NYE

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

“Tabi sounds cool, Kal. Okay, we’ll call her Tabi,” Karina uttered then placed another kiss on my temple. Nakangiti pa rin akong tinitignan ang puppy na niregalo sa akin ni Karina nang maalala ko na hindi ko pa nabibigay ang regalo na ginawa ko sakanya. I widened my eyes at mabilis na tumingin sa relo ko.


, eight minutes nalang Pasko na.


“Teka teka…” Lumayo ako sakanya making her furrow her eyebrows. Hinawakan ko ang isang kamay niya habang karga ko pa din sa isa kong braso si Tabi. “Kal, punta tayo sa room ko. Yung gift ko!” taranta kong sigaw kaya naman natawa siya ng bahagya saka tumango. Hinila ko na siya palabas ng kwarto niya at pumunta sa kwarto ko para ibigay ang  matagal ko nang pinaghandaan. 


When I say matagal, it’s really matagal. Wow, conyo!


“Upo ka muna sa bed, babe,” utos ko sakanya and gently put Tabi beside her sa bed ko. 


“Should I close my eyes din?” 


Umiling ako saka ngumiti. “No need,” saka pumunta sa closet para kunin ang pinacustomize ko pang gift for her. Huminga ako ng malalim habang tinitignan ang outcome ng gift ko. Magugustuhan niya kaya ‘to?


“Kali? What’s taking you so long?” tanong ni Karina so I let out a nervous chuckle saka isinara ang cabinet at itinago ang regalo ko sa likod ko saka naglakad pabalik kay Karina. Napangiti agad ako sa nakita ko— she was caressing Tabi’s head habang nakahiga ito sa lap niya.


“Where is it?”


I took a deep breath one last time saka ko ipinakita ang itinatago ko sa likod ko. 


“Merry Christmas, my love,” I bit my lower lip nang tanggapin niya ang ibinagay ko sakanyang regalo. She was looking intently at it at para bang confused sa ibingay ko kaya naman I can’t help but to chuckle.


“It’s an LP vinyl disc with my own songs for you, Karina.”


She caressed the vinyl cover at napansin kong nagpout na siya. When she looked up at me, doon ko na nakita na namumuo na ang mga luha sakanyang mga mata. 


“Baby, the disc cover is…” she mumbled at napatingin ulit sa cover ng regalo ko sakanya. 


“It's a photo of us taken by Giselle,” I explained. I watch as she gently places Tabi and my gift on the bed before lunging to me and giving me the tightest hug, causing me to grunt from the unexpected contact.


“Kali,” she murmured, burying her face in the crook of my neck. “I hate you for making me cry on Christmas Eve,” she sobbed at naramdaman ko na ang luha na dumadampi sa balat ko. I chuckled kahit na naluluha na rin ako so I hugged her back as I rest my chin on her shoulders. 


“I love you…” I mumbled as I close my eyes. Sobrang saya ko lang ngayong gabi dahil nandito lahat ng taong mahal ko ngayong gabi. I have never felt this happy and contented in my whole existence and it’s all because of Karina.


“I love you, too, Kali. I love you…”


Nanatili kami sa ganong posisyon until she pulled away habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya. Nagulat pa siya ng makita na umiyak rin ako kaya she pouted even more at iiyak pa ata ulit kaya natawa na ako.


“You wrote songs for me?”


Tumango ako. “Diba I made you listen to my two songs? Meron pa talaga but I was saving them for Christmas,” I replied. “Do you want to listen to it and maybe dance?” pagtatanong ko. She raised her eyebrows sa question then nodded enthusiastically. 


“But we don’t have turntable platter,” sagot niya when she realized na hindi namin mapapakinggan yung mga songs. I took a step back and looked at her incredulously while pointing my finger at myself.


“You have the singer right in front of you,” I responded matter-of-factly. She laughed and pulled me closer to her, wrapping her arms around my neck and pulling me close. I wrapped my arms around her waist as if they were meant to be there, inhaling her favorite scent.

 

I took a deep breath and cleared my throat bago kantahin ang isa sa mga paborito kong kanta na naisulat habang iniisip siya.


Kung ako lang ang masusunod
Aakuhin ko ang 'yong pagod
'Di ka na muling luluha
Lahat ng 'yong dinadala, akin na


Karina rested her head against my chest as we swayed to the music. Baka marinig niya kung gaano kalakas tumitibok ang puso ko sa kaba.


Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko s'ya sa 'yo


I never expected—ever in my life— na I’ll get to dedicate a song to Karina Yu. She was out of my league at hindi ko talaga inasahan na mahuhulog siya sa akin. I was dense the whole time and she was patient with me. She’s everything I want. Si Karina lang.


Kung pag-aari ko lang ang lumbay
Itatago ko s'ya habang-buhay
Wala nang inggit, wala nang galit
Paliligayahin kita bawat saglit
Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko s'ya sa 'yo
 
 
Kung hawak ko lang ang panahon
Wala nang kahapon at bukas, mayro'n lang ngayon
At nais kong maging saysay ng aking buhay
Ay bigyan ang iyo ng kulay
 
 
Karina shifted her weight off my chest and raised her head to meet me at eye level. Her eyes are glistening with tears, and her nose and ears are also red. She looks at me longingly and adoringly as she withdraws her right arm to caress my cheeks with her hand. I closed my eyes and leaned my head on her hand.
 
 
God, I don't want this moment to end.
 
 
Binuksan ko ulit ang mata ko and saw her still looking at me white mouthing, “I love you.”
 
Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko s'ya sa 'yo
Oh, sa 'yo
 
Kung akin lang ang mundo (kung akin lang ang mundo)
Kung akin lang ang mundo (kung akin lang ang mundo)
Ibibigay ko s'ya sa 'yo (kung akin lang ang mundo)
 
 
We heard a loud cheering outside the room after the song ended kaya napatingin kaming dalawa sa pinto. Glasses are clinking and clapping can be heard from the living room.
 
 
“Merry Christmas!”
 
 
 
I chuckled, but when I looked back at Karina, she was still looking at me with a contented smile on her face. I was about to open my mouth to wish her a Merry Christmas when she kissed me tenderly on the lips and closed the remaining space between us. I returned the kiss with equal gentleness. It felt like everything I could ask for—gentle, warm, and comforting.
 
 
 
Our kiss was cut short when Tabi barked. We slowly separated our lips and looked at our new puppy. She's barking at us, which made both of us giggle. Nagkatinginan ulit kami ni Karina and flashed each other a hearty smile.


“Merry Christmas, my Kali.”


“Merry Christmas, baby ko.”


Pagkatapos namin maglandian ng slight sa kwarto, we went downstairs na to greet our family and friends a Merry Christmas. Mom told me na umalis na ang dalawang kapatid ko dahil pupunta daw si Kuya sa bahay nila Ate Dara while si Ate Taeyeon naman daw ay hindi niya alam kung bakit umalis.


Shempre, sasalubungin nilang magpapamilya ang Pasko. Napangiti nalang ako nang maisip ko na susuotin ni Kat yung binili naming Christmas outfit niya. Ate informed na bibisita silang tatlo sa bahay after Christmas para maibigay na rin ang mga regalo namin kay Kat. 


I asked Mom kung bakit hindi pa siya umuuwi since Dad is spending his night alone sa bahay nila and she said na uuwi na rin siya maya-maya, hinihintay niya lang yung driver na sunduin siya. 
Kahit naman galit ako sa tatay ko, I think he deserves to have someone ngayong Pasko.


Pero hindi nga lang ako.


We exchanged gifts—kaming bed spacers and Karina. Tuwang-tuwa si Ning sa mga niregalo sakanya ng mga kaibigan namin. Ang sarap talaga maging palamunin! Pero pansin ko lang simula ng party kanina, wala siya masyado sa mood. Hindi naman siya kinukulit ni Jake. Pati nga si Gigi hindi niya rin kinakausap. 


Anong meron don?


Ning gave me the knife set I’ve been dying to buy kaya naman tuwang-tuwa ako sa best friend ko. Giselle presented me with a bottle of wine and a bottle opener personalized with my name. Karina also gave me a necklace with her initial as the pendant, similar to hers.


Needless to say, the party was successful. Our friends congratulated us sa relationship namin. Sayang lang wala si Jeno. I guess I have to face him pa din pero other than him, masaya naman yung mga kaibigan namin for us. Noon pa lang daw ay halata nang down bad sa akin si Karina nung nag Puerto Galera pa lang daw kami ay halata na. Hay, ako lang ‘to. Alam ko namang crushable ako. Nagkaroon tuloy ako ng bagong pang-asar kay Karina.


“Ikaw Kal ha, patay na patay ka sa akin.”


“You’re enjoying yourself too much, Winter Kim.”


Umuwi rin sila Tita sa condo ni Ate Krystal around 2 AM dahil they said magcecelebrate silang family doon sa condominium. Medyo nahiya naman ako kasi pwede naman sila dito sa bahay ni Karina pero dahil may tatlong bed spacers, wala silang privacy. I’m sure they don’t mind naman na may tao sa bahay ng anak nila. Hello, mababait naman kami!


Basta ako, merry ang Christmas ko. Sana kayo din.

 

 

 

 

 

 

“Saan tayo, Bes?” tanong sa akin ni Ning habang nakaupo sa shotgun seat at karga si Tabi. 


“Kakain sa labas, malamang,” sagot ko naman. Lagi namin kasing cinecelebrate ang Christmas ng magkasama dahil lagi ngang wala yung parents niya and well, as for me, pinalayas nga ako sa bahay namin.  “Nakausap mo na sila Tita? Ano sabi?”


“Oo. Nag video call kami kanina. May ipapadala daw sila sa akin na regalo. May regalo ka din. Baka umuwi daw sila dito sa Manila sa June,” sagot niya. Napataas ang kilay ko at napalingon sakanya ng saglit.


“Talaga? Bakit daw?”


Ning sighed before replying, “Gusto na nila ako bilhan ng condo, Win. Ang pangit daw kasi tignan na bed spacer pa din ako. Sama ka sa akin.”


Napakunot ang noo ko. I know hindi naman kami forever na bed spacers ni Karina pero masyado namang maaga? Hindi pa nga nakakapag take ng boards si Ning. Ni hindi niya nga kaya mabuhay ng wala ako. Paano siya mag-isa?


“Bakit ang bilis? Anong sabi mo?”


“Sabi ko pag-iisipan ko muna. June pa naman eh for sure lumabas na result ng boards no’n. Ayaw mo bang sumama sa akin if ever?” tanong niya while caressing Tabi. 


Napaisip ako. Paano si Karina? Hindi na nga kami halos magkita kapag may trabaho siya and the only time na nagkikita kami is kapag nasa bahay kami. Kung dati, shempre papayag agad ako but now I have Karina and nasanay na akong nandyan sya, mahihirapan ako mag decide.


“Bes, alam kong iniisip mo si Karina pero paano ako? Diba nag promise tayo na walang iwanan? Ang gusto rin bilhin nila Papa is two bedrooms na condo dahil iniisip ka din nila. Win…”


I sighed. “June pa naman diba?”


Lumingon ulit ako sakanya and saw her sadly smile. It looks like she’s disappointed sa answer ko kaya napakagat labi nalang ako. Bahala na. 


I cleared my throat and thought kung anong pwedeng itanong sa best friend ko para alisin yung heavy atmosphere sa kotse. “Saan pala pupunta si Gigi? Sabay silang umalis kanina ni Karina ah?”


“Sa family niya, of course. Pupunta ata sila ng Tagaytay. Si Karina, saan sila pupunta?”


“Condo ni Ate Krystal and baka umalis din sila. Hindi pa nagtetext ulit eh,” sagot ko naman. Bigla kong naalala yung inakto ni Ning kagabi around Giselle kaya naman itinanong ko na din.


“Okay lang ba kayo ni OM?” Bigla namang nanlaki ang mata niya at mabilis na napatingin sa akin with that question.


“H-ha? Oo naman! Bakit mo natanong?” she answered in a high pitched voice kaya alam kong may something pero hindi ko alam kung ano. What’s with Ning?


“You’re clearly lying.”


“Am not!”


“May hindi ka sinasabi sa akin Yizhuo. What’s happening with you?” 


Hininto ko ang kotse dahil red light na then faced her with my eyebrow raising. Sa sobrang kilala ko na si Ning, alam ko kung may tinatago siya sa akin or if there’s something bothering her and clearly, alam kong meron dahil she looked like she was caught doing a crime ngayon. She can’t even look me in the eyes!


She fidgets her fingers at huminga ng malalim. “Do you think Somi and Gigi are dating?”


I looked at her confusingly. “Ha? What does that have to do with you?”


She sighed for the nth time at napailing as a response.


“They’re best friends like us, Ning. Bakit? Anong meron?”


“Wala…” she mumbled saka tumingin sa akin.  “Anyway, ipagshoshopping ba natin ‘tong anak niyo ni Karina?” she asked, clearly wants to avoid the question kaya hinayaan ko nalang siya. I’m sure sasabihin niya naman sa akin yan kapag handa na siya.


“Oo. Bili tayo ng bed and toys niya tapos kikitain natin sila Kat sa Rockwell.”

 

 

 

 

 

 

 

Around 7 PM na kami nakauwi ni Ning sa bahay. Marami din kaming napamili for Tabi and Kat. Nameet din namin ni Ning yung boyfriend ni Ate. Halos magkakamukha na silang tatlo and mas kamukha ni Kuya Baekhyun yung pamangkin ko pero shempre, hindi pa din ako fully conviced doon sa lalakeng ‘yon. Sinaktan na niya kapatid ko eh!


Tuwang-tuwa si Kat kay Tabi and she said Tabi’s her new best friend. I’m pretty sure magtatampo si Karina kapag narinig niya ‘yon. Speaking of Karina, she said na doon daw siya sa condo ni Ate Krystal matutulog dahil nga naman boding na rin with her family. Same with Gigi kaya heto, kaming dalawa lang ni Ning ang naiwan sa bahay. 


“Gusto mo bang kumain? Pagluluto kita,” alok ko kay Ning nang ibaba namin sa sala lahat ng pinamili namin. 


“Busog pa ‘ko,” sagot niya. “Mauna na ako umakyat. Lock mo nalang pinto ha?” 


Tumango ako at pinagmasdan lang ang best friend ko na parang pagod na pagod sa ginawa namin today. I guess nagtatampo na siya sa akin dahil nga doon sa topic na pag-iisipan ko pa kung sasama ako sakanya sa condo niya if ever. 


Ewan, bahala na.


Kinuha ko na ang pinamili ko kay Tabi and made sure na nakalock na ang pinto bago umakyat sa kwarto ko. Aayusin ko pa kasi yung new bed ni Tabi at yung mga laruan na pinamili ko for her. Hindi ko siya binilhan ng cage dahil ayaw ko namang ikulong yung aso ko. As much as possible, gusto ko sa kwarto lang siya. I’ll potty train her nalang para iwas linisin.


After an hour or so, natapos na ako sa pag-aayos at nakapag hilamos na rin ako. When I checked my phone, saktong lumabas ang contact name ni Karina. She wants to Facetime kaya naman napangiti ako agad at sinagot ang tawag.


Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
hakinxg 0 points #1
Chapter 74: ghosted na ba?😞
hakinxg 0 points #2
Chapter 74: ghosted na ba?😞
lilili_oli #3
Chapter 74: Is this ghosted or authy is just resting? I hope it’s the latter. 😭😭😣
lststrinunvrse #4
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #5
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#6
Chapter 36: loveit
queenforsythe #7
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #8
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#9
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #10
Tooor