CHAPTER 16

LOVE IS...

Seulgi's POV

2 days.Two days nang hindi pumapasok si Irene simula ng magtalo kami. At two days na ring nasasayang ang flowers at breakfast na dinadala ko sa office para sa kanya.

Hindi ko siya pinuntahan sa condo niya. Gusto ko rin munang makapag isip kung ano ba tong nararamdaman ko para sa kanya. Bakit ba ako nagsasayang ng effort na makipagbati sa bestfriend ng kapatid ko.

Bestfriend ng kapatid ko.

I sigh.

Uh-Oh.

Para saan ba ang buntong-hininga na iyon? Siguro dahil bestfriend nga siya ng kapatid ko.

Eh ano naman?

Hindi ko siya pwedeng maha-nevermind!

We live far off  each other, siguro para sa kanya ilang kilometro lang iyon. But for me, the distance seemed light years away. Siguro para sa kanya dalawang araw lang iyon. But for me, it seemed forever. I wonder if she misses me.

Pfffttt. Hahahaha..

So cheesy! Ako ba talaga to? Kailan pa naging korni ang isang Seulgi Kang? Again, is this really  "me"? Please.. sabihin niyong hindi!

Kailan pa  ako natutong magmahal?

wait. WHAT? Love?

Love is Ire--ahm a game?

Yes, a game!

Love is a game.

Di ba iyon naman ang paniniwala ko? Dahil sa totoo lang, hindi pa ako naiinlove. At never akong nainggit sa mga taong inlove. For me, loving is about giving your heart to someone and letting her invade your privacy, which is I hate the most. Ayokong may nakikialam ng mga gusto at hindi ko gustong gawin. Kaya nga ako umalis sa poder ni Dadiyo. Coz I want to be a master of my own. Para kung sakaling magkamali ako, walang dapat ibang sisihin kundi ang sarili ko lang. Less complications, right?

Siguro hindi lang "privacy" ang dahilan kung bakit ayoko sa love. Sa tingin ko kasi mas magiging matatag ang isang tao kapag wala ang love. Just like my father. Hindi na siya nag asawa o nagmahal ulit pagkatapos nilang magkahiwalay ni nanay. Which is hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam ni Seulki ang dahilan. Pero tingnan mo, he's a successful man. Siya ang patunay na hindi kailangan ng tao ang love para magawa ang mga bagay na gusto niya. Coz the most used it part of being inlove is the heart and when it breaks it's ailment is the hardest to heal. At isa iyon sa magiging destruction para magtagumpay ka.

Pero paano nga ba malalaman kung ginagamit ko na ngayon ang puso ko? Kung nakakapasok na ba ako sa salitang "inlove"? Ang tanging idea ko lamang ay ang nararamdaman ko ngayon. Nararamdaman kong pagkalungkot dahil galit siya sa akin. Ang nararamdaman kong saya kapag naiisip ko ang maamo niyang mukha. Ang brown niyang mga mata. Ang mga ngiti niya. Ang nararamdaman kong excitement sa pag asa na baka pumasok na siya ngayon. Na makikita ko na siya. Pero posible ba talaga na maramdaman ko ito sa isang bagong kakilala? At paano ako makakasigurado na love na nga ito?

I sigh.

Saka ko na lamang iisipin. Ang mahalaga ay magkabati na kami dahil dalawang gabi na rin akong napupuyat sa kaiisip sa kanya.

Papunta na ako ngayon sa shop. Nagbabaka sakali na papasok na siya ngayon. At kung hindi, siguradong si Joel na naman ang kakain ng breakfast na binili ko para sa kanya.

Pagkapasok ko sa shop ay binati ako ng mga crew doon. Ngiting-ngiti si Joel na lumapit sa akin. At ang ibinulong nito ang nakapagpangiti rin sa akin.

Dali-dali akong nag arrange ng bulaklak para ibigay kay Irene na ayon kay Joel ay pumasok na daw at kasalukuyang nasa office.

Nang magawa ko ito ay ipinabigay ko ito kay Joel. Sumunod naman ang loko. Syempre boss niya ako dito. Haha

Nakapasok na siya ng office ng maalala ko na walang coffee ang breakfast na binili ko.

Tsk! Nininja moves na nga lang palpak pa!

Dali-dali akong nagtimpla ng  kape. Nakita ko si Joel na  lumabas na ng office.

"Anong sabi?" Curious kong tanong.

"Tinanong po kung sinong nagpabigay."

"And?" Naiinip kong tanong.

"Sabi ko po hindi ko kilala. Nakakatakot po kasi makatingin si Mam Irene eh." Kakamot kamot nitong sabi.

"Sige. May reward ka sa akin later." Nakangiti kong sabi pero ang totoo kinakabahan na ako sa mangyayari sa akin sa loob ng office.

Nasa tapat na ako ng office. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cup ng kape. Hindi na ako masyadong iinom nito, nagiging nerbyosa ako.

Kumatok ako saka binuksan ang pinto. Inihanda ko na ang pagkatamis tamis kong ngiti. Baka sakaling effective dahil isa naman ito sa asset ko.

"Hi. Goodmorning." Nakangiting bati ko. Tumango lang siya sa akin saka ibinalik ang paningin sa ginagawa.

Hays.

Mukhang hindi effective ang effort ko ah.

"Here.Ipinagtimpla kita ng coffee." Nasabi ko na lamang sabay baba ng kape sa table niya. Tumunghay naman siya kaya nagtama ang mga mata namin.

Hindi ko alam kung ilang segundo nagtama ang mga mata namin.

I missed those eyes! Ang mga matang satwing tinitingnan ko ay parang hinihigop ang buong kaluluwa ko. Ramdam ko din ang malakas na tibok ng puso ko kaya nagsalita na ako bago pa niya marinig ang tibok nito.Lol

"Nakalimutan ko kasing mag add ng coffee ng nag order ako niyan." Nguso ko sa breakfast na nasa table niya.

"Uhm, thanks." Gusto ko sanang itanong kung nabasa niya ba ang note. Mula kasi kaninang pagpasok ko ay di pa rin ako nakakatanggap ng smile mula sa kanya. Galit pa rin kaya siya sa akin? Pero bakit hindi naman niya itinapon ang ibinigay ko?

Hays.

Ibinalik na niya ang paningin sa ginagawa. Mukhang ayaw niyang makipag usap. Galit pa rin siya sa akin.

Pumunta na ako sa table ko saka ginawa ang mga dapat kong gawin. Kahit paano naman ay natututo na akong magseryoso sa flower shop na ito. Kung hindi, siguradong pabibitay ako ni Seulki kay Digong. Ayy teka, sino pala si Digong?

Hmm.

Maya-maya ay inalok niya akong kumain. Pero tumanggi ako. Ang pangit naman yata na ako ang nagdala, ako ang kakain. Haha Tsaka baka nilagyan niya yon ng lason dahil sa galit sa akin.

Hahaha..

Naisip ko pa talaga yon.

Mukha namang hindi na siya galit ng berilayt sa akin. See, inalok niya akong kumain. Paano ko kaya malalaman kung payag siyang mag dinner kasama ako? Ganito kaya..

Irene, tuloy ba ang date natin?

Hoy Irene,wag ka ngang pabebe, dinner tayo mamaya ha?

Irene,makipag date ka sa akin plez.

Ahm besty(iww) can I ask you out?

Ahm Irene baby, say yes say yes coz I need to know.

Hahaha.. Ano ba namang klaseng isip meron ako. Sabagay, never pa naman kasi akong magyayang makipagdate. Opo, ang mga babae ang gumagawa niyon para sa akin. Sila ang nagyayayang makipagdate sa akin. Masyado akong gwapo para pahirapan pa nila.

Nang pumatak ang tanghalian ay nagpaalam ako kay Irene na maghahalf day. Pumayag naman siya. Ang kaso, ano bang silbi ng paghahalfday ko kung hindi naman siya makikipagdate sa akin.

Teka, friendly date pala yon.. Alam ko na mga isip niyo e

May naisip ako para mapapayag siya ang kaso baka hindi siya matawa sa joke ko. Hayy..Bahala na nga!

Time Runs

Nandito kami ngayon sa safety place niya. Ito ang napili kong lugar para sa date este sa friendly date namin ni Irene.

And yes. Napapayag ko siyang mag dinner kasama ako sa pamamagitan ng joke ko. Or should I say, nang joke ni Joy. Buti na lang talaga naalala ko yung palagi niyang joke sa amin ni Amber na hindi naman namin ikinatawa. Ewan ko nga kung bakit natawa si Irene sa joke na iyon. Pero pasalamat na din ako sa kakornihan ng joke ni Joy, kundi dahil dito nganga sana ako ngayon.

"Wow! Paano mo nagawa to?" Tanong niya ng maalis ko ang blindfold sa mata niya. Nasa bandang likuran niya ako kaya hindi ko makita ang reaksyon niya pero base sa boses niya ay mukhang natuwa naman siya sa effort ko.

"I have a super powers." Bulong ko sa tenga niya. Bigla naman siyang napatuwid ng pagkakatayo na ipinagtaka ko. "Like it?" Bulong ko ulit at dahil sa mabango niyang amoy ay hindi ko na naiwasang yakapin siya. Nakaback hug ako ngayon sa kanya. Yung chin ko nakapatong sa balikat niya habang yakap  ko ang bewang niya. Napapikit ako. Sana palagi na lamang ganito. Ang sarap sa pakiramdam na yakap ko ngayon ang taong gusto ko.

*Gusto ko? Tanong ko sa sarili.

"Y-Yes. A lot." Napamulat ako ng magsalita siya. Para kasing sinagot niya ang tanong ko sa sarili.  Nanginginig pa ang boses niya ng sinabi iyon. Siguro dahil malamig na ang simoy ng hangin sa lugar.

Kumalas ako ng yakap sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili. Hinubad ko ang suot na jacket saka ipinasuot sa kanya.

"How about you?" Nag aalalang tanong niya. Ngumiti ako at sinabing ayos lang.

"Thank you, besty." Nakangiti pa niyang sabi. Tipid akong ngumiti.

*Besty. Bestfriend.

Paano ko nga ba sasabihin na gusto ko na siya? At lalong paano ko sasabihin na hindi ako ang bestfriend niya.

"I'm sorry, Irene." Hindi ko alam kung para saan ba ang sorry na iyon. Kung dahil ba sa nakaraang away, dahil ba sa hindi talaga ako si Seulki o dahil gusto ko na siya?

"Sa shop pa lang pinatawad na kita. Sorry din kung nasigawan kita." Dapat lang iyon sa akin. Siguradong hindi mo lang ako masisigawan kapag nalaman mo ang totoo. At sana mapatawad mo rin ako gaya ng pagpapatawad mo sa akin ngayon.

"Wala lang yon. Let's eat?" Yaya ko sa kanya papuntang table. Kinuha ko ang isang stem ng blue rose doon at ibinigay sa kanya pagkaupo niya.

"Thank you." Tinanggap niya iyon at inamoy amoy pa kaya napangiti ako.

"Don't worry, kasing bango ko yan." Biro ko sabay upo sa katapat niya.

"Hahahahaha.." Aba't tinawanan lang ako. Pero ang sarap sa pandinig ng tawa niya. Isang magandang musika.

"Natawa ka na dun?" Tanong ko. Ang babaw naman kasi ng kaligayahan.

"Nah! Naalala ko lang yung flower arrangement mo. Kaya ba one stem na lang dahil di ka na magaling mag arrange ngayon o baka nagtitipid ka?" Tatawa tawa pa ito habang inaasar ako. Ang daldal! Nakakainggit si Seulki dahil sa kanya lamang ganito si Irene. Samantalang sa ibang tao palagi siyang seryoso. Minsan mo lamang makikita ang mga ngiti niya. Ako sana ang dahilan ng mga ngiting iyon .Ako sana ang dahilan pero hindi ako ang pangalan na alam niya. Hindi naman kasi siya ngingiti kung alam niyang hindi ako ang bestfriend niya. Sa pangalawang pagkakataon ay nainggit ako sa kapatid ko. Una, dahil matagal niyang nakasama si nanay. Pangalawa, dahil ang pangalan niya ang tanging nakakapagpangiti kay Irene.

*I envy your life, Seulki.*

"Hey, besty, joke lang yon. Ang pikon mo." Natatawa pa rin siya. Akala niya siguro kaya tahimik ako ay dahil napikon ako sa pang aasar niya. Kung alam lang niya. Hayyyss..

"Kumain na nga tayo." Pinilit kong ngumiti at isantabi ang mga isipin ko. Kahit ngayong gabi lang, aangkinin ko ang mga ngiti niya. Ako ang dahilan ng mga ngiti niya.

"Wow! Favorite ko lahat to." Nagningning ang mga mata niya ng makita ang mga inihanda ko. Paano ko nalaman? Syempre,xsa maarte kong kapatid. Tumawag ako sa kanya kanina para itanong ang mga favorite foods ni Irene. At ayun, tanong ng tanong kung para saan yun. Sinabi ko naman ang totoo na pang peace offering ko sa bestfriend niya. Ang hindi ko lang masabi ay ang nararamdaman ko dahil siguradong pauuwiin niya agad ako sa London. At ayaw ko pa yung mangyari dahil gusto ko pang makasama si nanay at....si Irene.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎