CHAPTER 6

LOVE IS...

Seulki's POV

Yehey! Nandito na ako sa bahay namin kasama si Dadiyo, sinundo niya ako sa condo at kumain narin kami sa labas bago umuwi ng bahay. Ang saya ko lang dahil nakabonding ko si Dad, ang jeprox niya talaga feeling bagets. Buti na lang at nasasakyan ko ang mga trip niya.

"Dude just take a rest, you have a lunch date later." Napatigil ako sa sinabing yon ni Dad.

"Sino po?" Kumindat lang naman siya. Hayys jusmiyo mukhang ibubugaw ako ng sarili kong ama.

"Don't worry after that, gala na naman tayo." Yiiee bonding with my Dad again. Tumango ako saka hinananp ang kwarto ni Seulgi. Agad ko naman iyong nakita dahil tinanong ko sa maid. Sus, masyado akong maganda para pahirapan ko pa ang sarili ko.

It's 8 am here, so it's 3 pm in the Philippines.

Tawagan ko muna si Seulgi bago magpahinga. Kamusta na kaya ang kumag na yon?

"Anong kailangan mo?"

"Wow huh! Ang gandang pagbati!" Sarcastic kong sabi.

"Busy kasi ako."

"Sa flower shop?" Hayys miss ko na ang flower shop. May naririnig akong humagikhik, dedma nalang ang lola niyo.

"Busy ako sa pamimitas ng bulaklak."

"Ano ba Seulki, nakikiliti ako." Namula ako sa narinig ko. Abat ang kumag na toh may gingawa pa yatang milagro gamit ang pangalan ko. THE NERVE!

"Hoy, Seulgi! Yung flower shop ang pinababantayan ko sayo, hindi kung anong bulaklak!" Inis kong sabi.

"Chill, girl. Nadun naman ang bff mo, for sure hindi na niya ako kailangan tutal masyado siyang nagmamagaling."

"At anong ginawa mo sa best friend ko?!"

"Nothing, siya ang may atraso sakin. Nilait niya yung flower arrangement na ginawa ko."

"Wutt?" Maarte kong react. "Nababaliw ka na ba? Siguradong disaster ang ginawa mo!" Pinipiko talaga ako ng kumag na toh. Ang sakit sa bangs.

"Magbestfriend nga kayo, parehas kayong mapanglait." Sabi niya habang naririnig ko pa rin ang tawa ng babae na parang kinikiliti kung saan. Mga haliparot!

"Please lang Seulgi, wag mong dungisan ang pagiging plorista ko. Ikaw na muna ang kumamot dyan  sa kakatihan mo! Wag ka din magpahalata kay Irene dahil---"

"Yes babe...ohh...please.." Ungol na naman.

"At pwede bang tigilan mo yang 'pambubulakalak' mo dahil kapag hindi ako nakapagpigil, UUWI AKO DYAN AT IKAW ANG LALAGYAN KO NG BULAK SA ILONG!" Bulyaw ko bago tapusin ang tawag. Ako ngayon ang walang manners, naku Seulgi tatamaan ka talaga sakin kapag wala na akong magandang pangalang babalikan sa pinas.

Time Runs

"Relax dude. For sure magugustuhan ka niya." Tapik tapik ni Dad ang balikat ko. Nandito kami ngayon sa isang sikat na resto sa London. Oo nga pala, may resto din si Seulgi pero hindi kami doon nagpunta ni Dad. Maiba naman daw ang ambiance buti na lang at alan ng dalawang barkada nito kung sino talaga ako, kundi dalawa ko pa silang problema.

Heto naman ang magaling kong ama. Excited akong ibugaw sa anak ng business partner niya.

"Oh they are here." Sinalubong sila ni Dad, samatalang ako ay nanatiling nakaupo. Kung lalaki sana ang ipapadate niya sakin nagtaalon na ko sa tuwa. Kaso nga lang kemerlut. Ano yon magkekemerlutan kami?! Geez! I can't imagine.

"Hija, nandito na sila." Oo nga ho, kakasabi niyo lang kanina, diba? Gusto kong isagot  pero tumunghay nalang ako at pilit ngumiti. Mabilis namang nawala ang mga ngiting iyon ng makita ko ang dalawang tao  sa harapan ko. A man, ka age siya ni Dad. At isang nerd na babae na kamukha ni...

"Besty???" Napatayo ako at humarap sa kanila. Nagulat silang tatlo lalo na ang babae na kaharap ko. Nakapony tail ito, at may malapad na salamin sa mata. Gusto kong matawa sa trip ni Irene pero mas gusto kong malaman kung bakit siya nandito kaya nagawa ko siyang hilahin palayo.

"Ang tinik ng anak mo kumpadre." Narinig ko pang sabi ng business partner ni Dad na ikinatawa ng huli.

Saka ko binitawan ang nanlalamig niyang kamay, nang makita ko na malayo na kami sa dalawang bugaw este sa matanda.

"Besty, why are you here? And who told you to wear that?" Turo ko sa suot niya. Yung totoo kailan ka pa naging baduy besty? Nakalong sleeve at nakapalda ito ng lampas tuhod. Ikinahihiya kita Irene! Mukha kasi siyang taga probinsya. Doong liblib na lugar na puro aswang haha.

"Uhmm..." Malikot ang mga mata nya at mukhang kinakabahan. "Y-You're Seulgi right?" Napakunot ang noo ko.

Seulgi

Seulgi

Seulgi

Oh shoot! Nakalimutan kong si Seulgi nga pala ako ngayon, Seulki focus. Just focus.

"I-I'm Juhyun Kim." Napakunot na naman ako ng noo. Juhyun?! Di ba si Irene ka? Gusto kong itanong pero paano kung mali pala ako. Inilahad niya ang palad  niya at tinanggap ko naman iyon.

"Seulgi." Ang lamig ng kamay niya, ipinaglihi yata ito sa yelo. Hawak ko pa rin ang kamay niya sabay ngiti sa akin.

Tug dug. Tug dug....

Teka ano yon?

"Nice to meet you, Juhun."

"I-Its Juhyun." Pagtaama nito. Ang arte, magkatunog naman ihh.

"I mean Juhyun." Nginitian ko siya ng ubod tamis. Kailangan kong mapanindigan ang kalandiang taglay ni Seulgi. Napatitig ako sa mga mata niya and there's something na hindi ko maipaliwanag, isang komportableng pakiramdam na ngayon ko pa lang naramdaman. Hayys namimiss ko lang siguro si Besty.

"W-Who's besty? Your girlfriend?" Besty? Girlfriend? Eh kung ihampas ko kaya sa pagmumukha niya tong leather jacket na suot ko! Oyas! Coco Martin ang peg ko ngayon. Jusmiyo marimar para akong action star sa suot ko ngayon, nakakairita!

"Nope a friend of mine, let's back there." Yaya ko sa kanya pabalik sa table namin. Hindi ko na siya hinawakan dahil baka mahawa ako sa kabaduyan niyang taglay.

"S-Sige." Napatigil ako sa paglalakad kaya nabangga niya ang likod ko. Muntik na itong mabuwal buti na lang at nahawakan ko ang bewang niya.

"Are you alright?" Tss, clumsy!

Tumango lang ito habang pulang pula ang pisngi. Napatitig na naman ako sa mukha niya at ganun na naman ang kakaibang tibok ng puso ko.

"Ba-Bakit?" Tanong niya. Bigla ko namang inalis ang pagkakahawak ko  sa bewang niya. Ngumiti ako saka umiling, marunong naman pala magtagalog pinahirapan pa ako.

Nakahiwalay kay na Dad ang table namin ni Ms. Nerdy para raw mas makilala namin ang isat isa. As if naman gusto ko siyang makilala.

"U-Upo ka." Nahihiyang sabi nito.

"Nakaupo na." Walang gana kong sagot. Nauna pa nga akong maupo sa kaniya tss. Panget na nga, tanga pa. Bulong ko sa sarili ko.

"Ano yun?"

"Nothing, order na tayo." Nginitian ko siya ng pilit.

Habang kumakain ay sinusulyapan ko siya. Kamukha niya talaga si Irene, makeover lang ang katapat nito at siguradong may instant besty na ako dito sa London. Perfect ang bright idea ko!

Pero bakit nga magkamukha sila ng besty ko. Matagal ko ng kilala Irene since highschool pa wala naman siyang nakukwento sakin na may kakambal siya or what. Imposible din yon dahil only child siya sa pamilya.

"W-Why?" Naiilang na tanong nito. Napansin sigurong tinitingnan ko siya.

"Hmm, may gagawin kaba tomorrow?" Tanong ko na ikinabigla niya.

"W-Wala naman, B-Bakit?" Lagi sigurong nagkakape toh, nerbyosa eh.

"I want to ask you out?" Nakangiting sagot ko na lalo niyang ikinabigla. Teh wag palaging kape, mag gatas din paminsan minsan.

"A-Are you sure?" 

"Yeah, shopping tayo." Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Bakit? Wala ba siyang pangshopping?

"M-Mahilig ka palang magshopping?" Ay tanga! Si Seulgi nga pala ako ngayon. I wonder kung nagshoshopping ang kumag na yun.

"I mean, let's Hangout."

"S-Sure!" Pati mga mata niya ay nakangiti sa akin.

Tug dug, tug dug, tug dug...

Napainom ako ng tubig nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hayys, ano bang problema ng puso ko? Magpapacheck up na ako pagdating ko ng Pilipinas. Choz!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
MAY BOOK 2 PO ITO, CHECK NIYO NALANG

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki #1
Where Po Ang book 2?
Eyli_Bae
#2
May book two po sya ^.^
reuxxxklp
#3
Chapter 40: why naman ganun yung ending 😭🤧
Bae_Kang23 #4
Part 2 authornim please! 😍
mafiaLeus
#5
Chapter 40: Sana may Part 2 authornim ..hehe .,
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 40: Author-nim thank you for being a good storyteller!
You really know how to Suprise your readers..☺️
The dedication you put into this story is amazingly BEAUTIFUL.
Keep the Fire Burning 🔥❤️
P. S. Dont worry we still hope na masarap pa rin ang ulam mo... Sana may panghimagas ka pa. 😎😉

Waiting with respect. 🙏🙌
~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
Goeynceilove
34 streak #7
Chapter 40: Honest opinion.
Hope you still find time to read my long rant.
Author-nim anong ginawa mo sa story???
I can't imagine what kind of Love you want to convey in this AU but definitely not the Love that shows compassion, understanding, forebearing ...
I don't know maybe we have different definition of "LOVE".
I kinda disappointed how the twins Joohyun and Irene acted towards Seulki and Seulgi to the last part where hayyyy...grabe Hatred prevailed to the point they physically and emotionally hurt each other 💔
The LOVE they "HAD" was clouded by RESENTMENT and AGONY. ANONG NANGYARI?! SAN NA YUNG LOVE Nila? Mali na sa mali ginawa nila Seulgi at Seulki (basically their intention is not really PLANNED to hurt the other twins naipit din sila sa sitwasyon) pero naman grabe tindi naman makabawi ng GALIT at POOT yung Kambal. NALOKA ako at NALUNGKOT sa kwento Gayon man, ikaw ang author it's your prerogative ano gusto mong gawin sa story nato.. But I also hope u understand and respect the readers views or feelings. We have our share and I'm Sorry that I am disheartened with how it ends like that...
I don't know how a great story at first becomes a saddening and heartbreaking one...
It's been a roller-coaster ride in the end and it ended like a shattered glasses😞.
I am Not really sure if there will be Season 2.
I guess we can't have it all.
Still, I admired your work.
Oh well, as the title itself "LOVE IS..."
I will leave you with one of my Fave Verse,

"Above all, continue to love each other deeply,
because LOVE COVERS a MULTITUDE of SINS."
~ 1 Peter 4:8

~Warm Hugs & Sweet kisses 🐻🐰
twice_1020
#8
Chapter 30: ang witty ng pagkakasulat tsaka nung plot ng story🤧
gray13 #9
author-nim nagpm po ako sayo
Goeynceilove
34 streak #10
Chapter 19: Author-nim grabe antaba ng utak mo!!! Napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa mga TWIN COUPLES!
Hanep din ang mga bitawan ng punchlines 🤣
Mahusay! Mahusay! Mahusay!
Slow clap👏👏👏Salute🙋‍♂️🙋🙋‍♀️
Di na kami makapag antay sa susunod na kabanata.
Keep up the GREAT WORK Author-nim 👍👌🙏😎