa sobrang saya. Ngayon parang matandang nagmemenopause.

Bakit nga ba ako nainlove sa babaeng ito? Bipolar na nga weirdo pa. Biruin niyong pinalalagyan niya ng 'A' ang 'TANG' .Di ba water and ice ang dapat ilagay sa Tang Orange Juice? Tsk Tsk. Napakahiwaga nga naman ng pag ibig. Kahit ako hindi ko alam kung bakit ko ba minahal ang weirdong si Irene.Lol

"Babylove o. "Ibinaba ko sa table na naroroon ang itinimpla kong juice. Kumunot lang ang noo niya sa inaalok ko. "Tinimpla ko na lang instead na lagyan ng 'A'." Ngiting-ngiti kong sabi.

"Ughhh! Nesfruta sana ang itinimpla mo dahil REAL na REAL na yang kaTANG-Ahan mo!" Inis niyang sabi sabay dabog papasok ng kwarto.

Napapakamot naman ako sa ulo habang sinusundan siya ng tingin.

Bakit siya nagagalit? Kung Nesfruta pala ang gusto niya sana sinabi niya kaagad. Tsk Tsk. Hirap talagang ispell ng mga girls. Paiba-iba ng isip. Kanina Tang ang gusto, ngayon Nesfruta naman. Daig pang naglilihi.

Irene's POV

Bakit ba may mga taong napakaslow na nga napaka manhid pa!

Padabog akong pumasok ng kwarto pagkatapos akong timplahan ng Tang ni Seulki. Tang-a talaga!

Dinampot ko ang isang libro saka umupo sa kama. Magbabasa na lamang ako kaysa kumausap sa pagong. FNi hindi man lang nag sosorry. Manhid talaga!

"Babylove." Maya-maya ay pumasok siya sa kwarto. I rolled my eyes pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. "Babylubb... Knock knock." Napatingin ako sa kanya.

"Nakapasok ka na di ba?" Napakaweirdo talaga. Ngayon lang kakatok kung kelan nakapasok na siya.Tss!

"Babylove naman... Magjojoke po kaya ako." Napapakamot siya sa ulo. I smirked. Ang cute-cute niya kasi kapag ganito ang itsura niya.

"Siguraduhin mo lang na matatawa ako dyan sa joke mo. Kundi ipapalaklak ko lahat sayo yung Tang na itinimpla mo!" Banta ko sa kanya sabay baba ng libro sa side table.

"Uhm Knock knock." Panimula niya. Sumagot naman ako ng who's there?

"Mahal mo." Ngiting-ngiti niyang sabi na mas lumapit pa sa akin.

"Mahal mo who?" Walang gana kong tanong.

"Ikaw. Ikaw ang mahal ko." Sabay kiss niya sa likod ng kamay ko.

I bit my lower lip para pigilan ang pagsungaw ng ngiti sa labi ko.

"Uy kinikilig si ateng." Sabay sundot niya sa tagiliran ko para kilitiin.

"Heh! Tumigil  ka!" Natatawang sabi ko sabay hampas sa kamay niya.

"Sus! Kunwari pa siya oh." Hindi pa rin niya ako tinitigilan kilitiin. Kaya bumawi ako ng pangingiliti sa kanya.  Napahiga na kami pareho sa pagkikilitian. Napuno ng tawanan ang buong condo.

Bakit ba ang dali-dali niya akong pasayahin? Nawala na kaagad ang inis ko sa kanya kanina. Inlove na talaga ako.

Maya-maya ay tumigil kami dahil biglang sumakit ang likod niya. Nag offer ako na imamassage ko siya. Tumanggi siya pero nagpumilit pa rin ako.

Sa huli ay ako pa rin ang nasunod. Ipinahubad ko ang top niyang suot. Tumanggi muli siya pero nanalo pa rin ako.Lol

Nag makita ko ang y body niya ay hindi ko naiwasang mapalunok. Nakita ko na siyang nakahubad noon pero iba ang epekto niya sa akin ngayon.

Dumapa siya sa kama para mas maging komportable siya habang minamasahe ko.

Hindi ko maiwasang maturn on habang minamasahe siya. Feeling ko nga ay nanginginig pa ang mga kamay ko habang hinahaplos ang likod niya.

Napapaungol naman siya sa pleasure na nararamdaman. Pinuri pa niya na magaling daw pala akong mag massage na ikinangiti ko naman.

Napadako ang palad ko sa bandang tagiliran niya. Trinace ko ng daliri ang birthmark na naroroon. Malapit ito sa bible verse niyang tattoo. Almond shape ito.

Napakunot ang noo ko. Wala akong maalala na may birthmark siya sa bahaging iyon ng katawan niya. Ang alam ko lang ay sa talampakan ang birthmark niya. Niloko ko pa nga siya na halatang gala siya dahil sa birthmark na iyon.

"May birthmark ka pala dito." Tanong ko habang patuloy sa pagtrace ng birthmark niya. Kumilos siya. "I thought sa may talam--"

"Uhm B-Babylove, kailangan ko na palang umalis. May usapan pa kami ni nanay." Sabay bangon niya kaya napatayo na lang ako.

"Hindi na ba masakit ang likod mo?" Nag aalalang tanong ko.

"Okay na." Dali-dali siyang nagbihis. Importante siguro ang lakad nila ni nanay Cristy.

Nang makapagbihis ay hinatid ko na siya  hanggang parking lot. We kissed saka siya pumasok sa sasakyan at umalis.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎