CHAPTER 34

LOVE IS...

Seulki's POV

 

Ilang araw ang nakalipas simula ng maging official ang relasyon namin ni Juhyun. Masasabi kong ako na ang pinakamaswerteng nilalang sa mundong ibabaw, dahil bukod sa MAGANDA AKO, may maganda at mabait din akong girlfriend.

 

Halos araw araw kaming nagkikita. Ewan ko ba at parang hindi ko kayang mawala siya sa tabi ko. Hindi ko kayang hindi marinig ang boses niya.

 

Ganito pala ang totoong nagmamahal. Isa itong sumpa na hinding hindi ko pinagsisisihan.

 

Alam na rin ni Dadiyo ang relasyon naming dalawa. Masaya siya para sa amin.

 

Wala na talaga akong mahihiling pa bukod sa isang kumpletong pamilya. At alam kong darating din ang bagay na iyon sa akin.

 

Pagkatapos kong ipark ang sasakyan ay pumasok na ako sa loob ng bahay nina Juhyun. Malaya ko na iyong nagagawa dahil girlfriend ko naman ang may ari ng bahay. Yiie... girlfriend! Ang sarap sa feels.

 

Dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto niya. Nandito ako ngayon dahil may surprise daw siya sa akin. Nacurious naman ako kaya minadali kong pumunta dito kahit na mamaya pa ang usapan naming dalawa.

 

"Love?" Kumatok ako sa pinto saka binuksan iyon. Walang Juhyun akong naabutan.

 

Pumasok ako ng tuluyan. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo.

 

Hmm naliligo pala siya. Napasmile ako sa isipin na nagpapabango siya para sa akin.

 

Pinagmasdan ko ang paligid ng kwarto niya. Malaki iyon at nakakatuwa na malinis ito. May mga babae kasi na burara sa kwarto.

 

Nahagip ng mga mata ko ang payong na nakasabit malapit sa closet niya.

 

Teka, parang pamilyar...

 

Lalapit na sana ako ng magsalita si Juhyun.

 

"Love, ikaw ba yan?" Huminto ang lagaslas ng tubig. Umupo naman ako sa gilid ng kama niya.

 

"Yes, love. Ano yung surprise mo sa akin?" Excited kong tanong.

 

"Atat lang?" Natatawa niyang sabi. Nagpout naman ako kahit hindi niya ako nakikita.

 

"Eh ano ba kasi yon?" Sumandal ako sa head board ng kama habang hinihintay siya.

 

"Basta. Just get ready, uhm k?" Bakit ba ang tagal niyang lumabas.

 

"Clue?" Hindi talaga ako matatahimik hanggat hindi ko iyon nalalaman.

 

"Masarap yon." Napalunok ako sa sagot niya.

 

Mesherep daw? Juicecong mahabagin!

 

"A-Ano pa?" Nagawa kong itanong.

 

"Hinding-hindi mo pa natitikman sa buong buhay mo." Napaangat ang pwet ko sa sinabi niya.

 

A-Ano d-daw? Juiceco! Mukhang may idea na ako kung ano yung surprise niya.

 

"Y-Your third clue?" Napapalunok ko pa ring tanong.

 

"Tingnan mo palang, maglalaway ka na." Natatawa niyang sagot. Napatayo na ako sa sinabi niya.

 

Homaygad! Homaygad! Para akong buntis na naglalabor.

 

"Another clue. It's start with the letter S." Tawa siya ng tawa.

 

S? As in capital Ssssssssss... Naipaypay ko ang sariling palad sa mukha ko. Feeling ko uminit sa kwartong ito.

 

Napatigil ako at napakagat labi ng maimagine ko ang itsura niya sa loob ng banyo na iyon. Naalala ko na naman ang video na napanood ko.

 

Napa sign of a cross ako. Juicekupo! Ito na ba ang oras para isuko ko ang bataan? Goodbye v-card na ba ang peg ko?

 

"For sure mag eenjoy ka. So get ready." Ewan ko ba pero parang may halong pang aakit ang boses niya. Narinig ko na ulit ang lagaslas ng tubig.

 

Nagbabanlaw na ba siya? Homay! Katapusan na ba ng pagiging Maria Clara ko? Hindi ako matali sa kinauupuan. Tatayo tapos uupo. Ang ikinababahala ko ay...

 

Ay.

 

Ay..

 

Wag niyo akong tatawanan ha?

 

Kasi...

 

H-Hindi ako marunong mag ano...

 

Yung ano..

 

Basta yun.

 

Anong gagawin ko? Baka iwan niya ako pag nalaman niyang hindi ako marunong mag ano. Tsaka teka? Marunong ba siya?

 

Isip.

 

Isip.

 

Isip.

 

I have a bright idea.

 

Tatawagan ko si Oso. Sigurado may karanasan na siya sa ganito.

 

"Oh Seulki, napatawag ka?" Sagot niya sa tawag ko.

 

"Kasi Seulgi... kasi naliligo si Juhyun." Para na akong batang nagsusumbong sa nanay ko.

 

"So? Hindi ba natural sa kanya ang maligo?" Umiral na naman ang pagkapilosopo niya.

 

"Gaga!" Kung nandito lang siya siguradong may batok na siya sa akin. Buti na lang at hindi ako naririnig ni Juhyun dahil sa lagaslas ng shower.

 

"Sabi niya may surprise siya sa akin." Ganun na naman ang boses ko. Parang humihingi ng tulong.

 

"Oh di dapat matuwa ka. Bilisan mo na at nagbabonding pa kami ni nanay." Inip niyang sabi. Nakakainis naman ang kumag na to.

 

"Kasi sabi niya..." Nag aatubili pa akong sabihin ang karugtong. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon niya. "M-Masarap daw yung surprise niya. T-Tsaka ma-maglalaway daw ako."

 

"Then?"

 

Lumunok muli ako. "Start daw sa letter Sssss.."

 

"Wow! Jackpot ka niyan tol!" Sigaw niya sa kabilang linya. At kailan pa niya ako naging tol? Hindi ko feel!

 

"A-Anong gagawin ko?" Magkapatid nga kami. Pareho kami ng naiisip tungkol sa surprise ni Juhyun.

 

"Hahaha don't tell me..."

 

"Shut up!" Inis kong sabi. Tawa naman siya ng tawa. Ano bang nakakatawa kung buo pa itong v-card ko? I'm proud of it! Palibhasa, kung sino-sino ang nakaulayaw niya!

 

Nang humupa ang pagtawa niya ay binigyan niya ako ng makapanindig balahibo na advice.

 

"Just feel the pleasure, Seulki." Namula ang mukha ko at naalala na naman ang video na napanood ko.

 

"A-Ano ngang dapat kong gawin? Hindi ko alam kung paano 'yon'." Natataranta kong sabi. Baka kasi biglang lumabas si Juhyun sa banyo. Hindi pa ako ready.

 

"Ok ok... maghubad ka." Nanlaki ang mata ko sa suggestion niya.

 

"Whut? No! Hindi ko gagawin iyon!" Matigas kong sabi. Anong feeling niya sa akin star!

 

"Ano ka ba! Anong gusto mo makipag ano ka ng nakadamit." Oo nga no? Pero ayaw ko pa rin. Isipin ko pa lang na makikita niya ang precious body ko, para na akong lulubog sa kahihiyan. 

 

"Just take off your clothes. Gusto mo pa yatang siya ang maghubad sayo." Nag init na naman ang pisngi ko. Ambaboy talaga ng bunganga ng kakambal ko!

 

"Alright." Gusto ko sanang magprotesta kaso naisip ko na willing nga si Juhyun na ibigay yung ano niya, tapos ako pabebe?

 

Hinubad ko ang t-shirt na suot ko. Napayakap ako sa sarili.

 

"Okay na ba?" Naiinip niyang tanong.

 

"Uh-Uhm." Nahihiya kong sagot. Hays! Sa kapatid ko pa talagang manyak ako nagpaturo ng kalaswaan. I never imagine myself na darating sa ganitong sitwasyon.

 

"Wala kang ititirang saplot, okay?"

 

"Anooooo?!" Namilog ang singkit ko ng mata. Maghuhubo't hubad ako sa harapan ni Juhyun? Ano ako pagkaing nakahain?!

 

"Alam mo ang arte mo. Gusto mo ba o ano?" Naiirita niyang tanong.

 

"G-Gusto." Gusto ko naman talaga. Kinakabahan lang ako. Feeling ko mailuluwa ko ang puso sa sobrang kaba.

 

"So hubad!" Utos niya. Para naman siyang bugaw sa ginagawa niya. Magkaugali nga sila ni Dadiyo. Mga bugaw!

 

Inisa-isa ko namang hubadin ang saplot ko. Nanginginig pa ako habang ginagawa ko iyon.

 

"Da-Done." Mahina kong sabi.

 

"Okay. Just wait for her. At kapag lumabas na siya, give her your seducing smile. Bye." Narinig kong naputol na ang tawag. Ano yon? Iniwan niya ako ditong walang saplot?

 

Tiningnan ko ang sarili ko. Kaya ko ba talaga to? Muli akong nag antada. Juiceco! Patawarin niyo na po kaagad ako kung anong magagawa ko ngayong araw.

 

Ibigay ko daw ang seducing smile ko. Naalala ko yung napanood ko sa t.v. Popose si girl sa kama para akitin si boy. Pero bago ako magpose sa kama ay kumuha muna ako ng isang stem ng bulaklak sa flower vase na naroroon. Nilagay ko iyon sa labi ko at kinagat.

 

Ang hot ko na nito.

 

"Love, are you ready?" Nawala muli ang lagaslas ng tubig.

 

"I'm ready." With my seductive voice. Nagpose naman ako sa kama saka hinintay ang paglabas niya ng banyo para ibigay ang best shot ko.

 

Excited.

 

Kinakabahan.

 

Lumangitngit ang pinto ng banyo. Sign na palabas na siya.

 

This is the moment. The final moment!

 

"Gutom ka n---" Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang pagkain este ako na walang saplot sa kama niya.

 

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Sabay kaming napasigaw. Lumaglag ang nakatapis niyang towel kaya pati ako ay nahawa sa pagsigaw niya. Marahil pareho kaming ekswayted much.Lol

 

"Walangya ka! Bakit ganyan ang ayos mo! Lumabas ka. Lumayas ka!" Naitali na niya ulit ang towel.

 

"Ouchy! Ouch! Aray ko love!" Hinampas hampas niya ako ng unan at pinipilit patayuin.

 

Teka, akala ko ba...?

 

"Aray! Aray love! Masakit!" Piningot niya ang tenga ko para makatayo ako sa kama niya.

 

"Get out!" Ni hindi siya makatingin sa hubad kong katawan.

 

"Teka lang love, hubad ako oh. Araaaay!" Ang sakit ng pingot niya.

 

"OUT!" Turo niya sa may pinto. Nahagip ko ang puting kumot saka iyon ibinalot sa hubad kong katawan. Dali-dali akong lumabas ng kwarto niya. Feeling ko ay papatayin niya ako pag nanatili pa ako roon. 

 

Narinig ko ang sigaw niya bago ako pumunta sa banyo sa baba para magbihis. Buti na lamang at wala sa gawi ng bahay na iyon ang mga maids nila. Kundi, siguradong lulubog na talaga ako sa kahihiyan.

 

Nagbihis na ako habang Napapakamot sa ulo.

 

Akala ko pa naman, yun na yon! Hindi ba siya nagandahan sa katawan ko? Naalala ko ang tagpo na mahulog sa sahig ang towel niya. Kitang-kita ko ang hubog ng maganda niyang katawan.

 

Erase... Erase...

 

May atraso pa ako sa kanya. Hindi ko siya dapat pinagnanasahan! Sinampal sampal ko ang sarili para bumalik ako sa katinuan.

 

I sigh.

 

Paano ba ako haharap sa kanya ngayon? Geez!

 

Juhyun's POV

 

Napasigaw ako ng makalabas ng kwarto ko si Seulgi. 

 

Napahawak ako sa puso ko. Halos himatayin ako ng makita ko siya na nakahubad sa kama ko. At ang ugok nakaposing pa. Feeling niya boldstar?!

 

Sa kabiglaan ko ay nabitawan ko ang towel na nakatapis sa katawan ko.

 

Namula ako ng maisip na siguradong nakita niya ang katawan ko.

 

Ano bang pumasok sa utak niya?!

 

Napaface palm ako dahil ilang ulit sumasagi sa isip ko ang hubad niyang katawan at ang mapang akit niyang ngiti.

 

Erase... Erase...

 

Ipinilig ko ang ulo. Hindi ko na dapat pa iyong maisip.

 

Buntong-hininga.

 

Pumasok muli ako sa banyo para magshower. Kailangan ko ulit ng cold shower para maalis ang init na nararamdaman ko. Pumikit ako pagtapat ko sa shower.

 

"Ughhh!" Piksi ko. Kahit nakapikit ako nakikita ko pa rin ang hubad na katawan ni Seulgi at aaminin kong hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba.

 

Lumabas din ako kaagad at nagbihis.

 

Nakita ko naman na nanunuod siya ng tv sa may sala. At salamat dahil bihis na siya.

 

Kahit nahihiya ay nagawa kong lumapit sa kanya. Hindi niya ako napansin dahil nakatalikod siya sa akin.

 

Nakita ko ang pagpunas niya ng luha. Saka ko napansin ang dvd na pinapanuod niya.

 

One more chance? Yun na yung scene na sinasabi ni Bea Alonzo ang katagang "Ako na lang ulit."

 

"I didn't know na mahilig ka pala diyan." Kunot noong tanong ko.

 

Ang astig na si Seulgi nanonood ng isang romantic movie.

 

"Yeah. It's my favorite." Sabi niya na hindi man lang ako nililingon.

 

"Ah eh..." Nakalapit na ako sa kanya at kitang-kita ko ang pamumula niya.

 

Hindi ko alam kung anong dahilan ng pamumula ng pisngi niya. Dahil ba sa nangyari kanina o dahil nahuli ko siyang nanonood ng One more chance.

 

Ang dami ko pa talagang hindi alam sa kanya. Napangiti ako dahil ang cute cute niya pag nagbablush.

 

"I-Ibig kong sabihin, ngayon ko lang to napanood." Asus! Palusot pa tong girlfriend ko eh nahuli ko na nga sa akto.

 

"Kaya pala may paiyak-iyak ka pa." Natatawa kong sabi. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Pikon!

 

"Kain na tayo." Yaya ko sa kanya sa dining. Hila-hila ko siya papunta roon at pinaupo na parang prinsesa. Kinuha ko naman ang tupper ware na naglalaman ng surprise ko sa kanya. 

 

"Excited ka na ba sa surprise ko?" Nakangiti kong tanong.

 

Nangunot ang noo niya ng buksan ko ang tupper ware.

 

"Chararan... Surprise!" Magiliw kong sabi ng mabuksan ang tupper ware. It's Sisig. Nabanggit niya sa akin na hindi pa siya nakakatikim nito kaya naman ipinagluto ko siya. Ang bright ko di ba?

 

Napatulala siya sa sisig at namula.

 

Ano bang nasabi kong masama? Pagtataka ko ng biglang may pumasok sa utak ko.

 

Masarap yon.

 

Hinding-hindi mo pa natitikman sa buong buhay mo.

 

Tingnan mo palang, maglalaway ka na.

 

It's start with the letter S.

 

"Pfffftttt. HAHAHAHA." Hindi ko napigilan ang pagtawa ng maalala ko ang mga clues ko sa kanya kanina.

 

Kaya ba siya nakahubad ay dahil inakala niyang mag aano kami?

 

"HAHAHAHA..." Sumasakit ang tyan ko sa kakatawa. Habang siya ay mas lalong sumama ang tingin sa akin. Mukhang nagegets na niya kung anong pinagtatawanan ko.

 

"Shut up or else!" Banta pa niya sa akin. Pikon na nga green minded pa! Hahahaha... Ang sarap tumawa!

 

"Or else what?" Umupo ako sa lap niya kaya para siyang nastiff neck sa kinauupuan. "Maghuhubad ka na naman sa harapan ko hmm?" Ewan ko ba pero ang lakas ng loob ko ngayong asarin siya! Ang cute niya kasi pag naaasar. Haha Ang pula pula pa ng pisngi niya!

 

"O mas gusto mong ako ang maghubad sayo?" Sabay kagat ko sa earlobe niya.

 

She moan. Ughhh! Ang y niyang umungol.

 

"Lo-Love ku-kumain na tayo." Bulol bulol niyang sabi. Tawa naman ako ng tawa sa isip ko. Masyado niya akong pinapasaya.

 

"Yes. Kakain na tayo. Open your mouth." Halos maglapat na ang mga labi namin ng sabihin ko iyon.

 

"A-Anong gagawin mo?" Nangangatal ang labi niya. Lalo naman akong napangisi.

 

"Just open your mouth and close your eyes." Alam kong naaakit na siya dahil yung kamay niya ay nakaakyat na sa bewang ko.

 

Sunod-sunod siyang lumunok saka pumikit at ibinuka ang bibig.

 

Pinigil ko ang pagtawa.

 

Kinuha ko ang spoon na may lamang sisig saka ko isinubo sa nakabuka niyang bibig.

 

Bigla siyang nagmulat ng maramdaman ang pagkain sa bibig niya.

 

"HAHAHAHA..." Ang lakas ng tawa ko habang nasa kandungan niya. "Ouch!" Tumayo siya kaya nahulog ako sa sahig.

 

Ang walangyang to! Siya na nga yung pinapakain!

 

"Your such a tease!" Halos maging straight na yung kilay niya sa sobrang inis.

 

Tumayo ako at hinabol siya. Doon ko siya naabutan sa sala.

 

"Hey love, sorry na." Natatawa kong sabi habang pinipilit hawakan ang kamay niya. Iniiwas naman niya iyon sa akin.

 

Tumingin siya ng deretso sa akin. Seryoso siya kaya ako naman ang kinabahan. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.

 

"Lo-Love, n-nag sorry na ako, di ba?" Utal-utal kong sabi. Paano ba naman napahiga na ako sa couch dahil sa pag atras ko.

 

"Lintik lang ang walang ganti." Seryoso niyang sabi saka tiningnan ang lips ko. Hinawakan din niya ang magkabilang kamay ko. Saka pumatong sa akin.

 

Napalunok ako sa sobrang kaba.

 

Mas inilapit niya ang mukha sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang pumikit.

 

Hinintay ko na lamang na lumapat ang lips niya sa lips ko. Pero wala akong naramdaman sa lips ko. Sa halip, sa leeg ako may naramdaman na parang sumisipsip.

 

Napadilat ako ng bumalik ang katinuan ko.

 

"Hahahaha... Quits na tayo!" Sabay takbo niya pabalik sa dining.

 

Napahawak ako sa leeg ko na sinipsip niya. At napatayo ng may marealize.

 

Nilagyan niya ng kissmark ang leeg ko?!

 

"Kaaaannngggg!" Sigaw ko habang pabalik na rin ng dining.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎