CHAPTER 35

LOVE IS...

Juhyun's POV

 

"Cathleen?" Pagsisigurado ko ng makapasok ako ng bahay. Kakauwi ko lang galing sa school. Ang balak ko ay magbihis muna saka pumunta sa resto ni Seulgi. Sabay na rin sana kaming magdidinner. Pero mukhang may bisita kami.

 

"Hi, sis." Bumaling siya at nagtatakbo palapit sa akin.

 

Napangiti ako. She's Cathleen. Halos magka age lang kami. Siya ang nag iisang anak ni Tito Oscar. Half Chinese, Half Filipina siya. Like what I've said, isang beses ko lang siyang nameet ng personal. Madalas ay sa social media kami nagbobonding.

 

"How are you?" Yakap ko sa kanya. Hindi maitatanggi na napakaganda niya. Kung ikukumpara sa akin, wala siguro akong panama.

 

Hay..

 

Nawalan na naman ako ng bilib sa sarili ko.

 

Kasi naman parang model itong nasa harapan ko. Kahit sino sigurong babae ay maiinsecure sa kanya.

 

"I'm good. How 'bout you and the lovers?" Nakangiti din niyang sagot. Ang 'lovers' na tinutukoy niya ay si nanay at si Tito Oscar. Tama kayo ng naiisip. Hindi siya humadlang sa dalawa. Katwiran niya, kung kay nanay masaya ang kanyang ama, so be it. Hindi niya iyon tututulan. At meron na rin namang ibang asawa ang mother niya, so wala talagang naging problema sa pagitan namin.

 

"Maayos naman sila, sis. Si nanay nasa Pilipinas. Ako naman, heto malapit ng mag graduate." Nandito na kami ngayon sa sala. Saka ko pa lang nakita ang bagahe niya. Kakauwi lang niya siguro galing Pilipinas kung saan niya piniling magbakasyon.

 

"I'm happy for you, sis. How 'bout your lovelife, huh?" Panunukso pa niya sa akin.

 

"Super happy." Malapad akong ngumiti ng maisip si Seulgi.

 

"Oh! So you have a boyfriend na?" Kinikilig niyang tanong. Natutuwa ako dahil magaan ang loob namin sa isat isa.

 

"Uhm a g-girlfriend."  I blush.

 

"Wow! As in wow! I want to meet her." Excited niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.

 

Hindi siguro siya against sa mga katulad ko kaya hindi na siya nabigla.

 

Tumango ako ng nakangiti. Napagpasyahan namin na iakyat muna ang mga gamit niya sa katabi ng kwarto ko. Marami pa namang oras para magtsikahan.

 

Seulki's POV

 

Pagkatapos ng duty ko sa resto ay agad na akong nagbyahe papunta kayna Juhyun. Ipapakilala raw niya sa akin ang anak ni Tito Oscar na kinikilala na rin niyang kapatid.

 

Masaya ako dahil nagagawa na niya akong ipagmalaki sa ibang tao. Habang tumatagal ay mas minamahal ko siya. Hindi ko nga inexpect na ganito pala katindi ang pagmamahal na pwede kong ibigay sa ibang tao. At maswerte ako dahil ang taong iyon ay si Juhyun. Alam kong hindi ako nagkamali ng pagpili sa kanya.

 

Pero siya, mukhang nagkamali ng pagpili sa akin. Kontra ng konsensya ko.

 

I sigh.

 

Hindi ko muna dapat iniisip iyon sa ngayon. Basta pasasayahin ko siya sa abot ng makakaya ko. Baka sakaling pag nalaman niya ang totoo ay madali niya akong mapapatawad.

 

Nakita ko kaagad siya na naghihintay sa malaking gate ng bahay. Pinabuksan niya iyon sa guard para makapasok ang sasakyan ko.

 

"Hi, love." Humalik siya sa akin ng makababa ako ng sasakyan.

 

"I missed you, love." Paglalambing ko naman sa kanya.

 

"I missed you, too." Sabay smack niya sa akin .Hay. Kilig na naman ang wiper ko. "Pasok na tayo. Hinihintay na tayo ni sis." Nakangiti kaming pumasok ng bahay habang magkaholding hands.

 

"Si Tito Oscar?" Tanong ko.

 

"May meeting pa daw siya. Nandito naman si Cathleen at sigurado akong magkakasundo kayo." Excited niyang sabi ng papunta na kami sa dining. Nasabi niya kasing naghanda siya ng konting salo-salo para sa amin tatlo ng sis niya.

 

"Sis, she's here." Masayang sabi ni Juhyun. Nakatalikod siya sa amin ni Juhyun at ng humarap siya...

 

Wow! Super ganda! Bigla akong naintimidate sa beauty niya. Hot chx naman talaga siya pero syempre hindi ko pa rin ipagpapalit ang babaeng katabi ko ngayon.

 

Tumayo ang babae at nangunot ang noo nito.

 

"Seulgi?" Oh wow! Kilala niya si Oso?

 

"Ah eh..." Nakalapit na siya sa amin ni Juhyun pero ang ginawa niya ang ikinabigla ko.

 

Pak!

 

Ouchy! Ang saaaakeeeet!

 

Bakit niya ako sinampal?! Napahawak ako sa pisngi ko na sinampal niya.

 

"Hey, sis! What's wrong?" Naguguluhan na ring tanong ni Juhyun habang tsinetsek ang mapula kong pisngi.

 

"Hindi ka dapat nakikipagrelasyon sa kanya dahil manloloko siya!" Kita ko ang galit sa mukha nung Cathleen pero hindi ko maintindihan kung saan iyon nanggagaling. Unang una, ngayon ko palang siya nakita. Pangalawa, bakit ko naman siya lolokohin? Anong mapapala ko sa kanya?

 

"Ano bang pinagsasasabi mo, Cathleen?" Mukhang beast mode na rin ang love ko.

 

Sige love, ipagtanggol mo ako sa manananggal este mananampal na yan!

 

"Layuan mo ang babaeng yan, Juhyun!" Hinila niya si Juhyun papalayo sa akin.

 

"I can't understand you, Cathleen!" Piksi ni Juhyun. "Bakit ko siya lalayuan? She's my girlfriend!" Gigil na rin niyang sabi.

 

"Well, she's also my girlfriend. At siguradong hindi lang tayong dalawa ang girlfriends niya."

 

Huh? Madami daw akong girlfriend? Teka, bakit hindi ko alam yon?

 

"Sorry, Cathleen, pero hindi kita kilala." Sa wakas nakapagsalita rin ako.

 

"Really? Sabagay, pagkatapos mo akong paglaruan, tinaguan mo na ako. Katulad ng ginawa mo sa iba pa!" Tiim bagang niyang sabi. At kung wala lang si Juhyun na nakapagitan sa amin. Siguradong masusundan ang sampal na natanggap ko kanina.

 

"Cathleen, baka nagkakamali ka lang." Kitang kita ko ang nalilitong mukha ni Juhyun.

 

"Hindi ako pwedeng magkamali! She's Seulgi Kang! A playgirl!" Duro pa niya sa akin.

 

Natigilan naman ako sa sinabi niya. At napapikit ako ng may maisip.

 

Akala niya ako si Seulgi. Isa siguro siya sa mga babae ng kapatid ko! Tss! Bwiset! Ako ang tumanggap ng sampal na dapat ay sa kanya! Ugh!

 

"Please, sis. Calm down." Pagkasabi niya ay nagtatakbo si Cathleen upstairs. Saka siya bumaling sa akin. "Love umuwi ka muna. I'll call you later." Hindi man lang siya nag abalang halikan ako. Hmp! Nasundan ko na lamang siya ng tingin habang sinusundan niya ang kapatid.

 

Hays.

 

Humanda ka sa akin, Seulgi!! Nagpupuyos ang damdamin kong lumabas saka idinial ang number ni Seulgi.

 

Fast forward

 

Tatlong araw na kaming hindi nagkakausap ni Juhyun. Bantay sarado kasi siya kay Cathleen. Tutol talaga si ate mong girl sa lovestory namin ni Juhyun. Haysss.. 

 

Nang huling magkausap kami ni Juhyun ay sa phone lang. Sinabi niya na mag sstay sa kanila si ate mong girl. Alam kong nagalit siya ng malaman niyang pati si Cathleen ay naging girlfriend ko, ayy ni Seulgi pala. Pero naexplain ko na naman sa kanya na matino na ako at siya nalang ang nag iisang babae sa buhay ko(kahit ang totoo, siya lang naman talaga).

 

Pero nagdesisyon pa rin siya na mag agwat muna daw kami dahil nasasaktan pa rin daw si ate mong girl. Mukhang hindi pa siya nakaka move on sa walangya kong kapatid.

 

Hindi ko tinanggap ang space space choochoo niya. Hindi ako papayag na pagbayaran ang isang bagay na hindi ko naman ginawa. Kaya pinipilit ko pa ring makalapit kay Juhyun kahit halos ilibing na ako ng buhay ni ate mong girl.

 

Nakausap ko na rin si Seulgi. Aba't ang hunghang, hindi daw niya natatandaan si Cathleen. Pagkatapos pagsawaan, who you na agad? Grabe! As in grabe sa kalandian yung kapatid kong yun! Kung nandito lang siya, nakatikim na siya ng upper cut at flying kick dahil sa kalandian niya!

 

Heto nga at tamang abang na naman ako sa school niya. Umaasa na makikita at makakapag usap man lang kami.

 

Juhyun! Napangiti ako ng makita ko siyang lumabas. Hay! Miss na miss ko na ang love ko. Daig pa namin ang LDR. Malapit nga ngunit malayo pa rin.

 

Humakbang ako para makalapit sa kanya pero umurong din agad ng salubungin siya ni Cathleen. Nasundan ko na lamang sila ng tingin habang papasakay ng kotse hanggang sa umandar iyon.

 

I sigh.

 

Ang tagal kong naghintay dito, wala rin pala. Ugh! Ang lupit ng kapalaran! Sumakay na ako ng sasakyan at nag isip kung paano mawawala sa landas namin ang kontrabida niyang kapatid.

 

Bago ko tuluyang pinaandar ang sasakyan ay may naisip na ako kung paano makakalapit kay Juhyun.

 

Kung di ko siya makuha sa santong suyuan. Kukunin ko siya sa santong akyatan.

 

Juhyun's POV

 

It's eleven o'clock in the evening pero heto at dilat pa rin ako. Sa katunayan ay ilang araw na akong puyat, dahil ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ni Seulgi. Hanggang ngayon ay bantay pa rin ako ni Cathleen. Mas lalo ko tuloy nararamdaman ang pagka miss sa love ko. Hayss..

 

Napahikbi ako sa kawalan ng pag asa. Naconfiscate na rin ni Cathleen ang phone ko kaya wala man lang kaming communication ni Seulgi. Napahikbi ako sa sobrang lungkot na nararamdaman. Kung sana ay nandito lang siya sa tabi ko.

 

Napayakap na lang ako sa unan at pumikit. Pero agad din akong napamulat ng may marinig akong kaluskos na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko.

 

Tok

 

Tok

 

Napabalikwas ako ng makita roon si Seulgi. Sumesenyas siya na buksan ko ang bintana.

 

"Bakit ka nandito at paano ka nakaakyat dito?" Mahina ngunit madiin kong tanong ng pagbuksan ko siya ng bintana.

 

"Bigyan mo ng bonus ang guard niyo, ha." Sabi niya imbis na sagutin ang tanong ko. Nagtanong na lang ako kung 

 

"Bakit?"

 

"Hindi sana ako makakaakyat dito kung gising siya." Nakangisi niyang sagot.

 

So tulog ang guard? Kaya pala may nakaakyat na unggoy dito.Lol

 

"Bakit ka ba nandito?" Natataranta kong tanong. Paano na lang kung malaman ito ni Cathleen. Siguradong mas lalo na siyang mababadshot sa babae.

 

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

 

"Wala ka sa pinto para papasukin ko!" Inis kong sabi.

 

Gumagawa na nga ako ng way para magkaayos sila ni Cathleen. Tapos gagawa siya ngayon ng kaungguyan! Tss!

 

Napansin ko ang pag pout niya.

 

"Tsk! Halika na nga." Hila ko sa kanya paloob. Ugh! Hindi ko talaga siya matiis.

 

"Love, miss na miss na kita." Sabi niya sabay yakap sa akin. Natunaw ang puso ko ng maramdaman ko ang yakap niya. Kaya yumakap na rin ako ng buong higpit.

 

"Miss na rin kita, Love. Pero sa ngayon kailangan mo ng umuwi bago pa malaman ni Cathleen na nandito ka." Pakiusap ko sa kanya.

 

"Pero love---"

 

Tok

 

Tok

 

Tok

 

Pareho kaming napabaling sa pinto.

 

"Juhyun?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ko si Cathleen sa likod ng pinto.

 

"Tumago ka! Bilisan mo!" Natataranta kong tulak kay Seulgi.

 

"No haharapin ko siya!" Matigas niyang tanggi.

 

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Magtatago ka o mamamatay?" Mukhang natakot naman ang unggoy at ayun, pumasok siya sa c.r para magtago.

 

"Juhyun?" Panay pa rin ang katok ng kalaban.Lol

 

Buntong-hininga.

 

"Yes, sis?" Kunwari'y pupungas ako ng buksan ko ang pinto.

 

Pumasok siya at umupo kaya lalo akong kinabahan.

 

"Can I sleep here?"

 

"Hindi pwede!" Nabibigla kong sagot. Napatakip na lang ako ng bibig sa nasabi kong katangahan.

 

"Bakit hindi pwede?" Kunot noo nitong tanong.

 

"Ah kasi inuubo ako baka mahawaan ka pa." Pagdadahilan ko.

 

"Ganun ba?" Tumayo na ito, "Just take a med para hindi na yan lumala." Tumango na lamang ako. Lumakad siya sa may pinto saka muling nagsalita. "Goodnight sis. Saraduhan mo yung bintana mo, baka may makapasok na vampire." Pagbibiro pa niya ng makitang bukas ang bintana. Saka niya isinara ang pinto.

 

Halos mamula naman ako sa sinabi niya.

 

Kung alam mo lang! May vampire na ngang nakapasok! Naalala ko na naman ng nilagyan ako ni Seulgi ng kissmark sa leeg. Nagmistulang vampire nga siya. At ilang araw naman akong naka turtle neck wag lang mahalata ang kissmark na ginawa niya.

 

Bago ako bumalik sa kama ay inilocked ko na ang pinto.

 

"Labas ka na vampire." Sabi ko kay Seulgi. Lumabas nga ang ugok na ngiting ngiti.

 

Hays! Namiss ko pati smile niya.

 

Sumampa siya sa kama nang makalabas ng c.r.

 

"Hoy, anong ginagawa mo? Umuwi ka na!" Pilit ko siyang hinihila para makatayo pero ang unggoy dumapa pa talaga.

 

"Dito ako matutulog." Nanlaki ang mata ko.

 

"No! Hindi ka pwedeng matulog dito!" Kahit naman inaakit ko siya minsan ay hindi ko kayang matulog na kasama siya sa iisang kama. Ano na lang sasabihin ng ibang tao?!

 

"Ah basta, dito ako matutulog." Kinuha niya ang kumot at nagtaklob siya.

 

"Love ano ba!" Pilit kong inaalis ang kumot sa katawan niya. "Hindi ka pwede dito. Paano kung maabutan tayo ni Cathleen bukas? Ano na lang iisipin niya?" 

 

"Wala akong pakialam sa sasabihin niya. And besides, I'm tired love. Hindi ko na kayang magdrive pauwi." Katwiran niya habang nakadungaw ang ulo sa kumot.

 

Ugh! Paawa na naman siya!

 

"Okay, pero dun ka sa sofa matutulog." Turo ko sa sofa na naroon sa kwarto ko.

 

"What? Love naman. Hindi ako kasya dyan." Napangiti ako dahil sa pagrereklamo niya. Ang cute-cute!

 

"Sa sofa ka o sa labas ka?" Pagbabanta ko. Mahirap na baka maibigay ko kaagad ang puri ko. May tiwala naman ako sa kanya pero sa sarili ko? Wala. Lol.

 

Umupo siya sa kama at tiim na tumitig sa akin saka sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

 

"Sa kama ako o kay Cathleen?" Ugh! Ang unggoy na to, ang lakas ng loob magpaselos! At oo, inaamin kong nagseselos nga ako!

 

"Bwiset ka talaga!" Inis kong sabi saka inagaw ang kumot sa kanya. Humiga at tumalikod sa gawi niya. Tawa naman siya ng tawa sa sariling kalokohan.

 

Maya-maya ay naramdaman kong nag back hug siya sa akin. Yung paghinga niya ay tumatama sa batok ko. Hays Jusko! Wag sana kaming saniban ng masamang espiritu.Lol

 

"Goodnight, love. I love you." Napangiti ako ng bumulong siya sa akin.

 

"Goodnight din love. At love na love din kita." Baling ko sa kanya. Hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako. Ramdam na ramdam ko ang respeto niya para sa akin. Nagmulat ako at siya naman ang binigyan ng halik sa lips.

 

Yumakap siya sa akin pagkatapos ng halik. Nakaunan naman sa braso niya ang ulo ko. At bago ako pumikit, nakapagdesisyon na ako na ipaglalaban ang relasyon naming dalawa.

 

Umaga.

 

Nagising akong wala na sa tabi ko si Seulgi. Siguradong nang madaling araw siya pumuslit para walang makakita sa kanya. May lahi siguro siyang ninja.Lol

 

Masaya ang gising ko ngayong umaga hindi katulad ng mga naunang araw. Siguro dahil katabi ko sa pagtulog si love.

 

Nag ayos ako ng sarili bago bumaba at mag almusal.

 

"Goodmorning, sis." Masayang bati ni Cathleen na nasa hapag na.

 

"Goodmorning too." Sabay upo ko sa katapat niya. Hindi ko na naabutan si Tito Oscar, marahil maaga siyang umalis.

 

"How was your sleep? Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong nito habang kumakain.

 

"Okay na ako, sis. Uhmm... can we talk?" Nag aatubili kong tanong. Napaangat naman ang tingin niya sa akin.

 

"About what? Kung tungkol yan kay Seulgi, wag mo ng ituloy." Sabay balik nito sa pagkain.

 

"Pero sis, gusto kong maintindihan mo na nagbago na siya."

 

"Really? Ganun mo ba siya kamahal para mabulagan?" Sarcastic nitong tanong.

 

"Yes, I love her. Please give her a chance to prove herself." Nagsukatan kami ng tingin pero agad siyang nagbawi at nagsalita.

 

"Sige. May pupuntahan tayo ngayon. Isama mo siya." Sa katuwaan ko ay napatayo ako at niyakap siya.

 

"Thank you, sis. Thank you talaga." Yung yakap ko sa kanya ay halos madurog na siya. Ang saya!

 

Seulki's POV

 

Nandito kami ngayon sa mall. Kami. Meaning, ako, si Juhyun at ang asungot este si Cathleen.

 

Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko sa dami ng buhat kong shopping bags. Gawin ba naman akong alalay?Tss!

 

Akala ko ay solve na ang problema ng tumawag si Juhyun na lalabas daw kami. Yun pala ay kalbaryo. Jeske!

 

"Love, kaya mo pa ba?" Tanong ni Juhyun. Halatang naaawa na siya sa akin.

 

Eh kung sabihin kong hindi na, tutulong ka ba? Gusto kong isagot pero ngumiti na lang ako at tumango.

 

Pinunasan niya ang pawis sa noo ko dahil iyon lang naman ang maitutulong niya sa akin. Isa sa rules ng asungot ay wag akong tutulungan. Bwiset!

 

"Hurry up! Marami pa tayong pupuntahan." I rolled my eyes.

 

Naging sunod-sunuran ako kay asungot habang naroon kami sa Mall. Kahit sa pag kain o panonood ng sine ay hindi kami pwedeng magtabi ni Juhyun.

 

Daig pa ang 'strict ang parents'! Tss!

 

Maya-maya ay nagpaalam si Juhyun na gagamit ng restroom. Gusto ko sanang sumunod para kahit sa restroom man lang ay magkamoment kami. Kaso, ayun, may kontrabida na naman.

 

"Mahal mo ba talaga ang kapatid ko?" Tanong ni Cathleen ng makapasok sa restroom si Juhyun.

 

"Sa totoo lang, hindi siya ang taong pinangarap ko." Hindi siya, dahil pinangarap ko noon ay isang Prince Charming. Yung makisig. Yung kaya akong protektahan. "Dahil mas higit pa siya don." Ngumiti ako sa kanya. Halos mangislap ang mga mata ko ng maisip ko si Juhyun. Ang aking Princess Charming.

 

"At sa tanong mo, kung mahal ko ba talaga siya? Ang sagot ay oo. Oo dahil siya lang ang babaeng nagawang ibahin ang paniniwala ko. Ang prinsipyo ko. Ang tibok ng puso ko. Siya lang ang babaeng tingnan ko pa lang ay masaya na ako. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. At kahit ilang ulit kang humadlang, mas maraming ulit ko siyang ipaglalaban." Matapat kong sagot sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. Binabasa ang sinseridad ko. "And I'm sorry kung nasaktan ka ni--kung nasaktan kita noon. Pero makakaasa kang hindi ko siya sasaktan. And one thing I assure you kung sakali mang masaktan ko siya. Ako na mismo ang magbibigay ng parusa sa sarili ko." Ngumiti siya at sa pag ngiti niya ay lumuwag ang paghinga ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

 

"Siguraduhin mo lang na hindi mo siya sasaktan. Hindi mo siya igagaya sa akin o sa iba. Dahil ako ang unang magpaparusa sayo bago mo pa maparusahan ang sarili mo. Maliwanag?" Seryoso niyang tanong na lalong ikinalapad ng pagkakangiti ko.

 

"Loud and clear." Sabay tango ng paulit ulit.

 

Tinalikuran na niya ako pagkasabi niyon at mukhang hahayaan na niya kami ni Juhyun na mag date ngayong araw.

 

Oyas! Malaya na kami! Were young wild and FREE! Yey!

 

"Love, where's Cathleen?" Napangiti ako sa boses na iyon. Bumaling ako sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.

 

"I love you, love. I love you.(forehead kiss) I love you.(nose) I love you.(cheeks) I love you.(lips)." Natatawa siya habang ginagawa ko iyon. Ni hindi na nga ako nahiya. Masaya ang feels ko ngayon. Mukhang nagegets naman niya kung bakit ako masaya ngayong araw. Hay salamat, hindi na po siya slow. Charot!

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎